Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Takipsilim
DISYEMBRE 2022
IKA-3 GRUPO
ISSUE 3 VOL 11
0 3
Talaan ng Nilalaman
E-MAG Disyembre 2022
Mga Lumikha
0 4
Ang mga Artikulo
2 1
Maze
1 6
Puzzle
2 2
Ang mga
Panata
1 7
Kilalanin ang mga
Miyembro
GA LUMIKHA
ADRIEL AMURAO ANDRE NG ALDREY GAURANA
content writer content writer content writer
JEXTER CHUA JULIENNE CHUA JULLIANE ORTEGA
content writer content writer content writer
KACER OCSAN SOPHIA NARIO SOPHIA REYES
content writer content writer content writer
TREVOR RAMIREZ
editor-in-chief
TRISHA AÑONUEVO
layout artist/
content writer
SI Magellan at ang
mga Espanyol
BY: TREVOR RAMIREZ
Sa ika-20 ng Septyembre taong 1519, sinimulan ng isang sundalong mula
sa Portugal ang paglalayag patungo sa silangang bahagi ng mundo. Siya
ay si Ferdinand Magellan. Ang kanyang pangunahing layunin sa pagtungo
sa Silangan ay upang mahanap ang isla ng mga Rikado o ang Spice
Islands. Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon ng maling kalkulasyon si
Magellan kung kaya’t naligaw sila at imbis na makarating sa Spice Islands
ay napunta sila sa isang grupo ng mga isla sa Samar, na kanyang tinawag
na “Arkipelago ni San Lazaro”.
Ang kasaysayan ay nagtitiis ng hindi mabilang na mga pagpuna at
rebisyon, isa na rito ang iba't ibang pananaw ng isang indibidwal.
Ipinagtanggol ng maraming Espanyol na ang mga resulta ng mga
paglalayag ni Magellan sa pagtuklas ni Magellan ay, sa kanilang sarili, mga
gawa ng katapangan, at ang mga resulta ng kanyang mga paglalakbay ay
makabuluhan sa pagpapabuti ng buhay para sa marami. Gayunpaman,
ang iba ay nangangatuwiran na ang kanyang mga aksyon ay hindi ang
pinaka-bayani at hindi gaanong kanais-nais, lalo na tungkol sa kanyang
pagtatangka na sakupin ang Mactan Island.
Malawakang ipinagdiwang si Lapu-Lapu bilang Unang bayaning Pilipino
na nanalo sa conquistador na si Ferdinand Magellan sa kanilang
pagtatangka na kolonihin ang Isla ng Mactan. Isa sa mga policies na
ipinatupad ng mga Espanyol ay ang Reduccion na nagbigay daan para sa
pagkakaroon ng social classes (principalia, indio, peninsulares, insulares)
sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga rason kung bakit nawalan ng pagkakaisa ang
mga Pilipino. Isa pa ang pagpapakilala nila ng Katolisismo sa bansa. Dahil
sa Katolisismo ng mga Kastila, tayo ay mga Kristiyano ngayon. Bukod dito,
nagkaroon din sa Pilipinas ng Polo y Servicio o ang tinatawag na forced
labor. Ito ay ang pagpilit sa mga Pilipino na magtrabaho para sa mga
Kastila pagtungtong nila ng edad 16 hanggang edad 60. Dahil sa Polo y
Servicio, maraming rebelyon ang naganap at nagsimula nang matanto ng
mga Pilipino na ang habol lang ng mga mananakop ay ang pabor sa
kanilang mga interest.
Lagi nating tinitingnan si
Magellan bilang
contravida? Tama ba iyon?
BY: ANDRE NG
Ang pangalan ni Ferdinand Magellan ay tatak sa kasaysayan ng Pilipinas
hanggang ngayon. Kilala siya bilang isang manlalakbay na malapit sanang
sakupin ang Pilipinas kung hindi siya pinigilan ni Lapu-Lapu, isang pinuno
at Datu sa Mactan na sinakripisyo ang buhay upang ma protektahan di
lamang ang kanyang tribo kundi ang buong Pilipinas sa kamay ng
espanya. Kung titignan natin sa mata ng mga Pilipino at sa mga nakasulat
sa ating kasaysayan, masasabing isa nga siyang kontrabida sapagkat
tinangka niyang sakupin ang ating bansa at baguhin ang ating relihiyon.
Dahil sa kanyang pagkamatay, mas gigil ang espanya na sakupin ang
ating bansa at iyon nga ay nangyari.
Pero kung titignan natin sa aspeto ni Magellan at ng ibang nakasulat sa
kasaysayan na hindi galing sa Pilipinas, hindi siya maituturing na
kontrabida sapagkat isa lamang siyang manlalakbay na nais ituro ang
relihiyong kristiyanismo. Isa siyang manlalakbay ng espanya na galing
portugal at napagutusan lamang na humanap ng isang isla na kanilang
masasakupan, sa kasamaang palad, napadpad siya sa ating bansa. Isa sa
bagay na nakadikit kay Magellan na hanggang ngayon ay ating nakikita ay
ang Magellans Cross na kung saan nagsisimbolo ng pagkalaganap ng
Kristiyanismo (Roman Catholic Faith) sa Cebu.
Isa nga siyang kalaban o hindi sa tingin ng iba ngunit sa huli, hindi natin
mababaliwala kung anong nakasulat sa kasaysayan kahit na maganda ang
kanyang tunay na intensyon sa lugar natin, na magpalaganap ng bagong
relihiyon na hangang ngayon ay gingamit natin. Nakatatak siya sa
kasaysayan bilang isa sa mga taong nakalaban ng ating unang
tagapagligtas na si Lapu-lapu at makikita parin siya sa susunod na
henerasyon bilang isang kalaban. Pero paminsan ay atin ring tignan kung
ano ang nakasulat sa ibang teksto tungkol sa kanya upoang magkaroon
tayo ng bukas na pag-iisip sa kanya.
Proklamasyon ng
Kalayaan sa mga
Espanyol
BY: DREI GAURANA
Sa wakas, pagkatapos ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa
ating bansa ay nalalapit na sa kalayaan ang mga Pilipino. Sa kabila ng
ating kaalaman na ang ating bansa ay masasakop muli ng mga
Amerikano at ang pagdedeklara nila ng Hulyo 4 bilang ating araw ng
kalayaan, napakaimportante ng pangyayaring ito para sa ating mga
kapwa Pilipino noong panahong iyon.
Alam nating lahat na nangyari ito sa Kawit, Cavite sa tahanan ni Emilio
Aguinaldo, ngunit tayo ay tumungo pa sa karagdagang kaalaman
tungkol sa pangyayaring ito. Alam natin na lumuwas si Emilio Aguinaldo
patungo sa Hong Kong para panindigan ang kanilang Truce ng Biak na
Bato. Ang kanyang pagbabalik patungo sa Pilipinas ay ang naging
hudyat sa pagsisimula ng ikalawang parte ng rebolusyon, na nagsimula
sa pagdeklara ng ating kalayaan. Kasabay ng pagdeklara ng digmaan ng
US sa Espanya, kinailangan ni Aguinaldo na makapagbuo ng gobyerno
para maibuklod ang kanyang mga kababayan na sumulong sa
pakikilaban sa mga Espanyol. Para kay Aguinaldo, importante ang
pagbibigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na patuluyin ang paglaban.
Inisyu niya ang decree na naglalayong proklamahin ang kalayaan ng
Pilipinas sa mga Espanyol noong June 5, 1898, at ang seremonya ay
magaganap ng June 12, 1898. Subalit, si Apolinario Mabini (ang kanyang
unofficial adviser) ay tutol sa desisyon ni Aguinaldo dahil naniniwala siya
na mas importante ang pagsasaayos ng istruktura ng gobyerno para
makumbinsi ang mga ibang bansa na mayroong kakayahan sa
pamamahala ang gobyerno niya.
Proklamasyon ng
Kalayaan sa mga
Espanyol
BY: DREI GAURANA
Sa huli, nasunod ang desisyon ni Aguinaldo. Nang dumating ang araw ng
proklamasyon, itinalumpati ni Ambrosio Rianzares Bautista ang kanyang
isinulat na proklamasyon ng kalayaan. Ito ay nilagdaan ng siyamnapu’t
walong indibidwal, kasama si L.M Johnson ng Estados Unidos. Ang
bandila ng Pilipinas na gawa nina Marcela M. Agoncillo, Lorenza
Agoncillo, at Delfina Herbosa ay iniwagayway, at tinugtog rin ng San
Francisco de Malabon Band ang "Marcha Nacional Filipina" na ginawa ni
Julian Felipe. Sa talumpating ibinigay ni Ambrosio Rianzares Bautista,
ang pinakatumatak sa nilalaman nito ay ang kanilang pagkilala sa
kabayanihan ng ating ninuno at ni Lapu-lapu bilang simbolo ng paglaban
sa mga opresor at ng pagmamahal sa bayan.
Sa karagdagan, ang ating bandila ay nagkaroon rin ng identidad sa
pamamagitan ng pagbibigay depinisyon sa ating mga simbolo sa
watawat: ang puting tatsulok para sa KKK, ang sinag ng araw para sa
mga nangunang probinsya na lumaban, at ang mga bituin para sa mga
isla ng bansa. Sa petsang ito, Hunyo 12, 1898, nabuo ang ating identidad
bilang isang bansa, ang Pilipinas. Bunga ito ng walang katapusang
pagmamahal sa inang bayan ng ating mga bayani na hanggang ngayon
ay laganap pa rin sa ating lipunan.
MGA SULAT NI ANDRES
BONIFACIO KAY EMILIO
JACINTO
BY: KACER OCSAN
Ang mga paguusap ni Andres Bonifacio kanila Emilio Jacinto at Julio
Nakpil ay naging maproblema sapagkat sila lamang ay nakaasa sa mga
tagapagdala na makalusot mula sa mga kampo ng kanilang mga kalaban.
Sa mga sulat ni Andres Bonifacio nakasaad na karamihan sa mga
malayang lugar sa Cavite ay muling nakuha na ng mga Espanyol, at
karamihan sa mga lider ng Magdalo ay sumuko na. Kabilang din sa sulat
niya ang pagpapasawalang bisa ng mga desisyong naganap sa Tejeros
Convention.
Isinulat ito isang buwan matapos ang Tejeros Convention, nakasaad sa
mga sulat ni Andres Bonifacio ang mga kaguluhang naganap sa
sinasabing pagpupulong.
Isa sa mga importanteng bahagi sa sulat ng Supremo ay ang kanyang
pagbanggit ng pagtataksil mula sa ilang mga miyembro ng rebolusyon.
Dahil sa mga naganap sa pagpupulong tuluyan nang nagkawatak-watak
ang Samahan kung saan ginawang opisyal eto sa Acta de Tejeros at ang
Naik Military Agreement.
Ang Acta de Tejeros ay ang sulat na nilagdaan ni Andres Bonifacio
upang mapawalang bisa ang naganap na halalan sa Tejeros Convention.
Isinagawa ito noong ika-23 ng Marso taong 1897. Sa sulat na ito
nakasaad ang mga rason kung bakit hindi sang-ayon si Bonifacio at ang
kanyang mga kasama sa naganap na eleksyon.
Ang Naik Military Agreement naman ay isinagawa matapos ang Acta de
Tejeros upang bumuo ng ibang pamahalaan na hiwalay sa nabuong
pamahalaan sa Tejeros. Isinaayos ito noong ika-16 ng Abril 1897
Ang mga rebeldeng
HUK at si Magsaysay
BY: JULIANNE ORTEGA
Si Ramon Magsaysay ay isang simpleng Pilipino lamang. Dati siyang
namamahala sa isang bus liner (Cullather, 1993) at hindi matatawag na
talagang mayaman, ngunit nanalo siya sa pagkapresidente at tinalo ang
nanunungkulang presidente na si Elpidio Quirino. Subalit tinagurian
siyang America’s Boy dahil nasa likod niya ang buong suporta ng Estados
Unidos. Kahit noong siya ay nangangampanya, ang kanyang tagline o
slogan ay, “Magsaysay Is My Guy!” Ayon nga sa isang artikulo ng Time
Magazine noong 1953, ang pagkakapanalo raw ni Magsaysay ay panalo
rin ng Amerika. Pero tunay na naging makulay ang pagiging presidente ni
Magsaysay dahil nagawa niyang mapasuko ang mga rebeldeng HUK.
Nang masira ang napagkasunduan nina Taruc at Quirino, parang nawalan
na rin ng paniniwala at tiwala ang mga Pilipino sa gobyerno.
Napakaraming Pilipino ang namatay sa rebelyon at kasama na doon ang
mga inosente. Gusto rin ng Estados Unidos na tuluyang nang makitil ang
rebelyon pero nang hindi natupad ni Quirino ang ipinangakong
kapayapaan, napilitan silang maghanap ng bagong kaalyado. At si
Magsaysay ay isang instrumento upang magkaroon ulit ang Amerika ng
kapangyarihan sa Pilipinas dahil siya ay simple, hindi siya nakikihalubilo
sa mga bulok na namamahala sa lumang administrasyon na sangkot sa
katiwalian. Nangako si Magsaysay na magbibigay siya ng amnestiya sa
mga rebeldeng susuko at tutulungan pang magbagong buhay. Sa isang
banda, walang awa at kamatayan ang pangako sa mga tutuloy na
makipaglaban. Sa huli, pagkatapos mamatay ng ilang libong rebelde,
sumuko na rin ang lider na si Luis Taruc. Sikat na sikat si Magsaysay sa
mga Pilipino noong siya ay nanunungkulan dahil sa kanyang pagbabalik
sa inaasam asam na kapayapaan kaya isang trahedya talaga ang kanyang
pagkamatay nang bumagsak ang sinasakyang eroplano. Kung siya ay
nabuhay, malamang siya ay naipanalo pa niya ang ikalawang termino
bilang re-electionist at naipagpatuloy pa ang kanyang programa para sa
mga Pilipinong mahihirap.
Pamumuno ni marcos
BY: JEXTER JANZEN CHUA
Golden era nga ba talaga ang pamumunong Marcos Sr. ? Hanggang saan
ba ang katotohanan at hanggang saan ba ang limitasyon para tawaging
golden era. Una sa lahat bago magsimula ang pamumunong Marcos ay
historical at geopolitical. Ito’y historical dahil ito’y nangyari sa ating
bansa, at ito’s geopolitical ay dahil merong papel ang geopolitics kaya
ito’y nagpalaganap. Sa kasalukuyan ang debate ay umiinit sa social media
at ang naglalaban ay ang supporters nito at mga hindi tutol dito. Ang dami
nagsasabi na mas matitino at mga disiplinado ang mga tao noon sa
kanyang pamamahala dahil sa Martial Law, at higit pa doon ay ang krimen
ay mababa at ang mga kalsada at publikong lugar ay payapa dahil nawala
na ang mga salarin neto. Sapagkat ang kapalit ng kapayapaan nito ay ang
opresyon ng gobyerno sa mga karapatan pangtao, sa madaling salita ang
kapayapaan na nanaig ay ang kapayapaan ng patay. Bukod pa dito, ang
rason kung bakit ang krimen ay bumaba ay dahil ang pulisya mismo ang
gumagawa ng krimen, sa madaling salita ang krimen ay hindi nawala. Ang
pagabuso ng karapatan pangtao sa pamumunong dictatoryal ni Marcos
ay naitala ng korte ng Estados Unidos at Pilipinas. Sa kabilang banda,
mayroon din naman mga naisagawang maayos ang pamamahala gaya ng
pagbuo ng mga imprastraktura gaya ng CCP, iba’t ibang center, at
highway subalit, ang bansa’y nabaon sa utang na kailangannatin bayaran
ng 40 na taon o hanggang sa taon ng 2025. Sa mga ebidensyang ito
madami pa din nagsasabi na hindi siya ganon kasama, kumpara sa
kurapsyon na meron ang Pilipinas ngayon. Ano nga ba talaga ang mga
naransanan o nangyayari sa panahon ni Marcos Sr ? ito ay nagdedepende
sa perspektibo ng isang tao. Ito be ay isang golden era ng kapayapaan at
kaunlaran kung tayo ay nagpapaniwala lamang sa kung saan, o ito ba ang
golden era ng kurapsyon, pangaabuso, utang, at kahirapan kung siya’y
nagbabasa ng mga dokumento at iba pang artikulo.
Dahilan ng pangulong
marcos sa pag deklara
ng martial law
BY: ADRIEL AMURAO
Ang pagpapatupad ng batas militar ng isang pamahalaan, lalo na bilang
reaksyon sa isang emerhensiya kung saan ang mga pwersang sibil ay
mas marami o nasa isang sinasakop na teritoryo, ay ang pagsususpinde
ng batas sibil o ang direktang pangangasiwa ng militar sa mga regular na
gawaing sibiko. Noong September 21, 1972 nagdeklara si Dating
Pangulong Marcos sa ilalim ng Proclamation No. 1081 o mas kilala bilang
Martial Law sa kadahilanan ng paglakas ng mga komunista sa bansang
tumatangkang pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas noong mga
panahong iyon. Sa kadahilanang nabangit, nararapat lang na idineklara
ang batas militar dahil sa kawalan ng civil authority gumana, ganap na
wala, o naging hindi epektibo. Buhat nito ay ang magulo at kawalan ng
kapayapaan at tangkang pagkasira ng gobyerno kayat sinuspinde ng
batas militar ang lahat ng umiiral na batas upang mabawasan ang mga
kasalukuyang problema at humingi ng kapayapaan at kaayusan sa
komunidad. Masasabing naging matagumpay naman ang kanilang layunin
subalit may ibang aspekto na nagamit ang ipinagkaloob na kapangyarihan
sa hindi magandang paraan.
Binawi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Wreath of Habeas
Corpus, o ang Karapatan ng bawat Pilipino na tumanggap ng nararapat na
proseso bago mahatulan na nagkasala at bitayin, noong panahon ng
Martial Law. Dahil dito, mas naging simple para sa gobyerno na hulihin
ang mga sibilyan, partikular ang mga estudyanteng lumalaban sa
gobyerno dahil naniniwala sila na sila ay komunista. Dahil sa tumitinding
pagkagutom sa katarungan ng mga Pilipino at sa kadalian ng paghuli ng
mga pulis sa mga tao, maraming tao ang nakuryente, ginahasa, at
sinaktan ng mga kawayan. Hindi na ipinaalam sa pamilya kung ano ang
nangyari sa iba pang mga biktima dahil pinatay na ang mga ito. Buhat ng
samut saring nangyari at iba ibang mararahas na kwento ng Martial Law,
masisilayan natin ang pagmamalupit at pangangahas na nangyari kahit pa
man ang nagudyok sa pagdeclara ng Martial Law ay makatarungan,
ngunit ang mga hindi kanais nais na pag gamit ng kapangyarihan ang
naging mali sa Martial Law.
People Power Revolution:
Ang ‘Bloodless Victory’ na
Huminto sa ‘Bloodshed’
BY: SOPHIA REYES
Ang EDSA Revolution ay kilala bilang isang haligi ng kapayapaan—isa sa
mga kababalaghan sa daigdig na nagtipon ng humigit-kumulang 2
milyong sibilyan mula sa lahat ng antas ng pamumuhay upang
mapayapang ibagsak ang diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, na
naghahatid sa isang bagong panahon ng tunay na demokrasya at
kalayaan.
Ngunit may dahilan sa likod ng bawat rason. Isang layunin na nag-uudyok
sa mga tao na magawa ang dating inakala na 'imposible.' Ang pagpaslang
kay Ninoy Aquino at ang hindi makataong paglabag sa karapatang pantao
ay parehong naging dahilan ng pagpapanumbalik ng demokrasya.
Bago ang isang walang ‘bloodless’ ay itinuturing na isang opsyon, sa
panahon ng rehimeng Marcos, ang mga naglakas-loob na magpahayag ng
kalayaan (ex. Mga mamamahayag) o lumihis sa status quo ay nahaharap
sa hindi makataong mga parusa na nagpapakuwestiyon sa iyong
pagkatao. Ang kilusang Lapiang Malaya, halimbawa, ay nagtipon ng
mahigit 500 katao noong Mayo 20 sa punong-tanggapan ng Taft Avenue
sa Pasay City upang lumahok sa isang parade-demonstration. Ang
pagtitipon ay nagresulta sa mapanirang pagkakasangkot ng The
Philippine Constabulary, na nagresulta sa isang tangkang pagpatay ng
tao. Tinatayang 358 katao ang inaresto, at 32 katao ang idineklara na
patay. Tumanggi ang Philippine Constabulary na tanggapin ang
responsibilidad o pananagutan sa masaker at sa kanilang mga
pagkakamali hanggang ngayon.
People Power Revolution:
Ang ‘Bloodless Victory’ na
Huminto sa ‘Bloodshed’
BY: SOPHIA REYES
Ang lahat ng tensiyon na ito, gayunpaman, ay sumiklab sa ugat ng EDSA
Revolution, ang pagpaslang kay Ninoy Aquino. Si Ninoy Aquino ay bumalik
sa Pilipinas mula sa pagkakatapon noong Agosto 21, 1983, at binaril ng
patay pagdating sa Manila International Airport. Ito ay isang wake-up call
para sa maraming Pilipino. Sa panahong ito din nagsimulang magtanong
ang maraming mamamayan sa status quo. Makalipas ang tatlong taon,
lumakas ang boses at oposisyon ng mga tao. Ang balo ni Ninoy Aquino, si
Corazon Aquino, ang namuno sa oposisyon at tumakbo laban sa dating
Pangulong Ferdinand Marcos. Noong Pebrero 7, 1986, ginanap ang snap
elections. Nagpahayag ng tagumpay ang magkabilang panig. Noong
Pebrero 9, lumabas ang mga tabulator mula sa Commission on Elections
sa PICC Plenary Hall, na sinasabing pinakialaman ang mga resulta ng
halalan. Nabalisa ang mga Pilipino sa mga sumunod na linggo—nagkaisa
upang buuin ang People Power Revolution.
Kaya, napakalaking pagpapala na sinira ng People Power Revolution ang
siklo ng pagkabaliw at nag-alok ng kapayapaan at demokrasya para sa
milyong Pilipino. Ito ay noong sama-samang binawi ng bansa ang ating
mga kalayaan. Dahil dito, kailangang ipagpatuloy ang pagtuturo sa ating
kasaysayan, upang tamasahin ang kalayaang ibinigay sa atin ng People
Power noong 1986 at laging maging mapagbantay laban sa maling
impormasyon.
Bayan sa Ilalim ng
Amerika
BY: JULIANNE CHUA
Hunyo 12 nanaman? Naging malaya ba talaga ang mga Pilipino sa araw na
yan? Noong Hunyo 12, 1898 ay nagkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino
pagkaraan ng mahabang panahon. Ngunit, magkaiba ang tingin ng mga
Pilipino sa araw na ito dahil talagang malaya tayo sa kolonyalismo noong
Hunyo 14. Maraming pinagdaanan ang mga Pilipino sa ilalim ng Amerika.
Sa lahat ng hirap at dinanas ng mga kababayan natin, hindi maiiwasang
magkaroon ng galit na emosyon dahil dito. Ngayon, sa kabila ng medyo
magandang relasyon sa Amerika, hindi natin dapat kalimutan ang
kasaysayan at ang pinagdaanan ng mga Pilipino noon. Mahalaga ang
nangyari noon, at hindi dapat ito basta bastang binabale wala.
Pagusapan natin ang Balangiga Massacre, ang patayan na naganap
pagkatapos maikulong si Emilio Aguinaldo noong Setyembre 1901. Ang
nangyari dito ay nilusog ng mga taong bayan ang mga Amerikano habang
kumakain sila. Dahil sinakop ng mga Amerikano ang mga Pilipino, ito ay
isang paraan ng mga Pilipino para humiganti, kung tutuusin. Pagkatapos
ng iilang buwan, gumanti ang mga Amerikano at sinunog ang mga bahay
at pumatay ng mga lalaking sampung taong gulang at pataas. Dahil sa
insidenteng ito, ang Samar ay naging isa sa mga mahihirap na lungsod sa
buong Pilipinas. Pagkatapos nito, kinuha ng mga Amerikano ang
Balangiga Bells at tinuring bilang isang tropeo dahil sa kanilang “panalo.”
Ilang taon ay lumipas, sinusubukan ng Pilipinas na maibalik ulit ang
Balangiga Bells galing sa Amerika, ngunit hindi sila pumapayag.
Pagkatapos ng 117 na taon, naibalik na ang mga Balangiga Bells sa
Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng dating presidenteng Duterte. Isa ito sa
mga importanteng araw para sa mga mamamayang Pilipino dahil ilang
taong nagintay ang mga Pilipino para sa araw na ito. Noong naibalik ang
Balangiga Bells, napakaraming emosyon ang nailabas ng mga kababayan.
Isa ito sa mga patunay na hindi nakalimutan ng mga Pilipino ang
kasaysayan.
Bayan sa Ilalim ng
Amerika
BY: JULIANNE CHUA
Binigyan tayo ng kalayaan ng mga Amerikano sa huli. Binigyan nila tayo ng
kalayaan na nararapat nating mga Pilipino. Gayunpaman, sinakop nila tayo
at hindi natin dapat kalimutan iyon. Para sa mga Amerikano, maaaring ito
ay isang magandang panahon; pero para sa mga Pilipino, mahirap ang
panahon. Ang kolonyalismo ay kasamaan lamang at hindi dapat
magkaroon ng katwiran para dito. Walang nagnanais na sakupin ng
Amerika ang Pilipinas, at ang mga Pilipino ay lumaban ng mahabang
panahon para sa ating kalayaan mula sa impluwensyang Amerikano.
Matapos ang lahat ng pinagdaanan ng mga Pilipino, hindi dapat kalimutan
ang ating kasaysayan sa Amerika.
Oo, ang mga Amerikano at ang mga Pilipino ay nasa mabuting relasyon
ngayon. Gayunpaman, ang kanilang pagkuha sa Pilipinas ay imoral
lamang. Napakasama nila dahil napakabuti nila. Ipinangako ng mga
Amerikano ang ating kalayaan, ngunit nangyari ang digmaan at binago
nito ang ating buong buhay.
Hamon sa Kasarinlan:
Demokrasyang Elit at
Neokolonyalismo
BY: SOPHIA NARIO
1946, ang taong pinakahihintay ng mamamayang Pilipino — ang
pagkamit ng kasarinlan ng ating mahal na bansa. Ngunit, ang
demokrasyang ito ay nagtaglay lamang ng boses sa piling mamamayan.
Ang mga taong nakakaangtat lamang — ang mga elit, ang may lakas at
boses sa sariling bayan.
Ito nga ba ang ibig sabihin ng totoong demokrasya?
Demokrayang pinilit para sa iilang Pilipino lamang—para sa elit. Kaya
nama’y sa kabila ng pagkakatatag ng demokrasya at kalayaan sa mga
Amerikano, ang mga may yaman lamang at may edukasyon na marunong
mag-Ingles at Kastila ang may kakayahang magkaroon ng boses. Ang
karapatang bumoto ay isa rin sa karapatan ng mga Pilipino sa
demokrasyang pamahalaan ngunit pati mga kababaihan ay ipinagkaitan
ng karapatang mamili ng kanilang lider. Dagdag dito, ang mga taong nasa
pulitika ay puno ng mga lider na elit at ito’y isa sa dahilan kung bakit
nahihirapan ang pamahalaang ayusin ang mga problema ng ordinaryong
mamamayan pagdating sa kahirapan, opresyon, at kawalan ng hustisya
sapagkat isang malaking suliranin kung hindi nakababa o hindi
nararanasan ng mga lider ang mga nararanasan ng mamayang Pilipino. At
nagmula pa rito ang paglaganap ng political dynasty, kung saan ang
pamilyang elit lamang ang may hawak sa kapangyarihang pulitikal ng
bansa at higit na hindi ito nakatutulong sa pag-ahon ng mga taong gipit at
nasa laylayan ng lipunan. Naging malaki rin ang epekto ng pagiging elit
pagdating sa kultura sapagkat sa kanila nagsisimula ang mga stereotype
o trends kung ano ang popular at dito nakatatag ang perspektibo kung
ano ang “maganda,”at iyon ang magiging tinatawag na trend o mas
tinatangkilik.
Hamon sa Kasarinlan:
Demokrasyang Elit at
Neokolonyalismo
BY: SOPHIA NARIO
Kasabay ng demokrasyang elit ang paglaganap ng neokolonyalismo sa
bansang Pilipinas. Dahil sa kakatapos lang na digmaan, nag-iwan ito ng
wasak na kultura at kaakibat ng pagguho ng mga pisikal na elemento ng
kasaysayan katulad ng Intramuros ay kasabay na nawala ang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagbibigay halaga sa kasaysayan ng
ating bansa. Nagbukas ito ng iba’t ibang posibilidad sa kinabukasan ng
bansa at ito’y tuluyang humantong sa neokolonyalismo. Bagama’t hindi ito
direktang pagsakop na gumagamit ng dahas at dugo, ito ay isang paraan
ng pananakop sa kasarinlan ng bayan—ginagamit ang lakas at kultura ng
banyagang bansa bilang sandata upang sakupin ang puso’t isipan ng
mamamayang Pilipino. Kahit tayo’y nakalaya na, hindi ito ganap na
kalayaan sapagkat ang Estados Unidos ang naging “pamahalaang anino”
natin. Nagpadala sila ng guro mula sa Amerika upang turuan tayo ng
wikang Ingles, ipalaganap ang kultura at musika ng Amerika, ipakilala ang
kanilang pagkain at higit sa lahat ay iparanas sa atin at itatag sa isipan ng
bawat Pilipino na kailangan natin sila para guminhawa ang buhay ng mga
Pilipino. Dagdag dito, ang paglagda ng Pilipinas sa Philippine Bases
Agreement kung saan nagtatag ng base militar ang mga Amerikano sa
bansa natin ay isa sa kanilang paraan sa pagkontrol sa ating bansa.
Sa kabuoan, di natin maikakait na naging parte na ng kasaysayan ng
Pilipinas ang pagsakop ng Amerika sa ating bansa, at ito’y naging dahilan
ng kolonyal na mentalidad ng Pilipinas at pagkakaroon ng inferiority
complex ng mga Pilipino. Ipinakita ng mga Amerikano na “they’re a
winning country” ika-nga ni Lino Brocka, kaya nama’y iba talaga ang
pagkahumaling ng Pilipinas sa Estados Unidos. Nakita ng mga Pilipino na
sila ang solusyon sa mga problema ng bansa ngunit nakita rin ng iba na
isa itong hadlang sa ganap na kalayaan ng ating bansa at ito’y nagdala ng
pagkakaroon ng oposisyon—ang hukbalahap rebellion.
the propaganda
movement
BY: TRISHA AÑONUEVO
Ano nga ba ang Propaganda Movement o Kilusang Propaganda? Upang
lubos na maintindihan ito ay dapat muna nating kilalanin kung sino at ano
nga ba ang mga Ilustrados. Sa pagkabuwag ng Real Compana de Filipinas
o Royal Company of the Philippines ay nagbukas ang mga daungan at
porto sa Pilipinas. Nagresulta ito sa pagpapadalá ng mga kalakal sa ibang
lupain at dahil dito ay tumaas ang pangangailangan sa ating mga pananim
at produkto na kalaunang nagbunga sa pagtatatag ng mga hacienda kung
saan nabigyan ng pagkakataon o oportunidad ang indio at intsik na
mestizo na kumita at umunlad, sila ang naatasan na mamahala sa mga
hacienda at sila ay tinawag na Inquilinos o tenants. Kasabay ng kanilang
pag-unlad ay ang pagdeklara ng educational decree ng Espanya. Kung
saan nabigyan ang mga anak ng Inquilinos ng pagkakataon na magaral sa
mga institusyon sa Maynila at sa Europa na mas pinadali ng pagbubukas
ng Suez Canal sa Ehipto. Ang mga Inquilinos na nakapag-aral ay
makikilala bilang mga Ilustrados dahil sa kanilang natamasa na edukasyon
at pag-angat sa lipunan.
Ang mga Ilustrados ang mga mangunguna sa pagpuna sa pamamahala ng
Espanya sa gobyerno at sa simbahan. Ilan sa mga Ilustrado ay sila Padre
Jose Burgos at Pedro Pelaez na humiling na maibigay sa mga Pilipino na
pari ang pamamahala sa mga lokal na parokya at maging pantay ang trato
sa mga Pilipino na pari at Espanyol na prayle. Naibasura ang kanilang mga
hiling at sumunod dito ang kaganapan ng pagaaklas sa Cavite kung saan
nabitay si Padre Jose Burgos kasama ang kanyang mga kapwa pari na si
Padre Mariano Gomez at Jacinto Zamora. Nagresulta ito sa pagkabuo ng
Kilusang Propaganda na kinabibilangan ng mga Ilustrados gaya ni Dr.
Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, Jose
Maria Panganiban, at Antonio Luna. Naitatag ng Kilusang Propaganda ang
dyaryong La Solidaridad na nagsisilbing boses ng mga Pilipino sa
Espanya. Si Graciano Lopez Jaena ang naging unang editor ng nasabing
dyaryo at sumunod naman sa kanya si Marcelo H. Del Pilar, ilinalathala sa
publikasyon ang kasalukuyang kondisyon ng bansang Pilipinas sa ilalim
ng Espanya. Layunin ng kilusang propaganda na makapagpatupad ng
reporma sa Pilipinas at labanan ang pang-aapi at kawalang-katarungan sa
mga Pilipino ngunit hindi pumayag ang Espanya sa kanilang mga reporma
dahil na rin sa kalagayan at sigalot sa gobyerno ng Espanya noong mga
panahong iyon at hinarang din ng mga prayle ang mga layunin at proyekto
ng kilusan.
marcos
indio
gomburza
ilustrado
hukbalahap
inquilino
kilalanin
Trisha Añonuevo
Ako si Trisha kasalukuyang tinatapos ang aking kurso sa Sikolohiya, bata pa
lamang ako ay lagi ng pinapaalala at binibigyang diin ng aking mga
magulang at mga lolo’t lola ang halaga ng edukasyon. Simple lamang ang
kaligayahan ko at ito ang makakuha ng matataas na marka at mapasaya
ang aking mga magulang. Masasabi na masigasig ako sa pag-aaral lalo na
at mataas ang aking pangarap sa buhay. Nais ko na makapagtapos at
maging doktor sa hinaharap. Mahilig din ako sa mga aso, at meron akong
Siberian Husky na nagngangalang Cobby. Paborito ko rin ang panonood ng
mga pelikula, mapa Ingles,Tagalog,Tsino, Korean, Indian at Japanese ay
pinapanood ko kaya nga’t halos napanood ko na lahat ng palabas sa Netflix
at Telebisyon.
Julianne Ortega
Ako si Julliane na kasalukuyang kumukuha ng programang Marketing
Management. Mahilig akong magbasa ng kahit ano lalo ang tungkol sa
kasaysayan, partikular ang patungkol sa pananakop ni Alexander the Great,
ang labanan nina Vercingetorix at Caesar, ang malagim na Black Dinner, at
ang Crusades at Knights Templar. Interesado rin ako sa kultura at
pinanggalingan ng mga Māori dahil may teorya na ang ibang grupo ng
kanilang lahi ay hindi galing ng Taiwan kundi sa Egypt at napadpad sa
Mexico, Easter Island, at Aotearoa gamit lamang ang kanilang waka. Dahil sa
aking matalas na memorya, marami rin akong natatandaan na mga facts na
nakukuha ko sa pagbabasa at panonood ng mga dokyumentaryo. Mahilig rin
ako gumuhit, magsulat, at mag muni-muni tungkol sa mga bagay na hindi
maintindihan.
Trevor Ramirez
Ako ay si Trevor Ramirez o kilala bilang “Trev” na kasalukuyang
kumukuha ng programang Manufacturing Engineering
Management. Ang aking mga hilig ay kumanta, tumugtog ng gitara
at maglaro ng basketball. Isa sa aking pangako sa aking mga
magulang bilang isang estudyante ng De La Salle University ay
maiipakita na binibigyan ko ng halaga ang edukasyon. Pangarap ko
makatapos with high grades at makapag trabaho sa Australia
bilang isang successful na engineer.
Adriel Amurao
Inilalarawan ni Adriel ang kanyang sarili bilang isang masayahin,
optimistiko, at mabait na tao na naghahangad na isipin ang iba bago ang
kanyang sarili. Siya ay naghahangad na maging isang tycoon balang araw at
makabuluhang magbigay pabalik sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga trabaho at pagpapangalaga sa buhay ng mga tao. Ang pagiging isang
negosyante ay naging bahagi ng kanyang buhay, na hinubog ng kultura at
pagtuturo ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Patuloy siyang naghahanap
ng mga pagkakataon upang paganahin ang mga bagong merkado na umunlad
at magdala ng pagbabago at positibo sa ating ekonomiya at lipunan. Bagama't
marami siyang ligaw na propesyonal na mga pangarap, naniniwala siya na
ang kapalaran ang nagdala sa kanya sa negosyo at nagsimulang mahalin ang
industriya, na balang araw ay gusto niyang kilalanin, at ilagay ang iba pang
mga pangarap para sa kanyang susunod na buhay, o sa multiverse. , kung
mayroon man.
Jexter Chua
Magandang araw po sa inyo ako po si Jexter Chua tinatawag ako ng
mga kaibigan ko na Jex o Jexter, sa kasalukuyan ako ay nasa ika 4 na
taon ko na sa kolehiyo at ako ay kumukuha ng BS Business
Management. Sa aming pamilya ako po ang bunso sa limang
magkakapatid. Tatlo kaming lalaki at dalawa naman ang babae
kami magkakapatid at lahat kami ay Lasalyano.
Aldrey Gaurana
Magandang araw! Ako si Drei, kumukuha ng kurso sa Game Development.
Noong ako pa ay bata pa, nagkaroon na ako ng hilig sa video games at ang
paggamit sa kompyuter. Noong nalaman ko na mayroong kurso na may
kinalaman sa paggawa ng video games, ako ay nagalak dahil makakamit
ko sa kurso na ito ang aking nais na gawin bilang aking career. Maliban sa
aking hilig sa mga video games, madalas rin akong nanonood ng mga
“horror” movies mula 70s hanggang 90s. Kung hindi man ako naglalaro o
nanonood ng mga pelikula, makikita niyo po akong naglalaro ng isports
tulad ng basketball o volleyball o siguro ako ay nagpapraktis ng pagluluto
kasama ang aking kuya na gradweyt ng Culinary Arts.
Sophia Nario
Ako si Sophia Nario at kilala bilang “Nario” dahil marami nang Sophia sa
mundo kaya nama’y ginamit ko na lamang ang aking apelido. Sa aking mga
kaibigan, kilala ako bilang masiyahin, maingay at laging madaldal sapagkat
mahilig ako makipagkwentuhan at bilang bahagi ng teatro, napakanatural sa
akin ang makipagdaldalan at maging maingay sa mga isyung laganap sa ating
bansa. Mga ganap sa aking paligid, chismis sa mga kaibigan, problema sa
pamilya at buhay at mahilig din ako makipag-argumento sa mga isyung
panlipunan. Dagdag dito, ang aking kinukuhang kurso ay Southeast Asian
Studies dahil nahumaling ako sa kultura ng iba’t ibang bansa sa Southeast
Asia. Kaakibat nito, bilang pampalipas oras, mahilig ako makinig sa Thai
music lalo na si Jeff Satur at mahilig ako manood ng Asian movies.
Sophia Reyes
Ako si Sophia George A. Reyes isang 2nd-year undergraduate na estudyante
na kumukuha ng BS in Psychology. Ako ay nakatuon sa indibidwal na
naghahangad na maging isang katalista para sa mga tao, na nagtataguyod
para sa mga karapatang pantao at kalusugan ng isip. Walang pasubali na
masigasig sa paglilingkod sa bansa sa pamamagitan ng mga organisasyon,
serbisyo sa komunidad, mga malikhaing output, pamamahayag, at mga
proyekto. Ang isang matatag na naniniwala na ang makatotohanang
impormasyon ay hahantong sa matalinong mga mamamayan at mga
pagpipilian. Gagawin din ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang
makamit ang isang mundo ng katarungan nang hindi nakakalimutang
magbigay ng inspirasyon, tumulong, at magbigay ng kapangyarihan sa mga
tao. Pinalalakas ng isang tao ang mga taong nasa pinakamahina sa kabila ng
mga paghihirap na kanyang kinakaharap. Mayroon siyang kamanghamanghang
kuwento na sasabihin, maraming tao na magbibigay-inspirasyon,
at isang mahabang paglalakbay upang malutas.
Julienne Chua
Ako si Julienne! Kinukuha ko ang kursong Bachelor of Science in
Entrepreneurship, minor in Economics sa De La Salle University-Manila. Ako
ay isang manlalangoy noong ako ay bata, at mula noon ay nag-e-explore na ako
ng iba pang water sports tulad ng scuba diving, free diving, at water polo.
Gustung-gusto kong nasa tubig dahil nagbibigay ito sa akin ng kapayapaan.
akakatulong ito sa akin na ma-destress pagkatapos ng mahaba at mahirap na
araw. Bukod dito, mayroon din akong iba pang libangan tulad ng pagbabasa,
pagpipinta, paglalakbay, at pagdidisenyo ng damit. Purong Chinese ako at
lumaki ako sa Filipino-Chinese environment. Gayunpaman, hindi ito naging
hadlang sa akin na matuto pa tungkol sa ating bansa at sa kasaysayan nito.
Andre Ng
Ako si Andre Ng isang BS-Entrepreneuship student na nagaaral sa
De La Salle University and mga hobby ko ay maglaro ng basketball,
golf, at kumain. Noong bata ako ay kilala na bilang taong mabilis
makisama at “happy go lucky” at gusto ko mapanatiling ganon ang
tingin saakin ng mga tao. Ako rin ay isang full chinese na nag aral sa
chinese school na Jubilee Christian Academy noong highschool.
Kacer Ocsan
Hello! Ako si Kacer Ocsan isang BS-IET student mula sa De La Salle
University. Ang aking mga kasalukuyang kinakahiligan ay ang maglaro
ng computer games, basketball, at magguhit. Mahilig din akong
mangolekta ng mga sapatos at mga art pieces mula sa local at
international na artists. Nais ko ding maging isang ganap na artist
pagdating ng panahon.
maze
PANATA SA
BAYAN
Amurao
Bilang isang negosyante balang araw, nais ko maka pagbuo
ng maraming trabaho para sa kapwa ko Pilipino at
makatulong sa paglago ng kani-kanilang mga buhay. Sa
pansarili, sisiguraduhin kong magbayad ng tamang buwis at
pagnenegosyong legal lamang na susi sa ikauunlad ng ating
inang bayan.
Anonuevo
Bilang isang mamamayang Pilipino,
Isusulong ko ang pagmamahal sa ating bayan
Isusulong ko ang hindi pagkalimot sa mga sakripisyo ng
ating kapwa Pilipino
Tutulong ako na palawakin at palaganapin ang kaalaman ng
kasalukuyang henerasyon ukol sa kasaysayan
Ito ang aking tulong at panata sa inang bayan
Jexter Chua
Bilang isang estudyante sa aspetong pagnenegosyo, sa hinaharap ako
ay nangangarap na maging isang malaking negosyante, at bilang isang
mamamayang Pilipino, ipinalaganap sa aming mga estudyante ang RVR
COB Code of Ethics at kung saan tinuturuan kami ng mga wastong
paraan kung paano maging isang magaling na negosyante at isang
mamayan. Dahil itinuro na iyon ako’y nakapagisip na bilang isang
negosyante ang tanging maitutulong ko sa kapwa Pilipino ay ipalaganap
ang patas at maayos na patakaran sa aking mga susunod na negosyo.
Julienne Chua
Bilang isang business student, gusto kong makapagbigay ng mas
maraming oportunidad sa trabaho sa mga Pilipino. Bukod dito, nais
kong makatulong sa mga organisasyon sa bansa at maipalaganap
ang higit na kamalayan sa kanilang layunin. Gagawin ko ang aking
makakaya upang bigyan ang mga tao ng mas maraming
pagkakataon.
Gaurana
Bilang isang Pilipinong Game Developer, naniniwala ako sa potensyal
na lakas ng ating bansa para maging isang sentro ng “game
development” dito sa Asya at maging kilala sa buong mundo.
Gagawin ko ang aking parte na ipamalas sa ibang mga bansa ang
kagandahan ng kultura at ng mga lugar sa ating bansa sa
pamamagitan ng mga video games bilang midyum ng pagsasalaysay
ng ating istorya.
Nario
Bilang isang Pilipino at isang student-artist ng Pamantasang
De La Salle, makatutulong ako sa aking bayan bilang aktor
sa pamamagitan ng paggamit ng aking boses sa teatro
upang ilathala ang mga isyung ganap sa ating bansa—upang
maging instrumento at tagamulat ng mga Pilipino. At upang
matupad ang aming hangarin na maging teatrong tumutugon
sa masang Pilipino.
Ng
Bilang isang BS-entrepreneuship student gumagawa kami
ngayon ng negosyo na tumutulong sa mga non-
governmental orgranizations upang may maitulong kami sa
aming filipino community na nangangailangan.
Ocsan
Bilang isang estudyante, maari kong patuloy na
pahalagahan ang bansa sa pamamagitan ng patuloy na
pagsuporta sa lokal na mga produkto ng ating bansa.
Patuloy din na pagsuporta sa mga lokal na artist para mas
lalong mapalaganap sa buong mundo ang kakayahan ng mga
Pilipino.
Ortega
Bilang isang estudyante, ang pagbibigay respeto sa ating
kultura, pagpapahalaga sa kasaysayan, at banayad na
pagwawasto sa mga hindi tuwid ang kaalaman o katuwiran
ay isang tulong na sa bayan dahil isang daan ito upang ma
preserve ang mga katotohanan, tagumpay, pighati, at
sakripisyo ng mga ninuno
Ramirez
Bilang isang estudyante at Pilipino, palagi kong ilalahad ang
pagpapahalaga sa kultura ng ating bansa. Pangako na
malaman ng mga susunod na henerasyon ang tamang
historya ng bansang Pilipinas. At mabigyan ng halaga ang
kasaysayan.
Reyes
Bilang isang mag-aaral ng BS-Psychology, ang aking degree ay isang
tool na nagbibigay-daan sa akin na magkaroon ng kakulangan sa
pagtuturo at pagsasaliksik—na mahahalagang upang malinang ng
pundasyon sa Law at Medicine. Pinalalakas nito ang aking boses sa
pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan na
maaaring makatulong sa pag-unawa at pagtuturo sa aking bansa. Ito
ay epektibong nagbibigay sa akin upang tulungan ang mga
mamamayan at palawakin ang aking kapasidad para sa pakikiramay
(kahit na ang bansa ay hindi ang pinakakaibig-ibig).
Wakas