Ang Mahiwagang Libro ni Toni
- Page 2 and 3: Sa isang bayan may dalawangmagkapit
- Page 4 and 5: Saka bilang banda, si Toni naman ay
- Page 6 and 7: Binalewala na lamang ni Toni ang si
- Page 8 and 9: Nanahimik nalamang si Toni at nagpa
- Page 10 and 11: Agad naipinakita ni Toni ang libro
- Page 12 and 13: Pagdating ni Bong sa Palasyo ay aga
- Page 14: Wakas…Ipinasa nina:Sanchez, Jeniv
Sa isang bayan may dalawang
magkapitbahay na magsasaka, ito ay
sina Toni at Bong. Ang dalawang
magsasaka ay may masaganang
gulayan sa kani-kanilang bakuran.
“Toni! Mukhang maganda ang ani natin
ngayon ah,” wika ni Bong. “Oo nga
Bong,” tugon naman ni Toni.
Inaani ni bong ang mga gulay na kanyang pananim at ibebenta ito sa
palengke. “Magkano ang kalabasa?” tanong ng mamimili. “Murang mura
lang Binibini, bente singko isang kilo.” tugon ni Bong. “Sige pabiling isa.” sagot
ng mamimili.
Saka bilang banda, si Toni naman ay
inaani ang kanyang gulay hindi para
ibenta kundi upang ipamigay sa mga
nangangailangan. Nilalakad niya ang
buong bayan upang ibigay ang mga
naani nitong gulay.
“Magandang araw Manang Marites, ito
po gulay para sa inyo.” wika ni Toni.
“Naku, salamat dito Toni pagpalain ka
nawa ng Diyos.” tugon ni Manang
Marites.
Sa bawat pasasalamat na natatanggap
ni Toni ay siyang isinusulat niya sa
kanyang mumunting libro. “Maraming
salamat dito Toni.” wika ni Terisa. “Uy,
Toni! Bakit mo ipinamimigay ang gulay
mo eh pinaghirapan mo yang itanim ng
ilang buwan.” papigil ni Bong.
“Naku wala to Bong. Maliit na bagay
lamang ang sakripisyong ginawa ko
kapalit ng sayang natatamasa ko sa
tuwing nagpapasalamat sila sa akin.”
tugon ni naman ni Toni. “Nasisiraan kana
ata ng ulo Toni. Gayahin mo nga ako
ibinebenta ko ang mga ani ko para
ipaayos ang bahay ko. Pinagpaguran mo
yan kaya dapat ikaw lang din ang
nakikinabang.
Binalewala na lamang ni Toni ang sinabi ni Bong at nagpatuloy sa kanyang
ginagawa dahil sa umaapaw na saya na kanyang nararamdaman.
Matapos ang ilang buwan na ipatayo na ni Bong ang magara at bago
nitong bahay. “Toni, tingnan mo naman ang bahay ko diba ang gara?”
pamamalaki ni Bong. “Wow! Oo nga Bong, ang ganda-ganda ng bahay
mo” sabi ni Toni. “Sabi ko naman kasi sayo ibenta mo ang mga naani
mong gulay para mapaayos mo naman yang sira-sira mong bahay” sagot
ni Bong.
Nanahimik nalamang si Toni at nagpatuloy sa pagdidilig ng kanyang gulayan.
Habang nagdidilig sina Toni, may dumating na kawal mula sa Palasyo.
“Dito ba nakatira ang magsasakang nagngangalang Toni?” tanong ng Kawal.
Ano po ang sadya niyo sa akin?” pagtataka ni Toni. “Pinapatawag kayo ng
mahal na Hari.” sagot ng Kawal.
Agad naipinakita ni Toni ang libro niyang
punong salitang "Salamat". “Kamanghamangha
ang bawat salitang Salamat na
nakasulat sa librong ito. Nakikitaan ng
kabusilakan at katotohanan ang bawat
titik na nakasaad dito.” aniya ng Hari.
Tinimbang ng Hari ang munting libro ni
Toni at kagulat-gulat na katumbas itong
ng isang sakong punong puno ng ginto.
Pagkarating ng Palasyo ni Toni ay agad
niyang binati ang mahal na hari.
“Magandang araw kamahalan, ano po
ang maipaglilingkod ko sa inyo?” pagbati
ni Toni. “Nabalitaan ko na may pag-aari
kang Mahiwagang libro. Nais kong
malaman ang laman ng librong ito.” wika
ng Hari.
Nabalitaan ni Bong ang nangyari kay Toni. Agad siyang kumuha ng makapal at
malaking libro, ito ay sinulatan niya ng salitang Salamat hanggang sa ito ay mapuno.
Pagdating ni Bong sa Palasyo ay agad na tinimbang ang librong dala nito. Ngunit
hindi inaasahang walang timbang ang librong dala ni Bong, nakahit alikabok man
lang na ginto ay hindi matumbasan nito.
Mula noon, ay hindi na muling nagdamot pa si Bong sa kanyang ani at natutunan niya
na ang pagtulong sa kapwa malaki man o maliit ay may magandang dulot sa kanya.
Wakas…
Ipinasa nina:
Sanchez, Jeniva
Karim, Norjannah
Sabelo, Micko Mharl
Abad, Zulfa
Sacandal, Fahima