Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Nobyembre 2020
Mga ginoo at binibini!
Ang tekstong iyong nakikita
ay isang e-portfolio na inilathala ng isang
grupo ng estudyante mula sa Maranatha
Christian Academy. Ito ay naglalaman ng mga
detalye ukol sa ating sariling wika ‒ ang
Filipino. Sa pagbasa nito ay may mga inilahad
na mga salita na siyang magbibigay kaalaman,
hindi lamang sa mag-aaral, kung hindi sa mga
propesiyonal din, tulad ng mga guro. ang
layunin ng e-portfolio na ito ay magbigay ng
impormasyon at mga kaalaman na ikabubuti
ng mga mambabasa
02 |
“Dahil sa pagsusulat,
masasagi mo ang mga
matatayog na egotismo ng
ibang tao. Matatapakan mo
ang mga lumpong paa ng
kasalukuyang sistema. At
maiistorbo mo ang siesta ng
lipunang masaya na sa mga
paniniwalang kinagisnan nito.
Sa pagpahid ng utak mo sa
papel, lahat yan babanggain
mo. Kasabay ng pagbangga
mo sa sariling mga takot,
kamangmangan at egotismo.”
- Bob Ong, Stainless Longganisa
03 |
05 | Akademikong Filipino
Aiza Marie Velarde
07 |Mga Anyo ng Akademikong Filipino
Lewis Alphonse Balino
09 | Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
Juliane Andrea Guilas
11 | Replekatibong Sanaysay
Juliane Andrea Guilas
13 | Abstrak
Marc Nelvin Lucero
15 | Sinopsis
Maegan Silo
17 | Bionote
Carlos John Agustin
Ano nga ba ang
Akademiko?
Ang salitang “akademiko” ay nagmula sa
mga wikang Europeo noong gitnang
bahagi ng ika-1 na siglo, partikular sa
Pranses at Medieval Latin. Ang salitang
academique ay galing sa wikang Pranses
samantalang ang academicus naman ay
nanggaling sa wikang Medieval Latin.
(Villaruz, 2020)
Tinatawag na mga larang akademik o
akademikong disiplina ang mga kurso
sa kolehiyo. Ang mga ito ay pinagpipilian
ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na
magpatuloy sa kolehiyo sapagkat nalilinag
ang mga kasanayan at natututuhan ang
mga kaalamang kaugnay ng karangalang
pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa
pagbasa, pakikinig, pagsasalita,
panonood, at pagsulat ang napauunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
(Villaruz, 2020)
Akademikong Filipino | 05
Ano nga ba ang
Akademiko?
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7,
"Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang
itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo roon." (Garcia, 2014)
Isinaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon
6 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito'y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. (Garcia,
2014)
Inilathala sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
(Nobyembre 14, 1962) na ang mga sertipiko at diploma ng
pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o
may salin sa wikang Pilipino. (Garcia, 2014)
Nakasaad naman sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
(Hulyo 10, 1974) na itinakda ang mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga
paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang
patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na
asignatura sa primarya, intermedya at sekundarya (Garcia, 2014).
Halimbawa ng
Akademikong Gawain
(Villaruz, 2020)
• Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase
• Pakikinig sa lektyur
• Panonood ng dokumentaryo
• Pakikipagdiskurso sa klase
• Pagsulat ng pananaliksik
Akademikong Filipino | 06
MGA
Anyo ng
akademikong
filipino
Malikhaing
Pagsulat Ito’y akda
na isinusulat upang
magbigay-aliw sa
mambabasa at bigyan sila
ng pag-unawa sa kanilang
buhay at sa lipunang
kanilang ginagawalan.
Akademiko Isang
institusyon na kinabibilangan
ng mga iskolar, artista at
siyentista na ang layunin ay
isulong, paunlarin, palawakin
ang kaalaman at kasanayan
pangkaisipan upang manatili
ang matataas na pamantayan
ng partikular na larangan na
tahanan ng mga iskolar.
Teknikal na
Pagsulat Karaniwang
layunin ng mga teknikal na
sulatin ay magtalakay ng paksa,
magpakita ng datos, at
magbigay-kaalaman.
Propesyonal
na Pagsulat Ito ay
nakatuon sa isang tiyak na
propesyon. Binibigyang
pansin nito ang mga
paggawa ng sulatin o pagaaral
tungkol sa napiling
propesyon ng isang tao.
Anyo ng Akademikong Filipino | 07
Dyornalistik na
Pagsulat Pagsulat
na tumutukoy sa mga
sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Saklaw
nito ang pagsulat ng
balita, editoryal, lathalain
at iba pang akdang
mababasa sa mga
pahayagan at magasin.
Reperensyal na
Pagsulat Naglalayong
magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil sa
isang paksa. Binubuod ng isang
manunulat ang ideya na ibang
manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon.
Malikhaing
pagsulat
Nobela
Maikling kwento
Epiko
Tula
halimbawa
Teknikal na Propesyonal
pagsulat na pagsulat
Akadamikong rebyu Lesson plan
Tesis o disertasyon Police report
Memorandum Medical report
Report
Dyornalistik
na pagsulat
Balita
Editoryal
Lathalain
Artikulo
Reperensyal
Na pagsusulat
Pamanahong papel
Disertasyon
Interbyu
RRL
Anyo ng Akademikong Filipino | 08
IN
telek
tuwali
sasyon
Ang intelektuwalisasyon ay
proseso upang ang isang wikang hindi
pa intelektuwalisado ay maitaas at
mailagay sa antas na intelekutwalisado
nang sa gayo’y mabisang magamit sa
mga sopistikadong lawak ng
karunungan (Santiago, 1990). Ito rin ay
pumapaloob sa apat na dimensyon, ito
ay ang seleksyon, istandardisasyon,
diseminasyon, at kultibasyon. Sa apat
na dimensyong nabanggit, ang
pinakaimportanteng adyenda ay ang
matamo ang intelektuwalisasyon ng
wika sa bahaging kultibasyon.
Nakapaloob sa kultibasyon ng wika ang
pagbuo ng mga rejister o glosaryo sa
wikang iyon para magamit ang nasabi
sa pagkatuto at maging tagapagdaloy
ng karunungan (Garcia, n.d).
Hakbang na Isinagawa upang
Malinang ang Wikang Filipino:
- Idineklara ang Tagalog bilang batayang Wikang Pambansa (1937)
- Paglabas ng balarila ng Wikang Pambansa at word list (1940)
- Pagrebisa ng Abakada at patnubay sa ispeling (1976)
- Pagbuo ng mga glosaryo at diksyunaryo (1987 – 2001)
Intelektuwalisasyon | 09
Posibleng Paraan ng
Intelektuwalisasyon:
Ayon kay Sibaya, maaaring
magsimula mula sa mataas na antas
(hal. Gobyerno) patungo sa
mababang antas.
Ayon naman sa Kagawaran
ng Edukasyon, magsimula sa ibaba
ng antas patungo sa mataas na
antas. Mula elementarya,
sekundarya tungo sa tersarya.
Isa na bang Wikang
Intelektuwalisasyon
ang Wikang Filipino?
Hindi pa ganap na wikang
intelektuwalisasyon ang wikang
Filipino sapagkat hindi ito nagagamit sa
malalim na diskurso at sa antas ng
eskuwelang gradwado. Ingles pa rin
ang pangunahing gamit sa mga
matataas na antas.
Intelektuwalisasyon | 10
Ano ang
Replektibong
Sanaysay? Ang Replektibong
Sanaysay ay isang uri ng panitikan na
naglalaman ng opinyon o research
ng manunulat. Ang pagsulat nito ay
hindi lamang nakakahon sa
pagtalakay ng natutunan at sa halip
ay naglalayon din na maipabatid ang
mga nakalap na impormasyon at
mailahad ang pilosopiya at
karanasan (Deleon, 2016). Sa
pagsulat ng isang replektibong
sanaysay, nagkakaroon ng malalim
na pagsusuri ang may-akda kung
paano siya umunlad bilang isang
indibiduwal, na konektado sa
paksang kaniyang tinatalakay
(Laxamana, n.d). Ayon naman kay
Michael Stratford, ito ay
maihahalintulad sa pagsulat ng isang
talaarawan (journal) at ang
nilalaman nito ay sumasalamin sa
pagkatao ng sumulat.
Ano ang nilalaman ng
Replektibong
Sanaysay? Ito ay binubuo ng
tatlong bahagi, ang panimula, katawan,
at wakas. Sa panimula, importanteng
taglayin nito ang impormasyong
makakapukaw ng atensiyon ng
mambabasa, dito rin ipinapakilala ang
paksa at layunin ng pagsulat.
Samantalang sa katawan naman,
inilalahad ang pantulong o kaugnay na
tesis ng paksa at nilalaman din nito ang
napagnilay-nilayan ng may-akda at kung
paano umunlad ang pagkatao ng awtor
mula sa mga karanasan o gintong aral. Sa
konklusyon, muling binabanggit ang
pangunahing paksa at makikita ang
paglalagom sa pamamagitan ng
pagbanggit kung paano magagamit ang
mga bagay na natutunan sa realidad. Ito
rin ay humahamon sa isipan ng
mambabasa na maging sila’y magmunimuni
ukol sa paksang tinalakay (Morgan,
n.d)
Replektibong
sanaysay
Replektibong Sanaysay | 11
Halimbawa ng Replektibong Sanaysay:
Naranasan mo na bang magbasa ng panitikang nakasulat sa wikang Filipino?
Naranasan mo na bang hilingin na sana’y nakasulat na lang ito sa wikang Ingles upang mas
madaling maintindihan? Bakit nga ba mas pinipili ng karamihan ang wikang Ingles kaysa sa
Filipino? Ito ay dahil noon pa man, wikang Ingles ang nakintal sa ating isipan bilang wikang
makakapag-ahon sa atin mula sa kahirapan, ito ang naging pamantayan ng ating kaalaman at
katalinuhan, na aminin man natin o hindi, tuwing may naririnig tayong mahusay na nagsasalita
gamit ang wikang ito, ang unang pumapasok sa ating isipan ay, “ah! may pinag-aralan” o hindi
kaya’y, “galing siguro ito sa mayamang pamilya”, na kung minsa’y ang kawalan ng kakayahang
makipagtalastasan at sumulat sa wikang Ingles ay maari makapaglagay saiyo sa pwestong
kahiya - hiya — at iyan ngayon ang kaisipang nais kong bigyang pansin sa aking sulatin.
Sa buod ni Kyle Santos na pinamagatang “Ang Kalagayan ng Intelektuwalisadong
Wikang Filipino at ang Istandardisasyon Nito”, nabanggit na kulang ang tiwala ng mga Pilipino
sa wikang Filipino bilang isang wikang intelektuwal. Ito ay marahil pilit isinaksak sa atin na ang
wikang katutubo ay pang mababa lamang at kung ating susuriin, ito ay mauugat noong tayo’y
sakupin ng mga Amerikano. Ayon kay Galileo S. Zafra, pinalaganap ng mga Amerikano ang
kaisipang ang wikang katutubo ay pantahanan lamang, samantalang pang unibersal at kapakipakinabang
ang paggamit ng wikang Ingles sa iba’t ibang larangan. Hanggang ngayon,
makikita sa kultura natin ang naging epekto ng ganitong kaisipan at maging ako ay nakaranas
at naging saksi nito.
Pagtungtong ko ng ika labindalawang baitang sa hayskul, nang ipabasa sa amin ang
isang artikulong patungkol sa propesor na nagtuturo ng Kapnayan sa wikang Filipino,
napagtanto ko ang kahalagahan at ang potensyal nito bilang pangunahing wikang panturo.
Bumalik sa akin lahat ng katanungan ko mula pa noon at sumagi sa isipan ko na kung ang
wikang Ingles nga ay nabubusisi natin, hindi malabong dumating ang panahon na makakapagsulat
tayo ng mga teknikal na papel sa wikang Filipino maging sa mga asignaturang katulad
ng Agham, Sipnayan, at iba pang pangunahing ginagamitan ng wikang Ingles sa kasalukuyan.
Maaring may katagalan nga lang ang maging proseso nito ngunit kung bibigyan ng nararapat
na atensiyon at pag susumikap, magagagawa nating makabuo ng mga terminong
makakatulong nang malaki sa pagtuturo at pagsusulat sa nasabing wika. At kung magiging
matagumpay ito, tiyak na mas magiging mabisa ang pagkatuto ng mga bata at mas
mapapalawig pa natin ang ating kaalaman sa mga komplikadong bagay nang walang
inhibitasyon at takot na magkamali dahil sa wikang Ingles.
Sa paggawa ko ng repleksiyong ito, tumatak din sa isipan ko na hindi sapat na
marunong lang tayo ng wikang Filipino ngunit sa halip ay dapat alam din natin ang pasikotsikot
at ang pinag-ugatan ng mga salita at konseptong nakapalood dito, dahil ayon sa
artikulong “Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng
K-12)” ni Galileo S. Zafra, “Ang wika ay nasa lahat ng dimensiyon ng kultura. Para malaman
at maunawaan ang kultura, kailangang suriin ang wika”. Sa paggamit natin ng wikang Filipino
bilang wikang intelektuwalisasyon, naniniwala akong ito ang magiging daan upang lubos na
maintindihan natin ang ating kultura at ito rin ang magiging susi upang makamtan natin ang
tunay na kasarinlan ng ating pagkakakakilanlan mula sa mga dayuhang nag dulot ng kolonyal
na mentalidad sa ating mga Pilipino.
Replektibong Sanaysay | 12
Ano ang
Abstrak? Ang abstrak ay isang
uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko, teknikal na lektyur, at mga ulat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung
akdang akademiko o ulat (Parcon, n.d). Ito
ang siksik bersiyon ng papel (Venido,
2017).
abstrak
Abstrak | 13
Tatlong uri ng
abstrak
Deskriptibong
Abstrak Inilalarawan sa mga
mambabasa ang pangunahing ideya
ng papel. Laman nito ang layunin ng
pananaliksik, suliranin, saklaw at
metodolohiya na ginamit sa
pananaliksik.
Importanteng Abstrak
Naglalaman ng mahalagang
impormasyon ng pananaliksik
Kritikal na Abstrak
Ito ay halos kagaya ng isang rebyu.
Binibigyang ebalwasyon nito ang
kabuluhan, kasapatan, at katumpakan
ng pananaliksik.
Halimbawa ng Deskriptibong Abstrak:
(Base sa pananaliksik na pinamagatang “Ang Konsepto ng Pagpaparaya ng Panganay
na Anak”)
Ang pag-aaral nito ay ukol sa Filipinong konsepto ng pagpaparaya ng panganay
na anak para sa interes ng kaniyang mga kapatid, mga magulang, o para sa buong
pamilya. Layunin ng pag-aaral na ito ang paglilinaw ng pakahulugan ng pagpaparaya sa
konteksto ng pamilyang Pilipino at sa mga panganay na anak, at ang mga aktwal na
manipestasyon nito na base sa aktwal na kalagayan ng 63 panganay na anak. Dahil sa
pagkakaiba-iba ng konsepto at manipestasyon ng pagpaparaya sa iba’t ibang pamilya,
minabuti ng pag-aaral na ito na gumawa ng sukatang nakabase sa puntos, na tinatawag
na Pagpaparaya Scale.
Maliban sa nabanggit na sistema ng pagpupuntos, gumamit rin ng
instrumentong pakikipagpanayam at pakikipagkwentuhan para sa tematikong paganalisa
ng mga aktwal na sitwasyon. Dahil dito, naitala sa pag-aaral na ito na karaniwang
konektado sa materyal na bagay ang konsepto ng pagpaparaya ng mga panganay na
anak, at ito ay nakatali sa konsepto ng pinansyal na pananagutan kapalit ng kagustuhang
propesyon o ambisyon. Nakokonekta rin ang pagpaparaya sa sosyo-ekonomikong
kalagayan ng mga pamilya, ayon sa pag-aaral.
Abstrak | 14
Ano ang
synopsis
Isang uri ng sulatin na maikli ang
bersiyon at madalas na gamitin sa mga
akdang may tekstong naratibo tulad ng
kwento, salaysay, nobela, dula, parabula,
talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
Maaaring magkaroon ng isa o higit
pang pangungusap alinsunod sa haba ng
akdang paiikliin.
Mahalagang maibuod ang
binasang akda at ang nilalaman nito ng
gumagamit ng sariling salita upang mabuo
ang sinopsis.
Halimbawa ng Sinopsis:
Ang maikling kwentong “Banaag” na isinulat ni Mark Benedict F. Lim ay nag-umpisa sa bidang
nagngangalang Banaag. Ang dilag ay may bughaw na mata at kapag tinatanong niya ang magulang niya ay
ikinikwento sa kaniya na noon daw habang pinagbubuntis siya ay naligo ang kaniyang ina sa ilog at napaligiran ng
mga engkantado at engkantada na umusal raw na magiging kaisa ng bata sila. Pagod pa galing sa isang rally ay bigla
na lamang siyang nagising mula sa kanyang malungkot na panaginip. Nakalimutan nya na dati siyang aktibista at wala
sa sariling nakabihis nang damit pang-nars. Siya ay may nakasabay sa jeep na pamilyar sa kaniya at tila ba kahawig
ng bughaw din na mata ng lalaking laging nasa panaginip niya. Nakipagkilala siya sa lalaki at tila ba pamilyar ang
pakiramdam niya sa lalaki. Gayang-gaya sa pakiramdam kapag siya ay nakikipagkita sa binata sa kaniyang panaginip.
Naging mag-nobyo at nobya sila ng lalaki at napag-alaman niyang ito ay isang mandaragat.
Inaya ng lalaki si Banaag na magpakasal ay napaka-pamilyar sa kaniya ng singsing at um-oo naman siya.
Sila ay nag-isang dibdib nga at noong gabi ng kanilang kasal ay naramdaman niya ang kagaya sa panaginip niya na
tila ba nalulunod ngunit nagsisiping lamang naman sila ng kaniyang asawa. Lingid sa kaniyang aalaman ay may nabuo
sila ng gabing yaon. Makalipas ang dalawang buwan ay puma-laot na ang kaniyang asawa at tsaka niya nalaman na
siya ay buntis. Nag-alala man ngunit inalagaan siya mg kaniyang kaibigan. Sa kaniyang kabuwanan ay napadaan siya
sa may rally at nakitang ang ipinaglalaban ng mga tao roon ay ang pagkawala ng isang babaeng nagngangalang
Banaag, nakita rin niya ang isang papel na may naka-imprentang babae na tinanggalan ng mata at may pekeng barbie
bag at gamit para sa rally na nasa gilid. Dinugo siya at dinala sa ospital. Nanganak siya ng kambal na babae at gaya
niya ay may asul din na mata. Kinaumagahan, nagulat ang lahat dahil nawawala raw si Banaag. Nagwala ang kaibigan
niya at pinahanap siya. Ang mga rally-ista naman ay patuloy pa rin ang pagsigaw sa pagkawala ng desperadang si
Banaag.
Sinopsis | 15
Mga dapat
tandaan sa
pagsulat ng
sinopsis
1. Ikatlong panauhan ang
gamit sa pagsulat nito.
2. Ang pagkakasulat ng
orihinal na sipi ang
magiging batayan sa
pagsulat nito.
3. Ang mga pangunahing
tauhan maging ang
kanilang mga suliranin ag
marapag lamang na
maisama o mailahad dito.
4. Kung ang ginagawang
sinopsis ay may dalawa o
higit pang talata ay mas
lalong kailangang gumamit
ng wastong pang-ugnay sa
paghabi ng mga tagpo
galing sa kuwento.
5. Mahalagang masigurado
ang kaayusan ng gramatika,
pagbaybay, at paggamit ng
mga bantas sa pagsulat.
6. Huwag alisin sa isip na
nararapat isulat ang
sangguniang ginamit kung
saan galing ang orihinal na
sipi ng akda.
Mga
hakbang sa
pagsulat ng
sinopsis
1. Hangga’t hindi nakukuha
ang buong kaisipan o paksa
ng diwa ng seleksiyon o akda
ay basahin at unawain itong
maigi.
2. Suriin at hanapin ang mas
pinadaling kaisipan kaysa sa
pangunahing kaisipan.
3. Gumawa ng balangkas
habang nagbabasa kung
saan naka-tala ang mga
importanteng puntos ng
binabasa.
4. Huwag lalagyan ng sariling
opinyon o kuro-kuro at
isulat gamit ang sailing
pangungusap.
5. Gawing naaayon sa
orihinal na akda ang
pagkakahanay ng ideya.
6. Basahin ang naisulat at
kung maaari pang paikliin ito
ng hindi nababawasan ang
kaisipan ay mas mabuti.
Sinopsis | 16
Ito ay isang maikling paglalarawan
ng manunulat gamit ang ikatlong
panauhan na madalas ay inilalakip
sa kaniyang mga naisulat. Talata na
naglalahad ng mga klasipikasyon
ng awtor at ng kaniyang
kredebilidad bilang propesyunal.
Nag lalahad ng iba pang
impormasyon tungkol sa awtor na
may kaugnayan sa paksang
tinatalakay sa papel o sa trabahong
ibig pasukin.
bionote
Bionote | 17
Para saan ito?
Ginagamit ito para sa personal profile ng isang tao, tulad
ng kanyang academic career at iba pang impormasyon
ukol sa kanya
Katangian ng bionote
- Maikli ang nilalaman
- Gumagamit ng ikatlong panauhan
- Kinikilala ang mambabasa
- Unahin ang pinakamahalagang impormasyon
- Nagsasabi lang ng angkop na kasanayan o katangian
- Binabanggit ang degree kung kailangan
- Maging tapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Bionote | 18
“Hindi para sa tamad ang
pagsusulat dahil pag binisita ka
ng idea, gana o inspirasyon,
kailangan mong itigil LAHAT ng
ginagawa mo para lang di
masayang ang pagkakataon.
Walang “sandali lang” o “teka
muna”. Dahil pag lumagpas ang
maikling panahong yon, kahit
mag-umpog ka ng ulo sa pader
mahihirapan ka nang
maghabol.”
- Bob Ong, Stainless Longganisa
19 |
20 |
Hanapin ang mga sumusunod na salita:
LAGOM
DIYALEK
ABSTRAK
KOMPOSISYON
INTELEKTUWAL
MAIKSING TALA
AKADEMIK
LARANG
SINOPSIS
SANAYSAY
Hanap Salita | 21
7 8
1
2
6
3
1
0
9
4
5
Pahalang:
1. Salitang akademiko na
nanggaling sa wikang Medieval
Latin.
3. Anyo ng pagsulat na ang
layunin ay magtalakay ng paksa,
magpakita ng datos, at
magbigay-kaalaman.
4. Proseso upang ang isang
wikang hindi pa intelektwalisado
ay maitaas at mailagay sa antas
na intelektwalisado.
5. Taong nagsasagawa ng
medical report o narrative report
ng pasyente.
7. Ito ang siksik bersiyon ng
papel.
Pababa:
2. May kaugnayan sa
edukasyon, iskolarship o
institusyon.
6. Dito muling binabanggit
ang pangunahing paksa at
makikita ang paglalagom.
8. Madalas na gamitin sa mga
akdang may tekstong
naratibo.
9. Pagsulat na tumutukoy sa
mga sulating may kaugnayan
sa pamamahayag.
10. Tala sa buhay ng isang tao
na naglalaman ng buod ng
kaniyang academic career.
Ating Sagutin | 22
“Nakatulong ang paggawa ng magasin saakin
sa paraan na nakapagturo ako ng aking ninanais, nakapili
ako ng aking topic na alam ko ng makatutulong sa mga
bata at sa iba pa, kung mayroon man akong madadag ay
maglalagay ako ng iba pang detalye patungkol sa aking
paksa sa kadahilanang ito'y magasin lamang bagkus ito'y
aking di nailagay. sa lahat ng aking nagawa isa ito sa
maitututring kong natuto ako dahil ito ay ang aking unang
beses makagawa ng ganitong akda. Nais kong malaman
ng aking mga mambabasa na ang mga paksang nasa
libro ay hindi lamang inaaral, kung di, ay dapat isapuso
ng bawat Pilipinong nakatira sa ating bansa.”
Carlos John Agustin
“Bilang isang estudyante, nabuksan sa isipan
ko ang tungkulin ng bawat indibidwal ang makinig, matuto
at paunlarin ang sariling wika natin. Dito ren pinapakita
ang tamang pagsulat at ang mga dapat iwasan o dapat
tandaan bago sumulat. Sa pagtalakay nito, unting unti
naunlad ang isipan ng mga mag-aral ukol sa ibang paraan
ng pagsulat, tulad ng talumapti, bionote at iba pa. Dahil
dito naipapakita ng bawat indibidwal ang kalaman at ukol
na pagbigay ng mga sariling kaalaman o opinion.
Ang araling ito ay malaki ang naiambag sa
kaalaman ng bawat mag-aaral. Dito napalawig ang
kahalagahan ng pagsulat ngunit nauuso na ngayon ang
teknolohiya at nakakalimutan ang pagbawait mag-aaral
ang halaga at ganda ng pagsulat. Ngunit ang pag-aaral
na ito ay magiging isang gabay upang mapaunlad ang
ating wika at sarili; at mga pagsusulit na pagpatunay na
ang bawat mag-aaral ay may natutunan.”
Alphonse Balino
“Habang ginagawa namin ang e-portfolio,
napagtanto ko ang kahalagahan ng iba’t ibang bahagi ng
nilalaman nito sa mambabasa. Ito ay higit na
nakatutulong upang mapagyabong ang kaalaman at
kamalayan ng isang tao tungkol sa ating wika at kung
paano ito magagamit ng mas epektibo sa lahat ng larang.
Binubuhay din nito ang damdaming maka - Pilipino na
siyang susi upang mas mapaunlad ang wika at hindi ito
tuluyang mabalewala.
Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa
intelektuwalisasyon ng wika ay importante sapagkat
namumulat ang ating isipan ukol sa mga hakbang na
maaari nating gawin upang maging ganap na wikang
intelektuwalisado ang wikang Filipino at nalalaman din
natin kung gaano ito kaimportante sa ating
pagkakakilanlan. Sa pagbuo naman ng isang
replektibong sanaysay, nahahasa tayo na mag-isip ng
kritikal at mag-analisa kung paano nakatulong ang
paksang tinalakay sa pag-unlad ng kaalaman natin at
kung paano ito maikokonekta personal na karanasan
natin at sa realidad.”
Andrea Guilas
“Ang paggawa ng abstrak ay importante dahil
dito nagkakaroon ng ideya ang mambabasa tungkol sa
tinatalakay ng may-akda. Naglalaman ito ng buod ng
paksa at ito’y nakasulat sa maayos at malinaw na paraan
kung kaya’t mas madali itong maintidihan ng mambabasa.
Ang abstrak ay higit na nakatutulong sa mga mag-aaral
gaya ko dahil ito ang isa sa mga unang tinitignan kapag
naghahanap ng mga kailangan para sa pagsusuri ng mga
kaugnay na literatura, mas napabibilis nito ang proseso ng
paghahanap at mas nagiging madali ang pagtukoy ng mga
papel na kailangan ng mambabasa at sa hindi.”
Marc Nelvin Lucero
“Sa pagsusulat ng nilalaman, marami akong
napagtanto. Una ay ang dahilan at silbi ng pagsulat tungkol
sa mga nilalaman nito. Ang pagsulat sa akademikong
pamamaraan ngayon ay may kahirapan na sapagkat hindi
na ito nagagamit palagi. Dahil dito, maaring ang mga
susunod na henerasyon ay makalimot sa mga wastong
paraan ng pagsulat sa akademikong larang. Kaya naman
ang nilalayon ng e-portfolio na ito ay payabungin ang
kaalaman ng mga estudyante at maitatak sa kanilang
kaisipan ang mga nilalaman nito. May mga halimbawa na
rin upang ipakita ang kalalabasan sa pagsunod ng mga
nakasulat na gabay. Tunay na napaka-importanteng
mapayabong natin ang ating kaalaman sa pagsulat
sapagkat madadala ito sa ating pipiliing larang sa
hinaharap.”
Maegan Silo
“Ang lahat ng mga bagay na kasalukuyang
ginagawa ay may kaakibat na mabuting aral at leksyon sa
bawat isa. Hindi lamang ito basta-bastang gumagawa
lamang ng mga proyekto, asignatura, at kung ano-ano pang
itinakdang gawain na ibinigay ng guro o maging ng iyong
mga magulang. Sa kadahilanang ang lahat ng ito ay
maglalahad ng epekto sa kung ano tayo sa mga susunod na
panahon.
Ang e-portfolio na isinagawa ng aming grupo ay
nagdulot ng sari-saring epekto mula sa amin. Natuto kaming
pahalagahan ang aming oras sapagkat sa dinami-daming
gawain na mayroon kami sa buwan na ito ay kailangan pa
rin naming maglaan ng oras para matapos ang proyekto na
ito. Bukod sa oras ng paggawa, natututo rin kami sa aming
mga isinasaliksik na paksa na ilalagay naming para sa
aming e-portfolio. Hindi lamang kami basta-bastang
nagsasagawa ng pagkopya at agad-agad na nilalagay
lamang para maipasa, kumbaga bago namin ilagay ito sa
aming pahina, inuunawa at isinasaalang-alang muna namin
ang mga detalye ng paksang inilaan para sa amin. Sa
paraan na ito, hindi lamang kami nagpasa at gumawa,
naunawaan at natuto kami sa aming paksang isinaliksik. “
Aiza Velarde
23|
CJ Agustin
Manunulat at Editor
Alphonse Balino
Manunulat
Andrea Guilas
Manunulat at Editor
Marc Lucero
Manunulat
Maegan Silo
Manunulat
Aiza Velarde
Manunulat
MGA AKDANG PINAGSANGGUNIAN:
Akademikong pagsulat. (2017, July 27). Retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089
Cabitac, J. (2013, October 13). Intelektwalisasyon. Retrieved from
https://prezi.com/psa7ty1ssiid/intelektwalisasyon/
Carillo, K. (2016). Ang Konsepto Ng Pagpaparaya para Sa Panganay Na
Anak Sa Isang Pamilyang Pilipino. Retrieved from
https://www.academia.edu/35527565/Ang_Konsepto_ng_Pagpaparaya_para_
sa_Panganay_na_Anak_sa_Isang_Pamilyang_Pilipino
Deleon, J. (2016, June 30). Replektibong Sanaysay. Retrieved from
https://prezi.com/xjhtdrucf5iu/replektibongsanaysay/?frame=e7edce758553ec85adf7e9a613791aca47c2d6c9
Dyornalistik Na Pagsulat. (n.d.). Retrieved from https://studyeverything.blogspot.com/2014/07/dyornalistik-na-pagsulat.html
Garcia, G. (2014, July 9). Akademikong Filipino. Retrieved from
https://prezi.com/wrlrtrhhi4yv/akademikong-filipino/
Introduksiyon Sa Malikhaing Pagsulat — HUMSS. (n.d.). Retrieved from
https://www.humss.net/introduksiyon-sa-malikhaing-pagsulat/
Istandardisasyon, Intelektwalisasyon, pagsasalin-wika. (n.d.). Retrieved
from https://vdocuments.site/istandardisasyon-intelektwalisasyon-pagsasalinwika.html
Laxamana, F. (n.d.). Introduksyon replektibong sanaysay. Retrieved
from
https://www.academia.edu/35660655/INTRODUKSYON_REPLEKTIBONG_SANA
YSAY
Malikhaing Pagsulat. (n.d.). Retrieved from
https://drive.google.com/file/d/1lVVE3nUZQ0C1p_h2To5EsdDjKiR8KQ37/view
Mga Uri at nilalaman Ng abstrak. (n.d.). Retrieved from
https://prezi.com/p/tkgv2gbyb24j/mga-uri-at-nilalaman-ngabstrak/?frame=6ac69442b4b3d796d62dd7a82d9215d603bd3107
Morgan, K. (n.d.). Filipino: Replektibong Sanaysay. Retrieved from
https://www.docsity.com/en/filipino-replektibong-sanaysay/5727909/
Parcon, M. (n.d.). Kahulugan Ng Abstrak. Retrieved from
https://www.scribd.com/document/434530811/Kahulugan-Ng-Abstrak
Uri Ng pagsulat. (2012, July 9). Retrieved from
https://www.slideshare.net/drintotsky/uri-ng-pagsulat-13582540
Venido. (2017, June 24). Pagsulat Ng abstrak. Retrieved from
https://www.slideshare.net/anamelissavenido1/pagsulat-ng-abstrak
Villaruz, M. (2020). Ang SALITANG AKADEMIKO o academic ay mula Sa
mga wikang europeo. Retrieved from
https://www.academia.edu/35631443/ANG_SALITANG_AKADEMIKO_O_ACAD
EMIC_ay_mula_sa_mga_wikang_europeo