19.11.2020 Views

Thakur Vaishnava Gana

A reverential prayer-offering to the lotus feet of the Vaishnavas by Srila Narottama Das Thakur.

A reverential prayer-offering to the lotus feet of the Vaishnavas by Srila Narottama Das Thakur.

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines

Śrī Nāma Haṭṭa Center

U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101

November 2020

Thakura Vaisnava Gana

thakura vaisnava-gana kari ei nivedana

mo bada adhama durachara

daruna-samsara-nidhi tahe dubaila vidhi

kese dhari' more kara para [1]

O mga kapita-pitagan at mga kagalang-galang na Vaishnavas, ang panalangin na ito’y

para po sa inyo. Hindi maikakaila na bukod sa pagiging hamak at kakaaba-aba, talaga

namang ako’y napakasamang tao. Tila ‘ata na ganito na ang kapalaran ng buhay ko, na

mabuhay sa nakakatakot na karagatan ng materyal na mundo. Nawa, ako’y inyong

kaawaan at sagipin, kahit sa buhok pa ninyo hablutin madala lang sa dalampasigan.

vidhi bada balavan na sune dharama-jnana

sadai karama-pase bandhe

na dekhi tarana lesa yata dekhi saba klesa

anatha katare tei kande [2]

Sadyang napakatindi ang lakas at kapangyarihan nang may-tangan ng aming

kinabukasan. Kahit na anong klaseng katwiran ayon sa relihiyon na aking

pinaniniwalaan, ganunpaman, patuloy parin akong iginagapos nang karma. Kung

kaya’t hanggang ngayo’y patuloy parin akong naghihirap at nagdurusa. Wala na

akong maisip na paraan, upang ibsan ang aking labis-labis na kalungkutan, kundi ang

umiyak lamang.


kama, krodha, lobha, moha, mada, abhimana saha

apana apana sthane tane

aichana amara mana phire yena andha jana

supatha vipatha nahi jane [3]

Samu’t-saring bagay ang tumatakbo sa aking damdamin at isipan, kamunduhan, ngitngit

at galit, ilusyon, kahambugan at kayabangan, ang lahat ng ito ang humahatak sa

akin. Tulad ng isang bulag, kung saan-saan ako napa-padpad, nangangapa kung saan

ang masama at tamang daan.

na la-inu sat mata asate majila chita

tuya paye na karinu asa

narottama dase kaya dekhi' suni' lage bhaya

taraiya laha nija pasa [4]

Sa katigasan ng aking ulo, ayaw kong makinig nang kahit anumang payo. Ganito na

ang naging kalagayan ko, na nakalubog sa ilusyon at kahibangan, kung kaya’t maging

ang lumapit at sumilong sa iyong paanan ay sadya ko nang tinalikuran. Ito po ang

napansin kong nangyayari sa akin, na labis-labis kong kinatatakutan at

kinasisindakan. Ito po si Narottam Das at sa inyo’y lumalapit. Ako po ay inyong

kaawaan, at sana, iligtas po ninyo at alagaan.”

Ni Srila Narottam Das Thakur

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!