29.03.2020 Views

The Path to Bhakti Rasa - In Filipino

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Marso 21, 2020

Ang Landas patungo sa

Bhakti-Rasa

Turong-aral ng Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad

Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj

Tanong: Gurudev, maaari po bang magkwento naman po kayo ng tungkol sa

Kanyang Banal na Pagpapala kay Srila Govinda Maharaj?

Marami. Maraming dapat ikwento… alam ninyo, siya‟y transedental. Sa totoo

lang, wala talaga akong katangian, walang kakayahan, para magkwento ng tungkol

sa aking Guru…

Labis siyang mahabagin. Palagi na lang niya akong kinakaawaan, at

pinagpapasensyahan. Ayoko talagang tikman ang bhakti-rasa, ayaw ko sanang

gawin ang Hari-bhajan, kaya lamang, sapilitan niya akong inilagay sa kanyang

lotus na paanan, sa lotus na paanan nang Panginoong Krsna. Ganito siya, ganito

ang kanyang lakas at kapangyarihan. Ito ang mga mahahalagang bagay tungkol sa

kanya. Alam ninyo, tanging ang Guru lamang ang talagang nakakagawa nito, buti

Ang Landas Patungo sa Bhakti-Rasa 1


na lang, ganito ang Gurudev natin. Ang totoo, labis-labis talaga siyang mahabagin,

malambot ang puso, at kahit batid niya ang lahat ng bagay, ganun pa man, ako‟y

kanyang kinupkop parin, ginamit upang makapaglingkod parin sa Panginoon…

Walang-alinlangan, ang turo niya sa ating lahat, maging sa akin ay maging

mapagkumbaba, maging matimpiin, at handang magbigay-galang sa lahat. Kaya

lamang, dahil sa ating ego, sa pagiging hambog at mayabang, animo tayo ay mga

bubuyog na nakapaligid sa labas ng bote ng pulut-pukyutan. Hindi natin

matikman-tikman ang nasa loob ng bote, ang masarap na pulut-pukyutan, dahil

mahigpit ang pagkakasara ng takip, subalit dahil kay Gurudev, ito‟y sapilitan

niyang isinubo sa akin, ang bhakti-rasa upang aking matikman, ganito siya kabait.

Na labis-labis talagang napakabait.

Napakaraming istorya tungkol sa kanya, mga kasaysayang magsisilbing aral sa

atin. Napakarami kung ang lahat ng ito‟y ating babalikan. Alam ninyo, sa totoo

lang, dito sa kamulatan para sa kamalayan kay Krsna, marami ang hahadlang sa

atin, iba‟t-ibang balakid at harang, habang nagsasanay tayo. Halimbawa, marami

ang pupuna sa atin, marami ang magsasabi nang masama tungkol sa atin, pero

palagi nating tatandaan, ang sabi ni Gurudev, kapag may pumuna sa atin, sa totoo

lang, ito‟y magdudulot sa atin ng kabutihan! Kaya kapag dumarating sa akin ang

mga ganitong bagay, agad kong naaalala ang isang istoryang naikwento niya.

Noo‟y may dalawang debotong aso ang naglakbay papuntang Nabadwip mula

sa Kolkata. Sila‟y naglakad lamang. Nagtanong sila kung ilang araw papuntang

Nabadwip. Ang sabi, kulang-kulang sa pitong araw. Kaya, madaling-araw pa

lamang ay umalis na sila.

At nang sumapit ang gabi, namahinga muna sila sa isang lugar, “Magpahinga

muna tayo dito, pagud na pagod na tayo sa kalalakad,” sabi ng isang aso.

Naghanap-hanap muna sila ng kanilang mapagpapahingahan. At nang sila‟y

matutulog na, ilang aso sa lugar na iyon ang agad na sumugod sa kanila, at silang

dalawa ay pinagkakahulan, “Hoy, bakit kayo nandito, taga-saan kayo? Umalis

kayo dito. Sa amin ang lugar na ito!” Ganun nga ang kanilang ginawa at muli

silang naglakad matapos maitaboy.

At naglakad sila nang naglakad noong gabing iyon. At noong mag-aalas onse na

nang gabi, ang sabi ng isang asong deboto, “Naku malapit nang maghating-gabi,

malamang lahat ng tagarito‟y mahimbing na sa pagkakatulog, at malamang ang

mga aso dito‟y tulog narin. Hay, salamat naman at wala nang mang-iistorbo sa

atin.” Muli silang naghanap nang matutulugan sa isa sa mga nadaanan nilang

bayan. At nung sila‟y nakahanap na nang mapagpapahingahan, muli silang

Ang Landas Patungo sa Bhakti-Rasa 2


sinalakay nang mga aso. “Hoy, umalis kayo dito! Bakit kayo nandito, taga-saan ba

kayo?” “Halikana,” sabi ng isang debotong aso. “Maglakad na lang tayo..Halikana

at palagi na lang tayong iniistorbo nang mga aso dito. Para maaga din tayong

makarating sa Nabadwip.”

At buong magdamag nga silang naglakad. At nang mag-umaga na, napansin

nilang nakarating na pala sila sa Nabadwip! “Naku, nakabuti pa pala ang nangyari

sa atin kagabi. Biro mo, maaga tayong nakarating dito sa Nabadwip. Kung hindi

dahil sa istorbo at kahol nang mga nakakasalubong nating aso, malamang, sana,

hanggang ngayon malayo parin tayo dito. Biruin mo, nagawa nating isang araw

lang ang byahe natin! Agad nating narating ang ating patutunguhan. At di-hamak

na masmabilis pa!”

Kaya, ibig sabihin, ang mga „asong‟ ito, na sumalubong sa kanila, ay mga

Vaishnava aparadhi, mga mahilig mamuna sa atin, dahil sa kanila, mas-napapabilis

pa ang lakad natin sa linya ng kamulatan para sa kamalayan kay Krsna.

May gusto pa bang magtanong sa inyo?

Tanong: Ano po ba ang dapat naming gawin upang sa tuwi-tuwina ay palagi

naming naaalala si Gurudeva?

Ito‟y sa pamamagitan ng paglilingkod. Ang gawin kung anoman ang ipinaguutos

ni Gurudeva sa atin. Alam ba ninyo kung ano ang kanyang gusto? Ang

pangalagaan ang kanyang misyon, ang kanyang samahan, ang ipangaral kung ano

ang Chaitanya Saraswat Math. Ang maipalaganap ang mga turong-aral ni Gurudev.

Kung sino siya. Ibig sabihin, kapag mangangaral tayo, dapat ang sinasabi ninyo‟y

hindi puro tungkol sa inyo, hindi puro tungkol sa buhay ninyo, kundi dapat pawang

tungkol sa inyong Guru, kung sino siya. Sa pamamaraang ito, tiyak na araw-araw

ninyo siyang maaalala. At ang bagay na ito‟y hindi mahirap gawin. Tulad lamang

ngayon. Hindi ba‟t ang narinig ninyong istorya ay tungkol sa aking Gurudev, ibig

sabihin, hangga‟t ikinukwento ko ang kanyang kasaysayan, palagi ko siyang

naaalala. Gayahin ninyo ang halimbawang ito.

Ang Landas Patungo sa Bhakti-Rasa 3

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!