PRISMA MAG
M A R S O 2 0 1 8 TO M O I B I L A N G 1
- Page 2 and 3: M G A N I L A L A M A N7TOMO I BILA
- Page 4 and 5: IMPORMATIBOP R I S M A 2 0 1 8ni Ni
- Page 6 and 7: IMPORMATIBOP R I S M A 2 0 1 8ni Ch
- Page 8 and 9: DESKRIPTIBOP R I S M A 2 0 1 8ni Na
- Page 10 and 11: NARATIBOP R I S M A 2 0 1 8ni Niña
- Page 12 and 13: NARATIBOP R I S M A 2 0 1 8ni Natha
- Page 14 and 15: PROSIDYURALP R I S M A 2 0 1 8ni Ch
- Page 16 and 17: PERSUWEYSIBP R I S M A 2 0 1 8ni Ch
- Page 18 and 19: ARGUMENTATIBOP R I S M APhilippines
- Page 20 and 21: EDITOR’S NOTEP R I S M A 2 0 1 8M
M A R S O 2 0 1 8 TO M O I B I L A N G 1
M G A N I L A L A M A N
7
TOMO I BILANG 1
IMPORMATIBO
DESKRIPTIBO
2
NARRATIBO
PROSIDYURAL
PERSUWEYSIB
10
ARGUMENTATIBO
11
17
14
P R I S M A 2 0 1 8
KOBER KONSEP
LU P O N N G
PA M AT N U G U TA N
M G A M A N U N U L AT
NIÑA BLAISE MAGSAEL
NATHALIE RAMOS
CHAREZ NATAL
K R I T I KO
G. LARRY BOY SABANGAN
P U N O N G - G U R O
GNG. MARIA SANTIA ARBOLEDA
Ang tao ay nangangailangan
ng kulay para ang buhay niya ay
maging kaaliw-aliw at puno ng kariktan.
Ang konsepto ng unang edisyon
ng ‘Prisma’ ay binubuo ng isang indibidwal
na unti-unting lumalabas sa
kaniyang tatsulok upang madiskubre
ang mga kulay sa kapaligiran matapos
mabuhay sa mundong binubuo
lamang ng itim at puti.
Hangad ng pahayagan na ito
na tayo’y magsilbing prisma sa
bawat isa upang pakalatin ang kulay
at magbigay-buhay. Ngunit sa ngayon,
hayaang ang ang aming mga
gawa ang lamunin ng iyong mga mata
at busugin ang iyong isip at diwa.
At saka, tumakas sa buhay na walang
sigla at maging prisma.
G R A D E 1 1 — A B M
1
IMPORMATIBO
P R I S M A 2 0 1 8
ni Niña Blaise Magsael
“The WHO position paper did not include a recommendation
to countries to introduce the dengue vaccine
into their national immunization program,” pahayag
ng WHO.
“Rather WHO outlined a series of considerations
national governments should take into account in deciding
whether to introduce the vaccine, based on a review of
available data at the time, along with possible risks,” dagdag
nila.
Noong nakaraang taon, ilang beses humarap sa
pagdinig ang mga kinatawan ng gobyerno, Sanofi Pasteur
na manufacturer ng Denngvaxia, at mga public health expert
dahil sa kuwestiyon sa kaligtasan ng bakuna kontra
dengue. Lumabas din sa draft committee report ng House
Health Committee na may mga duda sa pangmatagalang
epekto ng naturang bakuna.
Sa kabilang banda, may naitala rin ang DOH na
halos 1,000 kaso ng mga adverse effects o pagkakasakit
kasunod ng bakuna sa pagitan ng March 18 to August 20
ng 2016, kung saan 30 ang kinakailangan maospital. Apat
naman ang naitalang kaso ng pagkamatay kasunod ng
pagbakuna bagamat may debate pa kung may kinalaman
ito sa immunization program.
Matatandaan na sa pamumuno ni dating pangulong
Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin,
bumili ng P3.5 bilyon ma halaga ng bakuna ang departamento
para sana sa isang milyong mag-aaral.
Ayon kay Garin, sinunod nila ang rekomendasyon
ng World Health Organization (WHO) Strategic Advisory
Group of Experts (SAGE) at nagkaroon din ng consultation
sa mga WHO technical experts kung sino at anong edad
ang bibigyan ng bakuna sa lugar sa mga lugar na may
mataas na kaso ng dengue.
Pinabulaan ng WHO na iniriekomenda nila ang
paggamit ng pinakaunang dengue vaccine sa mundo ng
Dengvaxia para sa immunization program sa bansa.
Batay naman sa pinakhuling pag-aaral ngayong
taon, may benepisyo laban sa dengue ang vaccine para sa
mga taong nagkaroon nang dengue fever, ngunit maaaring
makasama ito kung itinurok sa mgga taong hindi pa nagkakaroon
ng naturang sakit.
“Dengvaxia provides persistent protective benefits
against dengue fever in those who had prior infection.
For those not previously infected by dengue virus, however,
more cases of severe disease could occur following
vaccination upon a subsequent dengue infection,” naksaad
sa pahayag ng Sanofi Pasteur.
Sinabi ng Sanofi na isa sa sampung nabakunahan
ng Dengvaxia, na hindi na nagkakaroon ng dengue, ang
maaaring tamaan ng sakit.
“But there will be nine out of ten who will be protected
from acquiring what could be not just serious but
possibly a deadly stage of dengue,” pahayag naman ni
Presidential spokesperson Harry Roque.
Bukod dito, nilinaw ni DOH spokesperson Lyndon
Lee Suy na 10 porsiyento lamang ng nasa higit 700,000
kabataan na nabakunahan ng Dengvaxia ang maaaring
magkaroon ng severe dengue.
Kasabay ng mga pahayag na ito ay ipinatigil nan g
Food and Drug Administration and pagbebenta ng
Dengvaxia at inutos na rin nila ang pagbawi ng mga ito sa
merkado.
Samantala, nais ng DOH na ma-refund ang P3.5
bilyon na binayad ng gobyerno sa degue vaccine manufacturer
na Sanofi Pasteur matapos malaman ang dalang panganib
ito sag a nabakunahan. Pinasagot din ng gobyerno
sa Sanofi ang gastusin ng mga nabakunahan na maaaring
magkaroon ng severe dengue.
Pinaiimbestigahan nan g Department of Justice sa
National Bureau of Investigationang isyu ng vaccination
program.
G R A D E 1 1 — A B M
2
P R I S M A 2 0 1 8
IMPORMATIBO
ni Nathalie Ramos
Sa pag–usbong ng bagong panahon, gayundin ang
pag–usbong ng teknolohiya di lamang sa ating bansa kundi
maging sa buong mundo. Sa makabagong panahong ito,
ang mga gawain ng tao ay nakaasa o nakadepende na sa
teknolohiya. Ayon kay Alec Ventocilla (2017), ang
teknolohiya ay isang imbensyon sa paglapat ng kasangkapan,
kagamitan, makina at proseso upang mapadali ang
pang-araw-araw na gawain ng tao.
ging malikhain na tinatawag nilang “mixed reality” kung
saan ang mga litrato at mga bidyu ay nagiging makatotohanan
na mainam naman para sa mga manlalaro at sa mga
malalawak ang imahinasyon gaya ng mga photo editors at
digital editors.
Para naman makaiwas sa mga hackers at kung
ano pang mga virus na maaaring makasira sa pc, inihandog
rin ang Windows Defender Exploit Guard na kung
saan prinoprotektahan nito ang nilalaman ng pc at sinusuri
ang mga application na hindi rehistrado at nagbabanta
ng kapahamakan sa pc. Mas pinalawak pa ang nasasakupan
ng Windows Defender Exploit Guard upang masiguradong
protektado ang pc sa mga virus.
Nabulabog ang mga nananangkilik ng Microsoft ng inilunsad
nito ang pinakabagong update na pinangalanang
“Windows 10 Fall Creators Update” noong ika -17 ng Oktubre
2017. Ang Microsoft ay isa sa mga nangungunang
computer software hindi lamang sa Pilipinas kundi sa
buong mundo na kung saan may layuning itong matulungan
ang pag –unlad ng tao sa pamamagitan ng teknolohiya.
Ipinakikilala ng Windows 10 Fall Creators Update ang
mas masaya at mga makabagong pamamaraan ng pagi-
Ayon kay Tom Warren (2017), hindi mo masyadong
mapapansin ang pagkakaiba ng Windows 10 sa Windows
10 Fall Creators Update pero pag ito‖y kinilatis
mong maigi ay mapapansin mo ang pagbabago at ang kanilang
pinagkaiba. Sa katotohanan, maging ako man ay
hindi ko napansin sa una ngunit ngayon, habang ginagawa
ko ang tekstong ito, napapasin ko na rin ang mga bagong
kaganapan sa aking pc. Hindi maiiwasang maapektuhan
ang mga kabataan sa mga pagbabagong ito lalo na at ang
pag –unlad ng teknolohiya ay pabilis ng pabilis. Sana
lamang ay huwag abusuhin ang mga pagbabagong ito.
G R A D E 1 1 — A B M
3
IMPORMATIBO
P R I S M A 2 0 1 8
ni Charez Natal
Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa
ibang tao? At sa mga taong hindi na kayang mabuhay
kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong
ito'y naglalaman ng iba't ibang epekto ng teknolohiya
sa ating buhay kung paano nabago ang ating buhay
ng dahil lamang sa teknolohiyang ito at kung paano
naorganisa ang iba't ibang uri ng teknolohiya maging sa
mga applikasyon nito.
ibang paraan, na aking nakapahulugan na ang tinatawag
na Social Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa
mang bagay na magagamit sa pakikipagkomunikasyon
sa ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang
lugar.
Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman
sa sining ng industriya at napapadali ang mga gawain ng
isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na
maililipat mo sa makinarya o anumang bagay na nagagamitan
ng kuryente. Mas malaking porsyento ang
napapakinabangan ang teknolohiya sa araw-araw na
gawain ng tao. Nakatutulong din ito sa larangan ng
edukasyon dahil napapadali lamang ang pagsasaliksik ng
mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.
Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na
Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang
kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung
papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala din nya
ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa
kanyang blog ito ay ang mga sumusunod na epekto na
nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong
Epekto. Sa positibong epekto'y naglalaman ng: Pag unlad
ng antas ng libangan na kung saan nakawawala
ng stress at nakakaenganyo pang gamitin.
Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan
gaya nito ay ang mga CCTV na kung saan nagsisilbing
ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo
ay Global Networking na kung saan dito napag uusapan
ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa bansa kundi
sa buong mundo. Sa ikalima at ika anim na epekto naman
ay, Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan na komunikasyon
gamit ang teknolohiya at mas makakamura sa
Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim
na magiging gabay at babala sa paggamit ng teknolohiya.
Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na
magiging sanhi ng pag iisip ng hindi tama. Ikalawa, ay
Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa
ng krimen buhat sa paggamit ng teknolohiya. Ikatlo
naman ay technicism na nakapahulugang pagiging
kampante sa paggamit ng teknolohiya. Ikaapat ay Ang
pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong
sa mali-maling sitwasyon. At ang pang huli ay ang
teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access na
maaring makasira o makaapekto sa pag- aaral ng
kabataan gaya nito ay DOTA at COC..
Kung pagsama-samahin ang mga epekto ng
teknolohiya, mayroong itong mabuti at masamang
epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng
teknolohiya ay malaki ang kapakinabangan sa lipunan, at
higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng
mga mag - aaral. Kung merong mabuti siyempre meron
ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao
na maging tamad sa kanilang gawain.
G R A D E 1 1 — A B M
4
P R I S M A 2 0 1 8
DESKRIPTIBO
ni Charez Natal
May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga
bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid
na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito
ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang
ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap
na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na
nagbibigay saatin ng iba‖t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang arawaraw
dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay
lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing
sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay
inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa‖y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at
minsa‖y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na
dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating
mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta,
araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
G R A D E 1 1 — A B M
7
DESKRIPTIBO
P R I S M A 2 0 1 8
ni Nathalie Ramos
Hindi mawawala ang salitang “Haunted House” kapag
nakakakita tayo ng mga lumang bahay na ating nadadaanan.
Gaya na lamang ng lumang bahay na pinaglipatan
ng pamilya Ardiente sa Marikina. Ang lumang bahay na ito
ay pagmamay –ari ng matandang kapatid ni Miko Ardiente
na si Anita Ardiente na ngayon ay nasa Dubai nagtatrabaho.
Sa unang dalawang buwang ng pamilya Ardiente sa
lumang bahay ay walang kakaibang pangyayaring nagaganap
at maayos naman silang namamalagi. Salungat sa usap
–usapan ng mga kapit bahay na may mga kakila –kilabot na
mga pangyayari sa lumang bahay tuwing sasapit ang gabi.
Nauulinigan daw kasi nila ang mga sigaw na parang pinagbubuhatan
ng kamay at ang ingay na nagmumula sa tsinelas
na animo‖y may tumatakbo sa loob ng bahay. Nag –iba
lamang ang ihip ng hangin ng umuwi si Anita para sana‖y
magbakasyon at makasama rin ang pamilya ni Miko.
Isang araw habang masayang nag –uusap usap at
nagkakantyawan sina Anita at ang tatlong pamangkin nito
sa balkonahe ay naghanda ng pang meryenda ang asawa ni
Miko na si Hulya. Natapos nang lagyan ng palaman ni Hulya
ang mga tinapay nang biglang bumukas ang bintana sa may
kusina na dahilan ng kanyang pagkagulat. Ipinagsawalang
bahala niya lamang ito at sinarhan ang bintana. Nang akmang
dadalhin na ni Hulya ang tinapay ay nagulat ito ng
makitang walang lamang tinapay ang plato. Inakala niya na
kinuha na ito ng kaniyang anak ngunit ng lumabas na siya
ay hinanap pa rin sa kanya ang kanilang pang-meryenda.
Hindi maipinta ang mukha ni Anita sa nangyari kay Hulya
at bigla na lang siyang namutla pero sinabihan na lamang
niya si Hulya na maaring kinain ito ng mga daga at gumawa
na lamang siya ulit.
Pagsapit ng gabi, natutulog na ang pamilya Ardiente.
Sa silid ng mga anak ni Miko ay narinig ng kaniyang mga
anak ang pagbukas ng pintuan at inakalang ang kanyang
ama iyon. Ngunit bigla na lamang nagbukas sara ang kanilang
bintana at walang tigil na umuga ang kama. Dala ng
takot ay nagsitakbuhan ang mga bata patungo sa kwarto
ng kanilang mga magulang at sinabi ang mga kababalaghang
naganap sa kanilang silid. Maya–maya‖y bumukas
ang pinto ng silid ng mag–asawa at tanaw nila ang mukha ni
Anita na namumutla, puno ng takot at tila siya‖y
naghahabol ng kaniyang hininga. Sinabi rin niya sa mag –
asawa ang kababaaghang naganap sa kanyang tinutulugang
silid na kapareho rin ng ikwinento ng mga bata.
Maya–maya‖y nagulantang silang lahat ng marinig
ang nagkakalampagan at nagbabagsakang mga kagamitan
sa kusina gaya ng kutsara‖t tinidor, mga plato at mga kaldero.
Dali–daling silang bumaba upang tignan ang kusina.
Pagdating sa kusina ay wala naman silang nakitang tao at
ang mga kubyertos ay maayos na nakasalansan sa lagayan.
Hindi na mapakali si Anita at inaya ang buong pamilya na sa
pinakamalapit na hotel na lamang sila magpalipas ng gabi.
Sinang –ayunan na ito nila Miko at Hulya dahil na rin sa
takot na nadarama.
Pagdating sa hotel ay pinagtapat ni Anita kung
bakit may mga kababalaghang naganap sa bahay. Maaring
ang mga kaganapang iyon ay gawa ng kaniyang dating
kasambahay na nagpakamatay sa loob ng bahay mismo.
Nag –iwan lamang ito ng sulat na sinasabing di na niya kaya
ang panggagahasa sakanya ng asawa ni Anita na si Pedro.
Ang multo ng kasambahay na ito ang siya ring kumitil kay
Pedro kung saan nadatnan na lamang ni Anita na nakahandusay
sa kanilang silid na nanlalaki ang mga mata, putlang
putla at ang dalawang kamay ay nakalagay sa bandang
leeg na parang sinasakal niya ang kaniyang sarili. Dahil sa
sinabi ni Anita ay napagpasyahan ng mag –asawa na umuwi
nalang sa kanilang tahanan sa Cavite.
Bumalik ang pamilya sa lumang bahay para kunin
ang mga mahahalagang bagay. Tanging sila Miko, Hulya at
Anita lamang ang pumasok at naiwan sa kotse ang mga bata.
Paalis na sila ng matanaw ng panganay na anak ni Miko
na si Marie ang isang babae na nakatayo sa kwartong
pinagtulugan ni Anita. Nakadungaw lamang ito sa bintana
at pinagmamasdan ang kanilang kotseng papalayo sa lumang
bahay. Sinabi iyon ni Marie sa kaniyang mga magulang
at sinabi rin ni Anita na iyon daw ang kaniyang kasambahay.
.
G R A D E 1 1 — A B M
5
P R I S M A 2 0 1 8
DESKRIPTIBO
ni Niña Blaise C. Magsael
Isang pag-ibig na walang simula at walang hanggan.
Pag-ibig na hindi lamang basta-bastang sumulpot tulad ng
isang kabute sa kagubatan. Pag-ibig na nakapagpapakalma
sa mga mapanirang bagyo at mararahas na mga dagat. Pagibig
na higit pa ang kariktan sa napakarilag na mga balahibo
ng isang paboreal. Pag-ibig na mas matingkad pa sa binubugang
kislap ng pinagsamang mga bituin sa kalawakan, na
nagbibigay-liwanag sa kadiliman. Pag-ibig na buhat ng kadakilaan
at dunong ng isang omnipotenteng Tagapaglikha.
Nakalulunod ang mga malalalim na sapirong globong palaging
nakabantay at nakatitig.
Gayunpaman, hindi takot ang nararamdaman sa halip ay
pagtanggap. Kasing tamis ng pulot-pukyutan ang bawat
salitang umaagos sa kaniyang mga labi na tila bang naguutos
na magbahagi. Sa kaniyang mga maiinit na yapos,
waring kinikiliti ng mga bulaklak ang lahat ng limang pandama
na magdadala at magpaparamdam sa kahit sinuman
ng langit. At sa mga panahon ng ligaya at lumbay, hindi siya
kailanman napapagod na makinig at sumubaybay. Ang kaluwalhatian
at tindi ng kasiyahan na nararanasan sa kaniyang
piling ay hindi maipaliwanag ng kahit anumang salita.
Ang pagmamahal ay hindi isang bagay na pinipili niyang
gawin o ibigay. Ito ay likas na sa kaniya, gaya ng pagiging
likas ng paglipad sa isang ibon, paglangoy sa isang isda at
pag-ugoy sa mga puno ng ubas sa isang unggoy. Ito ay parte
na ng kaniyang pagkatao. Walang ibang nilalaman kundi
pagmamahal ang bawat buto sa kaniyang banal na katawan.
Hindi lamang siya nagmamahal – siya ang pagmamahal.
Mailap ang pag-ibig na nagliliyab sa kaniyang puso. Ang
pagmamahal ng Diyos ay napakabangis na walang pagaalinlangang
ibinigay niya ang kaniyang natatanging anak
na si Hesus, upang tubusin ang ating kasalanan at ang kasalanan
ng mapanirang mundo. Buong loob niya tayong binalot
sa kaniyang pagmamahal at kapatawaran. Hindi niya
tayo pinapabayaan na mapahamak at mapasaapoy ng
impyerno. Palagi niya tayong iniingatan at pinapatnubayan
saan man tayo pumaroon at kalianman sa lahat ng panahon
ng ating buhay.
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang pasubali. Pag-ibig na walang
kapalit. Pag-ibig na walang kapantay. Pag-ibig na hindi
nauubos. Pag-ibig na hindi pansamantala katulad ng pagibig
sa henerasyon ngayon. Pag-ibig na maituturing na ligtas
na kanlungan. Pag-ibig na permanente at walang hangganan.
Pag-ibig na bumuo sa kadalisayan at kabutihan. Pag
-ibig na gumagawa ng kagandahan galing sa kaguluhan. Pag
-ibig na kaparis ng alak sa sarap, at tayo ang mga baso na
walang humpay na pinupuno. Ang Diyos lamang ang nagtataglay
ng pambihirang pag-ibig na ito.
G R A D E 1 1 — A B M
6
NARATIBO
P R I S M A 2 0 1 8
ni Niña Blaise C. Magsael
Hindi mapakali sa kinatatayuan si Pugirina sa kakaisip
tungkol sa mangyayari bukas. Bukas na ang pinakamahalagang
araw ng kaniyang buhay bilang isang pugita.
Lumalabas ang itim na tinta ng isang pugita sa edad na labingwalo,
at ito ang panahon na makapipili na siya ng kaniyang
nais gawin habang-buhay. Maaari siyang magtrabaho sa pagawaan,
maging manlalakbay o maging isang pintor. Ngunit
hindi lahat ng pugita ay nagkakatinta. Sa mga pagkakataong
ito, ang maaaring lamang niyang trabaho ay sa opisina. Apat
pa lamang sa isla Gagamay na hugis galamay ang walang tinta,
at labis ang kaba ni Pugirina na baka siya na ang ika-lima.
“Ate, wag mo kasing isipin masyado. Baka dahil dyan,
mangyari talaga ang kinakatakot mo.” puna ng kaniyang
nakababatang kapatid na si Pugimimi.
“Ayoko ko sa opisina lang magtrabaho habang-buhay! Gusto
kong magpinta at maglakbay sa iba‖t ibang parte ng karagatan.”
sagot niya.
Dumating na ang nakapupukaw-galamay na araw para sa
ating bida. Kumportableng pinaupo si Pugirina ng kaniyang
ama, at pumunta ito sa likod ng upuan upang ilabas sa baul
ang kinakailangang gamit. Napuno ng ingay ng halakhak ang
buong bahay. At tila abot sa susunod na karagatan ang mga
tili ni Pugirina, noong paulit-ulit siyang kinikiliti ng mga haplos
ng balahibo. Gayunpaman, walang tintang lumabas. Lumakas
ang tibok ng puso ni Pugirina noong sa ikalawang beses
ay wala pa rin.
“Tay, bakit wala pong lumalabas na tinta? Ano po ang ibig
sabihin nito? Wala na po bang pag-asa?” natatarantang
tanong ni Pugirina.
“Kalma lang anak, baka sa ikatlong beses ay may
lumabas na. Pero kung sakali, wala namang masama sa pagiging
pugita na walang tinta.” pagsisigurado ng kaniyang ama.
“Hindi ―yan pwede! Magpapakain talaga ako sa balyena kapag
walang tintang lumabas.” eksaherasyon ni Pugirina.
Habang naghahanda ang kaniyang ama sa pag-ulit ng proseso
ay bigla na lamang lumabas ang kaniyang tinta sa hindi malamang
dahilan. Napasigaw ang kaniyang ama at napasigaw rin
si Pugirina. Ang kaniyang tinta ay hindi itim kundi puti katulad
ng papel. Hindi nakapagsalita ang dalawa sa nakita at
nasaksihan. Matapos ang ilang minuto ng katahimikan.
“Tay, ano ang ibig sabihin nito? Bakit puti ang aking tinta? Sinumpa
ba ako? Paano ako magiging pintor kung kulay puti
ang aking tinta?” Sunod-sunod na tinanong ni Pugirina.
Walang naisagot ang kaniyang ama. Sa sandaling iyon, tila ba
binagsakan ng buong mundo si Pugirina. Ano ba ang mas
malala? Ang hindi magkaroon ng tinta o magkaroon ng tintang
puti na hindi naman makikita sa canvas o sa papel? Umagos
ang mga luha ni Pugirina. Kung ano-ano na ang kaniyang
naiisip kung kaya‖t napatakbo na lamang siya papunta sa nagiisang
lugar na nakapagpapakalma sa kaniya – ang bahura ng
mga koral. Umupo siya sa gitna ng maliit na espasyo sa loob
ng bahura at nagsimulang humagulgol, kasabay nito ay ang
paglabas ng kaniyang tinta.
“Hindi ko maintindahan ang karagatan. Sa lahat ng pugita ay
bakit ako ang minalas? May kasalanan ba akong nagawa?”
sambit niya habang umiiyak.
Napasigaw siya sa tindi ng emosyon at nayanig ang bahura.
Nahulog ang mga sambutil ng pulang koral at aksidenteng
humalo sa kaniyang puting tinta. Napapigil hininga si Pugirina
nang makita niyang naging pula na rin ang kaniyang tinta.
Nadiskubre niya na hindi lamang itim ang kaniyang magagamit
na kulay sa pagpinta, bagkus makapaghahalo na siya ng
kahit anong kulay na gusto niya. Hindi siya nag-aksaya ng
panahon, bumalik siya sa kanilang bahay at nagsimulang magpinta.
“Hindi lahat ng regalo ay maganda ang pagkakabalot.
Matutong tanggapin at paunlarin ang kung anoman ang mayroon
ka dahil hindi mo lang alam, mas maganda pa ito sa regalong
ninais mo.”
Bilang pagwawakas, natamo ni Pugirina ang kaniyang
pangarap na maglakbay at maging kilala na pintor. Isa na rin
siyang mahalagang parte ng kasaysakyan ng sining, hindi
lamang sa isla ng mga pugita kundi sa buong karagatan. Naging
tanyag ang kaniyang mga obra maestra at nagsilbi siyang
halimbawa sa ibang pang mga nilalang. Nakapagpatayo rin
siya ng sarili niyang galerya ng sining at binalot niya ng
mangha ang buong karagatan sa kaniyang talento.
G R A D E 1 1 — A B M
8
P R I S M A 2 0 1 8
NARATIBO
ni Charez Natal
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas
ng alon ang nagbibigay ngtakot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring
Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito.
Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil
sa hampas ng mga alon, simulanoon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng magisa
at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tilatumatahimik ang paligid at nawawala
ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya.
Sinabi ng matanda, na may kapangyarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit
ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni
Maria. Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring
Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa
nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siyang napakalaking alon, nagmadaling
tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan ng
buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipagsagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda
ang hampas ng alon nabumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin
ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi namuling humampas ang alon sa dalampasigan
ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa kanilang puso.
G R A D E 1 1 — A B M
9
NARATIBO
P R I S M A 2 0 1 8
ni Nathalie Ramos
Sa hardin ng Gandahardin ay makikita ang mga makukulay
at naggagandahang mga bulaklak. May mga makukulay
gaya nila Gumamela, mahalimuyak katulad nila Sampaguita,
malalagong sila Santan at higit sa lahat ang maalindog na si
Rosas.
Nagbubukod tangi si Rosas dahil sa kagandahang
taglay nito. Di maipagkakailang sila Gumamela, Sampaguita
at Santan ay naiingit sa kagandhang anyo ni Rosas. Dahil sa
kagandahan ni Rosas ay napakarami niyang manliligaw na
insekto. Kung minsan pa ay ang mga magkakaibigan ang sabay
na nanliligaw kay Rosas na nahahantong sa pagtutunggali.
Kahit ganoon pa man ay wala siyang sinasagot dahil hindi
niya gusto ang mga manliligaw niya.
Sa kabila ng kagandahang kaanyuan ni Rosas ay ang
kaniyang napaka –itim na budhi. Pinipintasan niya ang
kaanyuan nila Gumamela, Santan at Sampaguita.
“Kay papangit niyo naman! Ang babaho niyo pa! Panira
kayo ng araw!.” Ilan lamang iyan sa mga masasakit na
salita na binibitawan ni Rosas sa kapwa niya bulaklak.
Isang araw ay may dumating na napakakisig at napakagwapong
si Makisig na Bubuyog na siyang tipo ni Rosas.
Nais ni Rosas na makuha ang atensyon ng makisig na Bubuyog
kaya‖t kaniya itong kinausap.
“Isang napakagandang araw sa iyo Makisig na Bubuyog,
maaari ko bang malaman kung ano ang sadya mo rito sa
hardin ng Gandahardin?” wika ni Rosas.
“Magandang araw din sa iyo, Rosas. Nais ko sanang
makita at makausap si Sampaguita.” Sagot naman ni Makisig
na Bubuyog.
“Bakit mo hinahanap si Sampaguita eh nandito naman
ako?” ani ni Rosas.
“Ako‖y nagnanais na ligawan si Sampaguita” Sagot
naman sakanya ni Makisig na Bubuyog.
“Bakit si Sampaguita? Anong nakita mo sakanya?
Hindi naman siya maganda at lalo nang hindi siya kaakit–akit
kagaya ko. Mabango lamang siya!” Sagot ni Rosas na may
halong inis.
“Hindi ko yata nagugustuhan ang mga salitang
binitawan mo Rosas. Hindi nga siya kasing ganda at kaakit–
akit kagaya mo. Pero ang lahat ay may sariling pagkatao at
may kakaiang taglay ng kagandahan. Ang kagandahan mo ay
pang kaanyuan lamang. Hinding hindi matatalo ng kagandahang
kaanyuan ang kagandahan ng kalooban. Ayoko na tayo
ay magkasagutan pa. Aalis na ako at dadalawin ko pa si Sampaguita”
Madiin at kalmadong sagot ni Makisig na Bubuyog at
tuluyan nang lumayo kay Rosas.
Labis na inis ang nadarama ni Rosas kung kaya‖t
kanyang siniraan si Sampaguita sa lahat. Pinagsasabi niya sa
lahat ng kaniyang manliligaw na sinabihan siya ni Sampaguita
ng pangit at walang kwenta. Nagalit ang mga manliligaw ni
Rosas kung kaya‖t dali –dali nilang tinungo ang pinaroroonan
ni Sampaguita na kung saan masaya silang nag –uusap ni
Makisig na Bubuyog. Binugbog ng mga manliligaw ni Rosas si
Makisig na Bubuyog hanggang sa ito ay mawalang ng malay
at kanila namang pinaggugupit ang mga dahoon ni Sampaguita.
Kalat na kalat ang balitang ito sa buong hardin ng Gandahardin
na siyang nagpasaya kay Rosas.
Pagdaan ng ilang araw ay dumalaw sa Gandahardin
ang Diyosa ng mga bulaklak na si Gandanath. Hindi na
nagpatumpik –tumpik sia Gumamela at Santan at isinumbong
nila kay Gandanath ang kalunos –lunos na pangyayari na naganap
sa kanilang kaibigan na si Sampaguita. Pinuntahan
agad ni Gandanath si Rosas at ginawaran ng karampatang
parusa.
“Rosas! Hindi ko aakalaing magagawa mo iyon kay
Sampaguita! Dahil sa kaitiman ng iyong budhi ay magiging
maitim na rin ang iyong kaanyuan. Kakalimutan ka na ng lahat
dahil sa ikaw ay may masamang ugali at pangit na kaanyuan!”
Kasabay ng pagbigkas sa mga salitang ito ay ang pagkumpas
ng kamay ni Gandanath na siyag patunay na biigyan niya ng
parusa si Rosas.
“Huwag po! Huwag niyo po akong gawing pangit!
Maawa na po kayo saakin!” Paiyak na sigaw ni Rosas. Ngunit
hindi siya pinakinggan ni Gandanath at ginawa na siyang
maitim na Rosas. Napakaitim na aakalain mong isang anino
lamang.
G R A D E 1 1 — A B M
10
P R I S M A 2 0 1 8
PROSIDYURAL
ni Niña Blaise C. Magsael
Halos lahat ng tao ay nagnanais na maging mayaman. Sino ba naman ang ayaw mamuhay na walang problema
sa pananalapi? Gusto mo rin bang yumaman?
Narito ang tatlong hakbang upang yumaman:
1. Kumalap ng sapat na pera
Bago magsimulang mamuhunan o mag-impok, kinakailangang mayroon kang
pinagkukunan ng pera o mayroon kang trabahong pangmatagalan. Kaugnay nito, ang
iyong kita ay dapat higit na sapat upang mabili ang iyong pangangailangan at saka
magkaroon ng sobrang pera. Pinapayuhan na magkaroon ng taunang ebalwasyon ng
iyong kita upang malaman kung ang perang nakalap ay sapat ba o hindi.
2. Matutong mag-impok
Kapag mayroon ka nang sapat na pera ngunit hindi ka sapat na nakapag-iimpok,
ang maaaring dahilan nito ay mas mataas ang iyong ginagasto sa iyong badyet. Ilang
paraan upang makapag-ipon at mabawasan ang gastos ay pagbaon ng pagkain, bumili
ng mga segunda mano, at gumamit na lamang ng ―unleaded‖ na gasolina sa halip na
―premium‖. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na palagi kang maging matipid,
maaari mo rin namang bigyan ng reward ang iyong sarili pa minsan-minsan bilang
motibasyon.
3. Mamuhunan sa mainam na paraan
Ang huli at pinakaimportateng hakbang kasunod ng pagkalap at pag-iimpok ay ang
pamumuhunan. Ano ang mga dapat tandaan? Una, kailangan mong malaman ang return
at risk objectives ng kompanyang iyong pamumuhunan. Pangalawa, kailangan
mong malaman ang mainam na asset allocation para sa iyo. Pinapayuhan na
makipagkita sa isang financial advisor para dito. At ang huli ay mamuhunan sa iba‖t
ibang uri ng istilo upang mas maraming pagkakataon na kumita at mapalago ang pera.
Pinapayuhang magkaroon ng ng investment advisor dito.
Ang pagiging mayaman ay hindi nangyayari sa isang tulugan lamang. Sa pamamagitan ng pagtrabaho
, pagiging mapanuri sa gastusin at pagpapalago ng puhunan, siguradong makukuha mo ang iyong
inaasam. Kailangan mo lamang ng tiwala sa sarili, determinasyon at pasensiya.
G R A D E 1 1 — A B M
11
PROSIDYURAL
P R I S M A 2 0 1 8
ni Charez Natal
Mga Sangkap:
Buong Ulo ng Baboy
Calamansi Juice
Siling haba/ Siling Labuyo
Paminta Sibuyas
Spring Onions
Mayonaise
Itlog
Mga Hakbang:
1. Hatiin sa gitna ang ulo ng baboy. Ingatang hindi
mawasak ang utak. Isepera sa ibang lalagyan ang utak.
2. akuluan ang ulo ng baboy for 30 minutes.
3. Ihiwalay ang ilong, laman at tenga sa buto. Huwag na
isama ang mata. Ihawin ang ilong, laman at tenga hanggang
mag kulay brown. Pahiran ng mantika at toyo
habang iniihaw.
4. Gayatin sa maliliit na parte ang lahat ng karne.
5. Haluan ito ng isa't kalahating tasa ng Calamansi juice.
Lagyan ng isa't kalahating tasa ng Mayonaise.
6. Lagyan ng kalahating kutsarang paminta. Timplahan
ng asin ayon sa gusto ng inyong pamlasa.
7. Haluin gamit ang kamay.
8. Sa isang malaking kawali, mag gisa ng pininong sibuyas
at bawang. Ihalo ang pinag halo halong karne at igisa.
Ihalo ang ginayat na siling haba at labuyo.
9. Kumuha ng sizzling plate at isalang sa kalan. Tunawin
ang isa't kalahating kutsarang margarin. Ilagay ang
isang serving na nilutong karne. Hayaan sa kalan for 3
minutes.
ni Nathalie Ramos
Mga Kakailanganin:
1 kilong baboy
1 kutsarang asin
2 piraso ng kalamansi
2 kutssarang toyo
1 pirasong ulo ng bawang (tinadtad)
¼ kutsaritang dinurog na paminta
½ kutsarang asukal
3.Ihanda ang ihawin at painitin ang baga.
4.Isalang ang baboy at ihawin sa loob ng tatlo (3) hanggang
limang (5) minuto.
5.Baliktarin ang baboy at lutuin ang kabilang bahagi nito.
6.Ulit –ulitin ito ng dalawa (3) o tatlong (3) beses hanggang
sa ito ay maluto ng mabuti.
7.Alisin ang baboy sa ihawan at ilagay sa malinis na lalagyan.
8. Hiwan sa maliliit na piraso at ihain sa mga mambibili.
Panuto sa Pagluto:
1.Pagsamahin ang lahat ng sangkap maliban sa baboy.
2.Ibabad ang karne ng baboy ng isang oras o mahigit tatlong
oras.
G R A D E 1 1 — A B M
12
P R I S M A 2 0 1 8
P R I S M A 2 0 1 8
PERSUWEYSIB
ni Nathalie Ramos
G R A D E 1 1 — A B M
13
PERSUWEYSIB
P R I S M A 2 0 1 8
ni Charez Natal
Sa pagpasok ng taong 2000, tila malaki na nga ang mga pagbabagong mapapansin laio na sa mga
kabataan. Umusbong na ang mga isyu ukol sa teen pregnancy, same sex marriage at pagkakaroon ng LGBT
Gommunity. Isa sa mga pinakamalaking isyu na ninanais masolusyunan ng Department of Health (D0H) ay
ang pagkalat ng mga sakit na HIV at AIDS.
Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang sakit na mula sa pakikipagtalik kung saan ang
isang tao ay nagkakaroon ng mutiple sex partners. lto ay maaring makapagdulot ng impeksyon sa immune
system ng isang tao na magiging sanhi ng pagkawala ng lakas ng katawan na lumaban sa mga sakit. Ayon sa
pananaliksik, lumalabas na 30% sa mga kalalakihan ang nakipagtalik sa kapwa nila lalaki at 60-70% naman
ang nakikipagtalik na mga babaeng sex workers.
Upang masolusyunan ito, nagsumite ng isang plano ang DOH kung saan namimigay sila ng libreng
condom sa mga mag-aaral ng Senior High School upang maiwasan ang pagpapasa ng mga sakit tulad ng
AIDS at HIV. Kaugnay nito ang pag-implementa ng sex education sa curriculum ng mga paaralang may Senior
High School na siya namang tinututulan ng maraming mamamayan.
Isa sa mga pinaka matinding tumututol sa plano ng DOH na magbigay ng libreng condom at pagiimplementa
ng sex education ay ang Simbahang Katolika dahil naniniwala sila na ito ay labag sa kalooban
ng Diyos at ito ay immoral at makasalanan. Ito rin ay mapanganib sa kabataan dahil itinuturo nitong isabuhay
ang kalayaang magbubunga ng ibayong kapusukan at maling pagpapahalaga.
Ang pagbibigay ng libreng condom sa mga estudyante ay para na ring pagtuturo sa kanila ng
kapusukan at maIing gawain na makapagdudulot ng maagang pagbubuntis na siyang inaasahang tumaas pa
sa pagsapit taong 2050.
G R A D E 1 1 — A B M
14
P R I S M A 2 0 1 8
P R I S M A 2 0 1 8
PERSUWEYSIB
ni Niña Blaise C. Magsael
G R A D E 1 1 — A B M
15
ARGUMENTATIBO
P R I S M A
Philippines na ginanap, sinabi ni Cubao Bishop Honesto
Ongtioco na labag ang same sex marriage sa kagustuhan
ng Diyos dahil babae at lalaki lamang ang
dapat na ikasal. Labag din umano hindi lang sa
“natural law” kundi pati sa “Canon Law” ang pagpapakasal
ng parehong lalaki at babae sa Simbahang
Katoliko.
Pangalawa, ang papel ng kasal ay upang magbunga ng
anak at magsimula ng pamilya, na may ina at ama sa
isang tahanan na kinikilala. Kaya naman, ang
magkasintahang pareho ang kasarian ay kailan may
hindi makakamit ang ganitong pangangailangan.
ni Charez Natal
Ang “same-sex marriage” ay isang legal na
pagpapakasal ng magkaparehas na kasarian, hindi
lang sa mata ng tao ngunit pati na rin sa mata ng batas.
Isa ito sa mga isyung panlipunan na dapat na
binibigyang pansin ng lahat sapagkat talamak na ang
legalisasyon nito sa mga karatig na lugar. Kaya naman,
ang pagnanais ng LGBT Community na makilala
ang indibidwal at sosyal na karapatan ay lubhang
lumalaki at tumataas tungo sa legalisasyon ng Same
Sex Marriage na siyang tinutulan ng simbahan at
makapilipinong lipunan.
Ang Pilipinas ay lubos na binibigyang halaga
at paggalang ang karapatan ng mga “homosexual” sa
bansa kaya malaya ang lahat ng kasapi sa LGBT
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Community) na
maipahayag ang kagustahang ipatupad na sa bansa
ang kasal ng parehong kasarian ngunit, ang pagnanais
na maisulong ang Same-Sex Marriage ay ibang usapan
na; maaring magdudulot ito ng malaking dagok sa
Simbahang Katoliko at pagkasira sa kahulugan ng
isang tradisyonal na pamilya.
Una, binbuo ang malaking populasyon ng bansa ng
mga Katoliko kaya naman isa itong malaking insulto
sa simbahan. Sa Catholic Bishops‖ Conference of the
Ayon sa SWS Survey na ginawa noong nakaraang
Mayo 2015, 7 sa 10 Pilipino ang hindi sang-ayon sa
pagpapatupad ng Same-sex Marriage dahil una, labag
ito sa batas ng Diyos at maging batas moral ng tao.
Sa pagdaragdag, malaya ang isang kasapi ng LGBTQ
na magpahayag ng saloobin sapagkat ito ay isang
karapatang pantao, ngunit ang pagdawit sa seremonyas
ng “Kasal” ay kailanma‖y hindi tanggap ng simbahan
at lipunan. Ang pagnanais ng isang organisasyon
o indibidwal na maging legal ang Same-sex Marriage
ay higpit sinasang-ayonan. Bukod dito, ang mga taong
kasapi sa 52 porsyento (52%) na hindi sang-ayon ay
nag-iisip din na ang pag-legal nito sa batas ay walang
epekto sa lipunan, samantalang 40% ay naniniwala na
ito ay makakapagbigay ng masamang dulot sa
lipunan.
Sa huli, hindi ito ang tamang panahon upang maging
legal ang Same-sex Marriage sa bansa. Maraming
kahaharapin na pagsubok, sapagkat ang isip at puso
ng mga Pilipino ay hindi pa bukas sa ganitong usapin.
Hindi kinokondena ng bansa ang LGBTQ ngunit hindi
nangangahulugang sasang-ayonan ng batas at simbahan
ang Same-sex Marriage. Ayon kay Presidente Rodrigo
Duterte, “Katoliko tayo” at ang konsepto ng
Same-sex Marriage ay angkop lamang sa mga
Kanluraning bansa.
G R A D E 1 1 — A B M
16
P R I S M A 2 0 1 8
ARGUMENTATIBO
Ang forever ay hindi lamang nakatuon sa pag-ibig
sa kasintahan mo na dapat sakanya mo lang ilaan, bagkus
ito ay nakabase sa lawak at kakayahan mong magmahal sa
mga taong nakapaligid sa iyo. Para sa akin, maituturing na
forever ang pagmamahal kahit mag–isa ka lang na nagmamahal,
ibig sabihin mananatiling mahal mo ang isang tao
kahit walang tugon ng pagmamahal mula sa kanya. Hangga‖t
may kakayahan kang magmahal at may nagmamahal,
naniniwala at maniniwala parin ako sa forever.
ni Nathalie Ramos
Sapagkat ang tao ay nabubuhay sa pagmamahal.
May mga tao rin na hindi naniniwala sa forever at kadalasang
binabansagang “mga bitter.” Hindi sila naniniwala sa
forever dahil sa mapait na karanasang kanilang napagdaanan
sa mga naging kasintahan nila. Pero ganoon naman
talaga kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka
dahil kaakibat nito ang sakit at kabiguan. “Hindi ka pa kase
nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang pakiramdam
ng isang bitter?” Alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat
naman tayo nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi
yun dahilan para itaga sa sarili mo na walang forever.
Mayroon nga bang forever?
Karaniwang bukambibig ng kabataan ay “Walang
forever” “magbbreak din sila.” Pero para sa akin, naniniwala
akong may forever hangga‖t may nagmamahal at minamahal.
Huwag mong ikulong ang galit at sakit na nararamdaman
mo dahil lang sa nasaktan ka. Huwag mong
ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa iisang tao lamanng
dahil hindi mo namamalayan mahal ka ng mga taong nakapaligid
sa iyo, yung mga taong hindi mo napapansin, yung
mga taong nasa likod mo lang.
Oo lahat may katapusan, lahat ay mamamatay,
lahat ng bagay ay may hangganan. Pero hindi ito ang
basehan na wala talagang forever. Ang pagmamahal ng
Diyos sa atin, di ba forever yun? Ang pagmamahal natin sa
pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa lahat ng taong mahalaga
sa atin di ba forever yun? Hangga‖t naniniwala ka at
may pagmamahal kang nadadama, mayroong FOREVER,
maniwala ka.
ni Niña Blaise C. Magsael
Isa lamang ito sa mga naging pahayag ni Pres. Rodrigo
Duterte tungkol sa pagsulong niya sa batas na magkaroon ng
parusang kamatayan. Tumutol ang simbahang Katoliko sa katwirang
hindi nito mapipigil ang paglaganap ng krimen.
Bilang isang estudyante at mamamayan ng ating
bansa, kung ako ang tatanungin, hindi ako sang-ayon sa death
penalty. Bukod sa labag ito sa batas ng Diyos, hindi rin nila
mabibigyan ng pagkakataon na magbago ang isang tao. Hindi
ito maari sapagkat marami ang maaapektuhan.
Sabihin na natin na may mga magandang epekto rin
kapag ito ay ipinasulong. Ilang halimbawa na diyan ay; maaring
mabawasan ang paglaganap ng krimen dahil sa takot na maparusahan
nito, mababawasan ang masasamang tao sa lipunan,
mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, at iba pa. Nung una,
nakumbinse rin ako, at sumang-ayon sa parusang ito dahil pag
nakulong rin naman ang isang kriminal at nahatulan ng habang
buhay na pagkakabilanggo, mamamatay rin naman ito sa
bilangguan. Tama naman diba? Pero mali. Mas marami pa ring
negatibong epekto ito sa buhay ng isang tao.
Una, sa death penalty wala nang pangalawang pagkakataon
ang nagkasala na magbago dahil kikitilin na ang buhay
nila. Ikalawa, hindi ito solusyon sa patuloy na paglaganap ng
krimen. Hindi nito mapipigilan na makagawa ng pagkakamali
ang isang tao. Ikatlo, ang mahihirap ang labis na maapektuhan
dahil sa ang iba‖y hindi sila ang may gawa na kasalanan at hindi
nila kayang kumuha ng mahusay na abogado para idepensa
ang nabintang na kaso. Ilan lamang ito ito sa mga posibleng
epekto kapag naisulong ang parusang kamatayan.
Ang nagkakasala at nagkakamali ay nararapat na parusahan
pero sa pamamagitan na matuto sila. Sa estado ng
ating bansa masasabi natinng marami talagang krimen ang
nagaganap. Nararapat silang parusahan ng tama.
Sa Pilipinas mas maraming mamamayan ang kristiyanong
Katoliko. Hindi natin dapat maipaghihiwalay ang politiko
sa relihiyon. Hindi ito moral dahil ang buhay ay mahalaga.
Tayong lahat ay binigyan ng buhay ng Diyos. Ang buhay natin
ay hiram lang. Walang karapatan ang sinumang tao na kumuha
ng buhay ng kapwa tao. Diyos na ang bahalang magparusa sa
mga nagkakasala.
G R A D E 1 1 — A B M
17
EDITOR’S NOTE
P R I S M A 2 0 1 8
MENSAHE NG MGA MANUNULAT
Kung pumarito ka upang basahin ang mensahe ng punong-panugot, paumanhin ngunit
ang iyong mababasa ay ang mensahe naming tatlong manunulat ng publikasyong ito. Noong una
naming pinagplanuhan ang paglilimbag ng pahayagang ito, ang aming pagtitipon ay napuno ng
pag–aalinlangan. Pag–aalinlangan na baka hindi namin matapos sa itinakdang oras ng pasahan
dahil sa napakaraming mga gawaing naitambak sa amin.
Nagsimula ang lahat sa paglikom ng mga tekstong impormatibo, deskriptibo, naratibo,
persuweysib, prosidyural at tekstong argumentatibo na aming nagawa na. Hindi namin inaakala
na napakahirap gawin at buuin ang pahayagang ito. Nasabi kong napakahirap sapagkat nangangailangan
ito ng mahabang pasensiya at mas malalim na pag-unawa. At dahil sa mga napagdaanan
namin, lubos kaming humahanga sa mga lupon ng manunulat ng pahayagan ng aming
paaralan.
Hawak mo sa iyong mga kamay ang bunga ng isang linggong puno ng ilang ulit na pagpalis
ng pawis gamit ang likod ng palad, puyatan hanggang umaga, at pagpipiga ng utak para lamang
may maisulat at magawan ng magandang layout sa bawat pahinang bumubuo sa pahayagang ito.
At ang paghihirap sa paghanap ng café na mura ang presyo ng mga bilihin na may magandang
connection ng wifi at mga litrato sa internet na aangkop sa aming mga teksto. At sa wakas, nagbunga
na rin ang lahat ng paghihirap at pasakit na aming naranasan.
Buong puso naming ipinagmamalaki sa inyo ang pahayagang nagngangalang ―Prisma‖. Dito
mababasa ninyo ang mga kuwento at kaalamang mula sa puso na ngayon ay naisatitik. Mababasa
ninyo sa bawat tekstong naglalaman ng mga damdaming hindi masabi –sabi. Sa bawat titik
na nakasulat sa mga nagdaang pahina, kaakibat ng mga ito ay ang isang parte ng aming pagkatao.
G R A D E 1 1 — A B M
18
Visit us at:
www.facebook.com/PrismaPH
@PrismaPH
@PrismaPub