Silakbo
Isang antolohiya ng mga akda ng mga piling estudyante sa STEM183 ng Asia Pacific College
Isang antolohiya ng mga akda ng mga piling estudyante sa STEM183 ng Asia Pacific College
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
SILAKBO 2020
Copyright © 2019 by 183 Creatives. All rights reserved.
Inilimbag sa Pilipinas.
Walang bahagi ng magasin na ito ang maaaring kopyahin sa
anumang paraan nang walang permiso ng manunulat.
“
PARA SA MGA TAONG
BINALEWALA NG
LIPUNAN
“
Editorial Board
Ma’Am Nol
ni Walter Avenido
Let’s say a teachers will
always care for its student.
Ito ang nangyari sa isang
estudyante na may ayaw
sa isang subject. Ang guro
nito ay napansin siya at
bago ng estudyante hanggang
sa varaw ng pagtatapos.
Pagkarating ng araw
ng pagtatapos, nagpaalam
ang guro dahil magreretiro
na’t mamamahinga.
ito ay tinanong sa adviser
ng bata. Sinabi ng adviser
na ‘di ito nakaiintindi
ng Filipino. Naisip ng
guro na i-tutor ang bata
para sa kinabukasan nito.
Noong una, natatakot
siya kahit pumayag ‘yong
magulang sa alok niya na
i-tutor ang bata. Pero sa
mga nakalipas na araw,
napansin niya ang pagba-
os
Medalya ng Pagkilala at Alaala
ni Ramon Carlos R. De Guzman
Aking simulan sa unang
araw na nakuha niya ako, ang
desente ko pang tignan, ang
linis-linis medyo mainit-init
pa. Ang dami namin noon,
mga 37? Pinagkakaguluhan pa
kami dahil mayroon sa aming
naiiba, tila ba mas maganda
ang pagkaka-print, pero ako
yung napunta sa kaniya. Tuwang-tuwa
pa siya noong ikinabit
niya ang ID niya at isinuot
ako. Mula sa puntong ‘yon,
nasubaybayan ko lahat ng hirap
at saya na naranasan niya.
Paano ba namang hindi? Kapag
hinubad niya ‘ko, nako, yari
tayo kay ate guard, maririnig
niya nanaman ‘yong “Asan ID
mo?”.
Isang buong taon ko siyang
nakasama, nakapunta
siya sa iba’t ibang lugar dahil
sa mga patimpalak. Nakita ko
ang saya niya tuwing nananalo,
tulad noong cha-cha, chamber
theater, pati ang unang patimpalak
na sinalihan niya kung
saan siya’y lumabas na kaniyang
comfort zone at rumampa
sa harap ng buong eskwelahan.
Grabe ang saya niya noong isinasaayos
pa nila ang kanilang
mga gagamiting props at mga
kasuotan, mga panahong nagpapraktis
pa sila ng kanilang
mga piyesa, kitang kita sa kaniyang
mga mata ang tuwa
na kaniyang babalik-balikan
balang araw. Kahit hirap na hirap
na silang lahat, nadadaan
parin nila sa ngiti ang mga
nangyayari dahil alam nila na
ang ginagawa nila ngayon ay
para sa kanilang lahat.
Hindi lamang ang
mga masasayang alaala ang
masarap balikan, naririyan
din ang mga panahon na sila
ay nagmumukmok sa pagkatalo,
makikita mo ang paglaki
nila sa bawat laban na kanilang
sinalihan dahil habang
natagal mas natatanggap
nila ang pagkatalo
at nadadaan nalang
nila ito sa ngiti.
Naalala ko pa
noong una silang
natalo sa waltz, grabe
ang mga batang ito nag
takbuhan ang mga babae na
naka-dress habang naiyak, na
mukhang iniwan sa kanilang
prom. Pagkarating ng huling
sayaw nila na magkakasama,
ang festival dance nila. Nakatutuwa
silang tignan habang
nagdiriwang kahit na sila ay
natalo, niyakap pa nila ang
mga kakompetensya.
Grabe ang taon na ito,
dito siya lumaki nang sobra.
Hindi nga lang iyan e, ito pa
ang taon na nagkaroon siya
ng nobya. Dito namuo ang
isang maganda at mainit na
samahang naituturing nila bilang
isang pamilya. Kaya sobrang
sarap balikan ng mga
panahon na sinusuot pa niya
ako, at makikilala mo siya bilang
isang estudyante mula sa
Dalton. Tuwing makikita nga
niya ako ngayon, lagi nalang
niya iniisip na kung
maaari lamang ibalik
ang nakaraan o
pumili ng panahon
na gusto
ko balikan,
ito iyon,
Hunyo
n g
2016
hangg
a n g
Abril ng
2017.
Duplicate ni Klarenz A. Villanueva
B
ata pa lamang ako at
walang kamuwang muwang
sa mundo ang akala
ko ay laro lamang ang lahat,
ginagawang biro ang
lahat ng sitwasyon. Mahilig
ako mag-cellphone noon,
gamit ang cellphone ng
aking ama dahil ito’y may
magandang laro na aking
kina-adikan.
Tumanda na ako at
hindi na gaano paglalaro
ang aking gusto, ang mga
kaklase ko kasi ay may kaniya-kaniyang
cellphone
at ginagamit nila ito para
magkumustahan at minsan
naman ay magpasahan
ng “GM” text. Dahil ako ay
walang cellphone, kinukuha
ko lamang ang number
ng mga kaklase at crush ko
at isusulat ko ito sa papel,
kapag ako’y nakauwi hinihiram
ko ang cellphone ng
aking ama at ite-text ang
aking crush, ngunit madalas
din gamitin ng aking
ama ang kanyang cellphone
kaya hinihintay ko
na matapos niyang gamitin
ito. Ako’y nagdududa paminsan-minsan
dahil inilalagay
niya ito sa kabilang
bulsa at biglang maglalabas
ng cellphone sa kabilang
bulsa, pero hindi ito big
deal sa akin dahil tuwang
tuwa akong mahiram ko
ang kanyang cellphone.
Nakatungtong na ako
ng sekondarya at wala pa
rin akong cellphone kaya
patuloy lang ang paghiram
ko ng cellphone sa aking
ama, naabutan ko siyang
natutulog kaya dali-dali
akong pumunta sa kanya
at kinuha ang kanyang cellphone
laking gulat ko nang
makita na may password
ito kaya dali-dali ko rin
itong ibinalik. Dito na nagsimula
ang aking paghihinala
sa aking ama, may
itinatago ang aking ama
dahil hindi naman siyang
naglagay ng password sa
mga naging cellphone niya.
Nakatatlong cellphone na
nga pala ang aking ama at
lahat ito ay natunghayan ko
na may kapareho o duplicate
na ganun rin ang itsura. Matagal
ko nang gustong makuha
ang isa rito, humahanap ako
ng tiyempo kung kailan ko
makikita ang isa sa mga ito at
malaman kung anong tinatago
ng aking ama
Para akong si Detective
Conan kung maghanap dahil
bawat sulok ng bahay ay aking
tinitingnan. Noong may motor
pa kami, doon niya nilalagay
sa compartment ng motor
ngunit nung nasira ito hindi
ko na alam kung saan niya ito
nilalagay. Tuwing naglilinis
kami ng van, madalas kong
nakikita na ibang cellphone
ang hawak ng aking tatay,
madalas siyang may ka-text o
kung hindi naman ay kausap.
Ito na, dahil nakahihinala na
ako na dito niya itinatago sa
van, isang araw ay sinubukan
kong puntahan at n’ong tignan
ko ito ay dito di nga ko nagkamali.
Hindi ko binuksan ang
cellphone dahil kung sakaling
makita ko ang mga pinagagawa
ng aking tatay ay maaring
hindi ko kayanin. Kamakailan
lamang ay na-late ang aking
kapatid sa pagpasok sa eskwela
at nakita ko na dala-dala niya
ang kanyang cellphone ngunit
nakita ko rin na may isa pang
cellphone na naka-charge kaya
nang kaniyang hinatid ang
kapatid ko ay dali-dali kong
binuksan ito at tinignan kung
sino ang mga kausap ng aking
ama. Nanginginig at mabilis
ang tibok ng puso nang ako’y
pumunta sa inbox. Hindi alam
ang nadarama, hindi na matigil
ang pagtulo ng mga luha.
Marami akong nalaman at
hanggang ngayo’y itinatago sa
sarili, ang dating magalang at
masunurin ay ngayo’y nagrerebelde
na. Punong puno ng puot
at galit. Ako’y nagpapatuloy na
lamang sa buhay na para bang
walang nangyari at hindi rin
masabi sa ina sa kadahilanang
magkaroon ng pag-aalitan
Malas
Ni Vladimir Perez
Naalala ko pa
noong panahong nilalait
ako parati. Kaibigan,
pamilya, guro,
kapwa, at kamag-anak.
Pinangarap ko noon
maging sikat para naman
kaibiganin ako
at respetuhin ng iba.
Kaso malas ako, wala
kasi akong nagagawang
tama. Sinubukan
ko na lahat ng paraan
para makilala ako
ngunit hindi pa iyon
sapat para respetuhin
ako. Natuto akong
magmahal kaso hindi
ako minahal. Ginawa
ko naman lahat hindi
pa rin sapat, kaya nasubukan
kong magpa-
kamatay. Ang malas
kasi kahit sariling
pagpapakamatay, pumalpak
ako. Lumipas
ang mga buwan na napagtanto
kong siguro
bulag talaga ako sa
reyalidad.
May mga tao pa
ring may pakialam sa
akin at nagmamahal
sa akin. Kaya nagpapasalamat
ako sa hirap
at problema sa aking
nakaraan para maging
mabuting tao sa hinaharap
Sa Araw ng Linggo
NI CHRISTIAN MAROLLANO
S
a murang edad, ‘di namin
akalain na mawawalay
kami sa tabi ng aming
magulang. Hinabilin kami sa
aming lolo’t lola na lubusang
nagmamahal sa amin. Bagama’t
nahirapan kami ng aking
kapatid sa biglaang pagbabago
sa kapaligiran at mga taong
nakasasalamuha, ‘di namin
maiwasang umiyak at tanungin
kung bakit kailangan
pang mangyari ito.
Sumapit ang araw ng
Linggo, niyaya kami ng aming
lola na magsimba. Kilalang
taong simbahan ang aking lola,
lalo na’t siya ay nasa “Praise
& Worship Service”. Noong
una’y ‘di namin nagustuhan
ang ideya ng aking lola dahil
nagmumukmok kami ng aking
kapatid at gustong gusto
na naming makita ang aming
magulang.
Isang traysikel ang sumalubong
sa harapan ng bahay
at dahil taong-bahay at
walang kamuwang-muwang
sa pangyayari, nadala kami
ng aking lola sa aming karoroonan.
Laking
tuwa namin sa
aming natagpuan.
Mga batang
humahagikhik
sa katatawa. Nagalak
kami ng
aking kapatid sa
aming nakita.
Mga batang kay
bibilog ng pisnging
nagsasaya.
Takbo rito! Takbo
roon! Ang
halakhak nila ay
umaalingawngaw
sa buong
lugar. Dali-dali
naman kaming bumaba at
nakipagkilala sa mga batang
iyon habang binabayaran ng
lolo namin ang traysikel drayber.
Lukso rito, tayaan doon.
Nakiisa kami sa mga batang
humahagikhik sa kakatawa.
Akyat baba, para kaming magkakaibigan
na nabuo agad sa
maikling panahon. Sinubukan
rin naming magbato ng mga
turumpo, ugoy-ugoy kami
sa swing na yari sa gulong at
lubid. Humihiyaw ang aking
kapatid sa saya habang tinutulak
namin siya.
Sa paglubog ng araw,
kinailangan nang magpaalam.
Tinanong kami ng aming lola
kung naging masaya ba kami
sa simbahan. Tumango kaming
apat at niyakap ang aming
lolo’t lola habang nagpapasalamat
nang lubusan. Ito ang isa
sa pinaka-masayang alaalang
‘di ko makakalimutan. Isang
masigabong lugar pala ang
aming kinabibilangan.
Ang Batang
Mapaglaro
noong Ika-anim
na Baitang
NI DANIELLE ANNE TARRIELA
Sa huling baitang bago
matapos sa elementarya, isang
batang walang muwang ang
nag-aaral sa isang pribadong
paaralan. Ordinaryo kung
pagmamasdan pero ang estudyanteng
ito’y palakaibigan
at napakaaktibo. Ngunit sa
murang isip nito, makikita
mo na ito’y mapaglaro. Isang
nobela ang buhay para sa kaniya,
isang istorya sa ‘wattpad’,
isang malaking tanghalan.
Sa tagal niya sa paaralan,
ilang piraso ng karakter ang
kaniyang napupulot sa bawat
taong kaniyang makasasalamuha.
Tila ba’y isang ‘puzzle’
ang katauhan nito, ngunit
may ilang pirasong pilit nitong
pinagdidikit, isang malaking
pagkakamali tinatratong mga
baraha ang kaibigan kaniyang
pinapakasamahan. Kumapit
sa nakatataas, iitsa ang hindi
kinakailangan. Minsan na rin
itong nakipag ‘tug of war’ sa
kalaro, hihilain pababa kasama
nito sa kalokohan, ang bagsak,
sa guidance office.
Ang batang iyon, ay ako.
mapaglaro sa bersyon mala-manika,
nasa sa iyo kung
pano mo ito lalaruin. Ako’y
naging isang mapagkunwari
sa larong ako rin ang nagsimula.
Payaso sa sariling palabas.
Nalimot ang sariling katauhan.
Sa murang edad, pinilit
kong makisalamuha sa aking
kinagagalawan, akala ko’y
simpleng katuwaan ang aking
pinapakita. Hindi na pala, hindi
na pala ako ang kilala nilang
kalaro. Isang karanasan sa nakaraan
na nais ng itapon.
Honour
ni John Rysal C. Rosel
Linggo ng umaga, abala
ang lahat sa paghahanda
para sa isang malaking aktibidad
ng Philippine Red Cross
habang ako ay nakahiga sa
kama. Sa sobrang daming ginawa
noong nakaraang gabi,
tila ba hindi ko na maramdaman
ang bawat galaw ng aking
katawan. Pagod, bagsak ang
mata, nanginginig ang mga
kamay. Hindi ito ang ninanais
kong makita ng mga tao.
Sa aking pagdating sa mismong
lugar, sinalubong ako
ng makukulay na disenyo at
masasarap na pagkain, napansin
kong nagbunga ang aming
pinaghirapan kahit na magsi-
simula pa lamang ang aktibidad.
Ngunit sa kabilang kanto
ng lugar, nakikita ko ang isang
dilim na papalapit sa akin . . .
Dama ko ang init at kulo
na kaniyang tinataglay. Sa kaniyang
paglapit, ako ay nakarinig
ng “Bakit ngayong ka
lang?!, hindi ba sabi ko dapat
maaga pa lang nandito ka na!”,
wala akong nagawa ngunit
magpasensya at gawin na ang
aking trabaho sa araw na iyon.
Ganoon ba talaga kapag ikaw
ang nasa itaas? Kinakailangang
ipamukha na sobra ang
iyong pagkakamali kahit na
tulo ng luha lamang ang aking
nagawa? Hindi, hindi ito ang
ninanais kong makita ng mga
tao.
Ngiti, pagbati, at galak
ang kanilang natanggap mula
sa akin. Sa pagsisimula ko sa
pagkuha ng mga litrato ng
mga dumalo, tingin sa lente,
sabayan na rin ang pag ngiti
ng kinukuhaan, sabay bilang.
Ayan ang aking ginawa
sa buong maghapon. Ngunit,
bakit parang hindi sapat ang
lahat? Hindi ko makuha ang
tamang ngiti, ito ba ang nais
nilang makita? Hindi, hindi ito
ang ninanais kong makita
ng mga tao.
Nang malapit nang
matapos ang aktibidad,
pinaakyat ang lahat ng
“organizers” upang bigyan
ng pagkilala. At bilang
mga lider at volunteer,
isa-isa kaming
tinanong kung sapat ba
ang ginagawa ng mga
lider sa ating bansa? Ang aking
sagot ay “Marami pa silang
maaring magawa, ang mga kabataan
ay lumalaban para sa
kanilang kapakanan. Nararapat
na samahan ng nakakatanda
ang mga bata sa paglaban para
sa karapatan at para sa bayan
dahil tayo ang makikinabang
dito.” Sa kabila ng kalungkutan,
pagod, at pagalit na natanggap
ko ngayong araw, nakatanggap
ako ng hiyawan at palakpakan.
Tama, ito ang ninanais kong
makita ng mga tao
BUWAN NG W
ko ay gumising ng alas
A
singko ng madaling araw
upang mag handa sa isang
school activity na gaganapin
sa isang branch ng paaralan.
Pagkatapos ko maligo, ako ay
nag sipilyo at dali-daling pumasok
sa loob ng aking kwarto
upang magbihis ng uniporme
at ihanda ang mga gamit na
aking kakailanganin sa loob
ng araw na iyon. Pagkatapos
ko magbihis, ako ay nagsipilyo
at dali-daling pumasok sa
aking school service. Ako pa
lang ang kauna-unahang high
school na estudyante sa loob.
Nakita kong natutulog nang
mahimbing ang dalawang
bata na pre-school.
Saktong 5:40 ay sumakay
na ako sa aking service at
kami ay umalis na upang sunduin
ang isa pang junior high
school. Ako ay medyo inaantok
sa oras na iyon dahil
madaling araw na akong nakatulog.
Kaya naman tinutok
ko ang aircon sa aking mukha
at sabay salpak ng earphone
saaking cellphone at nakinig
sa music habang bumabyahe.
Hindi ko namalayan na
nasundo na pala namin ang
isang junior high school.
Pagkatapos ilagay ng kasama
ng driver ang bag sa
loob ng sasakyan, dali-dali
na kaming umalis papunta
sa paaralan.
IKA NI VINCENT NACOR
Muli akong nakatulog
nagugutom na. Pagpasok ko sa
dahil alam ko naman na malayo-layo
pa ang byahe at talaga
namang nakakaantok dahil
loob ng Jolibee ay wala masiyadong
tao kaya naman mabilis
akong naka-order ng aking
pagkain, pagkatapos ako’y
malamig. Ako ay nagising sa
ingay ng mga tao na nag-aantay
umalis na papuntang eskwela.
sa terminal ng tricycle. Ako ay sumakay ng tricycle
Ngunit paglampas namin ng dahil malayo ang distansya ng
kaunti sa may terminal ay eskwela at ng jolibee. Pagpasok
wala namang masiyadong
ko sa paaralan ay dumi-
tao. Bigla kong napagtanto na retso ako papuntang cafeteria
ang mga nakapila sa terminal upang kainin ang aking pagkain.
Bukod sa maingay ang
ng tricycle ay tinanghali ng
gising kaya naman ang karamihan
mga bata, napansin ko rin na
sa kanila ay nagtitiis ang ibang mga highs chool
sa haba ng pila. Bigla akong ay nakasuot ng Filipiñana at
nakaramdam ng gutom at barong tagalog. Pagkatapos
naalala ko na hindi pala ako ko kumain, agad na akong
nakapag almusal sa bahay
sa kadahilanang ako ay nagmamadali.
dumiretso sa auditorium ng
paaralan upang maabutan ko
Agad-agad kong ang activity nang hindi nahu-
sinabi sa driver na sa Jolibee huli.
lang ako bababa dahil ako ay
Paala-ala ng
awtoridad
NI SETH KENDALL MUNAR
Maraming tumatakbo sa isip
ko bawat araw. Sa dami ng sitwasyon
kong inaalala, takot
ako kung ito man ay mangyayari
o hindi. Malay ko ba kung
ano ang gagawin ko, kung ano
ang reaksiyon ko, kung magpuputak-putak
ako sa labas
upang marinig nila ang hinaing
ng nakabababa. Kapag ba
nangyayari sa’yo ang inaasahan
mo, paano mo ito aaksyunan?
Umagang-umaga ng panibagong
araw, nag-uusap kaming
magkaibigan na nagbabalik-tanaw
sa nakaraan. Kung
maiisip mo. Napakanormal
na gaganapin doon sa papanoorin,
nagkakatuwaan, nagkukulitan,
na walang malay sa
mundo.
Sabi nga, “Bigyan mong
halaga ang nangyayari sa iyo
lamang. Kapag may taong nakakasira
sa iyo man o sa iba,
aksyunan mo”.
Napag-isipan ko ito
noong nakita ko ito sa binabasa
ko. Lumalabas sa utak ko
ang mga kakaibang sitwasyon
na makakasira sa amin. Nauna
ko yung pagkakaroon ng
“zombie outbreak” pero may
nagtiwalas. Hindi naman
totoo ‘yan. Maging ‘realistic’
ka naman. Parang pang-’Hollywood’
na kaartehan iyan,
eh. Napakunot ako ng noo.
“Paano kung lumindol dito?
Anong gagawin natin?” Sabi
ko ng matatag.
Oo nga, sa napakaraming
balita ukol sa ‘The Big One’,
hindi ko maalis sa isip ko kung
tunay bang handa tayo sa mga
sitwasyon.
Tutal, angal ng kaibigan ko,
“Edi, anong kwenta ng DRRR
sa Grade 12? Sabog ka ba?
“Hindi nga lang sabog, bangag
pa. Nakakatawang isipin pero
ano bang magagawa mo kung
payapa ang paligid mo? Magdadrama
ka nalang ba ng bigla
bigla sa mga kaibigan mo?
Pwede. Pero nasa kalagitnaan
kami sa gawain namin. Muntikang
‘di matapos pero sa biyaya
ng Panginoon, natapos.
Natapos ang ano? Ang
usapan. Tumahimik ang silid.
Akalain mo na ang grupo sa
kabilang dulo nanahimik ng
matindi na sa mukha nila ay ay
hindi makapaniwala. Nakagugulat.
Oo, yung liham. Lahat
kami nabigyan ng papel upang
maipaalam na ‘yong lumayas
kami sa pinaroroonan namin.
Aba, gago ba sila? Oo, inasahan
ko ‘to. Oo, nabalitaan
namin sa iba? Tinitignan lang
ba kaming parang harang sa
mga nais nila para raw sa komunidad?
Bakit? Madali bang
tanggapin ang sinasabi at utos
nila dahil sila ay may kapangyarihan?
Dapat tinanong man
lamang kami. Dapat kinausap
kami. Isipin mo, sa maikling
panahon na binigyan kami
ng anunsiyo, madali bang
makakalipat at makibagay sa
hiling nila? Siyempre, hindi.
Gusto kong sumigaw sa harap
nila at magpaliwanag sila. Gusto
kong mahulog ‘yong langit
sa bubong ng kwarto nila
para magising sila sa delusyong
madali lamang ang pinapagawa.
Pero, ang masakit ay
ang mapagtanto mo na wala
ka nang magagawa. Tanggapin
mo na lamang.
Sa lahat ng sitwasyon hindi
mo inaakalang mangyayari
kahit ito ay may malaking
posibilidad na ihatol sa iyo.
Ano ang gagawin mo? Pwede
kang umangal, kalabanin ang
sumisira sa iyo. Pwedeng protektahan
ang mahalaga para
sa ‘yo. Pwedeng tanggapin mo
nalang at sumuko ka sa lupa
na walang kalaban-laban.
Luluhod ka na lang ba sa
talampakan nila upang mailigtas
lamang ang nais mo?
Oo
BOXERS
NI JAN PATRICK NAVARETTE
Ang aking pinili ay ang
aking shorts o swimming
trunks. Dahil sa isang araw
na nagkaroon ako ng trust
issues. Kaya tuwing mayroong
swimming lagi ako
may backup.
Nangyari ito noong
ako ay nasa ika-9 na baitang,
nagkaroon kami ng
swimming dahil intrams
naman. Ang mga kasama
ko noon ay ang aking mga
katropa na sina Ryhen,
Charles, Darren,
Luke at Jenesis.
Napakasaya naming
nagtutulakan
sa swimming pool.
Nagpapaunahan at
ang mahuhuli ay
ibabato sa pool.
Pagkatapos ng aming
paglalaro, naisip
namin na tumalon
sa pool nang
may iba’t ibang istilo.
Nung oras ko
na sa pagtalon
napagtripan ako
ng aking katropa
na hubarin
ang aking short.
Hiyang hiya ako
dahil nasa pool
rin ang ate ng
crush ko. Hi-
yang hiya ako pagkahulog
ko sa pool. Kaya simulan
noon lagi na ako nagsusuot
ng extra na shorts sa loob.
Gusto ko kalimutan na
ito dahil sobra siyang nakakahiya
at nararapat lang
na ito’y kalimutan. Dapat
rin na matuto sa mga pangyayari
na ito.
Ang Bata sa Sagada
ni Danielle Anne Tarriela
Osmak
ni Vladimir Ken Perez
Maayong Buntag!
ni Ramon Carlos De Guzman
Bakasyon
ni Andrei Gabriel Palma
GG sa SMX
ni Churchill Capangan
Kulay ng Puno
ni Seth Kendall Munar
It’s more fun in the
Philippines
ni Elijah Philip Bravo
Kapag First Time,
Mayaman Agad? ni John Rysal Rosel
Binyag sa 2020
ni Raphael Villalva
Sa Pagtigil ng Pag-Ikot ng Oras
ni Alexia Viktoria Ongpauco
Bagsak at Wasak
ni Elijah Philip Bravo
Hindi Ko Gets
ni Andrei Gabriel Palma
Hirap Bago Sarap
ni John Rysal Rosel
Ibang Henerasyon
ni Churchill Capagngan
Kapit Lang, Kapit Lang
ni Seth Kendall Munar
Kandado
ni Ramon Carlos De Guzman
Laro sa Paskong Pagsasalo
ni Lawrence Doroin
Lights, Camera, Action!
ni Mikedale Dellera
Manananghal sa Sabuhay
ni Danielle Anne Tarriela
Wala akong pake
ni Vladimir Ken Perez
Bata bata
hanggang saan
ka umabot?
ni Ramon Carlos De Guzman
May Relihiyon
ba ang SOGIE
Bill?
ni Seth Kendall Munar
Saan ka
dadalhin ng
Kurso mo?
ni Ramon Carlos De Guzman
Pagbabawal ng
Vape sa mga
Pampublikong
Lugar
ni Patrick Navarette
Dapat bang
ituloy ang
patakaran ng
COPPA?
ni Mikedale Dellera
Malaking
Proyekto o
Malaking
Kinabukasan
ni John Rysal Rosel
SEA Games
2019
ni Danielle Anne Tarriela
Paglagay ng
Malaking Plaka
sa Motorsiklo
ni Churchill Capagngan
Mandatory
ROTC:
Makabayan o
Pagkukunwari?
ni Elijah Philip Bravo
Angkas
ni Raphael Villalva
Para sa bahagyang
katuparan ng mga
kinakailangan sa
filipino sa piling
larangan akademik
(Punong Patnugot)