Isang-Sariling-Wika-Filipino

23.07.2017 Views

48 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong Tungkol sa kinalabasan ng mga unang hakbang sa implementasyon ng plano, narito ang pahayag noong 30 Disyembre 1939 ng kauna-unahang Direktor ng SWP, si Jaime C. de Veyra: Tagalog has been elected (it has been taken) as the language-type, the language-nucleus, the language-axis, the language-soul. Proceed to put on particles and words, go on adding and mounting up more terms, and although the purpose has been originally to cast various materials over the forge in order there from to fashion a new product, of distinct purity and splendor, the basal element, the sediment, the seed, the leaven what you will becomes manifest at the surface, it develops, it permeates everything. And the outcome? The Tagalog language embellished with all the jewelry of her sister-languages—the princess invested and adorned by her own handmaidens. This is a case of the conqueror herself conquered. Ang pangalawa (Paglilinang/ Paghahanda) at pangatlo (Pamamanihala) sa tungko ng tipolohiya ng SWP ay magkaalinsabay sa pagpapairal kung mamalasin sa obhetibong pananaw ng isang sayantist ng wika. Sa patnubay ng ganitong plano ng WP ay umigpaw nang napakatayog hanggang sa ito’y inambilang “Pilipino” (PIL). Ang tagumpay ng PIL ay nakasalalay sa sistematikong implementasyon sa sistema ng edukasyon, at sa pangangasiwang pambayan sa loob ng humigit-kumulang sa apatnapu’t limang (45) taón, i.e., mula nang ideklarang Tagalog ang batayan ng WP noong 31 Disyembre 1937. Bagong Pananaw Ang kalagayang ito’y naligalig nang maratipikahan ang Saligang Batas (SB) ng 1972. At sa layunin ng bahaging ito ng pagtalakay, sisipiin ko ang mga pertinenteng probisyon ng SB: Sek. 3 (2) Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang túngo sa pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino. Sek. 3 (3) Hangga’t walang ibáng itinatadhana ang batas, English at Pilipino ang dapat na mga wikang opisyal. (NB: Amin ang empasis.) Sa dahilan na ang PW na bahagi ng sosyolingguwistika ay kaugnay ng mga realidad na panlipunan, hindi kalabisang humanap ng kalutasan, sa layuning pamalagian o pansamantala man, sa awtoridad legal. Sa isang bahagi ng Opinyon 73-7 ng kalihim (Minister ngayon) ng Katarungan, sinabi niyang walang isinasaad ang SB na kagyat itinatakwil ang PIL na wikang pambansa, bagaman itinatakda sa sub-talataan (2) ang paglilinang ng isang wikang pambansa na tatawaging “Filipino” (FIL). Malinaw at walang

Pineda 49 alinlangang opisyal na wika ang PIL. Bukod dito, ang SB mismo ay sinulat at ipinahayag sa PIL at Ingles. Sa pagkilálang konstitusyonal na opisyal ang PIL, ito’y tumibay nang higit pa sa kalagayan nitó bago sinulat ang tadhanang pangwika sa bagong SB. Ang patakarang pambansa ay malinaw: Magsagawa ng mga hakbangin para sa pagbuo ng FIL hábang patuloy na gagamítin ang PIL hindi lámang ng pamahalaan kundi ng bansa. Walang anuman sa batas na nagbabawal sa alinmang sektor ng lipunang pribado sa paggámit ng opisyal na PIL. Makatwiran ngayong itanong: Ano bang talaga ang suliraning dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng wika sa yugtong ito ng ating kasaysayan? Batayan ng Bagong Oryentasyon Sa aming pag-aaral, ang suliranin ay kung anong uri ng wikang PIL—hindi FIL—ang dapat gamítin sa paaralan, sa pamahalaan, sa lipunan, sa midya, atbp. Sinikap naming tugunin ang katanungan sa liwanag ng aming simulain na ang FIL ay transpormasyon ng PIL, viz: P F. Hindi dapat magkaroon ng salungatan o ng dikotomiya: Wikang Pambansa (WP) vs. Wikang Opisyal (WO). Sa tingin ay agad nang nakalalamáng ang hulí sapagkat ito ngayon ang behikulong nag-uugnay sa pamahalaan sa isang dáko at sa mga mamamayan sa kabilâng dáko naman. Ang henesis ng planong ito ay nag-uugat sa pananalig na hanapin ang isang puntong maaaring mapagkasunduan. Ito’y ang uri ng PIL na dapat isailalim ng paglilinang/ kultibasyon para sa ibubungang FIL, ang wikang konseptuwal ng SB. Dahil dito’y nagsagawa kami ng isang pambansang pananaliksik noong taóng-aralan 1978–1979. Ang punong problema ay ito: Anong modelo ng Wikang Pilipino (PILM) ang kanais-nais sa lahat ng modelo sa persepsiyon ng mga respondent mula sa ibá’t ibáng larangan ng búhay sa Filipinas nang taóng-aralan 1978–1979? Ang mga sub-problema ay gaya ng sumusunod: 1. Anong mga PILM na ginagámit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa kasalukuyan ang maaaring matiyak? 2. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa pakikipagtalastasang pasalitâ at pasulat, sa mga kalagayang pormal at impormal? 3. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo na gamítin sa pagtuturo ng ibá’t ibáng paksang-aralin? 4. Anong mga hakbang ang kanais-nais sa lahat ng hakbang sa pagpapayaman at modernisasyon ng PILM? 5. Ano ang pagkakatulad at/o pagkakaibá ng persepsiyon ng mga tinanong tungkol sa mga PILM?

Pineda

49

alinlangang opisyal na wika ang PIL. Bukod dito, ang SB mismo ay sinulat at ipinahayag sa

PIL at Ingles.

Sa pagkilálang konstitusyonal na opisyal ang PIL, ito’y tumibay nang higit pa

sa kalagayan nitó bago sinulat ang tadhanang pangwika sa bagong SB. Ang patakarang

pambansa ay malinaw: Magsagawa ng mga hakbangin para sa pagbuo ng FIL hábang

patuloy na gagamítin ang PIL hindi lámang ng pamahalaan kundi ng bansa. Walang

anuman sa batas na nagbabawal sa alinmang sektor ng lipunang pribado sa paggámit ng

opisyal na PIL.

Makatwiran ngayong itanong: Ano bang talaga ang suliraning dapat isaalang-alang

sa pagpaplano ng wika sa yugtong ito ng ating kasaysayan?

Batayan ng Bagong Oryentasyon

Sa aming pag-aaral, ang suliranin ay kung anong uri ng wikang PIL—hindi FIL—ang

dapat gamítin sa paaralan, sa pamahalaan, sa lipunan, sa midya, atbp. Sinikap naming

tugunin ang katanungan sa liwanag ng aming simulain na ang FIL ay transpormasyon

ng PIL, viz: P F. Hindi dapat magkaroon ng salungatan o ng dikotomiya: Wikang

Pambansa (WP) vs. Wikang Opisyal (WO). Sa tingin ay agad nang nakalalamáng ang hulí

sapagkat ito ngayon ang behikulong nag-uugnay sa pamahalaan sa isang dáko at sa mga

mamamayan sa kabilâng dáko naman.

Ang henesis ng planong ito ay nag-uugat sa pananalig na hanapin ang isang

puntong maaaring mapagkasunduan. Ito’y ang uri ng PIL na dapat isailalim ng paglilinang/

kultibasyon para sa ibubungang FIL, ang wikang konseptuwal ng SB. Dahil dito’y

nagsagawa kami ng isang pambansang pananaliksik noong taóng-aralan 1978–1979.

Ang punong problema ay ito: Anong modelo ng Wikang Pilipino (PILM) ang

kanais-nais sa lahat ng modelo sa persepsiyon ng mga respondent mula sa ibá’t ibáng

larangan ng búhay sa Filipinas nang taóng-aralan 1978–1979? Ang mga sub-problema ay

gaya ng sumusunod:

1. Anong mga PILM na ginagámit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan

sa kasalukuyan ang maaaring matiyak?

2. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa pakikipagtalastasang

pasalitâ at pasulat, sa mga kalagayang pormal at impormal?

3. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo na gamítin sa pagtuturo

ng ibá’t ibáng paksang-aralin?

4. Anong mga hakbang ang kanais-nais sa lahat ng hakbang sa pagpapayaman

at modernisasyon ng PILM?

5. Ano ang pagkakatulad at/o pagkakaibá ng persepsiyon ng mga tinanong

tungkol sa mga PILM?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!