Isang-Sariling-Wika-Filipino

23.07.2017 Views

44 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika Usapin Blg. 4 Mga dulog sa “intelektuwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang gámit nitó sa malalawak na kaalaman upang ang táong nagsasalitâ lámang sa Tagalog ay hindi mahihirapan sa pagbása ng mga aklat sa anumang sabjek na interes niya. Mayroong isang batayang kahingian sa intelektuwalisasyon ng anumang wika, at iyon ang paggámit ng wika sa akademya at sa mga araling iskolarli. Upang maintelektuwalisa, kailangang magámit ang Pilipino bílang midyum sa pagtuturo at pagkatuto hindi lámang sa antas elementarya at sekundarya, kundi maging sa tersiyarya din, sa ibá’t ibáng disiplina lalo sa matematika, siyensiya at teknolohiya, sa humanidades, at sa mga sining. Sa kasawiampalad, ipinapanukala ng ilang sektor na tanging ang Ingles ang gamítin sa antas tersiyarya, kayâ hinahadlangan ang pagkakataón ng Pilipino upang itaguyod ang sarili nitó. Isang opisyal na utos ang Atas Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na pumigil sa intelektuwalisasyon ng Pilipino sa buong panahon na ipinatutupad ito. Ipinag-utos na ang matematika at siyensiya ay maging ekslusibong larang ng Ingles. Ipinapataw ng ilang edukador na maintelektuwalisa muna ang Pilipino bago ito gamítin bílang midyum sa pagtuturo, nang hindi natatantong ang anumang buháy na wika ay maiintelektuwalisa lámang sa pamamagitan ng isang malawakang paggámit nitó sa lahat ng posibleng dominyo. Ang subok-sa-panahong prinsipyo sa lingguwistika na “pagdevelop ng wika sa paggámit nitó” ay nananatíling totoo. Nangangailangan ang intelektuwalisasyon ng Pilipino ng paggámit ng wikang ito sa orihinal na saliksik at pag-aaral, sa lahat ng antas ng akademya, sa pagsasalin, at sa orihinal na malikhaing gawain. Nananawagan ito ng malawakang produksiyon ng mga aklat, magasin, pamplet, brosyur, at ibá pang babasahín sa wika. Kapag nalikha na ang demand para dito, matutulungan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa pagpoprodyus ng mga kinakailangang aklat. Masusuportahan ng gobyerno ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa pag-aatas ng paggámit ng Pilipino sa lahat ng antas. Hindi lámang iyon. Dapat maglaan ito ng pondo para sa mga proyektong idinisenyo para maintelektuwalisa ang Pilipino. Maaari nating banggitin ang semi-ensiklopedikong Pupil’s Handbook sa Pilipino na inihahanda at pinopondohan ng MECS, at ang Junior Encyclopedia of Science sa Pilipino na dinevelop at inilathala ng NSTA. Idagdag pa dito ang mga materyales sa teknolohiyang popular sa Pilipino na ipinamamahagi sa madla ng Technology Resource Center ng University of Life. Usapin Blg. 5 Ibá pa Suporta ng gobyerno sa mga hakbang para sa pagdevelop ng wikang pambansa. Sa ibáng bansang ASEAN na tulad sa atin ang suliraning pangwika, gaya ng Malaysia at Indonesia, nagbibigay ng ganap na suporta ang gobyerno sa ahensiyang may atas na magdevelop at magpalaganap ng wikang pambansa. Sa mga nabanggit na bansa, ang ahensiyang pangwika ay lumilikha ng mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa pamamagitan ng mga batas. Sa ating kaso, hindi binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng

Pineda 45 ganap na suportang moral at pagganyak na kailangan nitó. Sa maraming pagkakataón, ang natatanggap nitó ay insulto at kabiguan sanhi ng makasariling motibo, kamangmangan, at balighong hálagáhan at prehuwisyo. Nakalulungkot sabihing mismong ang MECS ay walang ganap na suporta. May dalawang pagkakataón: may kalabuan ang ibá’t ibáng kautusang sinasabing suporta sa patakarang bilingguwal sa edukasyon at sa gayong kalikasán ay nagpapahintulot ito ng tahasang paglabag; nása Ingles lámang ang letterhead ng MECS, isang paglabag sa Pampanguluhang Memorandum Sirkular Blg. 172, na pinagtibay noong 27 Marso 1968. Kakulangan sa pondo. Paulit-ulit na hadlang sa SWP ang kakulangan sa pondo. Kayâ ang mga natapos nang proyekto ay hindi nagiging available sa mga target audience dahil napupunta sa sahod ng mga empleado ang malaking bahagdan ng badyet ng opisina. Mahalaga ang mga diksiyonaryo at ibá pang katulad na kasangkapang pangwika. Ngunit hindi makabili ang SWP ng kinakailangang teknolohiya, tulad ng computer, upang tumulong sa paggawa ng diksiyonaryo at katulad na gawain. Re-ebalwasyon ng sistema ng edukasyon. Nalikha sa higit tatlong daang taón ng pagkaalipin sa mga mananakop ang suliraning pangwika sa Filipinas. Binigyan táyo ng America ng “mis-edukasyon” gaya sa wika ng historyador na Renato Constantino, na kontrolin ang ating bansa at gawin táyong tagakonsumo at tagagámit ng kaniláng mga produkto hábangbúhay. Hindi uusbong ang lahat ng usaping ito ukol sa ating wika kundi dahil sa ating kolonyal na pag-iisip na ipinataw sa atin ng ating edukasyon. Panahon na upang muli nating suriin ang sistema ng edukasyon sa Filipinas. Ilapat natin ito sa idyosingkrasiya, karakter, pangangailangan, ideal, at lunggati ng ating malalaya at nakapagsasariling mamamayan. Salin ni Kriscell Largo Labor TALA: Ang “Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika” ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na “SWP Direktor Ponciano BP Pineda’s Analysis of Certain Issues on Language Development and Language Education Raised By Then MECS Minister Jaime C. Laya” na may petsang 13 Nobyembre 1985. Lumabas ang artikulo bílang Apendiks C sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulíng Isa’t Kalahating Dekada (1970 – 1987) at inilathala ng SWP.

44

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

Usapin Blg. 4 Mga dulog sa “intelektuwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang

gámit nitó sa malalawak na kaalaman upang ang táong nagsasalitâ

lámang sa Tagalog ay hindi mahihirapan sa pagbása ng mga aklat sa

anumang sabjek na interes niya.

Mayroong isang batayang kahingian sa intelektuwalisasyon ng anumang wika, at iyon

ang paggámit ng wika sa akademya at sa mga araling iskolarli. Upang maintelektuwalisa,

kailangang magámit ang Pilipino bílang midyum sa pagtuturo at pagkatuto hindi lámang sa

antas elementarya at sekundarya, kundi maging sa tersiyarya din, sa ibá’t ibáng disiplina lalo

sa matematika, siyensiya at teknolohiya, sa humanidades, at sa mga sining. Sa kasawiampalad,

ipinapanukala ng ilang sektor na tanging ang Ingles ang gamítin sa antas tersiyarya, kayâ

hinahadlangan ang pagkakataón ng Pilipino upang itaguyod ang sarili nitó. Isang opisyal

na utos ang Atas Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na pumigil sa intelektuwalisasyon ng

Pilipino sa buong panahon na ipinatutupad ito. Ipinag-utos na ang matematika at siyensiya

ay maging ekslusibong larang ng Ingles.

Ipinapataw ng ilang edukador na maintelektuwalisa muna ang Pilipino bago ito

gamítin bílang midyum sa pagtuturo, nang hindi natatantong ang anumang buháy na wika

ay maiintelektuwalisa lámang sa pamamagitan ng isang malawakang paggámit nitó sa lahat

ng posibleng dominyo. Ang subok-sa-panahong prinsipyo sa lingguwistika na “pagdevelop

ng wika sa paggámit nitó” ay nananatíling totoo.

Nangangailangan ang intelektuwalisasyon ng Pilipino ng paggámit ng wikang ito sa

orihinal na saliksik at pag-aaral, sa lahat ng antas ng akademya, sa pagsasalin, at sa orihinal

na malikhaing gawain. Nananawagan ito ng malawakang produksiyon ng mga aklat,

magasin, pamplet, brosyur, at ibá pang babasahín sa wika. Kapag nalikha na ang demand

para dito, matutulungan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa pagpoprodyus ng mga

kinakailangang aklat. Masusuportahan ng gobyerno ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa

pag-aatas ng paggámit ng Pilipino sa lahat ng antas. Hindi lámang iyon. Dapat maglaan ito

ng pondo para sa mga proyektong idinisenyo para maintelektuwalisa ang Pilipino. Maaari

nating banggitin ang semi-ensiklopedikong Pupil’s Handbook sa Pilipino na inihahanda

at pinopondohan ng MECS, at ang Junior Encyclopedia of Science sa Pilipino na dinevelop

at inilathala ng NSTA. Idagdag pa dito ang mga materyales sa teknolohiyang popular sa

Pilipino na ipinamamahagi sa madla ng Technology Resource Center ng University of Life.

Usapin Blg. 5 Ibá pa

Suporta ng gobyerno sa mga hakbang para sa pagdevelop ng wikang pambansa. Sa ibáng

bansang ASEAN na tulad sa atin ang suliraning pangwika, gaya ng Malaysia at Indonesia,

nagbibigay ng ganap na suporta ang gobyerno sa ahensiyang may atas na magdevelop at

magpalaganap ng wikang pambansa. Sa mga nabanggit na bansa, ang ahensiyang pangwika

ay lumilikha ng mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa pamamagitan ng mga batas.

Sa ating kaso, hindi binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!