Isang-Sariling-Wika-Filipino
42 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika ang mga inhenyero ng Filipino, pagkaraan ang maraming taón ng pagsusumikap, ay hindi gagamítin ang wikang kaniláng pinagsáma-sáma. Tulad ng naipaliwanag na sa naunang bahagi, kailangang balangkasin ang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang masinsing diksiyonaryo, kailangang idevelop ang kakatwang idiyoma at retorika. Kailangang mag-ingat táyo sa mga mungkahi niláng tumutuligsa sa papausbong na wikang Pilipino. Sinasabing ang Pilipino ay walang kakayahang maglingkod sa matataas na akademikong asignatura at/o disiplina. Sinasabing ang mga detraktor mismo ang hindi nakapagdevelop ng kaniláng kompetensi sa wika, sa halip na ang Pilipino na, sa kabilâng bandá, ay nagpamalas ng pagkamalikhain, kapangyarihan, at silbi nitó. Ang pagbigyan ang mga demand ng mga kaaway ng Pilipino ay pagpapatihulog sa patibong ng paggupo sa isang wikang pambansa. May isa pang mahalagang puntong isasaalang-alang. Ang isang wikang pambansa na idedevelop bílang nasyonal o supra-etnikong wika, tawagin man itong Filipino o anuman sa isang lehislatibong atas, ay kailangang magagámit sa antas pambansa, isang mapauunlad na wika, at mapayayaman sa linguistic progression. Ang wikang karapat-dapat sa posisyong ito ay ang yumayabong na Pilipino. Panghulí, ang kompetensi sa Ingles ng mga mag-aaral ay hindi mapabubuti sa pamamagitan lámang ng pagtatanggal ng Pilipino. Ang pagpupunyaging pahusayin ang Ingles ng ating kabataan ay kinakailangang maláy sa kasalukuyang realidad. Mayroon táyong tinatawag na kalayaan, kasarinlan! Usapin Blg. 3 Ang muling pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog bílang midyum ng instruksiyon kaugnay ng paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral na makipagtalastasan sa Ingles. Ipinapalagay nitóng ang mga mag-aaral ay napakahusay sa wikang Ingles bago ang pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal. Walang sapat na saliksik na sumusuporta dito. Alam ng lahat ng nása edukasyong hindi pa ganap na naipatutupad ang programang bilingguwal. Paano ito sisisihin sa ipinagpapalagay na paghina ng kakayahan ng mga magaaral na makipagtalastasan sa Ingles? Marahil mahalagang suriin ang apat na baryabol sa pagkatuto sa wika, viz, metodolohiya, distansiyang sosyal, salik pangguro, at aktitud. Isa-isahin natin ang mga ito. Una, paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan? Anong metodolohiya ang gámit sa pagtuturo ng Ingles? Marahil dapat na muling suriin at rebisahin ang metodolohiya upang umangkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mag-aaral na Filipino. Kung depektibo ang metodolohiya, hindi maaaring asahang matututo ang mga mag-aaral sa banyagang wika.
Pineda 43 Ikalawa, banyagang wika ang Ingles. Ngunit inaaral ito bílang unang wika, ibig sabihin, inaaral ito sa Filipinas na may ibáng kaligirang sosyo-kultural kompara sa lugar na katutubong sinasalitâ ang Ingles. Ang pakikihalubilo o pakikipag-usap sa mga gumagámit ng target na lengguwahe bílang unang wika ay isa ring salik sa pagtatamo ng kompetensing komunikatibo sa wikang inaaral, i.e., Ingles para sa mga Filipino. Nahahadlangan ang kahusayang komunikatibo sa Ingles ng nakararaming Filipino dahil hindi pinahihintulutan ng sitwasyon. Ikatlo, mismong ang mga guro ay nangangailangan ng pagpapahusay ng kaniláng kompetensi sa Ingles. Upang makapagturo ng anumang wika, kinakailangang mahusay ang mga guro sa wikang iyon. Sa kasawiampalad, isang katotohanang ang ilan, kung di man ang karamihan, sa mga guro sa Ingles sa bansa ay hindi mahusay na nakapagsasalitâ sa Ingles; kayâ hindi silá makapaglaan ng isang modelo ng kompetensing kailangan ng mga estudyante upang mahusay na matuto sa Ingles. Pinakahulí, mahalaga ang aktitud sa pagkatutong pangwika. Kinakailangang ganyakin ang mga estudyante na matuto ng Ingles na, sa kasawiampalad, walang gámit sa labas ng klase. Sa kabilâng bandá, madalîng matutuhan ang Pilipino hindi lámang sa mga paaralan kundi maging sa labas nitó. Wika ito ng midyang pangmadla at ng entertainment. Wika itong ginagámit sa mahigit 5,000,000 magasing komiks na kinokonsumo linggo-linggo ng taumbayan. Pilipino din ang wika ng pelikula na pinanonood ng mga tao sa buong Filipinas. Gayundin, madalîng iangkop ang Pilipino dahil nagtataglay ng maraming pagkakatulad sa ibá pang wika sa Filipinas sa antas ng ponolohiya, gramatika, at leksikon. Natural na napagtitibay ang Pilipino sa labas ng paaralan. Kung “humina” sa Ingles ang mga estudyante, gaya ng sinasabi, hindi dahil mahusay na ngayon sa Pilipino ang mga kabataan. At kung magkagayon nga, tanging ang mga utakkolonyal na edukador ang desmayado sa sitwasyong ito. Bakit ipinipilit ng ilang tao na manatíli ang Ingles bílang tanging midyum ng instruksiyon, gaya noong panahong kolonyal? Dahil ba napagtanto niláng nakapagpapalaya ang wika, at kasangkapan din sa pang-aalipin? Ano na nga ba ang nalikha ng ating edukasyong maka-Ingles? Murang paggawa para sa eksport? Propesyonal o empleadong teknisyan para sa mga kompanyang banyaga at multinasyonal? Kapuwa sinira ng Ikalawaang Digmaan ang Taiwan at Korea. Ngunit tingnan ang kaniláng pagbangon, hindi dahil sa Ingles, kundi sa di-paghahari’t halos di-pag-iral ng Ingles sa mga bansang ito. Napag-iwanan na nilá ang mga Filipino sa pagdevelop ng ekonomiya. Malinaw na pinabubulaanan nitó ang paniwalang taglay ng Filipino ang bentahang kompetetibo sa mga Korean at Chinese dahil sa kakayahan ng Filipino sa Ingles.
- Page 6 and 7: vi ang nagtakda ng estandardisasyon
- Page 8 and 9: viii debelopin ang wikang pambansan
- Page 10 and 11: x Filipino bílang Ikalawang Wika a
- Page 12 and 13: NILALAMAN I Jose Villa Panganiban A
- Page 14 and 15: Dapat isipin ngayon ang “kultibas
- Page 16 and 17: 2 Ang Modernisasyon ng Isang Wika K
- Page 18 and 19: 4 Ang Modernisasyon ng Isang Wika [
- Page 20 and 21: 6 Ang Modernisasyon ng Isang Wika n
- Page 22 and 23: 8 Ang Modernisasyon ng Isang Wika 5
- Page 24 and 25: Ernesto Constantino ANG HINAHARAP N
- Page 26 and 27: Ernesto Constantino ANG PILIPINO BI
- Page 28 and 29: Ernesto Constantino ANG “UNIVERSA
- Page 30 and 31: 16 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 32 and 33: 18 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 34 and 35: 20 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 36 and 37: 22 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 38 and 39: 24 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 40 and 41: 26 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 42 and 43: 28 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 44 and 45: 30 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 46 and 47: 32 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 48 and 49: 34 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 50 and 51: 36 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 52 and 53: Ang isinasailalim sa pagpaplano'y i
- Page 54 and 55: 40 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong
- Page 58 and 59: 44 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong
- Page 60 and 61: Ponciano B. P. Pineda PAGPAPLANO NG
- Page 62 and 63: 48 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 64 and 65: 50 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 66 and 67: 52 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 68 and 69: 54 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 70 and 71: 56 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 72 and 73: 58 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 74 and 75: 60 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 76 and 77: 62 Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pamba
- Page 78 and 79: Bonifacio P. Sibayan PAGPAPLANONG W
- Page 80 and 81: 66 Pagpaplanong Wika at Pagdevelop
- Page 82 and 83: 68 Pagpaplanong Wika at Pagdevelop
- Page 84 and 85: 70 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 86 and 87: 72 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 88 and 89: 74 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 90 and 91: Virgilio S. Almario MGA MISYON PARA
- Page 92 and 93: 78 Mga Misyon para sa Komisyon sa W
- Page 94 and 95: 80 Mga Misyon para sa Komisyon sa W
- Page 96 and 97: Cecilio Lopez ANG PAGHAHAMBING NANG
- Page 98 and 99: 84 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 100 and 101: 86 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 102 and 103: 88 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 104 and 105: 90 Ang Paghahambing nang manga Wika
42

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

ang mga inhenyero ng Filipino, pagkaraan ang maraming taón ng pagsusumikap, ay hindi

gagamítin ang wikang kaniláng pinagsáma-sáma. Tulad ng naipaliwanag na sa naunang

bahagi, kailangang balangkasin ang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang masinsing

diksiyonaryo, kailangang idevelop ang kakatwang idiyoma at retorika.

Kailangang mag-ingat táyo sa mga mungkahi niláng tumutuligsa sa papausbong na

wikang Pilipino. Sinasabing ang Pilipino ay walang kakayahang maglingkod sa matataas

na akademikong asignatura at/o disiplina. Sinasabing ang mga detraktor mismo ang hindi

nakapagdevelop ng kaniláng kompetensi sa wika, sa halip na ang Pilipino na, sa kabilâng

bandá, ay nagpamalas ng pagkamalikhain, kapangyarihan, at silbi nitó. Ang pagbigyan ang

mga demand ng mga kaaway ng Pilipino ay pagpapatihulog sa patibong ng paggupo sa

isang wikang pambansa.

May isa pang mahalagang puntong isasaalang-alang. Ang isang wikang pambansa

na idedevelop bílang nasyonal o supra-etnikong wika, tawagin man itong Filipino o anuman

sa isang lehislatibong atas, ay kailangang magagámit sa antas pambansa, isang mapauunlad

na wika, at mapayayaman sa linguistic progression. Ang wikang karapat-dapat sa posisyong

ito ay ang yumayabong na Pilipino.

Panghulí, ang kompetensi sa Ingles ng mga mag-aaral ay hindi mapabubuti sa

pamamagitan lámang ng pagtatanggal ng Pilipino. Ang pagpupunyaging pahusayin ang

Ingles ng ating kabataan ay kinakailangang maláy sa kasalukuyang realidad. Mayroon

táyong tinatawag na kalayaan, kasarinlan!

Usapin Blg. 3 Ang muling pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog

bílang midyum ng instruksiyon kaugnay ng paghina ng kakayahan ng

mga mag-aaral na makipagtalastasan sa Ingles.

Ipinapalagay nitóng ang mga mag-aaral ay napakahusay sa wikang Ingles bago ang

pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal. Walang sapat na saliksik na

sumusuporta dito.

Alam ng lahat ng nása edukasyong hindi pa ganap na naipatutupad ang programang

bilingguwal. Paano ito sisisihin sa ipinagpapalagay na paghina ng kakayahan ng mga magaaral

na makipagtalastasan sa Ingles?

Marahil mahalagang suriin ang apat na baryabol sa pagkatuto sa wika, viz,

metodolohiya, distansiyang sosyal, salik pangguro, at aktitud. Isa-isahin natin ang mga ito.

Una, paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan? Anong metodolohiya ang gámit

sa pagtuturo ng Ingles? Marahil dapat na muling suriin at rebisahin ang metodolohiya

upang umangkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mag-aaral na Filipino. Kung

depektibo ang metodolohiya, hindi maaaring asahang matututo ang mga mag-aaral sa

banyagang wika.