Isang-Sariling-Wika-Filipino

23.07.2017 Views

36 Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino Kaugnay nitó ang mahigpit na pakikipagtulungan sa CHED (at maging sa TESDA) upang maipanukala ang mga kaukulang pagbabago sa pagtanaw sa Filipino bílang Wika ng Karunungan. Hindi maaaring ipag-utos agad ang paglilipat ng wikang panturo mulang Ingles túngong Filipino. Kailangan ang sistematikong preparasyon. Pangunahing dapat ihanda ang (1) reoryentasyon ng mga propesor sa ibá’t ibáng disiplina upang magsanay sa paggámit ng Filipino, at (2) produksiyon ng mga aklat at materyales panturo sa ibá’t ibáng larang akademiko at nakasulat sa Filipino. Kaugnay ng naturang pangunahing gampanin, kailangan ang kaukulang kampanya katulong ang ugnayang madla upang ibukás ang kalooban ng mga pinunò ng mga kolehiyo’t unibersidad at akitin ang pakikiisa ng mga propesor. Kailangan ang isang hukbo ng tagasalin para sa produksiyon ng mga teksbuk at sangguniang aklat. [Narito ang isang malaking rationale para magtatag ng isang Pambansang Sentro o Kawanihan sa Pagsasalin.] Kailangan siyempre ng mga kaukulang insentibo—grant, iskolarsip, premyong salapi, gawad parangal, atbp—para sa mga indibidwal at institusyong magpakíta ng inisyatiba at magandang proyekto para sa modernisasyong akademiko ng Filipino. Kailangan ang malaking pondo para sa lahat ng ito at kailangan ang mga malikhaing estratehiya upang makalikom ng salaping sasapat sa mga nabanggit na gawain. Sa kabilâ ng inaasahang mga balakid, napakahalaga ang pagpaplanong wika upang maihanay ang mga takdang gawain sa bawat takdang panahon at mapasimulan ang sáma-sámang pag-iisip at pagkilos ng mga alagad ng wika túngo sa pangkalahatan at pangmatagalang misyon ng Filipino—nasyonalisasyon at modernisasyon. Kailangan ang patnubay sa pagkilos ng bawat isa. Hindi tulad ngayong natatapos ang mga kumbensiyon at kumperensiya sa mga himutok dahil sa pagwawalang-bahala ng mga mariwasa at makapangyarihan. Ang totoo, at maaaring mangyari, kapag may malinaw na plano para sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino ay bakâ makumbinsi din ang mga dominyo ng kapangyarihan upang tanggapin ang kabuluhan ng Wikang Pambansa para sa pagkakaisa at kaunlaran ng Filipinas. Sapagkat sa totoo lang, ang pagpaplanong wika ay isa lámang pagsisikap na makaimpluwensiya nang higit na mabilis, nang higit na organisado at sistematiko, sa pinakamalaking bílang ng tao sa lahat ng sektor ng lipunan. At dapat ding ipahayag: hindi ang nasyonalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ang pangwakas na lunggati ng pagpaplanong wika para sa wikang Filipino. Hindi rin ang pagsusúlong ng Filipino bílang Wikang Pambansa. Deklarado nang Wikang Pambansa ang Filipino sa 1987 Konstitusyon. Ang higit na makabuluhang mithi ay ang higit na malinaw na pagkilála at pagpapatupad sa isa pang tadhana ng Seksiyon 7, Artikulo XIV ng Konstitusyon na: For purposes of communication and instruction, the official languages of the Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English. Ang sabi ng Konstitusyon, isa sa dalawang “wikang opisyal” ang Filipino. Kasáma ng Filipino ang Ingles bílang “wikang opisyal,” at may pasubali pa, na mangyayari lámang ito hanggang sa panahong ipasiya ng Kongreso na alisin ang Ingles. Ngunit ano ang umiiral?

Almario 37 Sa katotohanan, ang umiiral ay ang kabaligtaran ng nakasaad sa Konstitusyon. Bakit? Sapagkat sa katotohanan, Ingles ang naghaharing “wikang opisyal” sa pamahalaan at itinuturing na ikalawang wika at pansalin lámang ang Filipino. Nása Ingles ang lahat ng opisyal na dokumento sa dominyo ng kapangyarihan, sa pangunguna ng lahat ng sangay ng gobyerno, at nagkakaroon lámang ng opisyal na bersiyon sa Filipino kapag isinalin mulang Ingles. Ano ang halaga ng Wikang Pambansa na hindi naman Wikang Opisyal? Ang praktikang pangwika sa dominyo ng kapangyarihan ay tahasang sumusuway sa atas ng Konstitusyon. Ito ang malaking hadlang sa pagpapatupad ng EO No. 335. Kung susundin ang 1987 Konstitusyon, kailangang bilingguwal kahit paano ang bawat opisyal na dokumento: nása Filipino at nása Ingles, magkapantay na mga orihinal, at kapuwa mapagbabatayan ng legal na interpretasyon at desisyon. Ngunit uulitin ko, malinaw na sinusuway ng dominyo ng kapangyarihan ang tadhana ng Konstitusyon. At bunga ito ng mapangmaliit niláng impresyon sa Wikang Pambansa. Ang tinalakay na panukalang planong wika, sa gayon, ay may lunggating nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino upang igálang ito ng dominyo ng kapangyarihan bílang wika ng karunungan at kaunlaran at, sa wakas, upang gamítin itong Wikang Opisyal sa gobyerno, sa hukuman, sa batasan, sa negosyo’t pagbabangko, sa mga eksameng propesyonal, at sa mataas na edukasyon. Bakâ nga ipasiya pa niláng mariwasa’t makapangyarihan, sa ngalan ng pagtitipid, na iwaksi na ang Ingles bílang wikang opisyal at isa-Ingles lámang ang opisyal na dokumento sa Filipino kung kailangan ang salin para sa mga dayuhan. TALA: Ang “Modernisasyon at Nasyonalisasyon” ni KWF Tagapangulong Virgilio S. Almario ay inilathala ng KWF bílang bilingguwal (Ingles at Filipino) na polyetong babasahín na Pagpaplanong Wika at Filipino noong 2015.

36

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

Kaugnay nitó ang mahigpit na pakikipagtulungan sa CHED (at maging sa TESDA)

upang maipanukala ang mga kaukulang pagbabago sa pagtanaw sa Filipino bílang Wika

ng Karunungan. Hindi maaaring ipag-utos agad ang paglilipat ng wikang panturo mulang

Ingles túngong Filipino. Kailangan ang sistematikong preparasyon. Pangunahing dapat

ihanda ang (1) reoryentasyon ng mga propesor sa ibá’t ibáng disiplina upang magsanay sa

paggámit ng Filipino, at (2) produksiyon ng mga aklat at materyales panturo sa ibá’t ibáng

larang akademiko at nakasulat sa Filipino.

Kaugnay ng naturang pangunahing gampanin, kailangan ang kaukulang kampanya

katulong ang ugnayang madla upang ibukás ang kalooban ng mga pinunò ng mga

kolehiyo’t unibersidad at akitin ang pakikiisa ng mga propesor. Kailangan ang isang hukbo

ng tagasalin para sa produksiyon ng mga teksbuk at sangguniang aklat. [Narito ang isang

malaking rationale para magtatag ng isang Pambansang Sentro o Kawanihan sa Pagsasalin.]

Kailangan siyempre ng mga kaukulang insentibo—grant, iskolarsip, premyong salapi,

gawad parangal, atbp—para sa mga indibidwal at institusyong magpakíta ng inisyatiba

at magandang proyekto para sa modernisasyong akademiko ng Filipino. Kailangan ang

malaking pondo para sa lahat ng ito at kailangan ang mga malikhaing estratehiya upang

makalikom ng salaping sasapat sa mga nabanggit na gawain.

Sa kabilâ ng inaasahang mga balakid, napakahalaga ang pagpaplanong wika

upang maihanay ang mga takdang gawain sa bawat takdang panahon at mapasimulan

ang sáma-sámang pag-iisip at pagkilos ng mga alagad ng wika túngo sa pangkalahatan at

pangmatagalang misyon ng Filipino—nasyonalisasyon at modernisasyon. Kailangan ang

patnubay sa pagkilos ng bawat isa. Hindi tulad ngayong natatapos ang mga kumbensiyon

at kumperensiya sa mga himutok dahil sa pagwawalang-bahala ng mga mariwasa at

makapangyarihan. Ang totoo, at maaaring mangyari, kapag may malinaw na plano para

sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino ay bakâ makumbinsi din ang mga

dominyo ng kapangyarihan upang tanggapin ang kabuluhan ng Wikang Pambansa para sa

pagkakaisa at kaunlaran ng Filipinas. Sapagkat sa totoo lang, ang pagpaplanong wika ay isa

lámang pagsisikap na makaimpluwensiya nang higit na mabilis, nang higit na organisado

at sistematiko, sa pinakamalaking bílang ng tao sa lahat ng sektor ng lipunan.

At dapat ding ipahayag: hindi ang nasyonalisasyon at modernisasyon ng wikang

pambansa ang pangwakas na lunggati ng pagpaplanong wika para sa wikang Filipino.

Hindi rin ang pagsusúlong ng Filipino bílang Wikang Pambansa. Deklarado nang Wikang

Pambansa ang Filipino sa 1987 Konstitusyon. Ang higit na makabuluhang mithi ay ang

higit na malinaw na pagkilála at pagpapatupad sa isa pang tadhana ng Seksiyon 7, Artikulo

XIV ng Konstitusyon na:

For purposes of communication and instruction, the official languages of the

Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English.

Ang sabi ng Konstitusyon, isa sa dalawang “wikang opisyal” ang Filipino. Kasáma ng

Filipino ang Ingles bílang “wikang opisyal,” at may pasubali pa, na mangyayari lámang ito

hanggang sa panahong ipasiya ng Kongreso na alisin ang Ingles. Ngunit ano ang umiiral?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!