Isang-Sariling-Wika-Filipino

23.07.2017 Views

34 Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino ang bawat tuntunin ngunit nangangailangan ng higit na pagbubukás ng isip ng guro at alagad ng wika upang unawain ang mga pagbabago. Halimbawa, ang pagluluwag sa importasyong pangwika ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng tahasang paggámit sa orihinal na anyo ng isang hiram na salitâ hangga’t hindi ito nasasalungat at nalalapastangan ang dati. O kayâ hanggang dumatíng ang panahon na ireispel ito alinsunod sa palabaybayang Filipino o matumbasan ng isang likhang salitâ. Sa Ortograpiyang Pambansa ay nakapaliwanag na isang taktika ito upang higit na mapabilis ang modernisasyon at hindi maging sagwil ang maramihang paghiram para sa pagtuturo ng makabagong agham at teknolohiya at produksiyon ng mga aklat at ibáng materyales ukol dito. Subalit nangangahulugan din ito ng alterasyon sa dáting paraan ng panghihiram. At pangunahing mahihirapang tumanggap ng pagbabago ang mga “Tagalísta” na nahirati na sa reispeling na paabakada ng mga pangngalang pantangi. Kung tumututol silá sa anyo ng “Filipinas” at sa paggámit ng “Filipino” upang ipantukoy din sa mga tao at kultura, tiyak na ikamamangha nilá ang “Español,” “Americano,” at “Jesucristo.” Matagal bago nilá maisasaloob ang lohika at pangmalawakang episyensiya ng ganitong pagbabago. Kailangan ang masipag na pagsubaybay sa Filipino upang maging estandardisado ito at maging modelo ng mga wikang katutubo. Subalit hindi dapat tumigil sa mga alagad ng wika sa mga eksperimento upang higit na maging episyente ang ortograpiya nitó. Sa tingin nga ni Johannes Aavik, pasimuno ng mga reporma sa wika ng Estonia, maaaring maghalò ng mga bagong tunog upang lumikha ng mga bagong salitâ. Hindi ito gawain ng mga makata lámang. Salitâ ang sentro ng wika at hindi kailangang hiram lagi ang pampayaman sa bokabularyo ng Filipino. Maaaring mag-eksperimento sa mga bagong konstruksiyong sintaktiko, paunlarin ang lawas ng mga panlapi, at—sapagkat karaniwang pinupuna na mahabà ang salitâ at pangungusap sa Filipino—sikilin ang mabulaklak na pangungusap, iwasan ang mapagparaming panlapi, tipirin ang gámit ng “ng” kung hindi naman masisira ang kahulugan ng prase o pangungusap, atbp, upang higit na umangkop ang Wikang Pambansa sa modernisadong (siyentipiko at teknikál) uri ng pahayag. Sa yugtong ito ng kultibasyon, higit na kailangan ang isang payak, malinaw, at eksaktong pahayag kaysa komplikado, elegante, at mahirap maintindihang pangungusap. Mga Uri ng Modernisasyon Dapat ding malinaw sa pagpaplanong wika ang nagaganap at ang dapat pang maganap na kultibasyon ng Filipino. Araw-araw ay may nagaganap na pagbabago sa wika, lalo na sa daigdig ng kulturang popular. Mabilis na pumapasok at tumitiim sa dila ng madla ang mga imbento at hiram na salitâ na ibinobrodkast ng radyo at telebisyon at inilalathala ng mga tabloyd. [Huwag kalimutan ang lakas ng internet sa makabagong kabataan.] Nagiging modelo ang bigkas at bokabularyo ng mga sikát na artista, anawnser, at politiko, at malimit ngayong pagmulan ng mga “di-kailangang” varayti at siyokoy. Ang pagsubaybay at disiplina sa wika ng kulturang popular ang isang mahigpit na hámon sa pagpapalaganap ng isang estandardisadong modernong wika.

Almario 35 Samantala, dapat pasiglahin ang modernisadong Filipino para sa mga diskursong akademiko. Noon pa inirereklamo, halimbawa, kung bakit hindi ginagámit ang Filipino sa hukuman. Hindi ito maaaring biglang mangyari ngayon. Kahit noong panahon ng Americano at sa kabilâ ng mabilisang paglalatag ng isang sistema ng pambansang edukasyon sa Ingles ay hindi agad naganap ang pagpapalit ng wika ng hukuman mulang Español. Sa halip, nagtakda ng palugit na ilang dekada bago sapilitang ipinagámit ang mga kodigo ng batas na nakasulat sa Ingles. Nangangailangan ng ganitong matagalang plano ang pagsasa- Filipino sa mga wika ng dominyo ng kapangyarihan at larang akademiko. Hindi ito naisaad sa alinmang batas na nagtataguyod sa paggámit ng Filipino. Ni walang takdang panahon ang pagpapahayag sa Wikang Pambansa ni Pangulong Quezon kung kailan inaasahang katuparan ng pangarap na opisyal na wika ng pamahalaan at wika ng edukasyon ang Tagalog. Sa 1987 Konstitusyon, hindi tinakdaan ang Kongreso kung hanggang kailan maghihintay bago ipahayag ang Filipino bílang nag-iisang opisyal na wika ng komunikasyon at instruksiyon. [O bakâ wala ito sa isip ng sinuman sa ating mga mambabatas?] Kung gayon, kasáma sa adyendang pampolitika ng pagpaplanong wika ang mga hakbang upang gisíngin ang mga lider politiko hinggil sa tungkuling ito. Salamin lámang ang ating ordinaryong mga mambabatas ng malaganap na pagbalewala ng buong dominyo ng kapangyarihan sa kabuluhan ng Wikang Pambansa. Mababà ang tingin nilá sa Filipino; sa tingin nilá hindi kailangan ang wikang Filipino sa búhay ng mga Filipino. At narito ang isang problema na dapat harapin sa pagpaplanong wika: Kailangang patunayan ng Filipino na makabuluhang kasangkapan ito sa pambansang kaunlaran. Pangunahing susi dito ang mabilisan at malawakang pagdevelop sa Filipino bílang Wika ng Karunungan, lalo na bílang wika sa ibá’t ibáng diskursong akademiko. Hindi dapat mapiit ang Filipino sa bartolinang pinagsadlakan ng patakarang bilingguwal sa edukasyon. Ang ibig sabihin, hindi ito dapat manatíling wika lámang ng panitikan, humanidades, at agham panlipunan. Kailangang makalabas ito ng bartolina upang maging wika din ng agham, matematika, at makabagong teknolohiya. Filipino: Wika ng Karunungan Paano isasagawa ang modernisasyong akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Ang ibig sabihin, kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawang biktima ng patakarang bilingguwal sa edukasyon at kayâ limitado sa paghahandog ng kaalaman at kasanayán sa wika, panitikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás ng malaking espasyo sa pagtuturo ng ibáng disiplina gámit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng re-bisyon ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayán at kaalaman para sa mga propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko.

Almario

35

Samantala, dapat pasiglahin ang modernisadong Filipino para sa mga diskursong

akademiko. Noon pa inirereklamo, halimbawa, kung bakit hindi ginagámit ang Filipino

sa hukuman. Hindi ito maaaring biglang mangyari ngayon. Kahit noong panahon ng

Americano at sa kabilâ ng mabilisang paglalatag ng isang sistema ng pambansang edukasyon

sa Ingles ay hindi agad naganap ang pagpapalit ng wika ng hukuman mulang Español. Sa

halip, nagtakda ng palugit na ilang dekada bago sapilitang ipinagámit ang mga kodigo ng

batas na nakasulat sa Ingles. Nangangailangan ng ganitong matagalang plano ang pagsasa-

Filipino sa mga wika ng dominyo ng kapangyarihan at larang akademiko.

Hindi ito naisaad sa alinmang batas na nagtataguyod sa paggámit ng Filipino. Ni

walang takdang panahon ang pagpapahayag sa Wikang Pambansa ni Pangulong Quezon

kung kailan inaasahang katuparan ng pangarap na opisyal na wika ng pamahalaan at wika

ng edukasyon ang Tagalog. Sa 1987 Konstitusyon, hindi tinakdaan ang Kongreso kung

hanggang kailan maghihintay bago ipahayag ang Filipino bílang nag-iisang opisyal na

wika ng komunikasyon at instruksiyon. [O bakâ wala ito sa isip ng sinuman sa ating mga

mambabatas?] Kung gayon, kasáma sa adyendang pampolitika ng pagpaplanong wika ang

mga hakbang upang gisíngin ang mga lider politiko hinggil sa tungkuling ito.

Salamin lámang ang ating ordinaryong mga mambabatas ng malaganap na

pagbalewala ng buong dominyo ng kapangyarihan sa kabuluhan ng Wikang Pambansa.

Mababà ang tingin nilá sa Filipino; sa tingin nilá hindi kailangan ang wikang Filipino sa

búhay ng mga Filipino. At narito ang isang problema na dapat harapin sa pagpaplanong

wika: Kailangang patunayan ng Filipino na makabuluhang kasangkapan ito sa pambansang

kaunlaran. Pangunahing susi dito ang mabilisan at malawakang pagdevelop sa Filipino

bílang Wika ng Karunungan, lalo na bílang wika sa ibá’t ibáng diskursong akademiko.

Hindi dapat mapiit ang Filipino sa bartolinang pinagsadlakan ng patakarang bilingguwal

sa edukasyon. Ang ibig sabihin, hindi ito dapat manatíling wika lámang ng panitikan,

humanidades, at agham panlipunan. Kailangang makalabas ito ng bartolina upang maging

wika din ng agham, matematika, at makabagong teknolohiya.

Filipino: Wika ng Karunungan

Paano isasagawa ang modernisasyong akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng

pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Ang ibig sabihin,

kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo

at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawang biktima ng

patakarang bilingguwal sa edukasyon at kayâ limitado sa paghahandog ng kaalaman at

kasanayán sa wika, panitikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga

direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás ng malaking espasyo

sa pagtuturo ng ibáng disiplina gámit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng re-bisyon

ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayán at kaalaman para sa mga

propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!