Isang-Sariling-Wika-Filipino
116 Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog dundong, hulhol, laslas, pakpak, sitsit, lutok, lublob, lanap, laylay, tunton, wayway, sinsin, at hunhon. Mapapansin, na, ang mga salitâng-ugat na ito ay pawang mga pangngalan, na gaya rin ng mga salitâng kinagigitlapian ng “ag.” Dahil dito, ang “ag,” samakatwid, ay isang gitlaping makangalan. Kung susuriin, madalîng makikilála, na, ang unang walong halimbawang salitâng nása itaas nitó (kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok at lagublob), ay mga pangngalan ng ibá’t ibáng uri ng tunog o ingay, na humigit-kumulang ay bunga o likha ng ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitâng-ugat; samantala, ang hulíng anim na salitâ naman (laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin at hagunhon), ay mga salitâng kababakasan ng pagpapalawak o pagbibigay-tindi ng kahulugang ipinahihiwatig ng salitâng-ugat. Batay dito, ang “ag,” sa pagkagitlapi, ay may dalawang kahulugang ibinibigay sa pagkapalapi sa salitâng-ugat. Una, ang salitâng-ugat ay nagiging pangalan ng tunog o ingay; at ikalawa, ang kahulugan ng salitâng-ugat ay nagkakaroon ng higit na lawak o tindi. Maaaring may ibá pang mga kahulugang ibinibigay ang gitlaping “ag” sa kinalalapiang salitâ, ngunit sa isang pag-aaral na panimula lámang na katulad nitó, may palagay kaming ang dalawang nabanggit na mga kahulugan, ay maaari nang makatulong sa sinumang ibig gumawa ng sarili’t lalong malawak na pananaliksik at pagsusuri. Mahalagang malaman, na ang gitlaping ito ay laging nása pagitan ng dalawang unang titik sa unang pantig ng salitâng dadalawahing pantig, maging kabilaan man o bukás. Ang kabuluhan at kahalagahan ng “ag” bílang gitlapi, ay pinatutunayan ng napakaraming salitâng kinalalapian nitó. Narito pa ang ilang halimbawang aming naitala: bagakbák (gáling sa bakbak), bagusbós (gáling sa busbos), kagangkáng (gáling sa kangkang), kagiskís (gáling sa kiskis), kagulkól (gáling sa kulkol), dagasdás (gáling sa dasdas), laguslós (gáling sa luslos), haguthót (gáling sa huthot), kagungkóng (gáling sa kungkong), kaguskós (gáling sa kuskos), lagaklák (gáling sa laklak), pagulpól (gáling sa pulpol), sagalsál (gáling sa salsal), taguktók (gáling sa tuktok), bagaybáy (gáling sa baybay), dagildíl (gáling sa dildil), dagubdób (gáling sa dubdob), hagudhód (gáling sa hudhod), sagadsád (gáling sa sadsad), tagaytáy (gáling sa taytay), at ibá pa. Ang “ay” ay Tipik Ding May Kahulugan sa Loob ng Salitâ Bílang tipik na may kahulugan sa loob ng isang salitâ, ang gitlaping “ay” hindi pa rin nakikilála sa Tagalog. Ito’y hindi rin nabanggit sa Balarila ng Wikang Pambansa at maging sa mga pag-aaral ng nasirang dalubwikang Julian C. Balmaseda. Hindi rin ito kasáma sa talaan ng mga panlaping inihanda ni Dr. Cecilio Lopez, naging kalihim-tagapagpaganap ng Surian ng Wikang Pambansa at dáting punò ng Kagawaran ng mga Wikang Silanganin sa Pamantasan ng Pilipinas. Ang gitlaping “ay” ay una naming napansin sa mga salitâng kayangkáng, payagpág, tayantáng, at tayangkád, nang sa paghahanda ng isang diksiyonaryong Tagalog-Ingles ay nagkaroon kami ng hinalang ang mga salitâng ito’y gáling sa mga ugat na kangkang, pagpag,
Santos 117 tantang, at tangkad, sa ganyan ding pagkakasunud-sunod. Sinubok naming ihiwalay ang “ay” sa limang pinaghihinalaang salitâ at kami’y nagulat sa aming nakítang naiwang mga salitâ, na pawang nagpatunay sa aming hinala. Anupat dahil sa ganitong pangyayari, nagsikap kaming maghanap pa ng mga salitâng kinapapalooban ng “ay” na sa palagay namin ay kauri ng limang naunang mga halimbawa. Ang sumusunod ay ilan lámang sa marami naming naitalâ: dayukdók (gáling sa dukdok), kayagkág (gáling sa kagkag), dayandáng (gáling sa dandang), kayungkóng (gáling sa kungkong), gayaygáy (gáling sa gaygay), mayukmók (gáling sa mukmok), payikpík (gáling sa pikpik), tayakád (gáling sa takad), kayudkód (gáling sa kudkod), bayambáng (gáling sa salitâng bambang), kayangkáng (gáling sa kangkang), at marami pang ibá. Makikíta sa mga halimbawa, na ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “ay” sa pagkagitlapi nitó sa mga salitâng-ugat, ay ang pagkakaroon ng pasidhing bisà o ng tinding higit sa ipinakikilála ng kahulugan ng ugat, maging sa pagkapang-uri o sa pagkapangngalan. Mapupuna rin, na, ang gitlaping ito ay hindi tumataliwas sa pangkalahatang tuntunin ng paggigitlapi, alalaon baga’y nasisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng-ugat, maging kabilaan man o bukás ang pantig. Maaaring itong “ay,” bílang gitlapi, ay may ibá pang mga kahulugan kung susuriing mabuti ang mga salitâng kinapapalooban nitó, subalit para sa pagpapakilála lámang na katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilála ng tipik na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsina’t malawak na pagsusuri. Gitlapi rin ang “il” Sa salitâng TILAPON namin unang napansin ang tipik na “il” bílang gitlapi. Agad mapapansin ng sinuman, na, kapag inihiwalay sa tilapon ang “il,” ang maiiwang mga titik kung pag-uugnayin, ay magiging tapon, isang salitâng ang kahulugan ay kilaláng-kilalá sa buong kalalawiganang Tagalog. Ngunit sa layunin ng pagpapakilála sa “il,” bílang isang tipik na may kahulugan sa pagkapalapi sa ibáng salitâ, ang pagbibigay ng isa lámang na halimbawang salitâ, ay hindi sapat. Kayâ, bukod sa tilapon, kami’y nagsaliksik pa ng ilang salitâng maaaring magámit sa ganitong pagsusuri. Narito ang ilan pang halimbawa: hilantád (gáling sa hantad), hilagpós (gáling sa hagpos), tilamsík (gáling sa tamsik), tilabsáw (gáling sa tibsaw), tilabsík (gáling sa tabsik), tilabso (gáling sa tabso), hilakbót (gáling sa hakbot), hiliwíd (gáling sa hiwid), tilabsk (gáling sa tabsak), tilagós (gáling sa tagos), tilarók (gáling sa tarok), tilasók (gáling sa tasok), tiláok (gáling sa taok), at ibá pa. Sa biglang malas, lalo sa pangkasalukuyang gámit, ang kahulugan ng mga salitâng halimbawa ay halos siyá na ring kahulugan ng salitâng-ugat, bagaman kung susuriing mabuti, ay mayroon ding makikítang bahagyang pagkakaibá. Kagaya rin ng “ay,” ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “il” ay pagpapasidhi o pagbibigay ng higit na tindi ng ipinakikilálang kahulugan ng ugat, bagaman, sa kasalukuyang gámit ngayon ay hindi na ito halos napapansin.
- Page 80 and 81: 66 Pagpaplanong Wika at Pagdevelop
- Page 82 and 83: 68 Pagpaplanong Wika at Pagdevelop
- Page 84 and 85: 70 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 86 and 87: 72 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 88 and 89: 74 Ang Surian ng Wikang Pambansa sa
- Page 90 and 91: Virgilio S. Almario MGA MISYON PARA
- Page 92 and 93: 78 Mga Misyon para sa Komisyon sa W
- Page 94 and 95: 80 Mga Misyon para sa Komisyon sa W
- Page 96 and 97: Cecilio Lopez ANG PAGHAHAMBING NANG
- Page 98 and 99: 84 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 100 and 101: 86 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 102 and 103: 88 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 104 and 105: 90 Ang Paghahambing nang manga Wika
- Page 106 and 107: 92 Ang Tunog Glottal sa Pilipino at
- Page 108 and 109: 94 Ang Tunog Glottal sa Pilipino at
- Page 110 and 111: Alfonso O. Santiago ANG PAGHAHAMBIN
- Page 112 and 113: 98 Ang Paghahambing sa Dalawang Wik
- Page 114 and 115: 100 Ang Paghahambing sa Dalawang Wi
- Page 116 and 117: Fermina G. Gatal ISANG PAHAMBING NA
- Page 118 and 119: 104 Isang Pahambing na Pagsusuri sa
- Page 120 and 121: 106 Isang Pahambing na Pagsusuri sa
- Page 122 and 123: 108 Isang Pahambing na Pagsusuri sa
- Page 124 and 125: 110 Isang Pahambing na Pagsusuri sa
- Page 126 and 127: 112 Pagpapakilála sa Ilang Gitlapi
- Page 128 and 129: 114 Pagpapakilála sa Ilang Gitlapi
- Page 132 and 133: 118 Pagpapakilála sa Ilang Gitlapi
- Page 134 and 135: 120 Ang Gramatikang Filipino Sa Art
- Page 136 and 137: 122 Ang Gramatikang Filipino Ang mg
- Page 138 and 139: 124 Ang Gramatikang Filipino vocabu
- Page 140 and 141: 126 Ang Gramatikang Filipino (OP) n
- Page 142 and 143: 128 Ang Gramatikang Filipino Bukod
- Page 144 and 145: 130 Ang Gramatikang Filipino Kontem
- Page 146 and 147: 132 Ang Gramatikang Filipino Paghah
- Page 148 and 149: 134 Ang Gramatikang Filipino Sanggu
- Page 151: Ang Aklat ng Bayan ay bahagi ng isa
Santos

117

tantang, at tangkad, sa ganyan ding pagkakasunud-sunod. Sinubok naming ihiwalay ang “ay”

sa limang pinaghihinalaang salitâ at kami’y nagulat sa aming nakítang naiwang mga salitâ,

na pawang nagpatunay sa aming hinala. Anupat dahil sa ganitong pangyayari, nagsikap

kaming maghanap pa ng mga salitâng kinapapalooban ng “ay” na sa palagay namin ay kauri

ng limang naunang mga halimbawa. Ang sumusunod ay ilan lámang sa marami naming

naitalâ: dayukdók (gáling sa dukdok), kayagkág (gáling sa kagkag), dayandáng (gáling

sa dandang), kayungkóng (gáling sa kungkong), gayaygáy (gáling sa gaygay), mayukmók

(gáling sa mukmok), payikpík (gáling sa pikpik), tayakád (gáling sa takad), kayudkód (gáling

sa kudkod), bayambáng (gáling sa salitâng bambang), kayangkáng (gáling sa kangkang), at

marami pang ibá.

Makikíta sa mga halimbawa, na ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “ay” sa

pagkagitlapi nitó sa mga salitâng-ugat, ay ang pagkakaroon ng pasidhing bisà o ng tinding

higit sa ipinakikilála ng kahulugan ng ugat, maging sa pagkapang-uri o sa pagkapangngalan.

Mapupuna rin, na, ang gitlaping ito ay hindi tumataliwas sa pangkalahatang tuntunin ng

paggigitlapi, alalaon baga’y nasisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng-ugat,

maging kabilaan man o bukás ang pantig.

Maaaring itong “ay,” bílang gitlapi, ay may ibá pang mga kahulugan kung susuriing

mabuti ang mga salitâng kinapapalooban nitó, subalit para sa pagpapakilála lámang na

katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilála ng tipik

na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsina’t malawak na

pagsusuri.

Gitlapi rin ang “il”

Sa salitâng TILAPON namin unang napansin ang tipik na “il” bílang gitlapi. Agad

mapapansin ng sinuman, na, kapag inihiwalay sa tilapon ang “il,” ang maiiwang mga titik

kung pag-uugnayin, ay magiging tapon, isang salitâng ang kahulugan ay kilaláng-kilalá sa

buong kalalawiganang Tagalog. Ngunit sa layunin ng pagpapakilála sa “il,” bílang isang

tipik na may kahulugan sa pagkapalapi sa ibáng salitâ, ang pagbibigay ng isa lámang na

halimbawang salitâ, ay hindi sapat. Kayâ, bukod sa tilapon, kami’y nagsaliksik pa ng ilang

salitâng maaaring magámit sa ganitong pagsusuri. Narito ang ilan pang halimbawa: hilantád

(gáling sa hantad), hilagpós (gáling sa hagpos), tilamsík (gáling sa tamsik), tilabsáw (gáling

sa tibsaw), tilabsík (gáling sa tabsik), tilabso (gáling sa tabso), hilakbót (gáling sa hakbot),

hiliwíd (gáling sa hiwid), tilabsk (gáling sa tabsak), tilagós (gáling sa tagos), tilarók (gáling

sa tarok), tilasók (gáling sa tasok), tiláok (gáling sa taok), at ibá pa.

Sa biglang malas, lalo sa pangkasalukuyang gámit, ang kahulugan ng mga salitâng

halimbawa ay halos siyá na ring kahulugan ng salitâng-ugat, bagaman kung susuriing

mabuti, ay mayroon ding makikítang bahagyang pagkakaibá. Kagaya rin ng “ay,” ang

pangkalahatang diwang ibinibigay ng “il” ay pagpapasidhi o pagbibigay ng higit na tindi ng

ipinakikilálang kahulugan ng ugat, bagaman, sa kasalukuyang gámit ngayon ay hindi na ito

halos napapansin.