Isang-Sariling-Wika-Filipino

23.07.2017 Views

112 Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog Gitlapi rin ang “a” sa Tagalog Sa pagkaunlapi (prefix), ang kahulugan ng “a-” ay kilalá na. Sa mga salitâng ani, anila, anang, aniya, anito, aniyon, at ibá pa, halimbawa, ang kahulugan ng unlaping “a-” ay “sabi o wika,” ngunit bálang gitlapi, ang kahulugan nitó ay hindi pa nakikilála, kayâ ito ang sisikapin naming ipakilála sa pag-aaral na ito. Ngunit bago kami magpatuloy sa gagawin naming pagsusuri, marahil ay hindi masamâng malaman muna natin kung ano itong tinatawag na mga panlapi. Ganito ang sinasabi ng Balarila: “Tinatawag na panlapi ang isa o ilang pantig na ikinakama sa salitâ upang ito’y mabigyan ng ibá-ibáng hinggil at tungkulin sa pananalita.” Hinggil sa kalagayan, ang mga panlapi’y tinatawag na unlapi kung nása unahán ng salitâ, gitlapi kung nása gitna o nása loob, hulapi kung nása hulihán, kabilaan kung nása una’t hulihán, at laguhan kung bukod sa nása magkabilâng panig ng salitâ, ay mayroon pa ring nása loob. At sapagkat ang “a,” na pag-aaralan natin ngayon, ay nása loob ng salitâ, ito’y ituturing natin na isang gitlapi. Ang isang panlapi, upang matawag na ganito, ay kailangang magkaroon ng sariling tiyak na kahulugang dapat makilála agad sa kinalalangkapang salitâ, batay sa kahulugan ng salitâng-ugat. Ngayon, itanong natin ito: Ang “a” ba, halimbawa, sa mga salitâng lubalob, ligalig, tigatig, sibasib, subasob, at sugasog, ay may ibinibigay na kahulugan, hinggil o tungkulin sa mga salitâng kinapapalooban? Kung mayroon, ano-ano ang mga salitângugat? Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitâng nása itaas nitó, at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang “a,” ang lumilitaw na mga salitâng-ugat, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitâng pawang kilalá at ginagámit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikíta sa sumusunod: LUBÁLOB (gáling sa lublob, ang paglulubog at madalîng pag-aalis ng isang bagay sa tubig o putik): Labis na paglulunoy sa tubig o putik; paglulublob nang matagal at paulitulit; pagkagumon nang lubusan sa bisyo o anumang masamâng hilig. LIGÁLIG (gáling sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti ang laman; pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o pagkakagulo; anumang nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga. TIGÁTIG (gáling sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng sisidlan upang masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan ng loob o damdamin. SIBÁSIB (gáling sa sibsib: dahan-dahang paglubog, halimbawa’y ng araw; mahinay na pagsipsip ng sabaw ng pagkain, gaya ng ginagawa ng baboy na walang gana sa pagkain): Daluhong ng mabangis na hayop; pasinghal na paglusob. SUBÁSOB (gáling sa sugsog: pagtalunton sa landas o daan): Masigasig na pagtalunton sa landas o dinaanan ng isang hinahanap; masusing paghahanap sa lahat ng dako sa isang bagay na nawawala.

Santos 113 Mapapansin agad sa mga halimbawa, ang pagkapasingit ng “a” sa pagitan ng dalawang pantig na magkatulad, na bagaman hindi siyáng laging nangyayari, gaya ng makikíta sa ilang halimbawang nása dakong hulihán nitó, ay pinatutunayan namang siyáng nakararami. Ngunit ang makikíta, na waring hindi nababago, ay ang pagkapatambal ng “a” sa bigkas ng hulíng katinig ng unang pantig ng salitâng-ugat. Wala kaming makítang halimbawa ng mga salitâng-ugat na bukás ang unang pantig na kinagigitlapian ng “a.” Batay sa mga kahulugang nakíta na natin sa mga halimbawang nása itaas nitó, maaaring hatiin sa dalawang uri ng kahulugan ang ibinibigay ng “a” sa pagkapagitlapi sa mga salitâng-ugat. Una: sa lubalob, sibasib, subasob, at sugasog, ay madalîng makikítang ang “a” ay nagbibigay ng pasidhi o palawak na kahulugan ng salitâng-ugat. Ikalawa: sa ligalig at sa tigatig, ang ibinibigay namang kahulugan ay resulta o bunga o ang nangyayari matapos maganap ang ipinahihiwatig na kahulugan ng salitâng-ugat. YUGÁYOG ( < yugyog) DULÁDOL ( < duldol) SULÁSOD ( < sudsod) LAGÁMAK ( < lagmak) IGÁIG ( < ig-ig) DALÁHAK ( < dalhak) PUGÁPOG ( < pugpog) GUTÁGOT ( < gutgot) KUBÁKOB ( < kubkob) PALÁTAK ( < paltak) UPÁOP ( < up-op) UKÁOK ( < uk-ok) SULÁSOL ( < sulsol) SAGÁSAG ( < sagsag) LIBÁLIB ( < liblib) UGÁOG ( < ugog) BUTÁBOT ( < butbot) TIBÁTIB ( < tibtib) LUGÁLOG ( < luglog) BULÁBOD ( < bulbod) SAGÁSAG ( < sagsag) SIGÁSIG ( < sigsig) HUDÁHOD ( < hudhod) Sa kahulugan naman na “resulta o bunga,” ay maaaring ibílang na mga halimbawa ang mga sumusunod: BUGÁBOG ( < bugbog) BAGÁBAG ( < bagbag) BULÁBOG ( < bulbog) DAGÁSA ( < dagsa) Makikíta sa mga halimbawa, na maliban sa lagmak na naging LAGAMAK, sa dalhak na naging DALAHAK, sa paltak na naging PALATAK, sa unang hanay; at sa lagpak na naging LAGAPAK, sa dagsa na naging DAGASA, sa bulbog na naging BULABOG, sa ikalawa, ang lahat ng salitâng-ugat ay binubuo ng inuulit na pantig, na kundi man kabilaan, ay tambal-hulí. Anupa’t sa kalahatan, ang kinapapalooban ng gitlaping “-a-,” kung ito’y matatawag na ngang gitlapi, ay mga salitâng binubuo ng pantig na inuulit at bihirangbihira ang mga salitâng tumataliwas. Ayon sa tungkulin at kapakanan, gaya ng makikíta sa mga halimbawa, ang “a” ay isang gitlaping makangalan, at ang lahat ng salitâng kinalalangkapan nitó ay maaaring tumanggap ng ibáng mga panlapi sa ibá’t ibáng anyo at kahulugan. Masasabi, halimbawa, ang: lumubalob, maglubalob, ilubalob, paglulubalob; ligaligin, maligalig, kaligaligan, pagkaligalig; isubasib, masubasob, sumubasob, pagsubasob; tigatigin, matigatig, pagkatigatig; bagabagin, mabagabag, pagkabagabag; bulabugin, mabulabog, pagkabulabog; at ibá pa.

112

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog

Gitlapi rin ang “a” sa Tagalog

Sa pagkaunlapi (prefix), ang kahulugan ng “a-” ay kilalá na. Sa mga salitâng ani, anila, anang,

aniya, anito, aniyon, at ibá pa, halimbawa, ang kahulugan ng unlaping “a-” ay “sabi o wika,”

ngunit bálang gitlapi, ang kahulugan nitó ay hindi pa nakikilála, kayâ ito ang sisikapin

naming ipakilála sa pag-aaral na ito. Ngunit bago kami magpatuloy sa gagawin naming

pagsusuri, marahil ay hindi masamâng malaman muna natin kung ano itong tinatawag

na mga panlapi. Ganito ang sinasabi ng Balarila: “Tinatawag na panlapi ang isa o ilang

pantig na ikinakama sa salitâ upang ito’y mabigyan ng ibá-ibáng hinggil at tungkulin sa

pananalita.” Hinggil sa kalagayan, ang mga panlapi’y tinatawag na unlapi kung nása unahán

ng salitâ, gitlapi kung nása gitna o nása loob, hulapi kung nása hulihán, kabilaan kung nása

una’t hulihán, at laguhan kung bukod sa nása magkabilâng panig ng salitâ, ay mayroon pa

ring nása loob. At sapagkat ang “a,” na pag-aaralan natin ngayon, ay nása loob ng salitâ, ito’y

ituturing natin na isang gitlapi.

Ang isang panlapi, upang matawag na ganito, ay kailangang magkaroon ng sariling

tiyak na kahulugang dapat makilála agad sa kinalalangkapang salitâ, batay sa kahulugan ng

salitâng-ugat. Ngayon, itanong natin ito: Ang “a” ba, halimbawa, sa mga salitâng lubalob,

ligalig, tigatig, sibasib, subasob, at sugasog, ay may ibinibigay na kahulugan, hinggil o

tungkulin sa mga salitâng kinapapalooban? Kung mayroon, ano-ano ang mga salitângugat?

Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitâng nása itaas nitó,

at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang “a,” ang lumilitaw na mga salitâng-ugat,

ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitâng

pawang kilalá at ginagámit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa

lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog

ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng

paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikíta sa sumusunod:

LUBÁLOB (gáling sa lublob, ang paglulubog at madalîng pag-aalis ng isang bagay sa

tubig o putik): Labis na paglulunoy sa tubig o putik; paglulublob nang matagal at paulitulit;

pagkagumon nang lubusan sa bisyo o anumang masamâng hilig.

LIGÁLIG (gáling sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti ang laman;

pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o pagkakagulo; anumang

nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga.

TIGÁTIG (gáling sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng sisidlan upang

masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan ng loob o damdamin.

SIBÁSIB (gáling sa sibsib: dahan-dahang paglubog, halimbawa’y ng araw; mahinay

na pagsipsip ng sabaw ng pagkain, gaya ng ginagawa ng baboy na walang gana sa

pagkain): Daluhong ng mabangis na hayop; pasinghal na paglusob.

SUBÁSOB (gáling sa sugsog: pagtalunton sa landas o daan): Masigasig na pagtalunton

sa landas o dinaanan ng isang hinahanap; masusing paghahanap sa lahat ng dako sa

isang bagay na nawawala.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!