Isang-Sariling-Wika-Filipino
x Filipino bílang Ikalawang Wika at lingua franca, ay pinayayaman na ng ibá pang katutubong wika sa bansa. Ang Filipino ay nagtataglay na ng mga katangian ng mga wikang di-Tagalog. Umalpas na ang Filipino sa sumpa ng purismo. Salamin din ang pag-aaral sa nagbagong aktitud at pananaw pangwika ng KWF na bukás at yumayakap sa mga ambag ng ibá’t ibáng wikang katutubo sa bansa. Ilang Talâ sa Editing Sa pangkalahatan, isinunod ang mga artikulo sa ipinatutupad na Ortograpiyang Pambansa (2013) ng KWF, maliban sa mga artikulo nina Ernesto Constantino at Cecilio Lopez. Sa “Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas,” hindi binago ang pagbaybay ni Lopez, na tinawag niyang “transkripsiyong ponemika” upang mapanatíli ang diwa ng eksperimentong ortograpiko na isinagawa ng isa sa mga tagapagtatag ng lingguwistika sa bansa. Ang transkripsiyong ponetiko ay isang biswal na representasyon ng tunog ng pagsasalitâ. Karaniwang uri ng transkripsiyong ponetiko ay gumagámit ng alpabetong ponetiko gaya sa International Phonetic Alphabet (IPA). Sinasabing ang transkripsiyong ponetiko ay tumutugon sa pagkakaibá-ibá ng mga ortograpiya sa mundo at isang paraan ng estandardisadong pagdulog sa pagrerekord ng bigkas ng mga salitâ sa buong mundo. Gayunman, may problema din sa ipinapangakong estandardisasyon ng IPA. Pangunahing halimbawa ang representasyon ng impit na tunog o glottal stop. Sa kaso ni Lopez, ginamítan niya ito ng letrang q at itinuturing na konsonante o katinig (alalahaning ang letrang q ay wala pa sa ipinatutupad na abakada noong panahon ni Lopez kayâ maaaring hindi niya ito itinuring na sagwil o makalilito sa alpabeto). Hindi susundan ng mga lingguwistikong gaya nina Santiago at Gatal ang letrang q at sa halip ay gumámit silá ng apostrope (’) bílang simbolo ng impit. Sa kabilâng bandá, ibá-ibá ang representasyong ponetiko ng impit sa mga wika sa mundo. Karaniwan ang apostrope at ang karakter na ʔ ng (א) IPA. Minsan ito ay baligtad na apostrope (‘), doble apostrope (“), letrang k, letrang aleph ng Hebrew, at letrang palochka (Ӏ) sa mga wikang Caucasian. Mababása sa pasubali ni Lopez ang gabay sa pagbása ng kaniyang ipinatupad na ortograpiya. Narito naman ang bersiyon ng isinaayos na ortograpiya ng kaniyang pasubali: Sa pag-aaral na ito’y gumámit ako ng pagbabago sa pagsulat na naiibá sa pinagkaugalian; ang mga ito’y maaaring maging paksain ng isang pagpapalitangkuro. Mga halimbawa. Ang manga at nang ay isinulat ko nang buo; ang y (pinaikling ay) at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit ng sinusundang salita, gaya baga ng nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay siyá kong ipinalit sa tuldik na paiwa sapagkat ang glottal stop ay isang K at hindi isang uri ng diin. Ginamit ko ang q sa hulihán lámang ng salitâ at hindi sa unahán o kalagitnaan nitó maliban kung kapalit ng pinagkaugaliang gitling, halimbawa sa pagsulat nang salitâng may unlaping nagtatapos sa –g at sinusundan ng salitâng-ugat na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa inuulit o magkatambal na salitâ ay hindi ko
xi ginámit ang q. Ngunit sa mga salitâng pinaghahambing dito, sa ponolohiya… ginámit ko ang q sa unahán, kalagitnaan, at hulihán sapagkat sa mga salitâng ito’y pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog sa ibá’t ibáng wika, at ang q ay dapat isaalang-alang na gaya din ng ibáng K. Hindi ako gumámit ng tuldik (na maaaring pagmulan ng mga kamalian sa paglilimbag). Ginámit ko ang tutuldok (:) sa mga pantig na may likás na haba ang bigkas gayundin sa mga unlaping may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang hidwang pakahulugan… bagama’t itoy hindi ko sinunod sa inuulit na pantig sa pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon ng mga pandiwa. (Amin ang pagsasaayos ng ortograpiya.) Hindi ganap na sinunod ni Constantino ang transkripsiyong ponetiko ni Lopez, kahit pa kapuwa mga pangunahing tagapagsúlong ng lingguwistika ang dalawa. Tanging nasunod ang pagkakabit ng y (pinaikling ay) at pagkakabit ng t (pinaikling at) sa sinusundang salitâ, halimbawa “hanggat,” “kayat.” Hindi naman binago ang mga isinagawang reispeling ni Constantino sa kaniyang mga artikulo, halimbawa “madiskas,” “mag-adap,” “present,” “ipropos,” “prestijus,” “palisi,” at ibá pa. Ang reispeling ng mga salitâng Ingles tungo sa palabaybayang Filipino ay naging tugon ni Constantino sa purismo ng wikang Pilipino na pilit diumanong tinatakdaan ng katumbas sa Tagalog ang mga salitâng banyaga. Pinanatíli ang tawag na “Pilipino” para sa wika sa mga artikulong nabibílang sa isang panahong “Pilipino” pa ang itinatadhanang wikang pambansa ng Konstitusyon (1960s hanggang 1985). Makikíta namang “Filipino” na ito sa artikulong isinulat sa panahon ng 1987 hanggang sa kasalukuyan upang itugma ito sa tadhanang pangwika ng 1987 Konstitusyon na kumikilála sa isang “Filipino” bílang wikang pambansa. KRISCELL LÁRGO LABÓR
- Page 1: Isang Sariling Wikang Filipino Mga
- Page 4 and 5: Isang Sariling Wikang Filipino Mga
- Page 6 and 7: vi ang nagtakda ng estandardisasyon
- Page 8 and 9: viii debelopin ang wikang pambansan
- Page 12 and 13: NILALAMAN I Jose Villa Panganiban A
- Page 14 and 15: Dapat isipin ngayon ang “kultibas
- Page 16 and 17: 2 Ang Modernisasyon ng Isang Wika K
- Page 18 and 19: 4 Ang Modernisasyon ng Isang Wika [
- Page 20 and 21: 6 Ang Modernisasyon ng Isang Wika n
- Page 22 and 23: 8 Ang Modernisasyon ng Isang Wika 5
- Page 24 and 25: Ernesto Constantino ANG HINAHARAP N
- Page 26 and 27: Ernesto Constantino ANG PILIPINO BI
- Page 28 and 29: Ernesto Constantino ANG “UNIVERSA
- Page 30 and 31: 16 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 32 and 33: 18 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 34 and 35: 20 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 36 and 37: 22 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 38 and 39: 24 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 40 and 41: 26 Ang "Universal Approach" at ang
- Page 42 and 43: 28 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 44 and 45: 30 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 46 and 47: 32 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 48 and 49: 34 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 50 and 51: 36 Nasyonalisasyon at Modernisasyon
- Page 52 and 53: Ang isinasailalim sa pagpaplano'y i
- Page 54 and 55: 40 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong
- Page 56 and 57: 42 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong
- Page 58 and 59: 44 Pagdevelop ng Wika at Edukasyong
x

Filipino bílang Ikalawang Wika at lingua franca, ay pinayayaman na ng ibá pang katutubong

wika sa bansa. Ang Filipino ay nagtataglay na ng mga katangian ng mga wikang di-Tagalog.

Umalpas na ang Filipino sa sumpa ng purismo. Salamin din ang pag-aaral sa nagbagong

aktitud at pananaw pangwika ng KWF na bukás at yumayakap sa mga ambag ng ibá’t ibáng

wikang katutubo sa bansa.

Ilang Talâ sa Editing

Sa pangkalahatan, isinunod ang mga artikulo sa ipinatutupad na Ortograpiyang Pambansa

(2013) ng KWF, maliban sa mga artikulo nina Ernesto Constantino at Cecilio Lopez.

Sa “Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas,” hindi binago ang pagbaybay

ni Lopez, na tinawag niyang “transkripsiyong ponemika” upang mapanatíli ang diwa ng

eksperimentong ortograpiko na isinagawa ng isa sa mga tagapagtatag ng lingguwistika

sa bansa. Ang transkripsiyong ponetiko ay isang biswal na representasyon ng tunog ng

pagsasalitâ. Karaniwang uri ng transkripsiyong ponetiko ay gumagámit ng alpabetong

ponetiko gaya sa International Phonetic Alphabet (IPA). Sinasabing ang transkripsiyong

ponetiko ay tumutugon sa pagkakaibá-ibá ng mga ortograpiya sa mundo at isang paraan ng

estandardisadong pagdulog sa pagrerekord ng bigkas ng mga salitâ sa buong mundo.

Gayunman, may problema din sa ipinapangakong estandardisasyon ng IPA.

Pangunahing halimbawa ang representasyon ng impit na tunog o glottal stop. Sa kaso ni

Lopez, ginamítan niya ito ng letrang q at itinuturing na konsonante o katinig (alalahaning

ang letrang q ay wala pa sa ipinatutupad na abakada noong panahon ni Lopez kayâ

maaaring hindi niya ito itinuring na sagwil o makalilito sa alpabeto). Hindi susundan ng

mga lingguwistikong gaya nina Santiago at Gatal ang letrang q at sa halip ay gumámit silá

ng apostrope (’) bílang simbolo ng impit. Sa kabilâng bandá, ibá-ibá ang representasyong

ponetiko ng impit sa mga wika sa mundo. Karaniwan ang apostrope at ang karakter na ʔ ng

(א) IPA. Minsan ito ay baligtad na apostrope (‘), doble apostrope (“), letrang k, letrang aleph

ng Hebrew, at letrang palochka (Ӏ) sa mga wikang Caucasian.

Mababása sa pasubali ni Lopez ang gabay sa pagbása ng kaniyang ipinatupad na

ortograpiya. Narito naman ang bersiyon ng isinaayos na ortograpiya ng kaniyang pasubali:

Sa pag-aaral na ito’y gumámit ako ng pagbabago sa pagsulat na naiibá sa

pinagkaugalian; ang mga ito’y maaaring maging paksain ng isang pagpapalitangkuro.

Mga halimbawa. Ang manga at nang ay isinulat ko nang buo; ang y

(pinaikling ay) at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit ng sinusundang salita,

gaya baga ng nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay siyá kong ipinalit sa

tuldik na paiwa sapagkat ang glottal stop ay isang K at hindi isang uri ng diin.

Ginamit ko ang q sa hulihán lámang ng salitâ at hindi sa unahán o kalagitnaan

nitó maliban kung kapalit ng pinagkaugaliang gitling, halimbawa sa pagsulat

nang salitâng may unlaping nagtatapos sa –g at sinusundan ng salitâng-ugat

na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa inuulit o magkatambal na salitâ ay hindi ko