Isang-Sariling-Wika-Filipino
Isang Sariling Wikang Filipino Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino
- Page 3 and 4: Isang Sariling Wikang Filipino Mga
- Page 5 and 6: v Isang Introduksiyon PAGPAPLANONG
- Page 7 and 8: vii probisyong pangwika pagdatíng
- Page 9 and 10: ix Kalikasán ng mga Wika sa Filipi
- Page 11 and 12: xi ginámit ang q. Ngunit sa mga sa
- Page 13 and 14: III Cecilio Lopez Ang Paghahambing
- Page 15 and 16: Jose Villa Panganiban ANG MODERNISA
- Page 17 and 18: Panganiban 3 Ycao paraluman naming
- Page 19 and 20: Panganiban 5 Sa Diccionario tagalog
- Page 21 and 22: Panganiban 7 Ang mga nagsisipag-ara
- Page 23 and 24: Panganiban 9 at pinanggalíngan ay
- Page 25 and 26: Constantino 11 Upang magtagumpay an
- Page 27 and 28: Constantino 13 (1) Ang Pilipino ang
- Page 29 and 30: Constantino 15 ang bagong wikang pa
- Page 31 and 32: Constantino 17 ang problema ay hind
- Page 33 and 34: Constantino 19 dalawang salitang gi
- Page 35 and 36: Constantino 21 Karakteristik ng Bag
- Page 37 and 38: Constantino 23 Argumento para sa Pi
- Page 39 and 40: Constantino 25 Tagumpay ng Wikang P
- Page 41 and 42: Virgilio S. Almario NASYONALISASYON
- Page 43 and 44: Almario 29 Unahin nating balikán a
- Page 45 and 46: Almario 31 Isang malaking gámit ng
- Page 47 and 48: Almario 33 at editor ng teksbuk. Na
- Page 49 and 50: Almario 35 Samantala, dapat pasigla
- Page 51 and 52: Almario 37 Sa katotohanan, ang umii
Isang Sariling

Wikang Filipino

Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino
Isang Sariling Wikang Filipino

Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino

KRISCELL LÁRGO LABÓR

Editor

Pambansang Komisyon

para sa Kultura at mga Sining

Komisyon sa Wikang Filipino

Aklat ng Bayan

Metro Manila

2016
Isang Sariling Wikang Filipino

Mga Babasahín sa Kasaysayan ng Filipino

Karapatang-sipi © 2016 ng introduksiyon ni Kriscell Lárgo Labór, ng mga artikulo nina Dr. Virgilio S.

Almario at Dr. Purificacion G. Delima, ng mga salin nina Minda Blanca Limbo at Kriscell Lárgo Labór.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin

o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Ang disenyo ng aklat at pabalat ay likha ni Kriscell Lárgo Labór.

Ang larawan sa pabalat ay isang sinaunang gintong hikaw mula sa Silangang Bisaya at itinampok sa eksibit

na Philippine Gold: Treasures of Forgotten Kingdoms. Kinuha ang larawan sa http://media.philstar.com/

images/the-philippine-star/lifestyle/arts-and-culture/20150831/Philippine-Gold-Eastern-Visayas.jpg.

Ang Pambansang Aklatan ng Filipinas CIP Data

Rekomendadong lahok:

Isang sariling wikang Filipino : mga babasahin

sa kasaysayan ng Filipino / Kriscell Largo

Labor, editor. – Maynila : Komisyon sa Wikang

Filipino ; Pambansang Komisyon para sa Kultura

at mga Sining, [2016], c2016.

pages ; cm

ISBN 978-971-0197-91-0

1. Filipino language – History. 2. Filipino language

-- Terms and phrases. 2. Filipino language – Grammar.

I. Labor, Kriscell Largo.

499.21109 PL6051 2016 P620160278

Inilathala ng

sa tulong ng grant mula sa

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

2F Gusaling Watson, 1610 Kalye JP Laurel, San Miguel, 1005 Maynila

Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525

komisyonsawikangfilipino@gmail.com • www.kwf.gov.ph

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING

633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, 1002 Maynila

Tel. 527-2192 to 97 • Fax: 527-2191 to 94

info@ncca.gov.ph • www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking

government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The

NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural

heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the

country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part of the national

cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA

administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
v

Isang Introduksiyon

PAGPAPLANONG WIKA SA

PANAHON NG SIGWA

SAKLAW NG KATIPUNANG ito ang ilang pilîng artikulong pangwika ng hulíng

tatlong dekada at may layuning magtanghal ng sitwasyong pangwika ng Filipinas sa

nabanggit na mga panahon. Pinilì ang mga artikulo batay sa ambag nitó sa diskurso ng

pambansang wika, bukod pa sa mula ito sa mga nangungunang tagapagsúlong at kritiko

ng wika. Hinati sa tatlong bahagi ang mga artikulo at isinunod sa tema: (1) teorya; (2)

institusyon; at (3) kalikasán ng wika. Sa teorya, matutunghayan ang mga makrong pagtingin

sa pambansang wika gámit ang konseptong panlingguwistika gaya ng “modernisasyon.”

Hábang ang institusyon ay nagpokus sa gampanin ng dáting Surian ng Wikang Pambansa

(na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino) bílang natatanging ahensiyang pangwika ng

bansa sa pagpapaunlad ng pambansang wika alinsunod sa diwa ng tadhanang pangwika ng

Konstitusyon. Ang kalikasán ng wika ay mga artikulong matalik na nagsuri sa katangian

hindi lámang ng wikang pambansa, kundi maging ang paghahambing nitó sa mga

katutubong wika ng bansa, tungo sa isang lunggating armonisasyon ng mga katutubong

wika at ng wikang pambansa ng Filipinas.

Pangunahing diwa ng mga artikulo ang pagpaplanong wika—isang bagong

konseptong sabay na yumabong sa disiplina ng sosyolingguwistika noong 1960s. Si Einar

Haugen ang isa sa mga unang tumalakay sa konsepto at proseso ng pagpaplanong wika

at pinakahulugan niya itong: “Language change by conscious deliberation.” Sa isang bandá,

nangangahulugan ito ng isang pagpupunyagi ng mga gumagámit ng wika na patnubayan

ang pag-unlad ng wika túngo sa isang pagbabagong angkop sa tradisyon at sa kasalukuyan

at pleksible’t tumutugon din sa mga inaasahang pagbabago sa hinaharap. Ang bagay ding

ito ay nangangahulugang may tagapagsúlong at tagapagpatupad ng pagbabago. May

tradisyon at may pagbabago. May pagpapasiya at may pagtitimbang. May nananaig at may

nawawaglit. Kung kayâ itinatanong sa pagpaplanong wika kung sino ang tagapagbago, ano

ang binabago, bakit at kailan binabago, at paano binabago ang wika.

May mga iskolar na duda sa isinusúlong ng pagpaplanong wika. Batayang tanong

pa rin kung napaplano nga ba ng tao ang wika. Sa kaso ng makapangyarihang mga wika sa

Europa—gaya ng French at German—ang matagal na tradisyon at kasaysayan na diumano
vi

ang nagtakda ng estandardisasyon at modernisasyon ng mga ito. Sang-ayon pa dito,

hindi naman talaga kailangan ang tao upang pumagitna at magtakda sa mga nagaganap

na pagbabago. Isang simplipikasyon ang gayong pagtanaw at nagsasantabi sa dinamika

ng indibidwal na gumagámit ng wika at ng institusyon at lipunang nagpapakahulugan

sa wikang iyon. Ang pagsasantabing ito ang nais na punan ng disiplina ng pagpaplanong

wika. Bukod pa sa katotohanang ang panahon ng 1960s ay panahon ng deskolonisasyon

at pagsílang ng mga bagong estado, ng Cold War, at ng pag-usbong ng tataguriang Third

World o ang mga maliliit na bansang hindi tahasang umalyado sa ideolohiyang isinusúlong

ng First World (Estados Unidos at Kanlurang Europa) at ng Second World (Soviet Union

at China). Ang pangyayaring ito ay magbubunsod ng pagsasarili at pagbuo ng konstitusyon

at identidad ng mga bansang ito—kasáma ang pagdeklara ng kaniláng wikang pambansa

at wikang opisyal. Sa gayon, naging patnubay ng mga estado ang pagpaplanong wika para

sa kaganapan ng kani-kaniláng wikang pambansa at wikang opisyal. Ang diwang ito ang

iimpluwensiya din sa sitwasyong pangwika sa papadevelop na bansang gaya ng Filipinas.

Sa Filipinas, panahon din ito ng mga sigwa para sa wikang pambansa. Sa proseso

ng pagbuo ng tadhanang pangwika ng 1935 Konstitusyon ay nagsagawa ng mga pagdinig

sa publiko at mga pag-aaral ang lupong pangwika ng 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal.

Iminungkahi ng lupon na pagtibayin ng Kumbensiyon ang probisyong pangwika na

magdedeklarang ang wikang pambansa ay ibabatay sa isang katutubong wika. Binuo naman

ang isang National Language Institute (NLI) noong 13 Disyembre 1936 sa pamamagitan

ng Batas Komonwelt Blg. 184. Nagsumite ito pagkaraan ng rekomendasyong ibatay ang

wikang pambansa sa wikang Tagalog. Pinagtibay ni dáting Pangulong Manuel Quezon

ang nabanggit na rekomendasyon sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 134

noong 30 Disyembre 1937. Naging masigla ang pagsúlong ng isang Wikang Pambansa

batay sa Tagalog noong 1940s hanggang 1950s—nailathala ang ortograpiya, gramatika, at

diksiyonaryo para sa wikang ito. Sa bisà ng atas pangkagawaran noong 13 Agosto 1959 ni

Kalihim Jose E. Romero ay tinawag na “Pilipino” ang wikang pambansa.

Gayunman, nayanig ang wikang “Pilipino” nang ihain ni Kongresista Inocencio

Ferrer ng Negros ang isang kaso laban sa pinalalaganap na wika ng NLI at ibá pang ahensiya

ng pamahalaan noong 8 Pebrero 1963 sa Court of First Instance ng Maynila. Ipinawalangbisà

ng Court of First Instance, Korte sa Apelasyon, at Korte Suprema ang kaso subalit

naging pagkakataón ito upang umani ng batikos ang wikang Pilipino sa mga di-Tagalog

dahil hindi ito ganap na kumakatawan sa kanilá.

Nagkaroon ng ibá’t ibáng panukala para lumikha ng isang wika na higit na

kumakatawan sa diwang pambansa—mula sa mga panukalang agad na maipatutupad

hanggang sa pinakaradikal na hakbang. Panahon din ito ng pag-usbong ng mga organisasyong

pangwika gaya ng Modernizing the Language Approach Movement (MOLAM) noong

1968 at Linguistics Society of the Philippines (LSP) noong 1969. Sa pangalan pa lámang

ng mga organisasyon na ito ay mahihinuha nang isinusúlong nilá ang isang lingguwistiko’t

“obhetibong” pagdulog sa usaping pangwika sa bansa kompara sa di-siyentipiko't bataysa-pakiwaring

pagdulog ng Surian. Ang lahat ng ito ay naglundo sa isang “alanganing”
vii

probisyong pangwika pagdatíng ng 1973 Konstitusyon, na unti-unting nagsasantabi sa

wikang “Pilipino” upang bigyang-daan ang isang “Filipino”:

2. The National Assembly shall take steps towards the development and formal

adoption of a common national language to be known as Filipino.

3. Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official languages.

Pagkaraan pa, sa probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon, ganap nang binura

ang “Pilipino” at iniluklok ang isang wikang “Filipino” na payayamanin at pauunlarin batay

sa mga katutubong wika sa Filipinas.

Pagpaplanong Wika at Modernisasyon

Sa lumaking tungkuling pangwika at sa lubhang politikal na kalikasán ng usapin, bumaling

ang mga eksperto sa bansa sa lingguwistika at pagpaplanong wika upang “obhetibong”

lutasin ang mga dambuhalang sigalot. Naging sigaw ng mga iskolar ang “modernisasyon”

at “pagpaplanong wika.” Hinggil sa una—ang modernisasyon—ipinanukala ni Jose Villa

Panganiban ang isang “pagsasaanyong makabago” hábang isang “universal approach” ang

nais ni Dr. Ernesto Constantino. Si Panganiban, na patnugot ng Diksyunaryo-Tesauro Ingles-

Pilipino (1972), ay naghambing ng mga ortograpiya mula noong panahon ng pananakop ng

mga Español hanggang sa 1970s. Dagdag pa, ginawan niya ng pagyuyugto ang wika batay

sa ortograpiya nitó—makaluma hanggang makabago.

Si Constantino, isa sa mga tagapagtatag ng LSP, ay nagpanukala naman ng isang

modernisasyon ng wika batay sa language universals approach. Ang panimulang pormal

na pag-aaral sa language universals ay ginanap sa Conference on Language Universals

sa Gould House, Dobbs Ferry, New York noong 13-15 Abril 1961, at nag-ugat sa mas

maagang kolaborasyon ng kaniláng Social Science Research Council Committee noong

1958-1959. Pinangunahan nina Joseph H. Greenberg, James J. Jenkins, at Charles E.

Osgood ang pagsulat ng isang memorandum na pumapaksa ng unibersalidad sa wika at

magsisilbing batayang teoretiko para sa imbestigasyon ng bagong larang na ito at para sa

pagpaplano na rin sa kumperensiya. Ang ulat naman ng kumperensiya ay isinaaklat bílang

Universals of Language (1961) sa patnugot ni Greenberg. Ayon kay Greenberg, ang language

universals ay “buod ng mga karakteristik o tendensiyang pinagsasaluhan ng lahat ng tao.” Sa

madalîng sabi, ang language universals ay ang pagtuklas sa mga katangiang pare-parehong

matatagpuan sa mga wika. Kaugnay din ito ng paniwalang nagmula sa iisang matanda't

sinaunang wika ang lahat ng umiiral na mga sa mundo ngayon.

Kikilalanin ni Constantino si Dr. Cecilio Lopez bílang unang tagapagsúlong ng

language universals sa Filipinas. Ang language universals na isinusúlong sa Filipinas ay

isang paraang maláy sa pagiging multilingguwal ng bansa, na:

[N]aglalayong dumebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas

batay hindi sa isang wika kundi sa maraming wika. Layunin ng paraang ito na
viii

debelopin ang wikang pambansang ito sa pamamagitan ng paggamit unanguna

sa mga pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga wika at

dayalek ng Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdebelop ng isang wika sa paraang

ito ay isa sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts namin sa UP

tungkol sa pang-ilalim (“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na pagkakapareho at

pagkakaiba ng mga wika at dayalek sa Pilipinas. (Amin ang diin.)

Tatlong dekada pagkaraan, isa pa ring suliranin ang modernisasyon ng wika.

Idadagdag pa dito ni Pambansang Alagad ng Sining at KWF Tagapangulo Virgilio S.

Almario ang tungkulin ng “nasyonalisasyon” ng wikang Filipino na pagpapayaman ng

wikang ito sa pamamagitan ng mga katutubong wika ng Filipinas at sa pagpapatanggap sa

wikang pambansa sa mga pook na di-Tagalog. Ang hulíng aspekto—ang pagpapatanggap—

ay isang aspektong madalas na nawawaglit ng agham ng lingguwistika at siya namang isang

mahalagang tuon ng pagpaplanong wika. Nakapaloob dito ang ideang nagiging lehitimong

wikang pambansa at wikang opisyal ang isang wika kapag kinikilála nga itong gayon ng

taumbayan. At tatlong dekada pagkaraang ideklara ang wikang “Filipino” bílang wikang

pambansa at wikang opisyal ng Filipinas, nananatíling suliranin ang pagtanggap sa wikang

ito.

Hinggil naman sa pagpaplanong wika, na tatalakayin sa ikalawang bahagi ng aklat,

sinuri ang gampanin ng dáting Surian ng Wikang Pambansa (na magiging Komisyon

sa Wikang Filipino sa taóng 1991) bílang tagabuo at tagapagpatupad ng mga planong

pangwika sa bansa. Mahihiwatigan sa mga artikulo nina Atty. Ponciano BP Pineda, Dr.

Bonifacio Sibayan, at Dr. Andrew Gonzalez ang suliraning institusyonal ng SWP bílang

tagapagpatupad ng mga programang pangwika sa Filipinas. Nagkakasundo ang lahat na

kailangang pangunahan ng SWP ang pagpapatupad at pagsubaybay sa kultibasyon ng

isang wikang panlahat at ang pagsulat ng mga aklat sa bawat larang ng karunungan sa

lahat ng antas ng edukasyon. Gayunman, nagkakaisa din ang lahat na hindi ito ganap na

nagagampanan ng SWP hindi lámang dahil sa suliranin sa pondo at moralidad (“hindi

binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng ganap na suportang moral at

pagganyak na kailangan nitó. Sa maraming pagkakataón, ang natatanggap nitó ay insulto

at kabiguan sanhi ng makasariling motibo, kamangmangan, at balighong hálagáhan at

prehuwisyo”) kundi maging ang pagdududa sa estadong legal nitó dahil sa nagbago ding

probisyong pangwika ng Konstitusyon pagdatíng ng 1987.

Sa bandáng dulo ng ikalawang yugto, muling ididiin ni Almario ang tungkulin ng

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa gitna ng suliraning moral at legal ng ahensiya dulot

ng mga kapabayaan ng mga pinunò nitó sa hulíng dalawang dekada. Hinimay ang mga

programa at proyekto ng KWF mula 2013 hanggang 2015 na mahigpit na pinapatnubayan

ng isang malinaw na bisyon, misyon, at plano para sa wika. Sa pamamagitan ng artikulong

ito ay matutunghayan ang halaga ng pagpaplanong wika. Dumaratíng ang panahong

yayanigin at paguguhuin ang mga naitatag na kaayusan ng isang wika. At ang pagyanig at

pagguhong ito ay lumalampas sa hanggahan ng wika—kung hindi matutugunan, magiging

banta ito sa lehitimidad ng Estadong kinakatawan ng wikang ito at magiging panganib sa

soberaniyang pambansa.
ix

Kalikasán ng mga Wika sa Filipinas

Kung ang usapin ng pagpapatupad ng mga planong pangwika ay tíla naburo dahil sa

kalikasán nitóng lubhang politikal (gaya ng inilarawang gampanin ng SWP), masigla

namang naisúlong ang diskurso sa pagbuo at pagpapatanggap ng isang wikang pambansa

batay sa mga pinaghalong wika sa Filipinas dahil sa mga saliksik panlingguwistika na

naghambing sa mga katutubong wika at sa noon ay wikang Pilipino. Ilan sa mga saliksik na

ito ang nakasáma sa aklat na ito gaya ng mga artikulo nina Dr. Cecilio Lopez, Dr. Alfonso

O. Santiago, Fermina G. Gatal, Vito C. Santos, at Dr. Purificacion G. Delima.

Sa kaniyang paghahambing ng mga pangunahing katutubong wika sa bansa, nakíta

ni Lopez na magkakapareho ang mga ito (alalahanin ang isinusúlong ng language universals

approach na tinalakay sa unahan):

May mga salitâng ang mga tunog at kahulugan ay magkatulad na magkatulad,

mayroon namang nagkakaibá nang bahagya ang mga tunog ngunit ang

kahulugan ay magkatulad rin o naiibá kayâ nang bahagya, at mayroong

nagkakaibá ang mga tunog at kahulugan. At kung hindi rin lámang namagitan

ang ibáng impluwensiya, gaya ng mga salitâng hiram, tabu, o analohiya kayâ,

ang mga salitâng pinaghahambing ay itinuturing na kognet at ang pinagmulang

anyong proto ng mga ito’y maaaring balangkasin. (Amin ang pagsasaayos ng

ortograpiya upang madalîng mabása sa siping ito.)

Gayong lagom din ang mga inihain nina Santiago, Gatal, at Santos sa kani-kaniláng

artikulo. Dahil may impit ang karamihan sa mga katutubong wika ng Filipinas, iminungkahi

ni Santiago na maituro ang katangiang ito sa wikang pambansa at maiugnay sa mga

katutubong wika upang mabisàng matutuhan ang wikang pambansa bílang pangalawang

wika. Para din kina Santiago at Gatal, mahalagang maging sensitibo ang guro sa katutubong

wika ng pook (“Lalong magiging mabisà ang pagtuturo ng Plipino kung isaalang-alang ng

guro ng unang wika o wikang kinagisnan ng mga mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing

pagtuturo ay batay sa kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika—wika ng

pook at ng Pilipino”).

Ipinaaalala naman ni Santos ang pagtingin sa mga panlapi upang higit na

maunawaan ang isang wika—sa kaso ng kaniyang artikulo ay ang panlapi ng wikang

Tagalog (“[P]inagsikapan naming maipakilála na sa Tagalog ay mayroon táyong mga patay

at buháy na gitlaping hindi pa nangakilála, na kung muling bubuhayin at gagamítin, ay

malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika”). Isang magandang paalala ito sa

pagpupunyagi para sa isang komprehensibong saliksik at paghahambing sa mga panlaping

ginagámit sa ibá’t ibáng katutubong wika sa Filipinas túngo sa pagbubuo ng isang funsiyonal

na Gramatikang Filipino.

Tatlong dekada pagkaraan, katulad na paliwanag din ang ilalatag ni Delima sa

pag-aaral ng paggámit ng Filipino sa sampung lungsod na highly-urbanized at tinaguriang

linguistically diversed dahil “may mataas na pagkakaibá-ibá ang kultura.” Nakítang ang
x

Filipino bílang Ikalawang Wika at lingua franca, ay pinayayaman na ng ibá pang katutubong

wika sa bansa. Ang Filipino ay nagtataglay na ng mga katangian ng mga wikang di-Tagalog.

Umalpas na ang Filipino sa sumpa ng purismo. Salamin din ang pag-aaral sa nagbagong

aktitud at pananaw pangwika ng KWF na bukás at yumayakap sa mga ambag ng ibá’t ibáng

wikang katutubo sa bansa.

Ilang Talâ sa Editing

Sa pangkalahatan, isinunod ang mga artikulo sa ipinatutupad na Ortograpiyang Pambansa

(2013) ng KWF, maliban sa mga artikulo nina Ernesto Constantino at Cecilio Lopez.

Sa “Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas,” hindi binago ang pagbaybay

ni Lopez, na tinawag niyang “transkripsiyong ponemika” upang mapanatíli ang diwa ng

eksperimentong ortograpiko na isinagawa ng isa sa mga tagapagtatag ng lingguwistika

sa bansa. Ang transkripsiyong ponetiko ay isang biswal na representasyon ng tunog ng

pagsasalitâ. Karaniwang uri ng transkripsiyong ponetiko ay gumagámit ng alpabetong

ponetiko gaya sa International Phonetic Alphabet (IPA). Sinasabing ang transkripsiyong

ponetiko ay tumutugon sa pagkakaibá-ibá ng mga ortograpiya sa mundo at isang paraan ng

estandardisadong pagdulog sa pagrerekord ng bigkas ng mga salitâ sa buong mundo.

Gayunman, may problema din sa ipinapangakong estandardisasyon ng IPA.

Pangunahing halimbawa ang representasyon ng impit na tunog o glottal stop. Sa kaso ni

Lopez, ginamítan niya ito ng letrang q at itinuturing na konsonante o katinig (alalahaning

ang letrang q ay wala pa sa ipinatutupad na abakada noong panahon ni Lopez kayâ

maaaring hindi niya ito itinuring na sagwil o makalilito sa alpabeto). Hindi susundan ng

mga lingguwistikong gaya nina Santiago at Gatal ang letrang q at sa halip ay gumámit silá

ng apostrope (’) bílang simbolo ng impit. Sa kabilâng bandá, ibá-ibá ang representasyong

ponetiko ng impit sa mga wika sa mundo. Karaniwan ang apostrope at ang karakter na ʔ ng

(א) IPA. Minsan ito ay baligtad na apostrope (‘), doble apostrope (“), letrang k, letrang aleph

ng Hebrew, at letrang palochka (Ӏ) sa mga wikang Caucasian.

Mababása sa pasubali ni Lopez ang gabay sa pagbása ng kaniyang ipinatupad na

ortograpiya. Narito naman ang bersiyon ng isinaayos na ortograpiya ng kaniyang pasubali:

Sa pag-aaral na ito’y gumámit ako ng pagbabago sa pagsulat na naiibá sa

pinagkaugalian; ang mga ito’y maaaring maging paksain ng isang pagpapalitangkuro.

Mga halimbawa. Ang manga at nang ay isinulat ko nang buo; ang y

(pinaikling ay) at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit ng sinusundang salita,

gaya baga ng nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay siyá kong ipinalit sa

tuldik na paiwa sapagkat ang glottal stop ay isang K at hindi isang uri ng diin.

Ginamit ko ang q sa hulihán lámang ng salitâ at hindi sa unahán o kalagitnaan

nitó maliban kung kapalit ng pinagkaugaliang gitling, halimbawa sa pagsulat

nang salitâng may unlaping nagtatapos sa –g at sinusundan ng salitâng-ugat

na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa inuulit o magkatambal na salitâ ay hindi ko
xi

ginámit ang q. Ngunit sa mga salitâng pinaghahambing dito, sa ponolohiya…

ginámit ko ang q sa unahán, kalagitnaan, at hulihán sapagkat sa mga salitâng

ito’y pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog sa ibá’t ibáng wika, at ang q ay

dapat isaalang-alang na gaya din ng ibáng K. Hindi ako gumámit ng tuldik (na

maaaring pagmulan ng mga kamalian sa paglilimbag). Ginámit ko ang tutuldok

(:) sa mga pantig na may likás na haba ang bigkas gayundin sa mga unlaping

may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang hidwang pakahulugan…

bagama’t itoy hindi ko sinunod sa inuulit na pantig sa pangkasalukuyan at

panghinaharap na panahon ng mga pandiwa. (Amin ang pagsasaayos ng

ortograpiya.)

Hindi ganap na sinunod ni Constantino ang transkripsiyong ponetiko ni Lopez,

kahit pa kapuwa mga pangunahing tagapagsúlong ng lingguwistika ang dalawa. Tanging

nasunod ang pagkakabit ng y (pinaikling ay) at pagkakabit ng t (pinaikling at) sa sinusundang

salitâ, halimbawa “hanggat,” “kayat.”

Hindi naman binago ang mga isinagawang reispeling ni Constantino sa kaniyang

mga artikulo, halimbawa “madiskas,” “mag-adap,” “present,” “ipropos,” “prestijus,” “palisi,” at

ibá pa. Ang reispeling ng mga salitâng Ingles tungo sa palabaybayang Filipino ay naging

tugon ni Constantino sa purismo ng wikang Pilipino na pilit diumanong tinatakdaan ng

katumbas sa Tagalog ang mga salitâng banyaga.

Pinanatíli ang tawag na “Pilipino” para sa wika sa mga artikulong nabibílang sa

isang panahong “Pilipino” pa ang itinatadhanang wikang pambansa ng Konstitusyon

(1960s hanggang 1985). Makikíta namang “Filipino” na ito sa artikulong isinulat sa

panahon ng 1987 hanggang sa kasalukuyan upang itugma ito sa tadhanang pangwika ng

1987 Konstitusyon na kumikilála sa isang “Filipino” bílang wikang pambansa.

KRISCELL LÁRGO LABÓR
NILALAMAN

I

Jose Villa Panganiban

Ang Modernisasyon ng Isang Wika

Ernesto Constantino

Ang Hinaharap ng Wikang Pilipino

Ernesto Constantino

Ang Pilipino bilang Wikang Panturo

Ernesto Constantino

Ang “Universal Approach” at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

Virgilio S. Almario, National Artist

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

1

10

12

14

27

II

Ponciano B.P. Pineda

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

Ponciano B.P. Pineda

Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsúlong

Bonifacio P. Sibayan

Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino

Andrew B. Gonzalez

Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng

Wikang Pambansa

Virgilio S. Almario, National Artist

Mga Misyon para sa Komisyon sa Wikang Filipino

39

46

64

69

76
III

Cecilio Lopez

Ang Paghahambing nang manga wikaq sa Pilipinas

Alfonso O. Santiago

Ang Tunog Glottal sa Pilipino (At sa Ibáng Pangunahing

Wika sa Filipinas)

Alfonso O. Santiago

Ang Paghahambing sa Dalawang Wika

Fermina G. Gatal

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental

ng Pilipino at Ibanag

Vito C. Santos

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay sa Tagalog

Purificacion G. Delima

Ang Gramatikang Filipino

82

91

96

102

111

119
Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon”

(cultivation) ng Filipino bílang kambal

at magkaagapay na gampanin ng

nasyonalisasyon at ng modernisasyon/

1intelektuwalisasyon
Jose Villa Panganiban

ANG MODERNISASYON NG ISANG WIKA

DAHIL SA NOONG taóng 1967 ang mga bansang Asiano ay nagkatipon sa Kuala

Lumpur upang ipagdiwang ang “Taón ng Wikang Pambansang Melayu,” at sa pagtitipong

ito, ang pinag-usapan ay ang suliranin ng “modernisasyon” ng mga wikang pambansa sa

Silangang Asia, ang pag-aaral-suring ito ay ginanap upang maiambag sa kalipunan ng mga

kuro-kuro hinggil sa paksa. Iyan ang unang layunin ng papel na ito.

Ang ikalawang layunin ay ang hanapin ang kahulugan ng “modernisasyon ng

isang wika” at sa papaanong paraan mabisàng mailalapat ito sa sariling suliranin sa wikang

Pilipino. Kayâ nais alamin dito kung ano ang mga bagay na “moderno” na magagámit sa

“modernisasyon” sa tunay at tapat na kahulugan at paglalapat ng salitâ at gawa sa kapakanan

ng wikang Pilipino.

Ano ang Modernisasyon?

Ayon sa Merriam-Webster, ang salitâng Ingles na “modern” ay: “of a language belonging to the

present or most recent period of its development as contrasted with earlier period.”

Samakatwid, ang wikang moderno ay nása kalagayang kasalukuyan ng nasabing

wika na naiibá sa kalagayan ng nakaraan.

Ang salitâng Ingles na “modernization” kung hinggil sa wika, ay pinakahuluganang:

“act or process of conforming to modern modes of thinking or acting.”

At ang itinalagang kahulugan ng Ingles na “modernize” ay: “to cause to conform to

recent or present usage or taste; as, to modernizing a text, ie., to substitute modern forms for them.”

Ang modernisasyon ng isang wika, samakatwid, ay pagpaalinsunod ng pagsulat sa

makabagong baybay at pahayag ng anyong makaluma, laon, lipás, o laos.
2

Ang Modernisasyon ng Isang Wika

Kailangang Kaalaman

Kung ang modernisasyon ay ilalapat sa sarili, ito’y pagpapakamakabago. Kung ilalapat

naman sa mga bagay, gaya sa kasangkapan o wika, ito’y pagsasaanyong makabago—hindi

pagbabago. Ang ibig sabihi’y mayroon táyong alam sa anyong luma o makaluma at may

alam din táyong anyong bago o makabago. Itong hulí ay siyáng ipapalit sa una. Ngunit

alaming anyo ang palitan, hindi wika.

Ano-ano ang mga anyong pangwika na dapat isaalang-alang sa modernisasyon?

Kung pasalitâ, (1) tunog ng bigkas, (2) hagkis ng pantig, (3) pagbubuo ng mga salitâ, (4)

pagsasáma-sáma ng mga salitâ sa isang pangkat o parirala ayon sa daláng kahulugan, (5)

pagbabalarila sa impluho ng panahon, (6) wikaan o idiyoma, (7) paggámit ng tayutay o

pigura. Kung pasulat, (1) palabaybayang tumutugon sa tunog ng pasalitâ, (2) kayarian ng

pangungusap na higit na makabalarila kaysa pasalitâ, (3) anyo ng manuskrito na nakikibagay

sa pandaigdig.

Bago táyong maglapat ng modernisasyon ng wika, kailangang linawin natin sa isip

at unawa kung anong anyo ang luma (o laon, lipás, laos), at kung ano ang tiyak na moderno

o makabago sa mga anyong pangwika. Dapat táyong mag-ukol ng pansin, samakatwid, sa

“matanda, sinauna, o makalumang Tagalog,” sa “makabagong Tagalog,” at sa “makabagong

Wikang Pilipino.” Mayroon kayâng makalumang Wikang Pilipino? Ang modernisasyon ay

magiging paglalapat ng Makabagong Wikang Pilipino sa Makalumang Wikang Tagalog.

Kayâ, ilang tanong ang ninanais atuhing masagot sa pagsusuring ito:

1. Ano ang anyong makaluma ng Tagalog?

2. Ano ang anyong makabago ng Tagalog?

3. Ano anyong makabago ng Wikang Pilipino?

4. Ang modernisasyon ba ay nakapagpapabago sa buong wika o sa isang

bahagi lámang ng wika?

5. Ano ang kaugnayan ng buong aghamwika o lingguwistika sa modernisasyon?

6. Ano ang kaugnayan ng panghihiram ng salitâ sa banyaga sa modernisasyon

ng wika?

Makalumang Wikang Tagalog

Si Pedro Suarez Ossorio, taga-Ermita, Maynila, ay sumulat ng isang tulang nalathala noong

1617:

Salamat nang walang hoyang

Sa iyo Dios con maalam

Nitong iyong awang mahal

sa aming catagalogan.
Panganiban

3

Ycao paraluman naming

ang sucat nga naming sondin

hanggang di cami domating

sa lalawigang mahimbing

Ang susunod na nabalitang tula ay ang petsang 1708, isinulat ni Felipe Miguel

Bulakan:

Ybong camunti sa pugad

sa inang inaalagad

ay dili macalipad

hanggan sa di magcapacpac.

Loob ninyong masilacbo

parang ningas alipato

sa alapaap ang tongo

ay bago hamac na abo

Sa mga dákong 1750, ang paring Agustinong Francisco Bencuchillo (1710–1776)

ay naglathala ng aklat na Arte poetico tagalo. Dalawa ang pinilì naming maikling tula:

a. Yaong loclocang Masaya

walang catapusa’t hanga

sa langit natatalaga

dimasapit nang sala

b. Pagsisisi ang yacapin

ca awaang gaoa,i, gaouin

luha sa lupa,i, ytanim

nang sa langit mo anihin.

Mula sa Urbana at Feliza, edisyon ng 1854, ni P. Modesto de Castro, isang halimbawa

ay ang sumusunod:

At sa quinacamtang cong towa ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita

ng alio, uupo sa isang pilapil, na nood ng caniyang halaman, at sa caniyang

palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin at sa bungang hinog anaqui

butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita ng saya.

Noon namang 1860, sa Vocabulario de la lengua tagala nina Noceda at Sanlucar, isang

bugtong ang aming napansin sa ilalim ng kahulugan ng “bitoin” (ngayo’y bituin):

Nang matacpa,i, naquita

nang mabucsa,i, wala na.

Sa Claus (1871, tomo iv), aklat ng mga sermon sa Tagalog ni P. Benito Rivas OP, ay

may mga ganitong pahayag:
4

Ang Modernisasyon ng Isang Wika

[U]ngmacyat sa pulpito’t, sungmermon nang ocol sa naguing buhay nang

gayong patay. Manga capatir con cristiano, aniya, ang ibang manga tauo,i,

nabubuhay dito sa mundo na parang cabayo, na samantalang nabubuhay

pinaquiquinabangan sila, at cun mamatay ay wala nang cabolohan.

Sa liham ni Rizal sa mga dalaga ng Malolos noong 1889 ay ginámit na niya ang K

at W at maraming ibang pagsasaayos sa dáting panulatang Tagalog. Samakatwid, si Rizal

at mga kasáma ay nagdala sa Tagalog ng maaari nating masabing “modernisasyon” noong

kaniláng panahon. Ang ilang halimbawa ay:

diyan na dáting “dian”

akin na dáting “aquin”

ngayo’y iba na dáting “ngayo,i, iba”

ilaw na dáting “ilao”

Subalit may mga baybay siyáng inibá naman ngayon sa ating panahon (1968):

ala-ala na ngayo’y alaala

kalulua, kapua, luag, kuintas, tua na ngayo’y kaluluwa, kapuwa, luwag,

kuwintas, tuwa

ñg na dati’y nang at ngayo’y ng

nagdidiosdiosan na ngayo’y nagdidiyos-diyosan

Ang Diccionario hispano-tagalog (1889) ni Serrano Laktaw, kapanahon ni Rizal, ay

mayroon na ring K at W, at G, ngunit “monja” at “fraile” ang napansin namin, hindi gaya

ngayong “mongha” at “prayle” kung sulátin; sakâ, “nang” pa rin ang gámit sa halip na “ng” sa

kasalukuyan, gaya rin ng “manga tawo,” sa halip ng “mga tao” ng ating panahon.

Sa manuskrito ng sarsuwelang Lukso ng Dugo (1904) ni Severino Reyes, ang

napansing ibáng baybay kaysa kasalukuyan ay:

zarzuela

buan ng Juliocomusta

ka

Sa aklat ng Balarilang Tagalog (1911) ni Mamerto Paglinawan, ang katuturang

ibinigay sa “paglalakip” (na sintaksis daw, ani Paglinawan) ay: “bahagi ng balarila na

nagtuturo ng halaga at tungkulin ng mga pangungusap.”

Ang pananagalog ni Paglinawan ay katularing malapit ng kasalukuyan, ngunit

marami siyáng salitâng naging ibá na ang baybay sa kasalukuyan, gaya ng :

dalawangpu, labinglima, pangdiwa, pangturing

tinging, pangtinig, pangukol, komisionad

Nobiembre, Disiembre, siudad, kuaderno, kueba, Huebes, atbp.
Panganiban

5

Sa Diccionario tagalog-hispano (1914) ni Serrano Laktaw, ang “bitoin” ng Noceda-

Sanlucar ay naging “bitowin,” na sa kasalukuyan ay “bituin.” Sa pag-uulit ni Serrano Laktaw

ang anyo (1914) ay katulad ng sa ngayon 1968:

Nang matakpa’y nakita,

Nang mabuksa’y wala na.

Subalit may mga baybay na hindi pa rin kaayon ng kasalukuyan gaya ng makikíta sa

sumusunod na halimbawa:

lamang loob sa tian ng hayop

ang tawo kung magwiwika

Ang panahong nasasaklaw ng impluho ng diksiyonaryo ni Serrano Laktaw

ay umaabot hanggang sa panahon ng pagsapit ng kilusan sa pagtatatag, pagbubuo, at

pagpapalaganap ng wikang pambansang Pilipino (sirka 1938). Maaari nating sabihing

ang buong panahon ng nakaraan ng wikang Tagalog, na siyáng makalumang Tagalog, ay

nagtatapos sa mga dákong 1940, na taón ng unang pagtuturo ng Wikang Pambansa na

batay saTagalog sa mga paaralan.

Pansiníng ang wikang Tagalog ay unang nakítang may tula sa sulat-Romano noong

1697 sa sinulat ni Suarez Ossorio, ngunit ang pamamaraan ng pagsulat at ang pananagalog

ay di-halata sa anumang pagbabago kay Felipe de Jesus noong 1708, kahit halos isang

dantaon ang pagitan.

Ang halimbawa ng sirka 1750 ay may gámit na “catapusa,t,” “gaoa,i,” at “salupa,i.”

Nakikíta pa rin ito sa mga halimbawa ng 1860. Ang panimulang “y” (“ytanim”) ng panahon

ni Bencuchillo ay nanatíli hanggang sa panahon nina Rizal at Serrano Laktaw (sirka

1880) na ang “y” ay ginawang “i” sa “tanim.” Samakatwid, noon pa ma’y nangyayari na ang

modernisasyon, at ang modernisasyon ay kaunlaran, hindi paurong.

Ang mga unang taón ng pananakop ng mga Americano ay nagpasok ng maraming

pagbabago sa baybay, sa kabalarilaan, sa pilì ng salitâ, sa ikli ng pagpapahayag, sa pagtulad

sa estilong Americano sa Ingles, atbp. Ang mga ito’y nangyari sa impluho ng pag-aaral

na ginawa at pagkakaisang tinupad ng mga manunulat na kasapi ng Aklatang Bayan,

Akademyang Tagalog, at Ilaw at Panitik. Maraming dula (sarsuwela at drama), maraming

nobela, di-mabílang na mga tula ang kinatha, napalathala at isinaaklat nang panahong ito,

hanggang sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Makabagong Pananagalog

Ang tunay na maikli, ngunit malinaw na katuturan ng pagkamakabago o modernismo ay

kung ano ang naabot na katangian ng kasalukuyan, at ang kasalukuyang ito ay laging bunga
6

Ang Modernisasyon ng Isang Wika

ng nakaraan. Ang anumang panukalang repormang hindi kaugnay at karugtong ng dinanas

na nakaraan o hindi kauri sa dugtungan ng nakaraan at ng ngayon ay madalîng maparam.

Ang makabagong anyo ng wikang Tagalog sa sapit ng hinog na panahon ng pagunlad,

na sinusundan ng ating kasalukuyang panahon, ay siyáng anyong makabago ng wikang

Tagalog. Ang kalagayang yaon ay inabutan ng pambansang palatuntunan sa pagbubuo at

pagpapalaganap ng Wikang Pambansa ng Republika. Ang makabagong pananagalog na

nagsimula noong sirka 1940 ay siyá pa ring makabagong pananagalog ngayon, sapagkat

ang karamihan sa mga manunulat sa Tagalog ay bihasa at sanay sa kalagayan ng wikang

Tagalog na wala sa tiyak at tahasang impluho ng balarilang itinuro sa mga paaralan. Iilan sa

mga manunulat na may gulang na sa kasalukuyan ang nagpakaabalang mag-aral ng balarila.

Marami ang nanatíli sa dáting alam sa wika sa pagpapatuloy nilá sa panunulat, na may

kaunting pagbabagong pang-ibabaw lámang.

Dapat isaloob ng mag-aaral ng wika na ang kaalaman ng kung anumang

makabagong pananagalog ay hindi nangangahulugang nagpapawi at lumilimot sa dáting

pananagalog. Manapa’y isiping mabuti ang maláman ang bagong pananagalog upang

makilála at maunawaan ang dati at matandang paraan ng pagpapahayag. Itong hulí ay

bahagi ng kasaysayan ng kultura ng bansa. Tandaang ang pagtanggi sa katotohanan ng

kahapon ay pagwawalang-kasaysayan ng ngayon.

Makabagong Pilipino

Kung tunay na ang kasalukuyan ay siyáng modernisadong anyo ng isang bagay, lalo na ng

isang wika, ang larawan ng makabagong Pilipino ay hindi mapapagkamalan.

Bagama’t nang unang itinuro ang Wikang Pambansang Pilipino noong 1940 ay

hindi pa ito tinawag na Pilipino, kung hindi batay lámang sa Tagalog, ang makabagong

Pilipino ngayong 1968 ay masasabing bunga ng disiplina at kabihasnang inalagaan ng mga

pamamaraan ng pagtuturo ng Wikang Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralan ng

bansa. Ang disiplina ay humantong muna sa pamamagitan ng maraming pagsasanay sa

pagpapahayag at pagsulat sa buong bansa, na saklaw ang lahat ng mga mag-aaral. Tagalog

man o di-Tagalog. Sabihan pa, sa mga unang salpok ng pagtuturo, ang mga mag-aaral at

guro ay nagdanas ng maraming balakid. Ngunit sa pamamagitan ng tiyaga at aral, ang mga

balakid ay unti-unting nahawi, kung hindi man lahat.

Ano ang kaibhan ng makabagong Tagalog at ng makabagong Pilipino? Ang

nasasapit na matayog na pamantayang kasalukuyan ng mga manunulat sa Tagalog na hindi

nag-aaral ni nagsasanay sa impluho ng balarilang 1940 ngunit nagpatuloy sa pag-akda na

ang ginámit ay sentido komun sa pagpapasiyá kung ano ang mabuti at naaayon sa mabuting

pananagalog—iyan ang makabagong Tagalog. Ang makabagong Pilipino, kung batay man

sa Tagalog, ay disiplinado sa anyo, sapagkat pinag-aralan at pinagsanayan ng angaw-angaw

na kabataang dumadami taon-taon mula pa noong 1940.
Panganiban

7

Ang mga nagsisipag-aral na ito ay nagdaos ng mga timpalak bigkasan at timpalak

panitikan kung ilang beses sa isang taóng pampaaralan. Ang mga ito ay nagsisipagsanay

sa pagpapahayag araw-araw sa kaniláng mga klase, pasalitâ o pasulat, sa patnubay ng guro.

Marami sa mga ito ang magaling na sa ngayo’t maayos nang bumigkas, bihasa nang magbuo

ng mga pangungusap na pasalitâ, marunong na at nagkakasining na sa pagkatha ng mga

sanaysay, kuwento, lathalain, at tula. Ang mga ito ay siyáng nagdadala ng makabagong

Pilipino, sapagkat ang mga ugaliin nilá sa pagpapahayag na lumalaganap sa bansa ay siyáng

magiging pamantayang pambansa.

Taón-taón, ang mga guro ng Wikang Pilipino ay nagdaraos ng mga seminar

panlokal, pandibisyon, at pangnasyon, sa mga palitang-kuro at napapagkasunduan sa mga

pagtitipong ito ay bago at bagong pamamaraan ng pagtuturo ang nagiging bunga—mga

pamamaraang may tatak ng impluho ng mga simulain ng ibá’t ibáng sangay at pananaw ng

aghamwikang nililinang sa Europa at America. Lumalabas na ang nagtitining na pahayag

ng pag-unlad ay ang simplipikasyon at pagkamabisà sa pananalitâ.

Sa pamamagitan ng mga libo-libong klase sa Pilipino sa mga paaralan ng bansa,

sa libo-libo ring mga guro, sa daan-daan libong mag-aaral na tumatanggap ng halos

unipormeng pagtuturo sa buong bansa, ang pamantayan at uri ng makabagong Pilipino

ay iisa sa lahat, ang paghakbang na paunlad ng lahat ay sabay-sabay. Ang mga mag-aaral,

anumang rehiyon ang kabilangan, ay may iisa at parehong pagkakataóng magpakabuti,

magpakagaling, magpakadalubhasa, at magpakatayog sa iisang pamantayan ng sining at

agham ng wika.

Kung may mga “repormista” mang lumitaw, ang kaniláng panukalang reporma

ay maaring makaimpluho o di-makaimpluho ayon sa lohika ng kaurian ng reporma na

kaagos ng pag-unlad ng wika sa simplipikasyon at pagkamabisà, sa linaw, bigat, at ganda ng

pagpapahayag. Ang kauri at kayari ay madalîng tangayin ng agos. Ang hindi kauri ni kayari

ay parang mga batong nililigiran ng agos na patuloy din, kung nabalam man nang kaunti sa

pag-agos.

Bagama’t may nibel na mataas at mababà sa lahat ng wika, ang ipinalalagay na

marapat ituro sa mga paaralan ay ang mataas, matayog, maayos, mahusay, at binuli. Ang

uring ito ng wikang Pilipino ay maaaring ilarawan sa mga sumusunod na pagtitiyak:

1. Ang pinakamakatwiran, organisado, at sistematiko sa mga alituntunin at

tuntuning hindi naman nakapipigil sa maluwag at magaang pag-unlad ng

wika sa buong bansa.

2. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa katupangkat

ng mga táong sadyang nag-aaral at nagpakadalubhasa sa nasabing wika sa

mga paaralan o sa sariling pagsasanay at pananaliksik.

3. Ang anyo ng wikang Pilipino na malinaw at mabisàng tumutugon sa ugaling

pambansa at pandaigdig sa pagpapahayag.

4. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa katutubong

katangian ng kasarinlan ng wika.
8

Ang Modernisasyon ng Isang Wika

5. Ang anyo ng wikang Pilipino na sasakyang-pahayag ng mga dinadakila at

kinikilálang akdang pampanitikan ng mga pangunahing manunulat ng

bansa at ng mga makikinis na akdang pang-agham ng mga pangunahing

dalub-agham ng bansa.

6. Ang anyo ng wikang Pilipino na maaaring maipíling at maihanay na kapuripuri,

hakot-dangal, at hakot-paghanga sa mga kinikilálang pangunahing

wika ng daigdig.

7. Ang anyo ng wikang Pilipino na bunga ng masinop, masusi, maingat,

mapagyayaman, at maagham na pangangalaga at paglilinang ng mga guro,

ng mga pantaswika, at ng mga makata’t manunulat ng bansa.

8. Ang anyo ng wikang Pilipino na nagpapanatíli sa katangiang pagka-Pilipino,

maging sa panghihiram ng mga salitâ at parirala, pati sa mga paglikha ng

mga kinakailangang talakay.

Impluho ng Aghamwika

Napasok ang aghamwikang gáling sa America dito sa atin upang matuklasan ang mabisàng

pagtuturo ng Ingles bílang “pangalawang wika” ng mga Pilipino. Ang mga aklat sa

aghamwika ay pawang ukol, hinggil, at tumutumbok sa pagtututro ng Ingles. Dahil dito,

inisip ng mga nagmamalasakit sa Pilipino na gamítin din ang mga simulain at tuntunin ng

pagtuturo ng “pangalawang wika” sa pagtuturo ng Pilipino sa mga di- Tagalog.

Malinaw na napapansin na sa mga pagtuturo ng Ingles bílang pangalawang wika

ay kakaunti pa hanggang ngayon ang tunay na nakakaunawang lubos sa mga pasikot-sikot

ng bagong pamamaraang ito. At hindi pa rin maaaring masabing may nakasulat na nang

buong kasiyahan sa bisà ng pagkaturo ng ilang gurong ito.

At wala pa ring nakapagbibigay-ulat na malinaw hinggil sa pagtuturo ng Pilipino

sa mga di-Tagalog sa pamamagitan ng pamamaraan ng pangalawang wika, na siyáng unang

iniisip kapag sinasabing ilalapat ang simulain ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino.

Ang nagiging mabisàng impluho ng aghamwika sa pagtuturo ng Pilipino, hindi sa

pag-unlad ng wikang Pilipino, ay ang pagbabaling ng paningin ng mga guro at dalubwika

sa maagham na pagtuturo at sa lalong tapat at mahusay na paglalarawan sa kalagayan

ng wikang Pilipino, ayon sa katutubong katangian ng sariling konsistensiya at ayon sa

impluhong semantika mula sa labas. Ang bunga nitó’y hindi mapapansin nang biglaan,

sapagkat ang alinmang wika’y hindi biglaan, o agad-agaran kung umunlad, lumawak, at

malinang. Karaniwang nahahalata ang impluho ng kabihasnan ng isang salinlahi kapag

ito’y malápit nang magwakas at hinuhugpungan na ng mga makabagong pananaw ng

sumusunod na salinlahi na karaniwang sanib-sanib at sagu-sagunson.

Anuman ang sabihin, ang kasalukuyang kalagayan ng isang wika ay duluhan ng

sariling kalagayan na nagsimula ng pagkabuhay na mahabang panahon. Sa ibáng salitâ,

ang lahat ng wika ay may pinagmulan, may pinanggalíngan. Ang katangian ng pinagmulan
Panganiban

9

at pinanggalíngan ay mananatíling katutubo at tampok na katangian sa kasalukuyang

kalagayan, kahit ilang libong taón at patong-patong nang salinlahi ang nagbaón sa pamulaan.

Samakatwid, kung Kawi noong araw, na naghiwalay sa Indones at Malay, at itong hulí ay

nangalat sa Filipinas, na Tagalog ang kapatid ng mga binisaya, binikol, inilokano, atbp, ang

Pilipinong batay sa Tagalog ngayon ay dili ang hindi magtataglay ng katangian ng Kawi,

Malay, Tagalog, atbp, na katutubo sa sariling kasaysayan ng pagkalinang bílang wika.

Ano Ngayon ang Modernisasyon?

Ang lahat ng kasalukuyang kalagayan ng wika ay modernisasyon ng nakaraan. Ang Pilipino

ng 1968 ay modernisasyon ng Pilipino ng 1967 kung isang taunan ang pagsusuri. Ang

Pilipino ng salinlahi ngayon (ng mga hindi pa umabot sa 25 taóng gulang) ay modernisasyon

ng wikang Pilipinong alam ng mga táong mahigit kaysa 25 taóng gulang, at mga táong

lampas sa 50 taóng gulang.

Ang ibig sabihin nitó’y nangyayari ang modernisasyon ng alinmang wika, gustuhin

man o hindi at hindi ginagawa, bagama’t ang gawaing pagmomodernisa ay maaaring

makatulong na makapagpabilis sa panahon ng pagsapit ng modernisasyon. Maaaring

gumanap ang isang presentadong modernisador, ngunit ang katutubong hakbang ding

bagay sa katangian ng bansa ang masusunod, sa anumang pangyayari.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Jose Villa Panganiban sa Ang Supling, blg 1, 1970.
Ernesto Constantino

ANG HINAHARAP NG WIKANG PILIPINO

ANG WIKANG PAMBANSA ng Pilipinas, na tinatawag din ngayong Pilipino, ay

nagmula sa wikang Tagalog. Sa tiyakang pagsasabi, nalinang ito mula sa isang diyalekto

ng Tagalog, ang diyalektong Tagalog-Maynila. Mula sa Maynila, lumaganap ito gaya ng

patuloy nitong paglaganap sa pulo ng Luzon at sa iba pang mga pulo sa Pilipinas. Ito ang

wikang nangibabaw hindi lamang sa Maynila at mga karatig-pook kundi maging sa mga

siyudad na gaya ng Davao, Cotabato, at General Santos. Sa mga pook na hindi ito ang

nangingibabaw o katutubong wika, ginagamit ito bilang lingua franca, sa mga siyudad na

gaya ng Baguio, Naga, at Iloilo. Ang Pilipino sa ngayon, sa pagiging wikang pang-ugnay na

ginagamit sa iba’t ibang rehiyon (interregional language), ang pinakamabisang nag-uugnay

sa mga pulo at sa iba’t ibang pangkat ng wika sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, mahigit na 60 porsiyento ng mamamayan ang nagsasalita ng

Pilipino. Halos dalawang ikatlong bahagi nito ay hindi katutubong nagsasalita ng Pilipino

o ng Tagalog. Maaaring tayahin na sa loob ng sampung taon, mahigit na 80 porsiyento ng

mamamayan ang makapagsasalita ng Pilipino bilang una o pangalawang wika. Gayunman,

ang kakayahan ng marami o ng lahat ng Pilipino sa pagsasalita ng Pilipino ay hindi magiging

dahilan ng pagkamatay o pagkawala ng alinman sa iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang

karamihan sa mga nagsasalita ng Pilipino ay patuloy na magsasalita ng kanilang katutubong

wika.

Tulad ng alinmang buhay na wika, ang Pilipino ay patuloy sa pagbabago lalo na

ang bokabularyo nito dahil sa impluwensiya ng Kastila at Ingles at ng iba pang mga wika

sa Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito ang lumilikha ng mga pagkakaiba ng Pilipino at

Tagalog at ng mga pagkakatulad ng Pilipino at ng mga wikang di-Tagalog. Kaya, habang

patuloy na lumalaganap ang Pilipino, patuloy itong manghihiram ng mga salita sa mga

wikang di-Tagalog at ito ang magiging sanhi ng pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino.

Ang tagumpay ng Pilipino bilang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas ay

nakasalalay sa dalawang mahalagang bagay. Ang una ay may kinalaman sa pagtanggap

ng mamamayan sa Pilipino bilang wikang pambansa nila; ang ibig sabihin, ang pag-aalis

sa paniniwalang ito ay nananatili pang isang wika ng rehiyon o ito ang wikang Tagalog.

Sumasaklaw naman ang ikalawa sa pagpapatatag ng wikang Pilipino sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng istandardisasyon.
Constantino

11

Upang magtagumpay ang wikang Pilipino bilang wikang pambansa, iminumungkahi

naming isagawa ng pamahalaan ang mga sumusunod:

(1) Lahat ng pasiya o rekomendasyon tungkol sa gamit at anyo ng wikang

Pilipino at dapat ibatay sa isang masusing pagsisiyasat kung paano talagang

sinasalita ang Pilipino ng mga katutubong nagsasalita nito.

(2) Kailangang maihanda sa lalong madaling panahon ang isang siyentipiko

at makabagong balarila at diksiyunaryo ng Pilipino na batay sa sa gamit ng

wikang ito sa iba’t ibang pook na ito ang wikang nangingibabaw.

(3) Kailangang isagawa agad ang isang palatuntunan sa pagpaplano at

istandardisasyon ng wika na gagamitan ng pinakabagong siyentipikong

kaalaman, paraan, at pamamaraan.

(4) Ang Surian ng Wikang Pambansa ay kailangang magsagawa ng mga

pananaliksik, at maghanda at maglathala ng mga siyentipikong pag-aaral

tungkol sa pinagmulan, pagkaunlad, pagkakaugnay at kayarian ng Pilipino

at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Kailangang isagawa rin ng Surian ang

(a) paghahanda ng isang balarila at isang diksiyunaryo ng Pilipinas at ang (b)

pagbabalangkas ng isang palatuntunan sa pagpaplano at istandardisasyon ng

wika.

(5) Ang teksto ng alinmang kasulatan ng pamahalaan na dapat maging batayan,

lalo na ang bagong Saligang-Batas, ay kailangang nakasulat sa Pilipino.

(6) Kailangang Pilipino lamang ang gawing tanging wika opisyal ng Pilipinas.

TALA: Lumabas ang artikulong ito kasáma ng artikulong “Ang Pilipino bilang Wikang Panturo” ni Dr.

Ernesto Constantino sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971.
Ernesto Constantino

ANG PILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

ANG UNANG PORMAL na pagsubok sa paggamit ng Pilipino sa pagtuturo ng mga

kurso (maliban sa mga kursong Pilipino) sa Unibersidad ng Pilipinas ay ginawa noong

1968-69 nang sinimulang gamitin ang wikang ito bilang wikang panturo ng ilang propesor

sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad. Ang interes na nilikha at pagtangkilik

na tinanggap ng “eksperimentong” ito sa mga propesor at mag-aaral ay nagbunga ng

pagpapatibay noong 1969 sa patakaran na lantarang nagpapahintulot na gamitin ang

Pilipino bilang wikang panturo sa Unibersidad.

Sa kasalukuyan ang Pilipino’y ginagamit bilang wikang panturo sa lahat ng

departamento ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas (gayundin

sa karamihan kundi man sa lahat ng ibang sangay na akademiko ng Unibersidad). Sa

Departamento ng Pisika na lamang ay apatnapu sa pitumpung seksiyong binuksan nitong

semestreng ito ang itinuturo’y hindi Pilipino, pinahihintulutan at ginaganyak ang mga

mag-aaral na gamitin ang Pilipino sa anumang oras at sa anumang bagay, halimbawa at sa

pagsagot sa klase at sa pagsulat ng kanilang pagsusulit, sulating-pananaliksik (term paper),

at tesis.

Simula sa pasukang ito, ang lahat ng mag-aaral na nasa unang taon sa Unibersidad

ng Pilipinas ay kinakailangan nang kumuha ng tatlong saligang kurso sa Pilipino. Ang mga

kursong ito ay naglalayong paunlarin ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa

Unibersidad alinsunod sa bagong Programa sa Pangkalahatang Edukasyon ng Unibersidad

na ang unang layunin ay: Ang pagbubuo, paglilinang, at papapaunlad sa mga mag-aaral ng

kakayahan sa pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino nang mabisa.

Batay sa malinaw na pagpapakita sa Unibersidad ng Pilipinas sa di-mapigilang

pananagumpay ng Pilipino bilang wikang panturo at batay din sa matatag na paniniwalang

ang Pilipino ay kasiya-siya at kanais-nais na gamitin bilang pangunahing wikang panturo

sa ating mga paaralan (bagama’t ang ilan sa ating mga guro ay maaaring kapos pa rin dito o

kulang ng lakas ng loob upang umpisahang gamitin sa kanilang pagtuturo), iminumungkahi

namin ang madalian at walang pag-aatubiling pagpapatibay ng isang bagong pambansa o

konstitusyonal na patakaran sa edukasyon na may mga probisyong nagsasaad na:
Constantino

13

(1) Ang Pilipino ang gagawing pangunahing wikang panturo sa anumang

kurso o asignatura sa lahat ng paaralan sa Pilipinas pati na sa mga kolehiyo

at unibersidad;

(2) Ang pangunahing layunin ng pangkalahatang edukasyon sa Pilipinas ay ang

pagbubuo, paglilinang at pagpapaunlad sa mga mag-aaral ng kakayahan sa

pagsulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino nang mabisa; at, alinsunod sa

mga probisyong (1) at (2);

(3) Lahat ng mga paaralan sa Pilipinas ay dapat na magpakuha sa lahat ng mga

mag-aaral ng mga kurso sa Pilipino na magpapaunlad at magpapayaman sa

kanilang kakayahan at kaalaman sa wikang ito.

Upang mapadali at mapabilis ang pagpapatupad sa mga layunin ng tatlong

probisyong ito, iminumungkahi pa rin namin na gumawa ang pamahalaan o anumang

pribadong organisasyon o indibidwal ng mga nararapat na hakbang tungo sa madaliang

paggawa o pagsasalin sa Pilipino at pamumudmod ng mga batayan at sangguniang aklat at

iba pang kagamitang pang-edukasyon, pati na ang gramatika at diksyunaryo ng Pilipino,

na angkop at sapat sa ating nagbabagong oryentasyon at pangangailangan sa edukasyon at

kultura.

TALA: Lumabas ang artikulong ito kasáma ng artikulong “Ang Hinaharap ng Wikang Pilipino” ni Dr. Ernesto

Constantino sa Linggwistikang Pilipino, blg 3, 1971.
Ernesto Constantino

ANG “UNIVERSAL APPROACH” AT ANG WIKANG

PAMBANSA NG PILIPINAS

TINUTUKOY NG TERMINONG “universal approach” o “paraang unibersal” ang paraang

iprinopos ng mga lingguwist ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa 1971 Kombensiyon

Konstitusyonal (Konkon) para sa pagdebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas.

Ang paraang ito ay inihaharap dito sa komperensiyang ito para madiskas at mapagaralan

ng mga taong paris ninyo na interesadong makakita o makaalam sa kahalagahan o

kontribusyon nito sa solusyon sa problema ng Pilipinas tungkol sa wikang pambansa.

Paris ng alam na ng marami sa atin, ang “movement” o kilusan para sa pambansang

wika sa Pilipinas ay nagkaroon na naman ng isang napakapraktikal na problema. Malinaw

na ipinapakita ito ng probisyon tungkol sa wikang pambansa sa bagong Konstitusyon ng

Republika ng Pilipinas na inaprubahan ng Konkon noong 30 Nobyembre 1972. Ganito

ang sinasabi ng probisyong ito:

The National Assembly shall take steps towards the development and formal

adoption of a common national language to be known as Filipino (Art. XV, Sek.

3, Par. (2) )

[Ang Nasyonal Asembli ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagdebelop at

pormal na pag-adap ng panlahat na wikang pambansa na kikilalaning Filipino.

(Art. XV, Sek. 3., Par. (2) ) ]

Base sa probisyong ito, masasabing hindi na Pilipino ang wikang pambansa ng Pilipinas

pagkatapos ng ratipikasyon ng bagong Konstitusyon—magiging Filipino na ang wikang

pambansa ng Pilipinas.

Kung paano at kailan dedebelopin ang bagong wikang pambansang ito ay

pagkakasunduan pa sa darating na Nasyonal Asembli. Maaari natin ipalagay na gagawa

ang Nasyonal Asembli ng batas na titiyak sa paraang gagamitin at mga hakbang na gagawin

tungo sa pagdebelop at pormal na pag-adap sa bagong wikang pambansa.

Ang paraang unibersal, bilang proposal ng mga lingguwist ng UP, ay nagbibigay

ng paraan na sa aming palagay ay magagamit para matagumpay at mabilis na madebelop
Constantino

15

ang bagong wikang pambansa. Gaya ng aming prediksiyon, ang paraang ito ay masiglang

tinatanggap ng marami at mahigpit namang tinututulan ng iba. Katunayan, ito’y naging

kontrobersiyal, kung minsa’y proberbiyal, lalo na sa mga hindi nakakaalam kung ano ito.

Layunin ng papel na ito na ipaliwanag ang ilang misteryo ng paraang ito. Pagkaraan

ng mahigit na isang taon mula nang iharap ito sa Konkon, ipinasiya namin na ipaliwanag dito

sa komperensiyang ito na isang malaking obligasyon para sa amin na iharap ang paraang ito

sa publiko, lalo na sa komperensiyang ito ng mga eksperto sa wika mula sa iba’t ibang bansa

sa Asia, mga lingguwist, mga titser sa wika, at iba pang iskolar sa wika, dahil sa pangyayaring

ang paraang ito ang inindors o sadyang pinili ng Komite ng Wikang Pambansa ng Konkon

na gagamitin sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa wikang pambansa ng Pilipinas

ay pormal na iprinopos ni Dr. Cecilio Lopez, Emeritus na Propesor ng Lingguwistiks at

Oriental Studies sa UP, sa pinakahuling public hearing ng nasabing komite sa Manila

Hotel na ginanap noong 22 Disyembre 1971. Sa hiring na iyon, sinabi ni Dr. Lopez na

ang paggamit ng “language universals approach” ay maaaring siyang solusyon sa problema ng

Pilipinas sa wikang pambansa na nagbibigay hanggang ngayon ng malaking gulo sa buong

bansa. Sinabi rin niya na ang paraang ito ay isang mabuting alternatibo sa paraang batay sa

isang wika lang o kaya’y batay sa Tagalog lang. Agad tinanggap ng karamihan o halos lahat

ng mga miyembro ng komiteng present sa hiring ang proposal ni Dr. Lopez, at tinawag

itong “universal approach” imbis na “language universals approach.” Naging popular, sa

mabuti o masama, ang paraang ito sa maikli nitong pangalan.

May dalawang dahilan kung bakit ipinasiya ng mga lingguwist ng UP na ipropos

ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng

Pilipinas. Ang unang dahilan ay may kinalaman sa nakikitang patuloy na problema ng

wikang Pilipino na tanggapin o kilalanin ng mga Pilipino, lalo na ng mga di-Tagalog,

bilang wikang pambansa nila. Naniniwala kami na ito’y hindi magiging problema ng

wikang pambansang madedebelop sa pamamagitan ng paraang unibersal, at ito’y magiging

malinaw sa bandang huli ng papel na ito. Ang ikalawang dahilan ay bunga ng matatag

at di-matinag na determinasyon ng karamihan sa mga miyembro ng Komite sa Wikang

Pambansa ng Konkon at ng buong Konkon mismo (na magiging miyembro ng interim na

Nasyonal Asembli) na pigilin ang paggamit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa ng

Pilipinas at palitan ito ng isang wikang batay sa ilan o nasunod ang gusto ng mga delegado

sa Konkon, ang paggamit sa paraang unibersal ay sisiguro sa mabilis na pagdebelop ng

wikang pambansa ng Pilipinas ay hindi para pigilin ang paggamit sa Pilipino bilang

wikang pambansa ng Pilipinas kundi para masiguro na kung sakaling hindi tatanggapin

ang Pilipino, maaaring dumebelop sa loob ng pinakamaikling panahon ng isang wikang

angkop na maging wikang pambansa—isang wikang aktuwal at natural na gagamitin at

hindi isang wikang mananatiling simboliko lamang at laging naghihingalo dahil hindi

natural na ginagamit.
16

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

Ang Pilipino sa U.P.

Siguro’y dapat kong gamitin ang pagkakataong ito para linawin na ang mga lingguwist ng

UP ay hindi kailanman kontra o galit sa wikang Pilipino bilang isa sa mga ginagamit na

wika sa Pilipinas o bilang wikang pambansa. Ang totoo, ginagawa namin sa UP ang lahat

ng aming magagawa nang mas masigasig kaysa alinmang institusyon sa buong bansa para

paunlarin ang pag-aaral, paggamit, at pagtanggap sa Pilipino hindi bilang wikang pambansa

lang kundi bilang pangunahing medium din sa pagtuturo sa lahat ng eskuwelahan, sa lahat

ng grado at sa lahat ng kurso dito sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nagbibigay ang UP ng

Bachelor of Arts degree at Master of Arts degree sa Pilipino; hindi matatagalan, magbibigay

na rin ang UP ng Doctor of Philosophy degree sa Pilipino. Maraming mahahalagang

reserts (research) tungkol sa Pilipino ang nagawa na at ginagawa sa UP. Kahit ang gramar

ng kasalukuyang wikang pambansa ay sinusulat ngayon sa UP ng mga reserts asistant

na sinusuwelduhan ng Surian ng Wikang Pambansa sa ilalim ng superbisyon ng isang

miyembro ng faculty ng UP. Isang monolingguwal at isang bilingguwal na diksyunaryo

ang ginagawa sa UP. Mayroon ding inihahandang manwal at babasahin sa Pilipino sa UP.

Ang totoo, ang posisyon ng Pilipino sa UP sa ngayon ay kapantay na ng Ingles bilang isang

disiplina o larangan ng pag-aaral at bilang medium sa pagtuturo. Nasisiguro naming hindi

pa nangyayari ito sa mga ibang eskuwelahan.

Oposisyon sa Pilipino

Sa isang multilingguwal at naging kolonyang bansa na paris ng Pilipinas na dayuhang

wika ang dominanteng wika kahit na mayroon ditong ilang estabilisadong katutubong wika

na bawat isa’y may maraming ispiker kayat posibleng kandidato sa posisyon ng wikang

pambansa, maaaring mangyari na ang paggamit o pagpili sa alinman sa mga katutubong

wika bilang wikang pambansa o batayan nito ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga

ispiker o suporter ng ibang wika, pati na ng dayuhang wika. Nangyari ito sa Pilipinas. Ang

pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay lumikha ng malakas at patuloy

na oposisyon mula sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles. Madalas naipapahiwatig ang

oposisyong ito sa mga sulat sa mga editor ng mga peryodikal at sa mga paulit-ulit na

habla at salita laban sa Pilipino. Ang pagtawag ng Konkon noong 1971 ang nagbigay ng

pinakahihintay na pagkakataon sa mga di-Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o

patayin ang wikang pambansang batay sa isang wika.

Sa mga una pa lamang sesyon ng Konkon malinaw nang lumabas ang malakas na

pagkontra o pagtanggi ng karamihan sa mga delegado sa Konkon (na mga di-Tagalog) sa

patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang palagay namin

sa UP ay milagro na lamang ang makapipigil sa pagkontrang iyon. 1 Kayat sa amin sa UP,

1 Isang “milagrong” sinubok naming gawin ay ang pagpapatanggap sa bago o ibáng depinisyon ng (at

pagtingin o atityud sa) wikang Pilipino. Kung tinanggap ng Konkon at ng Surian ng Wikang Pambansa

ang aming depinisyon ng Pilipino—ang depinisyon ng Pilipino ng UP (Constantino 1970–1971)—wala na

sanang malakas na dahilan para baguhin ang wikang Pambansa ng Pilipinas.
Constantino

17

ang problema ay hindi na kung paano mapapanatili ang wikang Pilipino bilang wikang

pambansa kundi ito: Paano magpapatuloy na may wikang pambansa ang Pilipinas na mula sa

sariling wika o mga wika nito? Sa madaling sabi, nang ipropos namin ang paraang unibersal,

ang nangunguna naming layunin ay siguruhin na ang Pilipinas ay patuloy na magkakaroon

ng wikang pambansa na tubo o tunay na sa bansang ito, kahit na ang wikang ito’y hindi

ang wikang Pilipino. Ang totoo, natatakot kami na kung hindi epektibong masagot ang

opinyong ipinipilit ng isang patnugot at ng presidente ng isang samahan sa lingguwistiks

at ng mga kakampi nila na hindi maaaring bumuo ng isang wikang pambansang batay sa

higit sa isang wika at dito sa Pilipinas ang wikang Tagalog lang ang puwedeng batayan

ng wikang pambansa, ang wikang Ingles ang tuluyang magsilbing wikang pambansa ng

Pilipinas. Ganitong opinyon ang gusto ng mga pro-Pilipino (at ganoon din ng ilang pro-

Ingles na tumutulong sa kanila) na paniwalaan ng mga delegado sa Konkon para huwag na

nilang baguhin ang status quo.

Pero gusto ng Komite sa Wikang Pambansa ng Konkon na dumebelop ng isang

bagong wikang pambansa na tatawaging Filipino “batay sa mga umiiral na katutubong

wika at dayalek ng Pilipinas na hindi ipinupuwera ang asimilasyon ng mga salita mula

sa mga banyagang wika.” Ang layuning ito ng komite ay ipinasok bilang Seksiyon 2 ng

draft resolution na inaprubahan ng komite. Inihayag din ng komite sa mga komentaryo sa

seksiyong ito ang akademikong opinyon ng mga lingguwist ng UP na puwedeng bumuo

ng isang wikang pambansang batay sa higit sa isang wika at tiniyak dito ang paggamit

sa “universal approach” o paraang unibersal ng mga lingguwist na ito sa pagdebelop sa

bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Dito tuluyang lumalim ang pagkasangkot ng mga

lingguwist ng UP sa peligroso at delikadong trabaho tungkol sa pagdebelop ng wikang

pambansa para sa Pilipinas.

Paraan ng Pagdebelop sa Wikang Pambansa

Ang paraang unibersal ayon sa pormulasyon nito sa UP ay naglalayong dumebelop ng

isang wikang pambansa para sa Pilipinas batay hindi sa isang wika kundi sa maraming

wika. Layunin ng paraang ito na debelopin ang wikang pambansang ito sa pamamagitan

ng paggamit unang-una sa mga pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga

wika at dayalek ng Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdebelop ng isang wika sa paraang ito

ay isa sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts namin sa UP tungkol sa pangilalim

(“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na pagkakapareho at pagkakaiba ng mga wika at

dayalek sa Pilipinas. Ipinapakita ng mga resulta ng mga reserts na ito sa nakakakumbinsing

paraan na maaaring dumebelop ng isang wika sa pagsasama-sama sa base o buod nito ng

mga magkakapareho o unibersal na sangkap at anyo ng mga wika at dayalek ng Pilipinas

(Tingnan ang Constantino, 1970).

Ilan sa mga nagpalakas ng loob naming mga lingguwist sa UP para ipropos ang

paraang unibersal ay ang mga bagong debelopment sa lingguwistiks, sa edukasyon, at sa

mas media na lalong nagpapalaki sa posibilidad ng paggamit hindi ng isang wika lang

kundi ng isang grupo ng mga wika bilang batayan ng isang wikang pambansa kung
18

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

matutugunan nito ang paghahangad ng mga mamamayan para sa pambansang identidad

o integrasyon. Nagpalakas din ng loob namin ang obserbasyon ng isang iskolar na may

malawak na kaalaman tungkol sa mga wikang pambansa na kung punto ng lingguwistiks

ang kokonsiderahin, ang paglikha ng isang wikang pambansa na batay sa isang wika o sa

ilang wika o ang pagtanggap ng isang bagong wikang pambansa ay magpapatuloy nang

walang limit hanggat epektibo ang mga pang-ikonomikong posibilidad at ang mga pulitikal

o nasyonalistikong paghahangad dito (Deutsch, 1962: 605). Sumasang-ayon din kami sa

sinabi ng iskolar na ito na mapapalitan anumang oras ng mga mamamayan ang kanilang

wikang pambansa para bagayan o sundin ang kanilang nasyonalistikong hangaring mapaiba

o magkaisa (p. 604).

Alam na alam ng mga tagapagplano ng wika na may dalawang paraang puwedeng

gamitin sa pagdebelop ng isang wikang pambansa. Ang unang paraan ay ang paggamit ng

isang wika, at ang ikalawang paraan ay ang pagsasama-sama ng mga sangkap at anyo mula

sa dalawa o higit pang wika. Ang unang paraan ang ginamit sa pagdebelop sa Pilipino;

nabuo ang wika pero lumilitaw ngayon na hindi ito tinatanggap ng maraming Pilipino

bilang wikang pambansa nila. Ang totoo, hindi humihinto ang malakas na oposisyon sa

Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Dahil dito, naisip namin sa UP na dapat

nang gamitin ang ikalawang paraan sapagkat naniniwala kami na ang wikang madedebelop

sa paraang ito ay tatanggapin at gagamitin ng mga Pilipino bilang wikang pambansa ng

Pilipinas. Kayat iprinopos namin sa Konkon nang malaunan ang aming paraang unibersal

para sa pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas. Ikinatutuwa at ikinararangal

namin ang pagtanggap agad ng Konkon sa aming proposal na ito kahit magbibigay ito

ng mabigat na responsibilidad at malaking trabaho sa amin. Isa sa aming responsibilidad

na nais kong gawin ngayon ay ang pagpapaliwanag sa mga interesadong paris ninyo ng

kung ano ang “universal approach” o paraang unibersal at kung paano ito magagamit sa

pagdebelop sa bagong wikang pambansa ng Pilipinas na paris ng hinihingi ng bagong

Konstitusyon.

Prinsipyo at Metod ng Paraang Unibersal

Tatlong magkakaugnay na prinsipyo ang sinusunod ng paraang unibersal.

1. Ang unang prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay

dapat ibatay hindi sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng Pilipinas;

pero hindi nito ipinupuwera na isa sa mga wikang ito ang gawing nukleus

o simula ng wikang pambansa. Sa madaling sabi, sa pagdebelop sa wikang

pambansa ng Pilipinas batay sa prinsipyong ito, maaaring mag-umpisa sa

ilang wika nang sabay-sabay at maaari ring mag-umpisa sa isang wika lang.

2. Ang ikalawang prinsipyo ay nagsasabi na sa pagpili ng mga sangkap o anyo

ng isasama sa wikang pambansa (halimbawa, mga tunog, salita, panlapi,

konstruksiyon, atbp), dapat bigyan ng preperensiya ang mga sangkap o

anyong ginagamit ng mas maraming wika. Halimbawa, kung ang x at y ay
Constantino

19

dalawang salitang ginagamit sa mga wika ng Pilipinas na may parehong

kahulugan (pero magkaiba sa anyo) at ang x ay ginagamit sa 50ng wika

samantalang ang y ay ginagamit sa 30, dapat bigyan ng preperensiya ang x

sa pagbuo sa bokabularyo ng wikang pambansa.

3. Ang ikatlong prinsipyo ay nagsasabi na ang wikang pambansa ay papayagang

gumamit, lalo na sa umpisa, ng mga grupo ng salitang magkakapareho ang

kahulugan (mga sinonim) at hanggat maaari, hindi sosobra sa apat ang

miyembro ng bawat grupo.

Sa paraang unibersal, dalawang metod ang maaaring gamitin sa pagbuo ng wikang

pambansa: Metod A at B. Nag-uumpisa ang Metod A sa ilang wika nang sabay-sabay sa

pagbuo ng wikang pambansa; ang Metod B ay nag-uumpisa sa isang wika lang. Ganito ang

paraang sinusunod ng dalawang metod na ito sa pagbuo ng wikang pambansa:

1. Bilang unang hakbang, mag-aadap ng unibersal na alpabet para sa wikang

pambansa na paris ng bagong alpabet na inadap ng Surian ng Wikang

Pambansa. Sa ngayon, gagamitin ang alpabet na ito pati na ang mga

tuntunin sa pagbabaybay o ispeling para madaling mabasa at matanggap ng

mga Pilipino ang baybay o ispeling ng mga salita sa wikang pambansa.

2. Ang ikalawang hakbang ay ang pagsulat ng isang unibersal na gramar ng

mga wika ng Pilipinas. Para maisulat ang gramar na ito, kailangang malaman

o mailista nang maayos ang pang-ilalim at pang-ibabaw na gramar ng mga

wika at dayalek ng Pilipinas. Hindi na ito mahirap gawin ngayon. Sa ngayon,

nakolekta na namin sa wika at dayalek ng Pilipinas. Kung mabibigyan kami

ng kailangang pondo, tauhan, at kagamitan, ang unibersal na gramar na ito

ay matatapos sa loob ng dalawang taon.

3. Ang ikatlong hakbang ay gagawin pagkatapos maisulat ang unibersal na

gramar. Kung gagamitin ang Metod A, gagawa ng unibersal na diksyunaryo

o tesaurus ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Ang diksyunaryong ito’y

bubuuin sa umpisa ng lahat ng mga salitang nakolekta sa mga wika at dayalek

ng Pilipinas; pagsasama-samahin ang mga sinonim sa isang entri sa ayos na

ipapaliwanag sa sumusunod na hakbang. Kayat sa umpisa, halos lahat ng

mga salita sa unibersal na diksyunaryo ay may sinonim at karamihan sa mga

grupo ng sinonim ay may sobra sa limang miyembro. Ang pagbabawas ng

miyembro sa bawat grupo ng mga sinonim ay ipapaliwanag sa sumusunod

na hakbang. Sa ngayon, nakakolekta na kami sa UP ng hindi kukulangin sa

5,000ng salita na binubuo ng mga istem (“stem”), salitang-ugat (“root-word”)

at partikel (“particle”) mula sa hindi kukulangin sa 300ng wika at dayalek

ng Pilipinas. Ang mga salitang ito ay ipapasok sa unibersal na diksyunaryo

habang ipinagpapatuloy ang pagkolekta ng mga karagdagang datos sa iba’t

ibang wika at dayalek ng Pilipinas. Kung mabibigyan ng kailangang pondo,
20

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

tauhan, at kagamitan, gaya ng gramar ay matatapos ang diksyunaryong ito

sa loob ng dalawang taon.

Kung gagamitin ang Metod B, ang mga salita sa wikang pinili bilang simula o

nukleus ng wikang pambansa ang bubuo sa inisyal na diksyunaryo ng wikang

pambansa. Para maging unibersal na diksyunaryo ang diksyunaryong ito,

payayamanin o daragdagan ito sa susunod na limang taon ng mga salitang

mula sa ibang wika at dayalek, katutubo at banyaga, na laging gagamitin ang

mga tuntunin sa sumusunod na hakbang.

4. Ang ikaapat na hakbang. Pagkatapos magawa ang unibersal na diksyunaryo,

o kahit na habang ginagawa pa ito, susundin ang mga sumusunod na tuntunin

para sa istandardisasyon ng diskyunaryo: (a) Aalisin sa diksyunaryo ang lahat

ng mga sinonim na ginagamit sa kulang ½ o 1/3 ng mga wika at dayalek

na kasama sa pagbuo ng isang diksyunaryo, puwera ang mga sinonim na

ginagamit sa isang malaking wikang rehiyonal, paris ng Tagalog, Cebuano,

Ilokano, o Tausug. Puwede ring sundin ang tuntuning ito para sa isang grupo

ng sinonim na may dalawang miyembro lang; (b) Hanggat maaari, hindi

dapat sumobra sa apat ang miyembro ng isang grupo ng sinonim; (c) Hindi

dapat magkaroon ng mga sinonim ang mga salitang madalas na gamitin,

paris ng mga artikulo at iba pang pananda ng gramatikal na relasyon.

Sa isang grupo ng mga sinonim sa unibersal na diksyunaryo, bibigyan ng preperensiya

ang miyembro na ginagamit sa mas maraming wika o sa simulang wika. Ang salita lang na

bibigyan ng preperensiya ang bibigyan ng depinisyon at bawat isa sa mga sinonim nito ay

kikilalanin lang na sinonim ng salitang ito.

Bibigkasin ang mga salita sa unibersal na diksyunaryo sa paraang binibigkas ang mga

ito sa mga wikang pinagmulan. Sa isang grupo ng mga sinonim na nagkakaiba nang kaunti

sa ispeling (kahit na pareho sa bigkas), isa sa mga ispeling ang bibigyan ng preperensiya at

ang ibang ispeling ay kokonsiderahing baryant ng ispeling na ito. Ang ispeling na bibigyan

ng preperensiya ay iyong ispeling na ginagamit sa mas maraming wika o kaya’y iyong

ispeling na sumusunod sa mga tuntunin sa ispeling na kasama ng unibersal na alpabet.

Ang gramar at diksyunaryo ay dapat rebisahin o rebaysin pagkatapos ng hindi

sosobra sa sampung taon para isunod sa mga debelopment sa wika at para pagyamanin o

lalong paghusayin.

Maaari ring gumamit ng ikatlong metod sa pagbuo ng wikang pambansa na

lumalagay sa pagitan ng Metod A at B; tatawagin natin itong Metod C. Sa Metod C,

maaaring gumamit ng dalawa hanggang walong wika bilang base ng wikang pambansa.

Ang mga salita sa mga ibang wika ay idaragdag sa diksyunaryo nito sa loob ng limang taon.
Constantino

21

Karakteristik ng Bagong Wikang Pambansa

Narito ang ilang sa mga karakteristik ng wikang mabubuo sa pamamagitan ng alinman sa

tatlong metod ng paraang unibersal:

1. Una, ang wikang mabubuo sa paraang unibersal ay tiyak na isang wika ng

Pilipinas. Kaparehong-kapareho nito ang mga wika ng Pilipinas sa tunog,

bokabularyo, at gramar. Ang pang-ilalim na balangkas nito’y kapareho ng

pang-ilalim na balangkas ng mga wika at dayalek ng Pilipinas. Maiiba lang

ito sa mga ibang wika ng Pilipinas sa pang-ibabaw na balangkas.

2. Ikalawa, ang wikang mabubuo ay hindi magkakaroon ng anumang sangkap

o anyo na wala sa mga wika ng Pilipinas. Pero may mga (pang-ibabaw na)

sangkap at anyo ng isang partikular na wika na posibleng wala sa wikang ito.

3. Ikatlo, paris ng alinmang wika, ang wikang bubuuin sa paraang unibersal ay

magkakaroon ng sariling buhay sa oras na ito’y gamitin. Hindi ito magiging

isang artipisyal o patay na wika.

4. Ikaapat, kung susundin ang Metod A o Metod C, maaaring sa simula’y

walang katutubong ispiker ang wikang mabubuo, at dahil dito masasabing

artipisyal na wika ito. Pero kung susundin ang Metod B, ang wikang

mabubuo ay isang natural na wika na aktuwal na sinasalita na ngayon ng

maraming Pilipino, lalo na kung ang basehang wika ay ang tinatawag naming

Pilipino ng UP. Ito ang Pilipinong ginagamit hindi lang sa katagalugan at

kamaynilaan kundi pati sa mga rehiyon na ang katutubo o dominanteng

wika ay hindi Tagalog.

5. At ikalima, mapapansin sa nakaraang diskasyon na walang salita o anumang

sangkap na iimbentuhin para isama sa bubuuing wikang pambansa. Ang

pag-iimbento ng mga salita at iba pang sangkap ng wika ay hindi kailangan

sa paraang unibersal. Hindi rin kailangang gamitin o buhayin pa rito ang

mga patay nang salita at iyong mga salitang ginagamit noong unang panahon

na hindi na ginagamit o naiintindihan ngayon. Lahat ng mga tunog, salita,

konstruksiyon, at iba pang bagay sa wikang pambansa na dedebelopin sa

paraang unibersal ay buhay at natural sapagkat kasalukuyang ginagamit ang

mga ito sa mga wika at dayalek ng Pilipinas na sinasalita ngayon ng mga

Pilipino.

Pagdebelop sa Wikang Pambansa sa U.P.

Makikita sa katatapos na diskasyon na ang aktuwal na pagdebelop ng isang wikang

pambansa sa pamamagitan ng alinman sa tatlong metod ng paraang unibersal ay hindi
22

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

mahirap o imposible. Sa katunayan, kung mayroon lang mga kailangang pondo, tauhan, at

kagamitan, madedebelop ang wikang ito sa loob ng dalawang taon. Ang madedebelop na

wika ay masasalita, maisusulat, at mababasa ng kahit anong wika. Maituturo ito at mapagaaralan

paris ng anumang wika at nang mas madali kaysa Ingles, Kastila, o anumang

banyagang wika. Sa madaling sabi, paris ng alinmang buhay na wika, magagamit ito sa

pagkokomunika mula sa henerasyong ito hanggang sa mga darating pang henerasyon. At

ipinipredik namin na ang wikang ito ay mas tatanggapin ng mga Pilipino bilang wikang

pambansa nila sapagkat hindi lang ito nagmumula sa kanilang iba’t ibang wika at dayalek

kundi ito’y konkreto at buhay na simbolo rin ng kanilang pagkakapare-pareho at pagkakaisa

at ng kanilang matagal nang pinakahahanap na pambansang identidad o nasyonal aydentiti.

May mga magtatanong siguro kung alin sa tatlong metod ng paraang unibersal na

katatapos na diskasin ang pinipili o pinapaboran ng UP. Pinipili namin sa Departamento

ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas [ngayo’y Departamento ng Filipino at mga Wika ng

Pilipinas] ng UP ang Metod B. Ngayon pa’y inuumpisahan na namin ang pagdebelop sa

UP ng wikang pambansa simula sa isang wika. Ang simulang wika ay hindi ang wikang

Tagalog kundi ang tinatawag naming Pilipino ng UP. Iba ang Pilipino ng UP sa Pilipinong

pinalalaganap at gustong palaganapin ng Surian ng Wikang Pambansa at itinuturo sa mga

public school sa Pilipinas. Ang Pilipino ng UP ay ang uri ng Pilipino na ginagamit sa

buong bansa, hindi lamang ng mga Tagalog o sa mga lugar na Tagalog ang katutubo o

dominanteng wika kundi pati ng mga di-Tagalog o sa mga lugar na mga ibang wika ang

katutubo o dominante. 2

Para makita ang aktuwal na anyo at gamit at halimbawa ng Pilipino ng UP, inisip

at hinarap namin agad ang magsalin sa wikang ito ng mga obrang nakasulat sa ibang wika,

lalo na ng mga obra sa iba’t ibang literatura ng Pilipinas. Nakita namin na ang katipunan ng

mga obra sa iba’t ibang wika ng Pilipinas na naisalin at maisasalin sa wikang pambansang

aming dinedebelop ay maaari at dapat na maging simula ng pambansang literatura ng

Pilipinas. Ang aktuwal na pagbuo ng pambansang literatura ng Pilipinas sa ganitong paraan

ay aming ihaharap sa ibang papel. Masasabi lang namin dito na naniniwala kami (at ganoon

din ang ibang nakarinig sa proposal naming ito) na ang pagdebelop ng wikang pambansa

at ng pambansang literatura ng Pilipinas ay mas mabuti at mas madaling magawa kung

mapagsasabay batay sa mga prinsipyo ng paraang unibersal. Masasabi rin namin dito nang

walang pag-aalinlangan na ang wikang pambansang madedebelop sa paraang unibersal ay

siyang pinakamabisa at pinakaangkop na wika ng pambansang literatura ng Pilipinas, hindi

ang wikang Ingles o Tagalog at hindi rin ang puro o puristang Pilipino. 3

2

Ang Pilipino ng UP ay tinatawag nang “Filipino” (o “Filipino ng UP” para huwag mapagkamalang

kapareho nitó ang Filipino ni Lacuesta). Tingnan Constantino at Sikat (1974). Ang apat na kurso sa

Pilipino sa Programa sa Masaklaw na Edukasyon (“General Education Program”) ng UP ay ginawa

nang Filipino. Ang pangalan ng Departamento ng Pilipino at Literatura ng Pilipinas ay pinalitan ng

Departamento ng Filipino at mga wika ng Pilipinas noong 28 Pebrero 1974.

3

Tingnan Constantino at Sikat (1974) at ang ibá pang artikulo sa unang labas ng jornal na LITERATURA

ng Filipinas; Jornal para sa mga Literatura ng Filipinas (Enero 1974).
Constantino

23

Argumento para sa Pilipino

Ngayon, tingnan natin ang mga panagunahing argumentong ginagamit bilang suporta sa

palagay na ang wikang Pilipino ang nasa pinakamabuting posisyon para maging wikang

pambansa ng Pilipinas. Ang mga argumentong ito ay ang sumusunod: (a) Pilipino ang

wika ng Manila, ang pinakaimportanteng siyudad sa buong Pilipinas, kayat mas prestijus

(“prestigious”) ito kaysa mga ibang wika ng Pilipinas; (b) Pilipino ang dominanteng wika sa

mas media; (c) Mas marami ang ispiker ng Pilipino kaysa alinman sa mga ibang wika ng

Pilipinas; (d) Batay ang Pilipino sa pinakadebelop na wika ng Pilipinas at hindi magtatagal

at aktuwal nang sasalitain ito ng lahat ng mga Pilipino.

Nakikita namin ngayon na ang mga argumentong ito na matagal nang inuulitulit

ng mga pro-Pilipino ay hindi naging sapat para magtagumpay ang Pilipino bilang

wikang pambansa ng Pilipinas. Sa kabilang dako, ang mga argumentong ito mismo at

ang “puristang” palisi (policy) na sinusunod sa pagdebelop, pagpapaunlad, at pagtuturo sa

Pilipino ang mga aktuwal na dahilan ng pagkabigo ng Pilipino bilang wikang pambansa

ng Pilipinas. Pero ito’y hindi na saklaw ng papel na ito. Masasabi lang dito na marami sa

mga sumusuporta sa Pilipino ang nagtaka nang atakihin nang matindi at pagkatapos ay

tuluyang itakwil ng Konkon ang Pilipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Hindi nila

nakita na ang pagkalat ng Pilipino sa buong bansa at ang pagtuturo ng puristang anyo nito

sa lahat ng eskuwelahan ay ilan sa mga nagpalakas sa etnikong kamalayan ng mga grupo

sa Pilipinas at ang kamalayang ito sa parte ng mga di-Tagalog na grupo ay tumanggi sa

Pilipino (na ipinalagay nilang Tagalog) bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Kritisisim sa Paraang Unibersal

Balikan natin ang paraang unibersal. Mula nang banggitin ito sa Konkon, tumanggap ito

ng maraming kritisisim o puna, kahit noong hindi pa natitiyak ng mga kritik kung ano ito.

Dalawa ang pinakamadalas na kritisisim. Una, may mga kritik na nagsasabi na imposible

raw, hindi matino, o kaya’y “kaululang lingguwistik” (Nakpil, 1972) ang bumuo ng isang

wikang batay sa higit sa isang wika o batay sa maraming wika. Ito ang sinabi ng isang kritik

ng paraang unibersal (Roces, 1972):

But to expect that 87 separate branches make a language tree is absurd because

there have to be roots and a trunk where diverse branches can be grafted.

[Ngunit isang kalokohan na asahang 87ng magkakahiwalay na sanga ang

bubuo sa isang language tree sapagkat kailangang magkaroon ito ng mga ugat

at katawan na pagpapatubuan ng magkakaibang sanga.]

Ikalawa, kahit na raw makabuo ng wika sa paraang unibersal, imposibleng mapakalat

ito sapagkat ito’y isang artipisyal na wika at dahil dito hindi ito pag-aaralan o matututuhan

ng mga Pilipino. Ito naman ang sinabi ng isa pang kritik (Nakpil, 1972):
24

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

One of the most irrefutable principles of linguistics is that a language that is

nobody’s mother tongue will be extremely difficult to teach or learn and almost

impossible to implant. One can propagate, or enrich with loan words, an existing

language, but one cannot invent one out of thin blue air, or even out of 8

“mutually unintelligible” rival languages, without courting muteness. An artificial

language with no naive speakers—as Esperanto, Orbis, Frate, Universalia, Paria

all in their own good time have shown—just won’t take. To impose one on

Filipinos now is to court muteness, total illiteracy and ineradicable ignorance.

[Isa sa mga di-makokontrang prinsipyo ng lingguwistiks ay ito: Ang wika na

hindi inang wika ng sinuman ay totoong napakahirap ituro at pag-aralan at

halos imposibleng itanim sa isip. Puwedeng palaganapin, o payamanin sa mga

hiram na salita, ang isang umiiral na wika ngunit hindi puwedeng umimbento

ng isang wika mula sa manipis na hanging asul (“thin blue air”) o kahit sa

walong “di-nagkakaintindihang” magkakaribal na wika nang hindi tutungo sa

pagkapipi. Ang isang wikang artipisyal na walang katutubong ispiker—gaya

ng ipinakita ng Esperanto, Orbis, Frate, Universalia, Paria sa kani-kanilang

panahon—ay talagang di pupuwede. Ang ipilit ang isang wikang ganito sa

mga Pilipino ngayon ay patungo sa pagkapipi, total na iliterasi, at di maaalis na

ignoransiya.]

Naipaliwanag na namin na hindi imposibleng bumuo ng isang wika batay sa ilang

wika. Ginagawa ito ngayon sa Norway (Haugen, 1968). Nagawa na ito sa Southern Rhodesia

at sa Macedonia (Lunt, 1959). Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito pupuwede sa

Pilipinas lalo na kung iisipin na ang mga wika at dayalek sa bansang ito ay magkakapareho

sa isa’t isa sa tunog, bokabularyo, at gramar.

Nasabi rin na maaaring ang wikang madedebelop batay sa paraang unibersal ay

artipisyal—nangangahulugang hindi ito inang wika ng sinuman sa umpisa, pero maaari ring

ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay natural—nangangahulugang

may mga nagsasalita nito sa simula pa. Ito’y depende sa metod na gagamitin sa pagbuo sa

wika. Ngayon, tungkol naman sa pagiging artipisyal ng isang wika, gusto kong basahin sa

inyo ang sumusunod na obserbasyon (Pei, 1968: ix):

The charge of “artificiality” often leveled at constructed [or artificial] languages…

is no charge at all. A horse is “natural,” an automobile is “artificial.” For purposes

of present-day travel under present-day conditions, no one seriously questions

the superiority of an “artificial” automobile.

[Ang bintang na “pagiging artipisyal” na karaniwang iniuukol sa binalangkas

[o artipisyal] na mga wika…ay di tunay na bintang. Ang kabayo ay “natural,”

ang automobil ay “artipisyal.” Sa mga pagbibiyahe ngayon sa kasalukuyang

kondisyon, walang sinumang seryosong kukuwestiyon sa superyoridad ng

isang “artipisyal” na automobil.]
Constantino

25

Tagumpay ng Wikang Pambansa

Sa pinal na analisis, ang tagumpay ng isang wika na maging wikang pambansa ng isang

bansa ay depende hindi sa pagiging artipisyal o natural nito kundi sa pagtanggap o atityud

(attitude) ng mga taong pinag-uukulan nito o dapat na gumamit nito. Kami sa UP ay

matatag na naniniwala na ang wikang madedebelop sa pamamagitan ng paraang unibersal

ay mas madaling tanggapin at gamitin kaysa sa wikang Pilipino, lalo na iyong Pilipinong

itinuturo ngayon sa mga public school, bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang paniwala

naming ito ay batay sa mga sumusunod na dahilan:

(1) Ang wikang mabubuo sa pamamagitan ng paraang unibersal ay hindi batay

sa Tagalog lang o sa isang wikang inaari o inaangkin ng isang malaking

etnikong grupo;

(2) Ang wikang ito ay base sa marami kundi man sa lahat ng mga wika at

dayalek ng Pilipinas;

(3) Hindi papaboran ng wikang ito ang alinman sa mga etnikong grupo ng

Filipinas;

(4) Ang pagbuo at pagpapayaman sa wikang ito ay magiging responsibilidad ng

lahat ng mga etnikong grupo sa Pilipinas, hindi ng isang grupo lang.

Sa kabuuan, nakikita namin na ang paggamit ng paraang unibersal sa pagdebelop sa

pambansang wika ng Pilipinas ay magbubunga ng malaking epekto o pagbabago sa atityud

ng mga Pilipino, hindi lang sa kanilang wikang pambansa kundi pati na sa kanilang kultura

at literatura at sa kanilang bayan at kapwa Pilipino. Sa paggamit nila ng wikang pambansang

dinebelop sa paraang unibersal, na binubuo ng mga sangkap at anyong nagmumula sa iba’t

ibang wika at dayalek ng Pilipinas, malalapit sila sa iba’t ibang kultura, literatura, tao, at

rehiyon ng Pilipinas. Lalaki ang kaalaman at interes nila sa mga ito at ang atityud nila sa

mga ito ay magiging masigla at positibo, imbis na laging malamig o paiwas at negatibo. Sa

paggamit nila ng wikang pambansang dinebelop sa paraang unibersal, makikita nila na ang

wikang ito’y mula at para sa lahat ng Pilipino, at ito’y nagbigay ng pabor sa lahat ng Pilipino,

hindi sa mga miyembro ng isang etnikong grupo lang. Makikita rin nila na ang wikang ito’y

mas madaling matutuhan at mas epektibong magagamit ng mga Pilipino kaysa wikang

Ingles, at ang wikang ito ang tunay na tatak at daluyan ng pambansang kultura at identidad

ng mga Pilipino. Kayat naniniwala kami na hindi na kailangang maghintay pa ang mga

Pilipino ng 100 o 50 o kahit 25ng taon para makita nila na ang kanilang wikang pambansa

ay isang wika ng kanilang pagkakaisa at pagkakaiba, ang wika ng kanilang identidad, at ang

wikang magpapalaya sa kanila sa mga banyaga at alyenadong isipan at oryentasyon.

Bibliyograpi

Constantino, Ernesto. “The deep structures of the Philippine languages.” The Archive,

tomo 1, blg 2, mp. 65-79, 1970.

__________________. “Ang hinaharap ng Pilipino.” General Education Journal, tomo
26

Ang "Universal Approach" at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

19-20, mp. 1-3, 1970-1971.

__________________ at Rogelio Sikat. “Ang pagbuo ng pambansang literatura ng

Filipinas.” Literatura ng Filipinas, tomo 1, blg 1, mp. 1-25, 1974.

Deutsch, Karl W. “The trend of European nationalism – the language aspect.” Nása

Fishman 1968, mp. 598-606.

Fishman, Joshua A., ed. Readings in the sociology of language. The Hague: Mouton, 1968.

Haugen, Einar. “Language planning in Norway.” Nása Fishman 1968, mp. 673-687.

LITERATURA ng Filipinas; Jornal para sa mga Literatura ng Filipinas. Bolyum

I, Numero 1, Enero 1974. Publikasyon ng Samahan para sa mga Literatura ng

Pilipinas (SALIPI), Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.

Lunt, Horace G. “The creation of standard Macedonian: Some facts and attitude.”

Anthropological Linguistics, tomo 1, blg 5, mp. 19-26, 1959.

Nakpil, Carmen Guerrero. “Happy but mute.” The Manila Chronicle, 7 Abril 1972, p.4.

Pei, Mario, “Foreword.” Nasa Esperanto: A complete grammar, ni Ivy Kellerman Reed, pp.

vii-x. Metuchen, N.J.: The Scarecrow Press, 1968.

Roces, Alfredo. “Light and shadow: Legislated languages.” The Manila Times, 18 Abril

1972, p.5.

TALA: Lumabas ang artikulong ito ni Dr. Ernesto Constantino sa aklat na Filipino o Pilipino? Mga Babasahin

sa Pambansang Wika at Literatura (1974) at may talâng ganito:

“Batay sa papel na binása sa Ingles noong 22 Disyembre 1972 sa unang Conference

on Language Policy and Language Development of Asian Countries na ginanap sa

Maynila, 18–22 Disyembre 1972. Ang unang bersiyon na ito ay lumabas sa Sicat, Rogelio

at Pamela D. Cruz, ed., Mga bagong pananaw sa wika, literatura at kultura (=Jornal ng

Masaklaw na Edukasyon nos. 23-24 [General Education Journal nos. 23-24]), Maynila:

Kolehiyo ng Sining at Agham, UP Diliman, 1972-73. Gusto kong magpasalamat kay

Mis Pamela D. Cruz at kina Rogelio R. Sicat at Mr. Jesus F. Ramos sa pagtulong nilá sa

pag-edit sa papel na ito. Kabílang sa mga lingguwist ng UP na nagpropos sa ‘universal

approach’ sina Propesor Consuelo J. Paz, Mis Emelita L. Cruz at ang sumulat ng papel na

ito. Ang pagsama ni Dr. Cecilio Lopez sa grupong ito ay nagbigay ng ibayong lakas sa

universal approach.”
Virgilio S. Almario

NASYONALISASYON AT MODERNISASYON

NG FILIPINO

MAGANDANG BALIKÁN bílang panimula ang isang pahayag noon ni Saussure

hinggil sa tungkuling patuloy na baguhin ang wika. “Hindi táyo dapat mapiit,” sabi niya,

“sa kung ano ang wika ngayon.” Walang wikang perpekto; kailangang isunod ang wika

sa nagbabagong pangangailangan ng mga gumagámit nitó; kailangang baguhin ang wika

upang maging higit na episyente at kapaki-pakinabang sa mga gumagámit nitó. Ang

mga katotohanang ito ang pangunahing motibasyon para sa tinatawag na pagpaplanong

wika—na walang iba kundi ang metodiko at sistematikong gawain upang mapangasiwaan

at mapaunlad ang isang wika, lalo na ang paglikha, pagpapalaganap, at pagpapayaman sa

isang napagkaisahang panrehiyon, pambansa, o pandaigdigang wika.

Kaugnay nitó, may pananaw na nasyonalisasyon at modernisasyon ang kambal

ngunit nagtutunggaling oryentasyon ng pagpaplanong wika sa mga bansang umahon

mula sa matagal na panahon ng kolonyalismo at nagpasiyang magkaroon ng sarili at

katutubong wikang pambansa nitóng nakaraang siglo. Napakatotoo nitó sa Filipinas mula

nang itadhana ng 1935 Konstitusyon ang isang wikang pambansa batay sa isang wikang

katutubo. Pinatutunayan naman ng mga pangyayari sa loob ng nakaraang 80 taón na

lubhang mabigat na tungkulin ang nasyonalisasyon at modernisasyon bílang tambalan at

magkaagapay na direksiyon sa pagsusúlong ng wikang pambansa. Bukod pa, ang kawalan

ng sapat na tangkilik ng pamahalaan—na malinaw na makikíta sa kawalan ng pondo

para sa kailangang gawin ng pambansang ahensiyang pangwika at sa nawawalang target

pangwika sa kabuuang pambansang planong pampolitika at pangkabuhayan—ay malimit

na magdulot ng problema kung alin sa kambal na direksiyon ang dapat unahin at asikasuhin.

Sa kabilâng dako, maaari ding sabihin ngayon na hindi napag-ukulan ng mga

namahala sa pagsúlong ng Wikang Pambansa ang pagbalangkas ng isang pangmatagalang

plano para matupad ang tadhana ng 1935 Konstitusyon. May mga tungkuling inilista ang

Batas Komonwelt Blg. 184 para sa National Language Institute, ang naging Surian ng

Wikang Pambansa (Institute of National Language), ngunit hindi ito naisalin túngo sa isang

kongkretong programa para palaganapin ang Tagalog at maging wikang opisyal at wika ng

edukasyon. Ito rin ang maaaring gamíting pangunahing kahinaan ng nakaraang mahigit 20

taón ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pagkaraang itatag sa bisà ng Batas Republika
28

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

Blg. 7104. Hindi nakawala ang KWF sa nakagawiang trabaho ng Surian. Kapag nilimi ang

mga pahayag ng ating mga tagapangasiwa ng Wikang Pambansa sa nakaraang panahon,

wari ngang hindi nilá matalakay nang sabáyan ang nasyonalisasyon at modernisasyon. O

kayâ, malimit na ipanukala niláng kailangang itutok muna ang pansin sa isa—malimit ding

sa nasyonalisasyon—upang balingan ang ikalawa pagkatapos. Hindi naharap nang epektibo

ang problema sa nakalipas na panahon sapagkat hindi napatnubayan ng isang malinaw na

planong wika ang naging pagkilos ng mga alagad at kapisanang pangwika.

Ipinahiwatig mismo ng 1987 Konstitusyon ang naturang tambalang tungkulin para

sa pagsusúlong ng wikang Filipino. Alinsunod sa Seksiyon 6, Artikulo XIV:

The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be

further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other

languages.

Titigan ang ikalawang pangungusap at malilinawan ang iniaatas na paraan ng pagdevelop

at pagpapayaman sa Filipino: “(B)atay sa mga umiiral na (mga wika ng) Filipinas at ibáng

mga wika.” Ang nasyonalisasyon ay magaganap sa pamamagitan ng pagpapayaman sa

Filipino sa pamamagitan ng mga wika ng Filipinas. Ang modernisasyon ay mapapabilis

sa pamamagitan ng ibá’t ibáng pandaigdigang wikang sinasangguni at hinihiraman ng

edukasyong Filipino. Tinutukoy mismo, sa gayon, ng ikaanim na seksiyon ng Artikulo

XIV ang kaliwa’t kanang pagpangitain sa dalawang pangunahing tungkulin túngo sa

pagpapaunlad sa Filipino bílang wikang pambansa. Ang pagpapangalang “Filipino” sa

Wikang Pambansa ay nakabatay sa isang bisyon ng nasyonalisasyon at modernisasyon nitó.

Ano ba ang mga problema at hindi nagaganap ang naturang mga gampanin?

Sinasabing ang pagpaplanong wika sa katotohanan ay isang pagsisiyasat sa problema

ng isang wika. Ngunit tulad ng naipaliwanag ko na, ipinahiwatig na ng Artikulo XIV ng

1987 Konstitusyon ang problema ng Filipino. Ang tambalang gampaning “nasyonalisasyon

at modernisasyon” ang siyá mismong mga problemang dapat harapin sa pagpapalaganap

at pagpapayaman ng Filipino bílang wikang pambansa. Subalit hindi sapat ang pagtukoy

sa problema sa pagpaplanong wika. Ang higit na mabigat na gawain ay ang paghahanay

ng mga tiyak at malawakang aktibidad at proyekto upang malutas o maigpawan ang

anumang tinukoy na problema. Iyon ang higit na kahulugan ng pagpaplanong wika. Ngunit

malungkot na hindi nakapag-organisa ang KWF sa nakaraang panahon ng isang pulong o

kumbensiyon upang sangguniin man lámang ang mga alagad ng wika hinggil sa bagay na

ito.

Maaaring may lumabas nang mga pagsusuri hinggil sa isa o sa dalawang gampanin.

Maaaring may nakapagdulot na ng mga mungkahi upang dibdibang harapin ang mga

problema sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Wikang Pambansa. Subalit hindi iyon

natipon ng KWF, nabigyan ng kaukulang analisis, at naisalin sa mga kongkretong hakbang

at proyekto sa loob ng isang takdang panahon at sa kabilâ ng maaaring limitadong pondo

at tauhan.
Almario

29

Unahin nating balikán ang mga hadlang túngo sa planong nasyonalisasyon.

Sa praktika, nangangahulugan ang nasyonalisasyon ng pagsusuri sa mga problema ng

pagpapatanggap sa Wikang Pambansa sa mga pook na di-Tagalog at pagdudulot ng

kaukulang gawain upang maigpawan ang mga natukoy na problema. May mga historikong

impormasyon hinggil dito. Noon pang 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal ay halatanghalata

na ang tinatawag na “rehiyonalismo” bílang pangunahing balakid upang mabigkis

ang kapuluan ng isang wikang pambansa. Sa kabilâ ng mga iniharap na bentaha ng Tagalog

ay iginiit ng ilang delegadong di-Tagalog ang katangian ng kani-kaniláng sariling wika.

Anupa’t pagdatíng ng botohan, dinaig ng rehiyonalismo ang resolusyon na noon pa’y

itadhana ang Tagalog bílang batayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy ang bagay na ito sa

anyo ng mga batikos na inilalathala sa peryodiko’t magasin hanggang matapos ipahayag ni

Pangulong Quezon ang paghirang sa Tagalog bílang batayan. Noong 1965, naging isang

tahasang habla ito ng isang kongresista na naniniwalang nanatíling Tagalog ang sinimulang

tawaging “Pilipino” noong 1951 at kayâ labag sa tadhana ng 1935 Konstitusyon. Naging

umpisa ito ng tinaguriang “language war” at humantong sa panukalang pagbuo ng “Filipino”

bílang wikang pambansa alinsunod sa naging tadhana ng 1973 Konstitusyon.

Sinasabi lagi ng mga tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa na mga politiko lámang

ang gumagámit ng isyung kontra-Wikang Pambansa para umakit ng boto sa kaniláng

rehiyon. Sinasabi rin niláng itinataguyod ang isyung kontra-Wikang Pambansa ng mga

edukadong nagnanais na Ingles ang manatíling wika ng edukasyon. Iilan lámang diumano

ang tunay na kaaway ng Wikang Pambansa. Subalit naubos ang panahon at talino ng mga

tagapagtaguyod, pati na ang mga pinunò ng Surian, para patunayan ang birtud ng Pilipino

at pagkatapos ng 1973, ng Filipino. Nakatanghal ito sa manaka-nakang nalalathalang

debate ng mga salungat at ng mga tagapagtaguyod noon at hanggang ngayon. Mahahalata

namang hindi umuusad ang balagtasang pangwika dahil inuulit lámang ng magkabilâng

panig ang kaniláng mga argumento.

Kung magulo ang isyu ng nasyonalisasyon, gayundin ang modernisasyon. Sa bagay

na ito ay mga tagapagtaguyod lámang ng Wikang Pambansa ang kasangkot sa pagtatálo.

Ang paksa: Paano ba pauunlarin ang Pilipino/Filipino? Kompara sa nasyonalisasyon,

may higit na malusog na aspekto ang tunggalian para sa modernisasyon. Noong 1987,

naglundo ang tunggalian sa isang modernisadong alpabetong pambansa na may 28 titik

at ganap na nagwawaksi sa abakadang Tagalog/Pilipino. Subalit maraming tinik ang

landas sa implementasyon ng bagong alpabeto. Mga tinik na iniuumang mismo ng mga

nagsasalungatang pangkatin ng tagapagtaguyod. Ang politika, sa gayon, sa loob ng hanay

ng mga tagapagtaguyod ang bumibimbin sa kailangan at tulong-tulong na pagsusúlong

sa Wikang Pambansa. Maaari ngang pag-aawayan pa nilá kung alin ang higit na angkop

gamítin sa “modernisasyon,”“intelektuwalisasyon,” o “elaborasyon” bagaman magkakatulad

namang banyagang aklat sa sosyolingguwistika ang kaniláng binása.

Bunga ng malaking kontrobersiya hinggil sa “purismo” noong dekada 60 ay nawalan

naman ng awtoridad ang opisyal na ahensiyang pangwika [ang Surian at hanggang ang

KWF] kayâ halos hindi madisiplina ang mga teksbuk sa wika na may kani-kaniyang

pinalalaganap na paraan ng paggámit sa bagong ortograpiya. Ni hindi pinaiiral ng KWF
30

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

ang legal na kapangyarihan nitóng mamahala sa anumang gawain kaugnay ng Filipino

at ibáng wikang katutubo upang sawatain, halimbawa, ang naganap na paglikha ng kanikaniyang

ortograpiya ng mga “sariling wika” na ginamit sa K–3 at sa tulong ng mga

banyagang tagapayo. Gayunman, maaaring sabihin ngayon na nag-uugat ang kawalan ng

awtoridad ng KWF sa kawalan nitó ng maihahandog na pangkalahatang plano tungo sa

mabilisang kultibasyon ng Filipino.

Dapat isipin ngayon ang “kultibasyon” (cultivation) ng Filipino bílang kambal at

magkaagapay na gampanin ng nasyonalisasyon at ng modernisasyon/intelektuwalisasyon.

Nakaukol ang isang panig o direksiyon para sa pagpapalaganap ng Filipino bílang wikang

pambansa at sa mataimtim na paglalahok ng anumang natatanging sangkap mula sa mga

katutubong wika upang higit na maitatag ang pagiging pambansa nitó. Sa kabilâng dako,

idinidiin ng ikalawa ang halaga ng pagpapaunlad sa Filipino bílang wika ng karunungan

at makabagong kaunlaran. Kailangang magkasabay na isúlong ang dalawang lunggating

kaganapan ng Filipino. Na ang ibig sabihin sa pagpaplanong wika ay kailangang magkaagapay

at magkasanib na asikasuhin ang taunan at pangmatagalang mga target sa magkabilâng

panig tungo sa isang pangkalahatang pagpangitain sa isang malusog at episyenteng wikang

pambansa sa loob ng isang takdang panahon, halimbawa’y lima o sampung taón.

Nais ko ngayong magpanukala ng ilang hakbang upang maisakatuparan ang

dalawang naturang gampanin.

Isang Mapa ng mga Wika ng Bansa

Saliksik pangwika ang isang pangunahing kasangkapan sa pagpaplanong wika. Kailangang

itanim ang kultura ng saliksik lalo na sa hanay ng mga guro sa Filipino. At isang pangunahing

layunin ng saliksik ang pagbuo ng isang bagong mapa ng mga wika ng Filipinas. Bakit?

Dahil luma na at hindi mapagtitiwalaan ang kasalukuyang mapa na ginagámit sa mga

kagawaran ng lingguwistika. Dahil nagbago na ang heograpiya at populasyon ng mga wika

ng Filipinas dahil sa migrasyon, edukasyon, at makabagong pamumuhay. At dahil kailangan

ang isang malinaw na larawan ng bílang at distribusyon ng mga wikang katutubo upang

maialinsunod ang mga ipaplanong proyekto at kaukulang materyales.

Bahagi ng mapa ang nangyari nang paglaganap ng Filipino sa ibá’t ibáng pook

at rehiyon. Tiyak na may ibá’t ibáng uri ito, may ibá’t ibáng antas ng pagtanggap, kayâ

makapagmumungkahi ng kailangang interbensiyon, sa pamamagitan man ng karaniwang

midyum—ang paaralan at ang ugnayang madla (mass media)—bukod sa maaaring tukuyin

kung alin sa paaralan, brodkast, o espesyal na seminar ang higit na epektibo at matipid na

pamamaraan upang mabago ang isang sitwasyong pangwika sa isang pook, probinsiya, o

rehiyon. Maaari ding makatulong ang mapa sa pagtukoy sa mga partikular at sensitibong

problema na nangangailangan ng mga tiyak na hakbangin sa panig ng mga tagaplanong

wika.
Almario

31

Isang malaking gámit ng mapa ang nauugnay sa pangangalaga ng mga katutubong

wika ng Filipinas. May nagkakaisang problema ang mga ito ngunit may tanging problema

ang ilan, lalo na ang mga maliit ang katutubong populasyon, na hindi makikíta sa malalaking

wikang rehiyonal. Sa kabilâ nitó, kailangan ang pantay na pagtingin sa lahat ng katutubong

wika bílang mga pambansang pamanang yaman. Ang mga impormasyon mula sa mapa ay

kailangang masuri, masundan ng mga panukalang proyekto, at kung kailangan ay itawag

ng pakikiisa mula sa ibáng organisasyong pribado at pampamahalaan. [Ang pakikiisa ng

ibáng sektor ay kailangang mag-umpisa sa pagpaplano pa lámang ng mapa ng mga wika

ng Filipinas.] Kailangang unang-unang isangkot sa gampaning ito ang pamahalaang lokal.

Sa panig ng KWF, dapat idagdag na tungkulin ito ng mga itinatatag na Sentro ng Wika at

Kultura (SWK).

Ang programang MTB-MLE ngayon ng DepEd ay maaaring makinabang sa mapa.

Matutukoy nitó ang aktuwal na “sariling wika” (mother tongue o MT) na kailangang pairalin

at gamítin sa isang probinsiya o rehiyon. Ang demograpikong impormasyon ng mapa ay

higit na mapagtitiwalaan kaysa rekomendasyon at presyur pampolitika na napapansin nang

umiimpluwensiya sa seleksiyon ng unang 20 MT. Sa kabilâng dako, ang produksiyon ng

mga materyales panturo sa mga naturan at sa mga mapipilì pang MT ay makabuluhang

pag-anihan ng mga katangian at birtud ng mga “sariling wika” upang maisanib túngo sa

nasyonalisasyon ng Filipino.

Pambansang Gramatika at Diksiyonaryo

Makabuluhang gawain sa nasyonalisasyon ang saliksik upang makabuo ng isang pambansang

gramatika at pambansang diksiyonaryo sa Filipino. Ang mga ito ang pangunahing kabiguan

ng Surian at ng KWF. Hindi ito nakalikha ng isang gramatika na malinaw na nagsasanib

sa mga katangian ng mga wikang di-Tagalog. Hindi naman ito nakatipon ng isang kahit

mapagtitiwalaan at monolingguwal na diksiyonaryong Filipino, pagkaraan ng saliksik ng

Surian na Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles (1972) at ipinangalan sa dáting direktor

nitóng Jose Villa Panganiban.

Ang saliksik túngo sa mga nabanggit na kailangang produktong pangwika ay

maaaring simulan sa pamamagitan ng pagtipon sa mga naisagawa nang saliksik kaugnay

nitó. Samantala, kailangan ang isang mekanismong mistulang “bantay-wika” para sa mga

pagmamapa ng aktuwal na paggámit sa Filipino sa ibá’t ibáng pook, lalo na sa mga lungsod

at pook tagpuan ng mga migranteng Filipino.

Isang aspekto ng bantay-wika ang pagsisiyasat sa nagaganap na pagsasanib ng

Filipino at ng ibáng katutubong wika, lalo na sa oral at pang-araw-araw na pag-uusap. Sa

katunayan, kailangang matukoy agad ang mga naturang pagsasanib sa leksikon, estruktura

ng pangungusap, at entonasyon upang mabigyan din ng karampatang motibasyon bílang

isang senyas ng nasyonalisasyon sa Filipino. Babaligtarin ng saliksik na ito ang nagaganap

ngayong pagtatawa [at pagmaliit] sa mga “naiibáng” bigkas at salitâ na pumapasok

sa pangungusap ng mga di-Tagalog. Ang ganitong uri ng lehitimasyon ay tiyakang
32

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

makagaganyak sa mga di-Tagalog upang higit na gamítin ang Filipino sa kaniláng pabigkas

o pasulat mang komunikasyon.

Pasisiglahin din nitó ang pagpasok ng mga salitâ mula sa mga katutubong wika

at magpapayaman sa bokabularyong Filipino. Totoo namang bukod sa singkahulugan

ay may mga salitâ ukol sa mga danas at dalumat ang mga katutubong wika na wala sa

kasalukuyang talasalitaan ng Filipino. Ibá ang “búwot” ng Kalinga sa karaniwang “dagâ”

at kahit na sa “ilagâ” ng mga Ilonggo. Kamakailan, lumilitaw na may espesyal na gámit

pangmilitar ang mga Magindanaw sa “pintakasì” at naiibá sa alam ng mga Kristiyanong

Tagalog. Ang “jambángan” sa Tausug at “vakul” sa Ivatan ay simpleng patunay na may mga

tunog sa naturang mga wika na wala sa Tagalog, Bisaya, Ilokano, at ibáng malaking wika

ng Filipinas. Ang “pangát” sa Legazpi ay ibá sa “pangát” sa Metro Manila. At bakit hindi

naidadagdag ang panlaping “gi–” o “gin–” at “–on” ng Bisaya at Bikol samantalang naririnig

na itong malimit sa Cubao at Navotas?

Ang pagbalangkas at pagbuo sa isang pambansang gramatika at pambansang

diksiyonaryo ay mga tiyak na produkto ng nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino.

Isa rin itong patuloy na trabaho. Ang ibig sabihin, kailangang isipin na magbabago

ang kompleksidad ng wikang Filipino hábang patuloy itong lumaganap at higit na tumitiim

sa mga pook na di-Tagalog. Ang gramatika o diksiyonaryong mabubuo ngayon ay tiyakang

mangangailangan ng rebisyon pagkatapos ng lima o sampung taón. Kaugnay nitó, dapat

ding pagbutihin ang pagbuo ng mga gramatika at bokabularyo sa ibá’t ibáng wikang

katutubo. Bahagi ito ng higit na sistematikong pangangalaga sa mga wikang katutubo, ng

pagsusúlong sa mga ito bílang wika ng panitikan, at ng higit na malinaw na paggámit sa

mga ito bílang bukal ng pagpapalusog sa Wikang Pambansa. Malaki ang papel ng SWK

ng KWF hinggil sa pagsasagawa ng ganitong mithiin bukod sa maaari itong gumanyak sa

mga lokalisadong inisyatiba.

Mga Pangunahing Alagad ng Wika

Wala ito sa mapang pangwika, subalit napakahalagang maituon ang limitadong lakas ng

pagpaplanong wika sa mga pangunahing tagapagpalaganap ng Filipino ngayon. Upang

maorganisa silá bílang nagkakaisang tinig at disiplinadong mga disipulo ng anumang

kailangang tuntunin at pagbabago. Dalawa ang pinakaepektibong tagapagpalaganap ng

Filipino ngayon: ang mga guro at ang naglilingkod sa ugnayang madla. Ang mga guro

sa batayang edukasyon ang tagahubog ng uri ng wikang isasaloob at gagamítin ng mga

kabataan. Ang mga peryodista at brodkaster ang tagapagbalita ng pagbabago bukod sa silá

rin ang tagapagpalaganap ng estandardisadong anyo ng pabigkas at pasulat na Filipino.

Kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng KWF at ng DepEd hinggil sa reedukasyon

ng mga gurong kasalukuyang nagtuturo at sa rebisyon ng mga materyales panturo.

Sa nakaraang panahon ng Surian at ng KWF, hindi naging obligado ang mga guro sa

pagbása at pagsunod sa mga manwal pangwika. Gayundin ang nangyari sa mga manunulat
Almario

33

at editor ng teksbuk. Nagresulta ito ng ilang problema túngo sa estandardisasyon. (1)

Sinasalungat mismo ng mga manunulat ng teksbuk ang simulain ng estandardisasyon. (2)

Kani-kaniyang estilo ng pagsusulat ang ipinasusunod. (3) May ilang mahalagang sangkap

sa wastong pagtuturo ng wika, gaya ng tuldik, ang kinaligtaan, samantalang inihilig ang

mga guro sa mga leksiyong panlingguwistika na hindi kailangan sa batayang edukasyong

pangwika. Sa gayon, kailangang palaganapin ang mga pundamental na simulain túngo sa

estandardisasyon sa hanay ng kaguruan. Bukod pa rito, kailangan ang pagpaplano ng higit

na epektibong paraan ng pagtuturo ng Filipino, lalo na sa mga pook na di-Tagalog.

Apektado din ng nabanggit na aktitud sa wika ang mga naglilingkod sa ugnayang

madla. Walang manwal sa estilo ang mga peryodiko at gayundin ang mga estasyon ng radyo

at telebisyon. Ni hindi sumasangguni sa isang mahusay na diksiyonaryo ang mga peryodista

at brodkaster. Samakatwid, kailangang makampanya ng KWF ang sektor na ito upang

maging mabisàng katulong sa pagpapalaganap ng isang pangkalahatang ortograpiya at ibá

pang manwal hinggil sa maayos na paggámit ng Filipino.

Maisasabay na sa ganitong kampanya túngo sa estandardisasyon ang pagbúhay

sa diwa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 sa hanay ng mga empleado at opisyal ng

gobyerno. Makabuluhan din ang pagbubukás ng diyalogo sa hanay ng mga malikhaing

manunulat upang akitin siláng tumulong sa estandardisasyong pangwika. Higit na

magaang ang pagtataas ng kampanyang pangwika kapag may matibay na pagkakaisa ang

ibá’t ibáng sektor ng lipunan sa ilalim ng pamumunò ng KWF. Walang modernong wika

ng karunungan na hindi muna isinaayos ang ortograpiya. Na nangangahulugan ding isang

makabuluhang kampanya ang estandardisasyon túngo sa higit na mabilis na kultibasyon

(intelektuwalisasyon o modernisasyon) ng Filipino.

Higit na Episyenteng Ortograpiya

Ang isinagawang reporma sa abakadang Pilipino, na naging 28-titik na alpabetong Filipino

nitóng 1987, ay isang makabuluhang instrumento sa nasyonalisasyon at modernisasyon

ng Wikang Pambansa. Pundamental na kasangkapan sa tinatalakay na mga pambansang

gampanin ang isang higit na episyenteng ortograpiya. Ang F, J, V, at Z ay kumakatawan

sa mga tunog na matatagpuan sa maraming wika ng Filipinas ngunit wala sa Tagalog at

ibáng malaki’t Kristiyanisadong wika. Samantala, ang naturang apat at ang C, Ñ, Q, at X

ay dagdag na mga titik upang higit na mabilis maipasok sa pagsulat sa Filipino ang mga

salitâng hiram sa banyagang wika. Kung bagá sa ekonomiya, ang mga dagdag na titik ay

pagluluwag sa importasyong pangwika, lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya at siyá

namang mithi ng modernisasyon.

Ang bagong lathalang Ortograpiyang Pambansa (2013) at Manwal sa Masinop na

Pagsulat (2014) ng KWF ay mga dagdag na instrumento upang higit na maitanghal ang

bisà ng alpabetong Filipino. Nakasaad mismo sa naturang proyekto ang di-tapos na misyon

sa pagbibigay ng kaukulang patnubay sa isang aktibo at nagbabagong wika. Pansamantala
34

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

ang bawat tuntunin ngunit nangangailangan ng higit na pagbubukás ng isip ng guro at

alagad ng wika upang unawain ang mga pagbabago.

Halimbawa, ang pagluluwag sa importasyong pangwika ay maaaring isagawa sa

pamamagitan ng tahasang paggámit sa orihinal na anyo ng isang hiram na salitâ hangga’t

hindi ito nasasalungat at nalalapastangan ang dati. O kayâ hanggang dumatíng ang panahon

na ireispel ito alinsunod sa palabaybayang Filipino o matumbasan ng isang likhang salitâ. Sa

Ortograpiyang Pambansa ay nakapaliwanag na isang taktika ito upang higit na mapabilis

ang modernisasyon at hindi maging sagwil ang maramihang paghiram para sa pagtuturo

ng makabagong agham at teknolohiya at produksiyon ng mga aklat at ibáng materyales

ukol dito. Subalit nangangahulugan din ito ng alterasyon sa dáting paraan ng panghihiram.

At pangunahing mahihirapang tumanggap ng pagbabago ang mga “Tagalísta” na nahirati

na sa reispeling na paabakada ng mga pangngalang pantangi. Kung tumututol silá sa anyo

ng “Filipinas” at sa paggámit ng “Filipino” upang ipantukoy din sa mga tao at kultura,

tiyak na ikamamangha nilá ang “Español,” “Americano,” at “Jesucristo.” Matagal bago nilá

maisasaloob ang lohika at pangmalawakang episyensiya ng ganitong pagbabago.

Kailangan ang masipag na pagsubaybay sa Filipino upang maging estandardisado

ito at maging modelo ng mga wikang katutubo. Subalit hindi dapat tumigil sa mga alagad

ng wika sa mga eksperimento upang higit na maging episyente ang ortograpiya nitó. Sa

tingin nga ni Johannes Aavik, pasimuno ng mga reporma sa wika ng Estonia, maaaring

maghalò ng mga bagong tunog upang lumikha ng mga bagong salitâ. Hindi ito gawain

ng mga makata lámang. Salitâ ang sentro ng wika at hindi kailangang hiram lagi ang

pampayaman sa bokabularyo ng Filipino. Maaaring mag-eksperimento sa mga bagong

konstruksiyong sintaktiko, paunlarin ang lawas ng mga panlapi, at—sapagkat karaniwang

pinupuna na mahabà ang salitâ at pangungusap sa Filipino—sikilin ang mabulaklak na

pangungusap, iwasan ang mapagparaming panlapi, tipirin ang gámit ng “ng” kung hindi

naman masisira ang kahulugan ng prase o pangungusap, atbp, upang higit na umangkop ang

Wikang Pambansa sa modernisadong (siyentipiko at teknikál) uri ng pahayag. Sa yugtong

ito ng kultibasyon, higit na kailangan ang isang payak, malinaw, at eksaktong pahayag kaysa

komplikado, elegante, at mahirap maintindihang pangungusap.

Mga Uri ng Modernisasyon

Dapat ding malinaw sa pagpaplanong wika ang nagaganap at ang dapat pang maganap

na kultibasyon ng Filipino. Araw-araw ay may nagaganap na pagbabago sa wika, lalo na

sa daigdig ng kulturang popular. Mabilis na pumapasok at tumitiim sa dila ng madla ang

mga imbento at hiram na salitâ na ibinobrodkast ng radyo at telebisyon at inilalathala ng

mga tabloyd. [Huwag kalimutan ang lakas ng internet sa makabagong kabataan.] Nagiging

modelo ang bigkas at bokabularyo ng mga sikát na artista, anawnser, at politiko, at malimit

ngayong pagmulan ng mga “di-kailangang” varayti at siyokoy.

Ang pagsubaybay at disiplina sa wika ng kulturang popular ang isang mahigpit na

hámon sa pagpapalaganap ng isang estandardisadong modernong wika.
Almario

35

Samantala, dapat pasiglahin ang modernisadong Filipino para sa mga diskursong

akademiko. Noon pa inirereklamo, halimbawa, kung bakit hindi ginagámit ang Filipino

sa hukuman. Hindi ito maaaring biglang mangyari ngayon. Kahit noong panahon ng

Americano at sa kabilâ ng mabilisang paglalatag ng isang sistema ng pambansang edukasyon

sa Ingles ay hindi agad naganap ang pagpapalit ng wika ng hukuman mulang Español. Sa

halip, nagtakda ng palugit na ilang dekada bago sapilitang ipinagámit ang mga kodigo ng

batas na nakasulat sa Ingles. Nangangailangan ng ganitong matagalang plano ang pagsasa-

Filipino sa mga wika ng dominyo ng kapangyarihan at larang akademiko.

Hindi ito naisaad sa alinmang batas na nagtataguyod sa paggámit ng Filipino. Ni

walang takdang panahon ang pagpapahayag sa Wikang Pambansa ni Pangulong Quezon

kung kailan inaasahang katuparan ng pangarap na opisyal na wika ng pamahalaan at wika

ng edukasyon ang Tagalog. Sa 1987 Konstitusyon, hindi tinakdaan ang Kongreso kung

hanggang kailan maghihintay bago ipahayag ang Filipino bílang nag-iisang opisyal na

wika ng komunikasyon at instruksiyon. [O bakâ wala ito sa isip ng sinuman sa ating mga

mambabatas?] Kung gayon, kasáma sa adyendang pampolitika ng pagpaplanong wika ang

mga hakbang upang gisíngin ang mga lider politiko hinggil sa tungkuling ito.

Salamin lámang ang ating ordinaryong mga mambabatas ng malaganap na

pagbalewala ng buong dominyo ng kapangyarihan sa kabuluhan ng Wikang Pambansa.

Mababà ang tingin nilá sa Filipino; sa tingin nilá hindi kailangan ang wikang Filipino sa

búhay ng mga Filipino. At narito ang isang problema na dapat harapin sa pagpaplanong

wika: Kailangang patunayan ng Filipino na makabuluhang kasangkapan ito sa pambansang

kaunlaran. Pangunahing susi dito ang mabilisan at malawakang pagdevelop sa Filipino

bílang Wika ng Karunungan, lalo na bílang wika sa ibá’t ibáng diskursong akademiko.

Hindi dapat mapiit ang Filipino sa bartolinang pinagsadlakan ng patakarang bilingguwal

sa edukasyon. Ang ibig sabihin, hindi ito dapat manatíling wika lámang ng panitikan,

humanidades, at agham panlipunan. Kailangang makalabas ito ng bartolina upang maging

wika din ng agham, matematika, at makabagong teknolohiya.

Filipino: Wika ng Karunungan

Paano isasagawa ang modernisasyong akademiko? Nangangailangan ito unang-una ng

pagbabago ng pananaw sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Ang ibig sabihin,

kailangan ang paradigm shift sa hanay mismo ng mga alagad ng wika sa mga kolehiyo

at unibersidad. Ang mga programa sa mga kagawaran ng Filipino ay pawang biktima ng

patakarang bilingguwal sa edukasyon at kayâ limitado sa paghahandog ng kaalaman at

kasanayán sa wika, panitikan, at agham panlipunan. Kailangan, sa gayon, ang ribyu ng mga

direksiyon ng programa at nilalamang kurikular upang makapagbukás ng malaking espasyo

sa pagtuturo ng ibáng disiplina gámit ang Filipino. At nangangahulugan ito ng re-bisyon

ng layunin ng edukasyon sa Filipino, ng dagdag na kasanayán at kaalaman para sa mga

propesor sa Filipino, at ng rebalidasyon ng Filipino sa buong gawaing akademiko.
36

Nasyonalisasyon at Modernisasyon ng Filipino

Kaugnay nitó ang mahigpit na pakikipagtulungan sa CHED (at maging sa TESDA)

upang maipanukala ang mga kaukulang pagbabago sa pagtanaw sa Filipino bílang Wika

ng Karunungan. Hindi maaaring ipag-utos agad ang paglilipat ng wikang panturo mulang

Ingles túngong Filipino. Kailangan ang sistematikong preparasyon. Pangunahing dapat

ihanda ang (1) reoryentasyon ng mga propesor sa ibá’t ibáng disiplina upang magsanay sa

paggámit ng Filipino, at (2) produksiyon ng mga aklat at materyales panturo sa ibá’t ibáng

larang akademiko at nakasulat sa Filipino.

Kaugnay ng naturang pangunahing gampanin, kailangan ang kaukulang kampanya

katulong ang ugnayang madla upang ibukás ang kalooban ng mga pinunò ng mga

kolehiyo’t unibersidad at akitin ang pakikiisa ng mga propesor. Kailangan ang isang hukbo

ng tagasalin para sa produksiyon ng mga teksbuk at sangguniang aklat. [Narito ang isang

malaking rationale para magtatag ng isang Pambansang Sentro o Kawanihan sa Pagsasalin.]

Kailangan siyempre ng mga kaukulang insentibo—grant, iskolarsip, premyong salapi,

gawad parangal, atbp—para sa mga indibidwal at institusyong magpakíta ng inisyatiba

at magandang proyekto para sa modernisasyong akademiko ng Filipino. Kailangan ang

malaking pondo para sa lahat ng ito at kailangan ang mga malikhaing estratehiya upang

makalikom ng salaping sasapat sa mga nabanggit na gawain.

Sa kabilâ ng inaasahang mga balakid, napakahalaga ang pagpaplanong wika

upang maihanay ang mga takdang gawain sa bawat takdang panahon at mapasimulan

ang sáma-sámang pag-iisip at pagkilos ng mga alagad ng wika túngo sa pangkalahatan at

pangmatagalang misyon ng Filipino—nasyonalisasyon at modernisasyon. Kailangan ang

patnubay sa pagkilos ng bawat isa. Hindi tulad ngayong natatapos ang mga kumbensiyon

at kumperensiya sa mga himutok dahil sa pagwawalang-bahala ng mga mariwasa at

makapangyarihan. Ang totoo, at maaaring mangyari, kapag may malinaw na plano para

sa nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino ay bakâ makumbinsi din ang mga

dominyo ng kapangyarihan upang tanggapin ang kabuluhan ng Wikang Pambansa para sa

pagkakaisa at kaunlaran ng Filipinas. Sapagkat sa totoo lang, ang pagpaplanong wika ay isa

lámang pagsisikap na makaimpluwensiya nang higit na mabilis, nang higit na organisado

at sistematiko, sa pinakamalaking bílang ng tao sa lahat ng sektor ng lipunan.

At dapat ding ipahayag: hindi ang nasyonalisasyon at modernisasyon ng wikang

pambansa ang pangwakas na lunggati ng pagpaplanong wika para sa wikang Filipino.

Hindi rin ang pagsusúlong ng Filipino bílang Wikang Pambansa. Deklarado nang Wikang

Pambansa ang Filipino sa 1987 Konstitusyon. Ang higit na makabuluhang mithi ay ang

higit na malinaw na pagkilála at pagpapatupad sa isa pang tadhana ng Seksiyon 7, Artikulo

XIV ng Konstitusyon na:

For purposes of communication and instruction, the official languages of the

Philippines are Filipino and, until otherwise provided by law, English.

Ang sabi ng Konstitusyon, isa sa dalawang “wikang opisyal” ang Filipino. Kasáma ng

Filipino ang Ingles bílang “wikang opisyal,” at may pasubali pa, na mangyayari lámang ito

hanggang sa panahong ipasiya ng Kongreso na alisin ang Ingles. Ngunit ano ang umiiral?
Almario

37

Sa katotohanan, ang umiiral ay ang kabaligtaran ng nakasaad sa Konstitusyon.

Bakit?

Sapagkat sa katotohanan, Ingles ang naghaharing “wikang opisyal” sa pamahalaan

at itinuturing na ikalawang wika at pansalin lámang ang Filipino. Nása Ingles ang lahat ng

opisyal na dokumento sa dominyo ng kapangyarihan, sa pangunguna ng lahat ng sangay ng

gobyerno, at nagkakaroon lámang ng opisyal na bersiyon sa Filipino kapag isinalin mulang

Ingles.

Ano ang halaga ng Wikang Pambansa na hindi naman Wikang Opisyal? Ang

praktikang pangwika sa dominyo ng kapangyarihan ay tahasang sumusuway sa atas

ng Konstitusyon. Ito ang malaking hadlang sa pagpapatupad ng EO No. 335. Kung

susundin ang 1987 Konstitusyon, kailangang bilingguwal kahit paano ang bawat opisyal

na dokumento: nása Filipino at nása Ingles, magkapantay na mga orihinal, at kapuwa

mapagbabatayan ng legal na interpretasyon at desisyon. Ngunit uulitin ko, malinaw na

sinusuway ng dominyo ng kapangyarihan ang tadhana ng Konstitusyon. At bunga ito

ng mapangmaliit niláng impresyon sa Wikang Pambansa. Ang tinalakay na panukalang

planong wika, sa gayon, ay may lunggating nasyonalisasyon at modernisasyon ng Filipino

upang igálang ito ng dominyo ng kapangyarihan bílang wika ng karunungan at kaunlaran

at, sa wakas, upang gamítin itong Wikang Opisyal sa gobyerno, sa hukuman, sa batasan,

sa negosyo’t pagbabangko, sa mga eksameng propesyonal, at sa mataas na edukasyon. Bakâ

nga ipasiya pa niláng mariwasa’t makapangyarihan, sa ngalan ng pagtitipid, na iwaksi na

ang Ingles bílang wikang opisyal at isa-Ingles lámang ang opisyal na dokumento sa Filipino

kung kailangan ang salin para sa mga dayuhan.

TALA: Ang “Modernisasyon at Nasyonalisasyon” ni KWF Tagapangulong Virgilio S. Almario ay inilathala

ng KWF bílang bilingguwal (Ingles at Filipino) na polyetong babasahín na Pagpaplanong Wika at Filipino

noong 2015.
Ang isinasailalim sa pagpaplano'y isang

buháy na wikang nangangailangan ng

ibayong pagpapainam...upang higit

na maging mabisàng instrumento ng

2pagbabago
Ponciano B.P. Pineda

PAGDEVELOP NG WIKA AT EDUKASYONG PANGWIKA

Usapin Blg. 1 Ang gámit sa Tagalog bílang wikang pambansa, laban sa

panukalang magdevelop ng isang pinaghalong wikang pambansa mula

sa mga pangunahing bernakular (ipinagpapalagay na Tagalog, Sebwano,

Ilokano, Waray, Bikol, at ibá pang pangunahing wika)

Sa legal na paliwanag, Tagalog ang batayan ng wikang pambansang nadevelop alinsunod

sa probisyon ng Batas Komonwelt Blg. 184, na nagpapatupad ng mandatong pangwika

ng 1934 Konstitusyon. Sa atas administratibo noong 1959, ang wikang pambansa na

batay-sa-Tagalog ay naging “Pilipino.” Ang katawagang ito ay ipinantutukoy sa alinman

sa mga ekspresyong “Wikang Pambansa,” o “Wikang Pambansa ng Filipinas,” o “Wikang

Pambansang Pilipino,” o “Pilipino,” mga nomenklaturang ginagámit ng ibá’t ibáng

institusyon bago ang 1959. Isa sa mga layunin ng atas ay iwasto ang paratang na ang wikang

pambansa ay “walang ibá kundi purong Tagalog.” Sa katunayan, hanggang sa puntong ito,

ang isang grupo sa pangunguna ni Demetrio Quirino Jr ay nagpipilit na ang Pilipino ay

100% Tagalog pa rin, na walang ibáng layunin kundi ang manligáw.

Ang bagong Konstitusyon (1973), sa kabilâng bandá, ay naglalayong “magdevelop

ng isang wikang pambansa na kikilaláning Filipino.” Ipinahahayag din ng naturang

Konstitusyon na ang Pilipino (ang wikang pambansang batay-sa-Tagalog), kasáma ang

Ingles, “ang magiging wikang opisyal…hangga’t walang itinatadhanang ibá ang batas.”

Ang mga tagasúlong ng Filipino ay lumikha ng isang wikang ideal na bubuuin o

lilikhain sa pamamagitan ng isang konglomerasyon ng lahat ng umiiral na mga katutubo

at banyagang wika sa bansang ito. Minsan ang katawagang gámit sa paglarawan ng

“pinaghalong wikang pambansa” ay “amalgama” o “amalgamasyon” ng lahat ng mga wika.

Sa proseso ng paglikha at/o amalgamasyon ng lahat ng mga wika sa pagbuo ng

Filipino, nais ng mga proponent ang isang patas na kontribusyon sa paraan ng persentahe

(mula sa bawat wika batay sa populasyon) ng mga elementong lingguwistiko sa nibel ng

ponolohiya, gramatika (morpolohiya, morpoponemiko, at sintaksis), at leksikon.

Kung kayâ, lumilitaw ang sumusunod na tanong: Gaano, at kailan, hahanguin ang

mga bahagi ng pananalitâ ng isang wika? Dapat bang isáma ang lahat ng pekulyaridad ng

mga tunog, diin, at intonasyon ng bawat wika? O kailangang isakripisyo ang ibá para sa
40

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

preperensiya? Alin sa mga nagsasalungatang sistema ng paglalapi—halimbawa Tagalog,

Sebwano, Ilokano, Pampango—ang dapat na gamítin? Paano at gaano katagal na maisusulat

ang panitikan ng naturang wikang sintetiko at maging bahagi ito ng búhay at kultura ng

isang di-umiiral na komunidad ng mga tagapagsalitâ (ang komunidad ng pinaghalong

wikang pambansa)?

Ang gayong uri ng wika ay walang ugat; walang masasabing tagapagsalitâ. Walang

retorika ni idiyoma; walang panitikan. Ang Filipino, na umusbong sa gayong sistema ng

inhenyeriyang pangwika ay walang kultura. Nakatakda itong mabigo gaya ng Esperanto,

Volapuk, at ibá pang wikang artipisyal.

Sa kabilâng bandá, nagdevelop nang malayo at malawak ang Pilipino mula sa

nanayunin at masunuring Tagalog sa pagsisimula ng proyekto para sa pagdevelop ng wikang

pambansa, túngo sa isang masigla at kosmopolitang wika sa kasalukuyan. Ang Pilipino ang

naging midyum ng Pop-Tech na lumalaganap nang walang tulong sa sistema ng edukasyon

lalo sa tinatawag na paaralang teknikál na yamot sa paggámit ng Pilipino sa matematika,

agham, at teknolohiya. Nagsimula ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa mga paaralan sa

pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal, kahit pa sa matamlay na pagpapatupad nitó. Ang

pagpipilit na ang Pilipino ay 100% Tagalog ay pagbubunyag ng malinaw na kamangmangan

sa kalikasán ng isang buháy na wika.

Ang posisyon ng mga kampeon ng multilingguwal-na-Filipino ay hindi sinususugan

ng kasaysayang pangwika. Ni hindi ito mapananatíli ng lohika at praktika. Walang mahusay

na iskolar o edukador na magsasagawa ng gayong kalokohang ipinangangalandakang

mainam at dakila ng mga anti-Pilipino.

Ang “paghahalo” o “amalgamasyon,” kung mayroon nga nitó, ay makikítang resulta

ng pagpapayaman at pagpaparami ng bokabularyo, at sa gramatika sa ilang pilîng kaso. Ito

ang naganap, at patuloy na nagaganap, dahil dinamiko ito, sa Ingles, Niponggo, Russian, at

ibá pang mauunlad na wika.

Mayroong isang mahalagang pagdevelop na nais naming itawag sa inyong pansin.

Ito ang paghain sa Batasang Pambansa ng Parliamentary Bill No. 7199 na inakda ni

MP Pacificador at sampu pang MPs. Ang panukalang ito ay pagpapaliwanag ng idea ni

Demetrio Quirino Jr. Ang interesante sa panukalang-batas ay ang probisyong nagsasaad

na: “The Commission shall take steps to develop a common national language to be known

as Filipino with Pilipino as the nucleus…” (Sek. 7). Ang katwiran sa pagkambiyo ng mga

nagpanukala kasáma sina Quirino Jr at Co. ay nasasaad sa talâng paliwanag ng panukalangbatas,

na: “To hasten the development of the national language, Pilipino has to be the nucleus

because it is now widely spoken and it is estimated that at least one-half of our population

can articulate in Pilipino.” (Amin ang diin.) [Tala: Ang estadistika, hindi kinakailangang

mula sa SWP, ay nagpapakíta na mahigit 77% ng mga Pilipino ang nakauunawa at

nakapagsasalitâ ng Pilipino.]
Pineda

41

Hanggang doon lámang ang kainaman ng panukalang-batas. Ang ibáng probisyon

ay sumisikil sa pagdedevelop, pag-iintelektuwalisa, at pagpapalaganap ng “Filipino with

Pilipino as nucleus.” Sa katunayan, layon ng Parliamentary Bill No. 7199 na isabatas ang

Ingles bílang “perpetual national and international language of the country,” at bílang “sole

medium of instruction in the whole educational system more particularly in the tertiary

level.” (Sek. 7-8)

Mainam na pagpunyagian ang wikang “Pilipino bílang nukleo.” Ito ang aming

matagal nang sinasabi. Praktikal ito, isang realistikong pagdulog sa Filipino (i.e. kung ang

prinsipyo ng kultibasyon ng SWP ang susundin). Ang “handog” na ito ang susubok sa

sinseridad ng mga nagpanukala. Nais ba talaga nating magkaroon ng isang katutubong

wikang pambansa? Kung gayon, magkaroon táyo ng mabuting pagtitimbang ng politika,

siyensiya, at praktikalidad. Kailangan táyong humango ng inspirasyon mula sa mga tagumpay

sa kasaysayan sa wika sa halip na mula sa gilalas ng malinaw na kabiguan sa eksperimento

sa unibersal na wikang sintetiko, wala táyong mararating sa mga mitolohiya at kakatwang

paniniwala. Magiging mabunga kung isasaalang-alang nating ang wika ay isang dinamiko’t

buháy na organismo na may sariling pamamaraan.

Usapin Blg. 2 Ang pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog bílang

midyum ng instruksiyon hábang hinihintay ang pagdevelop ng isang

pinaghalong wikang pambansa.

Ipinapakahulugan namin ang “rekonsiderasyon” bílang posibleng pagbubura ng Pilipino—

hindi Tagalog—bílang midyum ng instruksiyon sang-ayon sa atas ng D.O. No. 25, s. 1974

na tumutupad sa diwa ng NBE Resolution No. 73-7.

Napakarami nang oras at lakas ang ibinuhos sa programang bilingguwal. Nagdevelop

na ng mga materyales panturo, sanáy at/o muling-sinanay na ang mga guro. Pinahusay din

ang mga BSSED at ang BSE kurikulum at programa sa elementarya at sekundaryang

paaralan upang tugunan ang mga pangangailangan ng programang bilingguwal na may

layon na “magdevelop ng isang bilingguwal na bansang kompetente sa Ingles at Pilipino.”

Ang kailangan sa puntong ito ay hindi ang pagbasura sa Pilipino bílang midyum

ng instruksiyon, sa halip ay ang ganap, wasto, at hustong pagpapatupad ng patakaran sa

edukasyong bilingguwal, na halos nanatíling isang “patakaran sa papel” lámang pagkaraan

ng 11 taóng pagpapatupad nitó.

Di-makatwirang isantabi ang programa sa paggámit ng Pilipino bílang midyum

ng instruksiyon sa ilang pilîng asignatura, hábang kasalukuyan ang Filipino ay binubuo o

nililikha sang-ayon sa isang teoryang walang-saysay.

Ipinaliwanag na namin sa Usapin Blg. 1 ang suliraning kinakaharap ng alkimiya ng

paglikha ng Filipino. Dahil, kahit sabihing alang-alang sa katwirang ang Filipino ay nilikha

sa pamamagitan ng isang lubos na sopistikadong teknolohiyang lingguwistiko, ang wikang

iyon ay hindi magkakaroon ng mga tagapagsalitâ simula’t simula. Natitiyak namin na kahit
42

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

ang mga inhenyero ng Filipino, pagkaraan ang maraming taón ng pagsusumikap, ay hindi

gagamítin ang wikang kaniláng pinagsáma-sáma. Tulad ng naipaliwanag na sa naunang

bahagi, kailangang balangkasin ang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang masinsing

diksiyonaryo, kailangang idevelop ang kakatwang idiyoma at retorika.

Kailangang mag-ingat táyo sa mga mungkahi niláng tumutuligsa sa papausbong na

wikang Pilipino. Sinasabing ang Pilipino ay walang kakayahang maglingkod sa matataas

na akademikong asignatura at/o disiplina. Sinasabing ang mga detraktor mismo ang hindi

nakapagdevelop ng kaniláng kompetensi sa wika, sa halip na ang Pilipino na, sa kabilâng

bandá, ay nagpamalas ng pagkamalikhain, kapangyarihan, at silbi nitó. Ang pagbigyan ang

mga demand ng mga kaaway ng Pilipino ay pagpapatihulog sa patibong ng paggupo sa

isang wikang pambansa.

May isa pang mahalagang puntong isasaalang-alang. Ang isang wikang pambansa

na idedevelop bílang nasyonal o supra-etnikong wika, tawagin man itong Filipino o anuman

sa isang lehislatibong atas, ay kailangang magagámit sa antas pambansa, isang mapauunlad

na wika, at mapayayaman sa linguistic progression. Ang wikang karapat-dapat sa posisyong

ito ay ang yumayabong na Pilipino.

Panghulí, ang kompetensi sa Ingles ng mga mag-aaral ay hindi mapabubuti sa

pamamagitan lámang ng pagtatanggal ng Pilipino. Ang pagpupunyaging pahusayin ang

Ingles ng ating kabataan ay kinakailangang maláy sa kasalukuyang realidad. Mayroon

táyong tinatawag na kalayaan, kasarinlan!

Usapin Blg. 3 Ang muling pagsaalang-alang sa paggámit ng Tagalog

bílang midyum ng instruksiyon kaugnay ng paghina ng kakayahan ng

mga mag-aaral na makipagtalastasan sa Ingles.

Ipinapalagay nitóng ang mga mag-aaral ay napakahusay sa wikang Ingles bago ang

pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal. Walang sapat na saliksik na

sumusuporta dito.

Alam ng lahat ng nása edukasyong hindi pa ganap na naipatutupad ang programang

bilingguwal. Paano ito sisisihin sa ipinagpapalagay na paghina ng kakayahan ng mga magaaral

na makipagtalastasan sa Ingles?

Marahil mahalagang suriin ang apat na baryabol sa pagkatuto sa wika, viz,

metodolohiya, distansiyang sosyal, salik pangguro, at aktitud. Isa-isahin natin ang mga ito.

Una, paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan? Anong metodolohiya ang gámit

sa pagtuturo ng Ingles? Marahil dapat na muling suriin at rebisahin ang metodolohiya

upang umangkop sa pangangailangan ng mga kasalukuyang mag-aaral na Filipino. Kung

depektibo ang metodolohiya, hindi maaaring asahang matututo ang mga mag-aaral sa

banyagang wika.
Pineda

43

Ikalawa, banyagang wika ang Ingles. Ngunit inaaral ito bílang unang wika, ibig

sabihin, inaaral ito sa Filipinas na may ibáng kaligirang sosyo-kultural kompara sa lugar na

katutubong sinasalitâ ang Ingles. Ang pakikihalubilo o pakikipag-usap sa mga gumagámit

ng target na lengguwahe bílang unang wika ay isa ring salik sa pagtatamo ng kompetensing

komunikatibo sa wikang inaaral, i.e., Ingles para sa mga Filipino. Nahahadlangan ang

kahusayang komunikatibo sa Ingles ng nakararaming Filipino dahil hindi pinahihintulutan

ng sitwasyon.

Ikatlo, mismong ang mga guro ay nangangailangan ng pagpapahusay ng kaniláng

kompetensi sa Ingles. Upang makapagturo ng anumang wika, kinakailangang mahusay ang

mga guro sa wikang iyon. Sa kasawiampalad, isang katotohanang ang ilan, kung di man

ang karamihan, sa mga guro sa Ingles sa bansa ay hindi mahusay na nakapagsasalitâ sa

Ingles; kayâ hindi silá makapaglaan ng isang modelo ng kompetensing kailangan ng mga

estudyante upang mahusay na matuto sa Ingles.

Pinakahulí, mahalaga ang aktitud sa pagkatutong pangwika. Kinakailangang

ganyakin ang mga estudyante na matuto ng Ingles na, sa kasawiampalad, walang gámit sa

labas ng klase.

Sa kabilâng bandá, madalîng matutuhan ang Pilipino hindi lámang sa mga paaralan

kundi maging sa labas nitó. Wika ito ng midyang pangmadla at ng entertainment. Wika

itong ginagámit sa mahigit 5,000,000 magasing komiks na kinokonsumo linggo-linggo

ng taumbayan. Pilipino din ang wika ng pelikula na pinanonood ng mga tao sa buong

Filipinas.

Gayundin, madalîng iangkop ang Pilipino dahil nagtataglay ng maraming

pagkakatulad sa ibá pang wika sa Filipinas sa antas ng ponolohiya, gramatika, at leksikon.

Natural na napagtitibay ang Pilipino sa labas ng paaralan.

Kung “humina” sa Ingles ang mga estudyante, gaya ng sinasabi, hindi dahil mahusay

na ngayon sa Pilipino ang mga kabataan. At kung magkagayon nga, tanging ang mga utakkolonyal

na edukador ang desmayado sa sitwasyong ito.

Bakit ipinipilit ng ilang tao na manatíli ang Ingles bílang tanging midyum ng

instruksiyon, gaya noong panahong kolonyal? Dahil ba napagtanto niláng nakapagpapalaya

ang wika, at kasangkapan din sa pang-aalipin? Ano na nga ba ang nalikha ng ating

edukasyong maka-Ingles? Murang paggawa para sa eksport? Propesyonal o empleadong

teknisyan para sa mga kompanyang banyaga at multinasyonal?

Kapuwa sinira ng Ikalawaang Digmaan ang Taiwan at Korea. Ngunit tingnan

ang kaniláng pagbangon, hindi dahil sa Ingles, kundi sa di-paghahari’t halos di-pag-iral

ng Ingles sa mga bansang ito. Napag-iwanan na nilá ang mga Filipino sa pagdevelop

ng ekonomiya. Malinaw na pinabubulaanan nitó ang paniwalang taglay ng Filipino ang

bentahang kompetetibo sa mga Korean at Chinese dahil sa kakayahan ng Filipino sa Ingles.
44

Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika

Usapin Blg. 4 Mga dulog sa “intelektuwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang

gámit nitó sa malalawak na kaalaman upang ang táong nagsasalitâ

lámang sa Tagalog ay hindi mahihirapan sa pagbása ng mga aklat sa

anumang sabjek na interes niya.

Mayroong isang batayang kahingian sa intelektuwalisasyon ng anumang wika, at iyon

ang paggámit ng wika sa akademya at sa mga araling iskolarli. Upang maintelektuwalisa,

kailangang magámit ang Pilipino bílang midyum sa pagtuturo at pagkatuto hindi lámang sa

antas elementarya at sekundarya, kundi maging sa tersiyarya din, sa ibá’t ibáng disiplina lalo

sa matematika, siyensiya at teknolohiya, sa humanidades, at sa mga sining. Sa kasawiampalad,

ipinapanukala ng ilang sektor na tanging ang Ingles ang gamítin sa antas tersiyarya, kayâ

hinahadlangan ang pagkakataón ng Pilipino upang itaguyod ang sarili nitó. Isang opisyal

na utos ang Atas Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 na pumigil sa intelektuwalisasyon ng

Pilipino sa buong panahon na ipinatutupad ito. Ipinag-utos na ang matematika at siyensiya

ay maging ekslusibong larang ng Ingles.

Ipinapataw ng ilang edukador na maintelektuwalisa muna ang Pilipino bago ito

gamítin bílang midyum sa pagtuturo, nang hindi natatantong ang anumang buháy na wika

ay maiintelektuwalisa lámang sa pamamagitan ng isang malawakang paggámit nitó sa lahat

ng posibleng dominyo. Ang subok-sa-panahong prinsipyo sa lingguwistika na “pagdevelop

ng wika sa paggámit nitó” ay nananatíling totoo.

Nangangailangan ang intelektuwalisasyon ng Pilipino ng paggámit ng wikang ito sa

orihinal na saliksik at pag-aaral, sa lahat ng antas ng akademya, sa pagsasalin, at sa orihinal

na malikhaing gawain. Nananawagan ito ng malawakang produksiyon ng mga aklat,

magasin, pamplet, brosyur, at ibá pang babasahín sa wika. Kapag nalikha na ang demand

para dito, matutulungan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa pagpoprodyus ng mga

kinakailangang aklat. Masusuportahan ng gobyerno ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa

pag-aatas ng paggámit ng Pilipino sa lahat ng antas. Hindi lámang iyon. Dapat maglaan ito

ng pondo para sa mga proyektong idinisenyo para maintelektuwalisa ang Pilipino. Maaari

nating banggitin ang semi-ensiklopedikong Pupil’s Handbook sa Pilipino na inihahanda

at pinopondohan ng MECS, at ang Junior Encyclopedia of Science sa Pilipino na dinevelop

at inilathala ng NSTA. Idagdag pa dito ang mga materyales sa teknolohiyang popular sa

Pilipino na ipinamamahagi sa madla ng Technology Resource Center ng University of Life.

Usapin Blg. 5 Ibá pa

Suporta ng gobyerno sa mga hakbang para sa pagdevelop ng wikang pambansa. Sa ibáng

bansang ASEAN na tulad sa atin ang suliraning pangwika, gaya ng Malaysia at Indonesia,

nagbibigay ng ganap na suporta ang gobyerno sa ahensiyang may atas na magdevelop at

magpalaganap ng wikang pambansa. Sa mga nabanggit na bansa, ang ahensiyang pangwika

ay lumilikha ng mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa pamamagitan ng mga batas.

Sa ating kaso, hindi binibigyan ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ng
Pineda

45

ganap na suportang moral at pagganyak na kailangan nitó. Sa maraming pagkakataón, ang

natatanggap nitó ay insulto at kabiguan sanhi ng makasariling motibo, kamangmangan,

at balighong hálagáhan at prehuwisyo. Nakalulungkot sabihing mismong ang MECS

ay walang ganap na suporta. May dalawang pagkakataón: may kalabuan ang ibá’t ibáng

kautusang sinasabing suporta sa patakarang bilingguwal sa edukasyon at sa gayong kalikasán

ay nagpapahintulot ito ng tahasang paglabag; nása Ingles lámang ang letterhead ng MECS,

isang paglabag sa Pampanguluhang Memorandum Sirkular Blg. 172, na pinagtibay noong

27 Marso 1968.

Kakulangan sa pondo. Paulit-ulit na hadlang sa SWP ang kakulangan sa pondo. Kayâ

ang mga natapos nang proyekto ay hindi nagiging available sa mga target audience dahil

napupunta sa sahod ng mga empleado ang malaking bahagdan ng badyet ng opisina.

Mahalaga ang mga diksiyonaryo at ibá pang katulad na kasangkapang pangwika.

Ngunit hindi makabili ang SWP ng kinakailangang teknolohiya, tulad ng computer, upang

tumulong sa paggawa ng diksiyonaryo at katulad na gawain.

Re-ebalwasyon ng sistema ng edukasyon. Nalikha sa higit tatlong daang taón ng pagkaalipin

sa mga mananakop ang suliraning pangwika sa Filipinas. Binigyan táyo ng America ng

“mis-edukasyon” gaya sa wika ng historyador na Renato Constantino, na kontrolin ang

ating bansa at gawin táyong tagakonsumo at tagagámit ng kaniláng mga produkto hábangbúhay.

Hindi uusbong ang lahat ng usaping ito ukol sa ating wika kundi dahil sa ating

kolonyal na pag-iisip na ipinataw sa atin ng ating edukasyon. Panahon na upang muli nating

suriin ang sistema ng edukasyon sa Filipinas. Ilapat natin ito sa idyosingkrasiya, karakter,

pangangailangan, ideal, at lunggati ng ating malalaya at nakapagsasariling mamamayan.

Salin ni Kriscell Largo Labor

TALA: Ang “Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika” ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na

“SWP Direktor Ponciano BP Pineda’s Analysis of Certain Issues on Language Development and Language

Education Raised By Then MECS Minister Jaime C. Laya” na may petsang 13 Nobyembre 1985. Lumabas

ang artikulo bílang Apendiks C sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulíng Isa’t Kalahating

Dekada (1970 – 1987) at inilathala ng SWP.
Ponciano B. P. Pineda

PAGPAPLANO NG WIKA UKOL SA PAMBANSANG

PAGSÚLONG

ANG TERMINOLOHIYANG “pagpaplanong wika” (PW) ay unang ginámit ni Haugen

noong 1959. Bago ito, noong 1953, ang pagsisikap ni Assen na makalikha ng bagong

wikang Norwegian ay tinagurian ng ekspresyong metaporikal na “pag-aalsang pangwika”

(“linguistic revolt”). At lalo pang una kaysa rito ang mga katawagan sa Czech na ginámit ng

Prague School noong mga ’30.

Ang terminolohiyang ito ay nagsimulang maging popular sa mga deskriptibista sa

Filipinas nitó lámang hulíng yugto ng dekada ng mga ’70. Gayunman, ang katotohanang

ito’y hindi nangangahulugang walang pagpaplano ng wika sa Filipinas kailanman.

Ang Batas ng Wikang Pambansa

Kung susuriin natin ang Batas Komonwelt Blg. 184, ang batas na lumikha sa Surian ng

Wikang Pambansa (SWP) at nagtakda ng mga tungkulin at kapanagutan nitó, mapagsisino

ang hugis ng planong naaangkop sa patakarang pangwika—ang pagpilì ng isang umiiral na

katutubong wika na mapagbabatayan ng lilinanging wikang pambansa (WP). Ito’y nilinaw

noong Mayo 1937 ni Mahistrado Norberto Romualdez, ang ama ng Batas ng WP. Ang

sabi niya:

The three factors in the formation of the Greek national language are present

in our actual case: firstly, the necessity of a national language; secondly, official

support; and thirdly, the possibility of finding a native dialect which is sufficiently

developed and which will satisfy the exigencies of a national language.

The execution of the plan is placed mainly in the hands of the Institute created

by law as the technical body.

The work of the institute comprises three steps: preparation, development, and

supervision as outlined in the National Language Act No. 184. (Note: Emphasis

mine)
Pineda

47

Para sa layunin ng pagtalakay na ito ang tatlong terminolohiyang italiko ay

tinutumbasan namin ng Paghahanda, Paglilinang/Pagpapaunlad, Pamamanihala, ayon

sa pagkakasunod-sunod. Ang tipolohiya ng pagpapasiyang ito sa suliraning pangwika

na inilahad ni Romualdez, na tinatagurian naming Modelo ng SWP, ay may ganitong

representasyong grapiko:

Pigura 1. Tipolohiya ng Pagpapasiyang Pangwika ng SWP

Ang tipolohiya ni Haugen, 1966, ay ganito:

Initiation

Implementation

Linguistic form 1. Selection of norm 2. Codification of norm

Linguistic function

3. Elaboration of function

4. Acceptance by intended

population

Pigura 2. Tipolohiya ng Pagpapasiyang Pangwika ni Haugen (1966)

Ang mga aytem 1 at 2, sa tipolohiya ni Haugen ay napapaloob sa Paghahanda

ng SWP; ang 3 ay sa Paglilinang/Pagpapaunlad; at ang 4, ay isa sa mga komponent ng

Pamamanihala.

Lalong malapit sa eskema ni Jernudd ang modelo ng SWP. Ganito ang

representasyong grapiko ng tipolohiya ng pagpapasiyang pangwika ni Jernudd (1971):

Pigura 3. Tipolohiya ng Pagpapasiyang Pangwika ni Jernudd (1971)
48

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

Tungkol sa kinalabasan ng mga unang hakbang sa implementasyon ng plano, narito

ang pahayag noong 30 Disyembre 1939 ng kauna-unahang Direktor ng SWP, si Jaime C.

de Veyra:

Tagalog has been elected (it has been taken) as the language-type, the

language-nucleus, the language-axis, the language-soul.

Proceed to put on particles and words, go on adding and mounting up more

terms, and although the purpose has been originally to cast various materials

over the forge in order there from to fashion a new product, of distinct purity

and splendor, the basal element, the sediment, the seed, the leaven what you

will becomes manifest at the surface, it develops, it permeates everything. And

the outcome? The Tagalog language embellished with all the jewelry of her

sister-languages—the princess invested and adorned by her own handmaidens.

This is a case of the conqueror herself conquered.

Ang pangalawa (Paglilinang/ Paghahanda) at pangatlo (Pamamanihala) sa tungko

ng tipolohiya ng SWP ay magkaalinsabay sa pagpapairal kung mamalasin sa obhetibong

pananaw ng isang sayantist ng wika. Sa patnubay ng ganitong plano ng WP ay umigpaw

nang napakatayog hanggang sa ito’y inambilang “Pilipino” (PIL).

Ang tagumpay ng PIL ay nakasalalay sa sistematikong implementasyon sa sistema

ng edukasyon, at sa pangangasiwang pambayan sa loob ng humigit-kumulang sa apatnapu’t

limang (45) taón, i.e., mula nang ideklarang Tagalog ang batayan ng WP noong 31

Disyembre 1937.

Bagong Pananaw

Ang kalagayang ito’y naligalig nang maratipikahan ang Saligang Batas (SB) ng 1972. At sa

layunin ng bahaging ito ng pagtalakay, sisipiin ko ang mga pertinenteng probisyon ng SB:

Sek. 3 (2) Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang túngo sa

pagpapaunlad at pormal na adopsiyon ng panlahat na wikang pambansa na

makikilalang Filipino.

Sek. 3 (3) Hangga’t walang ibáng itinatadhana ang batas, English at Pilipino ang

dapat na mga wikang opisyal. (NB: Amin ang empasis.)

Sa dahilan na ang PW na bahagi ng sosyolingguwistika ay kaugnay ng mga

realidad na panlipunan, hindi kalabisang humanap ng kalutasan, sa layuning pamalagian

o pansamantala man, sa awtoridad legal. Sa isang bahagi ng Opinyon 73-7 ng kalihim

(Minister ngayon) ng Katarungan, sinabi niyang walang isinasaad ang SB na kagyat

itinatakwil ang PIL na wikang pambansa, bagaman itinatakda sa sub-talataan (2) ang

paglilinang ng isang wikang pambansa na tatawaging “Filipino” (FIL). Malinaw at walang
Pineda

49

alinlangang opisyal na wika ang PIL. Bukod dito, ang SB mismo ay sinulat at ipinahayag sa

PIL at Ingles.

Sa pagkilálang konstitusyonal na opisyal ang PIL, ito’y tumibay nang higit pa

sa kalagayan nitó bago sinulat ang tadhanang pangwika sa bagong SB. Ang patakarang

pambansa ay malinaw: Magsagawa ng mga hakbangin para sa pagbuo ng FIL hábang

patuloy na gagamítin ang PIL hindi lámang ng pamahalaan kundi ng bansa. Walang

anuman sa batas na nagbabawal sa alinmang sektor ng lipunang pribado sa paggámit ng

opisyal na PIL.

Makatwiran ngayong itanong: Ano bang talaga ang suliraning dapat isaalang-alang

sa pagpaplano ng wika sa yugtong ito ng ating kasaysayan?

Batayan ng Bagong Oryentasyon

Sa aming pag-aaral, ang suliranin ay kung anong uri ng wikang PIL—hindi FIL—ang

dapat gamítin sa paaralan, sa pamahalaan, sa lipunan, sa midya, atbp. Sinikap naming

tugunin ang katanungan sa liwanag ng aming simulain na ang FIL ay transpormasyon

ng PIL, viz: P F. Hindi dapat magkaroon ng salungatan o ng dikotomiya: Wikang

Pambansa (WP) vs. Wikang Opisyal (WO). Sa tingin ay agad nang nakalalamáng ang hulí

sapagkat ito ngayon ang behikulong nag-uugnay sa pamahalaan sa isang dáko at sa mga

mamamayan sa kabilâng dáko naman.

Ang henesis ng planong ito ay nag-uugat sa pananalig na hanapin ang isang

puntong maaaring mapagkasunduan. Ito’y ang uri ng PIL na dapat isailalim ng paglilinang/

kultibasyon para sa ibubungang FIL, ang wikang konseptuwal ng SB. Dahil dito’y

nagsagawa kami ng isang pambansang pananaliksik noong taóng-aralan 1978–1979.

Ang punong problema ay ito: Anong modelo ng Wikang Pilipino (PILM) ang

kanais-nais sa lahat ng modelo sa persepsiyon ng mga respondent mula sa ibá’t ibáng

larangan ng búhay sa Filipinas nang taóng-aralan 1978–1979? Ang mga sub-problema ay

gaya ng sumusunod:

1. Anong mga PILM na ginagámit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan

sa kasalukuyan ang maaaring matiyak?

2. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa pakikipagtalastasang

pasalitâ at pasulat, sa mga kalagayang pormal at impormal?

3. Anong PILM ang kanais-nais sa lahat ng modelo na gamítin sa pagtuturo

ng ibá’t ibáng paksang-aralin?

4. Anong mga hakbang ang kanais-nais sa lahat ng hakbang sa pagpapayaman

at modernisasyon ng PILM?

5. Ano ang pagkakatulad at/o pagkakaibá ng persepsiyon ng mga tinanong

tungkol sa mga PILM?
50

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

(Sa ilalim nitó’y ang ibá pang mga kaugnay na katanungan sa ibá’t ibáng pangkat ng mga

táong tinanong, at gayundin ang mga baryabol).

Deskriptibong metod ang pamamaraan na ginámit sa pananaliksik. Sa tiyakan, ang

survey metod.

Balangkas ng sampling at deskripsiyon ng mga sabjek. Ang mga sabjek ng pagaaral

ay kinuha sa ibá’t ibáng pangkat sektoral upang mahugot ang mga representatibong

idea at damdamin tungkol sa WP. Ginámit ang porposib sampol ng magkatulad na

alokasyon mula sa bawat grupong etniko. Animnapung porsiyento (60%) ng mga sabjek

ang gáling sa mga pangkat etniko na nagsasalitâ ng walong wikang mayorya, at apatnapung

porsiyento (40%) ang mula sa mga grupong etniko na nagsasalitâ ng mga wikang minorya.

Walong daan (800) ang grand total ng mga sabjek.

Lugar. Ang mga tinanong sa pag-aaral ay pinag-ayaw-ayaw hindi lámang alinsunod

sa gulang, sex, edukasyon, naabot sa pag-aaral, hanapbúhay, at pangkat etniko kundi sa

termino rin ng lokasyong heograpiko.

(Hindi na namin iisa-isahin ang nilalaman ng Questionnaire-Checklist, at gayundin

ang mga hakbang na sinunod bago isinaanyong pangwakas. Hindi na rin isináma rito

ang hakbang sa pangangalap ng datos. Wala ring banggit tungkol sa oryentasyon ng mga

mananaliksik).

Kung ano ang ginawa sa datos. Para sa balidong interpretasyon ng datos, ginámit

ang sumusunod na mga istatistikal teknik at metod: 1) frequency and percentage distribution,

2) ranking, 3) Friedman’s analysis of variance, at 4) Chi-square test.

Modelo ng Pilipino para sa Filipino 1

PILM1:

Isang elektronik gadyet na inimbento ng isang Filipino na magsasaayos sa

pagtulog ng mga táong hindi mapagkatulog ang malapit nang ipakilála sa

publiko.

Ang elektronik gadyet na nginalanang “Dormitron 922” ay may patente ng

pamahalaan.

Ipinakikíta sa mga pagsusuring klinikal ng “Dormitron 922” na ang mga

karamdamang insomniya, isterya, hindi mapalagay dahil sa labis na pag-iisip,

1 Ang mga paglalarawang ito ng ibá’t ibáng modelo ng Pilipino, na umiiral nang isagawa ang pananaliksik,

ay batay sa isang maikling balita sa Ingles. Sarili ng sumulat ang naritong mga bersiyon na isinalig naman

sa katularing mga uri ng pagpapahayag na makikita sa literatura ng mga isyung pangwika.
Pineda

51

altapresyon, pabago-bagong tibok ng puso, at hika ay mabisàng tinatalaban ng

elektronik terapi.

PILM2:

Isang elektronik gadyet na inimbento ng isang Filipino na magsasaayos sa

pagtulog ng mga táong di mapagkatulog ang ipakikilála sa madla.

Ang kagamitang-dagisik na kilalá sa ngalang “Dormitron 922” ay ikinuha ng

karapatang-tuklas sa pamahalaan.

Ipinakikíta ng mga panggamutang siyasat sa “Dormitron 922” na ang mga kaso

ng di-pagkatulog, pagkabaliw, humaling ng kaayusang dagandam, mataas na

diin ng dugo, di-matatag na puso, at hika ay tumutugong mabuti sa dagisikning

panggagamot.

PILM3:

Isang gadyet na elektronik ng inimbento ng isang Filipino na magnonormalays

sa patern ng pagtulog ng mga taóng nagsasaper sa mga dis-order ng pagtulog

ang di magtatagal at iyiintrudyus sa pablik.

Ang gadyet na elektronik na kinikilálang “Dormitron 922” ay pinatent na ng

gobernment.

Ang gadyet na elektronik na kinikilálang “Dormitron 922” ay nagpapakíta na

ang mga kaso ng insomniya, isterya, obsesyonal na neurosis, haypertensiyon,

instability na kardyak, at astma ay nagrerespond na mabuti sa terapi na

elektronik.

PILM4:

Metung na electronic gadyet nga ininvento ti usa a Filipino nga magapanormal

sang kinandaan nga panagturog ng mga tawo na nagsa-suffer sa aga makaugip

ang saan a agbayag ket mo-introducir sa public.

Ang electronic gadyet na ginatawag na “Dormitron 922” ay napatented na ng

government.

Ang clinical findings ng “Dormitron 922” ay manpapanengneng ya amay

ang mga balatiang insomnia, hysteria, neurosis ya obsessional, alta presion,

instability sa kasing-kasing, ug hika ay rumirespond na nalaing sa therapy na

electronica.

PILM5:

Isang Filipino-invented electronic gadget na magno-normalize sa sleeping

pattern ng mga táong suffering from sleep disorders ang malapit nang

i-introduce sa public.
52

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

Ang electronic gadget known as “Dormitron 922” ay patented na ng government.

Ipinakikíta ng clinical findings ng “Dormitron 922” na ang cases of insomnia,

hysteria, obsessional neurosis, hypertension, cardiac instability, and asthma ay

nagrerespond well sa electronic therapy.

Narito ang rasyonal ng bawat isa sa limang PILM:

PILM1—Ang ubod ng bokabularyo ng modelong ito ay Pilipino. Ginagámit

sa sukdulang mapaggagamítan ang mga katutubong leksikon nang di nakasasagabal sa

daloy ng komunikasyong pasalitâ at pasulat. Humihiram sa mga sarili at dayuhang batis.

Sa pangkalahatan, ang mga inangking talasalitaan ay isinusulat alinsunod sa sistema

ng ortograpiyang Pilipino. Pinananatíli ang orihinal na ispeling lakip ang progresibong

paghihigpit.

PILM2—Sinisikap ng modelong ito na dalisayin ang wika. Hangga’t maaari’y

itinatakwil nitó ang lahat ng mga dayuhang elemento sa bokabularyo. Ang mga salitângugat,

pantig at/o mga tinilad na morp ay pinagkokombina upang magpahayag ng idea.

Binubúhay na mag-uli at pinagpapanibagong-lakas ang mga salitâng sinauna at lipás na.

Ang pagpapaunlad at/o pagpapayaman ay nangangahulugan na ang wika’y kailangang

hubaran ng mga impluhong dayuhan.

PILM3—Ang nangingibabaw na bokabularyo ng modelong ito ay Ingles. Ang

batayang simulain ay nanghahawakan sa gámit ng mga salitâ at pariralang Ingles na

naiintindihan na ng mga nagsasalitâ ng Ingles, at hindi nararapat palitán ng kahit na mga

katutubong leksikon. Sa pangkalahatan, mga pananda lámang sa Pilipino ang pinananatíli.

Ang mga elementong lingguwistiko sa Ingles ay isinusulat nang sang-ayon sa tradisyonal

na ortograpiya ng Pilipino.

PILM4—Ang rasyonal ng modelo ay ganito: Ang mga salitâ, kataga, at anumang

morp ng Ingles at Castilla pati na mga sangkap ng alinman at lahat ng katutubong wika

ay kailangang gamítin nang malaya depende sa kagustuhan o preperensiya ng gumagámit.

Ang pagpapasok ng mga salitâ at parirala ay walang patumangga, at hindi sistematiko. Ang

modelong ito’y may pretensiyon na ang wikang pambansa ay amalgama ng mga katutubong

wika sa lahat ng kaantasan ng pagsusuring lingguwistiko, i.e., sa palatunugan, palabuuan,

palaugnayan, at talasalitaan. Hinihingi sa modelo ang kaalaman ng lahat ng ibá pang wika.

PILM5—Nalalapit ang modelong ito sa inaambilan ng ilang pulutong ng

“Enggalog,” na ang ibig sabihin ay higit na marami ang mga elementong lingguwistiko sa

Ingles kaysa Tagalog. Kaunting-kaunti lámang ang mga panandang Pilipino na ginagámit

sa modelong ito. Ang ponolohiya at sintaks ng mga elemento ng Ingles ay pinananatíli sa

mga anyong pasalitâ at pasulat. Malinaw na Ingles ang batayang wika ng modelong ito.

Ang limang PILM sa unahán ay napagsino ng mga respondent sa pag-aaral.
Pineda

53

Ang Kinalabasan

Ipinamamalas ng pag-aaral ang mga sumusunod:

1. PILM1 ang modelong kanais-nais sa lahat para sa pakikipagtalastasan

ayon sa 398 respondent ng pangkat ng wikang mayorya, na binubuo ng

82.92 porsiyento. Ang trend ng opinyon ay mahalaga (significant) tulad ng

ipinakíta ng computed chi-square value na 862.379. Bukod dito, ang computed

chi-square value na 208.00 ay nagpamalas ng mahalagang proporsiyon

ng mga respondent sa pangkat ng wikang mayorya ang tumanggap nang

buong-buo sa PILM1. Sa panig ng mga pangkat ng wikang minorya, ang

pinakamalaking pangkat ng mga respondent na bumibílang ng 335 o 73.44

porsiyento ay humilig sa gámit ng PILM1.

2. Sa pangkalahatan, ang mga respondent mula sa mga grupo ng mga wikang

mayorya at minorya ay pabor na gamítin ang PILM1 sa pormal na talastasang

pasalitâ tulad ng ipinakikíta ng 458 respondent o 95.42 porsiyento; 343 o

71.46 porsiyento ang pabor sa PILM na gamítin sa impormal na talastasang

pasalitâ. Mayroon ding 430 respondent o 89.68 porsiyento ng grupo ang

pabor sa paggámit ng PILM1 para sa pormal na talastasang pasulat; at 321

o 66.88 porsiyento para sa impormal na talastasang pasulat.

3. Ipinakíta ng kinalabasan na ang PILM1 ay pinilì ng malaking grupo na

kanais-nais sa lahat ng PILM para sa pagtuturo ng araling panlipunan, agham

panlipunan, edukasyong pangkatauhan, edukasyong panghanapbuhay,

edukasyong pangkalusugan, at edukasyon sa pagpapalakas ng katawan.

Kapansin-pansin ang pagbabâ ng bílang ng mga respondent sa mga

asignaturang likás na agham at sa matematika. Malaking grupo ng mga

respondent ang pumilì sa PILM5 na kanais-nais sa lahat ng modelo para

sa pagtuturo ng matematika. Ito’y ipinakíta ng 238 respondent o 49.58

porsiyento ng grupo. Ang computed chi-square value na 98.00 porsiyento

ay nagpakíta na ang mahalagang kinahahapayan ng opinyon ay nabuo

para sa gámit ng PILM1 sa ibá’t ibáng asignatura o mga kurso, matangi

sa matematika. Sa panig ng mga grupo ng wikang minorya, PILM1 ang

modelong kanais-nais sa lahat ng mga modelo.

4. Ang kanais-nais sa lahat ng mga hakbang sa pagpapayaman at modernisasyon

ng Pilipino ay ang Metod 3, na panghihiram sa mga nakaiimpluhong wikang

dayuhan. May malaking grupo ring pumabor sa Metod 1 sa pagpapayaman

at modernisasyon ng Pilipino.

(Hindi na inilakip dito ang resulta ng paghahambing ng persepsiyon ng mga respondent

ayon sa ibá’t ibáng baryabol).
54

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

Kongklusyon

Sa liwanag ng mga natuklasan, narito ang aming pangwakas na kuro:

1. May ibá’t ibáng PILM sa pagpapaunlad ng WP.

2. Para sa mga respondent, PILM1 ang kanais-nais sa lahat ng modelo.

Ginagámit ng modelong ito bílang ubod ng talasalitaan ang bokabularyong

Pilipino.

3. PILM1 ang kanais-nais sa lahat ng modelo para sa lahat ng anyo ng

komunikasyon.

4. Ang modernisasyon ng Pilipino ay higit na maisasagawa sa pamamagitan ng

magkasanib na Metod 3, o panghihiram sa mga nakaiimpluhong wikang

dayuhan, at Metod 1, o mahigpit na pamimilì ng mga elementong leksiko

sa katutubo o lokal na mga wika.

a. Di gaanong naiibá ang persepsiyon ng mga babae tungkol sa

PILM na kanais-nais sa lahat para sa ibá’t ibáng sitwasyon

ng talastasan, at para sa pagtuturo ng ibá’t ibáng asignatura o

kurso.

b. Ang pagpilì ng PILM na kanais-nais sa lahat ng modelo para

sa talastasang pasalitâ at pasulat at para sa pagtuturo ng ibá’t

ibáng asignatura o kurso ay di tunay na naiimpluwensiyahan

ng mga kalipikasyong pang-edukasyon.

k. Wala ring napansin na baryasyon ng mga tugon sa bahagi ng

mga grupong agrikultural at di-agrikultural.

d. Ang kalipikasyong pang-edukasyon ay di mahalagang

baryabol ng respondent na maaaring naging dahilan ng

mahalagang baryasyon sa persepsiyon ng mga tugon.

Samakatwid, sa liwanag ng mga natuklasan sa pag-aaral, ipinasiya namin ang ganito:

1. Ang kultibasyon ng wikang panlahat para sa mga mamamayan ay kailangang

magsimula sa nukleong PILM1 na ang ubod na talasalitaan at kayarian ay

Pilipino.

2. Ang PILM1 ay dapat gamítin sa pagtuturo ng mga asignaturang araling

panlipunan, edukasyong panggawain, atbp, samantalang ang PILM5 ay

dapat gamítin sa pagtuturo ng likás na agham at sa matematika.
Pineda

55

3. Ang pagpapayaman at modernisasyon ng Pilipino ay kailangang sa

pamamagítan ng magkasanib na Metod 3 at Metod 1.

4. Ang mga materyales pangkurikulum ay kailangang sulátin at ilathala sa

wika ng PILM1 na ginagámit sa ibá’t ibáng sitwasyong pangkomunikasyon,

at sa pagtuturo ng ibá’t ibáng asignatura o kurso.

5. Ang PILM5 ay dapat gamítin sa paghahanda ng mga materyales

pangkurikulum para sa pagtuturo ng matematika at mga likás na agham.

Ang Makro Plan

Batay sa kalalahad na ebidensiyang empiriko, nilikha namin ang ganitong tipolohiya ng

pagpapasiya tungkol sa kultibasyon ng wikang panlahat.

Makikíta sa Kolum A ang mga larangang sumasailalim ng pagpaplano (Kolum

B). Ito ang mga aktibidad ng ahensiya, institusyon, o grupong tagapagplano sa kaantasang

makro. Ang kabuuan ng kultibasyon ay nahahati sa dalawang kategorya. Una, sa korpus ng

wika at pangalawa, sa larangan ng gámit ng wika. Sa ibabaw ng dalawang kategorisasyon

ay iniluluklok namin ang retorika (hindi nakalakip sa eskema). Ito’y isang aspekto ng

kultibasyon na nag-uugnay sa dalawa: wika per se, at sitwasyon ng gámit. Ang totoo, sa

proseso ng paggámit ng wika, ito’y nagkakaroon ng pagpapanibagong-ayos o adyastment

na kailangang subaybayan ng ahensiya o pangkat na tagapagplano. At ito’y naisasagawa sa

anyong pidbak na kasangkapan ng ebalwasyon.

Sa panahong ito sa búhay ng wika bílang kasangkapang panlipunan nagkaroon

ng kabuluhan ang pananaw na mahubuging katatagan (flexible stability). Kung pagaaralang

mataman, ito ang isang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap at awtentiko ng

pagsasakatuparan ng plano.

Sa paninging makro, ang kultibasyon ay sabay-sabay sa lahat ng kaaantahan. Ito’y

dapat sapagkat ang wikang ito na pinaiinam pa (upang maging higit na komprehensibo,

episyente, produktibo, at matipuno) ay magiging tunay na kasangkapan ng pambansang

pagsúlong. Sa ibáng pananalitâ, ang wikang tinutukoy ay batis. At hindi maaaring maging

batis ang wikang konseptuwal lámang. Sa pormulasyong ito, ang isinasailalim sa pagpaplano’y

isang buháy na wikang nangangailangan ng ibayong pagpapainam gaya ng nasabi na, upang

higit na maging mabisàng instrumento ng pagbabago. Mahalagang bigyang-diin dito na

kailangang pagpunan ang mga kakulangan ng wika, at gayundin ang mga kakulangan ng

tagagámit ng wika.
56

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

Pigura 4. Tipolohiya ng Kultibasyon ng Wikang Panlahat

Paglikha ng Terminolohiya: Ang Landas

Tingnan natin ang mga hakbangin sa “paglikha” ng terminolohiya. Narito ang isang

pansamantalang pormulasyon.

Leksikon

1. larangan ng pangangailangan—saan kailangan ang dagdag na salitâ;

anong salitâ ang kailangan.

1.1 teknikál—pinakakrusyal sa elaborasyon; ito’y kaugnay ng

mga gawaing pangkaunlaran

1.2 karaniwan—kinakailangan sa pagpapalawak ng wika sa ibá

pang larangan

1.2.1 katutubo—ang nagpapahayag ng unikong katangian

ng kalinangang etniko

1.2.2 dayuhan—kung may kakulangang mapagpupunan

2. mga aspektong kaugnay

2.1 balarila

2.1.1 kayariang morpolohika

2.1.1.1 batayang salitâ

2.1.1.2 anyuing hango

2.2 palatunugan

2.3 palabigkasan
Pineda

57

3. ortograpiya—sa paglikha ng mga terminolohiya’y mahalagang

magkaroon ng pagpapasiya ang tagapagplano. Maaaring magkaroon

siyá ng mapamimilian sa ayos ng kahalagahan.

Halimbawa:

1. transliterasyon

1.1 tradisyong Castilla

1.2 tradisyong Ingles

2. traduksiyon

2.1 ng salitâ

2.2 ng kahulugan

3. ganap na pagtutumbas

3.1 ng salitâ

3.2 ng diwa

Maaari ring mabago ang pagkakasunod-sunod ng kahalagahan depende sa larangan at/o

paksang pinag-uukulan. At sapagkat sa pagsisimula ng paglikha, natitiyak na ang larangang

nangangailangan ng partikular na bokabularyo, hindi suliranin ang paglalapat ng likhanganyuin.

Kaugnay nitó, ang SWP ay may patnubay na pamantayan sa pagbuo ng mga

katawagan sa edukasyong bilingguwal, sa mga katawagang panghanapbuhay, at ibá pang

mga lathala.

Pagpapatupad at Pagpapahalaga

Ang mekanismo ng implementasyon ay “built-in.” Ito’y ang sistema ng edukasyong

pambansa. At sapagkat ang wikang pinabubulas ng estado ay gámit sa mga gawaing

pagpapaunlad sa ibá’t ibáng larangan, ang mga tanggapan ng pamahalaan na rin ang mga

implementor sa subaybay ng awtoridad ng wika: ang SWP.

Sa kasalukuyan, mula noong Agosto 1979, ang SWP ay may dalawang pangkat

ng mga kasangguni. Ito’y ang Sanggunian ng Wika sa Pambansang Pagpapaunlad

(SANGGUNIN sa maikling tawag), na binubuo ng mga pinuno ng Lupon sa Pilipino ng

mga Ministri at mga tanggapang konstitusyonal, na may pagkilála ng kinauukulang Minister,

Tagapangulo/Tagapangasiwa, atbp. At ang Lupon sa Estandardisasyon ng Pilipino sa Mass

Media, na binubuo ng mga editor (sa panig ng print midya) at mga manedyer (sa panig

naman ng electroniks midya) o ng kaniláng kinatawan. Sa pamamagítan ng mga impormal

na organisasyong ito na binuo ng SWP ay napag-uusapan ang mga pangangailangang

pangwika na ginagámit sa mga aktibidad ng pambansang development ng bawat ministri

at kawanihan, tanggapan, o ahensiyang nása ilalim ng mga ito. Silá’y tinutulungan ng SWP
58

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

sa kaniláng “Pilipino language needs.” Mababanggit din na sa loob ng humigit-kumulang sa

limang taón na ngayon, itinatag namin ang mga Lupong Ad Hoc ng Wikang Pambansa sa

ibá’t ibáng tanggapan. Ito’y binubuo ng mga pilîng tauhan ng karampatang tanggapan at ng

SWP. Sa pana-panahon ay nagdaraos ang mga Sangguniang naturan ng pangkalahatang

pulong. May ilang proyekto na ng pagtutulungan ang midya at SWP.

Ang landas ng likhang terminolohiya o anumang proposal at nailagdang pasiya ng

SWP ay mailalarawan sa ganitong pansamantalang balangkas.

Pigura 5. Representasyong Grapiko ng Implementasyon

ng Terminolohiyang Ipinapanukala ng SWP

Pagsubaybay

Ang pidbak ay ginagawa sa patuluyang pakikipagtalastasan sa mga superbisor ng

wika, sa panig ng paaralan; at sa mga kinauukulang pinunÒ ng pamahalaan, sa bahagi ng

lingkurang bayan; at sa mga superbisor ng pagbobrodkast, sa bahagi ng elektroniks midya;

at sa editor, sa panig ng print midya. Katulad ng nabanggit na sa unang dako ng panukalang

ito, ang pidbak ay isang landas túngo sa pagtatáya o ebalwasyon ng mga mungkahi o

panukalang anyuin at ibá pang hakbanging lingguwistiko ng SWP. Ang sistema’y makikíta

sa sumusunod na ilustrasyon.
Pineda

59

Pigura 6. Sistema ng Pidbak

Ang SWP ay may paraang ginagámit sa pagtáya ng “init” at/o “lamig” ng pagtanggap

sa iminumungkahi nitóng mga terminolohiya sa mga boletin at publikasyong inilalabas sa

pana-panahon. Noong 1980 ay may isinagawa ang SWP na isang pambansang pag-aaral sa

“degree of survival” ng mga katawagang inihanda nitó.

Rekapitulasyon

Katulad ng nasabi na, ang elaborasyon ng talasalitaan ang nararapat harapin una sa lahat

sa pagpaplano ng korpus, gaya ng ginagawa ng SWP. Ang mapilìng paglalakip at/o pagaangkin

ng gamitín at krusyal na talasalitaan mula sa mga katutubo at dayuhang batis

ay kinakailangang mabigyan ng sistematikong inspirasyon. Kailangang isaayos ang ilang

feature ng balarila para sa layunin ng episyensi, presisyon, at pagkapraktikal sa diwa ng

akomodasyon. Tungkol sa ortograpiya, ang anino sa reporma sa ispeling, at sa abakada

na rin, na ibinunsod ng SWP noong 1971 ay sinisikap na mapawi sa pamamagitan ng

Repormang Ortograpiko (1984) na isinasagawa ng SWP.

Ang malikhaing pagsulat at ang pagsasalin ay mga aktibidad na maiuugnay rin sa

korpus ng wika. Ang dalawang larangang ito, sa isang paraan, ay may epekto ng paglikha

ng naiibá o nababagong lengguwahe sa loob ng lengguwaheng isinasailalim ng kultibasyon.

Ang isa pang kritikal na hakbang sa kultibasyon ay ang palawak nang palawak na

alokasyon ng gámit ng wika, na nakahahambing ng edukasyong bilingguwal ng pamahalaan,

at gayundin sa mga pagpupunyaging developmental ng estado. Maglilimang taón na

ngayon, ang dáting Pangulo ay bumigkas ng pahayag na nakahapay sa gámit ng WP sa mga

gawaing pambatasan. Sabi niya: “Kung may mga kagawad na hindi nakauunawa sa Wikang

Pilipino, panahon na upang silá ay mag-aral…Ang Pilipino, sang-ayon sa batas, ay isa sa

mga opisyal na wika ng ating bansa.”
60

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

Pangwakas na Kuro

Ang PIL ay kailangang igitna sa maraming aktibidad sa larangan ng pangangasiwang

pambayan, pagbabatas, katarungan, politika, lipunan, midyang pangmadla, sa agham, at sa

maraming disiplina ng karunungang pantao.

Ang kagyat na mahalaga sa bahaging ito ng ating pakikipaglaban para sa karangalang

pangwika ay ang pagtiyak at pagkakaisa sa PILM na kanais-nais sa lahat ng modelo ng

PIL na malilinang nang buong tagumpay. Mula roon ay makapagbubunsod na ng mga

patakarang mulat at progresibo, mga programang maisasakatuparan, at mga proyektong

mahigpit na inihanda para sa pagkakamit ng mga kaiga-igayang layunin.

Ang paraan ng SWP sa kultibasyon ng wika—tulad ng ipinamalas sa tentatibong

banghay na ito—ay may malaking kabuluhan sa pagpapabulas ng dalawang wika: una, sa

PIL na wika ng estado; at pangalawa, sa FIL, na wikang panlahat na pangarap ng bagong

SB.

Ang PIL at FIL, pagsapit ng panahon, sa puwersa ng pangangailangan, ng katwiran,

ng pagkakaisa, at ng kapakanang pampolitika, ay madadalisay at magtitining sa isang

pangalan: sa Filipino, gaya ng itinatakda ng batas.

Mga Sanggunian

A. MGA AKLAT

Das Gupta, Jyotirindra. Language Conflict and National Development. Berkeley,

Los Angeles: University of California Press, 1970.

Fishman, Joshua A. Language and Nationalism. Bowley, Massachesetts: Newbury

House Publishers Inc, 1975.

___________. Advances in Language Planning. The Hague: Mouton and

Company, 1974.

___________. The Sociology of Language. Bowley, Massachusetts: Newbury

House Publishers, Inc, 1972.

LUPON SA AGHAM. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino.

Maynila: Pambansang Patnugutan sa Paunlarang-Agham (NSDB), 1969.

Neustupny, J.V. Post-Structural Approaches to Language. Tokyo: University of

Tokyo Press, 1978.

Omar, Asmah Haji. Essays on Malaysian Linguistics. Kuala Lumpur: Dewan

Bahasa dan Pustaka, 1975.

Pineda, Ponciano B.P. Bato sa Katedral. San Juan, Rizal: Limbagang Pilipino,

1971.

Rubin, Joan and Bjorn H. Jernudd. Can Language be Planned? Honolulu: The

University Press of Hawaii, 1971.
Pineda

61

Rubin, Joan and Roger Shuy, mga ed. Language Planning: Current Issues and

Research. Washington D.C.: Georgetown University Press, 1973.

The National Board of Education. General Policies on Education 1973 and 1974.

Manila: National Board of Education, mp. 2-5; 67-69; 88-99, 1975.

B. MGA PERYODIKAL

Dahong Pang-Alaala. Maynila:Surian ng Wikang Pambansa, 13-19 Agosto 1976.

Dahong Pang-Alaala. Maynila:Surian ng Wikang Pambansa, 13-19 Agosto

1978.

C. MGA PERYODIKAL, TALUMPATI, REPORT, PAMPLET,

POSITION PAPER

Constantino, Ernesto. “Ang Kodipikasyon ng Pambansang Linguwa Prangka.”

A report on a research project (NSDB-UP 7709 So), 1978.

De Veyra, Jaime C. 1939. “The Anniversary of the Language.” Manila: The

Tribune, 30 Disyembre 1939.

Otanes, Fe T., Alfonso O. Santiago, at Gloria V. Baylon. “Translation Preferences

of Educators.” Philippine Journal of Education, VII:5-5, Mayo 1974.

Pineda, Ponciano B.P. 1978. “Ang Wika ng mga Aklat-Pampaaralan.” Position

paper na binása sa “Diyalogo Tungkol sa Wika ng mga Aklat Pampaaralan”

na inisponsoran ng MLQU School of Graduate Studies at ng INL, 11

Nobyembre 1978.

________. “Agham at Teknolohiya: Maaari sa Pilipino.” In INL Lecture series,

1:1, Agosto 1977a.

________. “Treatment of the Tagalog Language.” Discussion paper, ipinresenta

sa Linguistic Institute, University of Hawaii, Honolulu, Hawaii, 1977b.

________. “Lexical Elaboration—Harnessing the Resources of Ethnic Languages

in the Cultivation of the National Language (Pilipino).” Discussion paper na

ipinresenta sa seminar-workshop sa pagpaplanong wika. East-West Center,

Honolulu, Hawaii, 1977c.

Romualdez, Norberto. “The National Language Problem” sa Dahong Pang-alaala

sa Linggo ng Wika, Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Kawanihan ng

Palimbagang Bayan, 13-19 Agosto 1958.

Rosario, Gonzalo del. “A Modernization-Standardization Plan for the

Austronesian-Derived National Languages in Southeast Asia” sa Asian

Studies, tomo VI, blg 1-18, Abril 1968.

Surian ng Wikang Pambansa. “The Manila Dialect Survey” Special Monograph

Isyu Blg. 1 (Mimeoscript), 1978.

________. Patakarang Pangwika sa Edukasyon at Kultura. (Mga talumpati

ni Ferdinand E. Marcos, Pangulo ng Filipinas). Maynila: Palimbagan ng

Pamahalaan, 1978a.
62

Pagpaplano ng Wika Ukol sa Pambansang Pagsúlong

D. TESIS

Pineda, Ponciano B.P. “Evolving a Pilipino Language Model: Nucleus for

the Cultivation of a Common Language for the People.” Di-nalathalang

Disertasyong Doktoral, University of Sto. Tomas, 1979.

Santiago, Alfonso O. “The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino.” Dinalathalang

Disertasyong Doktoral, Ateneo-Philippine Normal College

Consortium, 1979.

E. MGA ORDER, DIKRI, AKTA, BATAS, MENSAHE

Constitution of the Philippines. Manila: Bureau of Printing, 1934.

Constitution of the Republic of the Philippines. Manila: Bureau of Printing, 1972.

Department of Education and Culture. “Rules in Orthography of Pilipino.” D.O.

No. 194, s. 1976 ( Juan L. Manuel, Secretary of Education and Culture, may

petsang 30 Hulyo 1976).

_______. “Supplemental Implementing Guidelines for the Policy of Bilingual

Instruction at Tertiary Institutions.” D.O. No. 50, s. 1975 ( Juan L. Manuel,

Secretary of Education and Culture, may petsang 14 Nobyembre 1975).

_______. “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education.”

D.O. No. 25, s. 1974 ( Juan L. Manuel, Secretary of Education and Culture,

may petsang 19 Hunyo 1974).

_______. “Using ‘Pilipino’ in Reference to the National Language.” D.O. No. 7,

s. 1959 ( Jose E. Romero, Secretary of Education and Culture, may petsang

13 Agosto 1959).

Department of Public Instruction. “Authorizing the Teaching of the National

Language beginning 19 June 1940, in the Fourth Year of All Public and

Private Schools and Private Teacher Training Institutions.” D.O. No. 1, s.

1940 ( Jorge Bacobo, Secretary of Public Instruction, may petsang 12 Abril

1940).

Executive Order No. 134. “Proclaiming the National Language of the Philippines

based on the ‘Tagalog’ Language.” (Manuel L. Quezon, President of the

Philippines, may petsang 30 Disyembre 1937).

_______ 263. “Authorizing the printing of the dictionary and grammar in the

national language, and fixing the day from which said language shall be

used and taught in the public and private schools of the Philippines,” may

petsang 1 Abril 1940.

Justice Department Order No. 73, s. 1973. “Pilipino may continue to be a subject

or major field of study or medium of instruction in the schools.” (Vicente

Abad Santos, Secretary of Justice, may petsang 17 Mayo 1973).

Ministry of Education and Culture. “Pilipino as Curricular requirement in the

tertiary level.” MEC Order No. 22, may petsang 21 Hulyo 1978).

_______. “Accelerating the attainment of the goals of bilingual education.” MEC

Memorandum No. 203, s. 1978 ( Juan L. Manuel, Ministry of Education

and Culture, may petsang 24 Hulyo 1978).
Pineda

63

Philippine Commonwealth Act No. 184. “An Act to establish a National Language

Institute and define its powers and duties.” (Unang Pambansang Asamblea,

Espesyal na Sesyon, Special Session, 30 Nobyembre 1936).

_______ 333. “An act to amend Commonwealth Act Numbered one hundred

and eighty-four, entitled an Act to Establish a National Language Institute

and define its powers and duties.” (Unang Pambansang Asamblea–Ikatlong

Sesyon, may petsang 18 Hunyo 1938).

_______ 570. “An act making the Filipino National Language as official language

from the fourth of July, nineteen hundred and forty-six.” (Pambansang

Asamblea may petsang 7 Hunyo 1940).

Presidential Decree No. 1. “Reorganizing the Executive branch of the national

government” (Ferdinand E. Marcos, Pangulo ng Republika ng Pilipinas,

may petsang 24 Setyembre 1972).

Supreme Court of the Philippines. L-32167 – Incocencio V. Ferrer vs. Court of

Appeals, et. al. (Celso L. Magsino, Clerk of Court), 1970.

Quezon, Manuel L. “Creation of an Institute of National Language.” Mensahe

ng Pangulo ng Pilipinas sa Unang Pambansang Asamblea, 27 Oktubre 1936.

TALA: Ang “Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsulong” ni Ponciano BP Pineda ay lumabas

bílang Apendiks F sa Limampung taon ng Surian ng Wikang Pambansa: Hulíng Isa’t Kalahating Dekada

(1970-1987) at inilathala ng SWP. May ganitong talâ ang naturang artikulo:

Nalathala sa Santiago, Batnag, at Villafuerte, mga editor, Linggwistika at Panitikan,

Maynila: Rex Printing Co., 1985. Tinatalakay nitó ang buod ng plano sa pagpapayabong

ng Filipino na iniharap kay Dr. Onofre D. Corpuz na noo’y Minister ng Edukasyon at

Kultura.

Ang unang bersiyon ng artikulong ito’y isang panayam na binigkas noong 5 Hunyo

1980 sa Ikalawang Kongreso ng Lingguwistiks sa Filipinas (2–6 Hunyo 1980) na may

paksang-diwang “Language Planning,” na itinataguyod ng Kagawaran ng Lingguwistiks

at mga Wika sa Asia, Kolehiyo ng Agham at Sining, Pamantasan ng Filipinas, Diliman,

Lungsod Quezon. Ginanap sa Bulwagang Pulungan ng Faculty Center.
Bonifacio P. Sibayan

PAGPAPLANONG WIKA AT PAGDEVELOP NG PILIPINO

NOONG HILINGIN NI Dr. Fe A. Yap na magsalitâ ako sa harap ninyo, sabi niya, maaari

daw akong magsalitâ tungkol sa alinmang paksang nais kong talakayin. Pero iminungkahi

ko noon (sa pag-uusap namin sa telepono) na magsasalitâ ako tungkol sa mga mungkahing

proyekto para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa na siyáng pamagat na nakasaad sa

iskedyul. Sapagkat mas inisip ko ang tungkol sa paksa at pagkatapos makíta ang mga

paksa ng mga tagapagsalitâ, waring nagbago ang isip ko at sa halip ay pinilì kong magsalitâ

tungkol sa Pagpaplanong Wika at Pag-unlad ng Wikang Pambansa (pansinin na sinadya

kong gamítin ang wikang pambansa sapagkat ang “Pilipino” at “Filipino” ay waring

nagdudulot ng dalahing emosyonal sa panig ng mga responsable at iginagalang na pangkat

ng mga Filipino). Samakatwid, pinilì kong magsalitâ tungkol sa Pagpaplanong Wika (PW)

ngayon sapagkat ito ang larang ko, marami na akong naisulat tungkol dito at dahil dito kayâ

ako naimbitahang magtúngo sa Honolulu sa Agosto sa kagandahang-loob ng East West

Center upang magbigay ng serye ng panayam. Higit pa rito, sa palagay ko, ang larang ng

pag-aaral na tinatawag na PW ay mahalaga sa Surian ng Wikang Pambansa, isang larang

na hinihimok kong paglaanan ninyo ng interes.

Ang Pagpaplanong Wika (PW) bílang gawain ay hindi na bago ngunit ang

katawagang Pagpaplanong Wika ay bago pa lámang. Sa katunayan sa mga tomong Current

Trends in Linguistics, inedit ni Thomas Sebeok, tinukoy itong inhenyeriya sa wika. Ang

katawagang Pagpaplanong Wika ay utang sa kilaláng iskolar, si Einar Haugen (Tingnan

ang Haugen, Einar, 1966 “Linguistics and Language Planning” sa Bright, William, ed.

Sociolinguistics, The Hague: Mouton, mp.50-71, 1966).

Makapaglilista táyo ng maraming halimbawa dito ng PW ngunit sa halip na gawin

natin ang gayon, sisikapin nating sundin ang balangkas na iminungkahi ni Haugen sa

kaniyang 1966 na papel na binanggit sa itaas. Gagámit táyo ng mga halimbawang mula sa

Filipinas at mula sa ibáng bansa kung kailangan. Sa paraang ito umaasa akong mabibigyangdiin

ko kung paano natin matutugunan ang ilan sa lalong mahahalagang suliranin ng wika

at kung ano ang dapat gawin sa mga iyon.

Kung ilalapat sa isang sitwasyon sa Filipinas, ang sumusunod ay isang elaborasyon

ng modelong Haugen:
Sibayan

65

1. Pagtukoy sa suliraning may kaugnayan sa wika

a. ekstensibong saliksik ng mga katibayan

b. saklaw ng suliranin

c. paggámit ng mga pag-aaral, survey, atbp.

d. pagbuo ng ipotesis

2. Pagsasaalang-alang ng mga alternatibong plano ng aksiyon—pinatibay o

kininis na ipotesis

a. konsultatibo

b. paggámit ng karanasan ng ibáng mga bansa (nangangailangan ng

kaalaman sa mga pag-aaral—maaaring hawig ito sa 1c sa itaas)

3. Pagpapasiya

a. ng mga pribadong tao o grupo

b. ng mga opisyal o tanggapan ng pamahalaan

4. Pagpapatupad ng mga pasiya sa tiyak na paraan

a. matagalan—madalian

b. nino—para kanino—sino ang target na populasyon

c. kinabibílangan ng badyet, talatakdaan, atbp

d. ebalwasyon—pana-panahon o kasalukuyang isinasagawa at pinal

(na awtput, atbp)

Halimbawang ilapat natin ang mga hakbang na nása itaas sa mga aktuwal na

problema sa wika sa Filipinas na nangangailangan ng PW.

Bakit di natin gawing halimbawa ang problema sa paggámit ng Pilipino bílang

midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan sa Filipinas sa lahat ng aralín maliban sa agham

at matematika? Una, isipin nating lumitaw ang suliraning ito mula sa mga dati nang pasiya

tungkol sa lalong komplikadong suliranin. Alalahanin nating ang pasiyang gamítin ang

Pilipino bílang wika ng pagtuturo ay ginawa noong 1974 ngunit ang pag-aalinlangan

sa paggámit nitó ay nag-ugat noong 1967 nang may isang mungkahi sa NBE na dapat

unti-unting gamítin muna nang bai-baitang hanggang baitang apat ang Pilipino bílang

midyum ng pagtuturo. Hindi na kailangan sa ating paksa ngayon na isa-isahin ang lahat ng

masalimuot na proseso at hakbang kung paano nauwi sa gayong pasiya. Mahalaga lámang

na alalahanin natin na ang PCSPE ay may rekomendasyon ngunit inirekomenda nitó na

ang dapat magpasiya ay ang “nása matataas na katungkulan.” Subalit ang mahalaga ay ang

katotohanang kinilála ng PCSPE na ang bilingguwalismo (bilingguwalismo sa Ingles at

Pilipino) ay bahagi na ng pamumuhay ng mga Filipino. Ang pasiyang gamítin nang lubos

ang Pilipino mula sekundarya hanggang Baitang 1 (nang lumao’y sinusugan mula lalong

mataas na edukasyon hanggang Baitang 1) ay ginawa noong 1974 at inaasahang pagsapit

ng 1982, ang mga nagtapos sa kolehiyo ay dapat na makapasá sa mga pagsusulit sa Ingles

at Pilipino.

Gusto kong pansinin ninyo ang katotohanang sinabi ko na mula sa antas tersiyarya

hanggang Baitang 1, at hindi ang kabaligtaran nitó—Baitang 1 hanggang lalong mataas

na edukasyon. Isa ako sa mga unang sumuporta dito sa Filipinas na sabay na gamítin

ang Pilipino bílang wika ng pagtuturo sa kolehiyo at mataas na paaralan at dapat na
66

Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino

bigyang-diin doon upang (1) maging prestihiyosong wika ang Pilipino, (2) ang iskolarsip

sa ibá’t ibáng disiplina ay isusulat at tatalakayin sa wikang ito—sinuportahan ko ito sa

pamamagitan ng pagiging tagapayo sa unang tesis sa Philippine Normal College (PNC)

na isinulat sa Pilipino, at (3) ang mga kinakailangang aklat, lalo na yaong mga tungkol sa

ibá’t ibáng disiplina ay dapat isulat sa Pilipino, kung di man ang orihinal, kahit sa salin man

lámang. Ipagmamayabang ko ngayon na bago ang 1974 patakarang bilingguwal, sinimulan

na namin sa PNC ang isang maliit na programa sa pagsasalin ng mga aklat sa agham at

matematika na sinulat sa Ingles ng UP Science Education Center. Isinalin sa Pilipino ang

mga ito ng isang pangkat sa LSC (direktor ako noon ng aming LSC, iyon ay bago ako

naging Pangulo). Natapos namin ang Baitang 3 ngunit kinailangan naming ihinto iyon

dahil sa patakaran.

Pahapyaw nating ibuod kung ano ang nangyari. At dito, maaaring mabakas natin

ang mga proseso ng PW mula 1935.

Magsasariling bansa na táyo noon at sa pagsasarili, kailangan natin ang wikang

sariling atin. Kayóng mga pamilyar sa mga makabayang pagkilos, alam ninyo na ang wika

ay isang sangkap ng nasyonalismo. (Para sa mga interesado, tingnan halimbawa ang Hans

Kohn, The Idea of Nationalism, Toronto: Collier-Mcmillan, 1967). Ang Filipino, na taglay

din ang katangiang ito ng sangkatauhan, ay hindi eksepsiyon. Hindi ko na uulitin dito

kung ano ang nangyari pagkatapos noon. Isa sa mga solusyon sa suliranin sa pagbuo ng

isang wikang pambansa ay ang pagtatayô ng isang suriang pangwika—na nang lumaon

ay naging SWP. Kayâ ang SWP ay isang solusyon sa isang problema. Kung ito man ang

angkop na solusyon o hindi ay hindi natin huhusgahan dito ngayon. Nais kong bigyangpansin

dito na ang isang solusyon ay may nakakaharap na mga problema—o nakatutulong

ito upang makilála ang mga sub-problema. Ito ang nangyayari sa SWP.

Sa simula, ang pangunahing layunin ay ang makabuo ng isang wikang pambansa—

higit bílang simbolo kaysa gámit utilitaryo sa umpisa. Halimbawa, hindi intensiyon ng mga

orihinal na tagapagplano na ang wikang pambansa ay gagamítin bílang wika ng pagtuturo.

Ang nosyong midyum ng pagtuturo ay totoo sa wikang bernakular. Sa katunayan, noon

pang 1957 ay ginagámit na natin ang bernakular bílang wika ng pagtuturo. Ang ideang

gamítin ang Pilipino bílang midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay nagsimula lámang

noong mga 60s. At naging opisyal ito noong 1974. Mas mabilis ito kaysa inaasahan. Sa

katunayan, may sospetsa akong marami sa mga nása SWP ang hindi inaasahan ang gayong

kabilis na pangyayari. Marami ang hindi umaasa na gayon kabilis. Katibayan: Hindi táyo

handa sa maraming aspekto para sa ganap na pagpapatupad. Inaasahan kong marami ang

magtatanong tungkol dito at tinitiyak kong sasagutin ko ang tanong ninyo.

Ngunit balikan natin ang ating orihinal na planong pag-aralan ang PW at gamítin

ang balangkas ni Haugen upang himayin ang problema.

1. Magsimula táyo sa problema. Ang mga suliraning dulot ng paggámit

ng Pilipino bílang midyum ng pagtuturo sa lahat ng sabjek maliban sa

matematika at agham.
Sibayan

67

Alamin natin ang mga sub-problema.

a. Kakulangan ng materyales panturo at sanggunian. Walang

tiyak na materyales sa Pilipino.

b. Sa maraming lugar na di-Tagalog, maraming guro ang hindi handang

magturo sa Pilipino.

c. May mga umiiral na pagtutol sa ilang lugar.

Huminto táyo doon.

2. Mga mungkahing alternatibong plano ng aksiyon—ilang ipotesis.

May kagyat na pangangailangan para sa mga teksto at sanggunian (hindi

mga teksbuk na tulad ng inihahanda ng Mga Sentro sa Pagpapaunlad ng

Kurikulum)—mga aklat sa lahat ng larang. Maaaring ihanda ang mga ito

ng mga iskolar sa larang—isang teksto halimbawa sa heograpiya o bílang

isang sangguniang aklat. May pangangailangan para sa ensiklopedya—mga

pangkalahatan at tanging larang—mga halaman, hayop, atbp.

a. Ipotesis: Ang mga teksto at sangguniang ito ay mahusay na

maihahanda sa SWP—may panahon kayó, (Maaaring sabihin

ninyong wala kayóng pondo, ngunit hindi kayó ang mag-iimprenta

ng mga iyon; may ibáng mag-iimprenta noon).

b. Pasiya: Dapat pangunahan ng SWP ang paghahanda ng mga aklat

na ito.

3. Pagpapatupad

a. Planong aksiyon

Sa pangunguna ng SWP—sa pakikipagtulungan sa BEE, BSE, BHE, mga kolehiyo

at mga unibersidad—ang mga aklat ay dapat sulátin sa bawat larang ng karunungan—mga

salin muna—sa lahat ng antas.

Ang mga kailangan niláng (mga guro at superbisor) teksto at sanggunian ay maaaring

ihanda ng SWP sa pakikipagtulungan sa mga kolehiyo at unibersidad at maaaring maging

ng mga imprenta.

Ngayong nakapagpasiya na táyo at may pahapyaw na plano para sa pagpapatupad,

makahaharap natin ang tunay na problema. Paano natin ipatutupad ito? Hindi nalulutas

ng isang pasiya ang isang problema. Lumilikha lámang ito ng dagdag na problema—mga

problema ng pag-aksiyon—ng tunay na gawain. Iyan ang problema sa pagpaplanong

wika. Parang walang katapusan ang mga problemang dapat lutasin. Ngunit iyan din ang

kagandahan. Dahil may gagawin táyo. Kung ang mga problema ay lahat nalulutas, problema

naman natin ay wala na táyong gagawin.
68

Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino

Para sa natitirá pang oras, iminumungkahi kong talakayin natin ang ilang problema.

Pagkatapos ay talakayin ang proseso ng PW gaya nang ginawa natin sa halimbawang

ibinigay ko.

Narito ang ilan:

1. Ang edukasyon ng mga guro upang maging mahusay sa pagtuturo kapuwa

sa Ingles at Pilipino (tulad ng nalalapit na pag-aaral sa bilingguwal na

edukasyon na isasagawa ng PNC para sa INNOTECH).

2. Ang sikolohikong pagtutol sa P bílang wika ng pagtuturo sa ilang lugar.

Ngayon, kayó mismo ang magbigay ng ibá pa. Mula sa mga ito, pipilì táyo ng isa na

hihimayin natin gámit ang modelo ni Haugen.

Pagtatakda ng mga Gampanin

Isa sa pinakamahahalagang “natuklasan” ng sosyolohiya ay iyong malayà táyo sapagkat

umaasa táyo sa ibá para sa ibáng mga bagay.

Ano ang itinuturing ninyong gampanin sa PW, ibig sabihin, ano ang dapat ninyong

gawin? Maaaring nabago na ang patutunguhan sa ngayon. Nabago nga ba? Maaaring

kailangan ang pagtunton mula sa orihinal túngo sa kasalukuyang mithiin.

Salin ni Minda Blanca Limbo

TALA: Ang “Pagpaplanong Wika at Pagdevelop ng Pilipino” ay salin sa Filipino ng artikulong Ingles na

“Language Planning and the Development of Pilipino” ni Bonifacio P. Sibayan na nalathala sa kaniyang

aklat na The Intellectualization of Filipino and other essays on education and sociolinguistics (1999).
Andrew B. Gonzalez, FSC

ANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA SA

PAGPAPAUNLAD NG WIKANG PAMBANSA

PARA SA ISANG hindi miyembro ng tanggapan, ang magsalitâ sa harap ng pilîng grupo

ng mga espesyalista sa wika ngayong umaga tungkol sa SWP, na dito ay tutukuyin bílang

Surian, tungkol sa pag-unlad ng wikang pambansa sa Filipinas ay waring isang pag-uulit

lámang.

Higit sa lahat, hindi ba’t ang pangunahing dahilan ng pag-iral ng Surian ay upang

gumanap ito bílang isang ahensiya para sa pagpapaunlad ng wikang pambansa? Kung

gayon, bakit kailangang pag-usapan ang tungkulin nitó na malinaw naman at simple.

Gayunman, hindi ako tiyak kung gayon talaga kasimple at kalinaw iyon, sapagkat

may mga pangyayari nitóng nakaraan na bumabatikos sa estadong legál ng Surian at kung

gayo’y sa layunin ng patuloy nitóng pag-iral.

Pangkalahatang Pananaw Pangkasaysayan

Alam nating inatasan ng 1935 Konstitusyon ng Filipinas ang Komonwelt na magsagawa

ng mga hakbang túngo sa pagbuo ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral

na wika. Ang Surian ay itinatag noong 1936 sa pamamagitan ng isang Batas Komonwelt.

Alinsunod sa mga rekomendasyon nitó, iniutos ni Pangulong Quezon na ang Tagalog

ang maging batayan ng wikang pambansa. Mula 1940 hanggang 1959, tinawag natin ang

wikang ito na “Wikang Pambansa” o simpleng “Wika.” Noong 1959, sa pamamagitan ng

isang kautusan mula sa Kalihim ng Edukasyon, sinimulan nating tawagin itong “Pilipino.”

Pagkaraan ng 37 taón, noong 1973, inatasan ng bagong Konstitusyon ng Filipinas ang

Pambansang Asamblea na magsagawa ng mga hakbang túngo sa pagpapaunlad ng isang

wikang pambansang tatawaging “Filipino,” na sa konsepto at sa intensiyon ng mga

mambabatas, ay naiibá sa “Pilipino” na alam natin.

Nagkaroon ng mga pagdududa hinggil sa kasalukuyang estadong legál ng Surian,

dahil sa bagong tadhanang ito ng konstitusyon; ang estadong legál nitó bílang kapulungang

interim ay kinumpirma ng Kalihim ng Katarungan, Vicente Abad Santos, hábang hinihintay

pa ang pagtatayô ng Pambansang Asamblea ng isang akademya ng wika.
70

Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa

Kung gayon, kung tungkol sa inyong gawain bílang Surian, ang tanging kongklusyong

mabubuo ko ay ito, na bílang isang kapulungang interim, kailangang suriin ninyong

muli ang mga gawain ninyo mula 1936 hanggang 1973, at batay sa 1973 Konstitusyon,

maghanda para sa pagsasagawa ng mga kailangang hakbang túngo sa pagbuo ng isang

wikang pambansang tatawaging Filipino.

Sa pagkaintindi ko, bagama’t kayó ay isang kapulungang interim sa legál na

pananaw, malinaw ang inyong gawain: gumawa ng mga hakbang túngo sa pagbuo ng

Filipino hanggang sa ang akademya ng wika, ang legál na kapalit ng Surian, ay itadhana ng

Pambansang Asamblea, na sa ngayon ay hindi pa pinupulong ni Pangulong Marcos.

Bagama’t ako mismo ay may mga negatibong pananaw sa probisyong legál na ito ng

konstitusyon, realista ako. Wala akong makítang dahilan upang salungatin ang itinadhana

ng batas. Waring ang 37 taón ng pagtatrabaho na nagbigay-daan sa pagkapilì sa Tagalog,

ang estandardisasyon nitó sa pamamagitan ng gramatika ni Lopez at ng balarila ni Santos

at ng maraming talaan ng bokabularyo na ginawa ng inyong mga tauhan (lalo na ang

diksiyonaryo at tesawro ni Panganiban), ang diseminasyon nitó sa pamamagitan ng sistema

ng edukasyon at sa pamamagitan ng midyang pangmadla, at ang panimulang eleborasyon

nitó bílang wika ng diskursong iskolarli sa mga unibersidad na gaya ng Unibersidad ng

Pilipinas, ng Ateneo de Manila University, at ng Araneta University, ay bigo kung ang

pag-uusapan ay ang pagpapaunlad ng wikang pambansa. Pansinin ninyo, hindi pa

nawawala ang Pilipinong batay sa Tagalog. Napalitan lámang ang kalagayan nitó mula sa

pagpapaunlad ng wikang pambansa túngo sa pagiging wikang opisyal (isa sa tatlo, ang

dalawa pa ay ang Ingles at ang Español). Bukod dito, ang isang buháy na wikang sinasalitâ

ng isang komunidad ay may sariling búhay, anuman ang kalagayang legál o tawag dito.

Hindi talaga maaaring isabatas ang pagbabawal sa wika nang hindi pinupuksa ang buong

lingguwistikong komunidad na nagsasalitâ nitó. Kayâ, nagpapatuloy ang Pilipino na batay

sa Tagalog; tanging ang kalagayang legál lámang nitó bílang wikang pambansa ang hindi.

Ngunit ito ang problema: Kailangang simulan muli ng Surian, na ngayo’y isang

kapulungang interim bago pa ang pagtatatag ng isang mas permanenteng akademya ng

wika, ang gawaing pagpapaunlad ng isang wikang pambansa.

Di tulad ng ibáng mga bansang kinaharap ang problema sa wikang pambansa

sa pamamagitan ng pagpilì ng isang umiiral na baryedad ng sinasalitâng wika mula sa

ilang baryedad ng wikang sinasalitâ ng isang pangkat ng nabubúhay na komunidad na

nagtatangkang bumuo ng isang nasyon, ang inyong gawain ay bumuo ng isang wika mula

sa mga umiiral na wika ng Filipinas, na sa pagkaalam ko, kahit na may mga suliranin sa

paglago at pag-unlad, ay nagkakaisa upang bumuo ng isang bansa, maliban sa mga ating

mga kapatid na minoryang Muslim.
Gonzalez

71

Isang Pahambing na Pagtingin sa mga Akademya

ng Wika sa Ibáng mga Bansa

Salig sa kasaysayan, posible na magkaroon ng wikang pambansa nang walang ahensiyang

namamahala o nangunguna sa pagpapaunlad ng gayong wika. Ipinalalagay kong ang mga

pinakahalimbawa ay ang Great Britain at ang Estados Unidos na hindi kailanman nagkaroon

ng akademya. Gayundin ang Germany. Samantala, mayroon táyong bansang tulad ng

France na may napakamakapangyarihan, mapanghimok, at maimpluwensiyang Académie

Francaise. Mayroon ding Spanish Academia na mula pa noong ika-17 siglo ngunit hindi

kasinlakas sa French Académie. May malapit sa atin, gaya ng ating mga kapitbahay sa Asia:

Nariyan ang Dewan Bahasa dan Pustaka ng Malaysia, ang Lembaga Bahasa ng Indonesia.

Kapuwa makapangyarihang ahensiya ang mga ito, nagsasapamantayan at nagkokodipika

ng Malay; may gawaing pagsasalin at diseminasyon; gumagawa ng elaborasyon ng wika

sa pamamagitan ng mga terminolohiya o yaong tinatawag niláng “istilahs”; nangangalaga

sa pagiging dalisay ng gámit. Samantala, may kaparehong akademya sa Thailand, na ang

impluwensiya ay waring kakaunti lámang. Ang Singapore ay walang tunay na akademya.

Mayroon táyong Surian ng Wikang Pambansa, gumagawa ng mga gampanin ng isang

akademya. May isang departamento ng wika sa Ministri ng Edukasyon ng People’s

Republic of China na siyáng nangangasiwa sa diseminasyon at elaborasyon ng pû tõng

huà (o ng Unibersal na Wika o ng Istandard na Wikang Peking), na lalong kilalá bílang

Mandarin sa mga hindi Marxist.

Ang nakatatawag-pansin tungkol sa mga akademyang ito ay ganito: na sa pagtupad

sa kaniláng mga gampanin túngo sa pagpapaunlad ng wika (hindi na pagpilì o pagbuo

kundi estandardisasyon, diseminasyon, at elaborasyon), ang ilan ay tuwirang nása ilalim

ng pamahalaang sentral bílang mga hiwalay na ahensiya o kayâ’y bahagi ng Ministri ng

Edukasyon. Ang Surian sa Filipinas ay lagi nang nása ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon,

hindi ito naging awtonomo. Samantala, ang French Académie at ang Spanish Academia ay

malayà at hindi napailalim sa Ministri ng Edukasyon. Ang ating mga kapitbahay sa Asia ay

tulad natin: ang kaniláng mga akademya ay bahagi ng Ministri ng Edukasyon.

Sa kayarian, ang gayong estruktura ay may mga bentaha at desbentaha. Ang

bentahang nakikíta ko sa pagiging awtonomo ay hindi silá nakatali sa mga problemang

burukratiko ng Ministri ng Edukasyon; maaaring tingnan sa pambansang perspektiba at

tingnan ang pagsisikap sa estandardisasyon, diseminasyon, at elaborasyon, sa holistikong

pananaw at hindi lámang sa punto ng sistema ng edukasyon, na maaaring makalikha ng

makitid na pagtingin sa mga gawain at mga paraang kailangang gawin upang maisagawa

ito. Ang naiisip ko ay ang pagkawaglit sa sistematikong paggámit ng midya sa diseminasyon

ng Pilipino sa nakalípas dahil lámang sa ang Surian ay walang pakialam sa midyang

pangmadla. Sa kasalukuyan, nakikinita ko ang natatanging oportunidad para sa Kagawaran

ng Impormasyon, ng National Media Production Center, at ng Surian na magtulungan,

bukod pa siyempre, sa kasalulukuyang kooperasyon ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura

at ng Surian. Sa kabilâng bandá, nakikinita ko rin ang bentaha ng pagkakaroon ng mga

network ng komunikasyon gaya ng iniharap ng Ministri ng Edukasyon para sa mabilis
72

Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa

at madalîng paggámit at mahusay na sistema ng paghahatid ng impormasyon. Ito ang

nangyari sa Pilipino noong nakalípas.

Ang Papel ng Akademya sa Filipinas

Maraming beses ko nang binanggit na ang pagpapaunlad ng wika, kung susundin si

Haugen, ay kinabibilángan ng apat na aktibidad na maaaring isagawa nang sabay-sabay

maliban sa una. Ang iniisip ko ay ang hindi pagsasáma sa code, na siyáng dapat unang

gawin ng akademya, ang pagpilìng ito na niratipikahan ng mga miyembro ng lipunan sa

pamamagitan ng referendum; ang estandardisasyon at elaborasyon ay maaaring sabay.

Ang mga gawaing may kaugnayan sa Filipino ay dapat isagawa ng Surian mula sa

umpisa sa atas ng 1973 Konstitusyon.

Ang inyong problema ay seleksiyon. Karamihan sa mga akademya ng wika ay

nadalian sa pagpilì ng isang wika: pinilì nilá ang wika ng komunidad o lungsod na siyáng

sentro ng kultura/pamumuhay/ekonomiya ng bansa. Ito ang nangyari sa East-Midland

Dialect of London, na naging batayan ng Queen’s English. Ang wikang sinasalitâ sa paligid

ng Ile de France, na ngayo’y tinatawag nating Paris, ang namayani sa ibá pang mga patois,

kahit na ang wikang pampanitikan ay Midi (Southern France), dahil sa impluwensiya ng

kabesera. Gayundin ang Madrileños Castillan na namayani sa Andalucian at Catalan.

Nakawiwiling isipin na ang malawakang paggámit bílang wika ng kalakalan at hindi ng

elaborasyong kultural ang pangunahing dahilan ng mga Indonesian noon pang 1927 kung

bakit mas pinilì nilá ang Bazaar Malay (ngayon ay Bahasa Indonesia) kaysa Javanese, ang

wika ng pinakamalaking pangkat ng pulo sa arkipelago, kahit na sa katunayan ang Javanese

ay may mayamang panitikan at ginámit na sa kulturang higit na superyor sa isang creole

na nagsimula bílang isang pidgin, ang wika sa palengke sa buong Malay Peninsula at ng

mga kalapit na pulo, at orihinal na wika ng minorya ng Pulong Riau. Dito, nanaig ang

praktikal at malawakang gámit sa konsiderasyong pangkultura at pampanitikan sapagkat

ang Jakartans at Northern Javanese ay nagsasalitâ ng katutubong wikang ibá sa Malay, na

sa katunayan ay hindi Javanese kundi isang baryedad ng Sundanese. Ang Kuala Lumpur ay

orihinal na nagsasalitâ ng diyalektong Selangor ng Malay, kayâ kahit ang Selangorians ay

kailangang matuto ng Bahasa Malay.

Binanggit ko ang lahat ng pangyayaring ito sapagkat ang mga ganitong konsiderasyon

ang naging daan ng unang grupo ng Surian, noo’y tinatawag na Surian ng Wikang

Pambansa, sa ilalim ng pamumuno ni Don Jaime de Veyra, isang Waray, at ng kalihim

nitóng si Cecilio Lopez, isang Tagalog, upang piliin ang Tagalog simula pa noong 1937,

na bagaman hindi Tagalog ang katutubong wika ng nakararaming minorya (pinagsámang

Bisayang Sebwano at Hiligaynon ang nakararaming minorya), ang Tagalog ang wika ng

sentro ng bansa noon at ngayon, Maynila, at sentro ng ekonomiya. Higit sa lahat, ito ang

wikang may pinakamalawak na pag-aaral ng mga gramaryang Castilla, at nang lumao’y

mga Filipino at Americano; mayroon itong malawak at maraming diksiyonaryo, maraming

sining, at kahit na walang monopolyo sa panitikan ay may nakasulat at pasalitâng panitikan

na tanyag at nababása ng marami. Bukod dito, sa wikang ito nagsusulat ang mga ilustrado
Gonzalez

73

ng kaniláng mga klasikong akda tungkol sa kalayaan at Kilusang Rebolusyonaryo kung

hindi silá nagsusulat sa Español.

Gayunman, waring hindi pa rin natatanggap ng mga di-Tagalog, na kinakatawan ng

mga delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1971, ang pinilì ng Surian at ni Quezon

kahit na 34 na taón na ang pagsisikap.

Ang nakatatawag-pansin sa kasong ito ng Filipinas, gayunman, ay ang pangyayaring

ang mga delegado ng kumbensiyong konstitusyonal, tulad ng mga tunay na politiko, ay

nakipagkasundo, na salig sa emosyon at kung gayo’y katanggap-tanggap sa politikal na

usapin ngunit hindi sa usaping lingguwistiko: pumilì silá ng isang hindi pa wika, isang

wikang bubuuin pa, isang pangalang may diwa ngunit walang tinutukoy, Filipino, na

bubuuin ng mga elementong mula sa lahat ng wika sa Filipinas. Hindi ganap na malinaw

kung ang gusto ng mga delegado ay ponolohiya, leksikong batay sa isang wika. Ayon sa mga

talakayan, ang nais nilá ay pinaghalong sintaksis na rin, na para sa akin, ay hindi katanggaptanggap

sa sosyolingguwistika. Maaaring magkaroon ng lingguwistikong paghahalo ng

sintaksis, ngunit duda ako kung may gagámit sa natapos na produkto. Ito ang ibig kong

sabihin sa pagsasabing hindi katanggap-tanggap ang gayon sa sosyolingguwistika.

Gayunman, ang kinakaharap ninyo ay hindi ang gawaing seleksiyon na sa aspektong

lingguwistiko ay medyo madalî ngunit maaaring napakahirap sa aspektong politikal, kundi

ang gawaing pagbuo, na bagaman maaaring mangyari sa aspektong lingguwistiko, at

imposible sa aspektong sosyolingguwistiko (sa aking palagay) ngunit maaaring katanggaptanggap

sa intensiyong pang-emosyon at pampolitika.

Ang inyong pangunahing gawain para sa susunod na mga taón, na nakikinita ko, ay

hindi ang ipatupad ang patakarang Bilingguwal na Edukasyon (hayaang ang Kagawaran

ng Edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng mga panrehiyong direktor, superintendent,

at superbisor ng Ingles at Pilipino ang gumawa noon) kundi ang magsagawa ng mga

kinakailangang saliksik panlingguwistika upang mabuo ang Filipino, na kung batay sa

umiiral na mga wika sa Filipinas (na umaabot sa hindi kukulangin sa 70-100 at hindi hihigit

sa 300, sang-ayon sa ilang pagtatáya) ay dapat na sistematikong mailarawan sa kaniláng

ponolohiya, leksikon, at sintaksis at maaaring sistematikong maikompara gámit ang

pamantayang ginagámit sa lingguwistika: ang komparatibong paraan ng rekonstruksiyong

historiko, internal na rekonstruksiyon, leksiko-istatistiks, at komparatibong sintaksis gámit

ang isang modelo ng proseso (naglalatag ng mga patakaran ng pormasyon at transpormasyon

ng mga pangungusap). Mangyari pa, karamihan ng gawaing ito ay makikíta sa ibá’t ibáng

disertasyong teoretiko at deskriptibo (masteral at doktorado) dito at sa ibáng bansa, sa

Filipinas sa mga sentrong tulad ng Philippine Normal College, Ateneo de Manila University,

Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng San Carlos, Central Philippine University,

Divine Word University, at Saint Louis University, gayundin sa mga sentro ng saliksik sa

mga wikang Austronesian gaya ng makikíta sa University of Hawaii, Cornell University, at

maaaring sa Chicago University.
74

Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa

Nangangailangan ng mahabà-habàng panahon at magiging mahirap na matutuhang

mabuti ang materyales na ito. Pagkatapos, ang pagsisikap na makabuo ng karaniwang

wikang pambansa mula sa mga elementong ito ay mahirap din bagaman maaari ding

mangyari.

Mula sa pananaw panlingguwistika, ang pagbubuo ng mga tuntunin, bokabularyo,

at deskripsiyon ay maaaring mangyari.

Ang pinag-aalinlanganan ko ay ang posibilidad na magkaroon ng gayong konstrak

na tatanggapin ng mga kasapi ng lipunan. Ang mga lingguwista ay hindi magkakasundosundo

kung anong mga katangian ang dapat at hindi dapat isáma, batay sa madalas na

pagtatalo namin sa mga pulong ng Linguistic Society of the Philippines. Sa wika, walang

katapusan ang mga pagpipilian, mga pagpipiliang dulot ng indibidwal na panlasa. At

ang wika ay napakalapít sa tao (napakahalaga sa kaniya tulad ng kaniyang karangalan at

pagpapahalaga at pagkakilála sa sarili) kayâ duda akong makakukuha kayó ng maraming

sasang-ayon sa magiging batayang katangian nitó.

Ang pinakamasamâ pa nitó, kahit na sang-ayunan pa, lubha ko ring pinagaalinlanganan

kung ang mga kasapi ng komunidad ay may tiyagang matuto ng bagong

wikang ito upang magámit ito, at sa hulí ay mapayabong.

Matagal nang may tagasuporta ang Esperanto—mga apatnapung taón na. May

mga samahán, organisasyon, nasyonal at internasyonal; dinalaw ko ang punòng-himpilan

sa Vienna. Mayroon pa ngang mga taunang pulong at pagtatangkang turuan ang mga

batà ng sinasabing unibersal na wikang ito. Ngunit hanggang sa ngayon, mayroon lámang

mga 100,000 panatikong tagasuporta pagkaraan ng apatnapung taón—at ang itinatanong

ko, ilan sa 100,000 na ito ang tunay na natuto ng Esperanto. Sapagkat ako’y suskritor at

miyembro ng Esperanto Society, tiyak na nakalista ako bílang isa sa 100,000 ngunit ni hindi

ako makapagsalitâ ng isang pangungusap sa Esperanto. Natatakot akong kung mabuo ang

Filipino, ay bakâ danasin nitó ang nangyari sa Esperanto.

May mga pag-aaral na may wikang hindi gaanong alam, na natutuhan ng mga

táong nagsasalitâ ng kaniláng unang wika, at naging wikang pambansa nilá; ang klasikong

halimbawa ng isang matagumpay na pagkilos para sa diseminasyon ay yaong pinangunahan

ni Yehosue Ben-Yehuda para sa Biblical Hebrew, na naging batayan ng Makabagong

Hebrew. Gayunman, ang Biblical Hebrew ang wika ng pagsamba ng mga nagtatag nitó at

mga unang miyembro ng Estadong Jewish; may tradisyon ng pag-aaral sa dáting isang buháy

na wika; ang mga miyembro ng Estadong Jewish ay mula sa ibá’t ibáng bansa na may kanikaniyang

katutubong wika at may pangangailangan para sa iisang kodigo upang manatíling

buháy, sapagkat ang estadong Jewish ay nanganganib sa lahat ng dako. Kinailangan nilá ang

Hebrew upang likhain ang kaniláng identidad na kailangan nilá upang mabúhay. Hindi

ko tiyak kung ang mga ganitong kalagayang panlipunan ay mauulit sa Filipinas, kayâ nagaalinlangan

ako sa kainamang sosyolingguwistiko ng Filipino.
Gonzalez

75

Bahagi ng inyong problema bílang akademya ay ang patunayan kung mali o tama

ako ngunit alinman doon, kailangang suriin ang dimensiyong sosyolingguwistiko ng inyong

gawaing bumuo ng isang wika at pumilì ng mga elemento at katangian ng mga wika sa

Filipinas.

Ang pagbuo ng Filipino ay nangangailangan ng estandardisadong mga gramatika

(na may ibá’t ibáng uri, karamihan reperensiya at pedagohiya, para gamítin sa ibá’t ibáng

antas ng sistema ng edukasyon at ng ibá’t ibáng uri ng guro at estudyante, kabílang ang

mga tigulang, maaaring kahit mga gramatika na magagámit ng midyang pangmadla), mga

diksiyonaryo, mga tanging leksikon para sa intelektuwalisasyon. Pagkatapos ay diseminasyon:

Ang inyong gawain ay ikalat, hindi ang Pilipinong batay sa Tagalog, kundi ang Filipino

kapag nabuo na ito. Hinggil dito, kapag dumatíng na ang gayong sitwasyon sa hinaharap,

ipinapayo ko sa inyo na huwag na ninyong uulitin ang mga pagkakamali noong nakaraan

na pagwawalang-bahala sa midyang pangmadla. Anumang uri ng pagpapalaganap ng wika

ay maisasagawa nang mahusay, para sa akin, sa pamamagitan ng midyang pangmadla at ng

sistema ng edukasyon, na isinasapriyoridad ang una kaysa hulí.

Pagbubuod at mga Kongklusyon

Samakatwid, para sa susunod na mga taón, ang inyong bagong papel na gagampanan bílang

mga unang kawani ng akademya na itatatag ng Pambansang Asamblea ay ang pagsasagawa

ng saliksik—pagsasaliksik ng mga karaniwang elemento at katangian ng mga wika sa

Filipinas na may pananaw para sa preskripsiyon at kodipikasyon sa pamamagitan ng

paghahanda ng ibá’t ibáng gramatika na kakailanganin para sa diseminasyon at elaborasyon.

Gayunman, bago ang kodipikasyon, dapat ay maging lehitimo at higit sa lahat,

maging katanggap-tanggap para sa inyong anak, ang produkto ng inyong saliksik. At

dito, dapat ninyong tingnan ang mga baryabol at dinamikang panlipunan, ang buong

saklaw ng etnikong identidad, motibasyong panlipunan—sikolohiyang panlipunan—ang

pinagsámang sosyolohiya at lingguwistika na tinatawag nating sosyolingguwistika—upang

matiyak na ang inyong produkto, itong Filipino, ay tatanggapin at hindi tatanggihan.

Ngunit upang maisagawa ang malahiganteng gawaing ito ng pananaliksik, dapat

ninyong patunayan ang inyong kredibilidad bílang isang pangkat ng mga intelektuwal sa

pamamagitan ng inyong kakayahan at dedikasyon at sa pamamagitan ng kalidad ng inyong

mga produkto, ng inyong saliksik.

Kung gayon, sa inyo nakasalalay ang responsabilidad ng pagpapalayà sa ating mga

mamamayan at pagtulong na matupad ang kaniláng hangaring magkaroon ng wikang tunay

na magpapahayag ng kaluluwang Filipino.

Salin ni Minda Blanca Limbo

TALA: Salin sa Filipino ng artikulong “The Surian ng Wikang Pambansa in National Language Development”

ni Dr. Andrew Gonzalez na nalathala sa Institute of National Language, tomo 1, blg 1, 1977.
Virgilio S. Almario

MGA MISYON PARA SA KOMISYON

SA WIKANG FILIPINO

NAPAKAHALAGA NG PAGPAPLANONG WIKA ngunit waring nawala ito sa isip

ng nagdaang mga tagapamahala ng Surian ng Wikang Pambansa at hanggang Komisyon

sa Wikang Filipino (KWF). Mahirap tuloy mabalikan ngayon kung ano ba ang direksiyong

ninais abutin para sa Wikang Pambansa sa loob ng nakaraang mahigit 65 taón. Nang mabuo

ang kasalukuyang Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF nitóng Marso 2013, naging

unang hakbang namin ang pagtawag ng isang seminar upang konsultahin at ganyakin ang

ilang pinilìng alagad ng wika sa pagbuo ng isang Medyo Matagalang Plano (Medium Term

Plan) para sa wikang Filipino. Sagot ang plano sa mga lumitaw na analisis hinggil sa naging

mabagal na pagsusúlong sa Filipino at sa mga posibleng gawin ng KWF upang mabisàng

matupad ang atas ng 1987 Konstitusyon at ng Batas Republika Blg. 7104.

Sa patnubay ng bisyon na—Wikang Filipino: Wika ng Dangal at Kaunlaran—

inihanda ng Kalupunan ang buong komisyon para sa tatlong taóng masugid na pagkilos

upang pasiglahin ang pagtataguyod sa Wikang Pambansa at ibáng wikang katutubo at

makapagdulot ng pambansang patnubay sa wastong paggámit, pagtuturo, at pagpapahalaga

sa Filipino.

Sa ilalim ng programang Súlong: Dangal ng Filipino, unang naganap ang

reorganisasyon ng KWF. Binago ang komposisyon at tungkulin ng mga sangay upang

umangkop sa mga bagong adhika sa Medyo Matagalang Plano. Nagkaroon ng bagong

Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) at Sangay ng mga Literatura at Araling

Kultural (SLAK) samantalang binigyan ng mga tiyak na gawain at proyekto ang Sangay

ng Salita at Gramatika (SSG) at Sangay ng Salin (SS). Sinundan ito ng mga regular na

pag-aaral at palihan upang mapataas ang antas ng kaalaman at kasanayán ng mga kawani.

Nirebisa din ang organisasyon at programa ng mga sangay ng KWF sa mga rehiyon at

lalawigan sa ilalim ng bagong pangalang Sentro ng Wika at Kultura (SWK). Bago matapos

ang 2013, naaprobahan din ang bagong logo ng KWF upang maging sagisag ng nagbagong

misyon ng komisyon para sa sarili at para sa Filipino.

Mula naman sa isang serye ng mga forum at konsultasyon ay nabuo ang Ortograpiyang

Pambansa, na hindi nagluwat ay nadugtungan ng Manwal sa Masinop na Pagsulat. Natapos
Almario

77

din ang pagrebisa sa Patnubay sa Korespondensiya Opisyal na siyang pangunahing instrumento

para sa pagpapatupad ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 ni Pangulong Corazon C.

Aquino. Samantala, sinimulan ang publikasyon ng jornal na Pandiwa at lathalaang Aklat

ng Bayan, na may kaukulang tulong mula sa National Commission for Culture and the

Arts (NCCA), upang pasiglahin ang saliksik, pagsasalin, at paglalathala ng mga aklat na

makapagpapalaganap ng bagong kaalaman at magtatanghal sa kapasidad ng Filipino bílang

wikang modernisado at intelektuwalisado.

Pambansang Kaisahan

Ang mga aklat at manwal ang naging kasangkapan sa kampanyang Filipino: Wika ng

Pagkakaisa para sa taóng 2014. Adhika ng KWF na maging sagisag ang wikang Filipino

ng diwang maugnayin (inclusive) hinggil sa pangangalaga ng mga wika at kulturang

katutubo samantalang pinauunlad ang Wikang Pambansa bílang modelo ng pagpapaunlad

at pagkakaisa. Sa loob ng kampanyang ito isinagawa ang malawakang seminar hinggil sa

Ortograpiyang Pambansa at Manwal sa Masinop na Pagsulat para sa mga guro at hinggil sa

Patnubay sa Korespondensiya Opisyal para sa mga pinunò at empleado ng mga ahensiya ng

pamahalaan. Naging pangunahing layunin sa mga seminar at workshop ang estandardisasyon

o pagkakaisa sa anyo ng Filipino sa pagsulat. Ang layuning ito ay naging armonisasyon

nang tumulong ang KWF sa pagsasaayos ng mga ortograpiya ng 19 sariling wika (mother

tongues) sa programang MTB-MLE ng DepEd.

Inilunsad din ng KWF ang proyektong Atlas Filipinas na may dalawang sanga.

Ang unang sanga ay nauukol sa pagbuo ng isang bagong mapa ng bansa na nagtataglay

ng kaukulang pagbabago sa ispeling ng mga pook na katutubo ang pangalan alinsunod sa

palabaybayang Filipino. Ikalawang sanga ang pagmamapa sa mga wika ng Filipinas, na

isang saliksik hinggil sa tunay na bílang ng mga katutubong wika at sa sitwasyon ng mga

komunidad na nagsasalitâ ng mga ito. Mahigpit na katulong ng KWF sa proyektong ito

ang DILG at ang NCIP.

Kaugnay ng pangangalaga sa mga wikang katutubo ang idinaos na malaking Summit

sa Wika ng Kapayapaan na dinaluhan ng mga lider ng umaabot sa 100 wikang lumad at

pinagmulan ng kasalukuyang saliksik hinggil sa mga nanganganib na wika, simula sa wikang

Agta. Itinataguyod din ng KWF ang mga taunang proyektong Ambagan at Sawikaan,

bukod sa nagbibigay ng pondo para sa pagsasalin at paglilimbag ng mga bokabularyong

sinulat sa panahon ng Español upang maging saligan sa mga manigong pagsusúlong ng

mga wika ng Filipinas.

Itinuturing na makabuluhang aspekto ng wika ang paggámit nitó sa panitikan. Sa

ngayon, binabalikat ng KWF ang pangangalaga sa mga wika at panitikang katutubo sa

pamamagitan ng sumusunod: (1) kumperensiya ukol sa mga wika at panitikang rehiyonal,

(2) antolohiya ng mga akdang pampanitikan sa katutubong wika na may katapat na salin

sa Filipino, at (3) Timpalak Uswag Darepdep, isang kontest sa pagsulat ng tula at kuwento

para sa mga kabataan at gámit ang kaniláng katutubong wika. Sa kabilâng bandá, may
78

Mga Misyon para sa Komisyon sa Wikang Filipino

kilos din ang KWF upang palusugin pa ang imahen ng pambansang panitikan. Isa rito ang

Timpalak Salin (Na) na kontest sa pagsasalin at paglilimbag ng mga makasaysayang akda

at dokumento.

Pambansang Kaunlaran

Nagpapatuloy ang kampanyang binuksan noong 2013 at 2014. Ngunit itinuon ng KWF

ang kampanya sa Filipino: Wika ng Kaunlaran nitóng 2015. Kaugnay ng bagong diin,

binago ang islogang Súlong: Dangal ng Filipino túngo sa Uswag: Dangal ng Filipino.

Nangangahulugan ito ng pagpangitain sa isang pinalawak na saklaw ng paggámit sa

wikang Filipino at ang pananalig na ang pag-unlad ng wikang Filipino ay kaagapay kung

hindi man salamin ng pag-unlad ng Filipinas sa ekonomiya at ibáng larangan. Binigyan

ng bagong tuon ngayon ang saliksik pangkultura at pagsasalin, lalo na kaugnay ng higit

na matalik na pakikiisa sa K–12 at sa implementasyon ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013

hinggil sa paglikha ng walong bagong core courses sa kolehiyo.

Dalawang proyekto kaugnay ng saliksik pangkultura ang nasimulan nitóng 2015.

Una, ang Gawad Julian Cruz Balmaseda na nagpaparangal sa pinakamahusay na tesis at

disertasyon ng nakaraang taón at may tuon sa mga pag-aaral na nása ibáng disiplina. Ikalawa,

ang Lekturang Norberto Romualdez na may layuning makaipon ng mga bagong pagtingin

at saliksik sa ibá-ibáng larang sa pamamagitan ng mga lektura ng mga pangunahing

intelektuwal.

Kaugnay nitó ang bagong tuon ng pagsasalin. Idinagdag sa pagsasaling pampanitikan

ang pagsasalin ng mga bantog na akdang banyaga, lalo na upang magámit sa pagtuturo ng

panitikang pandaigdig. Nangampanya din sa mga embahada hinggil sa isang Programa ng

Palítang Salin sa layuning maipakilála ang panitikan ng Filipinas sa ibáng bansa samantalang

ipinakikilála sa mga mambabasáng Filipino ang mga huwarang akdang banyaga. Pinatindi

naman ang gawain ng Sangay ng Salin túngo sa pagsasaling teknikál. Bukod sa mga batas

at regulasyong kailangang isa-Filipino, naghahanda ang sangay ng isang serye ng palihan

para sa pagsasaling teknikal at túngo sa propesyonalisasyon ng hanay ng mga tagasalin.

Katulong ang WIKA, Inc., nagsagawa ang KWF ng isang konsultasyon hinggil sa

kurikulum sa Filipino ng K–12. Ang resulta ng pagsusuri at mga rekomendasyon ay ipinadalá

sa DepEd para sa kaukulang pagsasaalang-alang. Sinundan pa ito ng seminar-workshop

hinggil sa reoryentasyong pampanitikan na isinagawa sa Luzon, Visayas, at Mindanao

upang makabuo ng isang listahan ng mga akdang mairerekomendang gamítin para sa mga

teksbuk sa panitikan ng mga paaralang elementarya at sekundarya. Isang workshop na rin

ang naidaos sa Bacolod para sa mga guro at artist ng rehiyon upang matulungan siláng

sumulat at gumuhit ng mga kuwentong pambatà.

Kaugnay ng pagtuturo sa batayang edukasyon, inaasahang matapos ang isang

bagong Gramatikang Pambansa bago matapos ang 2015. Ipapanukala ng naturang aklat

ang bagong pagtingin sa wikang Filipino bílang bahagi ng mga wikang katutubo. Ilulunsad
Almario

79

din ang proyektong Pagtuturo ng Filipino bílang Ikalawang Wika upang higit na maging

epektibo ang pagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog.

Pinakamabigat na misyon ngayon ang Pambansang Programa sa Intelektuwalisasyon

ng Filipino (PPIF) na ipinanukala ng KWF para sa pakikipagtulungan ng CHED.

Nagsimula ito sa inisyatiba ng KWF kasáma ang NCCA, na tumulong sa retooling ng mga

guro sa Filipino na apektado ng CHED Memo Blg. 20, s. 2013. Sa naturang inisyatiba,

pumilì ng apat sa panukalang bagong core courses ang KWF, ipinagpagawa ng silabus at

sangguniang aklat bawat isa, at upang mabigyan ng bagong kaalaman at kasanayán ang

mga guro sa Filipino. Sa isang pulong sa pamunuan ng CHED, nagpahayag ng suporta ang

CHED para sa isang organisadong pagpapasigla ng paggámit ng Filipino sa mga disiplina

at kurso sa antas tersiyarya. Nagresulta ito sa panukalang PPIF na binubuo ng mga kurso,

palihan, at seminar upang maituro ang paggámit ng Filipino lalo na sa pagtuturo ng agham

at matematika, mga insentibo sa mga guro na gaya ng grant para sa gradwadong pag-aaral,

at pagbuo at paglalathala ng mga kailangang materyales panturo.

Wika ng Karunungan

Ang lahat ng mga nabanggit na gawain at proyekto ng KWF ay hindi lámang para sa

pambansang kaisahan at kaunlaran. Higit pa. Sapagkat ang tugatog ng pagpapalaganap

at pag-aangat sa “Dangal ng Filipino” ay ang pagkilála at paggálang dito bílang Wika ng

Karunungan. Na maaari itong gamítin sa anumang uri ng edukasyon ng sinumang Filipino;

na maaari itong kasangkapan ng bayan sa anumang uri ng diskurso at anumang uri ng

usapin sa lahat ng dako ng bansa. Kailangang patunayan para sa lahat na: “Hindi Ingles

lang ang wika ng karunungan” bukod pa sa pagtatanghal na “Hindi wika lang ng mangmang

ang Filipino.”

Hindi naman bago, bagaman sistematiko, ang pamamaraang kinasangkapan

ng KWF upang tupdin ang mga itinakdang misyon sa Medyo Matagalang Plano nitó.

Nangunguna siyempre ang mga serye ng forum, konsultasyon, at seminar na naging daan

upang sa isang bandá ay makakuha ng mga opinyon at mungkahi mula sa mga guro at

alagad ng wika, at upang sa kabilâng bandá ay mapalaganap ang mga binagong tuntunin

at patakarang pangwika. Kasáma ng ganitong mga pagtitipon ang taunang Kongreso sa

Wika upang matalakay at mapag-usapan ng lahat ang mga pangunahing isyu, problema,

at tungkulin para sa wikang Filipino. Ipinaplano ding mabuti kahit ang mga dáting

pagdiriwang, gaya ng Araw ni Balagtas at Buwan ng Wika, upang magtanghal ng ibáng

karanasang edukasyonal at makaahon sa nakababagot na’t nakamihasnan.

Naging malaking tulong ang reorganisasyon ng hanay ng KWF upang maging

epektibong makinaryang pangwika. Halimbawa, ang pagbuo sa SEN upang aktibong harapin

ang networking. Agresibo ang SEN sa paghahanap ng panahon upang makapagsalitâ ang

KWF sa radyo at telebisyon, bukod pa sa regular at buwanang Kapihan sa Wika upang

kausapin ang mga miyembro ng mass media at makatulong ang mga ito sa pagbabalita ng

mga aktibidad ng KWF.
80

Mga Misyon para sa Komisyon sa Wikang Filipino

Bahagi ng promosyong pangwika ang mga gawad at parangal. Sa ngayon, hinigpitan

ng KWF ang pagbibigay ng dáting parangal, gaya ng Dangal ng Wika at Dangal ni Balagtas,

upang higit na maging prestihiyoso. Idinagdag naman ang gawad na gaya ng pambansang

Gawad Ulirang Guro sa Filipino upang kilalánin ang pagpapakasakit ng mga guro sa

Filipino. Nagiging paraan naman ang pagpilì ng mga Kampeon ng Wika sa pana-panahon

at sa ibá’t ibáng larang at rehiyon upang lumaki ang hanay ng mga tagapagtaguyod ng

Filipino. Napakalaki ng posibilidad ng bagong deklarang Buwan ng Pambansang Panitikan

túngo sa higit na pag-akit ng madla sa halaga ng wika at panitikan ng Filipinas. Ang

totoo, nakasalalay ang tagumpay ng mga misyon ng KWF sa wastong pagpapakilos ng mga

kaalyadong tao, organisasyon, at institusyon.

Sa loob ng nakaraang dalawang taón, sinikap itaguyod ng KWF ang isang organisado

at planadong pagkilos, at dahil organisado at planado ang pagkilos ay natupad nitó ang mga

misyong hindi isinagawa ng mga nakaraang administrasyon. Ngunit napakaikli ng tatlong

taón para matupad ang lahat. Kung sakali, nagsisimula pa lámang ngayon ang KWF at

kailangan pa marahil ang isang bagong set ng pamunuan na magpapatuloy sa sinimulan

ngayon upang maging kaganapan ang atas ng 1987 Konstitusyon. Gayunman, humaharap

ang KWF sa 2016, sa ika-25 anibersaryo nitó, nang may matatag na paninindigan para sa

Filipino bílang wika ng pinagsanib na pambansang Kaisahan, Kaunlaran, at Karunungan.

Maipagmamalaki na ngayon ng sinumang na “Filipino ako, Filipino ang wika ko, Filipinas

ang bansa ko.”

TALA: Ang artikulong ito ay unang iniulat sa Pambansang Kongreso ng Pagpaplanong Wika ng KWF na

ginanap sa Lingayen, Pangasinan noong 5 Agosto 2015. Nalathala din sa journal na Pandiwa: Lathalaan

para sa Wika at Kultura, taón 3, blg 1, 2016.
Lahat ng sangkap ng gramatika ay

maaaring magbago sa paglipas ng

panahon, subalit may mga pagbabago

na higit na mabilis at kagyat nakikíta sa

3ilang sangkap kaysa ibá
Cecilio Lopez

ANG PAGHAHAMBING NANG MANGA WIKAQ

SA PILIPINAS

Mga Daglat at Pasubaliq

Akl Aklan Mal Malay Skt Sanskrit

Apa Apayaw Mar Maranaw Tag Tagalog

Bgb Bagobo Mgd Magindanaw Tao Taosug

Bkl Bikol Nbl Nabaloy B bokal

Btk Bontok Pmp Pampangan K konsonante

Cuy Cuyunon Png Pangasinan

Hil Hiligaynon P-Neg Pinatubo-Negrito

Ibg Ibanag PMP Proto-Malayopolinesiyo

Ilk Iloko Sbl Sambales

Ilt Ilonggot Seb Sebu

Ivt Ivatan S-L Samar-Leyte

ANG MANGA SALITAQ sa “Talaq nang manga salitaq” ay naisusulat sa maluwag na

transkripsiyong ponemika. Sa Btk Cuy Ivt Mar Nbl Png Sbl, ang e ay dapat basahing

“pepet.” Ang malaking L sa Akl “baLay” ay dorso-lateral na prikatiba. Ang ñ sa Ivt “ñipen”

ay palatal-nasal. Ang ch sa Nbl “chanum” ay walantinig na aprikata, at ang malaking I sa

P-Neg “lanIm” ay mataas nang kauntiq ang bigkas kaysa pepet.

Kapag ang hanay nang manga wikaq ay nagsasapol sa Tag at ang manga salitaq

sa ibang wikaq ay singkahulugan nito, ang kahulugan ay sa huling salitaq nang huling

wikaq sumusunod. Kapag walaq nakamang Tag sa hanay nang wikaq at ang mga salitay

magkakasingkahulugan, ang kahulugan ay sa salitaq nang huling wikaq sumusunod. Ang

manga kahulugan ay Tag.

Sa pagqaaral na itoy gumamit ako nang pagbabago sa pagsulat na na:iiba sa

pinagka:ugalian; ang manga itoy maaaring maging paksain nang isang pagpapa:litangkuroq.

Manga halimbawaq. Ang manga at nang ay isinulat ko nang buoq; ang y (pinaikling ay)

at t (pinaikling at) ay isinulat kong kakabit nang sinusundang salitaq, gaya baga nang
Lopez

83

nang (pinaikling na). Ang q (“glottal stop”) ay siyá kong ipinalit sa tuldik na paiwaq

sapagkat ang ‘glottal stop’ ay isang K at hindiq isang uriq nang diin. Ginamit ko ang q

sa hulihan lamang nang salitaq at hindiq sa unahan o kala:gitnaan nito ma:liban kung

kapalit nang pinagka:ugaliang gitling, halimbawaq sa pagsulat nang salitang may unlaping

nagtatapos sa –g at sinusundan nang salitangqugat na sa pagsulat ay nagsasapol sa B. Sa

inuulit o magkatambal na salitaq ay hindiq ko ginamit ang q. Ngunit sa manga salitang

pinaghahambing dito, sa ponolohiya (1-15b*), ginamit ko ang q sa unahan, kala:gitnaan,

at hulihan sapagkat sa manga salitang itoy pinaghahambing ang bawat tunog sa tunog

sa ibat ibang wikaq, at ang q ay dapat isaalangalang na gaya din nang ibang K. Hindiq

ako gumamit nang tuldik (na maaaring pagmulan nang manga kama:lian sa paglilimbag).

Ginamit ko ang tutuldok (:) sa manga pantig na may likas na habaq ang bigkas gayon din sa

manga unlaping may ganito ring angking bigkas upang mailagan ang hidwang pakahulugan,

halimbawaq, nasusulat : na:susulat, bagamat itoy hindiq ko sinunod sa inuulit na pantig sa

pangkasalukuyan at panghinaharap na panahon nang manga pandiwaq.

Pambungad

Walang nakatitiyak nang bilang nang manga wikaq sa Pilipinas; tinatayang may manga

pitumpuq hanggang walumpuq, humigit kumulang. Ang paghahambing na ito’y kina:

bibilangan nang manga wikaq buhat sa kahilagaan sa katimugan nang bansaq.

Ang paghahambing nang manga wikaq ay maaaring itakdaq lamang sa ponolohiya,

sa pala:buuan o sa pala:ugnayan kaysaq (at kung iibigin ay maaaring idagdag pa ang

leksikograpiya). Totoo ngaq na ang paghahambing na magkakasama ang ponolohiya,

pala:buuan at pala:ugnayan ay siyáng ganap na uriq nang paghahambing, ngunit itoy sa ilang

pamilya lamang nang manga wikaq na isa:sagawaq. 1 Sa tatlong sangay, ang ponolohiya ang

unang na:pagquukulan nang pagqaaral dahil sa kaginhawaan at kada:lian nang pagqiipon

nang manga salitaq. 2 Ang maikling pagqaaral na itoy pasimulaq lamang at ma:ituturing

na isang paghahambing na pahapyaw. (Ang sa pala:buuan at pala:ugnayan ay maaaring

isagawaq sa manga darating na panahon.) 3

Piniliq ko ang manga labinlimang salitaq lamang upang maging saligan sa

ma:paghahanguan nang paghahambing nang manga tunog at kahulugan. May manga

salitang ang manga tunog at kahulugan ay magkatulad na magkatulad, mayroon namang

nagkaka:iba nang bahagyaq ang manga tunog ngunit ang kahulugan ay magkatulad rin o

na:iiba kayaq nang bahagyaq, at mayroong nagkaka:iba ang manga tunog at kahulugan.

At kung hindiq rin lamang namagitan ang ibang impluwensiya, gaya nang manga salitang

hiram, tabu o analohiya kayaq, ang manga salitang pinaghahambing ay itinuturing na

kognet at ang pinagmulang anyrong proto nang manga itoy maaaring balangkasin.
84

Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas

Talaq nang manga salitaq

1 Tag Mgd “bago,” Seb Hil Akl S-L “bagqo,” Bkl “baqgo,” Png “balo,” Pmp

“bayu,” Ibg “bagu,” sbl “bayo,” Btk “falo,” Ivt “bayu, vago,” Cuy “bagoq,” Nbl

“bado” “(bago); Ilk “bago” (bagundating), “baro” (bago; binataq); Apa “bago”

(binataq), “baro” (diq pa natatagalan), “bagbago” (bago); Ilt “bago” (sariwaq);

Tao “bago” (bago; katakataka; kakaiba), “baqgu” (bago; bataq; sariwaq; diq pa

natatagalan); Mar “bago” (bago; hilaw; dilutoq).

2 Tag “bahay,” Seb Hil Ilk S-L Cuy “balay,” Pmp Sbl “bale,” Akl “baLay,” Ibg

“balay, bale,” Mgd “walay, baay,” Ivt “bahay, vahay,” Tao “baay” (bahay); Bkl

“baloy” (bahay), “balayan” (kubo, habong); Png “baley” (baryo); Btk “baqey”

(bahay), “fali” (busloq); Nbl “baley, faley” (bahay; baryo); P-Neg “bali”

(balangkas nang bahay); Mar “walay” (bahay), “mbalay” (gumawaq).

3 Tag “bigas,” Seb Hil S-L Akl Tao “bugas,” Ilk Bkl “bagas,” Png “belas,” Pmp

“abyas,” Ibg “baggaq,” Sbl “buyah,” Apa “baggat,” Btk “fakas,” Cuy “begas,”

Nbl “bekas,” P-Neg “buya” (bigas); Mar “begas” (sinaing).

4 Tag “bili,” Ibg “balli,” Tao “bii” (bili); Png “bili,” Sbl “mabli,” (mahal); Pmp

“abli” (kabayaran sa kalakal na pinamili).

5 Tag Seb Hil Bkl “buhok,” Ilk “buqok,” S-L “bohok,” Png “bwek,” Pmp

“bwak,” Ibg “vuq,” Mgd “buhuk, buk,” Ivt “book, buk,” Btk “book,” Apa

“abok,” 4 Tao “buhuk,” Mar “bok” (buhok).

6 Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Png Pmp Ibg Sbl Ivt Nbl Apa Tao Mar “mata”

(mata).

7 Tag “ngipin, qipin,” Seb Hil Bkl S-L Akl “ngipon,” Ilk “ngipen,” Png Sbl

Mar “ngipen,” Pmp “ipan,” Ibg “ngipan,” Ivt “ñipen,” Cuy “ipen,” Tao “ipun”

(ngipin).

8 Tag “qagos,” S-L Png Pmp Mgd Mar “agos,” Ilk “agos, ayos,” Sbl “agoh,” Nbl

“ayus” (agos); Ilt “ayut” (agos; sapaq); Ivt “ayus” (lunas nang ilog); Tao “haus”

(malakas na agos sa lagusang Sibutu kung humihihip ang unos na hilagangsilangan).

9 (Matandang) Tag “qalog,” Pmp “alog” (bumatis); Ilk Png “alog” (libis; maliit

na kanal na may tubig); Apa “manalog” (lumangoy); Mgd “alug” (libis); Mar

“alug” (libis); “arur” (balsa).

10 Tag “qatip,” Seb Hil Bkl S-L Mgd Tao “atup,” Ibg “atoq,” Png Sbl Cuy
Lopez

85

Mar “atep,” Pmp Apa “atap,” Btk P-Neg “atip” (bubong laloq na kung pawid

o kugon); Nbl “atip” (sahaq); Ilt “atap” (bubong na pawid o kugon); “atep”

(anoq pa mang uriq nang bubong).

11 Tag “qugat,” Seb Hil Bkl S-L Tao Mar “ugat,” Ilk “urat,” Png Nbl “ulat,”

Pmp Sbl Ivt “uyat,” Ibg “ugaq,” Apa “uhat,” Mgd “ugad” (ugat); Ilt “ulat”

(ugat), “olat” (litid; lastiko).

12 Tag Seb Hil Bkl S-L Akl Sbl “tubos,” Ilk “subbot,” Png “sebet,” Pmp “atbus,”

Ibg “tabbuq, tavvuq,” Ivt “tuvvutan,” Bgb “tubbos” (tubos).

13a Ilk Apa “adda,” Png “wala,” Ibg “uwad,” Bkl “igwa,” Ivt “ara,” Btk “wadaq,

waday, waay,” Ilt “wadey,” Mar “aden” (mayroon).

13b Ilk “awan,” Apa “awan, attan” Ilt “awan, wan” (walaq).

13c Tag Seb Hil “walaq,” Bkl “waraq,” S-L “waraq, waray,” Pmp “alaq,” Ivt

“araya,” Nbl “gwara,” Mgd “ada,” Tao “waay,” Mar “da” (walaq).

14a Ilk Png Pmp Ibg Ivt Btk “danum,” Sbl “lanum,” Nbl “chanum,” P-Neg

“lanIm,” Apa “danon,” Ilt “denom” (tubig).

15a Bkl “banggi,” Pmp “bengi” (gabi).

15b Tag Apa Mgd “gabi,” Seb Akl “gabiqi,” Hil S-L “gabqi,” Ilk “rabii,” Png

“labi,” Ibg “gabi, gavi,” Sbl “yabi,” Btk “lafi,” Cuy “gabiq” (gabi); Nbl “kalbian,

kaabiqi” (kagabi); Mar “gawii” (araw), “magabi” (hapon).

Pagsusuriq

Ang mata ay kilala sa lahat nang wikaq. (6).

Ang B ay nagkaka:ibaiba: Tag Nbl i, Seb Hil Bkl S-L Akl Mgd Tao u (o), Ibg o, Png

Sbl Cuy Mar e, Pmp Apa a, Ilt a, e (10).

Kung ang ibang wikaq ay may –p, itoy nagiging –q sa Ibg (10). Ang ganitong

pagpapalit nang K na walantinig sa hulihan nang salitaq ay kakanyahan nang Ibg (4, 6, 11,

12).

Ang K ay nagkaka:ibaiba sa Tag Seb Hil Ilk Bkl S-L Akl Cuy Tao Mar g, Png

l, Pmp Sbl P-Neg y, Btk Nbl k. Ang K ay g rin sa Ibg Apa ngunit dahil sa bisaq nang

dyeminesiyon, itoy isinusulat nang maka:lawa, na ang ibig ay binibigkas nang mahabaq

(3). 5 Ang dyeminesiyon ay umiiral sa kahilagaan nang Luson, kabilang na ang Ilk (12, 13a)
86

Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas

at sa Bgb (12). 6 Kung ang ibang wikaq ay may magkasunod na bB-, samakatuwid KB-, sa

Pmp ang bB- ay nagkaka:palit at magiging Bb-; itoy kakanyahan nang Pmp (4, 12). Ang

s sa ibang wikay nagiging h sa Sbl sapagkat sa wikaing itoy (Iba) walang tunog na s: kung

bagamat may s ang ilang salitaq sa Sbl, itoy maaaring hiram, malamang sa kalapitwikaq

(12). Ang Btk ay may f (1, 3) na kung minsan ay bariyante nang b, gayon din sa Nbl (2).

Ang k sa Btk Nbl ay ang walantinig na katumbas nang g sa ibang wikaq (3).

Ang ng- sa ibang wikaq ay katumbas sa Ivt nang ñ, isang tunog na sa wikang ito

lamang ginagamit (sa manga wikang ditoy pinaghahambing) (7). Ang manga bariyanteng

nagsasapol sa –ng at –q ay na:ririnig sa manga wikaing Tag (3).

Ang a sa Sbl sa halip na nang hinihintay na e at ang nagka:palit na KB na naging

BK- ay maaaring hiram sa kalapit na Pmp (4). Ang magkasunod na -B11B1- sa ibang

wikaq, alalaong bagay dalawang magkamukhang B na may l sa pagitan at nasa kala:gitnaan

nang salitaq, ay nagiging isang B na lamang na mahabaq ang bigkas (ditoy isinusulat na

dalawang B na magkasunod) sa Tao matapos makaltas ang l; ito’y kakanyahan nang Tao (2,

4, 13c). 7 Kung may h sa pagitan nang dalawang magkamukhang B, itoy maaaring maging

q, gaya sa Ilk, o kayay mawalaq, gaya sa Ivt Btk, at ang dalawang B ay nagiging isang B

lamang, gaya sa Ibg Mgd Ivt Mar (5). Ang walantinig na f sa Btk (1, 2 ,3, 15b) ay may

katumbas na maytinig na v sa Ivt (1, 2, 12), na ginagamit din sa Ibg (5, 12, 15b). Matapos

mawalaq ang h sa Png Pmp at ang hinihintay na pagbabago nang B sa Png e, Pmp a, sa

mabilis na pagbigkas ang dadalawahimpantig ay nagiging salitang iisahimpantig lamang,

halimbawaq, Png -ue- Pmp -ua- nagiging -wa- (5). Sa Apa (5) ang KB- ay nagkaka:palit

na BK-, gaya sa Pmp. Ang pagpapalitang itoy nangyayari hindiq lamang sa magkatabing

tunog na K at B kundiq sa dalawang K rin kahit na nasa unahat hulihan nang isang salitaq.

Halimbawaq, ang t- ... -s sa Tag at sa iba pang wikaq, sa Ilk Png ay nagiging s- ... –t (12).

Bukod pa sa pagpapalitang ito, nang dalawang K sa unahat hulihan nang salitaq at ang KB

na nagiging BK-, gaya ng Pmp Apa itong huli, ay may pangyayari ding ang dalawang K

ay nagkaka:palitan sa kala:gitnaan nang salitaq, gaya nang adlaw sa Seb Hil S-L Akl Mgd

Tao na may -dl-, na aldaw sa Ilk Bkl Apa na may -ld-, at sa Pmp aldo (ang diptonggong

-aw- ay naging isang B lamang na -o.) At may pagpapalitan pa rin namang dalawang K

na pinamamagitanan nang isang B, gaya nang gatus “sandaan” sa Seb Hil Bkl S-L Tao,

gatus “sandaang libo” sa Pmp, na may -tus, ngunit gasut sa Ilk, na may -sut. Ang gangganitong

uriq nang pagpapalitan nang manga tunog ay laganap sa halos lahat nang wikaq

sa kapuluan.

Ang manga bariyante sa ponolohiyat pala:buuan na may magkakawangis na

kahulugan ay ma:kikita sa manga halimbawang 1, 8, 9, 11, 15b. Ang magkasunod na -gq- sa

Seb Hil S-L Akl ay -gg- naman sa Bkl Tao (1). Ang kontrasteng itoy kitangkita sa manga

wikang Bisayaq sa isang dako at sa Bkl sa kabilaq. Ang manga bariyanteng g, l, r, y, h ay

masasaliksik pa nang ma:sinsinan at maaaring maging saksi sa teoriyang ang manga itoy

naggaling sa mahigit na isang tunog na *R sa wikang proto. 8 Ang Bkl banggi at Pmp bengi
Lopez

87

(15a) ay manga repleks nang doblet sa wikang proto, na diliq ibat *beNih, na kadoblet nang

*Rabih na sa Tag ay gabi, atbp. (15a, b).

Sa mga doblet, ang isay umiiral sa isang pangkat nang manga wikang magkakanugnog

at ang iba naman ay sa ibang pangkat, gaya halimbawaq nang manga doblet sa 13a, c, 14a,

b at 15a, b. Isa pang halimbawaq nang doblet na nagpapatibay sa pagkaka:pangkatpangkat

ay ang Ilk “dara,” Png “dala,” Pmp P-Neg “daya,” Ibg “daga,” Ivt “rayag,” Nbl “chala,” PMP

*(dD)aRah (dugoq) sa dakong kala:gitnaan at kahilagaan nang kapuluan at ang Tag Seb Hil

Bkl S-L Akl Cuy “dugoq,” Mgd Tao “duguq,” Mar “rogo” (dugoq), PMP *duRuh (lusaw) sa

dakong katimugan naman.

Ang ilang magkakawangis na ponolohiko ay kabaligtaran ang kahulugan kung

minsan (13a, c), at itoy maaaring naging dahilan sa pagsilang nang manga bagong salitaq

upang matugunan ang kabaligtarang kahulugan na na:lipat sa na:kakawangis (13b).

Ang belar na g- (isinatitik na gw-) ay kakanyahan nang Nbl (13c), labiobelar na

na:ririnig din sa Chamorro sa Guam, halimbawaq, gwaha “mayroon.”

Sapagkat ang manga halimbawang inilahad sa itaas ay diq mapasusubalian na

magkakawangis sa ponolohiyat kahulugan, ang manga anyong proto nang manga itoy

maaaring balangkasin. Dapat tandaan na ang binalangkas na anyong proto sa pamamagitan

nang paghahambing nang magkakawangis na salitaq sa manga ‘anak’ na wikaq, ay bilang

isang saligan lamang. Ang binalangkas na anyong proto (na pinagkaugalian nang ititik nang

may isang tila bituin o asterisk sa dakong itaas sa unahan nito) ay di mabibigkas sapagkat itoy

walang realidad na obhetibo. Ang manga anyong PMP nang manga halimbawaq sa talaq

ay ang manga sumusunod: 1*b/ah/aRuh 9 (bago); 2 *balay (bahay); 3 *belih (bili); 4 *beNih

(gabi); 5 *beRas (bigas); 6 *buhok (buhik); 7 *(dD)anum (tubig); 8 *haluR (katubigan);

9 *haRus (agos); 10 *hatep (bubong); 11 *(h)ipen (ngipin); 12 *huRat (ugat); 13 *matah

(mata); 14 *Rabih (gabi); 15 *tebus (tubos); 16 *(t)ubiR (kanal na may tubig); 17 *waDah

(mayroon; hindiq).

Sa mga salitang repleks nang anyong proto ay ma:idaragdag ang ilang naturalisado

na buhat sa Skt na ginamit na nang ating manga ninunoq noon pa mang panahong

preistoriko, at sapagkat ang manga salitang itoy bahagi na nang tala:tinigan noon pa man

kayat binalangkas din ang anyong proto nang manga ito. Ilang halimbawaq: Tag “baroq,”

Ibg “bagi,” Skt “bhagi-,” Ngadyu-Dayak sa Borneo “bagi,” PMP *bagih (bahagi); Tag Seb

Apa “basa,” Sbl “baha,” Skt “bhasa” (wikaq), Mal “bahasa” (wikaq), PMP *bacah (basa); Hil

“gadyaq,” Matandang Tag “gadya” (elepante), Bkl “gadya” (aso), Skt “gaja” (elepante), PMP

*gazah (elepante).

Buhat pa man noong ikapitong siglo ang manga mangangalakal na Insik ay

naghatid na sa ating manga baybayin nang na:pakaraming salitaq nila, lalunlaloq na nang

manga na:uukol sa pagkakamagqanakan at paglulutoq. Ang kabihasnang Islam, noong

manga ikalabinlimang siglo, ay naghatid naman dito, direkto man o hindiq, nang manga

salitang gaya nang manga sumusunod: Tag Seb alam “alam,” Ilk “alam” “(ugaliq), Bkl
88

Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas

“alam” (kahinhinan), “aram” (alam), Pmp “alam” (kagandahanloob), Akl “maqalam,” Cuy

“maqelam” (marunong), Arabe “alamin” (ang uniberso), Tag Seb Hil Bkl S-L Png Pmp Akl

Sbl Cuy Apa Ilt “salamat” (salamat), Tao “salaamat” (kapayapaan; kaligtasan); ginagamit

ding katagang pagbatiq. (Hindiq na ako babanggit nang manga salitang hiram sa Kastilat

Inggles na na:pakaramit karapatdapat na pagqukulan nang masusing pagsasaliksik.)

Higit na lalong na:rarapat na banggitin ay ang manga hiram sa manga

kanugnugbansaq. Sa manga itoy magbibigay ako nang dalawang halimbawaq lamang:

Tag dalamhatiq at tanghaliq. Ang PMP *Dalem (loob; lalim) ay Tag “lalim” (lalim),

Png Nbl “altey,” Pmp “ate,” Ibg “attay,” Mgd “atay, hatay,” Sbl Apa “agtay,” Btk “atey,” Ilt

“agse,” Tao “atay,” “hatey,” “haqti” (atay), Mar “atay” (atay; pusoq), Mal “hati” (atay). Sa

pinaghambinghambing na manga salitaq, ang Mal lamang ang may repleks na dalam at

hati.

Ang Tag dalamhatiq ay binubuoq nang dalawang kostituyenteng *dalam at *hatiq

na walang kahulugan ang isat isat at hindiq ginagamit sa Tag nang nangagqiisa kundi

isang salitang aapatimpantig. Ang Pagkaka:bago nang kahulugan ay ma:ipaliliwanag

nang matandang paniniwalaq na ang katapangan ay nasasa “atay” at walaq sa “puso,” diq

gaya nang pangkaraniwang paniniwalaq. Samakatuwid, kung “may anumang bagay ang

nasasaloob nang atay,” ang lamanloob na ito ay nababagabag at iniiralan nang “matinding

kalungkutan.” Ang –q ay isang pagbabago sa Tag, bunga marahil nang analohiya. (tingnan

ang tanghaliq sa dakong ibabaq.) Ang katumbas nang Tag dalamhatiq sa Mal ay “dukatjita,”

sa Bahasa Indonesia ay “duka,” ngunit ginagamit sa Mal ang dalamhati sa pariralang

“membatja dalamhati” (bumasang pansarili). Sa Mal pa man, ang manga repleks na dalam

at hati na may kahulugan ang bawat isa, ay nagbabago nang kahulugan kung ginagamit na

magkatambal, dalamhati (pansarili), kahalintulad nang dalamhatiq sa Tag na ma:ituturing

na pansarili rin.

Ang tungkol naman sa Tag “tanghaliq”: Seb S-L Akl “tungaq,” Cuy “tengaq”

(sentro), Ibg “tangnga,” Mgd “tungaq” (tanghaliq), Mal “tengah” (gitnaq), PMP *teNah

(gitnaq). Sa PMP ay may dalawang anyoq, doblet, ang may kahulugang “araw (24 na oras

at ang nasa kalawakang nagbibigay nang liwanag at pinaiinugan nang manga planeta),”

at ang manga itoy *waRi at *ha(n)Daw. Ang unay may repleks sa Tao na ginagamit sa

magkatambal na “haarii raaya” (haarii “24 na oras”) (piyesta; kapistahang araw), Mal “hari”

(24 na oras), at ang pangalawa naman ay may repleks sa Tag “qaraw,” Seb Hil S-L Akl

Mgd “adlaw,” Bkl “aldaw” (24 na oras at ang nasa kalawakan) Ilk “aldaw” (24 na oras) (ang

nasa kalawakan ay “init” sa Ilk). Sa Mal ang nasa kalawakan ay “matahari” (lit. mata nang

araw na 24 na oras), Batak “mata-ni-ari,” Bali “mati-n-ai,” Dayak “mata-n-andau”). Ang

pinanghiraman, samakatuwid, nang Tag tanghaliq ay ang Mal “tengah hari” (lit. gitnaq

nang araw), alalaong bagay “tanhaliq.” Ang PMP *teNah “gitnaq” ay walang repleks sa

makabagong Tag bagamat ginamit nina Noceda at Sanlucar (d. 340) ang “tinga” (medio tahel

de oro, que es el peso de cinco reales de plata), na maaaring tanggapin na repleks nang *teNah at

alinsunod sa pagbabago nang manga tunog, ang *e ay naging Tag i at ang *-h ay nakaltas.

Gayon pa man, sa pakahulugan nina Noceda at Sanlucar ay mahirap tanggapin na ang tangnang

tanghaliq sa Tag ay tinga, unay walang matibay na pagbabatayan sa pagbabago nang
Lopez

89

manga tunog, ikalaway may kalayuan ang kahulugan. Walaq ngang na:lalabing paliwanag

kundiq ang tanggapin na ang tang- ay buhat sa tengah; sa isang pansamantalang paliwanag,

ang masasabi ko lamang ay ang Mal e ay naging a sa Tag at na:pasama na ang Mal a

sa pagkakaltas nang –h. (Ako ay hindiq gaanong nasisiyahan sa paliwanag na ito, ngunit

tanggapin na muna natin hanggang walang lalong matibay na saligan.)

Karaniwan nang kapag ang Mal ay may r ang Tag naman ay may l, halimbawaq, Mal

“arak,” Tag “galak,” Mal “djari” (daliriq), Tag “daliq” (sukat na sinlapad nang daliriq) atbp.,

kayaq ngat ang Mal “hari” ay naging “haliq” sa Tag. (Ang –q ay gaya nang –q sa dalamhatiq).

Ang *tang- at *haliq, gaya nang *dalam at *hatiq, ay hindiq ginagamit na nangagqiisa sa

Tag, at ang pariralang tengah hari sa Mal na apat na pantig ay naging tatatluhimpantig na

tanghaliq sa Tag.

Ang manga wikaq sa Pilipinas ay humiram din sa isat isa. (Tingnan ang manga

binaggit na maaaring hiram nang Sbl, 4, 12.) Itoy isang malawak na paksaq, gaya rin

nang manga hiram sa Kastilat Inggles. Kayat isa lamang gamiting halimbawaq ang aking

babanggitin, ang Tag ka:lulwang bengeq. Ang bengeq na sa magkatambal na ito lamang

ginagamit sa Tah ay hiram sa Pmp bengi (15a); ang mataas na i sa Pmp bengi ay na:babaq

sa kala:gitnaang a sa Tag, isang karaniwang pangyayari sa huling pantig nang salitaq o

kayay dahil sa asimilasiyon sa e nang unang pantig, at ang –q ay idinagdag sa Tag, gaya nang

dalamhatiq at tanghaliq.

Manga Talaq

1

Gaya nang manga sumusunod: Brugmann, K. and Delbrueck, B., Grundiss

der vergleichenden Grammatik der indogermanischen Sprachen

(Balangkas nang pinaghambing na balarilaq nang manga wikang Indo-

Germaniko). Strassburg. 1886-1902. Second edition, 1897-1911; Diex,

F., Grammatik der romanischen Sprachen (Balarilaq nang manga wikang

Romanse). Bonn, 1836-44 Fifth edition, 1882; Pedersen, H., Vergleichende

Grammatik der keltischen Sprachen (Pinaghambing na balarilaq nang

manga wikang Seltiko). Goettingen, 1909-13; Brockelmann, C., Semitische

Sprachwissenschaft (Lingguwistikang Semitika). Leipzig, 1906, atbp., at si

Blake sa manga wikaq sa Pilipinas.

2

Nangunguna na rito si Dempwolff sa manga wikang Malayopolinesiyo, si

Bandstetter sa Indonesia at si Conant (1908, 1910, 1912, 1916) sa manga

wikaq sa Pilipinas.

3

Wala pang ma:ituturing na gaanong malawaklawak na pagkakahambing

sa pala:buuan nang manga wikaq sa Pilipinas, ngunit sa pala:ugnayan ay

may nagawaq na si Blake at si Constantino, itong huliy sa makabagong

pamamaraan.
90

Ang Paghahambing nang manga Wikaq sa Pilipinas

4

Sa Talaq ... ang q sa unahan nang salitaq ay sa Tag ko lamang ginamit: hindiq

ko pa tiyak ang sa ibang wikaq.

5

Ang mahabang K na bunga nang dyeminesiyon ay binibigkas nang halos

dalawang habaq nang nagqiisang K. Ang dyeminesiyon at hindiq dapat

ipagka:maliq sa isinusulat na dalawang K rin na mahabaq rin ang bigkas, na

ito ay bunga naman nang asimilasiyon. Halimbawaq, sa Ilk ang pangmarami

nang balasang “dalaga” ay dapat sanang balbalasang kung susundin ang

pala:buuan nang wikang ito. Ngunit dahil sa bisaq nang asimilasiyon, ang l

nang –lb- ay nagiging b rin, kayat ang balbalasang ay naging babbalasang.

6

Ma:idaragdag pa sa Bgb ang gobba “gibaq,” tuggas “tigas” (Conant 1910, dd.

75, 76).

7

Tingnan din ang Mgd (2). Sa Seb. bagamat isinusulat na walaq, na may -l-, ang

karaniwang bigkas ay waaq na may mahabang aa (13c).

8

Tingnan ang Isidore Dyen, ‘Dempolff ’s *R,’ Language 29 (1953) : 359-66.

9 Ang nakukulong nang dalawang hilis na guhit at gitlapiq at ang nang dalawang

panaklong naman ay pansamantala, alalalong bagay diq pa tiyak na balangkas.

Mga Sanggunian

Blake, Frank R. “Contributions to a comparative Philippine grammar.” Part I: General

features, phonology, pronouns, JAOS, tomo 27, mp. 317-396, 1906 : Part II:

Numerals, JAOS tomo 28, mp 199-253, 1907.

Brandstetter, Renward. Die Lauterscheinungen in den indonesischen Sprachen. (Ang manga

anyoq nang manga tunog sa manga wikang Indonesiyo.) Luzern, 1915.

Conant, Carlos Everett. “F and V in Philippine languages.” Bureau of Science Ethnology

Publications, tomo 5 blg 2, mp. 135-141, 1908.

--------------------. “The RGH law in Philippine languages.” JAOS, tomo 31, mp.

70-85, 1910.

--------------------. “The pepet law in Philippine languages.”Anthropos, tomo 7, mp.

920-947, 1912.

--------------------. “The RGH law in Philippine languages.” JAOS, tomo 36, mp.

181-196, 1910.

Dempwolff, Otto. Vergleichende Lautlehre des austronosischen Wortschatzer. (Ang

paghahambing nang ponolohiya nang manga salitang Austronesiyo.) 3 tomo. (Beihefte

zur Zeitschrift fuer Eingeborenen Sprachen). Hamburg, 1934, 1937, 1938.

Lopez, Cecilio. “Origins of Philippine languages.” Philippine Studies (Beyer Memorial

Issue on the Prehistory of the Philippines) tomo 15, mp. 130-166, 1967.

--------------------. A comparative Philippine word-list. Ms.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Dr. Cecilio Lopez sa Linggwistikang Pilipino, blg. 3, 1971.
Alfonso O. Santiago

ANG TUNOG GLOTTAL SA PILIPINO

(AT SA IBÁNG PANGUNAHING WIKA SA FILIPINAS)

ANG WIKANG PILIPINO ay may 21 ponema (may kahulugang tunog): 16 sa mga ito

ang ponemang katinig at 5 naman ang ponemang patinig. Ang mga ponemang katinig

ay ang mga sumusunod: /p, t, k, ’, b, d, g, m, n, ŋ s, h, l, r, w, y /. Ang mga ponemang

patinig naman ay ang mga ito: /i, u, e ,o, a /. (Tandaan: ang pinag-uusapan dito ay hindi

palabaybayan o ang mga letrang ginagámit sa pagbabaybay). Ang simbolong nása loob ng

dalawang guhit na pahilis ay kumakatawan sa ponema. Ang sistematiko ang palabaybayan

ng wikang Pilipino kayâ’t ang mga simbolo o letra ay nagkakaroon ng halos isa-sa-isang

pagtutumbasan. Hindi ito katulad ng napakagulong palabaybayan ng Ingles. Mapapansin

na sa mga simbolong ginagámit sa transkripsyon ay dalawa lámang sa mga ito ang naiibá sa

mga letrang ginagámit sa ating palabaybayan—ang mga simbolong / ŋ / at / ’ /.

Ang nabanggit na 21 ponema ay iniayos sa tsart sa ibabâ ayon sa punto at paraan ng

artikulasyon:

Talahanayan 1. Ponemang Katinig

Talahanayan 2. Ponemang Patinig
92

Ang Tunog Glottal sa Pilipino at sa Ibáng Pangunahing Wika sa Filipinas

Dalawa ang ponemang Glottal: / ’ / at / h /

Dalawa ang ponemang katinig na tinatawag na glottal ayon sa punto ng artikulasyon

(tingnan ang tsart sa itaas)—ang / ’ / at / h /. Ang / ’ / ay tawagin nating glottal na

pasara at ang / h / naman ay glottal na pahinga. Glottal na pasara sapagkat ang glottis ay

bumubukas sa pagbigkas nitó upang daanan ng hangin kayâ lumilikha ng pahingang tunog.

Tatangkaing talakayin dito ang ponemang glottal na pasara—/ ’ /—papaanong nagkakatulad

at nagkakaibá ang pagbigkas ng ponemang ito sa 8 pangunahing wika sa Filipinas: Tagalog

(o Pilipino), Sebwano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Pampango, at Pangasinan.

Ang / ’ / sa Salitâ

Sa ating kasalukuyang palabaybayan, ang / ’ / ay inirerepresenta sa dalawang paraan:

1. Nakasáma ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng “tuldik” na paiwa ( ` ) kung

nása hulihán ng salitâ. Ang mga salitâng may ganitong tunog sa hulihán

ay ang tinatawag nating mga salitâng malumi o maragsa. Halimbawa:

malumi—bagà, pusò, saganà, talumpatì; maragsa—bagâ, kaliwâ, saliwâ,

dukhâ. (Pansinin na ang tandang pakupya ( ^ ) ay pinagsámang tandang

pahilis ( ´ ) at paiwa ( ` ) kayâ ang kumakatawan sa ponemang / ’ / ay ang

tandang paiwa pa rin.)

2. Inirerepresenta ito ng gitling ( - ) kapag ito’y nása loob ng isang salitâ sa

pagitan ng katinig-patinig. Halimbawa: may-ari, mag-alis, pang-ulo, atbp.

Pansinin na kapag inaalis ang gitling na kumakatawan sa ponemang / ’ /

ay mag-iibá ang kahulugan ng mga salitâ: mayari, magalis, pangulo. Ang

ponemang / ’ / ay hindi natatagpuan sa wikang Ingles. Kayâ nga’t ang

dinig ng isang karaaniwang Americano sa mga salitâng batà, tabâ, pasò ay

batak, tabak, pasok, sapagkat ang dinig niya sa / ’ / ay / k /. (Tingnan ang

tsart ng mga ponema at mapapatunayang malaki ang pagkakahawig ng

dalawang ponemang ito sa paraan ng artikulasyon. Kung sabagay may mga

pagkakataóng mga Filipino man ay napapagpalit ang dalawang ponemang

ito. Kayâ nga ba’t iniiwasan sana ng manunulat na ito ang paggámit ng

salitâng titik, lalo na sa pasalitâ—malaking titik, maliit na titik!)

Nabanggit sa unahan nitó ang mga ponemang / ’ / ay matatagpuan sa gitna

at sa hulihán ng salitâ, bagama’t sa ganitong posisyon ay maituturing na prediktabol o

mahuhulaan sapagkat sa pagbigkas natin ng alinmang ponemang patinig sa Tagalog ay

kasáma na ang gayong tunog. Subalit sa transkripsiyon ay makakabuting irepresenta ang

ponemang ito kahit saang posisyon sapagkat ang transkripsiyon ay hindi para sa mga likás

na Tagalog kundi para sa mga táong nag-aaral pa lámang ng wikang ito. Magkakaroon ng

suliranin sa pagbigkas ang isang mag-aaral kung sa kaniyang unang wika ay binibigkas ang

mga ponemang patinig nang hindi pinangungunahan ng / ’ /. Ang mga sumusunod na

pares ng mga salitâ ay nagpapatunay na ang / ’ / ay sadyang ponemika:
Santiago

93

Baybay

hanay

anay

tiyo

iyo

laway

away

Transkripsiyon

/ha : nay/

/’a : nay/

/tiyoh/

/’iyoh/

/la :way/

/’a: way/

(Pansinin na ginámit dito ang kolon o tutuldok upang magrepresenta o kumatawan sa haba.

Kung minsan ang ginagámit ng ibá ay tuldok. Tungkol sa haba, naniniwala ang manunulat

na ito na sa isang salitâ sa Pilipino, ang pagpapalakas ng bigkas o pagtataas ng tono ay

sumusunod lámang sa pagpapahaba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.)

Sapagkat prediktabol o mahuhulaan ang ponemang / ’ / sa unahan ng salitâ, hindi

na ito nagkakaroon ng anumang representasyon sa palabaybayan sa gayong posisyon.

Prediktabol rin ito sa gitna ng salitâ sa pagitan ng magkatulad o di-magkatulad na patinig.

Halimbawa: paalam /pa’a:lam/, maliit /mali’it/, tao /ta:oh/, noo /no’oh/, bait /ba’it/.

Lumilitaw, samakatwid, na ang ponemang / ’ / ay matatagpuan at ponemika sa

lahat ng posisyon sa isang salitâ sa Pilipino: unahan, gitna, hulihán tulad ng ponemang

/ h /. Dahil dito, masasabi na rin natin na, sa katotohanan, lahat ng salitâ sa Pilipino ay

nagsisimula at nagtatapos sa ponemang katinig. (Tandaang muli na ang pinag-uusapan

dito ay mga ponema at hindi mga letra o ortograpiya). Ang salitâng aso, halimbawa,

bagama’t nagsisimula at nagtatapos sa patinig kapag isinusulat ayon sa ating palabaybayan,

ay nagkakaroon ng ganitong transkripsiyon: /’a:soh/—nagsisimula sa ponemang katinig / ’/

at nagtatapos sa ponemang katinig / h /.

Ang / ’ / sa Pangungusap

Tinatalakay sa itaas ang kalagayan ng ponemang / ’ / sa ibá’t ibáng posisyon sa isang salitâ.

Talakayin naman natin ang nagiging kalagayan nitó kung ito’y nása hulihán ng isang salitâ

at kung ang nasabing salitâ ay nása loob ng pangungusap. Halimbawa:

Hindi pô matabâ si Nanay.

/hindi: pu mataba: si na:nay/

Pansinin ang pagkawala ng ponemang / ’ / sa mga salitâng /hindi’/, /po/, at /mataba’/

at ang pagkakapalit sa lugar nitó sa haba (/ : /). Sa ganitong pagkakataón mapapansin ang

kahinaan ng ating kasalukuyang paraan ng pagtutuldik. Papaano babasáhin ng isang di-

Tagalog ang halimbawang pangungusap na ito? (Hindi pô matabâ si Nanay.)
94

Ang Tunog Glottal sa Pilipino at sa Ibáng Pangunahing Wika sa Filipinas

Ang / ’ / sa Ibáng Prinsipal na Wika

Sa mga wika na gawing Bisaya, tulad ng Sebwano, Hiligaynon, at Waray (maipapangkat na

rin dito ang Bikol), ang ponemang / ’ / ay hindi nawawala o inilalaglag kahit ang salitâng

nagtataglay nitó ay maging bahagi ng pangungusap. Pansinin ang sumusunod na mga

halimbawa:

Sebwano

Ikaw ba ang niadTò sa amò? (Ikaw ba ang nagpunta sa amin?)

/’ikaw ba ‘ang ni’adtu’ sa ‘a:mu’/

Hiligaynon

Puti ang dakû nga idû. (Puti ang malaki kong aso.)

/puti’ ‘ang daku’ ku nga idu’/

Bikol

Ang akì nag- ulî. (Ang batà ay umuwi.)

/’ang ‘ a:ki’ nag’uli’/

Waray

Damù an dugô nga tinurò. (Marami ang dugong tumulo.)

/da:mu’ ‘an dugu’ nga tinu:ru’/

Samantala, mapapansin naman sa mga wika sa gawing Hilagang Luzon, tulad ng

Pangasinan at Ilokano, na ang ponemang / ’ / ay hindi natatagpuan sa hulihán ng mga

salitâ. Halimbawa:

Tagalog Ilokano Pangasinan

balità /bali:ta’/ /bali:tah/ /bali:tah/

kampanà /kampa:nah’/ /kampa:nah/ /kampa:nah/

pusà /pu:sa’/ /pu:sah/ /pu:sah/

Kung hindi natatagpuan ang ponemang / ’ / sa hulihán ng mga salitâng Ilokano at

Pangasinan, halos mahuhulaan na ng guro na isa ito sa magiging suliranin niya sa kaniyang

pagtuturo ng Pilipino.

Samantala, sa Pampango naman ay nagkakaroon ito ng kapalit na tunog na kahawig

ng ponemang / y /. Halimbawa:

Sinali yang lagari king tindahan. (Binili niya ang lagari sa tindahan.)

/si:nali yang laga:ri king tinda:han/

Ang isa pang kapansin-pansin sa mga Pampango ay ang pagpapalit ng / ’ / sa /

h / sa mga salitâng Tagalog, tulad ng hangin, tahi na binibigkas nilá ng /’a:ngin/, /ta’i/.

Kung susuriing mabuti ang kaniláng ginagawang pagpapalit ng tunog sa ponemang /h /,

mapapansing hindi ito likás na ponemang / ’ / kundi isang uri ng tunog na waring nása

pagitan ng / ’ / at / h /.
Santiago

95

Paglalagom

Mahalaga para sa isang guro na mauunawaan ang kakanyahan ng ponemang / ’ / hindi lámang

sa Pilipino kundi gayundin sa wika ng pook ng kaniyang pinagtuturuan. Makatutulong sa

kaniya ang ganitong kaalaman sa pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika.

Sa isang batàng di-Tagalog na nag-aaral ng Pilipino, matitiyak halos ng guro na ang

batàng ito’y magkakamali sa wastong paggámit ng ponemang / ’ / dahil sa impluwensiya ng

ganito ring tunog sa kaniya nang wika. Kayâ kung ang suliranin ng batà, halimbawa, ay ang

paglalatag ng / ’ / at pagpapalit pagkatapos ng haba—/ : /—sa lugar nitó (magiging suliranin

ito ng mga batàng ang unang wika ay Sebwano, Hiligaynon, Waray, Bikol, Pampango) o

kayâ ang pagkakabit naman ng ganitong tunog.

Sa hulihán ng mga salitâ (magiging suliranin naman ito ng mga batàng Pangasinan

at Ilokano), hinihingi lámang ng pangangailangan ng mga batà na maghanda ang guro

ng mga angkop na pagsasanay na makatutulong sa madalîng pagkatuto nilá sa wastong

paggámit ng ponemang ito.

Paliwanag: Sinikap ng manunulat na ito na maging payak ang kaniyang pagtalakay

sa paksa. Iniuukol ang artikulong ito sa mga gurong nagsisimula pa lámang magkahilig sa

aghamwika. Dahil sa layuning ito ay makapagpapaumanhin marahil ang mga gurong may

malawak-lawak nang kaalaman sa larangang ito.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Alfonso Santiago sa Ang Supling, blg.1, 1970.
Alfonso O. Santiago

ANG PAGHAHAMBING SA DALAWANG WIKA

ANG ARTIKULONG ITO ay sadyang inihanda para sa mga nagtuturo ng Pilipino sa mga

di-Tagalog. Sinikap ng sumulat na maging payak na payak ang paglalahad upang madalîng

maunawaan kahit ng mga gurong hindi pa nakakukuha ng kurso sa Lingguwistika. Dito’y

tinatalakay kung ano ang kahulugan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika at kung

paano makakatulong ito sa isang guro ng Pilipino upang maging mabisà ang kaniyang

pagtuturo. Inilalahad dito ang payak na paraan ng paghahambing sa dalawang wika.

Pagtuturo ng mga Pilipino sa mga Di-Tagalog

Isang guro ang magtuturo ng Pilipino sa mga batàng di-Tagalog. Ang gurong ito ay

maaaring isang taal na Tagalog. Ang kaniyang pagsasalitâ ay isang mabuting huwaran.

Maaari rin namang ang gurong ito ay hindi taal na Tagalog. Tagaroon siyá sa pook na iyon

kayâ alam na alam niya ang wika ng pook. Maayos na rin naman ang kaniyang pagsasalitâ ng

Pilipino. Ano pa kayâ ang dahilan upang siyá’y hindi magtagumpay sa kaniyang pagtuturo

ng Pilipino?

Isa sa mga pangunahing prinsipyo sa mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo

ng pangalawang wika ay ito: Kailangang ang pagtuturo ng guro ay masalig sa isinagawang

pahambing na pagsusuri sa unang wika ng mga batàng kaniyang tinuturuan at ng Pilipinong

kaniyang itinuturo bílang pangalawang wika.

Alinmang dalawang wika, gaya ng pagkakaalam natin, ay maraming mga

pagkakatulad—sa mga ponema, sa mga salitâ at pagbubuo ng mga ito, sa pag-uugnay- ugnay

ng mga salitâ, atbp. Ngunit tiyak na may pagkakaibá ang dalawang wikang ito. Maaaring

may ponema sa Pilipino na wala sa unang wika ng mga mag-aaral o ang kabaligtaran nitó.

Halimbawa: Sa Pilipino ay may ponemang patinig na / e / at / o / na wala sa

Ilokano. Bagama’t sa ortograpiya o sistema ng pagsulat ng mga Ilokano ay gumagámit ng

mga titik na “e” at “ o,” ang mga ito ay hindi nagrerepresenta ng ponemang / e / at / o /

kundi ng / i / at / u /. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:
Santiago

97

/ o/

/ e /

Pilipino Ilokano Baybay

/lo : ko/ /lu : ku/ loko

/bo : mba/ /bu : mba/ bomba

/tse : ke/ /tsi : ki/ tseke

/be : rde/ /bi : rdi/ berde

Hindi na kailangan pang matutuhan ng guro ng Pilipino ang wika ng pook na

kaniyang pinagtuturuan. Ibá ang pag-aaral kaysa pagsusuri. Ang kailangan niya ay

pagsusuri sa wika ng pook at hindi pag-aaral makapagsalitâ nitó, bagama’t lalong mabuti

kung matututo siyáng magsalitâ nitó.

Ngunit masusuri ba ng isang guro ng Pilipino ang wika ng pook kahit hindi siyá

marunong magsalitâ ng wikang ito? Maaari. At ito ang ating tatalakayin ngayon sa isang

payak na pamamaraan—ang pagsusuri nang pahambing sa dalawang wika: wika ng pook

at ng Pilipino.

Sa payak na katuturan, ang paghahambing sa dalawang wika ay tumutukoy sa pagalam

sa pagkakatulad at pagkakaibá ng dalawang wika. Ang pagsusuring tulad nitó ay

tumutukoy lámang sa wikang binibigkas at hindi sa ortograpiya nitó.

Kung pag-aagapayanin natin ang dalawang wikang sinusuri at subuking pagtapattapatin

ang mga ponema ng mga ito, mapapansing bagamat maraming ponemang

nagkakatulad sa dalawang wika, mayroon din namang nagkakaibá. Halimbawa:

Wika ng pook

Pilipino

1 1

2 2

3 3

4

5

Kung ang mga ponema, halimbawa, ng Pilipino ay 1, 2, 3, at 5 at ang wika naman

ng pook ay 1, 2, 3, at 4, madalî nating maibibigay ang mga sumusunod na palagay:

1. Na ang mga mag-aaral ay hindi magkakaroon ng suliranin sa mga ponemang

1, 2, at 3;

2. Na silá’y magkaroon ng suliranin sa pag-aaral ng ponemang 5 sapagkat ito’y

walang katulad sa mga ponema ng kaniláng wika;

3. Na malamang na magkaroon din silá ng suliranin sa ponemang 4 sapagkat

ito’y nása “dila” na nilá, samakatwid ay dala-dala nilá sa pag-aaral ng Pilipino.

Ang halimbawa sa itaas ay payak na payak bagaman sa katotohanan, ang pagsusuri

sa wika, lalo na ang mga isinasagawa ng mga “linguist” o dalubwika, ay higit na masalimuot.
98

Ang Paghahambing sa Dalawang Wika

Ngunit dapat linawin dito na ang isang guro ng Pilipino ay hindi na kailangang maging

isang paham sa wika upang makapagsagawa ng pahambing na pagsusuri upang lalong

maging mabisà ang kaniyang pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika.

Ang pahambing sa pagsusuri sa dalawang wika, wika ng pook at ng Pilipino, ay

maaaring isagawa ng isang guro pagdatíng niya sa pook na kaniyang pagtuturuan o bago

magsimula ang aralang taón. Higit na mabuti kung makapagsasaliksik siyá sa mga naisagawa

nang pagsusuri (kung mayroon) ng mga dalubwika tungkol sa wika ng pook. Sa gayon ay

mahuhulaan na niya kaagad kung saan-saang bahagi ng Pilipino mahihirapan ang mga

batà sa pag-aaral nitó, na dapat niyang bigyang-diin sa kaniyang gagawing pagtuturo.

Maaari rin namang magsagawa ng pagsusuri ang isang guro hábang siyá’y nagtuturo.

Kung sa kaniyang pagtuturo ay makapansin siyá ng mga karaniwang mali ng mga batà, ang

una niyang dapat alamin ay kung bakit nagkakamali nang gayon ang mga batà. Alamin

niya kung ang mga pagkakamaling yaon ay dahil sa impluwensiya ng unang wika ng mga

batà. Pag-aralan niya kung bakit nagkakagayon. At pagkatapos niyang matiyak ang dahilan,

maipaplano niya ang kaniyang gagawing pagtuturo sa sumusunod na mga araw upang

bigyang-diin sa pagtuturo ang mga bahaging nagdudulot ng suliranin sa mga batà.

Upang hindi maging masalimuot ang pag-aaral, maaaring hatiin ang wikang sinusuri

sa tatlong lawak: palatunugan (ponolohiya), palabuuan (morpolohiya), at palaugnayan

(sintaksis). Maaari ring gawing hati ang mga sumusunod: palatunugan, talasalitaan,

palaugnayan. Ngunit ang dapat linawin dito ay ang katotohanang kahit magkahiwalay na

tinatalakay ang bawat lawak, sa aktuwal na pagsasalitâ, ang mga ito ay sáma-sáma at sabaysabay

na ginagámit ng isang nagsasalitâ. Isa pa, may ibá pang kakanyahan o katangian ang

wika na kailangang maunawaan ng guro tulad ng po, ho, opo, ay tatak ng kultura ng mga

táong nagsasalitâ ng Tagalog. Karamihan ng mga wika sa kapuluan ay hindi gumagámit ng

ganitong mga salitâ ng paggalang.

Sa artikulong ito ay binibigyang-diin lámang ang tatlong lawak: palatanungan,

palabuuan, at palaugnayan.

Palatunugan. Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng mga katangian o kakanyahan ng mga

tunog, may kahulugan o wala, sa isang wika. Sa pag-aaral ng palatunugan ng Pilipino at

Pangasinan, halimbawa, ay matutuklasang:

1. May mga ponema sa Pangasinan na wala sa Pilipino;

2. May mga ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan; at

3. Higit na marami ang mga ponema sa Pilipino kaysa Pangasinan.

Ang halimbawa ng bílang 1 ay ang ponemang / a / sa Pangasinan na wala sa Tagalog.

Mapatutunayang ang tunog na ito ay isang ponema sa Pangasinan sa pamamagitan,

halimbawa, ng mga sumusunod na set o pares ng mga salitâ:

/saksak/

(stab)
Santiago

99

/suksuk/

/siksik/

/saksak/

(insert)

(loaded to capacity)

(scales)

Ang maibibigay na halimbawa rito ay ang ponemang /o / at / e / sa Filipinas na

wala sa Pangasinan. Halimbaawa:

Tagalog

Pangasinan

/lo : bo/ /lu : bu/ (balloon)

/go : ma/ /gu : ma/ (rubber)

/be : rde/ /bi : rdi/ (green)

/se : ksi/ /si : ksi/ (sexy)

Sapagkat may mga ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan at may mga

ponema din naman sa Pangasinan na wala sa Pilipino, halos nakatitiyak ang guro na dito

magkakaroon ng suliranin ang mga batàng Pangasinan sa pag-aaral ng Pilipino. Ang mga

ponema sa Pangasinan na wala sa Pilipino ay tiyak na dala-dala ng mga batà sa pag-aaral

ng Pilipino. Gayundin, mahihirapan silá sa pagbigkas ng mga ponema sa Pilipino na wala

sa Pangasinan. Kalimitan, ang isang ponema sa Pilipino na wala sa Pangasinan ay papalitan

ng mga batà ng ibáng kahawig na ponema sa kaniláng wika. Halimbawa, ang salitâng “téla”

ay karaniwang magiging “tíla”; ang babaeng “Móra” ay magiging babaing “múra,” atbp. Sa

kabilâng dáko naman, kung hindi magkakaroon ng pagbabawas, halimbawa: ang “batà”

(child) ay magiging “batá” (bathrobe), ang “bagà” (lung) ay magiging “bága” (live ember), atbp.

Palabunuan. Morpolohiya ang tawag sa pag-aaral sa kayarian o sistema ng paglalapi sa

mga salitâ. Bawat wika ay may sariling paraan ng paglalapi o pagkakabit-kabit ng mga

morpema.

Halimbawa: Maaaring ang dalawang wikang sinusuri nang pahambing ay kapuwa

gumagámit ng unlapi, gitlapi, at hulapi o kayâ kapuwa nag-uulit ngunit may pagkakaibá sa

paraan ng pagkakabit-kabit ng mga morpema.

Tingnan ang sumusunod na paghahambing sa paraan ng pagbabanghay sa Pilipino

at Ilokano. Gamítin natin ang mga pandiwang ginagámit nang magkakahulugan sa

dalawang wikang ito upang madalîng makíta ang pagkakatulad at pagkakaibá:

Pangkasaukuyan:

Pilipino

naglalaba

naglalampaso

nagluluto

Ilokano

aglablaba

aglamlampaso

aglutluto
100

Ang Paghahambing sa Dalawang Wika

Pangnakaraan:

Panghinaharap:

naglaba

naglampaso

nagluto

maglalaba

maglalampaso

magluluto

naglaba

naglampaso

nagluto

aglaba

aglampaso

agluto

Sa banghay pangnakaraan ay walang magiging suliranin. Ngunit sa pangkasalukuyan

ay agad mapapansin ang magkaibáng paraan ng pag-uulit sa bahagi ng salitâng-ugat. Sa

Pilipino, ang inuulit lámang sa mga salitâng “laba,” “lampaso,” at “luto” ay ang unang katinigpatinig,

samantalang sa Ilokano ay ang unang katinig-patinig-katinig. Sa panghinaharap

naman ay mapapansing hindi nag-uulit ng anumang bahagi ng salitâng-ugat. Dahil dito’y

mahuhulaan natin kung saan-saan magkakamali ang mga batà sa pagbabanghay sa mga

salitâng ganito sa Pilipino:

Pangkasalukuyan:

Naglalaba si Rosa.

Naglalampaso si Ana.

Nagluluto ang Nanay.

Panghinaharap:

Maglalaba si Rosa.

Maglalampaso si Ana.

Magluluto ang Nanay.

Maaaring maging mali:

Naglablaba si Rosa.

Naglamlampaso si Ana.

Naglutluto ang Nanay.

Maaaring maging mali:

Maglaba si Rosa

Maglampaso si Ana.

Magluto ang Nanay.

Totoong di-iilang guro ang kahit hindi pa nakakukuha ng kurso sa lingguwistika o

sa pagtuturo ng Pilipino bílang pangalawang wika ay nagsasagawa na ng ganitong simpleng

mga pagsusuri. Ngunit ito’y simula lámang at lalong magiging mabuti kung magpapatuloy

ang mga gurong ito sa lalo pang malawak ngunit makaagham na pamamaraan sa

paghahambing ng una at pangalawang wika ng mga mag-aaral na kaniláng tinuturuan.

Palaugnayan. Sintaksis ang tawag sa pag-aaral sa balangkas o pagkakaugnay-ugnay ng

lipon ng mga salitâ. Gamítin nating halimbawa rito ang wikang sa Sebwano. Subuking

bigyan ng diksiyonaryong Sebwano-Pilipino ang isang batàng mag-aaral na hindi pa

gaanong nakapagsasalitâ sa Pilipino. Kung walang diksiyonaryo ay igawa siyá ng talaan

ng mga salitâng gagamítin niya sa ipakikitang larawan—halimbawa ay larawan ng isang

batàng naglalaro. Pagkatapos ay pagbigayin ng pangungusap tungkol sa larawan. Halos

nakatitiyak ang guro na ang balangkas ng pangungusap na ibibigay ng batà ay Sebwano!
Santiago

101

Mapatutunayan lámang dito ang nagiging impluwensiya ng unang wika sa pag-aaral ng

pangalawang wika.

Kung ang ibibigay na pangungusap ng batà ay “Naglalaro ang batà,” walang

makikítang suliranin dito. Ngunit kapag ang ibinibigay na pangungusap ay “Ang batà

naglalaro,” malinaw na makikíta ng guro ang suliranin ng bata—ang paggámit ng panandang

ay na wala sa Sebwano kapag nauuna ang simuno.

Ang isa pang maibibigay na halimbawa sa mga suliranin ng mga batàng Sebwano sa

pag-aaral ng Pilipino ay ang wastong paggámit ng -um dahil marahil sa mga sumusunod:

(1) walang panlaping ganito sa kaniláng wika, (2) walang malinaw na alituntunin sa Pilipino

tungkol sa wastong gámit ng panlaping ito, kayâ ang batà ay medyo nalilito. Kung minsan

ang mga pandiwang dapat gamítan ng -um ay ginagamítan ng mag- o ang kabaligtaran

nitó. Halimbawa:

Magkain na tayo.

Si G. Santos ang tumuturo sa amin.

Paglalagom

Ang Pilipino ay pangalawang wika ng mga di-Tagalog. Ngunit ang Pilipino bílang

pangalawang wika, ay hindi kasinghirap iturong tulad ng Ingles sapagkat ito’y malaki ang

pagkakahawig sa ibá’t ibáng wika sa Kapuluan—sa palatunugan, talasalitaan, atbp.

Lalong magiging mabisà ang pagtuturo ng Plipino kung isaalang-alang ng guro

ang unang wika o wikang kinagisnan ng mga mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing

pagtuturo ay batay sa kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika—wika ng

pook at ng Pilipino.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Alfonso Santiago sa Ang Supling, blg. 1, 1970.
Fermina G. Gatal

ISANG PAHAMBING NA PAGSUSURI SA MGA

PONEMANG SEGMENTAL NG PILIPINO AT IBANAG

KAALINSABAY NG MGA PAGBABAGO sa kapaligiran ang tandisang pagsasakatuparan

ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa, ang Pilipino, at ang paggámit nitó bílang

wikang panturo sa mababang paaralan. Nagsimula ang paglinang sa isang wikang pambansa

noong taóng 1935 bílang pag-alinsunod sa itinagubilin sa Saligang-batas na naglalayong

mapadalî ang pakikipaghatirang-diwa sa pamamagitan ng kaisahan sa wika. Batay dito’y

inirekomenda ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1937 at napagtibay naman ang

Tagalog ang maging batayan ng wika ng ating bansa (alinsunod sa Atas Tagapagpaganap

Blg. 137). Nabigyan ng ibayong diin ang paglinang sa wikang pambansa nang ipatupad ang

kautusang pangdiwa noong 1940.

Ang wikang Pilipino ay Tagalog na pinayaman ng mga subok at kinikilálang

hiram na salitâ mula sa ibá’t ibáng wikain sa buong kapuluan, mula sa Castilla, Ingles,

Chino, Griego, Latin, at ibá pang mga likha at binagong salitâ na nagkaroon ng ibá’t ibáng

kaantasan ng tagumpay ayon sa naging gámit ng mga tao. Bagama’t maraming naging

sagwil, tulad ng kakulangan ng mga aklat at patnubay at pagwawalang-bahala ng maraming

guro at mamayan, ang wikang Pilipino ay patuloy pa ring humanap ng puwang upang ito’y

mapalapit sa puso’t damdamin ng bawat mag-aaral.

Noong 1957, bílang pagpapatupad sa Batas Republika 1124 at sa Binagong

Palatuntunan ng Edukasyon, ay itinagubilin ang paggámit ng Pilipino bílang isang

asignatura mula sa Baitang 1 pataas. Naging puspusan, mula noon, ang ginagawang mga

hakbang túngo sa ikauunlad ng wika. Pinagtagisang-diwa at pinag-ubusan ng matalinong

pagpapasiya ng Lupon ng Pambansang Edukasyon noong 1963 na gamítin ang Pilipino

bílang wikang panturo sa Baitang 1 sa mga purok na di-Tagalog at sa Baitang 2 sa mga

purok na Tagalog simula sa taóng pampaaralan 1970–1971 at patuloy itong gagamítin

hanggang sa Baitang 4 sa taóng 1973–1974.

Ang pasiyang ito ng Lupon ay pinag-ukulan ng sukdulang diin at tangkilik ng

itinalagang pangkat pangkurikulum. Naglunsad ito ng apat na taóng masinsinang

pagsasanay ng mga guro sa Pilipino at paghahanda ng mga kagamitan pangkurikulum sa

bawat baitang.
Gatal

103

Kaugnay ng kasalukuyang kalakaran sa pagpapatupad ng paggámit ng Pilipino

bílang wikang panturo, makabuluhang bigyan ng kaukulang pansin ang pagkakahawig at

pagkakaibá ng mga wikain at ng wikang pambansa túngo sa kaisahan ng wika. Ang payak na

payak na pag-aaral na ito, ang pahambing na pagsusuri sa Pilipino at Ibanag , ay maaaring

makapagpasigla sa mga palaaral upang gumawa ng ibá pang mga pag-aaral at pananaliksik

sa ibá’t ibáng diyalekto túngo sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng pambansang wika at

upang ito’y mabisàng maituro sa mga di-Tagalog.

Sa pag-aaral na ito ay tinangkang paghambingin ng mananaliksik ang mga

ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag sa layuning matagpuan ang pagkakatuladtulad

at pagkakaibá-ibá ng mga ito. Ang naging resulta ng pag-aaral ang siyang naging

batayan ng mananaliksik sa pagmumungkahi ng mga kaukulang lunas sa mga suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral sa Lallo, Cagayan, sa kaniláng pag-aaral sa Pilipino.

Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga guro ng wika upang maunawaan

ang katangian ng Pilipino bílang pangalawang wika. Makabuluhan din ito upang maging

sanggunian sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo na napapanahon at angkop

sa purok ng Lallo.

Ang mga suliraning tinalakay ay ang sumusunod:

1. Alin-alin sa mga ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag ang

magkakatulad?

2. Alin-alin sa mga ponemang segmental ng Pilipino at Ibanag ang magkakaibá?

3. Ano-ano ang magiging kamalian ng isang mag-aaral na Ibanag sa kaniyang

pag-aaral ng Pilipino?

4. Anong pamaraan ang mabuting gamítin sa pagtuturo ng Pilipino sa mga

mag-aaral na Ibanag?

Ang naging pagpapalagay sa likod ng ganitong uri ng paghahambing ay ito: Kapag

ang mga ponema sa katutubong wika ng mga mag-aaral at ang mga kayarian at pamamahagi

ay katulad ng Pilipino, ito’y hindi magiging suliranin sa pagtuturo ng wika. Sa kabilâng

dako, ang mga ponema na kaibá sa Pilipino ay magdudulot ng suliranin.

Pagbibigay-kahululugan sa mga Datos

Ang Ibanag ay may 25 ponemang segmental. Ang mga ito ay binubuo ng 20

ponemang katinig at 5 ponemang patinig. Ang mga ito ay ang mga susmusunod:

Mga ponemang katining: / p, b, t, k, g, ’, c, f, v, h, s, z, l, m, n, ng, w, r, y/

Mga ponemang patinig: /i, e, a, o, u/
104

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental ng Pilipino at Ibanag

Matutunghayan sa tsart sa ibabâ ang nasabing mga ponemang katinig:

Talahanayan 1. Mga Ponemang Katinig ng Ibanag

Mga Ponemang Katinig

/ p / - Walang boses na bilabyal istap. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal

ng salitâ. Hindi ito makikíta sa posisyong pinal. Halimbawa: /plu.ma/ (pluma); /’apan/

(kunin)

/ t / - Walang boses na dental istap. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal ng

salitâ. Halimbawa: / tuggi/ (tugi); /bituin/ (bituin)

/ k / - Walang boses na belar istap. Ito ay nása posisyong inisyal, midyal at pinal ng salitâ.

Halimbawa: /kami/ (kami); /dakal/ (malaki); /vuki/ (bundok)

/ ’ / - Walang boses na glottal istap. Ito ay maaaring nása unahán, midyal, at hulihán ng

patinig. Halimbawa: /’aya’/ (pag-ibig); /ke’annungan/ (maging bagay)

/ b / - May boses na bilabyal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal ng salitâ.

Halimbawa: /bituin/ (bituin); /be. bay/ (dagat)

/ d / -May boses na dental istap. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal ng salitâ. Halimbawa:

/dagun/ (taón)

/ g / - May boses na belar istap. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal at midyal ng salitâ.

Halimbawa: /gafu/ (simula); /la.gum/ (loob)
Gatal

105

/ c / - Walang boses na albyopalatal na aprikante. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at

midyal ng salitâ. Halimbawa: /ch. Nda/ (tinda); /rigacha/ (tawad)

/ f / - Walang boses na labyo-dental na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at

midyal ng salitâ. Halimbawa: /futu/ (puso); /’afi/ (ilaw)

/ h / - Walang boses na glotal na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at midyal.

Halimbawa: (Mga salitâng hiram sa Castilla) /him.no/ (himno); /ahe.nte/ (ahente)

/ v / - May boses na labyo-dental na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong midyal ng

salitâ. Halimbawa: /ka.vu’/ (kapos)

/ s / - Walang boses na abyolar na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal at

midyal lámang. Halimbawa: /sitta/ (kita)

/ z / - May boses na abloyar na prikatiba. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal lámang.

Halimbawa: /zitta/ (dirt)

/ l / - May boses na abyolar na lateral. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at

pinal ng salitâ. Halimbawa: /lwa/ (luha); /’ali’/ (lipat); /dappal/ (tapal)

/ m / - May boses na bilabyal na nasal. Ito ay maaaring nása posisiyong inisyal, midyal, at

pinal na salitâ. Halimbawa: /meddu’/ (mahal); /nga.min/ (lahat); /ngem/ (ngunit)

/ n / - May boses na albyolar na nasal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at

pinal ng salitâ. Halimbawa: /nira/ (kanila); /ya.na/ (ina) /davvun/ (lupa)

/ r / - May boses na albyolar tril. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at pinal ng

salitâ. Halimbawa: /rigacha/ (tawad); /ira/ (sila); /lugar/ (lugar)

/ w / - May boses na malapantig na bilabyal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,

at pinal ng salitâ. Halimbawa: /mawa.wan/ (mawala); /aggaw/ (araw)

/ y / - May boses na abyo-palatal na malapatinig. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal,

midyal, at pinal. Halimbawa: /ya.ma/ (tatay); /yo.ye/ (ito); /ka.kay/ (ingkong)

/ ŋ / - May boses na belar nasal. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at pinal ng

salitâ. Halimbawa: /yem/ (ngunit); /’ina.ngol’/ (hininga); /annun/ (tungkulin)

Mga Heminato sa Ibanag

Heminato ang tawag sa mga kambal-katinig na binibigkas nang waring isang ponema. Ang

ganitong tunog ay maituturing na prominente sa Ibanag, tunog na matatagpuan lámang sa

posisyong midyal ng salitâ. Pansinin ang sumusunod na mga pares minimal:
106

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental ng Pilipino at Ibanag

/p/ /apa/ kunin

/pp/ /appan/ pain

/t/ /lutu/ lingos

/tt/ /luttu/ tugi

/k/ /ba.ka/ baka

/kk/ /bakka/ labangan ng baboy

/b/ /babay/ babae

/bb/ /babbay/ mga babae

/d/ /adan/ Adan

/dd/ /addan/ hagdan

/g/ /’aga’/ hanguin (alisin sa pagkakasalang sa apoy)

/g/ /’aga’/ butil

/f/ /’afu’/ apo

/ff/ /’affu’/ panalunan

/v/ /ka.vu’/ kapos

/vv/ /’avvu’/ abo

/s/ /asin/ asin

/ss/ /assi’/ tutong

/z/ /ziga’/ hirap (wala sa posisyong midyal)

/zz/ /kazzing/ kambing

/l/ /’ali/ lumipat (ng lugar)

/ll/ /alli’/ mabantot

/m/ /’a.mu/ amo

/mm/ /’ammu/ alam

/n/ /anung/ Anung (palayaw)

/nn/ /annung/ tungkulin

/r/ /gari’/ stayp o raya

/rr/ /garri’/ guhit (ng matalim na bagay)

Mga Ponemang Patinig

May limang ponemang patinig ang Ibanag. Tingnan ang tsart sa ibabâ:

Talahanayan 2 Mga Ponemang Patinig ng Ibanag
Gatal

107

/ i / - May boses, mataas, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,

at pinal. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal istap.

Halimbawa: /’ina.ngo’/ (hininga); /kazzing/ (kambing); /wagi/ (kapatid)

/o / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal,

at pinal ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog ng

glottal istap. Halimbawa: /egga/ (mayroon); /ngem/ (ngunit); /kulle’ / (sigaw)

/a / - May boses, mababà, bukás na sentral at di-bilog. Ito ay maaaring nása posisyong

inisyal, midyal, at pinal ng salitâ. Kapg ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito

ng tunog na glottal istap. Halimbawa: /’ata.wa/ (asawa); /lagum/ (loob); /’ira/ (sila);

/ e / - May boses, gitna, harap, at di-bilog. Ito ay nása posisyong inisyal, midyal, at pinal

ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog glottal istap.

Halimbawa: /’olu/ (una); /uvovuk/ (salitâ); /’uto’/ (utak);

/u/ - May boses, mataas, likod, at bilog. Ito ay maaaring nása posisyong inisyal, midyal, at

pinal ng salitâ. Kapag ito ay nása posisyong inisyal, pinangungunahan ito ng tunog na glotal

istap. Halimbawa: /’uru/ (gamot); /tulu/ (sulo); /’arayyu/ (malayo).

Mga pantig

1. Ang mga pantig sa Ibanag ay binubuo ng mga sumusunod:

Katinig-Patinig (KP) -/mu/ (ikaw)

KPK- /fun/

(puno)

KKP-/sastri/

(sastre)

KKPK- /allampran/ (ilawan)

2. Walang dalawang patinig na magkasunod sa isang salitâng-ugat.

3. Matatagpuan ang mga katinig sa mga sumusunod na posisyon:

Inisyal - lahat ng mga katinig

Midyal - lahat ng mga katinig

Pinal - lahat ng mga katinig maliban sa /p, t, g, f, h, v, z/

4. Ang mga diptonggong /ay/ at /aw/ ay matatagpuan sa Ibanag sa posisyong

pinal ng salitâ. Halimbawa:

/babay/ (babae)

/aggaw/ (araw)
108

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental ng Pilipino at Ibanag

5. Matatagpuan ang sumusunod na mga klaster sa posisyong inisyal ng mga

salitâ: /tr, fr. br, gr, pl, pr, kl, bl, gl/. Ang mga salitâng may ganitong klaster

ay mga salitâng hiram. Halimbawa:

/trak/

/fri.tu/

/gru.po/

/bra.so/

/plu.ma/

/pre.no/

/kle.riko/

/blusa/

/gloryo.so/

(trak)

(prito)

(grupo)

(braso)

(pluma)

(preno)

(kleriko)

(blusa)

(gloryoso)

Pagkakatulad at pagkakaibá

Pilipino

Ibanag

/p / nása lahat ng posisyon ng salitâ wala sa posisyong pinal ng salitâ

/pp/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/b / nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/bb / wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/k/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

/kk/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/g/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/t/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/tt/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/d/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

/dd/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/ch/ tinutumbasan ito ng ts kayâ’t nása posisyong inisyal at midyal

maituturing na klaster

/ f/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal ng

salitâ

/ff/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/h/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/v/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/vv/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/s/ nása lahat ng posisyon bihirang makíta sa posisyong pinal

/ss/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/z/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at midyal

/zz/ wala sa lahat ng posisyon bihirang makíta sa posisyong pinal

/l/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

/ll/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/m/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon
Gatal

109

/mm/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/n/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

/nn/ wala sa lahat ng posisyon nása posisyong midyal lámang

/r/ nása lahat ng posisyon; ngunit nása lahat ng posisyon; ngunit

bihira sa inisyal at pinal

bihira sa inisyal at pinal

/w/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon; bihira sa inisyal

/y/ nása lahat ng posisyon nása posisyong inisyal at pinal

/’/ nása lahat ng posisyon nása lahat ng posisyon

Magiging Kahirapan ng mga Ibanag sa Pag-aaral ng Pilipino

Iilan sa mga magiging kahirapan sa pagbigkas ng mga Ibanag sa pag-aaral ng Pilipino ay

ang mga sumusunod:

1. /p/ - wala ng ponemang ito sa posisyong pinal ng salitâ sa Ibanag kayâ’t

mahihirapan ang mag-aaral sa pagbigkas ng mga salitâ sa Pilipinong tulad

ng atip, usap, lasap, inip, atbp.

2. Magkakaroon ng impluwensiya ang mga kambal-katinig o heminatong /pp,

bb, kk, tt,dd, ss, ll, mm, rr/ sa pagbigkas ng mga ponemang /p, b, k, t, d, s, l,

m, r/ sa posisyong midyal sapagkat karaniwan sa Ibanag ang kambal-katinig

sa ganitong posisyon.

3. Ang karaniwang gámit ng mga ponemang /f, v, z/ sa Ibanag ay

magkakaimpluwensiya sa pagbigkas ng mga ponemang /p, b, s/.

4. Sapagkat walang magkasunod na ponemang patinig sa Ibanag. Ito’y

magdudulot ng bahagyang suliranin sa pagbigkas ng mga salitâng tulad ng

aasahan, nagsiawit, Poon, babae, daan-daan, atbp.

5. Ang sistema ng pagbaybay sa Ibanag ay makalilito sa pagbása sa Pilipino.

Ang ortograpiyang Ibanag ay may mga bakas pa ng sinaunang pamamaraang

lubhang nakalilito sa mga mag-aaral. Halimbawa:

a. Ang panghulíng tunog ay bibigkasin ng /k/

dorob /do. rok/ (batas)

b. Ang panghulíng tunog /k/ ay bibigkasin ng / ’ /

turak /tu. ra’/ (letter)

k. Ang panghulíng tunog / g / ay bibigkasin ng /k /

paddag /paddak/ (hangin)

d. Ang panghulíng tunog / d / ay bibigkasin ng /t /

lagud /lagut/ (upang)
110

Isang Pahambing na Pagsusuri sa mga Ponemang Segmental ng Pilipino at Ibanag

Ilang Rekomendasyon ayon sa Kinalabasan ng Pag-aaral

1. Sapagkat lahat ng palatandaan ay patúngo sa paggámit ng Pilipino bílang

wikang panturo sa mga paaralan, nangangailangan ng puspusang pagtuklas

ng mga kaalaman at pamamaraan túngo sa higit na mabisàng paglinang at

pagpapalaganap ng wikang ito;

2. Ang pahambing na pagsusuri ay isa sa mabubuting paraan upang maging

higit na sistematiko ang pagtuturo ng Pilipino sa mga di-Tagalog. Sa

pamamagitan ng paghahambing sa Pilipino at sa unang wika ng mag-aaral

ay matitiyak ng guro ang magiging suliranin ng mga mag-aaral upang siyá

niyang mabigyan ng diin sa kaniyang pagtuturo.

3. Rebisahin ang mga kurso sa mga dalubhasaan at pamantasan upang magkaroon

ng puwang ang pagpasok ng lingguwistika;

4. Ipagpatuloy ang nasimulang palatuntunan para sa mga iskolar dito at sa

ibáng bansa tungkol sa wika;

5. Maglathala ng mga pinakahulíng kaalaman tungkol sa pagtuturo ng Pilipino

sa liwanag ng mga bagong prinsipyong bunga ng ibá’t ibáng disiplina sa

lingguwistika;

6. Akitin ang mga guro sa malimit na pagdalo sa mga seminar, kumperensiya, at

mga gawaing-kapulungan ukol sa lingguwistika.

Kongklusyon

Ngayon, higit kailanman, natatadhana ang maselan at napakahalagang bahagi o punto ng

kasaysayang pang-edukasyon sa ating bayan sa paggámit ng Pilipino bílang wikang panturo.

Nagbabadya ito ng isang bagong pananaw, isang matibay na paninindigan at marubdob na

paghahangad sa makabagong pagtuturo ng wika.

Naniniwala ang mananaliksik na ito na ang isinagawang pahambing na pagsusuring

ito, bagama’t pahapyaw lámang, ay magiging panimula ng ibá pang pagsusuri na higit

na masusi at maalam upang mapataas ang uri ng pagtuturo at maging daan túngo sa

matagumpay na kaisahan ng wikang pambansa sa isang tahimik at maunlad na bansa at ng

kaniyang mga mamamayang balanse ang pagkatao, matalino, makabuluhan, marangal.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Fermina G Gatal sa Ang Supling, blg. 1, 1970.
Vito C. Santos

PAGPAPAKILÁLA SA ILANG GITLAPING

PATAY SA TAGALOG

ITO’Y ISANG PANIMULANG pag-aaral tungkol sa ipinalalagay naming “bagong

tuklas” na mga gitlaping Tagalog. Bagong tuklas, ang sabi namin, sapagkat kung hindi kami

nagkakamali, wala pang sinumang kumikilála, ni nag-ukol ng pag-aaral sa mga tipik na

papaksain namin sa papel na ito. Maging sa opisyal na Balarila ng Wikang Pambansa ay

hindi nangabanggit ang mga ito. Dalawa lámang ang gitlaping pinag-ukulan ng pag-aaral

ng Balarila, ang “-um-” at “-in-,” na kapuwa isinisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik

ng salitâng nagsisimula sa katinig, gaya sa mga salitâng lumakad, sumama, kumain, tinapà,

sinaing, at marami pang ibáng kauri ng mga ito. Nabanggit din ang gitlaping “-al-” sa

hanay ng mga panlaping malabuháy, ngunit maliban sa pagkakabigay ng dalawa o tatlong

halimbawang salitâng kinapapalooban nitó, ay wala namang ginawang anumang pagsusuri.

Ang gitlaping “-al-” ay naging paksa na rin sa isang pag-aaral ng nasirang Julian C.

Balmaseda, isang dalubwika at naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa, ngunit

dahil sa pagkakahawig-hawig ng itinalâng mga kahulugan, yao’y lalong naging malabo at

masalimuot, sa halip na maunawaan. Gayunman, ang pag-aaral na iyon ay naging kapakipakinabang,

hindi lámang dahil sa nagbukás ng landas sa pagtuklas ng ibá pang mga

panlaping patay sa tagalog, kundi lubos pa ring nagpasinungaling sa naging paniwala ni

Louis B. Wolfenson, na sa Tagalog ay may mga gitlaping “la”, “li” at “lo,” nang talakayin

niya ito sa isang pag-aaral na nalathala sa Journal of American Oriental Society noong 1906,

sa ilalim ng pamagat na “The Infixes LA, LI, LO in Tagalog.”

Madalîng mauunawaan ang kahalagahan ng pagsusuri at muling pagbúhay, hangga’t

maaari, sa mga patay na panlaping Tagalog, kung isasaalang-alang na sa Tagalog, ang mga

panlapi’y siyáng pangunahing batis ng pagpapayaman. Walang pandiwang salitâng-ugat sa

Tagalog, maliban sa ilang halimbawang ginagámit sa anyong pautos sa gámit na kolokyal,

ngunit dahil sa mga panlapi, ang lahat ng salitâ ay, maging hiram o likha, ay maaaring

magawang pandiwa. Ito, marahil, ang ikinahihigit ng Tagalog sa ibáng mga wika, kasáma

na ang Ingles at Castilla. Sa pamamagitan ng mga panlapi ay maaari táyong makabuo ng

ibá’t ibáng anyo ng mga salitâ, batay o hango sa isang salitâng-ugat, maging ito’y hiram

o likha. Kunin nating halimbawa ang salitâng “araw.” Mula sa salitâng ito, ay subukin

ninyong magtalâ ng mga salitâng maaaring bumuo sa pamamagitan ng mga panlapi at

kayó’y magugulat sa dami ng inyong maitatalâ.
112

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog

Gitlapi rin ang “a” sa Tagalog

Sa pagkaunlapi (prefix), ang kahulugan ng “a-” ay kilalá na. Sa mga salitâng ani, anila, anang,

aniya, anito, aniyon, at ibá pa, halimbawa, ang kahulugan ng unlaping “a-” ay “sabi o wika,”

ngunit bálang gitlapi, ang kahulugan nitó ay hindi pa nakikilála, kayâ ito ang sisikapin

naming ipakilála sa pag-aaral na ito. Ngunit bago kami magpatuloy sa gagawin naming

pagsusuri, marahil ay hindi masamâng malaman muna natin kung ano itong tinatawag

na mga panlapi. Ganito ang sinasabi ng Balarila: “Tinatawag na panlapi ang isa o ilang

pantig na ikinakama sa salitâ upang ito’y mabigyan ng ibá-ibáng hinggil at tungkulin sa

pananalita.” Hinggil sa kalagayan, ang mga panlapi’y tinatawag na unlapi kung nása unahán

ng salitâ, gitlapi kung nása gitna o nása loob, hulapi kung nása hulihán, kabilaan kung nása

una’t hulihán, at laguhan kung bukod sa nása magkabilâng panig ng salitâ, ay mayroon pa

ring nása loob. At sapagkat ang “a,” na pag-aaralan natin ngayon, ay nása loob ng salitâ, ito’y

ituturing natin na isang gitlapi.

Ang isang panlapi, upang matawag na ganito, ay kailangang magkaroon ng sariling

tiyak na kahulugang dapat makilála agad sa kinalalangkapang salitâ, batay sa kahulugan ng

salitâng-ugat. Ngayon, itanong natin ito: Ang “a” ba, halimbawa, sa mga salitâng lubalob,

ligalig, tigatig, sibasib, subasob, at sugasog, ay may ibinibigay na kahulugan, hinggil o

tungkulin sa mga salitâng kinapapalooban? Kung mayroon, ano-ano ang mga salitângugat?

Gawin natin ang pagsusuri. Batay sa mga halimbawang salitâng nása itaas nitó,

at sa pagpapalagay, sa simula, na gitlapi nga ang “a,” ang lumilitaw na mga salitâng-ugat,

ayon sa pagkakasunud-sunod, ay lublob, liglig, tigtig, sibsib, subsob, at sugsog, mga salitâng

pawang kilalá at ginagámit sa buong kalalawiganang Tagalog. Samakatwid, kung galing sa

lublob ang LUBALOB, sa liglig ang LIGALIG, sa subsob ang SUBASOB, at sa sugsog

ang SUGASOG, ang panimulang pagsusuri ay maaari nating gawin sa pamamagitan ng

paghahanay sa mga halimbawa, na gaya ng makikíta sa sumusunod:

LUBÁLOB (gáling sa lublob, ang paglulubog at madalîng pag-aalis ng isang bagay sa

tubig o putik): Labis na paglulunoy sa tubig o putik; paglulublob nang matagal at paulitulit;

pagkagumon nang lubusan sa bisyo o anumang masamâng hilig.

LIGÁLIG (gáling sa liglig, ang pag-alog sa sisidlan upang masiksik na mabuti ang laman;

pagkaalog ng laman o lulan ng sasakyan): Gulo, kaguluhan o pagkakagulo; anumang

nagdudulot ng bagabag, o ang bagabag na nga.

TIGÁTIG (gáling sa tigtig, ang pagkasiksik ng laman dahil sa pagkaalog ng sisidlan upang

masiksik ang laman): Hindi pagkapatahimik; ligalig na kalagayan ng loob o damdamin.

SIBÁSIB (gáling sa sibsib: dahan-dahang paglubog, halimbawa’y ng araw; mahinay

na pagsipsip ng sabaw ng pagkain, gaya ng ginagawa ng baboy na walang gana sa

pagkain): Daluhong ng mabangis na hayop; pasinghal na paglusob.

SUBÁSOB (gáling sa sugsog: pagtalunton sa landas o daan): Masigasig na pagtalunton

sa landas o dinaanan ng isang hinahanap; masusing paghahanap sa lahat ng dako sa

isang bagay na nawawala.
Santos

113

Mapapansin agad sa mga halimbawa, ang pagkapasingit ng “a” sa pagitan ng

dalawang pantig na magkatulad, na bagaman hindi siyáng laging nangyayari, gaya ng

makikíta sa ilang halimbawang nása dakong hulihán nitó, ay pinatutunayan namang siyáng

nakararami. Ngunit ang makikíta, na waring hindi nababago, ay ang pagkapatambal ng

“a” sa bigkas ng hulíng katinig ng unang pantig ng salitâng-ugat. Wala kaming makítang

halimbawa ng mga salitâng-ugat na bukás ang unang pantig na kinagigitlapian ng “a.”

Batay sa mga kahulugang nakíta na natin sa mga halimbawang nása itaas nitó,

maaaring hatiin sa dalawang uri ng kahulugan ang ibinibigay ng “a” sa pagkapagitlapi sa

mga salitâng-ugat. Una: sa lubalob, sibasib, subasob, at sugasog, ay madalîng makikítang

ang “a” ay nagbibigay ng pasidhi o palawak na kahulugan ng salitâng-ugat. Ikalawa: sa

ligalig at sa tigatig, ang ibinibigay namang kahulugan ay resulta o bunga o ang nangyayari

matapos maganap ang ipinahihiwatig na kahulugan ng salitâng-ugat.

YUGÁYOG ( < yugyog)

DULÁDOL ( < duldol)

SULÁSOD ( < sudsod)

LAGÁMAK ( < lagmak)

IGÁIG ( < ig-ig)

DALÁHAK ( < dalhak)

PUGÁPOG ( < pugpog)

GUTÁGOT ( < gutgot)

KUBÁKOB ( < kubkob)

PALÁTAK ( < paltak)

UPÁOP ( < up-op)

UKÁOK ( < uk-ok)

SULÁSOL ( < sulsol)

SAGÁSAG ( < sagsag)

LIBÁLIB ( < liblib)

UGÁOG ( < ugog)

BUTÁBOT ( < butbot)

TIBÁTIB ( < tibtib)

LUGÁLOG ( < luglog)

BULÁBOD ( < bulbod)

SAGÁSAG ( < sagsag)

SIGÁSIG ( < sigsig)

HUDÁHOD ( < hudhod)

Sa kahulugan naman na “resulta o bunga,” ay maaaring ibílang na mga halimbawa

ang mga sumusunod:

BUGÁBOG ( < bugbog)

BAGÁBAG ( < bagbag)

BULÁBOG ( < bulbog)

DAGÁSA ( < dagsa)

Makikíta sa mga halimbawa, na maliban sa lagmak na naging LAGAMAK, sa

dalhak na naging DALAHAK, sa paltak na naging PALATAK, sa unang hanay; at sa lagpak

na naging LAGAPAK, sa dagsa na naging DAGASA, sa bulbog na naging BULABOG, sa

ikalawa, ang lahat ng salitâng-ugat ay binubuo ng inuulit na pantig, na kundi man kabilaan,

ay tambal-hulí. Anupa’t sa kalahatan, ang kinapapalooban ng gitlaping “-a-,” kung ito’y

matatawag na ngang gitlapi, ay mga salitâng binubuo ng pantig na inuulit at bihirangbihira

ang mga salitâng tumataliwas.

Ayon sa tungkulin at kapakanan, gaya ng makikíta sa mga halimbawa, ang “a” ay

isang gitlaping makangalan, at ang lahat ng salitâng kinalalangkapan nitó ay maaaring

tumanggap ng ibáng mga panlapi sa ibá’t ibáng anyo at kahulugan. Masasabi, halimbawa, ang:

lumubalob, maglubalob, ilubalob, paglulubalob; ligaligin, maligalig, kaligaligan, pagkaligalig;

isubasib, masubasob, sumubasob, pagsubasob; tigatigin, matigatig, pagkatigatig; bagabagin,

mabagabag, pagkabagabag; bulabugin, mabulabog, pagkabulabog; at ibá pa.
114

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog

Gitlapi rin ang “ang”

Sa isang pag-aaral ni Balmaseda tungkol sa mga panlapi ay sinabi niyang ang “nga” ay

isang patay na gitlapi sa Tagalog, gaya halimbawa sa mga salitâng mangatuwâ (gáling

sa matuwâ), mangawalâ (gáling sa mawalâ), mangabasâ (gáling sa mabasâ), mangagdalá

(gáling sa magdalá), at mangagbasá (gáling sa magbasá). Kung susuriin, aniya, ang “nga”

ay nagbibigay ng kahulugang pangmarami sa mga pandiwang binabanghay sa “ma” at

sa “mag.” Alinsunod pa rin sa kaniya, ang “nga” ay isinisingit sa pagitan ng unlapi at ng

salitâng-ugat. Kung ito’y totoo, bakit hindi ganito ang nangyayari sa kaniyang dalawang

hulíng halimbawa (mangagdalá at mangagbasá), na kung talagang susundin ang kaniyang

sinabi, ay dapat sanang maging magNGAdalá at magNGAbasá. Subalit wala táyong mga

salitâng MAGNGADALA at MAGNGABASA, kayâ hindi kami makapaniwalang “nga”

ang tunay na gitlapi sa mga halimbawang salitâng nabanggit sa itaas nitó.

Dahil sa aming pag-aalinlangan sa ginawang pagsusuri ni Balmaseda, gumawa

kami ng sariling pag-aaral sa bagay na ito. Ngunit bago kami gumawa ng pagsusuri, ay

nagtipon muna kami ng ilan pang mga salitâng maaaring magámit na halimbawa sa aming

pag-aaral, gaya ng mga sumusunod: MANGAALÍS (gáling sa maalís), MANGASAWÎ

(gáling sa masawî), MANGAMATÁY (gáling sa mamatáy), MANGABIGÔ (gáling sa

mabigô), MANGASIRÀ (gáling sa masirà), MANGAGSULÁT (gáling sa magsulát),

MANGAGSÁBI (gáling sa magsábi), MANGAG-ÁRAL (gáling sa mag-áral),

MANGAGTINDÁ (gáling sa magtindá), MANGAGLAKÁD (gáling sa maglakád), at

MANGAGSALITÂ (gáling sa magsalitâ).

Kung hindi nga “nga” ang gitlapi sa mga salitâng nabanggit, ang bagay na ito ay

dapat maging maliwanag sa pamamagitan ng mga patunay, na mangyaring hindi dapat din

namang ipakilála nang maliwanag kung bakit hindi, at kung ano naman ang ipinalalagay na

siyáng tumpak na panlapi. At ganito nga ang aming gagawin ngayon dito.

Ngunit bago kami magpatuloy, sapagkat gitlapi ang aming susuriin, ibig muna

naming sariwain sa inyong pang-unawa, na ang panlahat na tuntunin sa paggigitlapi,

bagaman mayroon ding tumataliwas, ay dapat mapasingit ang gitlapi sa pagitan ng una

at ikalawang titik ng salitâng nilalapian, maging ito’y ugat o maylapi nang salitâ. Batay sa

ganitong tuntunin, ang “nga,” upang ito’y maging gitlapi, ay dapat mapasingit sa pagitan ng

una at ikalawang titik, subalit hindi nga ganito ang nagyayari, sapagkat sa mga halimbawang

salitâ, sa banghay sa “ma,” ito’y sa pagitan ng unlapi at ng salitâng batayan napapasingit, at

sa banghay sa “mag,” sa pagitan ng ikalawa at ikatlong titik ng unlapi, alalaong baga’y sa

pagitan ng “ma” at ng “g.” Sa biglang malas, sa una ay maaaring ipalagay na tumpak, ngunit

dito sa hulí, kailanman ay hindi maaaring mangyari, sapagkat kung ito ang masusunod, ang

MAGSALITÂ ay magiging magNGAsalitâ at hindi MANGAGSALITÂ.

Sa bisà ng ganitong paliwanag, hindi maaaring maging gitlapi ang “nga,” sapagkat

ito’y tuwirang lumalabag sa pangkalahatang tuntunin sa paggigitlapi. Ngunit kung hindi

nga “nga,” ay ano ang gitlapi sa mga nabanggit na salitâ? Ito ang katanungang dapat sagutin.
Santos

115

Bílang pag-alinsunod sa pangkalahatang tuntunin ng paggigitlapi, alalaong baga’y sa

pagitan ng una’t ikalawang titik ng salitâng nilalapian napapasingit ang gitlapi, mapapansin

sa mga halimbawa, na ang tipik na “ang” ang maaaring ihiwalay at ang maiiwang mga salitâ’y

mga pandiwang nása anyong pang-isahan, samantalang ang mga salitâng kinapapalooban

ng tipik na ito, ay mga salitâng nása anyo namang pangmaramihan. Batay sa ganitong

pagkakilála, ang ibinibigay na kahulugan ng “ang” sa kinagigitlapiang salitâ ay maliwanag.

Wala itong ibáng kahulugang ibinibigay sa kinapapaloobang salitâ, maliban sa pagkakaroon

ng diwang pangmarami ng mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag,” sa anyong

pawatas, sa pautos, at sa paturol na panghinaharap, na nagiging “na” at “nag” sa anyong

paturol sa pangnagdaan at pangkasalukuyan.

Pinatutunayan ng pagsusuring ito, na ang “ang” ay isang gitlaping buháy sa Tagalog,

ngunit nananatíling hindi nakikilála dahil sa maling palagay ng unang gumawa ng pagsusuri.

Pinatutunayan pa rin, na hindi “nga,” kundi “ang” ang gitlaping ginagámit sa pagbibigay

ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at sa “mag,” at sa ibá pang

anyong batay sa, o kasing-uri, ng mga ito.

Ang Kahulugan ng Tipik na “ag”

Hindi namin aangkinin ang pagpapakilála sa tipik na “ag” bílang gitlapi, sapagka’t ito’y

naipakilála na ng nasirang Julian C. Balmaseda sa pag-aaral ng kaniyang ginawa tungkol

sa gitlaping “al.” Ang wika niya: “Sa ibang araw, kung pinapalad pa, ay sakâ na kami

magpapatuloy ng pagsasalitâ hinggil naman sa interfihong “AG,” bagama’t ngayon pa’y

maipagpapauna na natin sa madla upang mapag-ukulan na nilá ng pagsusuri kung bakit ang

mga kilaláng ugat na SINSIN, SADSAD, BAGBAG, LASLAS, TAKTAK, TUKTOK,

SUDSOD, TINGTING, SANSAN at LAGLAG, sa tulong ng paningit na “AG” ay

nakapagpasok sa wikang Tagalog ng mga salitâng SAGINSIN, SAGADSAD, BAGABAG,

LAGASLAS, TAGAKTAK, TAGUKTOK, SAGUDSOD, TAGINTING, SAGANSAN

at LAGALAG…Sa biglang pagsusuri ang tipik na “AG” ay nakapagdudulot ng lalong tindi

(enfasis) o katuluyan (continuidad) sa dáting kahulugan ng ugat na pinagsasangkapan.”

Kung natuloy o hindi ang pag-aaral ng nasirang Balmaseda sa gitlaping ito, ay

hindi namin nalalaman, at sapagkat wala naman kaming nababása tungkol dito, ipinalagay

naming hindi na niya ito nagawa bago siyá sumakabilang-búhay, kayâ naman, bílang isang

pangangahas ay kami na ngayon ang magpapatuloy ng pagsusuri sa di niya natapos gawin.

Ang “ag” ay hindi naiibá sa mga gitlaping “um” at “in,” kung ang pag-uusapa’y ang

kinasisingitan nitó sa salitâng-ugat; anupat ang “ag” ay sa pagitan din ng una at ikalawang

titik ng kinalalapiang salitâ napapasingit, katulad sa mga salitâng kagaskas, dagundong,

hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok, lagublob, laganap, lagaylay, tagunton,

wagayway, saginsin, hagunhon, at ibá pa.

Sa ganitong mga halimbawa, ang pagkilála sa pinanggalingang mga salitâng-ugat,

ay madalî nang magagawa. Alisin natin ang “ag” at ang maiiwang mga salitâ ay kaskas,
116

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog

dundong, hulhol, laslas, pakpak, sitsit, lutok, lublob, lanap, laylay, tunton, wayway, sinsin,

at hunhon. Mapapansin, na, ang mga salitâng-ugat na ito ay pawang mga pangngalan, na

gaya rin ng mga salitâng kinagigitlapian ng “ag.” Dahil dito, ang “ag,” samakatwid, ay isang

gitlaping makangalan.

Kung susuriin, madalîng makikilála, na, ang unang walong halimbawang salitâng

nása itaas nitó (kagaskas, dagundong, hagulhol, lagaslas, pagakpak, sagitsit, lagutok at

lagublob), ay mga pangngalan ng ibá’t ibáng uri ng tunog o ingay, na humigit-kumulang ay

bunga o likha ng ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitâng-ugat; samantala, ang hulíng

anim na salitâ naman (laganap, lagaylay, tagunton, wagayway, saginsin at hagunhon), ay mga

salitâng kababakasan ng pagpapalawak o pagbibigay-tindi ng kahulugang ipinahihiwatig ng

salitâng-ugat. Batay dito, ang “ag,” sa pagkagitlapi, ay may dalawang kahulugang ibinibigay

sa pagkapalapi sa salitâng-ugat. Una, ang salitâng-ugat ay nagiging pangalan ng tunog o

ingay; at ikalawa, ang kahulugan ng salitâng-ugat ay nagkakaroon ng higit na lawak o tindi.

Maaaring may ibá pang mga kahulugang ibinibigay ang gitlaping “ag” sa kinalalapiang

salitâ, ngunit sa isang pag-aaral na panimula lámang na katulad nitó, may palagay kaming

ang dalawang nabanggit na mga kahulugan, ay maaari nang makatulong sa sinumang ibig

gumawa ng sarili’t lalong malawak na pananaliksik at pagsusuri. Mahalagang malaman, na

ang gitlaping ito ay laging nása pagitan ng dalawang unang titik sa unang pantig ng salitâng

dadalawahing pantig, maging kabilaan man o bukás.

Ang kabuluhan at kahalagahan ng “ag” bílang gitlapi, ay pinatutunayan ng

napakaraming salitâng kinalalapian nitó. Narito pa ang ilang halimbawang aming naitala:

bagakbák (gáling sa bakbak), bagusbós (gáling sa busbos), kagangkáng (gáling sa kangkang),

kagiskís (gáling sa kiskis), kagulkól (gáling sa kulkol), dagasdás (gáling sa dasdas), laguslós

(gáling sa luslos), haguthót (gáling sa huthot), kagungkóng (gáling sa kungkong), kaguskós

(gáling sa kuskos), lagaklák (gáling sa laklak), pagulpól (gáling sa pulpol), sagalsál (gáling sa

salsal), taguktók (gáling sa tuktok), bagaybáy (gáling sa baybay), dagildíl (gáling sa dildil),

dagubdób (gáling sa dubdob), hagudhód (gáling sa hudhod), sagadsád (gáling sa sadsad),

tagaytáy (gáling sa taytay), at ibá pa.

Ang “ay” ay Tipik Ding May Kahulugan sa Loob ng Salitâ

Bílang tipik na may kahulugan sa loob ng isang salitâ, ang gitlaping “ay” hindi pa rin

nakikilála sa Tagalog. Ito’y hindi rin nabanggit sa Balarila ng Wikang Pambansa at maging

sa mga pag-aaral ng nasirang dalubwikang Julian C. Balmaseda. Hindi rin ito kasáma sa

talaan ng mga panlaping inihanda ni Dr. Cecilio Lopez, naging kalihim-tagapagpaganap

ng Surian ng Wikang Pambansa at dáting punò ng Kagawaran ng mga Wikang Silanganin

sa Pamantasan ng Pilipinas.

Ang gitlaping “ay” ay una naming napansin sa mga salitâng kayangkáng, payagpág,

tayantáng, at tayangkád, nang sa paghahanda ng isang diksiyonaryong Tagalog-Ingles ay

nagkaroon kami ng hinalang ang mga salitâng ito’y gáling sa mga ugat na kangkang, pagpag,
Santos

117

tantang, at tangkad, sa ganyan ding pagkakasunud-sunod. Sinubok naming ihiwalay ang “ay”

sa limang pinaghihinalaang salitâ at kami’y nagulat sa aming nakítang naiwang mga salitâ,

na pawang nagpatunay sa aming hinala. Anupat dahil sa ganitong pangyayari, nagsikap

kaming maghanap pa ng mga salitâng kinapapalooban ng “ay” na sa palagay namin ay kauri

ng limang naunang mga halimbawa. Ang sumusunod ay ilan lámang sa marami naming

naitalâ: dayukdók (gáling sa dukdok), kayagkág (gáling sa kagkag), dayandáng (gáling

sa dandang), kayungkóng (gáling sa kungkong), gayaygáy (gáling sa gaygay), mayukmók

(gáling sa mukmok), payikpík (gáling sa pikpik), tayakád (gáling sa takad), kayudkód (gáling

sa kudkod), bayambáng (gáling sa salitâng bambang), kayangkáng (gáling sa kangkang), at

marami pang ibá.

Makikíta sa mga halimbawa, na ang pangkalahatang diwang ibinibigay ng “ay” sa

pagkagitlapi nitó sa mga salitâng-ugat, ay ang pagkakaroon ng pasidhing bisà o ng tinding

higit sa ipinakikilála ng kahulugan ng ugat, maging sa pagkapang-uri o sa pagkapangngalan.

Mapupuna rin, na, ang gitlaping ito ay hindi tumataliwas sa pangkalahatang tuntunin ng

paggigitlapi, alalaon baga’y nasisingit sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng-ugat,

maging kabilaan man o bukás ang pantig.

Maaaring itong “ay,” bílang gitlapi, ay may ibá pang mga kahulugan kung susuriing

mabuti ang mga salitâng kinapapalooban nitó, subalit para sa pagpapakilála lámang na

katulad ng layon ng pag-aaral na ito, ang pangkalahatang diwang ipinakikilála ng tipik

na ito, sa palagay namin, ay maaari na ring makatulong sa lalong masinsina’t malawak na

pagsusuri.

Gitlapi rin ang “il”

Sa salitâng TILAPON namin unang napansin ang tipik na “il” bílang gitlapi. Agad

mapapansin ng sinuman, na, kapag inihiwalay sa tilapon ang “il,” ang maiiwang mga titik

kung pag-uugnayin, ay magiging tapon, isang salitâng ang kahulugan ay kilaláng-kilalá sa

buong kalalawiganang Tagalog. Ngunit sa layunin ng pagpapakilála sa “il,” bílang isang

tipik na may kahulugan sa pagkapalapi sa ibáng salitâ, ang pagbibigay ng isa lámang na

halimbawang salitâ, ay hindi sapat. Kayâ, bukod sa tilapon, kami’y nagsaliksik pa ng ilang

salitâng maaaring magámit sa ganitong pagsusuri. Narito ang ilan pang halimbawa: hilantád

(gáling sa hantad), hilagpós (gáling sa hagpos), tilamsík (gáling sa tamsik), tilabsáw (gáling

sa tibsaw), tilabsík (gáling sa tabsik), tilabso (gáling sa tabso), hilakbót (gáling sa hakbot),

hiliwíd (gáling sa hiwid), tilabsk (gáling sa tabsak), tilagós (gáling sa tagos), tilarók (gáling

sa tarok), tilasók (gáling sa tasok), tiláok (gáling sa taok), at ibá pa.

Sa biglang malas, lalo sa pangkasalukuyang gámit, ang kahulugan ng mga salitâng

halimbawa ay halos siyá na ring kahulugan ng salitâng-ugat, bagaman kung susuriing

mabuti, ay mayroon ding makikítang bahagyang pagkakaibá. Kagaya rin ng “ay,” ang

pangkalahatang diwang ibinibigay ng “il” ay pagpapasidhi o pagbibigay ng higit na tindi ng

ipinakikilálang kahulugan ng ugat, bagaman, sa kasalukuyang gámit ngayon ay hindi na ito

halos napapansin.
118

Pagpapakilála sa Ilang Gitlaping Patay saTagalog

Pangwakas na Kuro-kuro

Sa buong pag-aaral na ito, pinagsikapan naming maipakilála na sa Tagalog ay mayroon

táyong mga patay at buháy na gitlaping hindi pa nangakilála, na kung muling bubuhayin

at gagamítin, ay malaki ang maitutulong sa pagpapayaman ng ating wika. Lima sa mga ito,

ang aming pinagsikapang suriin at ipakilála sa pag-aaral na ito.

Bukod sa kahirapan ng pagpapakilála sa mga gitlaping pinapaksa ng pag-aaral na

ito, ang pagsusuri sa mga tungkulin at kahulugang ibinibigay ng mga ito sa pagkapagitlapi

sa mga salitâng-ugat, ay naging isang malaking suliranin. Upang ito’y magawa, ang ginámit

naming paraan ay ang paghahawig ng kahulugan ng salitâng-ugat at ng kahulugan ng

salitâng nabuo sa pamamagitan ng gitlaping pinag-aaralan, na mangyari pang di kung ano

ang naging pagkakaibá, ay siyá na ring ipinalalagay naming kahulugan at tungkulin ng

gitlapi.

Tungkol sa pagbúhay at paggámit na muli sa “a,” bílang gitlapi, at sa ibá pang sinuri’t

pinag-aralan sa papel na ito, mahalagang maláman ang pag-aaral na ginawa ni E. Arsenio

Manuel ng Pamantasan ng Pilipinas hinggil sa unlaping “hing-,” sa tatlong anyo nito:hing-,

hin-, at him-. Nagbigay siyá ng mga halimbawa kung paano magagámit ang mga unlaping

ito sa pagbubuo ng mga bagong salitâng hango sa mga kilaláng salitâng-ugat sa Tagalog,

gaya ng himbabahay (gáling sa bahay), na tinapatan niya ng kahulugang “mansion” sa Ingles;

hinlulook (gáling sa salitâng look), na ang ibig sabihin ay “gulf”; hindaragat (gáling sa dagat),

na “ocean” naman ang kahulugan; at hintatao (galing sa tao), bílang katumbas ng “giant.”

Madalîng mapupuna sa pag-aaral na ito ni Manuel, na ang kahulugang ibinibigay

ng unlaping hing-, sa tatlong anyo nitó, ay diwa ng kalakhang kagyat na makikilála batay sa

kahulugan ng salitâng-ugat at ng nabuong salitâ.

Ang pag-aaral na ito, sa kabuuan, ay nagpapatibay sa pangkalahatang tuntunin na, sa

Tagalog, ang mga gitlapi ay laging sa pagitan ng una at ikalawang titik ng salitâng batayan

isinisingit, maliban sa “a,” na karaniwan nang isinisingit sa pagitan ng dalawang pantig na

malimit ay magkatulad, kabilaan man o tambal-hulí. Dito’y pinagsikapan ding maipakilála

ang gitlaping “ang,” na dahil sa isang pagkakamali ng unang pagsusuri, ay naging “nga.”

Maliban sa mga gitlaping “um” at “in,” at sa “ang,” na karaniwang ginagámit sa

pagbibigay ng anyong pangmarami sa mga pandiwang banghayin sa “ma” at “mag,” ang

marami sa mga gitlaping Tagalog ay makangalan.

TALA: Nalathala ang artikulong ito ni Vito C. Santos sa Linggwistikang Pilipino, blg. 3, 1971.
Purificacion G. Delima

ANG GRAMATIKANG FILIPINO

Nakapailalim ang wika sa mithiin ng pagbuo ng isang bansa. Tinuturing ang wika bílang

simbolo ng pagkakakilanlan. Wika rin ang mabisàng salik ng pagbubuklod, lalo ng mga

bansang dumaan sa mga puwersang kolonyal at ng mga lipunang multilingguwal, katulad

sa karanasan ng mga bansa sa Silangang Africa, Timog at Timog-silangang Asia, kabílang

na ang Filipinas (Millar, 2005). Sa parehong nabanggit na sitwasyon, mayroong agarang

pangangailangan na makatáong interbensiyon sa pagpaplanong wika (PW). Tunguhin

ng PW ang isang sadya at sistematikong pagtukoy sa patakaran sa wika at sa planong

implementasyon nitó na may pagtanaw panghinaharap (Rubin at Jernudd, 1971 sa Baldauf

sa Hinkel, 2005).

Patakaran sa Wika

Sa kaso ng Filipinas, ang PW ay nag-umpisa pa sa probisyon ng 1935 Konstitusyon nang

matukoy ang pagbuo ng isang wikang pambansa batay sa isa sa umiiral na mga katutubong

wika. Bunsod nitó pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong 1937 ang Atas

Tagapagpaganap Blg. 134 na nagproklama ng Tagalog bílang batayang wika ng wikang

pambansa. Pinangalanang “Pilipino” ang unang wikang pambansa noong 1959, subalit

sa 1973 Konstitusyon idineklarang “Filipino” ang wikang pambansa at hábang ito ay

pinayayaman at pinalalaganap, ang “Pilipino” ay mananatíli bílang wikang opisyal ng

bansa. Bunsod din ng 1973 Konstitusyon nabuo ang unang determinadong patakaran sa

wika—ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal (BEP)—sa pamamagitan ng National

Board of Education (NBE) Resolution No. 73-7, s. 1973, ng Department of Education

and Culture (DEC) Order No. 25, s. 1974, at ng Department of Education, Culture,

and Sports (DECS) Order No. 52, s. 1987—mulang 1973–2008. Sa BEP, tinukoy ang

wikang kolonyal na Ingles bílang wikang panturo sa mga disiplinang agham at matematika;

samantalang ang wikang pambansang Pilipino naman ang tinukoy para sa mga disiplinang

sosyohumanidades. Lingid sa lahat, ang BEP ay may mithiin na sa kalaunan ang Pilipino

ang mamamayaning wikang panturo sa lahat ng disiplina sa lahat ng antas sa sistemang

edukasyon ng Filipinas—isang makabayang mithiin na nauwi lámang sa límot dahil sa

pagpapalit ng pamunuan sa pamahalaan.
120

Ang Gramatikang Filipino

Sa Artikulo XVI, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon natukoy na ang wikang

pambansa ay “Filipino” at ito ay pagyayamanin ng ibá pang mga wika sa buong Filipinas. Sa

panahon ding ito nabuo ang DepEd Order No. 74, s 2009, isang bagong patakaran sa wika

na pumalit sa BEP—ang Mother Tongue-based Multilingual Education (o MTB-MLE).

Sa patakarang ito kinikilála ang kahalagahan ng ibáng mga wika sa Filipinas na mga unang

wika (W1) rin sa mga komunidad labas sa Panrehiyong Punong Lungsod (NCR).

Mababanggit na sa parehong BEP at MTB-MLE, ang wikang pambansa ay

tampok na wika ng literasi at pagtuturo, hábang nakapaloob rin ang wikang kolonyal na

Ingles bílang wikang panturo sa maraming taón ng pag-aaral ng batàng Filipino, at batay

na rin sa Saligang Batas ng bansa bílang isang opisyal na wika mula pang pamahalaang

Komonwelt hanggang ngayon—isang patuloy na mapanuyang biro sa tahanan at sa buong

búhay ng mamamayang Filipino hábang ang batas ay hindi naaamyendahan.

Plano ng Pagpapatupad

Tatlo ang hakbang túngo sa implementasyon ng nabuong patakaran sa wika—(1) ang

planong pangkorpus; (2) ang planong wika-sa-edukasyon; at (3) ang planong kultibasyon

(Rubin at Jernudd, Ibid).

Sa planong pangkorpus, kailangang tumukoy sa tatlong gampanin—(a) pagbuo

ng ortograpiya (graphization); (b) pagbuo ng gramatika (grammatication); at (c) pagbuo

ng diksiyonaryo (lexication). Sa planong wika-sa-edukasyon, kailangang tukuyin ang

aplikasyon ng patakaran sa wika sa kurikulum, sa metodolohiya, sa kagamitang panturo, at

sa pagtatáya ng mga kasanayán at kaalaman. Sa planong kultibasyon, kinakailangan ang (a)

pagtaguyod at pagpapaunlad ng wika sa opisyal, institusyonal, at indibidwal na antas; at (b)

intelektuwalisasyon ng wika sa mga agham, industriya, propesyon, at panitikan.

Sa tatlong kahingiang proseso ng PW na nabanggit sa itaas iikot ang susunod na

talakay sa konteksto ng Filipino bílang wikang pambansa bunsod pa rin ng sumusunod na

atas ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon ng Filipinas:

The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be

further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other

languages.

Estado ng Wikang Pambansa

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang natatanging ahensiya ng wika ng

pamahalaan. Ito ang may mandatong palaganapin, paunlarin, at pagyamanin ang wikang

pambansang Filipino ayon na rin sa atas ng Konstitusyon. Tatlong taón pa lámang sa

posisyon mulang 2013, ang bagong pamunuan ng KWF sa pamumuno ng Pambansang
Delima

121

Alagad ng Sining Virgilio S. Almario ay agarang naglunsad ng mga aktibidad upang

makamit ang tinukoy nitóng bisyon para sa ahensiya na “Filipino: Wika ng Dangal at

Kaunlaran.” Sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39, s. 2013 ng Kalupunan ng mga

Komisyoner, binigyan ng sumusunod na batayang deskripsiyon ang Filipino bílang wikang

pambansa:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagámit sa buong Filipinas bílang

wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating

katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong

pinauunlad ng araw- araw at ibá’t ibáng uri ng paggámit sa ibá’t ibáng pook at

sitwasyon at nililinang sa ibá’t ibáng antas ng saliksik at talakayang akademiko

ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng

mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong

wika ng bansa.

Ang natukoy na deskripsiyon ng Filipino ay batay na rin sa mayamang sitwasyong

panlingguwistika ng Filipinas. Nitó lámang taóng 2015 ang KWF ay may nabalidang 130

katutubong wika, na may kani-kaniyang diyalekto, sa buong kapuluan. Tingnan ang Mapa

ng mga Wika sa Filipinas (Pigura 1) na binuo ng KWF:

Pigura 1. Mapa ng mga Wika ng Filipinas
122

Ang Gramatikang Filipino

Ang mga wikang ito ay unang wika (W1) ng mga kulturang nása rehiyon, na

gumagámit din ng Filipino bílang pangalawang wika (Fil W2) at lingua franca (LF)

sa kaniláng pakikipag-ugnayan sa kapuwa Filipino. Sa prosesong ito ng tagpuang wika

(language contact) napayayaman ang Filipino sa ibá’t ibáng lugar ng kapuluan.

Ang Filipino ay nása lahat ng lugar ng Filipinas, ayon sa survey na ginawa ng KWF

noong taóng 2014, at ito ay malayang umiiral kasáma ang mga wikang rehiyonal. Tingnan

ang lawak ng Filipino sa buong kapuluan sa Mapa ng Filipino (Pigura 2):

Pigura 2. Lawak ng Filipino
Delima

123

Sa programang MTB-MLE na kasalukuyang pinatutupad ng DepEd sa buong

kapuluan, ang Filipino ang pinipilìng asignaturang mother tongue (MT) sa mga konteksto

na malawak ang pagkakaibá-ibá ng mga wikang umiiral (“Linguistically diversed context”).

Ito ay ayon sa datos ng saliksik ng Assessment Curriculum and Technology Research

Centre (ACTRC) at ng Unibersidad ng Pilipinas na nagpakíta ng resulta ng pangalawang

bahagi ng kaniláng ginagawang pagtatáya ng pagpapatupad ng programang MTB-MLE

sa Filipinas (Pigura 3).

Pigura 3. Estado ng Filipino sa MTB

Sa midya, ang tunay na anyo ng pinayamang Filipino ay nakikíta sa mga gumagámit

nitó na mga di-katutubong Tagalog. Sa isang DZMM Teleradyo headline, sinipi ang ganito

(Pigura 4):

Bautista sa ‘dugyot’ na tanggapan ng COMELEC: No excuse

(Twitter, 22 Hulyo 2015)

[N.B. Lumabas din ang salitâng “dugyot” (Ilk) sa pag-aaral na “Emerging Filipino

Academic Variety as Interlanguage among Native and Non-Native Speakers”

(Delima, 1993); “eh butbut na nga, butbut pa ang jacket. Butbut na nga, dugyot

pa.” (Tag respondent)]

Pigura 4. Filipino sa Midya

Sa nasipìng headline, ginámit ang “dugyot” na isang salitâng Ilokano, bagaman

may pag-aalangang malayang ilahok sa gámit Filipino kung kayâ sinipi. Ganito na ang

nakítang anyo ng Academic Filipino Variety sa Lungsod Baguio noon pang taóng 1993

(Delima, 1993). Nailalahok ang katangian ng mga rehiyonal na wika sa paggámit ng

mga di-katutubong Tagalog sa Filipino bílang lingua franca. Taliwas sa sinasabi ng mga

lingguwistang pangkasaysayan, natural na proseso ito sa konteksto ng tagpuang wika. Wika

nga ng mga eksperto sa mga teorya ng tagpuang wika:

[C]ontact is the sole source of language variation and change…where contact

is very intense, typologically significant contact-induced changes may occur:

borrowed basic vocabulary, borrowed phonology and phonetics in native
124

Ang Gramatikang Filipino

vocabulary, borrowed syntactic features that do alter the receiving language’s

syntactic typology, and even borrowed inflectional categories and patterns.

(Thomason, sa Hickey 2010, 31 at 41)

Tunghayan pa sa ibabâ ang mga testimonya ng isang midya sa rehiyon sa kaniyang

pagkilála sa popularidad ng gámit ng Filipino sa diaspora. Sa kaniyang headline din makikíta

ang malayang paglalahok ng katutubong mga salitâ sa kaniyang pagsulat mula sa sinipi

niyang mga pangungusap ng mga Filipinong nása ibáng bansa: “Iniinom ko ang isbo (ihi)

ko; makapal kasi ang pitak (putik)”

Testimonya ni Jimmy Laking sa kaniyang kolum sa Strike Home (Baguio Midland

Courier, 19 Hulyo 2015): “Iniinom ko ang isbo ko; makapal kasi ang pitak”

“Iniinom ko po ang isbo ko.” (Pedrito Dv. Ilk, survivor ng 16 Hulyo 1990 lindol

sa Baguio)

“Makapal kasi ang pítak.” (Benguet miner na dinala sa Leyte para tumulong

mag-rescue sa landslide tragedy ng Pebrero 2006)

“Tagalog… third most spoken in some parts of Canada after English and

French… thanks to a large Filipino migrant community that includes at least

2,000 expatriates from Baguio and Benguet alone.”

“Decades back it was mostly English for the media establishments in Baguio.

Today, Tagalog has taken over… for most TV and radio outfits.”

Pigura 5. Filipino sa Diaspora

Ang mga ganitong proseso ng paglalahok ng mga salitâ ng katutubong wika at ibá

pang inobasyon sa estruktura ng mga diyalektong Filipino ang itinatalâ ngayon ng KWF

hábang binubuo nitó ang gramatikang pambansa para sa kontemporaneong Filipino at

bílang pagbibigay patunay sa hinihingi ng Konstitusyon na pinayamang wikang pambansa.

Taliwas pa rin sa mga hindi makatanggap na ang Filipino ay umuswag na sa estado

nitó mulang Tagalog-based patúngong isang wikang may bukás na norm ay ang paglalahok

muli ng Diksiyonaryong Oxford ng 31 salitâng Filipino sa listahan nitó ng mga hiram

na salitâ, kasáma na rito ang ilang mga salitâng kolokyal katulad ng “pulutan,” “KKB,” at

“kikay,” bukod pa sa ibá (Pigura 6):

31 Filipino words make it to Oxford’s new words list

Bago (2015): mabuhay, kuya, barong, barong tagalog, baro’t saya, halo-halo,

pan de sal, sinigang, baon, pulutan, bahala na, suki, and utang na loob, KKB

(kaniya-kaniyang bayad), despedidas, estafa, barkada, balikbayan, kikay, buko
Delima

125

Luma: carnap, carnapper, comfort room, mani-pedi, presidentiable, batchmate,

high blood, gimmick, salvage, advance, dirty kitchen, barangay (1840) (Manila

Bulletin, 26 Hunyo 2015)

Pigura 6. Filipino sa 2015 Diksiyonaryong Oxford

Ang Gramatikang Filipino: Mga Katangian

Pagkolekta ng korpus. Ang ipakikítang mga katangian ng Gramatikang Filipino sa

susunod na talakay ay mula sa datos ng saliksik ng KWF noong 2014. Nangolekta ng

korpus ng gámit ng Filipino sa sampung lungsod na highly-urbanized, mga lungsod na

tinagurian ng ACTRC na “linguistically diversed” dahil may mataas na pagkakaibá-ibá

ang kultura ng mga naninirahan sa lungsod: Baguio, Angeles (Pampanga), Bacolod, Cebu,

Catbalogan, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, at Butuan.

Ang korpus ay pasalitâ mula sa malayang pag-iistorya, at pasulat mula sa

komposisyon na tinalakay sa paksang ibinigay ng mga mananaliksik na taga-KWF. May

mga babasahín din sa Filipino na nakuha sa ilang mga lungsod. Ang korpus ay mula sa 100

na impormante—50 babae, 50 lalaki; may edad pagitan ng 40 taóng gulang pataas; may W1

ng lokal na komunidad at W2 ang Filipino.

Ponema: Patinig. Ang tunog o ponema ang sangkap ng wika na pinakamadalîng

maimpluwensiyahan at nababago sa penomenong tagpuang wika, kung ihahambing sa

morpema at sintaksis. Ang pagbabago ay maaaring maging permanente o pansamantala

batay sa paraan ng paglipat at/o pagkatuto ng katangian, sa intensidad ng kontak ng

dalawang wikang nagtagpo (W1 at W2), at sa pag-uugali ng nagsasalitâ o nag-aaral ng

W2 (Thomason, Ibid., 26).

Sa kaso ng Filipino W2 ng mga kultura sa rehiyon, ang asento at/o tunog ng W1 ay

natural lámang na lumilipat sa paggámit ng W2, higit pa kung ang W1 ay may kakulangan

sa tunog na mayroon sa W2. Halimbawa, ang tunog /o, u/ at /e, i/ ng Filipino ay napagpapalit

sa mga lungsod ng saliksik, nang walang intensiyong baguhin ang kahulugan:

(1) pero /pεru/~/piru/; ito /Ɂitu/~/ Ɂitυ/

Higit na lumilitaw ang ganitong katangian ng Filipino W2 sa mga rehiyon na ang

ponemang hanay ay tatlo lámang: /i, a, u/.

Kung sa dáting ponemang hanay ng Filipino ay lima /i, e, a, u, o/, may naidagdag

na ikaanim na ponemang ambag ng mga W1. Ang schwa, o patinig pëpët (sa Javanese),

ay nailahok sa Filipino W2 sa Lungsod Baguio, halimbawa, sa salitâng “panagbëngá”

(pamumukadkad ng mga bulaklak). Mababanggit na ang tunog patinig na ito ay karapatdapat

lámang na ilahok na sa ponemang hanay ng Gramatikang Filipino dahil karamihan ng

mga wikang katutubo ng Filipinas ay mayroong patinig pëpët. Sa Ortograpiyang Pambansa
126

Ang Gramatikang Filipino

(OP) ng KWF, ang tunog na ito ay kinakatawan ng tuldik patuldok sa ibabaw ng letrang e

(ë). Tingnan ang marami pang halimbawa sa ibáng W1:

Mga Dagdag Tunog (OP)

Patinig pëpët (schwa / ə/ (Eng) / ë

(OP)

N.B. Maraming katutubong wika ng Filipinas ay mayroong patinig pëpët.

“ëën” (oo) [Kuyunon]

“utëk” (brain) [Pangasinan]

“sëlëd” (loob) [Kinaray-a]

“Tëduray” (wikang South Cotabato)

“wën” (oo) [Ilokano]

“tëlo” (tatlo) [Mëranaw]

“gawëd” (ikmo) [Kankanaëy]

Pigura 7. Ponema: OP schwa

Dahil sa ebidensiyang ito sa mga W1 ng Filipinas, lumawak na ang ponemang

hanay ng wikang pambansang Filipino mulang lima, ngayon ay anim na (Pigura 8):

Pigura 8. Ponema: Tsart ng Patinig

Ponema: Katinig. Ang bílang ng mga isahang tunog katinig ng Filipino W2 ay 19. Tingnan

ang Pigura 9 na naghahanay ng mga katinig ayon sa kaniláng lugar ng artikulasyon sa

aparatong bokal sa bunganga:

Pigura 9. Ponema: Tsart ng Katinig
Delima

127

Ang mga katinig sa itaas ay bukod pa sa mga lehitimong tunog na nanggagaling

sa pagtatambal ng dalawang katinig, katulad ng sh /š/, th /t h / at kh /k h /. Ang mga tunog

katinig na ito ay marami sa mga wikang katutubo sa mga rehiyon. Tingnan sa ibabâ ang

ilang halimbawa:

(2) “shuwa” (dalawa) [Ibaloy]

“khan” (kakain) [Mëranaw]

“litha” (gulay) [Mëranaw]

Mababanggit din na ang mga tunog /f, v, j, z/ ay wala sa dáting abakadang Tagalog.

Nailahok ang mga ito sa bagong alpabetong Filipino (Tingnan ang KWF Ortograpiyang

Pambansa Pigura 10) dahil ang mga ito ay mga katutubong tunog sa mga wikang rehiyonal

na hindi nailahok sa lumang Balarila, isang malaking pagkukulang ng dáting Surian ng

Wikang Pambansa.

Tingnan ang ilang halimbawa sa ibabâ:

(3) “masjid” (simbahan ng Muslim) [Tausug, Mëranaw]

“alifuffug” (ipuipo)

[Itawit]

“avid“ (ganda)

[Ivatan]

“kazzing” (kambing)

[Itawit]

Ortograpiyang Pambansa (OP)

Kagyat noong 2013 nang naupo ang kasalukuyang pamunuan ng KWF, inilathala ang

Ortograpiyang Pambansa (OP) na naglalaman ng 28 titik sa alpabetong Filipino (Pigura

10):

Pigura 10. Tsart ng Ortograpiyang Filipino
128

Ang Gramatikang Filipino

Bukod sa ibá pang mga katangian sa pagsulat ng Filipino sa OP, tinukoy nitó ang

halaga ng pagbabalik sa mga tuldik (Tsapter 10, OP) sa pagsulat bílang pagtukoy sa tamang

asento sa pagbigkas ng mga salitâng may mga magkakatulad na ispeling subalit magkakaibá

ng asento—“isang anyo, ibá-ibáng bigkas,” ayon sa OP. Ilang halimbawa ang nakasipi sa

ibabâ mula sa OP:

(4) páli - Sinaunang Tagalog para sa pagpapalitan ng katatawanan

palí - Ivatan para sa pagpulpol ng dulo

palì - Kapampangan para sa init o alab

palî - Tagalog para sa organo na tabi ng bituka, spleen sa Ingles; Ilonggo din

para sa naghilom

Ang mungkahi ng OP sa pagbabalik ng gámit ng tuldik sa pagsulat ng Filipino ay

napapanahon sa pagtukoy ng mga katangian ng gramatikang pambansa. Tunghayan ang

ilang halimbawang datos na nakíta sa saliksik hinggil sa paglihis sa asentong Filipino sa

pasalitâng anyo:

Pagpapalit ng asento mula malumi túngong malumay/maragsa/mabilis;

malumay túngong malumi

malayò /mala:yoɁ/ maláyo /mala:yo/ [Baguio]

kíta /ki:ta/ kità /ki:taɁ/ [Puerto Princesa]

Pigura 11. Ponema: Asento

Morpema

(OP) Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U (para matukoy ang tamang kahulugan)

pénoy

Pinóy

méron

mirón

balot

balut

íbon

ébon (Kapampangan)

otót (daga)

ut-ót (kirot) (Pangasinan)

estílo (Español) istayl (Ingles)

*istilo *estayl (siyokoy)

Pigura 12. Ponema: Disiplina sa Pagbigkas ng e/i at o/u

Sa kontekstong bilingguwal/multilingguwal, ang antas ng salitâ ang pinakamabilis na

naiimpluwensiyahan sa tagpuang wika, lalo sa kaso ng panghihiram (sa kaso na banyagang

wika ang W2, hal., Filipino W1 at Ingles W2) at paglalahok (“incorporation” sa kaso ng

Filipino W2 ng mga rehiyonal na mga ispiker) na lumilikha ng pagbabago hindi lámang

sa tunog hanay (sound order) ng W1 (ang nanghihiram na wika) kundi pati na sa katangian
Delima

129

ng W2 na ginámit ng W2 ispiker (O’Grady, 2001), katulad halimbawa sa kaso ng Filipino

bílang W2 ng mga rehiyonal na mga ispiker na nabanggit sa itaas sa kaso ng palítang e/i

at o/u o sa kaso ng palítang p/f (hal., Pilipinas (Tagalog/Pilipino); Filipinas (Filipino)).

Ang panghihiram/paglalahok ay maaaring makalikha ng bagong tunog/ponema sa W1

(nanghihiram) o kahit sa W2 (pinanghiraman) at sa pangkalahatang pagbabago sa tunog

hanay ng W1 o kahit sa W2. Ang ganitong posibleng kahihinatnan ng penomenong

tagpuang wika ang pinanggalingan ng payo/mungkahi ng OP sa pangangailangang disiplina

sa mga tunog ng Filipino na hindi maaaring mapagpalit-palit dahil lilikha ng kalituhan sa

binalak na kahulugan sa paggámit ng Filipino bílang W2.

Sa KWF saliksik na tinatalakay ngayon, hindi kukulangin sa 126 na salitâ mulang

rehiyonal na wika ang nailahok sa Filipino W2—isang empirikong patunay ng pagyaman

na ng pambansang gramatikang Filipino. Ilang halimbawa ang mababanggit dito: Ilk

“Ápong” (Panginoon); Bis, War, Hil “bulíg-búlig” (tulong-tulong); War “hirá” (silá); Bis

“giyúd” (talaga); Bis “maáyo” (maganda); Hil “madámo” (marami); Ilk “pinikpíkan” (lutong

manok ng mga Igorot); Bis “waláy” (walâ).

Bukod sa salitâ ng estrukturang morpema ng Filipino W2, nakíta rin sa saliksik ang

paglahok ng mga panlaping rehiyonal sa pamamaraang pagpapalit (substitution), hábang

malaya ring ginagámit ang mga panlapi ng Filipino W1. Sa Pigura 13 at 14, makikíta ang

malayang paglalahok ng mga unlaping “gi-,” “ga-,” “gina-,” at “naga-” na ikinakabit sa mga

salitâng-ugat ng Filipino W1 at Ingles sa pasalitâ na Filipino W2 ng mga impormante.

Ang mga panlaping ito ay may kaparehong kahulugan sa aspekto ng pandiwa sa Filipino

W1 na mababanggit na sukatan ng hambingang estruktura sa saliksik, hal., “nag-,” “na-,”

“-in-.”

Malayang paglalahok ng mga katutubong salitâ mula sa L1 (Binisaya,

Chabacano, Ilokano) at mula sa Ingles at Español.

Binisaya sa Gen San, Davao, Butuan, Bacolod, Catbalogan: “plete,” “gani,” “kay,”

“giyud,” “diri,” “daghan”

Ilokano at Igorot (Baguio): “tafuy,” “magbingay-bingay,” “lalamutën”

Ingles: “brochure,” “college,” “peace-loving people”

Español: “bangkero,” “barato,” “pobre,” “puwesto”

Pigura 13. Morpema: Malayang Nailahok

Imperpektibo (kasalukuyang aksiyon)

ga- “gabaha”

-in- “tino-tour”

gina- “gina-drive” nag- “nagmi-mix”

naga- “nagauli”

N.B. Batangas Tagalog - “nakain” sa halip na “kumakain”
130

Ang Gramatikang Filipino

Kontemplatibo (panghinaharap na aksiyon)

mag- “magpasok” sa halip na “pumapasok,” “mag-uwi” sa halip na “uuwi,”

“maghintay” sa halip na “hihintayin,” “magbigay” sa halip na “magbibigay”

maka- “makatulong” sa halip na “makatutulong”

Pigura 14. Morpema: Imperpektibo at Kontemplatibo

Ang implikasyon ng ganitong paglalahok sa Filipino W2 ng rehiyonal na mga

ispiker ay ang paglawak ng hanay ng mga panlapi ng Filipino W1 mula sa dáting bílang

nitó.

Mapapansin din sa datos sa Pigura 14 ang pagkawala sa Filipino W2 ng karaniwang

reduplikasyon sa Filipino W1 sa kontemplatibong aspekto (hal., “magbigay” [Fil W2] sa

halip na “magbibigay” [Fil W1] )—isang katangian ng mga rehiyonal W1 sa Katimugang

Filipinas na hindi naman nakaaapekto sa orihinal na binalak na kahulugan ng gumagámit

ng Filipino W2. Wika nga ni O’Grady (2001) at Thomason (2010), ang mga ganitong

epekto ng penomenong tagpuang wika ay prosesong natural at normal at nagpapayaman

sa estruktura ng parehong wikang nanghiram/nanglahok at nagpahiram/nagpalahok.

Sa Pigura 15, makikíta pa ang mga karagdagang morpolohiyang proseso na

karanasan ng Filipino W2 sa Katimugang Filipinas—ang paglahok ng “kay” pantumbas

sa “kasi” (Fil W1) bílang pang-ugnay, at pagkaltas ng mga salitâ, hal., “pag-” pantumbas sa

“kapagka,” “iyong” / “ ’yong” pantumbas sa “ang”—na nangyayari din sa Filipino W1.

Pang-ugnay

“kay” pantumbas sa “kasi”

Ayaw kay magpan-ús.

“pag” pantumbas sa “kapagka”

Dati sa school magbayad kami ng fees pag hindi kami nagsalita ng Tagalog.

“mientras” pantumbas sa “hábang”

Mientras makakaya pa…

Pananda

“iyong/’yong” pantumbas sa “ang”

Pero iyong mga Muslim na classmate ko nagtatagalog sila.

Pigura 15. Morpema: Pang-ugnay
Delima

131

Sintaksis

Lahat ng sangkap ng gramatika ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, subalit

may mga pagbabago na higit na mabilis at kagyat nakikíta sa ilang sangkap kaysa sa ibá

(O’Grady, Ibid.). Ang pagbabago sa tunog/ponema ng wika ang pinakamadalîng magbago

at makíta; ang salitâ/morpema ang susunod; at ang sintaksis ang halos pinakamatatag sa

proseso ng pagbabago. Sa pag-aaral ng mga sintaksis unibersal ng maraming wika, may mga

kategoryang sintaktikong hindi naililipat o napapalitán, katulad ng pandiwa (V), sabjek

(S), at objek (O) na nagpapakilála ng tipolohikong klasipikasyon ng mga wika sa mundo

ayon sa salitâng hanay (word order). Halimbawa, ang Ingles at French at ibá pang wikang

Indo-European ay kahanay ng mga wikang may tipong SVO; ang mga wika ng Filipinas,

Welsh, Maori, at Hebrew ay tipong VSO; ang Turkish, Korean, Japanese, at mga wikang

aborihinal ng Australia ay SOV; mga wikang South America ay OVS o OSV (Hickey, 2010

at O’Grady, 2001). At dahil ang mga wika ng Filipinas ay pare-parehong kabílang sa iisang

tipo, hindi maaasahang mag-iibá ang estruktura ng mga kategoryang V, S, at O, kahit pa

nása karanasang tagpuang wika ang mga ito.

Antas Ponema, Leksiko, Morposintaksis. Sa kaso ng Filipino, nakíta ng saliksik na walang

mahalagang pagkakaibá ang sintaksis ng Filipino W1 at Filipino W2. Ang estruktura ng

parirala, sugnay, at pangungusap ay magkatulad. Kung may nailahok mang katutubong

panlapi mula sa rehiyonal na wika, katulad ng naipakíta sa Pigura 13 at 14, walang nakítang

pagbabago sa estruktura na ginámit. Wala ring pagbabago sa pagpapakahulugan na tinangka

ng nagsasalitâ kahit pa panlapi ng W1 niya ang ginámit. Tingnan ang ilang datos na sinipi

sa sumusunod:

(5) Nakaranas kami nang ubus ang lahat ng kasangkapan kayâ nahihirapan kami.

(6) Madamo matingnan mo na mga palaguwaon.

(7) Hindi man siya talaga nagpatinag na ginasulsulan na mag-alis diyan.

Magkakaibáng sangkap ng gramatika ang makikítang naimpluwensiyahan ng

tagpuang wika sa sintaksis (5)-(7). Sa (5), ang “ubus” na narinig sa katimugang Filipino

W2 ay lihis sa bigkas na “ubos” ng Filipino W1. Ang pagbabago ay sa ponemang /u/~/o/

sangkap ng salitâ na nakapaloob sa pangungusap. Ang pagbabago ay hindi naman nagdulot

ng pagbabago sa kahulugan ng salitâ. Sa (6) makikíta ang paglahok ng dalawang katutubong

salitâ: “madamo” (marami) at “palaguwaon” (palabás). Sa parehong pangungusap rin ginámit

ang “matingnan” sa halip na “makíta” sa Filipino W1. Ang parehong salitâ ay grupong

“ma-” na pandiwa na may kahulugang may abilidad o kapasidad na magawa ang isinasaad ng

pandiwang salitâng-ugat. Kung sa (5) at (6) nása ponema at leksikong antas ang paglalahok,

sa (7) ay nása morposintaksis na antas—“ginasulsulan,” pandiwang nása imperpektibo na

ipinahihiwatig ng unlaping “gina-” ng Davao Filipino W2, sa katapat na “sinusulsulan” (Fil

W1) na may gitlaping “-in-” + reduplikasyon ng unang pantig ng salitâng-ugat “sulsul” sa

parehong Filipino varayti. Ang katutubong binisayang panlaping “mag-” sa salitâng “magalis”

(Fil W2) ay pumalit sa reduplikasyon ng unang pantig ng pandiwa sa salitang “aalis”

(Fil W1) na may katulad namang kahulugang aspektong kontemplatibo.
132

Ang Gramatikang Filipino

Paghahalong-wika (Code-mixing)/

Paglilipat-wika (Code-switching)

Ang paghahalong-wika at paglilipat-wika ay mga natural na karanasan sa tagpuang wika sa

mga bansang multilingguwal katulad ng Filipinas. Sa kaso ng Filipino bílang W1 o W2,

ang wikang Ingles ang inihahalong wika sa antas salitâ, parirala, at sugnay. Sa karanasang

ito ng Filipino makikíta ang lakas ng isang banyagang wika na pumasok sa sintaksis ng

wikang pambansa. Hindi lámang opisyal na wika ang Ingles sa bansa, ito rin ay wika ng

pagtuturo/pagkatuto sa sistemang edukasyon. Tingnan ang sumusunod na halimbawa:

(8) Doon sa dulo ang storytelling ng mga batà. (salitâ)

(9) Ang pag-pronounce namin kasi may diperensiya.

(10) Awa ng Panginoon naman naka-survive ako with how many years sa hanapbuhay

ko. (parirala)

(11) Crime will still exist in anyways sa lahat ng paraan, sa lahat ng panahon. (sugnay)

Karaniwan kapag antas salitâ lámang ang paghahalo o paglilipat, ang proseso ay

tinatawag na panghihiram (borrowing) lámang (Fought, 2010). “Paglilipat-wika” ang tawag

ng sikolohistang si Virgilio Enriquez (1985, sa Bautista 1996, 271) para sa “tahasang

panghihiram” na maaaring walang pagbabago sa anyong pasulat subalit maaaring may

mangyaring pagbabago sa bigkas. (N.B. Sa papel na ito ang terminong “paglilipat-wika”

ay ang salin sa terminong Ingles na “code-switching.”) Ang “storytelling” sa (8) ay isang

tahasang-panghihiram; samantala, ang “diperensiya” (“diferencia” sa Español; “difference” sa

Ingles) sa (9) ay masasabing “paimbabaw na pag-aangkin” (Enriquez, Ibid., 272)—isang

paraan ng panghihiram gámit ang salitâ mula sa ibáng wika kasáma na ang kahulugan

subalit binago ang tunog at baybay.

Ang mga kategoryang sintaktikong malalayang nahihiram o nailalahok sa

penomenong paghahalong-wika o paglilipat-wika ay ang mga solong salitâ, katulad ng mga

pangngalan, pang-abay, at ibá pang malayang ekspresyon, na madalîng nakukuha lámang

sa sitwasyong tagpuang wika. Sa parehong pagkakataón ng panghihiram, ang hiniram

na banyagang salitâ ay maaari ding maging salitâng-ugat na kinakabitan ng katutubong

panlapi, katulad halimbawa ng salitâng “pag-pronounce” (9) at “naka-survive” (10).

Ang mga pangungusap (10) at (11) ay parehong paghahalong-/paglilipat-wika

na parsiyal sa antas parirala (10) at sugnay (11). Ang ganitong karanasan ay maaasahang

mangyayari sa mga bilingguwal na may kompetensi din sa mulaang wika (source language).

Kung wala namang kompetensi ang gumagámit ng Filipino W1, hindi ito magiging

hadlang para hindi makapagsalitâ gámit ang Filipino. Ang dalawang salitâng “ano” at

“kuwan” ay mga salitâng dummy na walang espesipikong kahulugan at ginagámit pamalit

sa kahit anong salitâ na hindi matukoy ng nagsasalitâ sa panahon ng paggámit ng Filipino.

Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba mula sa ibá’t ibáng lungsod:

(12) Paano mag-ano ng organic farming?

(13) Second World War naano, nasira.
Delima

133

(14) Araw-araw kasi inaano namin silá, inaadbaysan.

(15) Mga kuwan pa, mga 5 months pa.

(16) Marami ka pang makikítang magagandang kuwan dito.

(17) Siyempre nakukuwan na rin silá.

Mapapansin sa gámit ng “ano” sa (13) at (14) at “kuwan” sa (15) na may pagkakataóng

nasasabi rin ang salitâng panandaliang hindi maalala at pansamantala ring pinalitán ng

dalawang salitâng dummy. Ang kausap sa pagkakataóng ito ay nakasusunod naman sa nais

na kahulugan ng nagsasalitâ dahil kasáma siya sa konteksto ng pag-uusap. Ang estratehiyang

ito sa pagsasalitâ ng Filipino W2 ay pangkaraniwan din sa gámit ng Fillipino W1.

Lagom

Bílang W2 at lingua franca, ang Filipino ngayon ay pinayayaman na ng mga rehiyonal na

wika sa konteksto ng tagpuang wika sa mga multilingguwal na komunidad ng Filipinas.

Ang Filipino W2 ay may gramatikang nagtatanghal ng mga natatanging katangian ng mga

wikang rehiyonal sa pasalitâng anyo sa antas ponema, morpema, at sintaksis.

Sa antas ponema, nailahok ang bagong tunog patinig na schwa ë, na katangian ng

maraming katutubong wikang Filipino. Nakíta rin ang paglilípat ng mga asento sa loob

ng mga salitâ at pagkaltas ng impit sa hulihán ng mga salitâng may malumi at maragsang

asento, bílang impluwensiya ng L1 ng gumagámit ng Filipino W2.

Sa antas morpema, malayang naikakabit ang mga katutubong panlapi sa mga

salitâng-ugat ng ibá’t ibáng wika, bukod pa sa paglalahok, sadya man o hindi, ng mga

katutubong salitâ mula sa L1 ng mga nagsasalitâ.

Sa antas sintaksis, walang makabuluhang kaibhan ang Filipino W2 ng mga

multilingguwal at urbanisadong mga lungsod sa Filipino W1 na gámit sa buong bansa, sa

estrukturang parirala, sugnay, at pangungusap. At dahil buháy na wika, ang Filipino W2 ay

pinayayaman pa ng mga penomenong paghahalong-wika at paglilipat-wika sa antas leksiko,

parirala, at sugnay sa pamamagitan ng tuwirang panghihiram, pag-angkin o paglahok ng

mga natatanging katangian ng mga rehiyonal na wika ng mga nagsasalitâ.

Sa kabuuan, nakikíta ang patuloy na pagyaman at pag-unlad ng bagong Gramatikang

Filipino sa kasalukuyan. Sa patuloy na malayang paggámit nitó ng lahat ng mamamayang

Filipino batay sa pamantayang bukás, hindi malaon mabubuo ang “pedagogical idiom” sa

Filipino na tinukoy ni Bonifacio Sibayan noon pang 1991 (Bautista, 1996) sa pagtalakay

niya sa pamamaraan ng intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
134

Ang Gramatikang Filipino

Sanggunian

Baldauf, Richard Jr. E, “Language Planning and Policy Research: An Overview.”

Sa Hinkel, 2005.

Bautista, Ma. Lourdes, editor, Readings in Philippine Sociolinguistics. Manila:

DLSU Press, 1996.

Enriquez, Virgilio Gaspar, “Pagbubuo ng Terminolohiya sa Sikolohiyang

Pilipino.” Sa Bautista, 1985.

Fought, Carmen, “Ethnic Identity and Linguistic Contact.” Sa Hickey, The

Handbook, 2010.

Hickey, Raymond, The Handbook of Language Contact. UK: Blackwell

Publishing Ltd, 2010.

_______________, “Language Contact: Reconsideration and Assessment.”

Sa Hickey, The Handbook, 2010.

Hinkel, Eli (Ed.), Handbook of Research in Second Language Teaching and

Learning. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates Publishers, 2005.

Komisyon sa Wikang Filipino, Brochure, 2015.

________________________, Ortograpiyang Pambansa, 2014.

Miller, Robert McColl, Language, Nation and Power: An Introduction. NY:

Palgrave McMillan, 2005.

O’Grady, William; et.al, Contemporary Linguistics: An Introduction. NY:

Bedfofrd/St. Martins, 2001.

Sibayan, Bonifacio P, “The Intellectualization of Filipino.” Sa Bautista, 1991.

Thomason, Sarah, “Contact Explanations in Linguistics.” Sa Hickey, The

Handbook, 2010.

TALA: Unang iniulat ang artikulo sa Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika ng KWF na ginanap sa

Lingayen, Pangasinan noong 5 Agosto 2015. Nailathala pagkaraan sa Pandiwa: Lathalaan para sa Wika at

Kultura, taón 3, blg 1, 2016.
135
Ang Aklat ng Bayan ay bahagi ng isang pangmatagalang proyekto

ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang masimulan ang

maaaring ituring na “Aklatan ng Karunungan” (Library of Knowledge)

na magtatampok sa kakayahan ng wikang Filipino bílang wika ng

paglikha at saliksik. Sa ilalim ng proyekto, muling ililimbag ng KWF

ang mga katangi-tanging pag-aaral sa wika, panitikan, at kultura ng

Filipinas; isasalin ang mga mahusay na akda mula sa mga wikang

katutubo, panitikang-bayan man o bagong malikhaing pagsulat;

isasalin ang mga dakilang akdang banyaga; ipasusulat o tatangkilikin

ang mga bagong pag-aaral pangkultura; at ilalathala ang mga mahusay

na tesis at disertasyon hinggil sa wika at panitikan ng bansa.