14.03.2017 Views

ekonomiks LM yunit 4

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Yunit IV

DEPED COPY

329

DEPED COPY

330

YUNIT IV

MGA SEKTOR PANG- EKONOMIYA

AT MGA PATAKARANG PANG- EKONOMIYA NITO

PANIMULA AT GABAY NA TANONG

Matapos matalakay ang mga batayang konsepto sa ekonomiks, nararapat din

na makilala ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor na tinalakay sa mga

nakaraang aralin ay may kinalaman sa sektor ng pananalapi. Ang daloy ng pananalapi

sa ekonomiya ang pinakapangunahing pokus ng naging talakayan. Samantala, ang

mga sektor pang-ekonomiya ay nakapokus sa daloy ng mga produkto at serbisyo

at ang kaugnayan nito sa kabuuang kita ng bansa. Ang ugnayan na nagaganap sa

loob at labas ng mga sektor ay inaasahang nakaaapekto sa bansa. Ito ang isa mga

indikasyon ng isang matatag at malusog na ekonomiya. Ayon na rin sa mga ekonomista,

ang bansang may matatag na mga sektor ay may potensiyal na makapagtamo ng

kaunlaran. Mas mataas na empleyo at malaking ambag sa pambansang kita ay

maaaring maghatid tungo sa mas maayos, maunlad, at may kalidad na pamumuhay.

Ngunit sa katotohanan, hindi madali ang daan para maabot ang kaunlaran.

Hindi ito kayang gawin ng isang sektor lamang. Bawat isa ay may napakahalagang

papel na ginagampanan upang masiguro ang maayos na takbo at daloy ng ekonomiya

ng bansa. Sa ganitong perspektibo, patuloy na nagsisikap ang pamahalaan na

matugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor. Ngunit sapat ba ang mga

DEPED COPY

programa at batas na isinusulong ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga

nasabing sektor pang-ekonomiya? Ano-ano ba ang kinakaharap na hamon ng bawat

sektor? Ang mga patakarang pang-ekonomiya bang ito ay talagang nakatutulong sa

kanila upang maabot ang matagal nang pinapangarap na kaunlaran?

Dahil dito, bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranas

ng kaunlaran, halina at samahan mo ako sa pagtuklas at pagsuri sa kung paano

hinaharap ng mga sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansang

pagsulong at pag-unlad.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa

sa mga sektor ng ekonomiya

at mga patakarang ekonomiya nito sa

harap ng mga hamon at puwersa tungo

sa pambansang pagsulong at pagunlad.

Pamantayang Pagganap

Ang mga mag-aaral ay aktibong

nakikibahagi sa maayos na

pagpapatupad at pagpapabuti ng mga

sektor ng ekonomiya at mga patakarang

ekonomiya nito tungo sa pambansang

pagsulong at pag-unlad.

331

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

ARALIN 1: KONSEPTO

NG PALATANDAAN

NG PAMBANSANG

KAUNLARAN

ARALIN 2: SEKTOR NG

AGRIKULTURA

• Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa

pambansang kaunlaran.

• Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang

kaunlaran.

• Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng

mamamayang Pilipino upang makatulong sa

pambansang kaunlaran.

• Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos

ng mamamayang Pilipino para sa pambansang

kaunlaran.

• Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung

paano makapag-ambag bilang mamamayan sa

pag-unlad ng bansa.

• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng

agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa

ekonomiya at sa bansa.

• Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng

sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat

sa bawat Pilipino.

• Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pangekonomiya

na nakatutulong sa sektor ng agrikultura.

DEPED COPY

• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor

ARALIN 3: SEKTOR NG

INDUSTRIYA

ARALIN 4: SEKTOR NG

PAGLILINGKOD

ARALIN 5: IMPORMAL

NA SEKTOR

ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isang

masiglang ekonomiya.

• Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural

at industriyal tungo sa pag-unlad ng kabuhayan.

• Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pangekonomiyang

nakatutulong sa sektor ng industriya.

• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor

ng paglilingkod.

• Napahahalagahan ang mga patakarang pangekonomiyang

nakatutulong sa sektor ng

paglilingkod: Batas na nagbibigay proteksiyon at

nangangalaga sa mga karapatan ng Manggagawa.

• Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa

konsepto ng impormal na sektor.

• Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng

impormal na sektor.

• Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor

ng ekonomiya.

• Napahahalagahan ang pagsunod sa mga

patakarang pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng

pambansang kaunlaran.

332

ARALIN 6:

KALAKALANG

PANLABAS

• Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para sa

kalakalang panlabas nito sa mga samahan tulad ng

World Trade Organization at Asia-Pacific Economic

Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng

mga mamamayan ng daigdig.

• Napahahalagahan ang papel na ginagampanan

ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal

na ipinatutupad nito.

• Nasusuri ang mga patakarang pang-ekonomiya na

nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa sa

buhay ng nakararaming Pilipino.

GRAPIKONG PANTULONG

PAGLILINGKOD

DEPED COPY

INDUSTRIYA

IMPORMAL NA

SEKTOR

AGRIKULTURA

KAUNLARAN

KALAKALANG

PANLABAS

333

PANIMULANG PAGTATAYA

Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

(K) 1. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong

ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa:

A. likas na yaman

B. yamang- tao

C. teknolohiya

D. kalakalan

Para sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa

ibaba nito.

Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya

ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig

ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang

ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations

(SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming

nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang

ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang

ekonomiya ng bansa.

(http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless)

DEPED COPY

(U)

2. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahad

sa balita na:

A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng

pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing

ganap na maunlad ang bansa.

C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang

Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.

D. Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat

gaya ng GDP.

(U)

3. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago

ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito.

Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos

ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang

napakatagal na problemang ito?

A. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang

mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

B. Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga

hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.

C. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man

o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at

nararapat.

334

D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga

maling nagaganap sa ating bansa.

(U)

4. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing

kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring

dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang

mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa

bansa?

A. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.

B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong

pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.

C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.

D. Wala sa nabanggit

(K)

5. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga

probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod

ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?

A. pagmimina

B. pangingisda

C. paggugubat

D. paghahayupan

DEPED COPY

6. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay

(P)

ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong

agrikultural. Bakit nangyayari ito?

A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.

B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan

C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market

road)

D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

(U)

7. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform

Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang

samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa

pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito.

Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga

magsasaka?

A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.

B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor

ng agrikultura.

C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng

maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura,

redistribusyon ng lupa, at iba pa.

D. Lahat ng nabanggit

335

Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito.

Talahanayan 2

Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya

2005 – 2010 (In-Million Pesos)

SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374

Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497

Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011

(P)

8. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-uusapan

ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating mga anyongtubig

sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos

sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa

ekonomiya ng bansa mula 2005- 2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.

B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.

C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa

sektor ng agrikultura.

D. Lahat ng nabanggit

DEPED COPY

9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga

(K)

hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?

A. agrikultura

B. industriya

C. paglilingkod

D. impormal na sektor

(P)

10. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya

samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa

pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang

nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng dalawang sektor?

A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura

samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.

B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang

ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.

C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura

ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing

panibagong uri ng produkto.

D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang

agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.

336

(P)

11. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng

kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang

kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural

patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang

industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo

rito?

A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng

mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao.

B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay

nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa.

C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at

masyadong mabilis na industriyalisasyon.

D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na

rin ng mataas na pambansang kita.

(K)

12. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad

ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at

pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong

pampamayanan, panlipunan, at personal?

A. agrikultura

B. industriya

C. paglilingkod

D. impormal na sektor

DEPED COPY

(U)

13. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng

paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya

ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho

sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa sumusunod na

pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contractualization sa

kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa?

A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa

ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at

PhilHealth.

B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang

kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.

C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi

sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na

lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.

D. Lahat ng nabanggit

337

(U)

(K)

14. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang

pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya

ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng

sektor ng paglilingkod?

A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at

serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.

B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng

trabaho sa isang bansa.

D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

15. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi

nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi

nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan

para sa pagnenegosyo?

A. agrikultura

B. industriya

C. paglilingkod

D. impormal na sektor

DEPED

16. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal

COPY

na sektor ay kabilang sa “isang

kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng

impormal na sektor?

(P)

A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.

B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.

C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.

D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang

tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.

(P)

17. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap

ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata. Laganap ang pamimirata sa

halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na

paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod

MALIBAN SA ISA.

A. kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon

sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito

B. kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa

pamimirata

C. kakulangan ng mapapasukang trabaho

D. pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal

na pamamaraan

338

(K)

(U)

18. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng

comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?

A. trade embargo at quota

B. kasunduang multilateral

C. espesyalisasyon at kalakalan

D. sabwatan at kartel

19. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo

na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang

pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig

lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan?

A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan

ng lokal na ekonomiya.

B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.

C. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin

D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

(P)

20. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan

at panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga

bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad

pa lamang ang nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod

na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas

ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?

DEPED COPY

A. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong

transnasyonal

B. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan

C. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa

D. ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan

339

PANIMULA

Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya

bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa

pambansang kaunlaran. Sa dahilang ito ang pinakamithiin ng lahat sa atin, lubhang

mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na

matamo ang tunguhing ito.

Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod, gayundin ng impormal

na sektor at kalakalang panlabas, ay may mahahalagang papel na ginagampanan

upang maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Higit sa lahat,

ikaw bilang isang mag- aaral at mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapat

gampanan. Subalit ano nga ba ang magagawa mo para sa bayan sa ngalan ng

kaunlaran? Sa ganitong aspekto papasok ang konsepto ng aktibong pakikisangkot at

pagsusulong nito. Kung kaya’t ang pangunahing pokus sa araling ito ay ang konsepto

at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Pag- aaralan mo rin kung ano ang iba’t

ibang tungkulin ng mga mamamayang Pilipino upang makatulong sa sama- samang

pagkilos para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.

Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap

sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang

pupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman.

DEPED

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang

COPY

ikaw ay makapagbigay ng sariling

pakahulugan sa pambansang kaunlaran at masiyasat ang mga palatandaan nito.

Inaasahan ding matukoy mo ang iba’t ibang gampanin ng bawat mamamayan tungo

sa sama- samang pagkilos at pagplano kung paano makapag- aambag sa mithiing ito.

ARALIN 1

KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN

ALAMIN

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol

sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran at kung papaano ka

makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito.

Gawain 1: INSTA-SAGOT

Pansinin ang mga larawan sa susunod na pahina. Suriing mabuti ang

kalagayan ng bawat larawan. Bigyan ng malikhaing pamagat ang bawat larawan.

340

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng

iyong pansin? Bakit?

2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais

mong maging kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.

Gawain 2 : ANG SA AMIN LANG

Mula sa Gawain 1, bumuo ng pangkat na may tatlong miyembro. Magkaroon

ng isang maliit na pangkatang diskusyon tungkol sa mga nakita sa larawan. Tukuyin

ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito gamit ang speech balloon sa susunod

na pahina. Anong mga konsepto tungkol sa pamumuhay ng mga tao ang maaaring

mabuo mula sa mga larawan?

341

Batay sa mga larawan,

malinaw na ang buhay sa

Pilipinas ay

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na

masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang

kaunlaran.

Gawain 3 : EBOLUSYON NG MGA IDEYA

DEPED

Muling balikan ang mga konseptong iyong nakuha

COPY

mula sa gawain 1 at 2.

- Isulat sa unang kahon kung ano lamang ang iyong nalalaman sa paksa.

- Isulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na nais mo pang

matutuhan.

- Ang huling kahon naman ay sasagutin mo lamang kung tapos na ang pagtalakay

sa paksa. Huwag kang mag-alala dahil babalikan mo ang gawaing ito sa tulong

ng iyong guro bago matapos ang PAUNLARIN.

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol

sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran, ihanda ang iyong sarili

sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng

kaunlaran.

342

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa

aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong

ng mga teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng

impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo

bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kaunlaran.

Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang Gawain at teksto upang

masagot kung papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang

mabuting mamamayan nito. Halina’t umpisahan mo na.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula

sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring

may kaugnayan din sa salitang pagsulong.

DEPED COPY

Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw

niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pagunlad

ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng

prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad. Halimbawa,

ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang

proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani, at ito ang

pagsulong.

Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga

halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko,

paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon

nagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting

produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso

ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan,

kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.

Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na

Economic Development (2012) ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad:

ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw ukol dito. Sa tradisyonal na

pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng

antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa

ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.Sa makabagong

pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang

pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang

343

pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema

upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay

tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang

ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman

ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito,

mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad

ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na

naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.

Gawain 4: POWER OF TWO

Basahin at suriin ang mga nilalaman ng dayagram na “Power Thinking”.

Humanap ng isang kamag-aral upang mabuo o makompleto ang mga kasagutan

sa bawat kahon. Dito sinusubok ang iyong kakayahan na balangkasin ang mga

impormasyon/ konseptong iyong nabasa . Maaaring dagdagan ang mga power box

ayon sa pagkaunawa ng mag-aaral sa tekstong binasa.

Konsepto ng Pag-unlad

DEPED COPY

Kahulugan ayon sa

Diksyunaryo

Kahulugan ayon kay

Feliciano Fajardo

Kahulugan ayon kina

Todaro at Smith

Kahulugan ayon

kay Sen

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Kailan masasabing

may pag-unlad?

Gawain 5: TEKS-TO-SURI

Sagutin ang sumusunod batay sa iyong binasang teksto.

1. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag.

2. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?

3. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at

makabagong pananaw nito?

4. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na

kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan?

Pangatwiranan.

5. Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba ang Pilipinas? Pagtibayin.

344

Gawain 6: OO O HINDI?

Bago dumako sa susunod na aralin, sagutin muna ang sumusunod na tanong

na may kinalaman sa pag-unlad. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na sinasang-ayunan

mo.

PAHAYAG OO HINDI

1. May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at

naglalakihang kalsada.

2. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa.

3. May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at

makinarya.

4. May pag-unlad kung may demokrasya.

5. May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran.

6. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.

7. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal.

8. May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod.

9. May pag-unlad kung may mataas na pasahod.

10. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan.

Pamprosesong

DEPED

Tanong:

COPY

1. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan?

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging mga balakid sa pagpapatuloy ng

pag-unlad sa sumusunod na aspekto:

• kultural

• sosyal (lipunan)

• politikal

3. Balikan natin ang mga larawan sa Gawain 1. Maaari mo bang sabihin kung

ano ang mga palatandaan ng pag-unlad sa isang bansa? Ipaliwanag.

4. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang

kabahagi ng mga palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy?

Matapos mong maunawaan ang konsepto ng kaunlaran, ngayon naman

ihanda mo ang iyong sarili upang maunawaan at suriin ang iba’t ibang palatandaan

nito.

Mga Palatandaan ng Pag-unlad

Pagsulong

Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maraming

bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo.

Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga

korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamayari

at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa katunayan, sa kaunaunahang

pagkakataon ay naiulat ng United Nations Conference on Trade and

Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang ng mga dayuhang

mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na bansa.

345

Developed economies

Developing economies

Transition economies

Pigura 1: Global FDI inflows, developed, developing and transition economies,

2000- 2012 (Billions of US dollars)

Pinagkunan: UNCTAD. 2013. Global FDI inflows, developed, developing and transition economies, 2000- 2012.

Retrieved from http://unctad.org/en/PublicationsLibrary/webdiaeia2013d1_en.pdf on November 2, 2014

Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod

ng mas mabilis na paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya. Subalit, laganap pa

rin ang kahirapan, kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas

ng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa.

DEPED COPY

Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas na

yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng

mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng

mabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin sa

ulat ng International Monetary Fund noong 2013. Nakapagpatayo sila ng maraming

gusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pag-unlad ng mga nasabing

bansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila ng mga makabagong teknolohiya, magagaling

na manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa ibang bansa.

Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring

makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics,

Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa- isa

nila ang mga ito.

1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa

pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig,

kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na

yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.

2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng

ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa

isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito.

3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng

346

ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina

sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.

4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito,

nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman

upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.

Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER

Itala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa

gamit ang concept mapping chart. Gamit ang mga salik na iyong naitala, ipaliwanag

naman sa text box kung paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ng

ekonomiya nito.

Pagsulong ng

Ekonomiya

DEPED

COPY

Pag-unlad

Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa

pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng

isang panahon. Sa pagsukat nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP),

Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP. Sa kabilang

banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo

dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa

sa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero, makabagong

teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang

bansa.

Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong

kagamitan at mga makabagong teknolohiya sapagkat kasama rito ang mga pagbabago

sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Fajardo, ang pagsulong

ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na

inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman

ng mga pangkaraniwang tao. Ayon pa kina Todaro at Smith sa kanilang aklat na

Economic Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong

kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at

mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya,

pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.

347

Gawain 8: PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA

Sa tulong ng isang kamag- aral, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng

pagsulong at pag-unlad. Gamitin ang Venn diagram sa ibaba.

PAGSULONG

PAG-UNLAD

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad?

2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag.

3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong?

Pagtibayin.

DEPED COPY

Human Development Index

Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development

Index bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human

Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang

bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan,

edukasyon at antas ng pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan,

ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang

bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na

dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili

habang siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of

schooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean

years of schooling ay tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and Cultural

Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga sarbey at sensus ukol sa

antas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang

expected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa

lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling

ng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross

national income per capita.

Kahalagahan ng HDI

Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang

kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad

ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na

348

ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1

(pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at

busisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong antas

ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawat

taon, ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng Human

Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa

nito.

Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong

1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing

“Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mga

pahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagong

pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report ay

nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa

buong mundo.

Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong

1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang

pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang

mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalas

na pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita

ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito ang

mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas

matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan,

kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

DEPED COPY

Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon

sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations

Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan

upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan

(Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang

Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi

ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang

Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit

na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng

pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang

o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao

ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang

kalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto

lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang

pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pagunlad

ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay

ng mga tao.

Pinagkunan:

Fajardo F. (1994) Economic Development, 3rd Edition. Manila: Navotas Press; Todaro, M. P., Smith S. C.(2012) Economic Development,

11th Edition. USA: Pearson; Meek, S., Morton, J., Schug, M.C.(2008) Economics Concepts and Choices.Canada:McDougal Mifflin

Company; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrieved from http://hdr.undp.org/en/content/

human-development-index-hdi on July 28, 2014; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrieved

from http://hdr.undp.org/en/humandev on July 31, 2014

349

Gawain 9: GRAPHIC ORGANIZER

Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ng

tekstong iyong nabasa. Upang higit na maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong

tanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa.

Panukat ng

Pag-unlad

Aspekto ng HDI

Indicator

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index?

DEPED

2. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga

COPY

aspekto at pananda ng HDI upang

ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa? Patunayan.

3. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t ibang

bansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI?

Gawain 10: JUMBLED LETTERS

Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang

inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabuong salita sa kahon sa ibaba.

1. Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human

development sa mga kasaping bansa nito

PNDU

2. Ang nagpasimula ng Human Development Report.

BAHBUM LU AQH

3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa

OTA

4. Nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat

na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa

NHMUA OPETENDVMLE EDIXN

5. Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang kasapi

ng UN

DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER DIXNE

350

Gawain 11: KAHON-ANALYSIS

Basahin at suriin ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot sa

loob ng kahon sa susunod na pahina.

Ang mga tao ang

tunay na kayamanan

ng isang bansa

Ang layunin ng pag-unlad ay

makalikha ng kapaligirang

nagbibigay ng pagkakataon

sa mga tao na magtamasa

ng matagal, malusog, at

maayos na pamumuhay

Ang pag-unlad ay tunay

na nasusukat lamang sa

pamamagitan ng epekto nito

sa pamumuhay ng mga tao.

Gawain 12: PAGSUSURI NG TSART

Ang sumusunod na tsart ay galing sa United Nations Development Programme

(Human Development Report 2014). Dito makikita ang kasalukuyang estado ng mga

bansa batay na rin sa iba’t ibang panukat ng pag-unlad na ginagamit ng United Nations.

Suriing mabuti ang nilalaman ng tsart at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na

katanungan.

DEPED COPY

Very high human

development

1 Norway

2 Australia

3 Switzerland

4 Netherlands

5 United States

6 Germany

7 New Zealand

8 Canada

9 Singapore

10 Denmark

11 Ireland

12 Sweden

13 Iceland

14 United

Kingdom

15 Hong Kong,

China (SAR)

16 Korea

(Republic of)

High human

development

50 Uruguay

51 Bahamas

52 Montenegro

53 Belarus

54 Romania

55 Libya

56 Oman

57 Russian

Federation

58 Bulgaria

59 Barbados

60 Palau

61 Antigua and

Barbuda

62 Malaysia

63 Mauritius

64 Trinidad and

Tobago

65 Lebanon

66 Panama

67 Venezuela

(Bolivarian

Republic of)

351

Medium human

development

103 Maldives

104 Mongolia

103 Turkmenistan

105 Samoa

107 Palestine,

State of

108 Indonesia

109 Botswana

110 Egypt

111 Paraguay

112 Gabon

113 Bolivia

(Plurinational

State of)

114 Moldova

(Republic of)

115 El Salvador

116 Uzbekistan

117 Philippines

118 South Africa

Low human

development

145 Nepal

146 Pakistan

147 Kenya

148 Swaziland

149 Angola

150 Myanmar

151 Rwanda

152 Cameroon

153 Nigeria

154 Yemen

155 Madagascar

156 Zimbabwe

157 Papua New

Guinea

158 Solomon Islands

159 Comoros

160 Tanzania (United

Republic of)

161 Mauritania

162 Lesotho

Very high human

development

17 Japan

18 Liechtenstein

19 Israel

20 France

21 Austria

22 Belgium

23 Luxembourg

24 Finland

25 Slovenia

26 Italy

27 Spain

28 Czech

Republic

29 Greece

30 Brunei

Darussalam

31 Qatar

32 Cyprus

33 Estonia

34 Saudi Arabia

35 Lithuania

36 Poland

High human

development

Medium human

development

Low human

development

DEPED COPY

37 Andorra

38 Slovakia

39 Malta

40 United Arab

Emirates

41 Chile

42 Portugal

43 Hungary

44 Bahrain

45 Cuba

46 Kuwait

47 Croatia

48 Latvia

49 Argentina

68 Costa Rica

69 Turkey

70 Kazakhstan

71 Mexico

72 Seychelles

73 Saint Kitts and

Nevis

74 Sri Lanka

75 Iran (Islamic

Republic of)

76 Azerbaijan

77 Jordan

78 Serbia

79 Brazil

80 Georgia

81 Grenada

82 Peru

83 Ukraine

84 Belize

85 The former

Yugoslav

Republic of

Macedonia

86 Bosnia and

Herzegovina

87 Armenia

88 Fiji

89 Thailand

90 Tunisia

91 China

92 Saint Vincent

and the

Grenadines

93 Algeria

94 Dominica

95 Albania

96 Jamaica

97 Saint Lucia

98 Colombia

98 Ecuador

100 Suriname

101 Tonga

102 Dominican

Republic

119 Syrian Arab

Republic

120 Iraq

121 Guyana

122 Vietnam

123 Cape Verde

124 Micronesia

(Federated

States of)

125 Guatemala

125 Kyrgyzstan

127 Namibia

128 Timor-Leste

129 Honduras

130 Morocco

131 Vanuatu

132 Nicaragua

133 Kiribati

134 Tajikistan

135 India

136 Bhutan

137 Cambodia

138 Ghana

139 Lao People’s

Democratic

Republic

140 Congo

141 Zambia

142 Bangladesh

143 Sao Tome

and Principe

144 Equatorial

Guinea

163 Senegal

164 Uganda

165 Benin

166 Sudan

167 Togo

168 Haiti

169 Afghanistan

170 Djibouti

171 Côte d’Ivoire

172 Gambia

173 Ethiopia

174 Malawi

175 Liberia

176 Mali

177 Guinea-Bissau

178 Mozambique

179 Guinea

180 Burundi

181 Burkina Faso

182 Eritrea

183 Sierra Leone

184 Chad

185 Central African

Republic

186 Congo

(Democratic

Republic of the)

187 Niger

352

Pamprosesong Tanong:

1. Aling sampung mga bansa ang itinuturing na maunlad sa taong 2014?

2. Saang kontinente matatagpuan ang karamihan sa mga bansang maunlad?

3. Pang-ilan ang Pilipinas batay sa talaang inilabas ng United Nations

Development Programme (Human Development Report 2014)? Paano

inilarawan ng nasabing ulat ang antas ng pag-unlad ng bansa?

4. Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan

upang matamo ang pambansang kaunlaran?

5. Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang

kaunlaran?

Gawain 13: SURIIN NATIN!

Bumuo ng isang triad. Muling balikan ang mga palatandaan ng pag-unlad.

Kumuha ng mga datos mula sa inyong lokal na pamahalaan o sa mismong ahensiya

upang lubos na makita ang tunay na kalagayan sa mga aspekto ng kalusugan,

edukasyon, at pamantayan ng pamumuhay ng inyong komunidad at ganap na matukoy

ang antas ng kaunlaran nito.

DEPED

Palatandaan

COPY

Paliwanag

Upang matamo ang kaunlaran, bawat isa sa atin ay mayroong kakayahan

na makatulong sa pagkakamit nito. Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Iminumungkahing isulat sa iyong kuwaderno ang mga importanteng salita o konseptong

iyong mababasa.

Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga

mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang

pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling

pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat

isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng

matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng

lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya

na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN

1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang

pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan

ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng

libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa.

353

2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa

anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan

at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura

ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap

ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling

nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at

sa trabaho.

MAABILIDAD

1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba

ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na

maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang

pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo

na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita

ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa

bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi

ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad.

2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino.

Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng

Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

DEPED COPY

MAKABANSA

1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa

pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan

upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino

ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.

2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay

nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating

tangkilikin ang mga produktong Pilipino.

MAALAM

1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran

ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga

isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato

ang may malalim na kabatiran sa mga ito.

2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa

komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan

lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo

at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon

tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad

ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

354

Gawain 14: AKO BILANG MAG- AARAL

Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhan

mula sa binasang teksto.

1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa

rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang

mag- aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito?

2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang

magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan,

Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-aaral, paano ka

makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan?

3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong

pagiging makabansa?

4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi

natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang

bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isang mag- aaral,

DEPED

paano mo ginagamit ang iyong pagiging

COPY

maalam sa pagpili ng mga pinuno

at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?

Gawain 15: KAPIT- BISIG!

Bumuo ng apat na pangkat.

• Unang Pangkat- Mapanagutan

• Ikalawang Pangkat- Maabilidad

• Ikatlong Pangkat- Makabansa

• Ikaapat na Pangkat- Maalam

Balikan muli ang tekstong binasa. Magsagawa ng brainstorming upang masuri

nang mabuti ang paksa. Ipakita sa klase ang resulta ng pagsusuri ng ilan sa mga

estratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng:

• Role Playing - para sa unang pangkat

• Jingle - para sa ikalawang pangkat

• Interpretative Dance - para sa ikatlong pangkat

• Pantomime - para sa ikaapat na pangkat

Gamiting batayan sa pagsasagawa ng mga gawain ang mga tanong sa Gawain

14. Gawin ring batayan ang rubrik sa susunod na pahina.

355

RUBRIK PARA SA PAGTATANGHAL

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

Puntos

Nilalaman

Pagkamalikhain

Mensahe

Pamagat

Naipakita sa pamamagitan ng ginawang

pagtatanghal ang pagsusulong sa samasamang

pagkilos para sa pambansang

kaunlaran.

Ang mga konsepto at simbolismong

ginamit ay naging makabuluhan upang

lubos na maipakita ang sama-samang

pagkilos sa aktibong pakikisangkot tungo

sa pambansang kaunlaran.

Ang mensahe ng ginawang pagtatanghal

ay direktang nakatugon sa mga

estratehiyang inilahad sa aralin.

Pakikisangkot

DEPED COPY

sa grupo

Gawain 16: ANG PANATA KO

Naipaloob nang wasto ang konsepto

ng sama-samang pagkilos tungo sa

pambansang kaunlaran sa pamagat ng

ginawang pagtatanghal.

Ginawa ng bawat kasapi ng grupo

ang mga iniatang na gawain para sa

ikagaganda ng pagtatanghal.

30

20

20

15

15

KABUUANG PUNTOS 100

Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maraming

bansa sa daigdig.Ilan lamang sa maraming gampanin ang inilahad sa teksto. Sa mga

gampaning inisa-isa sa iyong tekstong binasa, pumili ka ng isang gampanin. Gumawa

ka ng isang panata at isulat mo ito sa loob ng status box sa ibaba.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin?

2. Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan ?

Pangatwiranan.

3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan,

maabilidad, makabansa, at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa

hinaharap?

356

Gawain 17 : EBOLUSYON NG MGA IDEYA

Sa pamamagitan ng mga talakayan sa klase at mapanghamong mga gawain,

inaasahang makokompleto mo na ang huling kahon sa gawain. Isulat ang iyong

mahahalagang pang-unawang natutuhan mo sa ating aralin sa loob ng titik L.

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa iba’t ibang palatandaan

ng kaunlaran at mga gampanin mo bilang isang mamamayang Pilipino, maaari ka

nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa

mas malalim na pag-unawa ng mga ito.

DEPED COPY

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang

mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa konsepto at palatandaan

ng pambansang kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay

sa mga konsepto at palatandaang ito upang maihanda ang iyong sarili sa

pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 18: MAGSURI!

Basahin at unawain ang editoryal. Gamit ang mga pamprosesong tanong,

bigyang puna ang nilalaman ng artikulo. Tara na’t magbasa!

EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless

(Pilipino Star Ngayon) | Updated February 13, 2014

Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga

Pilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang

ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig

ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.

Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan

357

na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi

makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa

laging sinasabi

ng pamahalaan,

gumanda ang

ekonomiya ng

bansa. Noong

2012, umangat

daw ng 6.6%

ang ekonomiya.

Tuwang-tuwa

ang pamahalaan

sapagkat

ngayon lamang

umigpaw nang

malaki ang

ekonomiya ng

bansa. Sabi,

ang pag-angat

ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala.

DEPED

Maaaring tama na kaya gumaganda ang

COPY

ekonomiya ay dahil sa maayos

na pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabaho

sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si

President Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate.

Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy

ang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad

na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho.

Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol.

Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema.

Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapat

nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha

ng mga trabaho. Sa sector na ito maraming makikinabang. Nararapat din namang

rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang anim

na buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang

trabaho. Lalo lang pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho.

Pinagkunan: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumamiang-jobless

Retrieved on January 5, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng editoryal?

2. Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming

Pilipino pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabing pag-angat ng

ekonomiya ng bansa?

3. Batay sa iyong nabasang artikulo, masasabi bang may pag-unlad sa

bansa? Ipaliwanag ang sagot.

358

Gawain 19: AWITIN MO AT GAGAWIN KO!

Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo ng bansa

ang hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na minsan ay makaahon

ang karamihan sa atin sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit

bago ito mangyari, kinakailangang magising tayo sa katotohanang may obligasyon

o responsibilidad tayong dapat gawin. Upang matamo ang pambansang kaunlaran,

napakahalaga na magtulungan tayo at magbahagi ng ating panahon at kakayahan

tungo sa pag-abot nito.

Sa gawaing ito, susuriin mo ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon.

Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaran upang matawag tayong “Mabuting

Pilipino”. Ang mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay maaaring

makatulong sa unti-unti nating pag-abot sa pinapangarap nating kaunlaran. Bawat isa

sa atin, kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay may magagawa upang maabot

ang mithiing ito.

Gawing gabay ang mga pamprosesong tanong sa gilid ng mga kahon sa pagunawa

at pagninilay sa ating aralin.

Ako’y Isang Mabuting Pilipino

Noel Cabangon

Ako’y isang mabuting Pilipino

DEPED

Minamahal ko ang bayan ko

COPY

Tinutupad ko ang aking mga

tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga

alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran

Sumasakay ako sa tamang sakayan

Pumipila at ‘di nakikipag-unahan

At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan

Maaaring panoorin ang video sa

Youtube upang masundan ang himig ng

awit.

http://www.yo.utube.com/watch?v=hkfO

uCzJl78

Sumasakay at

bumababa ka ba

sa tamang sakayan

at babaan?

Ano- anong mga

tuntunin at

alituntunin sa

paaralan ang

sinusunod mo?

Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang

sakayan (Nagbababa ako sa tamang

babaan)

‘di nakahambalang parang walang

pakialam

Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa

kalsada

Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula

[chorus]

‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

359

Paano ka

makatutulong sa

pangangalaga ng

ating kapaligiran?

‘Di ako nangongotong o nagbibigay

ng lagay

Tiket lamang ang tinatanggap kong

ibinibigay

Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto

At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno

‘Di ako nagkakalat ng basura sa

lansangan

‘Di bumubuga ng usok ang aking

sasakyan

Inaayos ko ang mga kalat sa

basurahan

Inaalagaan ko ang ating kapaligiran

Gaano kahalaga

[repeat chorus]

ang pag- aaral

Lagi akong nakikinig sa aking mga

sa iyo?

magulang

Pangatwiranan.

Kaya’t pag-aaral ay aking

pinagbubutihan

‘di ako gumagamit ng bawal na gamot

DEPED

O kaya’y

COPY

tumatambay at sa eskwela’y

‘di pumapasok

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan

‘pagkat ito lamang ang tangi kong

kayamanan

‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan

Ang boto ko’y aking pinahahalagahan

[repeat chorus]

Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng

bayan

Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan

Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan

‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan

Bakit mahalaga ang

pagkakaloob ng

tapat na serbisyo

sa mga tao?

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang

Pilipino

Mga karapatan nila’y kinikilala ko

Iginagalang ko ang aking kapwa-tao

Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.

[repeat chorus twice]

360

Nasagot mo ba ang katanungan? Kumusta ang iyong kasagutan? Bilang

panghuling gawain, muli mong balikan ang mga sagot mo sa mga pamprosesong

tanong sa awit. Pagkatapos, punan ang inilaang patlang sa ibaba ng mga kaalamang

iyong natutuhan mula sa ating aralin.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiuugnay ito sa

pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag.

2. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang implikasyon

nito sa pambansang kaunlaran?

3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang isang mabuting

Pilipino? Pagtibayin.

Gawain 20: IKAMPANYA MO NA!

Bilang isang Pilipino, papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa

bilang mabuting mamamayan nito? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isang

campaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa susunod na pahina sa pagsasagawa

ng

DEPED

gawain.

COPY

361

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAIGN ISLOGAN

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nakuhang

Puntos

Nilalaman

Pagkamalikhain

Ang ginawang campaign slogan ay

mabisang nakapanghihikayat sa mga

makababasa nito.

Ang paggamit ng mga angkop at

malalalim na salita (matalinghaga)

ay akma sa mga disenyo at biswal

na presentasyon upang maging mas

maganda ang islogan.

20

15

Kaangkupan sa

tema

Angkop sa tema ang ginawang

islogan.

10

Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng islogan. 5

KABUUANG PUNTOS 50

DEPED COPY

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain!

Transisyon sa Susunod na Aralin

Inilahad sa aralin na ito ang konsepto at palatandaan ng pambansang

kaunlaran. Natalakay rin ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino at

sama-samang pagkilos ng mga ito tungo sa inaasam na pambansang kaunlaran.

Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, nararapat lamang na makiisa at aktibong

makisangkot sa mga gawain at tungkulin ng bawat mamamayan upang makapagambag

tayo sa pag-unlad ng bansa.

Sa mga susunod na aralin, ating tutuklasin at aalamin ang iba’t ibang sektor ng

ating ekonomiya at ang mga patakarang pang-ekonomiyang maaaring makatulong

sa bawat sektor.

Ngayon ay may sapat kang kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng

kaunlaran. Gamit ang mga konsepto at pag-unawang iyong natutuhan mula sa mga

gawain sa araling ito, magiging madali na lamang para sa iyo ang mga susunod

pang aralin! Napagtagumpayan mo ang unang aralin kaya mas paghusayan mo pa

sa mga susunod na gawain!

362

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang kahulugan at palatandaan ng

kaunlaran. Ipinaunawa sa atin ang kahulugan at mahahalagang impormasyong dapat

makita upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Ipinakilala rin ang iba’t ibang

elemento sa buhay at kapaligiran bilang indikasyon ng kalidad sa pamumuhay ng

mga tao. Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor ng

ekonomiya na batayan sa pagsukat ng mga produkto at serbisyo na nagagawa ng

bansa, gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran.

Sisimulan natin ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura. Ating susuriin kung

ano ang kahalagahan ng sektor na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Iisa-isahin din natin ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga patakarang pangekonomiyang

itinataguyod ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor. Sama-sama

nating unawain ang papel ng agrikultura at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng

matiwasay na pamumuhay ng bawat mamamayan.

Bago ka tuluyang tumungo sa mga talakayan ay aalamin muna ang iyong mga

paunang kaalaman hinggil dito. Kaya ano, handa ka na ba? Tara at umpisahan na!

DEPED

ARALIN 2

COPY

ALAMIN

SEKTOR NG AGRIKULTURA

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol

sa sektor ng agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor na

ito sa ekonomiya ng bansa.

Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO!

Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binabasa,

naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?

Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko

Di naman makatayo

Di naman makaupo

Kay-pagkasawing-palad

Ng inianak sa hirap,

Ang bisig kung di iunat,

Di kumita ng pilak

Halina, halina, mga kaliyag,

Tayo’y magsipag-unat-unat.

Magpanibago tayo ng lakas

Para sa araw ng bukas

Bisig ko’y namamanhid

Baywang ko’y

nangangawit.

Binti ko’y namimintig

Sa pagkababad sa tubig.

Sa umagang pagkagising

Lahat ay iisipin

Kung saan may patanim

May masarap na

pagkain.

(Braso ko’y namamanhid

Baywang ko’y nangangawit.

Binti ko’y namimintig

Sa pagkababad sa tubig.)

Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015

363

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim

ay Di Biro”?

2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim

ay Di Biro”?

3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.

Gawain 2: KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO!

Balikan natin ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”. Kumuha ng isang bagay sa

loob ng silid-aralan o paaralan na sa iyong palagay ay maglalarawan o nagmula sa

sektor ng agrikultura. Humanap ng ka-triad at talakayin ang bagay na napili at ang

kaugnayan nito sa sektor.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay?

2. Paano mo ito iniugnay sa sektor ng agrikultura?

3. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong bansa

upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa? Patunayan.

DEPED COPY

Gawain 3: IDEYA-KONEK!

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang inisyal

na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng agrikultura.

Ihalintulad ang sarili sa isang puno na nasa larawan. Sukatin natin ang iyong kaalaman

tulad sa lalim ng ugat ng puno. Kung gaano kalalim ang ugat ng isang puno,

ganoon din kalalim ang kaalaman mo sa sektor ng agrikultura. Sagutin ang tanong

sa ibaba.

Ano ang alam ko sa

sektor ng agrikultura?

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa

sektor ng agrikultura, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang

higit mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng sektor na ito.

364

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol

sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa

tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo

ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutunan

mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor

ng agrikultura. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain

at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang bahaging

ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa. Halina’t

umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.

ANG SEKTOR AGRIKULTURA

Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak

at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil

malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan,

malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya tulad ng

ipinakikita

DEPED

sa Talahanayan 1. Makikita na sa taong

COPY

2010, nasa mahigit 12 milyong

Pilipinong manggagawa ang kabilang dito, pangalawa sa sektor ng paglilingkod na

nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.

Talahanayan 1. Kabuuang Trabaho ayon sa Sektor at Kabuuang Lakas

Paggawa (Total Employment by Industry and Total Labor Force)

2000-2010 (numbers in thousands)

2000 2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Total Labor

Force

Total

Employed

30,908 33,354 33,674 35,120 35,629 35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289

27,775 30,085 30,251 31,553 31,741 32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489

Agriculture 10,401 11,253 11,311 11,741 11,785 12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260

Industry 4,444 4,682 4,669 4,948 4,880 4,883 4,895 4,849 5,076 5,144 5,364

Services 12,929 14,151 14,271 14,865 15,076 15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865

Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office. www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_

jrga_agri.asp. Retrieved on October 12, 2014

Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.

Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang

lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa

pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan

(livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).

365

• Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng

palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang

mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot

ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong

2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing

pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamanggubat,

at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng

kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

• Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng

kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay

nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang

pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng

ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon

na nasa ganitong hanapbuhay.

• Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking

tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga

huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri

sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda

ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may

kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o

DEPED COPY

pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan

ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob

ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad

na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit

ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa

pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri

ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat)

(BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa

kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong

2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon

at komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng gawaing pangingisda

ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na

ginagamit sa paggawa ng gulaman.

• Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong

gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan

bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.

Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga

nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan,

pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

366

Makikita sa Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura para

sa taong 2012. Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t ibang tanim

kung saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%. Samantala,

nasa 6% naman ang pinagsama-samang dami ng tubo, mangga, at pinya. Ang

paghahayupan naman ay nakapagtala ng 13% kung saan ang pagmamanukan ay

may 11% na bahagi. Sa aspeto naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita para

sa nasabing taon.

Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247 bilyon

(current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay sa

Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula sa

tubig at pagsasaka.

Talahanayan 2. Kabuuang kita ng Agrikultura sa Taong 2012

GNI (at current prices):

(at constant 2000 prices):

GDP (at current prices):

(at constant 2000 prices):

Share of agriculture in GDP 11%

Php12,609 billion

Php 7,497 billion

Php10,565 billion

Php 6,312 billion

GVA in agriculture and fishing

DEPED COPY

(at current prices):

Php 1,247 billion

(at constant 2000 prices): Php 695 billion

Distribution by sub-sector: Crops: 50%:

palay 20% , corn 6%, coconut 4%, banana 5%

sugarcane 2%, mango 2%, pineapple 2%, others 9%

Livestock: 13%

Poultry: 11%

Fishery: 19%

Agricultural activities and services : 7%

Pinagkunan: Bureau of Agriculture. 2012. Retrieved from countrystat.bas.gov.ph. on September 14, 2014

Kahalagahan ng Agrikultura

Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga

sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat

ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na

tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at

maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod

na kahalagahan:

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang

lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng

palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas

tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura

dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga

pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na

367

mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang agrikultura ay

isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng

mga pagkain ng mamamayan.

2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.

Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan,

kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa,

ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong;

bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa

mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng

dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta

sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na

pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang

mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.

4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National

Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong

may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang

nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o tagapagalaga

sa paghahayupan.

DEPED COPY

5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural

patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pagunlad

ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng

lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang

manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod

batay sa laki ng demand sa mga ito.

Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang

mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan

sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan

mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang

sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may

positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa pangangailangan ng

bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na ikakalakal sa labas ng

bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan upang

makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.,

Habito C. And Briones, R Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, (2005. Retrieved from https://www.

google.com.ph/ search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Years%3A+Performan ce%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+C.+=c

hrome..69i57. 2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93 &ie=UTF-8 on August 11, 2014,

Albert, J. R. (2013). How Important is Agriculture in the Economy, retrieved from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers /2013/0412

2013_jrga_agri.asp

Pulse. 2013. Retrieved from http://pulse101.hubpages.com/hub/The-Importance-of-Agriculture-to-the-Philippine-Economy on August

12,2014.

Oxford Business Group. 2013. Retrieved from www.oxfordbusinessgroup.com/economic_updates/philippines-targets-sustainablegrowth-agriculture

on August 13, 2014,

National Statistics Coordination Board. (n.d.). Retrieved from www.nscb.gov.ph/secstat/d_agri.asp on August 12 2014

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,

Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

368

Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP

Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng Concept

Definition Map gamit ang modelo sa ibaba.

Ano ang mga

kahalagahan nito?

Ano ito?

Ano ang mga

bumubuo dito?

DEPED COPY

Sektor ng

Agrikultura

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?

2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang

sektor ng agrikultura? Ipaliwanag.

369

GAWAIN 5: Larawan! Kilalanin!

Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat gawaing

nakapaloob sa sektor ng agrikultura.

A

G

R

GAWAIN

I

K

U

L

GAWAIN

T

U

DEPED COPY

R

A

GAWAIN

GAWAIN

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?

2. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa

komunidad?

3. Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng

agrikultura sa mga pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit?

4. Iugnay ang papel ng sektor ng agrikultura sa pagkakamit ng kaunlaran ng

bansa.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya.

Para sa taong 2012, ang 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor

na ito (NSCB). Sa pangkalahatan, kung ating titingnan ang talahanayan 3, makikita

ang naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng bansa sa iba’t ibang panahon.

Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikokompara

sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa kadahilanan ay ang sumusunod:

370

Period

Talahanayan 3. Gross Domestic Product by Industrial Origin

1st Qtr 2000 - 4th Qtr 2010 (in million Php)

Agriculture,

Fishery and

Forestry

At Current Prices

Industry

Service

DEPED COPY

A. PAGSASAKA

371

Agriculture,

Fishery and

Forestry

At Constant 1985 Prices

Industry

Service

2000 528,868 1,082,431 1,743,428 192,457 345,041 435,462

2001 548,739 1,191,707 1,933,241 199,568 348,165 453,982

2002 592,141 1,308,219 2,122,334 206,198 361,167 478,718

2003 631,970 1,378,870 2,305,562 215,273 363,486 506,313

2004 734,171 1,544,351 2,593,032 226,417 382,419 545,458

2005 778,370 1,735,148 2,930,521 230,954 396,882 583,616

2006 853,718 1,909,434 3,268,012 239,777 414,815 621,564

2007 943,842 2,098,720 3,606,057 251,495 442,994 672,137

2008 1,102,465 2,347,803 3,959,102 259,410 464,502 693,176

2009 1,138,334 2,318,882 4,221,702 259,424 460,205 712,486

2010 1,182,374 2,663,497 4,667,166 258,081 515,751 763,320

Details may not add up to totals due to rounding. Data are as of 31 January 2011.

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013.Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

1. Pagliit ng lupang pansakahan.

Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan,

komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain

para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging

produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay

sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon

ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng

mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging

dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga

hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot

ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at

pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

2. Paggamit ng teknolohiya.

Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na

makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong

kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong

teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon

ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan

ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa

isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa

mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas

ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang

atensiyon ng pamahalaan.

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.

Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan

sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa

mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat

nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas

Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay

naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang

masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad

ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at

iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino

III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang

kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147

na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong

2011.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor.

Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang

higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435,

ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyangdiin

bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.

Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming

pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang magisa.

Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon,

at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang ang

DEPED COPY

pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa,

ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang

makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing

pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba

pa.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.

Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito

at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay

ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito

ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan

at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas

binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang

industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan

sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya

dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita

sa agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.

Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng

bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka

ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto

mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World

372

Trade Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga

produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka

ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang

kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

7. Climate Change.

Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto

sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang

lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang

kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto

ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga

bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima

ng mundo.

B. PANGISDAAN

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.

Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal

na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira

sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan

ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat.

Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o

malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng

mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi

na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi

DEPED COPY

nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami

ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang

mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na

isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan.

Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na

pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na

nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi

ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa

pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa

mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig

ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa

pagdating ng panahon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa.

Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino

ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa

lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy

na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay

ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng

pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha

ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring

373

magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil

habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa

bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng

kumokonsumo.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda.

Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang

sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na

hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi katakataka

na sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka

(36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay

kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa kabuuang populasyon

ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa uri na ito ng

hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang

pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang

kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran.

C. PAGGUGUBAT

1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.

Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na

nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa

DEPED COPY

produksiyon tulad ng mga troso at mineral.

a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na

ginagamit ng mga industriya.

b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga

hayop kaya hindi sila makapagparami.

c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang

pananim taon-taon.

d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig

na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.

e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa.

Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa

sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang

mga pananim na itinatanim dito.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,

Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Briones, Roehlano M. 2013. Philippine Agriculture to 2020: Threats and Opportunities from Global Trade. Retrieved from www.pids.gov.

ph/dp.php?id=5145&pubyear=2013 on August 14, 2014

Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, Habito C. And Briones, R (2005. Retrieved from https://www.

google.com.ph/search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Years% 3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+ C.+An

d+Briones%2C+R&oq=Philippine+Agriculture+ over+the+Years%3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls %2C+Habito+C.+And+

Briones%2C+R&aqs=chrome..69i57.2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93&ie=UTF-8 on August 11, 2014

Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or Perpetuating Poverty?. London: Profile Books Ltd.

National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_

agri.asp on July 7, 2014

374

Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso

Mula kina Balitao et al. (2012), kabilang sa kanilang iminumungkahi upang

matiyak ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang ugnayan sa pagitan

ng lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang mga miyembro ng kapulisan

upang matiyak ang tamang paraan ng pangingisda. Ang samahang ito ay maaaring

bumuo ng isang pangkat na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang

karagatan at iba pang anyong tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga yamangtubig,

kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda.

Kabilang sa mga dapat na mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat na masyadong

pino, pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing, at paggamit ng mga pampasabog

na nagdudulot ng malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging mahigpit ang

pamahalaan sa pabibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa malalaking kompanya na

pangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay susunod sa itinatakdang pamaraan

ng pangisdaan at hindi manghuhuli ng mga isdang nanganganib nang maubos. Ito ay

mangangahulugan ng tunay at tapat na implementasyon ng mga panuntunan upang

masiguro ang kaligtasan ng ating katubigan.

Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipaalam sa bawat Pilipino ang

kahalagahan sa pag-iingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaaring

gawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pag-iingat at likaskayang

paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan. Maaari ding gamitin ang

mga social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upang

mapangalagaan ang mga likas na yaman.

DEPED COPY

Muling binigyang-diin nina Balitao et al. (2012) na ang pagkakaisa ng mga

mamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng ating

mga yaman mula sa kabundukan. Kanila ring kinikilala ang kakayahan ng mga katutubo

sa pag-aalaga sa kalikasan na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon. Isa sa

mga rekomendasyon na kanilang iminungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan na

makabuo at tunay na maipatupad ang isang polisiya na magpoprotekta sa ating mga

kagubatan.

Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi sa

paggamit ng tama at matalino para sa mga susunod na salinlahi ng mga Pilipino.

Ayon kay Michael Alessi (2002), ang pagbibigay-karapatan sa mga mamamayan na

pangalagaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmumulan ng

kanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kung

dito sila kumukuha ng kanilang kita, malaki ang kanilang interes na mapangalagaan

ang mga ito.

Gawain 6: CONCEPT WEB

Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita sa susunod na

pahina na may kaugnayan sa suliranin ng sektor.

375

SULIRANIN NG

AGRIKULTURA

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat,

DEPED

paghahayupan, at pangingisda?

COPY

2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga

magsasaka, at mga nasa pribadong sektor?

3. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng mga

hakbang na makatutulong sa sektor ng agrikultura?

4. Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon

sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

Pinagkunan: Pulse. 2013. Retrieved from http://pulse101.hubpages.com/hub/The-Importance-of-Agriculture-to-the-Philippine-

Economy on August 12,201.

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,

Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or Perpetuating Poverty?. London: Profile Books Ltd.

Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura

Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang

sektor ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura

at ng mga mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga

ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan,

gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa.

Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programa

upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura.

376

MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1. Land

Registration

Act ng 1902

2. Public Land

Act ng 1902

3. Batas

Republika

Bilang 1160

MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA

Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop

ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay

ipinatalang lahat.

Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing

pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang

bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16

na ektarya ng lupain.

Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National

Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na

pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain

para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama

rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.

4. Batas

Republika Blg.

1190 ng 1954

Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pangaabuso,

pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng

lupa sa mga manggagawa.

DEPED COPY

5. Agricultural

Land Reform

Code

Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa

na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal

noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga

nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari

nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama.

Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng

mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling

ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad

ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.

6. Atas ng

Pangulo Blg. 2

ng 1972

7. Atas ng

Pangulo Blg.

27

Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa

lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong

Marcos.

Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad

ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga

magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng

pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng

lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang

malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at

iba pang pananim.

Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong

magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig

at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang

bubungkalin.

377

8. Batas

Republika Blg.

6657 ng 1988

Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform

Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon

Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas

na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural.

Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform

Program (CARP).

Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang

agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang

magsasaka. May hangganan ang matitirang lupa sa mga

may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang

ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng

tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito.

Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.

Hindi sakop ng CARP ang ginagamit bilang:

• liwasan at parke

• mga gubat at reforestration area

• mga palaisdaan

• tanggulang pambansa

• paaralan

• simbahan

• sementeryo

• templo

• watershed, at iba pa

DEPED COPY

Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan sa mga

may-ari ay isinasagawa sa iba’t ibang paraan. Maaaring

magbayad ng salapi ng ilang porsiyento at ang ilang bahagi

ay sa panagot o bonds ng pamahalaan. Ang lupaing higit

sa 50 ektarya ay binabayaran ng 25% na salapi at 75% ay

panagot o bonds ng pamahalaan. Ang 24-50 ektarya ng

lupa ay 30% ng salapi. Ang natitirang bahagi ay bonds ng

pamahalaan. Isa pang paraan ay pagbibigay ng kredito sa

buwis na binabayaran ng may-ari ng lupa.

Pinagkunan: Imperial, C. (2004). Pana-panahon, Worktext para saAralingPanlipunanIkaapatnaTaonEkonomiks.Sampaloc, Manila:

Rex Book Store

Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura

PAGSASAKA/PAGTATANIM

Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang

maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan

ng mga magsasaka:

Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong

mayroon suportang maibibigay sa kanila;

Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;

378

Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya

itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship

Program; at

KALAHI agrarian reform zones.

Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak

ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng

reporma sa lupa.

Pagtatayo ng mga

daungan. Upang higit na

mapadali ang pagdadala sa

mga huling isda sa pamilihan

o tahanan, nagsisilbing

sentro o bagsakan ng mga ito

ang mga daungan. Dahil dito,

nagiging mas madali para sa

mga mamamayang maabot

ang mga produkto mula sa

mga ito.

PANGINGISDA

Philippine Fisheries

Code of 1998. Ito

ang itinadhana

ng pamahalaan

na naglilimita at

naglalayon ng

wastong paggamit sa

yamang pangisdaan

ng Pilipinas.

Fishery research.

Ang pananaliksik at

pagtingin sa potensiyal

ng teknolohiya tulad

ng aquaculture marine

resources development,

at post-harvest technology

ay patuloy na ginagawa

upang masiguro

ang pagpaparami at

pagpapayaman sa mga

yamang-tubig.

DEPED

PAGTOTROSO

COPY

Community Livelihood

Assistance Program

(CLASP) – paglilipat

teknolohiya o pagtuturo

sa mga mamamayan ng

wastong paglinang sa mga

likas na yaman ng bansa.

Halimbawa, ang mangrove

farming sa Bohol, plantasyon

ng kawayan sa La Union, at

plantasyon ng mga halamang

medisinal sa Penablanca,

Cagayan.

National Integrated

Protected Areas

System (NIPAS) –

ito ay programa na

ang pangunahing

layunin ay maingatan

at protektahan

ang kagubatan. Ito

ay paraan upang

mailigtas ang mga

hayop at pananim dito.

Sustainable Forest

Management Strategy

– ito ay pamaraan

upang matakdaan ang

permanente at sukat

ng kagubatan. Ito ay

estratehiya ng pamahalaan

upang maiwasan ang

suliranin ng squatting,

huwad at ilegal na

pagpapatitulo ng lupa at

pagpapalit ng gamit sa

lupa.

Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.

Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti - unting pagbaba sa kita ng

sektor bunsod ng mga suliraning kinakaharap nito. Nagkaroon lamang ng pag-angat

kamakailan dahil na rin sa pagsusumikap na makamit ang progreso (tingnan ang

talahanayan sa susunod na pahina). Sa isang banda, ang papel ng pamahalaan ay

napakahalaga dahil malaki ang magagawa nito upang mapabuti ang kalagayan ng

bansa. Ang mga polisiya at mga programa na maaari nitong maging prayoridad ay

isa sa makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at prayoridad ng

pamahalaan ay makapagdudulot ng epekto sa takdang kakayahan nito.

379

Table 12: Share of Agriculture to Economy (% of GDP) 1985-2011

Countries

1985

1986

1987

1988

1989

1990

1991

1992

1993

1994

1995

1996

1997

1998

1999

2000

2001

2002

2003

2004

2005

2006

2007

2008

2009

2010

2011

Vietnam

40.2

38.1

40.6

46.3

42.1

38.7

40.5

33.9

29.9

27.4

27.2

27.8

25.8

25.8

25.4

24.5

23.2

23.0

22.5

21.8

21.0

20.4

20.4

22.2

20.9

20.6

22.0

Indonesia

23.2

24.2

23.3

22.5

21.7

19.4

18.3

18.7

17.9

17.3

17.1

16.7

16.1

18.1

19.6

15.6

15.3

15.5

15.2

14.3

13.1

13.0

13.7

14.5

15.3

15.3

14.7

Philippines

24.6

23.9

24.0

23.0

22.7

21.9

21.0

21.8

21.6

22.0

21.6

20.6

18.9

14.8

15.2

14.0

13.2

13.1

12.7

13.3

12.7

12.4

12.5

13.2

13.1

12.3

12.8

Thailand

15.8

15.7

15.7

16.2

15.1

12.5

12.6

12.3

8.7

9.1

9.5

9.5

9.4

10.8

9.4

9.0

9.1

9.4

10.4

10.3

10.3

10.8

10.7

11.6

11.5

12.4

12.4

Malaysia

19.9

19.8

20.0

20.1

18.1

15.2

14.4

14.6

13.8

13.7

12.9

11.7

11.1

13.3

10.8

8.6

8.0

9.0

9.3

9.3

8.3

8.6

10.0

10.0

9.2

10.4

11.9

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/

beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri.asp#tab12 on July 7, 2014

Sa kabilang banda, ang mga mamamayan mismo ay may kritikal na

pananagutan bilang mga kumokonsumo ng likas na yaman. Sila ang dapat na

manguna sa pag-iingat ng mga yamang ito sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit

upang masigurong mayroon pang magagamit ang susunod na mga salinlahi.

Pinagkunan:

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,

Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_

agri.asp on July 7, 2014

DEPED COPY

Gawain 7: I-VENN DIAGRAM NA YAN!

Matapos ang pagbasa sa teksto tungkol sa mga patakaran at programa

bilang paraan sa pagpapatatag ng sektor ng agrikultura, isa-isahin ang pagkakaiba at

pagkakapareho ng mga sekundaryang sektor ng agrikultura gamit ang istratehiyang

Venn Diagram. Gawin ito batay sa mga programang pangkaunlaran na isinasagawa

upang matamo ang kaayusan dito.

Pagsasaka

Pangisdaan

Pagtotroso

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba sa mga naging patakaran ng

pamahalaan sa iba’t ibang aspekto ng agrikultura?

2. Sa iyong palagay, mayroon bang mga naging pagkukulang upang ganap

na matamo ang layunin ng mga patakaran? Patunayan.

3. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang maaari mong maging papel

upang maging matagumpay ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura?

380

Gawain 8. RIPPLES OF KNOWLEDGE

Punan ang hanay ng mga patakaran o programang pang-ekonomiya ayon sa

mga naibigay na sitwasyon, inaasahang magiging epekto nito, at ang ahensiya ng

pamahalaang nangangasiwa rito.

Sitwasyon

Mga Patakaran/

programang

pangekonomiya

Ahensiya ng

pamahalaan

Inaasahang

magiging

epekto

Pagpapatayo

ng sistema ng

patubig, daan, at

post harvest

facilities

Hamon sa

globalisasyon

Pagbibigay ng

lupang sakahan

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng

sektor ng agrikultura?

2. Epektibo ba ang mga patakarang ito batay sa naging sagot mo sa mga

inaasahang magiging epekto nito? Bakit?

3. Paano magiging makabuluhan ang pagpapatupad ng mga patakarang

nabanggit sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura at bansa?

Gawain 9: IDEYA - KONEK!

Ipagpatuloy ang gawaing ito bilang pagtaya sa mga kaalamang naidagdag

mula sa mga impormasyon na tinalakay sa bahaging ito ng aralin. Sagutin ang tanong

sa ibaba.

Ano ang alam ko sa

sektor ng agrikultura?

381

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa sektor ng agrikultura,

maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong

sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng sektor na ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang magaaral

ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa sektor ng agrikultura. Kinakailangan

ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng agrikultura upang maihanda ang

iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 10: KASO-LUTASIN!

Pangkatang Gawain: Bumuo ng mga pangkat na may limang (5) miyembro.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng editoryal tungkol sa “Aangkat pa pala ng Bigas”.

Susuriin

DEPED

ito batay sa mga pamprosesong tanong

COPY

sa ibaba ng editoryal. Pagkatapos

ay iuulat ng pangkat sa klase ang kasagutan. Tingnan ang pamantayan sa pag-uulat.

EDITORYAL: Aangkat pa pala ng bigas

HINDI nagkakatugma ang

sinasabi ng Department of Agriculture

(DA) at National Food Authority (NFA)

ukol sa pag-angkat ng bigas. Hindi

malaman ng taumbayan kung sino ang

paniniwalaan.

Ayon sa NFA, tinatayang

120,000 tonelada ng bigas ang bibilhin

ng Pilipinas sa Thailand at Vietnam

ngayong 2012. Darating ang mga bigas

sa Hulyo. Bukod sa Thailand at Vietnam,

posible raw umangkat din ng bigas sa

Cambodia. Mag-uusap pa umano ang

NFA at Cambodia para maisara ang

usapan at maging supplier na ng bigas ang nasabing bansa. Ang pahayag ng NFA sa

pag-aangkat ng bigas ay nagbibigay ng kalituhan sapagkat hindi pa natatagalan nang

ihayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa susunod na taon ay hindi na

aangkat ang Pilipinas ng bigas. At sa 2016 umano ay maaaring ang Pilipinas na ang

mag-eksport ng bigas. Sa halip na bumili ng bigas sa Thailand at Vietnam, ang Pilipinas

382

na ang magluluwas katulad noong dekada ’60 na ang Pilipinas ang nangungunang rice

exporter sa Asya. Ayon kay Alcala, hindi na aangkat ng bigas ang Pilipinas sapagkat

pauunlarin ang sakahan ng bansa. Iri-rehabilitate umano ang mga irigasyon. Bibigyan

ng makinarya at binhi ang mga lokal na magsasaka. Isasailalim sa pagsasanay ang

mga magsasaka. Lahat daw ng pangangailangan ng mga magsasaka ay tutugunan.

Pero nakapagdududa kung magkakaroon ng katotohanan ang mga sinabi ni

Alcala sapagkat taliwas nga sa pahayag ng NFA na aangkat pa pala nang maraming

bigas at balak pang kausapin ang Cambodia para maging supplier. Ano ang totoo?

Kung positibo ang Kagawaran ng Pagsasak na magiging masagana ang ani,

bakit pa dadagdagan ang supplier? Bakit kailangang damihan pa ang aangkatin

na umaabot sa 120,000 tonelada? Hindi kaya ito mabulok kagaya ng nangyari sa

administrasyon ni dating Pangulong Arroyo? Ipaliwanag ito sa taumbayan.

Pinagkunan: Pilipino star Ngayon. 2012. Aangkat pa pala ng bigas Retrieved from http://www.philstar.com/

opinyon/811177/editoryal-aangkat-pa-pala-ng-bigas. November 5, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang magkatunggaling isyu na ipinahihiwatig ng editoryal?

DEPED

2. Anong patakarang pang-ekonomiya ang

COPY

binibigyang-diin sa binasa?

3. Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagkamit ng kaunlaran

ng bansa?

4. Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda, anong suliranin ang dapat

na bigyan ng pansin ng pamahalaan upang mapaunlad ang sektor ng

agrikultura?

5. Kung ikaw ay kasapi ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas o

programa sa sektor ng agrikultura, ano ang gagawin mo para mapaunlad

ito?

PAMANTAYAN SA PAG-UULAT

Pamantayan Puntos Natamong Puntos

Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5

Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya

ayon sa paksa ng araling inilahad

Kagamitang ginamit sa paglalahad 5

Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5

Kabuuang Puntos 20

Katumbas na Interpretasyon:

Magaling 5

Lubhang kasiya-siya 4

Kasiya-siya 3

Hindi gaanong kasiya-siya 2

Dapat pang linangin 1

383

5

Gawain 11: Mangampanya Tayo!

Gumawa ng advocacy campaign upang palakasin ang sektor ng agrikultura.

I-upload sa social networking sites (halimbawa, Facebook, blogs at iba pa) upang

maging boses ng mga kabataan at mag-aaral.

MGA PAMANTAYAN SA GAWAIN

INDIKADOR

NATATANGI

MAHUSAY

HINDI

MAHUSAY

KAILANGAN

PANG

PAUNLARIN

MARKA

Nilalaman

4 3 2 1

Malinaw na

nagpapahiwatig

ng pagpapahalaga

sa

sektor ng

agrikultura

tungo sa

pambansang

pagsulong at

DEPED COPY

pag-unlad

Pagkamalikhain

Ang likha ay

orihinal.

Hindi

gaanong

malinaw ang

ipinapahiwatig

na pagpapahalaga

sa

sektor ng

agrikultura

Ang likha ay

orihinal subalit

kulang sa

kaayusan.

Hindi

malinaw ang

ipinahihiwatig

na pagpapahalaga

sa

sektor ng

agrikultura

Ang likha ay

hindi orihinal

at kulang sa

kaayusan.

Walang

pagpapahalaga

sa

sektor ng

agrikultura

Ang likha ay

hindi orihinal

at walang

tunguhin.

Nakahihikayat

na maging

kabahagi sa

pagpapalakas

ng sektor ng

agrikultura

Nakahihikayat

ngunit walang

panahon kung

paano maging

kabahagi sa

pagpapalakas

ng sektor ng

agrikultura

Nakahihikayat

ngunit hindi

handang

maging

kabahagi sa

pagpapalakas

ng sektor ng

agrikultura

Nakahihikayat

ngunit

hindi handang

maging

kabahagi sa

pagpapalakas

ng sektor ng

agrikultura

Kooperasyon

ng grupo

Ang lahat ng

miyembro ay

nagsagawa ng

mga gawain.

Tatlo lamang

na miyembro

ang nagsagawa

ng mga

gawain

Isang

miyembro

lang ang

nagsagawa

sa gawain.

Walang

nagsagawa

sa mga

gawain.

384

Gawain 12: IDEYA-KONEK

Ngayong nalinang ang kaisipan mo tungkol sa mga konsepto ng Sektor ng

Agrikultura, isagawa naman ang pangatlong bahagi ng gawaing ito. Sagutin ang

tanong sa ibaba.

Bilang isang mag-aaral, paano ako

makatutulong sa pagpapatupad ng

mga patakarang pang-ekonomiya

tungo sa pambansang pagsulong at

pag-unlad?

DEPED COPY

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain para sa mga mag-aaral!

Transisyon sa Susunod na Aralin

Sa araling ito ay natutuhan mong ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng

paghahalaman, paghahayupan, pangingisda, at paggugubat. Ang bawat isa ay

may malaking gampanin sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa. Nakasalalay

rin dito ang katugunan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao at ng buong

bansa. Ang mga suliraning nararanasan sa sektor na ito ay mga hamon upang

tayo ay manindigan at gumawa ng mga pamamaraan para mapaunlad ang

nabanggit na sektor. Samantala, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay

nagbabalangkas ng mga batas at programa tulad ng CARP para mapaunlad ang

antas ng produktibidad nito.

Nabigyang-diin ang kaugnayan ng sektor ng agrikultura sa sektor ng

industriya at iba pa. Sa susunod naman na aralin ay tatalakayin ang kahalagahan

at kontribusyon ng industriya sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa. Kaya, handa

ka na ba?

385

PANIMULA

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang sektor ng agrikultura. Sinuri natin ang

kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Inisa-isa rin natin ang

mga suliraning kinakaharap nito at ang pagbibigay diin sa matalinong paggamit ng

mga likas na yaman para sa kapakanan ng mga susunod na Pilipino. Hindi rin natin

nakaligtaan ang mga patakarang pang-ekonomiyang itinataguyod ng pamahalaan

upang masigurong patuloy ang pagpapalakas sa sektor.

Samantala, bilang bahagi ng yunit na ito, ang susunod na sektor na ating

tatalakayin ay ang sektor ng industriya. Sama-sama nating unawain ang papel ng

industriya at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay ng

bawat mamamayan. Atin ding susuriin ang kahalagahan, gayundin ang kasalukuyang

kalagayan nito at kung ano ang mga balakin ng pamahalaan upang masiguro ang

kapakinabangan nito sa pagtatamo ng kaunlaran ng bansa.

Kaya’t muli kitang iniimbitahang patuloy na makiisa upang ating unawain

ang papel ng sektor ng industriya at ang kaugnayan nito sa ating buhay bilang mga

Pilipino. Bago ka tuluyang tumungo sa mga talakayan ay aalamin muna ang iyong

mga paunang kaalaman hinggil dito. Kaya ano handa ka na ba? Tara at umpisahan

na!

DEPED

ARALIN 3

COPY

ALAMIN

SEKTOR NG INDUSTRIYA

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol

sa sektor ng agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng

industriya sa ekonomiya ng bansa.

Gawain 1. PRIMARYA – SEKONDARYA HALA!

Tingnan at pag-aralan ang bawat larawan. Iugnay ang larawan sa kanan at

sa kaliwa.

1

386

2

SARDINAS

3

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Mula sa mga larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?

2. Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles?

Ipaliwanag.

3. Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon

ng mga produkto?

Gawain 2: PINAGMULAN, ALAM KO!

Maglista ng limang gamit na nasa bag mo o nasa loob ng silid-aralan at sabihin

kung anong produktong primarya ang pinagmulan nito.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mo napili ang mga isinulat mong produkto?

2. Paano mo ito maiuugnay sa sektor ng industriya? Sa iyong palagay, bakit

mahalaga ang sektor ng industriya sa pagtugon ng iyong pangangailangan?

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang target ring upang inisyal

na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng industriya.

387

Gawain 3: ARROW IN ACTION

Saan sa target ring aabot ang kaalaman mo? Sagutin ang arrow question sa

ibaba para masuri ang daloy ng kaalaman sa sektor ng industriya.

pambansang

pag-unlad

napagtanto

natutunan

Ang alam ko

Ano ang alam ko sa

Sektor ng Industriya?

Pinagkunan:

https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5DK

Gonl8AWPj4KgAQ&ved=0CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntz

dV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.

png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013

DEPED

Matapos mong maorganisa ang iyong mga

COPY

paunang kaalaman tungkol sa

sektor ng industriya, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang

higit mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng sektor na ito.

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa

aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong

ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng

impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutunan mo

bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng

industriya. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay

ito sa iyo upang masagot kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng

industriya sa ekonomiya ng bansa. Halina’t umpisahan mo na.

ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA

Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ay

may malusog na sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya. Subalit

kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya

upang makapagbukas ng mas maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho

388

ang mga mamamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya ay

isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing layunin nito

ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang makabuo

ng mga produktong ginagamit ng tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang

mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga

mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse. Bunga

nito, nakapagbibigay ang sektor na ito ng trabaho sa maraming Pilipino na ipinakikita

sa Talahanayan 1.

Talahanayan 1 Kabuuang Empleyo Ayon sa Industriya at Kabuuang Lakas

Paggawa (libo) 2000-2010

Kabuuang

Lakas

Paggawa

Kabuuang

lakaspaggawa

2002 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010

33,674 35,120 35,629 35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289

30,251 31,553 31,741 32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489

Agrikultura 11,311 11,741 11,785 12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260

Industriya 4,669 4,948 4,880 4,883 4,895 4,849 5,076 5,144 5,364

DEPED COPY

Paglilingkod 14,271 14,865 15,076 15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865

Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office.(n.d.).www.census.gov.ph retrieved on August 16, 2014

Batay sa talahanayan, ikatlo ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho sa

mga mamamayan. Higit itong mababa kompara sa agrikultura at paglilingkod. Ang

karagdagang dami rin na napapabilang dito ay mas maliit kaysa sa potensiyal na

kaya nitong tanggapin. Sa kabila nito, kinakailangan pa ang ibayong pagtutok upang

maging maayos at malusog ang sektor ng industriya. Kung magiging malakas ang

sektor, higit na maraming tao ang magkakaroon ng hanapbuhay. Ang mataas na kita

ng ekonomiya ay higit na mararamdaman kung ang halos lahat ng mamamayan ay

mayroong pinagkakakitaan. Ang bansa na may mataas na pag-unlad sa kanilang

kabuuang kita ay inaasahan na makapaghahatid ng mas maayos na buhay para sa

mga mamamayan.

Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:

• Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal,

at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing

tapos na produkto (halimabawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang

yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa kotse). Ang mismong produkto,

hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa bansa. Tingnan ang

Talahanayan 2, 3, at 4 na nagpapakita sa uri ng mineral na matatagpuan sa

bansa, dami ng reserba at tinatayang na halaga ng mga ito. Ang pagpaplano

at wastong paggamit ng mga yamang nasa talahanayan ay maaaring magdala

ng higit na kaunlaran sa bansa.

389

Talahanayan 2. Philippine Metallic Ore Reserves Profile 1973-1996

Mineral/ Commodity

Estimated Reserves in

Metric Tons (Mt)

16. Cobalt Nickel by-product n.d.a. n.d.a.

DEPED COPY

390

Average Grade

Estimated Value

(In US $)

1. Nickeliferous Laterite 1,569,870,000 1.1% Ni 229,326,609,600

2. Aluminous Laterite 292,010,000 21% Al, 37% Fe 98,897,216,780

3. Primary Gold 2,108,260,000 2.4 gm Au/Mt 73,473,199,950

4. Primary Copper 4,052,087,000 0.4% Cu 2,489,238,173

5. Silver* (2,108,260,000) n.d.a. 2,489,238,173

6. Molybdenum 30,600,000 0.08% Mo 1,809,072,000

7. Chromite 91,576,000 21.3% - 43.5% Cr 1,494,212,625

8. Iron (lump ore / laterite/

magnetite sand)

1,619,933,090 40.5% - 47% Fe 754,706,023

9. Mercury (Quicksilver) 1,474,602 flasks 6.9 lbs Hg/Mt 365,760,280

10. Lead 9,318,000 2.3% Pb 186,667,494

11. Zinc 6,162,000 2.9% Zn 182,629,356

12. Manganes 7,537,000 48% Mn 136,751,328

13. Cadmium 47 0.10% Cd n.d.a.

14. Platinum 942 0.08 oz/Mt Pt n.d.a.

15. Uranium 200 0.04% U3)8 n.d.a.

TOTAL $ 464,966,247,400

*Commonly associated with gold ores; average ratio of gold to silver, 1:2; n.d.a. = no data available

Source: Mines and Geo-Sciences Bureau

Talahanayan 3. Philippine Non-metallic Mineral Reserves Profile, 1973-1996

Mineral/ Commodity Estimated Reserves (in Metric Tons) Estimated Value (In US$)

1. Asbestos 5,811,000 98,787,000

2. Barite 163,000 1,304,000

3. Bentonite 1.381.946 10,551,671

4. Clay (all types) 450,432,000 2,815,200,000

5. Diatomaceous Earth 4,573,000 396,326

6. Dalamite 650,070,000 1,904,705,100

7. Feldspar 22,706,000 123,974,760

8. Guano 297,000 270,270

9. Gypsum 2,438,000 25,599,000

10. Limestone-Cement Materials 19,361,673,000 1,723,188,897

11. Limestone-Marbleized 44,411,000 cu.m* 3,552,880

12. Magnesite 52,276,000 398,343,120

13. Marble 10,800,000,000 cu.m.* 52,352,000,000

14. Pebbles 22,557,000 60,903,900

15. Perlite 13,922,000 14,850,133

16. Pumice and Pumiate 21,981,000 373.667,000

17. Pyrite 13,798,000 154,399,620

18. Rock Aggregates 1,467,166,000 cu.m.* 3,711,929,980

19. Rock Phospate 513,000 1,698,030

20. Sand and Gravel 82,863,000 cu.m.* 299,964,060

21. Shale 1,145,297,000 732,990,080

22. Silica 1,793,035,000 4,357,075,050

23. Sulphur 19,534,000 1,035,302,000

24. Talc 512,000 1,715,040

25. Volcanic Tuff (Adobe) 152,407,000 644,681,610

26. Rock Asphalt 550,000 n.d.a.

27. Saprolite 172,981,000 n.d.a.

28. Salt n.d.a. n.d.a.

29. Peat n.d.a. n.d.a.

30. “Zambales Jade” et al. n.d.a. n.d.a.

31. “Mindoro Jade” et al. n.d.a. n.d.a.

32. Jasper/ Chart et al. n.d.a. n.d.a.

33. Garnet et al. n.d.a. n.d.a.

34. Petrified Wood et al. n.d.a. n.d.a.

35. Rhodonite et al. n.d.a. n.d.a.

36. Tektite n.d.a. n.d.a.

37. Pearl, coral, shell, et al. n.d.a. n.d.a.

38. Amber n.d.a. n.d.a.

DEPED COPY

*cu.m. refers to cubic meters; n.d.a. no data available.

Source: Mines and Geo Sciences Bureau

Talahanayan 4. Philippine Mineral Energy Resources Profile, 1986-1996

Mineral Commodity /

Location of Deposits

1. Coal

Cagayan Valley

Polillo-Batan-Catanduanes

Southern Mindoro

Semirara

Samar-Leyte

Negros

Cebu

Surigao

Agusan-Davao

Cotabato

Zamboanga del Sur

2. Natural Gas

Palawan

San Antonio

Malampaya

3. Petroleum

Palawan

El Nido

Matinloc

N. Matinloc

W. Linapacan

Malampaya

Estimated Reserves

Total Resource - 1.5 Billion metric tons

42% lignite (carbon @ 40-70% volume) to

subbituminous coal (70-80% carbon)

5.5% sub-bituminous to bituminous coal (80-

91% carbon)

3% bituminous to semi-anthracite coal (91-98%

carbon)

Recoverable wet gas reserves -- 3 to 5 trillion

cubic feet or approx. 112.3 billion cu. m.

Max pipeline capacity @ 650 million cu. ft. per

day - dry gas

Ave annual production (1979 - 2004) @

4,000,000 barrels of crude oil, or approx.

100,000,000 bbl = 10%

Total Reserves -- 1 billion bbl.

391

TOTAL $ 71,765,078,605

Estimated Value

(in US $)

$ 26,730,000,000

$ 1,496,959,000,000

$ 55,000,000,000

TOTAL $ 1,578,689,000,000

Sources: Mines and Geo-Sciences Bureau, Luna, Telesfora W. Jr. Business World

Pinagkunan: Philippine Rural Reconstruction Movement. (n.d.). Mining Potential in the Philippines. Retrieved from http://www.prrm.

org/publications/gmo2/mpotential.htm on November 7, 2014

• Pagmamanupaktura. Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang

pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa

pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Dagdag dito, inilarawan din

ng Australian and New Zealand Standard Industrial Classification (ANZSIC)

na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o

bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto. Ipinakikita ng Talahanayan

5 ang mga industriyang mayroon sa Pilipinas na karaniwang tumutugon

sa mga pangangailangan ng mamamayan sa araw-araw at napapaloob sa

sekundaryang sektor ng pagmamanupaktura.

Talahayanan 5: Growth Rate of Gross Value Added

DEPED COPY

Pinagkunan: Philippine Rural Reconstruction Movement. (n.d.). Mining Potential in the Philippines. Retrieved from http://www.prrm.

org/publications/gmo2/mpotential.htm on November 7, 2014

• Konstruksiyon. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga

gusali, estruktura at iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at

iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng

serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina

kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan. Ang Pigura

2 ay nagpapakita sa distribusyon ng konstruksiyon at dami ng kabuuang lakas

paggawa sa 901 na establisimyento.

392

FIGURE 1 Distribution of Construction Establishments with Total Employment of 20

and Over by Industry Group 2012

Other specialized

construction activities

3.7%

All other construction

activities 6.2%

Total

establishments

901

Construction of utility

projects

5.0%

Electrical, plumbing,

and other construction

installation activities

20.6%

Construction of

buildings

35.6%

Construction of roads

and railways 28.9%

Pinagkunan: National StatisticsAuthority. 2012. Philippine business and industry construction sector establishments.

Retrieved from http://www.census.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industry-constructionsector-establishments-total

on November 7, 2014

• Utilities (koryente, gas, at tubig). Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang

pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan

DEPED

sa tubig, koryente, at gas. Sa sekondaryang

COPY

sektor na ito, malaki ang papel

ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa mga

tungkuling ito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na teknolohiya

upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang

paninigurong ang bawat mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo.

FIGURE 1 Distribution of Electricity, Gas, Steam, and Air Conditioning Supply

Establishments with Total Employment of 20 and Over by Industry Group 2012

Steam, air

conditioning

supply and

production of ice

2.5%

Total establishments

237

Electric power

generation,

transmission, and

distribution

97.5%

Pinagkunan: National Statistics Authority. (2012). Philippine business and industry construction sector establishments.

Retrieved from http://www.census.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industry-construction-sectorestablishments-total

on November 7, 2014

393

Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi

ng ekonomiya ng bansa. Ang bansa, ayon sa artikulo mula sa Economy Watch, ay

ikatatlumpu’t dalawang (32) bansa na may pinakamalaking ekonomiya sa mundo at

may GDP na US$188.719B noong 2010. Dahil dito, ang Pilipinas ay may napakalaking

potensiyal upang maging ganap na industriyalisado. Dagdag ni Ginoong Usui ng

ADB, ‘ang Pilipinas ay maaaring maging pangunahing lokasyon ng produksiyon sa

Asya. Sa panahon na naghihigpit ang pamilihan ng manggagawa sa ibang mundo,

at habang patuloy na bumabangon pa lamang mula sa mga kalamidad ang ibang

bansa at sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng Yen, ang Pilipinas ay may

isang napakalaking pagkakataon upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Inaasahang ang tagumpay ay hindi malayo para sa mga Pilipino’.

Makikita mula sa Talahanayan 6 ang papataas na kontribusyon ng sektor sa

kabuuang kita ng bansa. Higit ang inaasahang paglaki nito pagkalipas ng 2010 dahil

na rin sa mataas na GDP ng bansa. Katulad ng nabanggit, ang sektor na ito, kung

maisasaayos at mapalalakas, higit na maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho,

mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na mga posisyon. Sa gayon,

asahang ang pagbuti ng ekonomiya ay mararamdaman ng nakararaming mamamayan

dahil sa mga pagkakataong maibibigay sa kanila.

Talahanayan 6. Gross Domestic Product by Industrial Origin

DEPED

1st Qtr 2000 - 4th Qtr

COPY

2010

(in million Php)

Period

Agriculture,

Fishery and

Forestry

At Current Prices

Industry

Service

394

At Constant 1985 Prices

Agriculture,

Fishery and

Forestry

Industry

Service

2000 528,868 1,082,431 1,743,428 192,457 345,041 435,462

2001 548,739 1,191,707 1,933,241 199,568 348,165 453,982

2002 592,141 1,308,219 2,122,334 206,198 361,167 478,718

2003 631,970 1,378,870 2,305,562 215,273 363,486 506,313

2004 734,171 1,544,351 2,593,032 226,417 382,419 545,458

2005 778,370 1,735,148 2,930,521 230,954 396,882 583,616

2006 853,718 1,909,434 3,268,012 239,777 414,815 621,564

2007 943,842 2,098,720 3,606,057 251,495 442,994 672,137

2008 1,102,465 2,347,803 3,959,102 259,410 464,502 693,176

2009 1,138,334 2,318,882 4,221,702 259,424 460,205 712,486

2010 1,182,374 2,663,497 4,667,166 258,081 515,751 763,320

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). (2013). Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Australian Bureau of Statistics. (2012). Manufacturing Statistics Using Manufacturing Statistics Frequently Asked Questions What is

Manufacturing?. Retrieved from http://www.abs.gov.au/websitedbs/c311215.NSF/88e17471717cdbc5ca25778a001d9500/616cc124f6

101381ca2570a400119093!OpenDocument on August 21, 2014

(2013). Retrieved from http://www.ft.com/cms/s/0/1497f650-c8d8-11e2-acc6-00144feab7de.html#axzz39ucypQ5L on August 16 2014

Economy Watch Content. (2010). Philippine industry sectors. Retrieved from http://www.economywatch.com/world_economy/

philippines/industry-sector-industries.html on August 6, 2014

Asian Development Bank. (2012). Expanding Industrial Sector Key to Philippines’ Growth, Job Creation. Retrieved from http://www.

adb.org/news/philippines/expanding-industrial-sector-key-philippines-growth-job-creation on August 15, 2014

Gawain 4: CONCEPT MAP!

Matapos basahin ang teksto tungkol sa sektor ng industriya, punan ang concept

map na nasa ibaba. Tukuyin ang iba’t ibang industriya sa loob ng mga sekondaryang

sektor at katangian ng mga ito. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa gagawing

talakayan.

Pagmimina

Pagmamanupaktura

Sektor ng Industriya

Konstruksyon

Utilities

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya

Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran.

Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito

ay alinsunod sa modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter

Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga

DEPED COPY

dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang

aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga

kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon

ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural,

atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang

paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa sa maraming panig ng mundo dahil

sa magkakaibang paniniwala at kalagayan. Ang isang debate tungkol sa teorya ay

batay sa hindi magkakaparehong katangian ng mga bansang papaunlad. Ngunit

sa anumang kaparaanan, malinaw ang mensahe na ninanais ng bawat bansa, ito

ang makamit ang kaunlaran na mayroon ang mayayamang bansa tulad ng Japan,

Singapore, Switzerland, at iba pa.

Ayon kina Balitao et al. (2012), may kaukulang kahulugan ang konsepto ng

industriyalisasyon. “Hindi lamang ito nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya

at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong

teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at

pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal

sa halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan

ng industriyalisasyon ang pag-ikot ng industriyal na pagawaan. Masasabing may

kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang lahat ng mga pabrika at may

mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.”

Pinagkunan: Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD

Publication., http://www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_development Retrieved on November 7, 2014

395

Kahinaan ng Sektor ng Industriya

• Policy Inconsistency. Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga

polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga dahilan

sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa. Nangyari ito sa

panahon na ang mga bansang China at Vietnam ay mayroong murang lakaspaggawa

at mas madaling regulasyon sa pagnenegosyo. Dahil dito, mas

maraming mga mamumuhunan ang naging interesadong magtayo ng kanilang

mga negosyo sa dalawang bansa.

• Inadequate Investment. Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang

ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat

na kakayahang pinansiyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng

negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand. Ngunit

dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga

karatig bansa, naging mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang

teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa. Ito ay sa kabila ng

pagkakaroon ng mataas na demand sa mga makabagong gadyet sa buong

mundo. Nagdulot ito sa mabagal na pagtaas ng kita mula sa industriya.

• Macroeconomic Volatility and Political Instability. Ang kahinaan ng mga

elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba’t

ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag

magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na

nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.

DEPED COPY

Pinagkunan: Intal, S J and See, E. (n.d.). Whither the Philippine manufacturing sector: Looking back, way forward. Retrieved from

http://www.dlsu.edu.ph/research/centers/aki/_pdf/_concludedProjects/_volumeI/IntalSee.pd on November 7, 2014

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Epekto ng Industriyalisasyon

Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang

tulad nina Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848) at John Willamson (1990), ang

patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor

ng ekonomiya. Ngunit ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo na dala ng

industriyalisasyon sa buhay ng mga mamamayan, marapat na makita rin ang epekto

nito. Mangangailangan ng kritikal na pag-unawa at pagninilay upang mapagtimbang

ang kahalagahan at epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang implikasyon

nito sa lipunan at sa bawat isa.

Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon ay

nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang

pang-ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad

dahil sa paglakas ng kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina

Balitao et al. (2012) na ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong

mabilis dulot ng industriyalisasyon. Samantala, batay naman kay Williamson (1999),

na binanggit sa dyornal nina Federman at Levine (2005), ang industriyalisasyon ay

maaari ding maging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan

396

dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Dahil dito, inaasahang maging mapanuri at matalino ang pamahalaan.

Totoong maraming benepisyo kapag nakamit ng bansa ang kalagayang industriyal

na karaniwang nakaugnay sa kaunlaran. Subalit, nangangailangan ding maunawaan

at makilala ang mga negatibong epekto nito, higit kung ang isang bansa ay may

kahinaan sa mga regulasyon na ipinatutupad. Tandaang ang pamahalaan ay may

responsibilidad na pangalagaan ang limitadong likas na yaman ng bansa upang

masiguro na maiingatan ang mga ito. Gayundin naman, dapat na maikintal sa mga

mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod at pagiingat

ng ating yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring wala nang magamit

pa ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.

Federman, M. and Levine, D. (2005). The effects of industrialization on education and youth labor in Indonesia. Retrieved from

http://faculty.haas.berkeley.edu/levine/papers/The%20Effects%20of%20Industrialization%20on%20School%20Enrollment%20

and%20Youth%20Employment%20in%20Indonesia.pdf on November 7, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang bumubuo sa sektor ng industriya?

2. Sa anong sektor ng ekonomiya nagmumula ang mga hilaw na sangkap na

ginagamit ng sektor ng industriya?

3. Paano nakakaapekto ang sektor ng industriya sa ekonomiya ng bansa?

4. Batay sa mga Talahanayan 1, 2, 3, 4, at 6, ano ang naging kalagayan ng

DEPED COPY

sektor ng industriya? Patunayan.

5. Ano sa iyong palagay ang mga naging dahilan sa naging kalagayan ng

sektor? Ipaliwanag.

Gawain 5: DATOS… DATOS…

Ipangkat ang klase batay sa dami ng mag-aaral. Tingnan muli ang Talahanayan

6. Hayaan ang mga bata na pag-aralan ang mga datos. Atasan ang bawat pangkat na

gumawa ng graph batay sa Talahanayan. Siguraduhing ang bawat pangkat ay may

takdang graph na gagawin na hindi katulad ng ibang grupo.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging trend ng mga datos sa ginawang graph? Ano ang naging

dahilan ng nasabing trend?

2. Kung ikaw ang magbibigay ng isang presentasyon, paano mo gagamitin

ang talahanayan at graph upang ipakita ang kakayahan ng industriya

bilang isang sektor ng ekonomiya ng bansa?

397

Gawain 6: BENEPISYO O EPEKTO?

Halos bawat bansa ay nagsisikap na matamo ang industriyalisasyon dahil sa

kaugnayan nito sa konsepto ng kaunlaran. Ngunit ayon mismo sa ilang mga ekonomista,

ang industriyalisasyon ay nagdudulot din ng masamang epekto sa kapaligiran. Kaugnay

nito, magsagawa ng debate sa klase. Ipangkat ang klase sa dalawa. Itakda ang bawat

panig ayon sa benepisyo at masamang epekto ng industriyalisasyon. Gamitin ang

mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng gawain.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pinakatampok na isyu sa naging debate?

2. Ano ang iyong personal na katayuan sa isyu? Bakit?

3. Kung ikaw ang pinuno ng bayan, ano ang iyong higit na bibigyan ng bigat

sa paggawa ng desisyon, ang benepisyo mula sa industriyalisasyon o ang

epekto nito sa kapaligiran at sa mga mamamayan? Pangatwiranan.

Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya

Maliwanag ang kalagayan at kontribusyon ng sektor ng industriya sa kabuuang

kita

DEPED

ng Pilipinas. Kabahagi ito sa pagtatamo ng maayos

COPY

na ekonomiya ng bansa. Ang

ugnayan at interaksiyon ng mga sektor ay mahalagang aspekto upang makamit ang

ninanais na katatagan ng pamahalaan.

Sa aspekto ng pag-uugnayan, ang sektor ng industriya at agrikultura ay may

direktang pakinabang sa bawat isa. Sa isang banda, nagmumula sa agrikultura ang

mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng industriya. Ang

mga sangkap na ito ay nagkakaroon ng transpormasyon, nadadagdagan ng halaga,

at nag-iiba ng anyo ayon sa magiging gamit at pakinabang dito. Ang dinadaanang

proseso ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan tulad ng lakas-paggawa,

iba’t ibang sangkap sa produksiyon at iba pa.

Sa kabilang banda, ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng

traktora, sasakyang pangisda, at iba pa ay produktong mula sa industriya. Ginagamit

ang mga ito upang magkaroon ng mas mataas na produksiyon na magbibigay ng mas

malaking kita sa namumuhunan at mas maraming produkto para sa mga mamimili. Ang

ugnayang ito ay nagpapakita ng lubos na pagtutulungan sa mga sektor ng ekonomiya.

Mula sa Talahanayan 7, makikita ang dami ng lakas-paggawa na pumapasok

sa sektor ng industriya at agrikultura. Sa katunayan, ang malaking bahagdan ng

mga manggagawa ay matatagpuan sa agrikultura. Ngunit sa kabila ng maraming

hamon, patuloy na maraming mamamayan ang nabibilang dito. Hindi matatawaran

ang malaking naiambag at patuloy na maitutulong ng agrikulura sa kabang-yaman ng

bansa. Higit sa lahat, ito ang pangunahing pinagmumulan ng mga pagkaing tumutugon

sa pangangailangan ng tao.

398

Samantala, ang sektor ng industriya ay nakapagdudulot ng napakalaking

kontribusyon sa ekonomiya. Sa bawat litro ng pintura na magagawa, nangangailangan

ito ng maraming kemikal na sangkap sa paggawa, lalagyang lata o plastik, tatak, at

iba pang impormasyong nakasulat dito, mga sasakyan na maghahatid sa pamilihan,

kagamitan na maghahalo, mag-filter, at mag-store sa produkto. Maliban pa dito,

mangangailangan din ng koryente at tubig upang mabuo ang mga ito. Gagamit ng mga

serbisyong pinansyal, marketing, sales, at istratehiya upang masigurong maibebenta

ang mga produkto. Dahil dito, kung magiging malusog ang kapaligiran na akma sa

pagnenegosyo, ang sektor ng industriya ay maaaring maging tagapagpaandar ng

ekonomiya (Batungbakal, 2011) na magbibigay ng maraming hanapbuhay para sa

mga Pilipino.

Ang pagmamanupaktura halimbawa ay hindi maaaring mawala dahil ito ang

pangunahin sa sekondaryang sektor. Ito ang sektor na nagpoproseso ng mga hilaw

na produkto. Ang mga nabubuong produkto ay karaniwang ginagamit sa araw-araw

na pamumuhay ng mga tao. Ang krisis sa pagpapautang at ang pandaigdigang krisis

pinansyal na naganap mula 2008 – 2012 ay nagpakita sa kahinaan ng industriya ng

paglilingkod at dahil dito, nangangailangang makagawa ng may kalidad na hanapbuhay

sa sektor ng industriya.

DEPED

Ang sekondaryang sektor ding ito ay nagtutulak

COPY

upang magkaroon ng mga

inobasyon upang makabangon mula sa malawakang epekto ng mga krisis pang

ekonomiya. Halimbawa, ang kompanya ng Apple ay hindi nag-imbento ng MP3 player,

bagkus ay gumawa sila ng isang produktong mas simple at madaling gamitin na

tinawag nilang iPod (Batungbakal, 2011). Sa tulong ng teknolohiya, ang produktibo ay

napagbubuti para sa higit na kapakinabangan ng buong bansa. Ito rin ang nabanggit

sa batayang aklat nina Balitao et al (2012), na sa pamamagitan ng sektor na ito, higit

na nagiging mahusay ang teknolohiya at nakabubuo ng mga kagamitan at makinang

nakatutulong nang malaki sa agrikultura. Ginamit nilang halimbawa ang traktora, mga

makabagong pestisidyo, at iba pa.

Samantala, malaking tulong din sa agrikultura ang pagsasaayos ng mga

impraestruktura tulad ng mga daan, tulay, riles, daungan, paliparan, at imbakan ng mga

produkto. Ito ay pagsisigurong makararating sa tamang panahon at pakikinabangan

ng mga mamamayan ang kalakal mula sa sektor ng agrikultura. Ang mga produktong

madaling masira ay naiingatan at napahahaba ang buhay dahil na rin sa mga imbakang

ginagawa.

Sa usapin ng mga manggagawa, sinasalo ng sektor ng industriya ang mga

mamamayang iniwan ang gawaing pang-agrikultura dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Maaaring ang dahilan ay ayon sa sumusunod:

• Nakikipagsapalaran sila sa kalunsuran o sa lokasyon na may sonang industriyal

upang maging mga manggagawa sa mga pabrika;

• Unti-unting nauubos ang mga lupaing tinatamnan dahil ginagamit

bilang residensiyal, industriyal, o panturismo. Dahil dito, limitado na ang

399

mapagkakakitaan ng mga mamamayang nabibilang dito;

• Malawakang pagpalit-gamit ng lupa o (mula lupang agrikultural patungong

residensiyal,);

• Usaping pangkapayapaan;

• Laganap na pangangamkam ng lupa (land grabbing);

• Mababang kita sa sektor ng agrikultura;

• Mataas na gastusin sa sektor ng agrikultura;

• Paglisan sa lupang sakahan bunga ng natural na kalamidad;

• Kombinasyon ng mga nabanggit.

Pinagkunan:

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,

Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from http://devplan.

neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Philippine Institute for Development Studies. (n.d.), Phl needs to strengthen manufacturing sector. Retrieved from

http://www.pids.gov.ph/index2.php?pr=129, on November 7, 2014

Batungbacal, R. (2011). The strategic importance of the Philippine manufacturing sector. Retrieved from http://fpi.ph/fpi.cms/News/

The_Strategic_Importance_of_the_Philippine_Manufacturing_Sector_By_Roberto_F._Batungbacal.pdf, on November 7, 2014

Gawain 7: VENN DIAGRAM

Malalim ang ugnayan ng mga sektor ng agrikultura at industriya. Kinakailangan

ang dalawa upang higit na mapabuti ang katatagan bilang mga sandigan ng ekonomiya.

Mula sa binasang teksto, punan ang Venn Diagram ng mga hinihinging impormasyon.

DEPED COPY

Ugnayan: _____________________________________________________

Pagkakaiba: ___________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang bahaging ginagampanan ng industriya? agrikultura?

2. Paano nagiging mahalaga ang bawat isa sa pagtugon sa mga

pangangailangan ng tao? bansa?

3. Sa mga gampanin ng bawat isa, paano ka makatutulong sa pag-unlad ng

sektor ng industriya?

400

Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at

Pangangalakal

Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng

kongklusyon na ang Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan

dito. Sa pagdaan ng mga panahon, matitiyak ang unti-unting pagbaba sa kontribusyon

ng sekondaryang sektor ng pagmamanupaktura sa ekonomiya, gayundin ang pagbaba

sa pangkalahatang pamumuhunan.

DEPED COPY

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay

hindi maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod:

“In 2009, the Philippines ranked 43rd out of 57 countries and last among five

ASEAN members; next to last in infrastructure; and 51st in economic performance

in the IMD Global Competitiveness Report; and placed 139th out of 180 countries

(6th among the ASEAN-6) in the Transparency International’s Corruption Perception

Index. In 2010, the country ranked 144th among 183 countries and also last among

the ASEAN-6 in the International Finance Corporation/ World Bank’s (IFC/WB)”.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine

Development Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa

nasabing plano, ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang

401

kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at

(c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili.

Ang nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad

ang sektor ng industriya. Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit

tulad sa mga nakaraang panahon, ang katatagang maipatupad ang mga plano ang

pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro ang pangmatagalang benepisyo mula

rito. Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang

masigurong ang mga ito ay magpapatatag ng industriya. Inaasahan ding ang mga

pagbabagong ito ay magbibigay ng isang maayos at kaaya-ayang kondisyon sa

pagnenegosyo para sa lokal at dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga inaasahang

may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod:

• Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus

Investment Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan

at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI)

• Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing

hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at

maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa

patas na pagnenegosyo.

DEPED COPY

• Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta

sa patas na pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng

smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasusunod

sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa

naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention.

• Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa

bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo.

• Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang

mga R and D na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat

ang mga pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan

upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa

kapakinabangan ng lahat

• Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante

na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang

kamay

• Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang

suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang

ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho

Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang

pagtataguyod sa industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang

402

pangangailangan sa pagkaroon ng kalidad sa lakas paggawa na naaayon sa

demand ng pamilihan. Kinakailangan din na malinang ang impraestraktura at ang

mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong

kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang

matamo ang nasabing mga adhikain:

• Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang

ng industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan

kasama ang pribadong sektor, upang magamit nang husto ang mga likas na

yaman.

• Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng

industriya.

• Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad

sa pamamagitan ng training at opportunity building.

• Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal)

at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa

ibang bansa.

• Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng

katanggap-tanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo.

• Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong

sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming

Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa.

DEPED COPY

Makikita rin ang layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga

sekondaryang sektor ng industriya:

• Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing

tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga

produktong ito na mula sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand. Dapat ding

makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba pang larawan na

malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki

ang pangangailangan sa buong mundo.

• Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam

(9) na milyong ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil

sa malaking potensiyal nito, ang pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa ang

sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na mapalakas ang kakayahan

nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw na sangkap

at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na

mapabuti ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang

lahat sa polisiya tungkol sa matalinong paggamit ng ating likas na yaman. Ito

ay pagsisiguro na magiging responsable ang bawat isa sa paggamit ng mga

yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng kaunlaran.

• Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestrektura ng bansa ay inaasahang

magiging isa sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga

kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong paliparan at daungan, at iba pa ay

isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa pagpapatatag ng

ekonomiya.

403

• Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro

upang ang iba pang mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad

ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle parts and components;

tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay magiging matibay

na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan

at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang

masiguro ang kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga

bansang nangunguna sa kalakalang panlabas.

Pinagkunan: National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-2016 – Results matrices. Retrieved from

http://devplan.neda.gov.ph/chapter3.php, on November 7, 2014

Gawain 8: ECO-SIGNS

Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at programa dahil sa

layunin nitong mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Mula sa binasang teksto, hayaan

ang mag-aaral na gamitin at sundin ang paggamit ng Eco-signs na hango sa konsepto

ng traffic signs. Ang mga panandang ito ay STOP, GO at CAUTION. Ang STOP ay

ilalagay kung nais ng mag-aaral na ang patakaran ay ihinto, GO kung nais ipagpatuloy

at CAUTION kung itutuloy nang may pag-iingat.

DEPED COPY

Hindi dapat

ipatupad

Dapat

ipatupad

Hinay-hinay sa

pagpapatupad

BATAS ECO-SIGNS DAHILAN

• Pagsusog (amendments) sa

Executive Order (EO) No. 226 o ang

Omnibus Investment Code of 1987

• Pagpapatibay sa anti-trust/

competition law

• Pagsusog sa Export Development

Act

• Pagpapabuti sa industriya ng

Aviation

• Pagsusog sa Tariff and Customs

Code ng Pilipinas

• Pagsusog sa Local Government

Code

404

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong palagay sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng industriya?

Ipaliwanag.

2. Makatwiran ba ang direksiyon ng pamahalaan na magsagawa ng

pagbabago sa mga patakaran at polisiya ng bansa kaugnay sa sektor ng

industriya? Patunayan.

3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo sa

pagkamit ng kaunlaran ng bansa?

Gawain 9: ARROW IN ACTION!

Ipagpatuloy ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsagot sa arrow question.

pambansang

pag-unlad

napagtanto

natutunan

Ang alam ko

DEPED

Ano ang natutunan ko

COPY

sa Sektor ng Industriya?

Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6

Vv5U5DKGonl8AWPj4KgAQ&ved=0CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3B

HntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.

png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa sektor ng industriya,

maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong

sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng sektor na ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang

mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa sektor ng industriya.

Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng industriya upang

maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

405

Gawain 10: KNOWLEDGE POWER!

Basahin ang hinalaw na teksto. Suriin ang mga ideya at ang nakapaloob na

paniniwala sa sumulat. Gamitin ang mga pamprosesong tanong sa pagtalakay ng

gawain.

Ang kuwento ng grupo naming taga-UP, post-EDSA dreamers – mga nangarap

ng magandang Pilipinas na maaaring maipagmalaki kahit saan. Noong araw,

nagtatalo-talo lang kami tungkol sa industrialization, bakit ang Pilipinas ay hindi

naka-take off kompara sa mga kasabayang bansa at paanong ang technology

and know-how ng agriculture natin, several centuries behind – kompara sa ibang

agricultural countries. Ang consensus namin noon – hindi nagkaroon ang Pilipinas

ng land reform, totoong land reform na talagang namahagi ng lupa sa tillers of the

land, gaya ng ginawa sa US at Japan. Ang pinag-uusapan, social policies na dapat

gawin – para paramihin at palakihin pa ang middle class ng bansa o mga pamilyang

may purchasing powers. Isa pa, ang tax system sa bansang masyadong skewed in

favor ng mga may properties na at conducive para gawing idle lamang ang marami

sa mga ari-arian. Anyway, marami sa amin ay nakapagtrabaho na sa gobyerno at

alam namin – first-hand – hindi ganoon kadaling baguhin ang mga kalakaran at

bagay-bagay…

DEPED COPY

Pinagkunan: Sasaliwngawit. 2012. Doon po sa aminm balik-tanaw- usapang pag-unlad. Retrieved from http://sasaliwngawit.

wordpress.com/2012/10/12/doon-po-sa-amin-balik-tanaw-usapang-pag-unlad-2/ on November 7, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng hinalaw na teksto?

2. Anong damdamin ang mararamdaman mula sa sumulat?

3. Ano ang naging kongklusyon ng sumulat? Bakit iyon ang naging pangwakas

niya?

Gawain 11: GAWAIN 2, TAKE 2

Batay sa naging Gawain 2, muling balikan ang listahan ng mga bagay na

inyong napili. Batay sa listahan, magsagawa ng pagsasaliksik kung ano ang estado

ng mga sekondaryang sektor ng industriya na pinagmulan ng mga ito mula 2000 –

2010 (isang dekada).

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging kalagayan ng mga nasabing sekundaryang sektor na

sinaliksik?

2. Bakit ganoon ang naging kalagayan?

3. Ano ang kongklusyon na maaari mong mabuo mula sa naging pagtingin

sa mga datos?

406

4. Ano ang mga bagay na kailangan upang mapalakas o mapanatiling

malakas ang mga ito?

Gawain 12: Presyo ng Langis, Parang Spaghetting Pataas o Pababa?

Noong Abril 1996, ang gasolina at diesel ay nagkakahalaga lang ng Php9.50 at

Php7.03 bawat litro. Ang LPG naman ay Php145.15 ang bawat 11-kilong cylinder na

karaniwang ginagamit sa mga bahay.

Ayon sa Oil Monitor (1 February 2011) ng Department of Energy, ang price

range ng gasolina ay Php47.55-P48.89 bawat litro, samantalang ang diesel ay

Php39.20-P41.35 bawat litro. Sa kaso ng 11-kg LPG, ito naman ay Php686.00-

Php743.00. Aba, nangangahulugan po ito ng mahigit 400 porsiyentong pagtaas sa

presyo ng gasolina, diesel at LPG sa loob ng 15 taon!

Pinagkunan: Arao, D. (2011). Presyo ng langis, parang spaghetti ba na tataas o bababa?. Retrieved from http://pinoyweekly.org/

new/2011/02/presyo-ng-langis-bilang-epekto-ng-deregulasyon-2/ on November 7, 2014

Pamprosesong Tanong:

DEPED COPY

1. Ano ang ipinararating ng mensahe sa loob ng text box?

2. Ano ang iyong mahihinuha mula rito?

3. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa susunod na labinlimang

taon? Ipaliwanag.

Gawain 13: Pag-aralan mo ang Presyo ng langis nyo!

Ipasaliksik sa mag-aaral ang naging pagbabago sa presyo ng gasolina sa

pamayanan kung saan nabibilang ang mga mag-aaral sa mga taong 2012 at 2013.

Gamit ang talahanayan at graph, hayaang ilapat nila ang nasaliksik na datos at

takdaan ang mahahalagang panahon at pagbabago sa presyo. Kasama ring isaliksik

ang epekto ng mga pagbabago sa araw-araw na pamumuhay ng mga negosyante,

pamilya, simbahan, guro, at ng mga tinder o tindera. Gumawa ng pag-uulat sa

isinagawang pagsasaliksik.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong panahon naganap ang mga pagbabago?

2. Paano naapektuhan ng mga pagbabago ang mamamayan?

3. Sa iyong palagay, ano ang naging hamon sa iyong pamilya ng mga

pagbabago sa presyo ng langis? Pangatwiranan.

407

GAWAIN 14: INDUSTRIYA, MAYROON BA?

Ang gawaing ito ay maglalagay sa iyo sa sitwasyong aktibo kang makikibahagi

sa pagpapatupad ng patakarang pang-ekonomiya na magpapabuti sa sektor ng

industriya. Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang mga pangkat ay magsasagawa ng

sarbey upang alamin ang mga industriya na mayroon sa komunidad. Kasabay nito,

isaliksik din ang mga polisiya na sumusuporta sa mga industriyang ito. Gumawa ng

isang balangkas sa kalagayan ng mga industriya at tingnan ang kapakinabangan ng

mga makikitang polisiya. Matapos ito ay bumuo ng kongklusyon ayon sa:

• Kalagayan ng mga industriya

• Kakayahang na mapalago ang mga industriya

• Kasapatan ng mga polisiya bilang tugon sa mga pangangailangan ng

industriya

• Mga dagdag na kailangan mula sa lokal na pamahalaan

MGA PAMANTAYAN SA MGA GAGAWIN

INDIKADOR NATATANGI MAHUSAY

HINDI

MAHUSAY

KAILANGAN

PANG

PAUNLARIN

MARKA

DEPED

4 3

COPY

2 1

Panahon na

iginugol sa

gawain

Hindi umabot

sa limang

(5) araw ang

pagsasagawa.

Umabot sa

pitong (7)

araw ang

pagsasagawa.

Umabot sa

siyam (9)

araw ang

pagsasagawa.

Umabot

ng higit sa

sampung araw

(10+) ang

pagsasagawa.

Kooperasyon

ng grupo

Ang lahat ng

miyembro ay

nagsagawa ng

mga gawain.

Kalahati

lamang ng

miyembro ang

nagsagawa ng

mga gawain

Isa lang na

miyembro ang

nagsagawa ng

mga gawain.

Walang

nagsagawa ng

mga gawain

408

Gawain 15: ARROW IN ACTION

Sagutin ang tanong sa bahaging ito.

pambansang

pag-unlad

napagtanto

natutunan

Ang alam ko

Paano ako makatutulong

sa mga patakarang

industriyal tungo sa

pambansang pagsulong

at pag-unlad?

Pinagkunan:https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tbo=u& source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5V

DKGonl8AWPj4KgAQ&ved=0CGYQsAQ&biw=1024&bih=610# facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL6cw3xlMiM%253A%3BHn

tzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%252FecM5dbpcn.

png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.com%252Fclipart-ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October 2013

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain para sa mga mag-aaral!

DEPED COPY

Transisyon sa Sususnod na Aralin

Naunawaan mo ang kalagayan at kahalagahan ng sektor ng industriya sa

ekonomiya. Malaki ang kontribusyon ng sektor na ito sa ekonomiya ng bansa.

Maaari itong maging sandigan ng bansa upang masiguro na ang mamamayan ay

magkaroon ng hanapbuhay at madama ang tunay na epekto ng industriyalisasyon.

Sa isang banda, ang sektor ng industriya ay limitado kahit na malaki pa ang

potensiyal nito na makapaghatid ng kabutihan sa bansa. Sa kabilang banda, ang

kakayahan nito na makipag-ugnay sa iba pang sektor ay malaking tulong upang

higit na matamo ang kaunlaran. Ang kakayahang makabuo ng mga produkto upang

higit na mapalaki ang kita ng iba pang sektor ay isang makabuluhang inisyatibo

para sa ekonomiya. Kaakibat nito ang kakayahan namang mapagbuti at magamit

ng iba pang sektor ang produktong mula sa sektor ng industriya.

Upang lubos nating maunawaan ang buong ekonomiya, ating susunod na

titingnan ang sektor ng paglilingkod, ang kasalukuyang kalagayan at kakayahan

nito sa pag-aambag sa kabuuang kita ng bansa. Ating aalamin kung ano ang

kaugnayan nito sa sektor ng industriya at kung paano ito gumagalaw sa loob ng

ekonomiya.

409

PANIMULA

Ang lahat ng tao ay may mga pangangailangang dapat matugunan. Kabilang

dito ang pagkain, damit, tirahan, at edukasyon. Ang mga ito ay hindi kayang

ipagkaloob ng iisang sektor lamang. Kailangan din natin ng mga serbisyo kagaya ng

transportasyon, komunikasyon, at edukasyon.

Ang mga pagkain tulad ng mga gulay, prutas, karne, at isda ay nagmumula sa

sektor ng agrikutura. Ang mga pangangailangan natin tulad ng damit ay nagmumula

naman sa sektor ng industriya. Subalit anong sektor naman ng ating ekonomiya ang

nagkakaloob ng ating mga pangangailangang tulad ng transportasyon, komunikasyon,

at edukasyon? Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan

ng sektor ng paglilingkod. Kung kaya’t ang pangunahing pokus ng araling ito ay

ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pangekonomiyang

nakatutulong dito.

Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharap

sa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyang

pupukaw ng iyong interes at magdudulot sa iyo ng kaalaman.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagsusuri ng bahaging

ginagampanan ng sektor ng paglilingkod at mapahalagahan ang mga patakarang

pang-ekonomiya na nakatutulong dito.

DEPED COPY

ALAMIN

ARALIN 4

SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol

sa sektor ng paglilingkod at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng

paglilingkod sa ekonomiya ng bansa.

Gawain 1: ON THE JOB!

Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Ano ang trabaho ng mga makikitang

tao sa larawan? Ipaliwanag ang iyong batayan.

1 2 3

410

4 5 6

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang callout upang inisyal na

masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng paglilingkod.

Gawain 2: CALLOUT

Sagutin mo ang una at pangalawang speech balloon. Samantala, ang

panghuling icon ay masasagot pagkatapos ng aralin na ito.

Ang

DEPED COPY

Ang aking gustong

malaman ay ____________

aking paunang

nalalalaman ay_________

Ang aking mga

nalaman ay____

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa

sektor ng paglilingkod, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin

upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang sektor na ito.

411

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa

aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong

ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng

impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo

bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng

paglilingkod. Inaasahan na magagabayan ka ng mga inihandang gawain

at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang bahaging

ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa ekonomiya ng bansa. Halina’t

umpisahan mo na.

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at

pag-unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang kalakal

at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at

paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi

lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap.

Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang

pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor

DEPED COPY

na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal,

pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na

umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng

mga produkto sa loob o labas ng bansa. Kilala rin ito bilang tersarya o ikatlong sektor

ng ekonomiya matapos ang agrikultura at industriya.

Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga

damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinokonsumo ng

mga mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga produktong

agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sub-sektor sa

pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi,

transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan,

panlipunan, at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may mahalagang papel

sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang sektor ng kalakalan ng pagtitingi

(retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking makarating sa mga mamimili ang

mga produkto mula sa sakahan o pagawaan. Malaki rin ang naiaambag ng sektor ng

paglilingkod sa GDP ng Pilipinas. Kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng

porsiyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng

bahagyang pagbaba noong 2001.

Isa sa mga kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas ng

business process outsourcing lalo na ang call center companies na nagkakaloob ng

trabaho sa maraming Pilipino. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay

ng paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto. Ang pormal na industriyang bumubuo

412

sa sektor ng paglilingkod ay ang sumusunod:

• Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga

paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga

paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.

• Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang

produkto at paglilingkod.

• Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang

institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance

agency, foreign exchange dealers at iba pa.

• Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment,

mga developer ng subdivision, town house, at condominium.

• Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa

pribadong sektor ay kabilang dito.

• Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng

pamahalaan.

Sa mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo, ipinapakita rito ang

malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga lipunan mula sa pangangaso

at pangangalap ng pagkain sa kapaligiran at ekonomiyang agrikultural patungo sa

ekonomiyang industriyal. Dahil sa pagbabagong ito, lumawak ang pangangailangan

at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa

paggawa sa iba’t ibang larangan ang nagturo ng landas para sa efficient na paraan

ng pagbibigay ng paglilingkod sa mga tao. Sa tila napakabilis na takbo ng panahon,

DEPED COPY

kailangang umagapay ang tao sa pagbabago sa kanyang kapaligiran. Maraming

gawain ang mga tao ang hindi nila matugunan sa sarili lamang kaya’t malaking tulong

ang paghahatid ng iba’t ibang paglilingkod mula sa iba.

Pinagkunan: Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.

Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Gawain 3: TEKS-TO-GRAPH

Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang nilalaman ng graphic

organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Sektor ng

Paglilingkod

413

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod?

2. Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod.

3. Sumasang-ayon ka bang ang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod

sa bansa ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya?

Pangatwiranan.

Gawain 4 : TRI-QUESTION CHART

Punan ang tsart sa ibaba batay sa iyong mga naunawaan. Itala ang mga ito

ayon sa mga hinihingi sa bawat titik. Sagutin ang mga tanong sa bawat hanay.

Ano-anong gawaing

pang-ekonomiya ang

nasasaklawan ng sektor ng

paglilingkod?

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Ano-ano ang halimbawa

nito?

Paano nakakatulong

ang mga gawaing

ito sa pambansang

ekonomiya?

DEPED COPY

Gawain 5: DATOS-INTERPRET KO

Paghambingin ang distribusyon ng mga sektor ng ekonomiya at sagutin ang

mga pamprosesong tanong.

Talahanayan 2

Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya

2005 – 2010 (In-Million Pesos)

SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374

Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497

Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

414

Pamprosesong Tanong:

1. Aling sektor ang nagbigay ng malaking kontribusyon sa kabuuang kita ng

ekonomiya mula 2005 hanggang 2010?

2. Alin naman ang may pinakamaliit na kontribusyon sa ekonomiya sa

nakalipas na mga taon?

3. Ano ang ipinahihiwatig na patuloy na paglaki ng distribusyon ng sektor ng

paglilingkod sa ekonomiya ng bansa?

4. Ano ang maaaring maging epekto ng paglaki ng paglilingkod sa ekonomiya

ng bansa kompara sa sektor ng agrikultura at Industriya?

Gawain 6: PAGLILINGKOD KOLEK

Gamit ang datos mula 1st Quarter 2014 Gross National Income & Gross

Domestic Product by Industrial Origin, ikompyut ang antas ng kontribusyon ng bawat

sub-sektor sa kabuuang GVA ng sektor ng paglilingkod para sa 2013 (Q1) at 2014

(Q1). Pagkatapos ay tukuyin kung tumaas o bumaba ang antas ng kontribusyon nito.

GROSS VALUE ADDED in SERVICES

1st Quarter 2013 and 1st Quarter 2014

DEPED

AT CONSTANT 2000 PRICES,

COPY

IN MILLION PESOS

INDUSTRY/INDUSTRY GROUP Q1 2013 Q1 2014

Growth

Rate (%)

SERVICE SECTOR 885,830 946,095 6.8

a. Transportation, Storage, and

Communication

b. Trade and Repair of Motor Vehicles,

Motorcycles, Personal and Household

Goods

123,446 134,452 8.9

238,463 251,792 5.6

c. Financial Intermediation 118,743 126,118 6.2

d. Real Estate, Renting & Business Activity 165,317 180,536 9.2

e. Public Administration & Defense;

Compulsory Social Security

65,178 69,289 6.3

f. Other Services 174,683 183,907 5.3

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

415

SEKTOR NG PAGLILINGKOD

a. Transportation, Storage, and

Communication

b. Trade and Repair of Motor

Vehicles, Motorcycles, Personal

and Household Goods

c. Financial Intermediation

d. Real Estate, Renting & Business

Activity

e. Public Administration & Defense;

Compulsory Social Security

f. Other Services

2013 (Q1)

2014 (Q1)

Tumaas o

Bumaba

Pamprosesong Tanong:

1. Anong bahagi ng sektor ng paglilingkod ang nagbigay ng malaki at maliit

na kontribusyon sa GVA ng Q1 2013 at Q1 2014?

2. Paano mapananatili ang potensiyal ng kabuuang sektor ng paglilingkod

upang maging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansa?

DEPED COPY

Ang mga Manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod

Ang mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor ng paglilingkod ay

hindi pahuhuli sa nasabing larangan. Taglay nila ang mataas na antas na katangian

ng isang mahusay na tagapaglingkod. Sila ay masipag, malikhain, matiyaga, at

nakatutulong nang malaki upang umangat sa larangang ito. Sa akdang A Moral

Recovery Program: Building a People-Building a Nation ni Patricia Licuanan, inilahad

na ang pagiging malikhain, at mapamaraan ng mga Pilipino ay naipakikita sa kanilang

kakayahang iangkop ang kanilang pamumuhay saan mang panig ng mundo. Bukod

pa rito, ang kanilang pagiging bukas at handa sa pagkatuto sa iba’t ibang kasanayan

ang isa pa sa mga katangian ng mga Pilipino na labis na hinahangaan, hindi lamang

dito sa loob ng bansa kundi lalo’t higit pa sa ibang panig ng mundo.

Ang matinding pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya kung saan

kabilang hindi lamang ang kanilang mga anak at asawa kundi maging sa kanilang

mga lolo, lola, tiyuhin, tiyahin, pinsan, at mga pamangkin ang nagtutulak sa kanilang

harapin ang anumang pagsubok alang-alang sa kanila. Ang pagmamalasakit ng mga

manggagawang Pilipino sa kanilang pamilya ang nagtutulak sa kanila na pumunta

sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Sa katunayan, ayon sa pinakahuling datos

ng National Statistical Coordination Board (NSCB) mahigit 2.04 milyong Overseas

Filipino Workers (OFWs) o tinatayang 2% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang

umalis ng bansa noong taong 2010 para magtrabaho.

416

Marami nang parangal ang inani ng maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng

daigdig na kumilala sa kanilang kahusayan sa larangan ng caregiving, bartending,

entertainment, healthcare, at pati ang pamamahala sa tahanan bilang kasambahay.

Lamang ang mga Pilipino sa pag-unawa at pagsasalita ng wikang Ingles kompara sa

ibang mga nasyonalidad kaya naman mas tinatangkilik ng mga banyagang employer

ang mga Pilipino. Sa katunayan, nangingibabaw ang Pilipinas pagdating sa business

process outsourcing (BPO). Ang mataas na antas ng kasanayan at kasipagan ng mga

Pilipino ang nagbibigay-daan sa de kalidad na paggawa na siya namang gustonggusto

ng mga mamumuhunan.

Marami ring Pilipino ay may mataas na pinag-aralan at bihasa sa paggamit

ng mga makabagong teknolohiya. Sila ay computer literate at bihasa sa iba’t ibang

larangan ng pagbibigay ng paglilingkod na nagpapatunay ng kanilang kahandaang

makipagsabayan sa pandaigdigang larangan ng paglilingkod.

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp

on September 12, 2014

http://www.crvp.org/book/series03/iii-7/chapter_iv.htm Retrieved on November 7, 2014

Business Mirror. (2014). Large potential for bpo sector remains in Philippines. Retrieved from http://www.businessmirror.com.ph/

index.php/en/business/companies/28894-large-potential-for-bpo-sector-remains-in-phl on November 7, 2014

Gawain 7: PINOY SAAN MAN SA MUNDO

DEPED

Kumpletuhin mo ang dayagram na naglalarawan

COPY

ng katangian ng mga

manggagawang Pilipino na kinikilala sa mundo.

Pamprosesong Tanong:

1. Saang mga larangan nakikilala ang mga manggagawang Pilipino sa

mundo?

2. Sa iyong palagay, sa papaanong paraan mapapangalagaan ang kalagayan

ng mga manggagawang Pilipino?

417

Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

Department of Labor & Employment (DOLE)

– nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,

humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga

sa kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa

kaayusan at kapayapaan sa industriya n g paggawa sa bansa

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

– ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga

Overseas Filipino Workers

Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

– itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na

may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol

sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang

kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

DEPED COPY

Technical Education and Skills Development Authority

(TESDA)

– itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong

ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng

industriya, paggawa, mga lokal na pamahalaan, at mga

institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin

ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa

Professional Regulation Commission (PRC)

– nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga

manggagawang propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa

paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa.

Commission on Higher Education (CHED)

– nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa

bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na

antas.

418

Gawain 8: TULONG PAGLILINGKOD

Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang nilalaman ng graphic

organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Klasipikasyon

ng Ahensya

Mga Ahensiya

ng Pamahalaan

Mga Ahensiyang

Tumutulong

sa Sektor ng

Paglilingkod

Nangangalaga

sa kapakanan

ng mga

manggagawa

Humuhubog

sa kakayahan

ng mga

DEPED

manggagawa

COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga ahensiya ang tumututok sa mga manggagawa sa ibang bansa?

2. Alin sa mga ahensiya ang tumutulong sa pagsasanay sa mga

manggagawang Pilipino?

3. Bakit kailangang siguruhin ang kapakapanan ng mga manggagawang

Pilipino sa ibang bansa?

Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng Manggagawa

ARTIKULO XIII

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT

MGA KARAPATANG PANTAO PAGGAWA

Sek. 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal

at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang

employment at pantay na mga pagkakataon sa trabaho/empleyo para sa lahat.

Dapat nitong garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa

sa pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at

negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang

magwelga nang naaayon sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa

419

trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay.

Dapat din silang lumahok sa mga proseso

ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na

may kinalaman sa kanilang mga karapatan at

benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

Dapat itaguyod ng Estado ang

prinsipyong hatiang pananagutan ng mga

manggagawa at mga employer at ang

preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga

pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan,

kabilang ang konsilyasyon, at dapat ipatupad

ang pagtalima rito ng isa’t isa upang maisulong

ang katiwasayang industriyal.

Karapatan

ng mga

manggagawa

na itinatadhana ng

ating Saligang

Batas

Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga

employer, dahil sa pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang bahagi nito sa

mga bunga ng produksiyon at sa karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa

mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago.

Pinagkunan: http://www.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/ Retrieved on November 7, 2014

DEPED COPY

Pamprosesong Tanong:

1. Gamit ang radial cluster diagram sa gilid, isa-isahin ang mga karapatan ng

mga manggagawang inilalahad ng ating Saligang Batas.

2. Bakit kailangang siguruhin ang kapakapanan ng mga manggagawang

Pilipino sa loob at labas ng bansa sa pamamagitan ng mga probisyon sa

ating Saligang Batas?

Noong taong 2014 ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng

Department of Labor and Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga

manggagawa ayon sa batas. Ito ang magsisilbing gabay at makapagbibigay ng dagdag

kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa larangan ng paggawa. Narito ang ilan sa

mahahalagang probisyon ng nasabing handbook.

• Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)

– nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang

pasahod o minimum wage na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor

na kinabibilangan ng sumusunod: hindi pang-agrikultura (non-agriculture),

plantasyong pang-agrikultura at di-pamplantasyon, cottage/sining sa pagyari

sa kamay, at pagtitingi/serbisyo, depende sa bilang ng mga manggagawa o

puhunan o taunang kita sa ilang mga sektor.

• DAGDAG NA BAYAD TUWING PISTA OPISYAL (Holiday Pay - Artikulo 94)

- tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw

na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.

420

• DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY

(Premium Pay - Artikulo 91-93) - karagdagang bayad sa manggagawa sa

loob ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days

• DAGDAG NA BAYAD PARA SA TRABAHO NG LAMPAS SA WALONG

ORAS (Overtime Pay - Artikulo 87) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho

na lampas sa walong (8) oras sa isang araw

• DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI (Night Shift Differential

- Artikulo 86) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa

sa sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na

ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga

• SERVICE CHARGES (Artikulo 96) - Lahat ng manggagawa sa isang

establisimyento o kahalintulad nito na kumokolekta ng service charges ay may

karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa walumpu’t limang porsiyento o

bahagdan (85%) na kabuuang koleksiyon. Ang service charges ay kadalasang

kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan o restaurant, night club, cocktail

lounges at iba pa.

• SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL – Artikulo 95) - Ang bawat manggagawa na

nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat magkaroon

DEPED COPY

ng karapatan sa taunang service incentive leave (SIL) na limang (5) araw na

may bayad.

• MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282) - Ang bawat

nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor,kasal

man o hindi, ay makatatanggap ng maternity leave na animnapung (60) araw

para sa normal na panganganak o pagkakunan; o pitumpu’t walong (78) araw

para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama ang mga

benipisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%) ng humigit kumulang

na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.

• PATERNITY LEAVE (RA 8187) - maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa

unang apat (4) na araw mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang

kapisan; Para sa layuning ito, ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon

ng asawang babae at asawang lalake na magsama sa iisang bubong.

• PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG (RA 8972) -

ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na napagiwanan

ng responsibilidad ng pagiging magulang

• LEAVE PARA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN SA

KABABAIHAN AT KANILANG MGA ANAK (Leave for Victims of Violence

Against Women and their Children - RA 9262) – Ang mga babaeng empleyado

na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, sikolohikal, o anumang uri ng

paghihirap, kasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento, pagbabanta,

421

pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang

makisalamuha o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating

asawa o kasintahan ang may karapatang gumamit ng leave na ito.

• SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN (RA 9710) - Kahit sinong babaeng

manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil, ay may karapatan sa special

leave benefit kung ang empleyadong babae ay mayroong gynecological

disorder na sinertipikahan ng isang competent physician.

• THIRTEENTH-MONTH PAY (PD 851) - Lahat ng empleyo ay kinakailangang

magbayad sa lahat ng kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month

pay anumang estado ng kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan

ng kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na sila ay nakapaglingkod

nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay makatanggap

ng proportionate thirteenth-month pay. Ang thirteenth-month pay ay ibinibigay

sa mga empleyado nang hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawa’t taon.

• BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO (Separation Pay - Artikulo 297-298)

- Kahit sino mang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya

ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng

Labor Code of the Philippines. Ang karapatan ng manggagawa sa separation

pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa paglilingkod.

Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatwirang

kadahilanan (i.e., malubha o palagiang pagpapabaya ng manggagawa sa

DEPED COPY

kaniyang mga tungkulin, pandaraya, o paggawa ng krimen), at iba pang

mga kahalintulad na dahilan na nakasaad sa Artikulo 296 ng Labor Code.

Sa pangkalahatan, maaari lamang magkaroon ng bayad sa paghihiwalay sa

trabaho kung may mga awtorisadong kadahilanan.

• BAYAD SA PAGRERETIRO (Retirement Pay - Artikulo 3015) - Ang sinumang

manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na

animnapung (60) taon hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang at

nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.

• BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PROGRAM (PD

626) - isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng

isang compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga

manggagawang nagtatrabaho sa pampubliko at pampribadong sektor sakaling

may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, pinsala,

kapansanan, o kamatayan.

• BENEPISYO SA PHILHEALTH (RA 7875, as amended by RA 9241) - Ang

National Health Insurance Program (NHIP), dating kilala bilang Medicare, ay

isang health insurance program para sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang

dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa pananalapi sa may

sakit, na maaaring mangangailangan ng pinansiyal na tulong kapag sila ay

na-ospital.

422

• BENEPISYO SA SOCIAL SECURITY SYSTEM (RA 1161, as amended by

RA 8282) - nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon

ng kamatayan, kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at katandaan ng

empleyado. Ang Social Security System (SSS) ay nagbibigay bilang kapalit sa

nawalang kita dahil sa mga nabanggit na contingencies.

• BENEPISYO SA PAG-IBIG (Republic Act No. 9679) - Ang Home Development

Mutual Fund, na kilala bilang Pag-IBIG (Pagtutulungan Sa Kinabukasan: Ikaw,

Bangko, Industriya sa Gobyerno) Fund ay isang a mutual na sistema nang

pag-iimpok at pagtitipid para sa mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan

at sa iba pang grupo na kumikita, na suportado sa pamamagitan ng parehas

na ipinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga may-pagawa na

ang pangunahing investment ay pabahay.

Pinagkunan: http://www.bwc.dole.gov.ph/userfiles/file/Handbook-Tagalog.pdf Retrieved on November 7, 2014

Samantala, isa sa pinakamabigat na suliranin ng mga manggagawang Pilipino

sa sektor na ito kagaya ng ibang sektor ay ang lumalalang kontraktuwalisasyon sa

paghahanapbuhay. Isa itong patakaran kung saan ang isang manggagawa ay nakatali

sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng 5 buwan lamang. Nagbunsod ito

ng kawalan ng seguridad sa trabaho at pagkait sa mga benepisyo.. Ito ay dulot na

rin ng pabago-bagong polisiya ng pamahalaan ukol sa paggawa, pagpayag sa mga

kompanya

DEPED

na gamitin ito bilang iskema sa pagtanggap

COPY

ng mga empleyado at pagabuso

sa probisyon ng “labor-only contracting” na pinagtibay sa Artikulo 106 ng Atas

ng Pangulo Blg. 442 o Kodigo sa Paggawa.

Maliban sa mga batas na nabanggit, ayon naman sa International Labor Organization

(ILO) ang pinakamahalagang karapatan ng manggagawa ay ang sumusunod:

Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na

malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.

Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang

bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.

Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping

trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho

bunga ng ng pamimilit o ‘duress’.

Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.

Samakatuwid mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho

para sa mga kabataan.

Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na

suweldo para sa parehong trabaho.

Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib

at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay

dapat walang panganib at ligtas.

Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa

makataong pamumuhay.

Pinagkunan: http://karapatanmanggagawa.wordpress.com/kasaysayan/ Retrieved on November 7, 2014

423

Gawain 9: BATAS-PAGLILINGKOD

Batay sa iyong binasang teksto ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa

ayon sa batas, kompletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos

ay sagutin ang Guide Question Sheet.

Batas:

Mahalagang Probisyon:

Batas na

nangangalaga

sa karapatan

ng mga

manggagawang

Pilipino

DEPED COPY

Sagutin mo ang sumusunod na tanong at humanap ng isang kamag-aral.

Suriin ninyo ang naging kasagutan ng bawat isa. Ilagay sa ikalawang hanay ng Guide

Question Sheet kung kayo ay may pagkakatulad na sagot o wala.

(May pagkakatulad)

(Walang pagkakatulad)

TANONG

1. Sa mga nabanggit na probisyon, alin ang maituturing mong

pinaka-nakabubuti sa mga manggagawa? Pangatwiranan.

2. Paano makabubuti sa mga manggagawa ang mga napiling

probisyon?

3. Alin sa mga probisyon ang sa palagay mo ang nakakaligtaan

o napapabayaan ng kinauukulan? Ipaliwanag.

4. Ano ang kontraktuwalisasyon? At ano ang epekto nito sa

mga manggagawang Pilipino?

5. Alin sa mga karapatan na binanggit ng ILO ang sa palagay

mo ay hindi naisasakatuparan sa bansa? Paano ito

maaaring mapalakas o maipalaganap?

424

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa sektor ng paglilingkod,

maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong

sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng sektor na ito.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral

ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa sektor ng paglilingkod. Kinakailangan

ang mas malalim na pagtalakay sa sektor ng paglilingkod upang maihanda ang

iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 10: SULIRANIN AT DAHILAN

Tukuyin mo ang nilalaman ng mga larawan at isulat mo sa kahon ang sa

palagay mo ang dahilan ng mga ito.

DEPED COPY

425

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa?

2. Paano nakaaapekto sa isang bansa ang pagbagsak ng kalidad ng

edukasyon?

3. Bakit dumarami ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na

nangingibang-bayan partikular na ang labor skilled worker at propesyonal?

DEPED

4. Sa iyong palagay, magiging maunlad

COPY

ba ang ekonomiya ng isang bansa

kung sisiguraduhin ng pamahalaan na mapapangalagaan ang kapakanan

ng mamamayan?

Gawain 11: PAGLILINGKOD-POSTAL

Susulat ka ng isang BUKAS NA LIHAM para sa tanggapan ng Pangulo ng

bansa. Ang liham ay dapat na maglaman ng mga natutuhan, reyalisasyon, at opinyon

mo tungkol sa sektor ng paglilingkod sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Maglagay

ka ng iyong mga mungkahing programa para sa kagalingan ng mga manggagawang

Pilipino.

RUBRIK PARA SA BUKAS NA LIHAM

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS

Pagkilala sa sarili

Paglalahad ng

sariling saloobin

sa paksa

Maliwanag na nailahad ang lahat

ng mga tanong at isyung nalutas

at hindi nalutas, at nakagawa

ng kongkreto at akmang

kongklusyon batay sa pansariling

pagtataya.

Napakaliwanag ng paglalahad ng

saloobin sa paksa.

25

25

NAKUHANG

PUNTOS

426

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS

NAKUHANG

PUNTOS

Pagpapahalagang

natalakay sa

aralin

Natukoy ang lahat ng mga

pagpapahalagang natalakay sa

paksa.

25

Pagsasabuhay

ng mga

pagpapahalagang

natutuhan sa

paksa

Makatotohanan ang binanggit

na paraan ng pagsasabuhay

ng mga pagpapahalagang

natutuhan sa paksa.

25

KABUUANG PUNTOS 100

Gawain 12: SALIK-ULAT: PAGSASALIKSIK AT PAG-UULAT

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay dagdagan mo pa ang iyong kaalaman

kaugnay sa paksang tinalakay.

Gabay sa Pagsasaliksik

DEPED COPY

1. Magsaliksik sa mga aklatan, magasin, o sa mga internet website ng ilang

mga isyu tulad ng labor outsourcing at salary standardization law.

2. Gumawa ng pagbubuod gamit ang mga graphic organizer ukol sa kanilang

pamamaraang ginamit upang mapalakas at maproteksiyunan ang sektor

na ito.

3. Ibahagi sa klase ang resulta ng ginawang pananaliksik.

RUBRIK PARA SA PAGMAMARKA NG PAGSASALIKSIK

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS

Nilalaman

Kumpleto at kumprehensibo

ang nilalaman ng pagsasaliksik.

Wasto ang lahat ng impormasyon.

Gumamit ng mga primarya

at sekondaryang sanggunian

upang mabuo ang nilalaman.

May mga karagdagang

kaalaman na matututunan mula

sa pagsasaliksik.

NAKUHANG

PUNTOS

427

PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS

Paglalahad ng

pananaw

Mensahe

Masusing sinuri at tinimbang

ang mga pananaw na inilahad.

Nakabatay sa moralidad,

ebidensiya, at sariling pagsusuri

ang paglalahad ng pananaw.

Hindi nagpakita ng pagpanig

sa sino mang personalidad o

pangkat.

Malinaw na naipabatid ang

mensahe ng pagsasaliksik.

Naimulat ang mga manonood

sa mga katotohanan at maling

pananaw ukol sa paksa ng

pagsasaliksik. Nakabatay ang

mensahe sa mga nilalaman

ng sangguniang ginamit.

Nahikayat ang mga manonood

na kumilos ayon sa mensahe ng

pagsasaliksik.

NAKUHANG

PUNTOS

DEPED COPY

Presentasyon

Pagkamalikhain

Organisado, malinaw, simple,

at may tamang pagkakasunodsunod

ang presentasyon ng

mga pangyayari at ideya sa

pagsasaliksik. Malinaw ang daloy

ng istorya at organisado ang

paglalahad ng mga argumento at

kaisipan.

Malikhain, malinis, at

kumprehensibo ang nabuong

pagsasaliksik. Gumamit ng iba

pang midya o teknolohiya bukod

sa hinihingi ng gawain upang mas

maging kaaya-ayang panoorin

ang ginawang pagsasaliksik.

Nakatulong ang mga ginamit

na midya o teknolohiya upang

makakuha ng karagdagang

impormasyon na nagpayaman sa

pagsasaliksik.

KABUUANG PUNTOS 100

428

Gawain 13 : CALLOUT

Balikan mo ang iyong inilagay sa una at pangalawang speech balloon at

kompletuhin mo na ang callout speech balloon na ito sa pamamagitan ng paglalagay

mo ng iyong mahalagang natutuhan sa aralin na ito. Isulat mo ito sa ikatlong speech

balloon.

Ang aking gustong

malaman ay ____________

Ang

aking paunang

nalalalaman ay_________

Ang aking mga

nalaman ay____

DEPED COPY

MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain!

Transisyon sa Susunod na Aralin

Inilahad sa aralin na ito ang bumubuo, naging bahaging ginampanan, at

kontribusyon ng sektor ng paglilingkod sa pambansang ekonomiya. Natalakay

rin ang mga katangian ng mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor na

ito na kinikilala sa buong mundo at mga suliraning kinakaharap nila. Sa gitna ng

mga hamon na ito, ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa para sa

kanilang kapakanan sa tulong ng mga ahensiyang may kaugnayan sa kanila at

mga batas na kumikilala sa kanilang karapatan.

Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang isa pang sektor pang-ekonomiya

na patuloy na lumalago sa ating bansa – ang Impormal na Sektor. Tatalakayin sa

aralin na ito ang mga kadahilanan, epekto, at kung paano pahahalagahan ang

sektor na ito.

429

PANIMULA

Ang pagkamit ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan.

Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng

ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan.

Sa nakaraang mga aralin, iyong naunawaan ang mga bahaging ginagampanan

ng mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod upang matugunan ang mga

pangangailangan ng ekonomiya at makamit ang pambansang kaunlaran. Subalit, hindi

masasabing komprehensibo ang pag-aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung hindi

natin maibibilang ang pagsusuri ng tinatawag nating impormal na sektor sapagkat

maraming mga mamamayan ang kabilang dito.

Kaugnay nito, ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal na sektor

ng ekonomiya. Upang higit mong maunawaan ang mga konseptong nakapaloob sa

paksang ito, ikaw ay haharap sa mga impormatibong tekstong siyang magbibigay

sa iyo ng mga impormasyon at mga mapanghamong gawain na pupukaw sa iyong

interes at magdudulot ng kaalaaman.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagsusuri ng mga dahilan

at epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya at mapahahalagahan

ang mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor.

DEPED

ARALIN 5

COPY

ANG IMPORMAL NA SEKTOR:

MGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA

ALAMIN

Matapos mong matutuhan ang mga konsepto at kung paano

nakatutulong ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod sa

ekonomiya ng ating bansa, ngayon naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa

impormal na sektor. Upang higit na maging masaya ang iyong paglalakbay

upang maunawaan ang tungkol sa paksang ito, halina’t simulan mo munang

maglaro at sagutin ang mga susunod na gawain.

Gawain 1: SHAPE’S TEXT BOX

Ayusin ang sumusunod na titik na nasa loob ng shape box upang mabuo ang

salita o konsepto na tumutukoy sa iba’t ibang gawain o hanapbuhay. Isulat ang iyong

sagot sa patlang na nasa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong

tanong.

430

E A R L A N B D A

A B U L T

E O D R N V

A T H O

E V N D O R

A B C E P I D

R E V I D R

K L W A I D E S

N V O R D E

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng mga nabuo mong uri ng hanapbuhay?

2. Alin sa mga salitang ito ang bago o hindi mo ganap na nauunawaan? Bakit?

3. Sa iyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya ng bansa?

Bakit?

DEPED COPY

Gawain 2: PHOTO-BUCKET

Suriin ang photo-bucket na nasa ibaba at sagutin ang Pamprosesong Tanong:

Pinagkunan: http://watwatworldcom.c.presscdn.com/wp-content/uploads/underground-economy.jpg Retrieved on

November 7, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Patungkol saan ang mga larawan?

2. Saang lugar mo madalas makikita ang mga ganitong sitwasyon?

3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at pamumuhay

ng mga tao?

431

Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat

ang iyong nalalaman tungkol sa pamilihan.

Gawain 3: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran

sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo ang pinakaibabang bahagi ng

pyramid of knowledge chart upang masukat ang inisyal na kasagutan mo (initial idea)

bilang mag-aaral sa katanungang nasa ibaba. Ang gitnang bahagi ay pupunan mo

lamang pagkatapos ng paunlarin at ang pinakaitaas na bahagi ay pupunan mo

lamang pagkatapos ng gawain sa pagnilayan. Iyong ingatan ang iyong pyramid of

knowledge chart, maaari mo itong ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ay

iyong kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng araling ito.

DEPED COPY

Ano-ano ang dahilan at epekto ng

pag-iral ng impormal na sektor ng

ekonomiya?

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksang

pamilihan at mga estruktura nito, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi

ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor.

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol

sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/

kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing sadyang inihanda

upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin

ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya

o konsepto tungkol sa impormal na sektor. Inaasahang magagabayan ka ng

mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung ano ang dahilan at

epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya. Halina’t umpisahan

mo sa pamamagitan ng unang babasahing nasa susunod na pahina.

432

ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG

Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing

nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang

uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing

countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong

sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar

sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang

pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing

pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang

konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinangayunan

ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang isinagawang

First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta

ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas

ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.

Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng

resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal

na sektor. Sa isinagawang 15 th International Conference of Labor Statisticians noong

Enero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay

nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa

ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho

at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa

DEPED COPY

dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at

pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa

ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o

malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda

ng pamahalaan.

Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office

(NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey

tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos

10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed

ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong

katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng taong ding iyon

(Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa

at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito,

2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa

35 gulang pataas.

Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National

Economic and Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector

and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo,

Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na

sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga

433

mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong

tutugon sa ating mga pangangailangan.

Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic

Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo

mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa

ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (House

of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors

Share in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng

BLES NSO 2007.

INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES

Countries (years)

Percent of

Total GDP

DEPED COPY

na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng

434

Percent of Non-

Agricultural GDP

Philippines (1995) 25.4 32.5

Philippines (2001-2006) 20-30 -

Korea (1995) 15.9 16.9

Indonesia (1998) 25.2 31.4

Pakistan (1997) 21.2 28.7

India (1990-91) 32.4 48.1

Source: Charmes 2000, BLES, 2007

Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government

organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at

ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo

kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa

dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan

ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer

(PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan

ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor

bilang underground economy o hidden economy.

Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga

nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindi

rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa

sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal

na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD)

at digital video disc (DVD).

Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na

sektor:

‣ Hindi nakarehistro sa pamahalaan;

‣ Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;

‣ Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng

pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor.

Ito ay nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig. Ayon nga kay Hedayet Ullah

Chowdhury, Assistant Professor, Kazakhstan Institute of Management, Economics,

and Strategic Research, sa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal of

Development, ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon.

Ang pag-iral nito sa iba’t ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito

ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyon. Gayumpaman, hindi

maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na

sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.

Gawain 4: PROJECT R.A.I.D. (READ, ANALYZE, INTERPRET, & DRAW)

Batay sa tekstong iyong nabasa, sagutin mo ang pamprosesong tanong.

Pagkatapos ay punan mo ang tri-linear model chart na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto?

2. Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto?

Bakit?

DEPED

3. Mula sa datos na nakalap mo sa teksto,

COPY

iguhit at punan mo ng kasagutan sa

iyong kuwaderno o papel ang dayagram na nasa ibaba.

‣ TRI-LINEAR MODEL

Gawain 5: WORDS/CONCEPT OF WISDOM! Sabi Nila! Isulat Mo!

Layunin ng gawain na ito na mabigyang diin sa pamamagitan ng pagpunan

sa boxes ang mahahalagang konseptong sinabi ng ilang piling tao o organisasyon

tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong iyong nabasa.

1

2

W. ARTHUR LEWIS

HEDAYET ULLAH

CHOWDHURY

435

3

4

5

6

7

8

CLEOFE S. PASTRANA

INTERNATIONAL LABOR

ORGANIZATION (ILO)

CIELITO HABITO

IBON FOUNDATION

HOUSE OF

REPRESENTATIVES

INFORMAL SECTOR

SURVEY/ NATIONAL

STATISTICS OFFICE (NSO)

Matapos mong maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor at mga

dahilan at epekto ng pag-iral nito sa ekonomiya ng bansa, ngayon naman ay ihanda

mo ang iyong sarili upang maunawaan at mapahalagahan mo ang mga patakarang

pang-ekonomiyang may kinalaman dito.

DEPED COPY

Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya

Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit

patuloy na lumalaganap ang impormal na sektor sa iba’t ibang bansa. Sa pangkalahatan,

sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mga

sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay o

kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa ay ilan

sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor.

Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012)

nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit

pumapasok ang mga mamamayaan sa impormal na sektor:

‣ Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;

‣ Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng

pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic

red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng

pamahalaan;

‣ Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga

batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos;

‣ Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital

o puhunan; at

‣ Mapangibabawan ang matinding kahirapan.

Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa

Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na

lumalaki ang impormal na sektor.

436

Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor

ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang

mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag

laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin,

kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon.

Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng

sumusunod na epekto sa ekonomiya:

‣ Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa

impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis

mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking

pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa

pangongolekta ng buwis.

‣ Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal

na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas

tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay

hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer

Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay

maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.

DEPED

‣ Paglaganap ng mga ilegal na gawain –

COPY

Dahil sa kagustuhan na kumita nang

mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na

kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa ng mga

gawaing labag sa batas ay ang prostitusyon, pagbebenta ng ipinagbabawal na

gamot, at ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit

na isyu ngayon ay ang pamimirata partikular na ang software piracy. Ayon sa

Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang

permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng

isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamayari

nito (Intellectual Property Rights---IPR).

Gawain 6: TEKSTO-SURI

Batay sa tekstong iyong binasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong na

nasa ibaba at punan ang radial cycle.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto?

2. Isa-isahin ang mga inilahad na dahilan kung bakit umiiral o lumalaganap

ang impormal na sektor. Isulat ang iyong kasagutan sa radial cycle na nasa

ibaba.

437

3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok

ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit?

4. Gamit ang cycle matrix chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga epekto ng

DEPED

impormal na sektor.

COPY

438

Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal

na Sektor

Ang ilan sa mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may

kaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod:

1. REPUBLIC ACT 8425

Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty

Alleviation Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11, 1997 at

pormal na ipinatupad noong Hunyo 3, 1998. Itinatadhana ng batas na ito

ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged

sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan

sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging

ekolohikal. Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda

(SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa

impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas

na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang

ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may

kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng

NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang

ambag sa ekonomiya ng bansa.

Maliban pa rito, ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 842,5 ang mga bumubuo

sa basic at disadvantaged sectors ng lipunang Pilipino ay ang sumusunod;

magsasaka, mangingisda, manggagawa sa pormal na sektor, migrant

workers (OFW), kababaihan, senior citizens, kabataan at mga mag-aaral

DEPED COPY

(15-30 taong gulang), mga bata (minors - 18 taong gulang pababa), urban

poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang

mababa), mga manggagawa sa impormal na sektor, mga katutubo,

mga may kapansanan (differently-abled persons), non-governmental

organizations (NGO’s), at mga kooperatiba.

2. REPUBLIC ACT 9710

Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala

bilang Magna Carta of Women. Ayon sa batas na ito, ang National

Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging Philippine

Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang

pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para

sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against

Women’s (CEDAW). Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan

para itaguyod ang pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay

inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan,

kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at

pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay

at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa kasapatan

ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay,

pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity)

at iba pang panlipunang aspekto. Ang batas na ito ay malaking tulong

439

sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National

Statistics Office (NSO), halos kalahati ng mga bumubuo sa sektor na ito

ay kababaihan.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442

Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong

Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa

mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal

na manggagawa”---kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay,

batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal na sektor.

Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code, ito ay may probisyon tungkol sa

pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay

pa ang kanilang mga kasanayan.

4. REPUBLIC ACT 7796

Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994

na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994. Layunin ng batas na ito

na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor

ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at

bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan

DEPED

para sa pagpapataas o pagpapaibayo

COPY

ng kalidad ng yamang tao ng ating

bansa. Sa ilalim din nito ay itinalaga ang Technical Education and Skills

Development Authority (TESDA) bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag

upang makapagbigay ng edukasyong teknikal.

5. REPUBLIC ACT 8282

Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana

ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at

itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.

Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan,

panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Upang

maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong

sektor maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng

Social Security System (SSS) bilang ahensiya ng pamahalaan na may

tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan

ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga personal na kontribusyon ng

mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa

oras ng kanilang pangangailangan.

6. REPUBLIC ACT 7875

Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang

National Heath Insurance Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag

ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong

mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang

maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa

440

programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga

mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila

ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na

lamang ng operasyon at hospitalization program.

Maliban pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para sa

mga partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng Magna Carta for Small

Farmers (R.A. 7607), Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977), at Barangay

Microbusiness Enterprises Act (R.A. 9178). Samantala, ang sumusunod ay ilan sa

mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga mamamayan na bumubuo sa

impormal na sektor:

1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)

Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and

Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa

pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para

sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.

2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)

Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social

Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at

DEPED

pagsasanay upang mapaunlad ng mga

COPY

mahihirap na pamilya ang kanilang

mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan

at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa

mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s).

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE

FISHERFOLKS (ISLA)

Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang

pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan

ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga

pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay.

Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda

at kanilang pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing

pangkabuhayan na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)

Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development

(DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o

mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang

isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon

ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay ipinatutupad ng

pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng

kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga

nabanggit na sitwasyon.

441

Tunay ngang maganda ang mga batas, programa, at proyekto ng

pamahalaan para sa impormal na sektor. Ngunit, ang kaukulang implementasyon nito

para sa kapakanan ng mga mamamayan at kabuuan ng ekonomiya ng bansa ang

kinakailangang mabigyan ng kasiguraduhan. Kinakailangan ang pagtutulungan ng

pamahalaan at mga mamamayan upang makamit natin ang minimithing pambansang

kaunlaran. Gayumpaman, hindi rin natin masisi ang mga tao kung sila ay maging

bahagi ng impormal na sektor sapagkat ayon nga kay Bernardo Villegas, isang

kilalang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa ng mga tao ang lumabag sa batas

kaysa magutom o mamamatay”. Kung kaya’t, upang maiwasan ito, marapat lamang na

ang mga mamamayan at pamahalaan ay magkaisa para sa implementasyon ng mga

magagandang batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng

lahat.

Gawain 7: ULAT SA BAYAN: AYON SA BATAS!

Matapos mong mabasa ang mga teksto tungkol sa mga programa at mga

batas at mga patakarang pang-ekonomiya tungkol sa impormal na sektor, sagutin mo

ang mga pamprosesong tanong na siyang susukat sa antas ng iyong kaalaman at

pang-unawa.

Pamprosesong

DEPED

Tanong:

COPY

1. Batay sa teksto, ano ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang

mabigyan ng solusyon o mapabuti ang mga mamamayang nasa impormal

na sektor?

2. Sa pamamagitan ng hierarchy list chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga

batas at programa o proyekto ng pamahalaan na may kaugnayan sa

impormal na sektor.

Mga batas na may kaugnayan sa

impormal na sektor

Mga programa, proyekto, o patakarang

pang-ekonomiya na may kaugnayan sa

impormal na sektor

442

Mahusay! Ngayong natapos mo ang mga teksto at mga gawain upang iyong

maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor, sa puntong ito ay sukatin mo ang

iyong kaalaman sa pamamagitan ng maikling pagsusulit.

Gawain 8: PORMAL o IPOPORMAL:TAMA o MALI: Sagutin Mo!

Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama o mali.

Lagyan ng salitang PORMAL kung TAMA ang mensahe at IPOPORMAL kung ito ay

MALI.

1. Ang pormal na pagsisimula ng paggamit ng terminong “impormal na sektor”

ay pinasimulan ni Keith Hart noong taong 1973.

2. Ang International Labour Organization (ILO) ay nagpalabas ng

pandaigdigang batayan ng paglalarawan ng impormal na sektor.

3. Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa yunit na nagsasagawa ng

mataas na antas ng organisasyon na may sinusunod na takdang kapital at

pamantayan ng produksiyon.

4. Batay sa 2008 Informal Sector Survey (ISS), mayroong halos 10.5 milyon

ang kabilang sa impormal na sektor.

5. Ang impormal na sektor ay nakarehistro at sumusunod sa batas at

pamantayan ng pamahalaan.

6. Ang Asian Development Bank (ADB) ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol

sa ekonomiya at impormal na sektor ng 162 bansa sa daigdig.

DEPED COPY

7. Ayon sa 2007 BLES NSO Report, ang impormal na sektor ay nakapagambag

ng 10-15% sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng ating

bansa.

8. Inilarawan ng IBON Foundation ang impormal na sektor bilang sektor na

binubuo ng mga taong “isang kahig, isang tuka”.

9. Ang karaniwang katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro,

hindi nagbabayad ng buwis, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na

balangkas ng pamahalaan.

10. Ang impormal na sektor ay kilala rin bilang underground o hidden economy.

Gawain 9: IPORMAL MO! JUMBLED LETTERS!

Suriin ang sumusunod na pahayag o katanungan at tukuyin ang kasagutan sa

pamamagitan ng pagsasaayos ng mga nakalaang titik.

1. Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang antas ng

produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa

pagpapatakbo ng negosyo. MIORPALM AN ORSKET

2. Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon

sa pamahalaan. CITARCUAERUB DER EATP

3. Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan

upang maisagawa ang mga program at proyektong panlipunan. ISUBW

4. Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa mamimili

443

laban sa mga depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta sa

kanilang kapahamakan. ITYQAULI TRLONOC

5. Ito ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga

pelikula, musika, at iba pa sa anyong CD, VCD, o DVD. ERTFSOAW

IRYCAP

6. Ang programa ng pamahalaan, ayon sa itinatadhana ng R.A. 8425, na

naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal

na sektor. ALCISO FROERM GENADA

7. Batay sa pag-aaral at sarbey sila ang bumubuo sa halos kalahati ng

kabuuang populasyon ng impormal na sektor. AIHKBANABA

8. Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga

manggagawa. ENILIPPHP OBLRA OCDE

9. Ang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng

edukasyong teknikal at kasanayan sa mga Pilipino. EDTSA

10. Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan, o

serbisyong medikal para sa mga manggagawa. HTEALHILPH PGRMAOR

Sa puntong ito, maaari mo nang sagutan ang gitnang bahagi ng Pyramid

of Knowledge Chart na kung saan mula sa kaalaman na iyong natutuhan mula sa

iyong mga nabasang teksto ay sasagutin mo ang gitnang bahagi ng chart.

DEPED COPY

Gawain 10: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran

sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo ang gitnang bahagi ng pyramid of

knowledge chart batay sa mga kaalaman na iyong nakuha mula sa pagbabasa ng

mga teksto. Ang pinakaitaas na bahagi ay pupunan mo lamang pagkatapos ng gawain

sa pagnilayan. Iyong ingatan ang iyong pyramid of knowledge chart. Maaari mo

itong ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ay iyong kakailanganin hanggang

sa dulong bahagi ng modyul na ito.

Ano-ano ang dahilan at epekto ng

pag-iral ng impormal na sektor ng

ekonomiya?

444

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol

sa impormal na sektor kaugnay ang mga dahilan, epekto, at mga batas na may

kinalaman dito, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin upang

higit mong maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang

mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa impormal na sektor, mga

dahilan at epekto nito sa ekonomiya, at mga batas, programa, at patakarang

pang-ekonomiya na may kaugnayan dito. Kinakailangan ang mas malalim na

pagtalakay sa kahalagahan ng pamilihan upang maihanda ang iyong sarili sa

pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Gawain 11: DISCUSSION WEB! PANGATWIRANAN MO!

DEPED COPY

Ang layunin ng gawaing ito ay masukat ang iyong natutuhan ukol sa impormal

na sektor at sanayin ang kasanayan mo sa sistematikong pangangatwiran. Ikaw

ay gagawa ng katulad na pigura ng discussion web chart na nasa ibaba upang

pangatwiranan kung nakabubuti ba o nakasasama sa ekonomiya ng bansa ang pagiral

ng impormal na sektor. Pagkatapos nito ay sasagutin mo ang mga pamprosesong

tanong upang mas maging kongkreto ang iyong kaalaman ukol sa impormal na sektor.

DAHILAN /

PALIWANAG

NAKAKABUTI

BA O

NAKASASAMA

SA EKONOMIYA

ANG PAG-IRAL NG

IMPORMAL NA

SEKTOR

DAHILAN /

PALIWANAG

KONGKLUSYON

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging batayan mo sa pagbibigay ng desisyon ng kabutihan at

hindi kabutihan ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya?

Ipaliwanag.

445

2. Sa anong panig ka nahirapang maglahad ng mga kadahilanan? Bakit?

3. Ano ang pangkalahatang repleksiyon o kongklusyon mong nabuo

tungkol sa pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya ng bansa?

Pangatwiranan ang iyong kasagutan.

Gawain 12: FLASH REPORT: STORY MAP CHART!

Batay sa balita sagutin mo ang mga pamprosesong tanong at bumuo ng isang

story map chart.

Street Vendors, legal sa Olongapo

Posted by Online Balita on Nov 30, 2012

Kung sa Metro Manila ay itinataboy at hinuhuli ang mga street vendor, gagawin

nang legal sa Olongapo City ang paglalako ng paninda sa paligid ng East Bajac

Bajac (EBB) Public Market simula sa Disyembre 1, 2012. Ito ay matapos maisaayos

kamakailan ng pamahalaang lokal ang itinalagang paglalagyan sa mga vendor

sa mismong palengke kung saan hindi sila magiging sagabal sa mga mamimili at

dumaraang sasakyan.

Ayon kay Dr. Arnold Lopez, public market administrator, tugon ito sa nais ni

Mayor

DEPED

James `’Bong” Gordon, Jr. na malayang

COPY

makapaghanapbuhay at magkaroon

ng patas na oportunidad ang maliliit na negosyo sa lungsod. Aniya, pangkalahatan

pakinabang ng publiko ang nagbunsod sa Gordon administration na makaisip ng

paraan upang maresolba ang problema ng illegal market vendors.

Sa pamamagitan nito ay matitigil na ang reklamo ng mga konsyumer at mga

residente sa pagsisikip ng mga kalyeng nakapaligid sa naturang pamilihan na sanhi

ng malaking abala sa kanila gayundin sa mga sasakyang gumagamit sa mga ito.

Ikinatuwa naman ng mga market vendors ang solusyon na ipatutupad ng city hall.

‘’Sang-ayon po kami sa bagong set-up na naisip ni Mayor Gordon. Proteksiyon

din po ito sa amin na nais kumita sa matinong paraan. Sawa na po kami na palaging

ipinagtatabuyan at kinokotongan at minsan ay pinagmumura pa ng ilang abusadong

kawani ng palengke,’’ ang sabi ni Marco Antonio, pangulo ng EBB Market Vendors

Association. Idinagdag pa ni Dr. Lopez na basta’t susunod lamang ng maayos ang

mga vendors sa patakaran ng pamunuan ng palengke ay tahimik at malaya silang

makakapaghanapbuhay. – Beth Camia

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang balita?

2. Sa pamamagitan ng story map chart na nasa susunod na pahina, isulat

mo sa loob ng kahon ang mga pinakatampok na mahahalagang detalye

ng balita.

3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang inilalahad ng balita? Bakit?

446

Gawain 13: PANGKATANG GAWAIN: SOCIO-POLITICAL CARICATURE

Ang inyong pangkat ay gagawa ng isang socio-political caricature na kung saan

maglalaman ng larawang guhit bilang representasyon o sumasalamin ng impormal na

sektor. Ito ay dapat naglalaman ng mga elemento ng impormal na sektor sa aspektong

kadahilanan, epekto, at mga batas o patakarang pang-ekonomiya ukol dito. Upang

maisagawa nang maayos ang presentasyon. Isaalang-alang ang sumusunod na

pamprosesong tanong at ang bawat presentasyon ay bibigyan ng marka o puntos

gamit ang rubrik na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong:

DEPED COPY

1. Ano-ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong

ipinakita sa caricature?

2. Isa-isahin at ipaliwanag ang mga simbolismong inyong ginamit para ilahad

ang mensahe ng caricature.

3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang

konsepto ng impormal na sektor? Pangatwiranan ang inyong sagot.

RUBRIK PARA SA SOCIO-POLITICAL CARICATURE

Pamantayan Indikador Puntos

Kaangkupan sa Tema

Akma ang kabuuang

caricature sa hinihinging

mensahe at tema para sa

impormal na sektor.

10

Natamong

Puntos

Paglalahad ng

Pananaw/Kaisipan

Mahusay na nailahad ang

pananaw/kaisipan gamit ang

mga elemento o simbolismo.

10

Presentasyong Biswal

Masining na ipinakita ang

ideya batay sa kabuuang

larawan.

10

Kabuuang Puntos 30

447

Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa impormal na sektor

at mga konseptong may kaugnayan dito ay sagutan mo na ang pyramid of

knowledge chart.

Gawain 14: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran

sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo na ang pinakataas na bahagi ng

pyramid of knowledge chart batay sa kabuuang mga kaalaman na iyong nakuha mula

sa pagbabasa ng mga teksto. Iyong ingatan ang iyong pyramid of knowledge chart,

maaari mo itong ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ay iyong kakailanganin

hanggang sa dulong bahagi ng modyul na ito.

DEPED COPY

Ano-ano ang dahilan at epekto ng

pag-iral ng impormal na sektor ng

ekonomiya?

MAHUSAY! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga iniatang na gawain!!

448

PANIMULA

“No man is an island.” Ito ay isang popular na kasabihang nagsasaad na walang

tao sa mundo ang maaaring mabuhay nang mag-isa. Nagpapatunay ito na sa buhay

ay kailangan natin ng karamay o kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang akma

sa tao kundi maging sa isang bansa. Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang

ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at higit sa lahat sa pang-ekonomikong

usaping na masasalamin sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

Kaugnay nito, ang araling ito ay patungkol sa kalagayan, kalakaran,

at kahalagahan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. May mga inihandang

mapanghamong mga gawain at mga tekstong babasahin na siyang makapagbibigay

sa iyo ng mga kaalaman at impormasyon upang mabigyang-linaw kung ano ang

kalakalang panlabas at bakit ito nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa sa

daigdig.

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang ikaw ay nakapagtataya ng kalakaran

o sitwasyon ng kalakalang panlabas ng Pilipinas, napahahalagahan ang bahaging

ginagampanan ng kalakalang panlabas sa ekonomiya ng ating bansa, at nasusuri ang

ugnayan at mga patakarang pang-ekonomiya ng Pilipinas sa iba’t ibang samahan o

organisasyong

DEPED

may kinalaman sa kalakalang pandaigdig.

COPY

ARALIN 6

ANG PILIPINAS AT ANG KALAKALANG PANLABAS

ALAMIN

Matapos mong matutuhan ang impormal na sektor at ang mga dahilan

at epekto ng pag-iral nito, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol

sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Upang higit na maging makabuluhan at

mapukaw ang iyong interes halina’t simulan mo munang gawin at sagutin ang

susunod na gawain.

Gawain 1: COUNTRY & FLAG HUNT

Ayusin ang mga titik na nasa loob ng kahon sa HANAY A upang mabuo ang

pangalan ng bansang tinutukoy at pagkatapos ay piliin ang titik ng katumbas na

watawat nito sa HANAY B.

449

HANAY A

HANAY B

DEPED COPY

450

HANAY A

HANAY B

DEPED COPY

Pinagkunan: http://www.worldatlas.com/aatlas/world.

htm Retrieved on November 7, 2014

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga bansang ito ang naging madali o mahirap sagutin at hanapin?

Bakit?

2. Paano nakatulong ang iyong paunang kaalaman sa heograpiya at

kasaysayan ng daigdig upang madali mong masagutan ang bawat bilang?

3. Sa iyong palagay, sa paanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga

bansang ito sa Pilipinas?

451

Gawain 2: HANAP-SALITA

Hanapin ang sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaaring nasa

anyo pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad.

BARTER BATAS BIGAS DOLYAR ELECTRONICS

EXPORT GALLEON GINTO IMPORT KALAKALAN

LANGIS PRUTAS TABAKO TARIPA QUOTA

E K O N O P R U T A S

S A W B A T O U Q E L

Q L G A L L E O N S A

W A R R W D X E A C N

A K E T R O P M I I G

B A X E F D G O T N I

I L Z R O O T A T O S

G A L L L K E K A R L

DEPED COPY

A N Y L U X C E R T B

S A O D P A E D I C A

R P O O T N I G P E T

A R R N M E U L A L A

P T A B A K O D A E S

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga ito ang bago o hindi gaanong pamilyar sa iyo? Bakit?

2. Sa iyong sariling opinyon, paano kaya nagkakaroon ng ugnayan sa bawat

isa ang mga salitang iyong hinanap? Ipaliwanag.

Gawain 3: TOWER OF KNOWLEDGE

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng iyong kaunlaran

sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay sasagutin mo ang katanungang nasa kahon. Isulat

mo sa bahaging SIMULA ang iyong inisyal na kasagutan. Samantalang ang bahagi ng

GITNA at WAKAS ay sasagutan mo lamang sa iba pang bahagi ng iyong paglalakbay

sa araling ito.

452

S

I

M

U

LA

G

I

T

N

A

W

A

K

A

S

Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang

bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan

nito sa ekonomiya ng bansa?

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa kalakalang

panlabas ng Pilipinas, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin

upang higit mong maunawaan ang mas malalim ang paksang ito.

DEPED COPY

PAUNLARIN

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol

sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/

kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing sadyang inihanda

upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin

ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang

ideya o konsepto tungkol sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan.

Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang

mailarawan at masuri ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa

sa larangan ng kalakalan. Umpisahan mo ito sa pamamagitan ng unang

gawain na nasa ibaba.

ANG PRINSIPYO NG KALAKALANG PANLABAS

Isang batayang katootohanan na may mga produkto at serbisyong hindi

kayang matugunan sa loob ng isang lokal na pamilihan ng isang bansa. Kung kaya’t

nagaganap ang tinatawag nating kalakalang panlabas sa pagitan ng mga bansa.

Ayon sa Oxford Dictionary of Economics, ang kalakalang panlabas ay tumutukoy sa

pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa. Pangunahing layunin nito

453

ay matugunan ang mga pangangailangan. Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga

bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang maisagawa

ang produksiyon. Halimbawa, ang ating bansa ay sagana sa mga produktong

agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay, at mga prutas subalit salat naman tayo sa

produktong langis at petrolyo kung kaya’t tayo ay umaasa sa produksiyon ng ibang

bansa. Ang ganitong sitwasyon ang nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral ang

kalakalang panlabas.

Kaugnay nito, ang pag-iral ng sistema ng kalakalang panlabas ay hindi na bago.

Kung ating babalikan ang kasaysayan, bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang

mga sinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan na ng kalakal sa ilalim ng sistemang barter

sa mga Arabo, Tsino, Hapones, Indian, at iba pang dayuhan. Sa ilalim ng sistemang

barter, ang batayan ng pagpapalitan ng kalakal o produkto ay nakabatay ayon sa kung

ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang bansa. Nang dumating ang mga

Espanyol, Amerikano, at Hapones kasabay ng kanilang pananakop sa Pilipinas, ay

lumawak ang sistema ng ating pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa.

Sa kabilang dako, kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-unlad

ng disiplina ng pag-aaral ng ekonomiks ay sumibol ang iba’t ibang mga teorya o

pananaw ng mga ekonomista tungkol sa kalakalang panlabas na siyang nagdulot

ng malawakang pagbabago mula sa sistemang barter noong sinaunang panahon.

Ang absolute advantage at comparative advantage theory ang nagiging basehan ng

mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan. Ang export ay tumutukoy sa

DEPED COPY

pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan, samantalang

ang import ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o

serbisyo mula sa ibang bansa.

Ang absolute advantage theory, ay pinanukala ni Adam Smith. Ito ay kaalinsabay

ng pagkakalathala ng kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the

Wealth of Nations” noong 1176. Isinasaad ng teoryang ito na ang isang bansa ay

dapat na magpakadalubhasa sa paglikha ng mga produkto. Subalit, paano malalaman

ng isang bansa kung anong produkto o serbisyo ang dapat niyang pagtuunan o

pagkadalubhasaang iprodyus? Ang kaisipang ito ay mabisang mauunawaan gamit

ang talahanayang na nasa ibaba.

Bansa

Dami ng

Sapatos

Dami ng Pantalon

A 10 8

B 5 24

Kabuuan 15 32

Ipagpalagay batay sa talahanayan na may dalawang bansa: A at B. Sila ay

nagpoprodyus ng dalawang uri ng produkto: sapatos at pantalon. Iba’t ibang kasanayan

ang kailangan upang makapagprodyus ng mga nabanggit na produkto. Ipagpalagay

454

ing ang mga manggagawa sa bansang A at B ay kayang makagawa ng nabanggit

na kabuuang dami ng sapatos at pantalon sa loob ng isang araw. Samakatuwid,

ang pagiging produktibo ng paggawa ang siyang magsasabi kung gaano karami

ang maaaring magawang sapatos at pantalon. Kung kaya’t ang bansang A ang may

absolute advantage sa produksiyon ng sapatos at ang bansang B naman ay mas

efficient sa pagprodyus ng pantalon.

Ano naman ang maaaring maganap na sitwasyon kung ang isang bansa ay

may absolute advantage sa pagprodyus ng parehong produkto. Bakit mayroon pa ring

kalakalan? Ipagpalagay na may dalawang bansa C at D. Ang mga produkto ay mais at

t-shirts. Ang pagiging produktibo ng isang manggagawa ay makikita sa talahanayan.

Bansa Sako ng Mais T-Shirts

C 20 10

D 4 8

Kabuuan 24 18

Batay sa talahanayan, kayang iprodyus ng bansang C ang mais at t-shirt na

mas efficient kaysa sa bansang D. Samakatuwid, mayroon siyang absolute advantage

sa pagprodyus ng mais at t-shirts. Kung tutuusin, kaya niyang magprodyus ng mais

ng

DEPED

limang beses ang dami kompara sa bansang

COPY

D. Kaya rin ng bansang C na

magprodyus ng 1.25 na beses sa kayang iprodyus na t-shirts ng bansang D. Ngunit

may comparative advantage ang bansang C sa pagprodyus ng mais; ang bansang

D naman ay may comparative advantage sa paggawa ng t-shirts. Sa kabilang dako,

maaari ding ipaliwanag ang comparative advantage gamit ang konsepto ng opportunity

cost.

Para makagawa ng 10 pang t-shirts, kailangang isuko ng bansang C ang 20

sako ng mais. Ang opportunity cost ng pagprodyus ng isang t-shirt ay dalawang sako

ng mais. Para sa bansang D upang makagawa ng 8 pang t-shirts, kailangang isuko

ang 2 sako ng mais. Samakatwid, ang opportunity cost ng pagprodyus ng isang t-shirt

ay kalahating sako ng mais. May mas mababang opportunity cost sa pagprodyus

ng t-shirt ang bansang D, kaya may comparative advantage ang bansang D sa

pagprodyus ng t-shirt.

Kung kaya’t masasabi nating ang isang bansa ay may comparative advantage

sa paggawa ng isang bagay o serbisyo kapag kaya niyang gawin ang produkto

o serbisyo nang mas efficient kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa

larangan ng kanyang paghahambing sa ibang bansa. Ang mga bansa ay dapat na

magpakadalubhasa at mag-export ng mga produkto o serbisyo kung saan siya ay may

comparative advantage at mag-import na lamang ng mga produkto o serbisyo na wala

siyang comparative advantage sa pagprodyus.

455

Gawain 4: TEKS-TO-GRAPH LIST

Basahin at unawain ang tekstong nasa kahon at pagkatapos, sagutin ang mga

pamprosesong tanong gamit ang graphic organizer sa susunod na pahina.

KALAKALANG PANLABAS

Ito ay tumutukoy

sa ______________

Ito ay nagaganap

dahil ___________

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?

2. Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa?

3. Paano binago ng pag-unlad ng pag-aaral ng ekonomiks ang kaisipan

DEPED

tungkol sa kalakalang panlabas?

COPY

Gawain 5: T-CHART: ABSOLUTE o COMPARATIVE

Sa pamamagitan ng t-tsart ay paghambingin mo ang dalawang batayan o kalakaran

ng kalakalang panlabas ng isang bansa batay sa tekstong iyong nabasa.

A. Batay sa Paglikha ng Produkto o Serbisyo:

ABSOLUTE

ADVANTAGE

COMPARATIVE

ADVANTAGE

B. Batay sa Pakinabang sa kalakalan:

ABSOLUTE

ADVANTAGE

COMPARATIVE

ADVANTAGE

456

Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay

sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP), na siyang nagsisilbing sukatan

ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita

ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Samantala,

ang balance of trade (BOT) naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng

halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang pakikipagugnayan

ng ating bansa sa larangan ng kalakalan. Ayon sa June 2014 na ulat na

inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) o dating kilala bilang National Statistics

Office (NSO), tumaas ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas

(export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng $5.444 bilyong

dolyar kumpara sa $4.490 bilyong dolyar na kinita ng bansa noong June 2013. Ang

talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng kabuuang datos tungkol sa ating pagluluwas

(export).

Merchandise Exports Performance of the Philippines as of June 2014

June

2014 p 2013 r

DEPED COPY

TOTAL EXPORTS

FOB Value in Million

US Dollars

Year-on-Year Growth

(Percent)

Electronic Products

FOB Value in Million

US Dollars

Year-on-Year Growth

(Percent)

5,444.41

21.3

2,220.56

10.7

4,490.20

4.1

2,006.19

- 2.2

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/merchandise-exports-performance-june-2014 Retrieved on November 7, 2014

Ayon sa PSA, ang itinuturong kadahilanan ng pagtaas na ito ay dulot ng

paglaki at pagbuti ng kita ng bansa sa walong uri ng produktong iniluluwas. Ang

mga produktong nagrehistro ng malaking antas ng paglago ng kita sa pagluluwas

ay ang machinery and transport equipment, bananas (fresh), other mineral products,

other manufactures, articles of apparel and clothing accessories, ignition wiring set

and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships, at electronic products

and chemicals. Tanging ang cathodes and sections of cathodes at refined copper

ang bumuo sa sampung nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas (Top 10

Exporting Products of the Philippines). Subalit, ang dalawang huling nabanggit na

produkto ay walang naitalang ulat noong Hunyo 2013 kung kaya’t hindi malaman ang

naging growth rate nito. Ang talahanayan sa ibaba ang magpapakita ng kompletong

Top 10 Exporting Products of the Philippines as of June 2014.

457

Top 10 Philippine Export to All Countries: June 2014 p

(Year-on-Year Growth in Percent)

Gainers

Machinery & Transport Equipment 120.4

Bananas (Fresh) 98.9

Losers

Woodcrafts and

Furniture

-9.9

Other Mineral Products 74.2

Other Manufactures 67.8

Articles of Apparel and Clothing

Accessories

Ignition Wiring Set and Other Wiring Sets

Used in Vehicles, Aircrafts and Ships

a/

DEPED COPY

44.5

32.5

Electronic Products 10.7

Chemicals 0.1

Cathodes & Sections of Cathodes, of

Refined Copper

p-preliminary, r-revised,a/ - growth rate not computed, with zero value in June 2013

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/merchandise-exports-performance-june-2014 Retrieved on November 7, 2014

Batay sa talahanayan, ayon sa PSA, ang electronics products ang siyang

nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas na nagrehistro ng $2.221 bilyon. Ito

ay bumuo sa 40.8% ng kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export). Ito ay

nagtala ng 10.7% na bahagdan mula sa kabuuang $2.006 bilyon noong June 2013.

Samantala, ang other manufactures ang pumangalawa na may pinakalamalaking

kita noong June 2014. Ito ay may kabuuang halagang $537.67 milyon na may pagtaas

ng 67.8% mula sa dating $321.00 milyon noong June 2013. Ang machinery and

transport equipment, naman ang pumangatlo na nagtala ng 7.2% sa kabuuang kita

ng bansa. Ito ay may kabuuang halaga na $390.83 milyong dolyar at nakapagtala ng

120.4% kung ihahambing sa $177.37 milyong dolyar noong June 2013. Pumangapat

naman ang other mineral products na may kitang $321.31 milyon. Ito ay nagambag

ng 5.9% sa kabuuang kita ng bansa at nagtala ng 74.2% ng pagtaas mula

sa $184.47 milyong dolyar noong June 2013. At ang woodcrafts and furnitures ang

siyang panglima na may kinita na $253.41 milyon o kabuuang ambag na 4.7% sa kita

ng pagluluwas ng bansa. Subalit, ito ay nagtala ng kabuuang -9.9% ng pagbaba kung

ihahambing sa nakaraang June 2013 na $281.12 milyon.

Ang pigura sa susunod na pahina ay inilabas ng Philippine Statistics Authority

(PSA) na nagpapakita ng Philippine Top Five Exports at paghahambing ng datos nito

sa pagitan ng taong June 2013 at June 2014.

458

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/merchandise-exports-performance-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Sa kabilang dako, sa larangan naman ng mga commodity group, ang

manufactured goods ang siyang nanguna sa kabuuang kita. Ito ay nagtala ng $4.301

bilyon at bumuo sa 79% ng kabuaang kita sa pagluluwas. Ito ay tumaas ng 15.7%

batay sa $3.716 bilyon na kita nito noong June 2013. Ang mineral products naman ay

mayroong 8.9% na bahagi at may pagtaas na 85.1% batay sa kinita nitong $468.03

milyong dolyar. Ang total agro-based products naman ay may 8.5% na bahagi at may

kabuuang kita na $464.21 milyon. Ito ay tumaas ng 44% mula sa $322.46 milyon na

kita noong June 2013. Maliban pa dito, ang special transactions ay bumuo sa 3.4%

at tumaas ng 98.0% batay sa kinita na $186.10 milyon kung ihahambing sa $93.99

DEPED COPY

milyon na kita noong June 2013. Ang forest products naman ay nagbahagi ng 0.1%

sa kabuuang kita ng bansa at tumaas ng 24% batay sa $6.70 milyon na kinita nito

ngayong June 2014 kumpara sa $5.40 milyon noong June 2013. At ang petroleum

product ay nagtala ng 0.001% at bumaba ng 99.9% mula sa $89.37 milyon noong

June 2013 sa $61 ngayong June 2014.

Ang pigura sa ibaba ay naglalarawan ng Philippine Exports by Commodity

Groups ayon sa ulat ng PSA.

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/commoditygroups-exports-performance-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

459

Kaugnay nito, kung pagbabatayan naman ang mga bansa kung saan tayo

ay pagluluwas, batay sa June 2014 ulat na inilabas ng PSA, na ang Japan partikular

na ang Okinawa ang siyang pinaka-nangungunang destinasyon ng mga produktong

Pilipino. Ito ay mayroong kabuuang $955.58 milyon na kabilang sa 17.6% ng kabuuang

kita ng ating bansa sa export ngayong June 2014. Pangalawa, ang People’s Republic

of China (PROC) na mayroong 15.8%. Ito ay katumbas na halagang $859.38 milyon.

Pangatlo ang United States of America na mayroong 13.8% o kabuuang $751.68

milyon sa kabuuang kita ng bansa. Pang-apat ay ang Hongkong na mayroong 9% o

katumbas na $487.74 milyon at panlima ang Singapore na may nairehistrong 6.9% o

$377.97 milyon sa kabuuang kita ng bansa sa pagluluwas.

Para sa kompletong listahan ng Philippine Top Ten Exports by Country,

tunghayan ang pigurang nasa ibaba.

Others

16.9%

Japan

17.6%

Taiwan

3.5%

DEPED COPY

Thailand

3.5%

Korea, Republic of

3.9%

China, People’s

Republic of

15.8%

Germany

4.5%

Australia

4.7%

Singapore

6.9%

Hong Kong

9.0%

United States of

America

13.8%

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine-tpten-ecports-bycountry-performance-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Samantala, kung pagbabatayan naman ang economic bloc, ang ating bansa

ay may pinakamalaking pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa mga bansa sa

East Asia. Ito ay may katumbas na 49.9% o & 2.714 bilyong dolyar; pangalawa ay sa

mga bansang miyembro ng ASEAN na nakapagtala ng 14.2.% o may katumbas na

halaga na $770.46 milyong dolyar; pangatlo ay sa mga bansang kasapi ng European

Union na mayroong 10.2% o kabuuang $556.51 milyong dolyar.

Ito ay maipapakita ng pigura na nasa susunod na pahina.

460

Notes:

1/ includes China, Hongkong, Japan, Macau, Mongolia, N. Korea, S. Korea, Taiwan

2/ includes Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam

3/ includes Alaska and Hawaii

4/ includes Austria, Belgium, Bulgaria, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia,

Pinagkunan: Lithuania, Luxembourg, http://www.census.gov.ph/content/philippine Malta, Netherlands, Poland, Portugal, Romania, exports Slovakia, by Slovenia, economic Spain, Sweden, bloc-june-2014 and UK Great Retrieved Britain. on November 7, 2014

Sa kabilang banda, ang import ng ating bansa ayon sa Philippine Statistical

Authority, kung ihahambing sa nakaraang June 2013 ay bumaba ng 3.6% batay sa

naitalang $4.716 bilyon. Ito rin ay mas mababa kumpara sa $4.890 bilyon ng nakaraang

June 2013. Ayon sa ahensiyang nabanggit, ang pagbaba na ito ay dulot ng pagbaba

ng tatlong pangunahing produkto. Ito ay ang industrial machinery & equipments,

electronics products, at other food and live animals.

DEPED COPY

Maliban pa rito, ang balance of trade in goods (BOT-G) ng ating bansa para sa

June 2014 ay nagtala ng surplus na $731 milyon kompara sa $399 milyon na deficit

noong June 2013. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang pigurang nasa ibaba.

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine trade performances-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Kung pagbabatayan naman ang Philippine Top Five Imports, ang mineral fuels

at lubricants and related materials ang siyang nanguna. Ito ay nakapag-ambag ng

kabuuang 24.7% o may katumbas na halagang $1.167 bilyon. Ito ay nagtala ng pagtaas

na 9.4% kung ikukumpara sa $1.066 bilyon noong June 2013. Pumapangalawa

rito ay ang electronic products na mayroong 18.1% at may halagang $1.097 bilyon

461

ngayong June 2014. Ito ay bumaba ng 22% mula sa $1.097 bilyon noong June 2013.

Pangatlo naman ang transport equipments, na nagrehistro ng 10.2% sa kabuuang

imports ng bansa sa halagang $479.28 milyon. Ito ay may pagtaas ng 13.9% mula

sa dating $420.92 milyong dolyar. Pang-apat naman ay ang industrial machinery and

equipments na nakapagtala ng 4.5% bahagi na may kabuuang halaga na $211.97

milyon. Ito ay bumaba ng 32.9% mula sa dating $315.81.74 milyon noong June 2013.

Panlima ay ang other food and live animals na may 3.3% na bahagi sa kabuuang

imports ng ating bansa sa halagang $156.23 milyon. Ito ay bumaba ng 3.3% mula

sa dating $161.64 milyon noong June 2013. Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng

Philippine Top Five Imports.

DEPED COPY

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top five imports-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Samantala, sa larangan naman ng ating ugnayan hinggil sa import ang

bansang nagkakaroon tayo ng pangunahing pag-aangkat ay ang People’s Republic of

China. Ito ay nakapagtala ng 17.2% o kabuuang $809.64 milyon ngayong June 2014.

Nakapagtala ito ng pagtaas na 17.9% kung ihahambing sa $686.79 milyon noong

June 2013. Ang Republic of Korea naman ang pumangalawa na nakapagtala ng 6.8%

ng kabuuang import o may halagang $461.33 milyon. Ang Japan partikular na ang

lungsod ng Okinawa ang pumangatlo na mayroong 9.6% o katumbas na $451.71

milyong dolyar sa kabuuang import ng Pilipinas. Pang-apat ay ang United States

of America na mayroong 7.6% o kabuuang $445.44 milyon at ang panlima ay ang

Singapore na nakapagtala ng 6.8% o katumbas na $319.54 milyong dolyar ngayong

June 2014.

Ang kabuuang datos ng Philippine Top Ten Imports by Country ay makikita sa

pigura sa ibaba ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

462

Others

23.4%

People’s Republic of

China

17.2%

Russian Federation

4.3%

Korea, Republic of

9.8%

Taiwan

4.7%

Malaysia

5.3%

Thailand

5.5%

Saudi Arabia

5.8%

Singapore

6.8%

Japan

9.6%

United States of

America

7.6%

Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top ten imports-by country-june-2014

Retrieved on November 7, 2014

Gawain 6: IMPORT o EXPORT: I-VENN DIAGRAM MO!

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas.

Layunin ng gawaing na ito na masuri mo ang mahahalagang datos o impormasyon

DEPED COPY

tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga

pamprosesong tanong at punan ang Venn diagram.

Mahahalagang Datos

PAGKAKAIBA

Mahahalagang Datos

IMPORT

EXPORT

PAGKAKATULAD

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong iyong binasa?

2. Paano mo ilalarawan ang takbo ng kalakalang panlabas ng Pilipinas?

3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, pagkomparahin ang export at

import ng ating bansa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang

impormasyon.

463

Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN

Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na

pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan

upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng

mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay

sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa

industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang

sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang

“No Man is an Island”.

Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na

ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga

samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang

ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating

bansa ay ang sumusunod:

DEPED

WORLD TRADE ORGANIZATION

COPY

(WTO)

Pinagkunan:http://www.brettonwoods.org/sites/default/files/photos/WTO-logo-1.png Retrieved on

November 7, 2014

Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong

Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade

(GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay

Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech,

Morroco noong Abril 15, 1944. Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na

estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong nagpapasya sa WTO ay

ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura.

Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland.

Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran

ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado

o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga

problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado.

Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang

internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit

na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa

ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya

at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang

ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi

464

lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi maging aspektong

pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa

isang kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang

kasaping bansa.

Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization (WTO) ay ang

sumusunod:

99

Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan

ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);

99

Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang

magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na

bansa (developing countries);

99

Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga

patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi

umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;

Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang

malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang

ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating

bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong

upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa

mga

DEPED

bansang kasapi nito. Ayon sa aklat na “Ekonomiks:

COPY

Konsepto at Aplikasyon

“nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang

sistema ng pakikipagkalakalan ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo:

99

Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng

diskriminasyon.

99

Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa

pamamagitan ng pagbabawas ng mga hadlang-pangkalakalan;

99

Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan,

partikular kung tiyak ang mga dayuhang kompanya at pamahalaan na

hindi daragdagan ang mga hadlang pang-ekonomiko at manatiling bukas

ang pamilihan;

99

Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo;

99

Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi

gaanong maunlad.

99

Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang,

hindi-kabilang, observer status, at mga bansang nasa representasyon ng

European Union sa WTO.

465

mga bansang kasapi

mga bansang kinakatawan ng European Union

observer status

mga bansang hindi kasapi

Pinagkunan:http://en.wikipedia.org/wiki/Member_states_of_the_World_Trade_Organization#mediaviewer/File:WTO_

members_and_observers.svg Retrieved on November 7, 2014

DEPED COPY

ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (APEC)

Pinagkunan:http://clearit.ca/wp-content/uploads//2013/10/apec.jpg Retrieved on November 7, 2014

Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya

at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga

bansa at pamayanan nito. Ang mga bansang nasa rehiyon ng Pasipiko ay nagkakaroon

ng ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng kaunlarang

pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan. Ito ay itinatag noong

Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore.

Ang ating bansa ay isa sa mga orihinal na kasapi nito kabilang ang Australia,

Brunei, Canada, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore,

Thailand, at United States. Samantala, noong Nobyembre 1991 ay sumapi rin ang

China, Hongkong, at Taiwan. Noong Nobyembre 1993, ang Mexico at Papua New

Guinea ay nakabilang din. Ang bansang Chile ay sumali noong Nobyembre 1994 at

ang Peru, Russia, at Vietnam naman ay noong Nobyembre 1998. Sa kasalukuyan, ito

ay binubuo ng 21 bansa. Ang samahang ito ay nagsasagawa ng taunang pagpupulong

o economic forum upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu partikular na ang kalakalan

at pamumuhunan. Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong

pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa mga

isyu o usapin ay ibinabatay ayon sa consensus.

466

Kaugnay nito, ang kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting ay isinagawa noong

1993 sa Blake Island, Washington D.C. sa pangunguna ng dating Pangulo ng Estados

Unidos na si Bill Clinton na kung saan ay nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang

bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng taripa at quota.

Ang taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal samantalang ang quota ay

ang takdang dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa.

Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang

samahang ito ay mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga

kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod;

‣ Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus

sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon

ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa.

‣ Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng

itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o

puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente

ang bawat gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat

ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa magiging epekto nito

tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at

pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan.

DEPED COPY

‣ Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning

maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalawig

ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa.

Ang mga bansang kasapi ng APEC ay makikita sa larawan na nasa ibaba.

Twenty-one member states account

for 60 percent of the world’s gross

domestic product

APEC summit

Nov 21-23

Lima, Peru

Members

Australia

Brunei

Canada

Chile

China

Hong Kong

Indonesia

Japan

Malaysia

Mexico

New Zealand

Papua New

Guinea

Pinagkunan:http://4.bp.blogspot.com/_69u2CK25Cas/SSb5euqlXxI/AAAAAAAACuU/

l4wVNpyqyWM/s1600/APEC%2Bmap.jpg Retrieved on November 7, 2014

467

Peru

Philippines

Russia

Singapore

South Korea

Taiwan

Thailand

US

Vietnam

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN)

Pinagkunan:http://en.wikipedia.org/wiki/Association_of_Southeast_Asian_Nations#mediaviewer/

File:Seal_of_ASEAN.svg Retrieved on November 7, 2014

Matapos mabigo ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asia (ASA),

ito ay nagbigay daan para magsimula ang Association of Southeast Asian Nations

(ASEAN) noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang

ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay binuo ng mga bansang

Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand na kinilala bilang mga Founding

Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok Declaration. Sa kasalukuyan

ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam.

Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng

pagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Idagdag pa rito ang pagnanais

na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang pangekonomiko.

Ang punong-himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Upang

mas mapaghusay at tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan

ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng tatlong community na binubuo ng ASEAN

Political-Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN Socio-Cultural

Community.

DEPED COPY

Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin

at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang

dialogue partner nito. Kabilang sa dialogue partners nito ay ang Australia, China,

Estados Unidos, European Union, Japan, New Zealand, Russia, at South Korea.

Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na

ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore.

Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang

programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang

pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN. Kung kaya’t sa larangan

ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa economic bloc batay sa inilabas na datos ng

Philippine Statistical Authority (PSA), ang ASEAN ay pangalawa sa may naitalang

$770.46 milyon para sa June 2014. Ito ay isang pagpapatunay na mas pinaiigting ng

mga bansang kasapi ng ASEAN ang kanilang ugnayan pagdating sa kalakalan.

Gawain 7: PHILIPPINE ECONOMIC TIES: Logo Natin, Alamin at Talakayin

Mula sa tekstong iyong nabasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong na

nasa ibaba. Pagkatapos nito ay punan mo ng impormasyon ang dayagram bilang

pagbubuod.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangunahing diwa o mensahe ng iyong binasang teksto?

2. Mula sa iyong binasa, bakit nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga

samahang pandaigdig?

468

3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng mahahalagang

impormasyon ang dayagram na nasa ibaba upang maikompara ang

pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa mga samahang pandaigdig.

Layunin ng

Pagkakatatag ng

Samahan

Mga Samahang Pangekonomiko

Pangunahing Tulong na

Naidulot sa Ekonomiya

ng Pilipinas

DEPED COPY

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas: Kahalagahan, Mga Patakaran at Programa

Ang kalakalan bilang isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ay

nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa isang bansa. Sa aspekto ng kabutihan sa

mga gawaing ito: una, dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring

pamilian o tangkilikin ng mga tao upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan

at pangangailangan; ikalawa, mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng

produksiyon upang mas maging mahusay ang kalidad ng mga produkto; ikatlo, ang mga

produkto ng mga bansa gaya na lamang ng Pilipinas ay nabibigyan ng pagkakataong

makilala at tangkilin sa ibang bansa dulot sa husay at nagiging pagkakakilanlan din ng

ating bansa; at ikaapat, ang kalakalang panlabas ay nakakatulong upang mas maging

matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa at maging episyente ang pamilihan

para sa mga produkto at serbisyo.

Sa kabilang dako, ang kalakalang panlabas ay nagdudulot din ng hindi

magandang epekto. Ilan sa mga ito ay: una, nalilinang ang kaisipang kolonyal ng

mga mamamayan sapagkat nagkakaroon sila ng pag-uugaling mas tinatangkilik ang

mga produktong banyaga kaysa sa mga produktong lokal; ikalawa, nagiging palaasa

469

ang mga mamamayan sa produkto ng ibang bansa kaysa lumikha o tumuklas ng

paraan para makabuo ng sariling gawang produkto; at ikatlo, humihina ang ilang lokal

na negosyo o industriya dahil sa mahigpit na kompetisyon laban sa mga dayuhang

produkto at kompanya. Ang pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng malaking

epekto gaya na lamang ng pagkawala ng trabaho ng mga tao.

Samantala, kung pagbabatayan naman ang mga programa at patakaran

na ipinatutupad ng pamahalaan, ayon sa aklat na Ekonomiks: Mga Konsepto at

Aplikasyon nina Balitao, et.al. ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

‣ Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 7721)-Ito ay isinabatas

upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan

ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng batas na ito, pinayagan ang

pagpasok, pangangasiwa, at pamamahala ng kanilang mga sangay sa ating

bansa.

‣ Foreign Trade Service Corps (FTSC) - Ito ay ahensiyang naglulunsad

ng iba’t ibang estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at

mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa. Sumasabay

sila sa kasalukuyang kalakaran sa pagnenegosyo sa pamamagitan

DEPED

ng pagsali sa mga trade exposition

COPY

o trade exhibit. Ang pangunahing

layunin nito ay maglunsad ng kaalaman o impormasyon tungkol sa

kalakarang pangnegosyo sa bansa at sa imprastruktura at pakinabang

na dulot nito sa mga nais mamuhunan o investors.

‣ Trade and Industry Information Center (TIIC) - Ito ang nangangasiwa

sa operasyon ng Bureau Research Center na nagpapalaganap ng

mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan,

industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga mamimili.

‣ Center for Industrial Competitiveness - Naglulunsad ng mga

programang magtataas sa antas o kalidad at produktibidad ng mga

manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang

pamilihan ng manggagawa, produkto, at serbisyo. Sa tulong ng

pamahalaan ay naglulunsad ng mga training center upang mas

lalong mapaghusay ang kakayahan at pagiging produktibo ng mga

manggagawa.

Tunay nga na ang kalakalang panlabas ay isang gawaing nagdudulot ng

iba’t ibang epekto sa ating bansa subalit sa kabilang banda hindi natin maikakaila

na ang sistemang ito ay isang kaganapang hindi natin maiiwasan higit sa lahat sa

kasalukuyang panahon na isinusulong ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa

sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon. Nawa’y sa ilalim ng kaganapang ito ang

ating bansa ay makinabang sa positibong dulot nito at ang pamahalaan ay marapat

na gampanan ang kanilang tungkulin upang masiguro na bagamat may isinusulong

470

na liberalisasyon ayon sa konsepto ng globalisasyon ay napapangalagaan pa rin ang

interes at kapakanan ng mga mamamayan partikular na ang mga negosyante.

Gawain 8: TEKS-TO-DATA RETRIEVAL CHART

Batay sa tekstong binasa, sagutin mo ang sumusunod na pamprosesong

tanong at punan ng mahahalagang datos o impormasyon ang data retrieval chart.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinapahayag ng teksto?

2. Batay sa iyong binasa bakit kinakailangang ang pamahalaan ay magpatupad

ng mga batas, patakaran, o programang may kaugnayan sa kalakalang

panlabas?

3. Batay sa datos na inilahad ng teksto, punan mo ng datos ang data retrieval

chart na nasa ibaba.

Batas o Programang may

Kaugnayan sa Kalakalang

Panlabas

Isinasaad o

Nilalaman

Kahalagahan

DEPED COPY

Gawain 9: MIND TRADE: QUIZ

Batay sa iyong napulot na kaalaman sa mga tekstong iyong binasa, sagutin

ang sumusunod na pahayag o katanungang nasa ibaba.

1. Ang tawag sa sistema ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng

mga bansa sa daigdig.

2. Ito ay ang buwis na ipinapataw sa mga produktong inaangkat.

3. Ito ay tumutukoy sa ganap na kalamangan ng isang bansa sa isang

produkto kapag mas mababa ang halaga ng produksiyon nito kaysa halaga

ng produksiyon ng ibang bansa.

4. Ang tawag sa pandaigdigang batayan o sukatan para sa mga gawaing

pang-ekonomiya.

5. Isang batayan ng pakikipagkalakalan na kung saan mas makabubuti sa

bansa ang espesyalisasyon bilang batayan ng kalakalan at ang prinsipyo

ng opportunity cost.

6. Ang tawag sa batayan ng transaksiyon ng pakikipag-ugnayan ng isang

bansa sa larangan ng kalakalang pandaigdig.

7. Ang pagluluwas ng mga produkto patungo sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

471

8. Ang tawag sa pag-aangkat o pagbibili ng produkto sa ibang bansa.

9. Ito ay ang takdang dami ng mga produkto na maaaring iluwas sa isang

bansa.

10. Ang patakarang nagbubunsod upang isulong ang malayang kalakalan sa

pagitan ng mga bansa sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga hadlang dito.

11. Ang pangunahing bansang may mataas na pagluluwas ang Pilipinas ayon

sa datos ng Philipppine Statistical Authority ng June 2014.

12. Sa ilalim ng economic bloc, ito ang samahang may mataas na pagluluwas

ang ating bansa ng mga produkto at serbisyo.

13. Isang organisasyong pangkalakalan na itinatag upang isulong ang

malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa daigdig.

14. Ang samahan ng mga bansa sa Asya Pasipiko na naglalayong paunlarin

ang ekonomiya ng mga kasaping bansa sa pamamagitan ng pagiibayo ng

kalakalan.

15. Ang samahan ng mga bansa na nagtatag ng tatlong pangunahing

komunidad na kinabibilangan ng Political & Security Community, Economic

Community, at Socio-Cultural Community na siyang magiging batayan ng

ugnayan ng mga kasaping bansa.

Gawain 10: TOWER OF KNOWLEDGE

DEPED COPY

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran

sa pagkatuto. Sa aspektong ito ay sasagutin mo ang katanungang nasa kahon at

isusulat mo na ito sa bahagi ng GITNA ng tower. Samantalang ang bahagi ng WAKAS

ay sasagutan mo lamang sa huling bahagi ng iyong paglalakbay sa araling ito.

W

S

I

M

U

L

A

G

I

T

N

A

A

K

A

S

Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa

ibang bansa sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging

ginagampanan nito sa ekonomiya ng bansa?

472

Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa kalakalang panlabas

ng Pilipinas ay maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin.

PAGNILAYAN

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang

mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kalakalang panlabas ng

Pilipinas. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa naturang paksa

upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.

Pinas, obligadong umangkat ng bigas

Posted by Online Balita on Mar 25th, 2013

Mag-aangkat pa rin ng bigas ang Pilipinas kahit abot-kamay na ng bansa ang

rice self-sufficiency ngayong taon.

DEPED COPY

Ito ang sinabi ni Agriculuture Secretary Proceso Alcala, sinabing may international

commitment ang bansa sa World Trade Organization (WTO) na minimum access

volume ng bigas na maaaring ipasok sa alinmang bansa hanggang nababayaran ang

kaukulang buwis para rito. Nilinaw ni Alcala na hindi matatanggihan ng Pilipinas ang

bigas na ipapasok ng mga dayuhan sa bansa dahil bahagi ito ng nasabing kasunduan

sa WTO.

Sinabi ng kalihim na pinasok ng bansa ang kasunduan sa WTO noong kulang na

kulang ang supply ng bigas sa bansa. Ito ang tugon ni Alcala sa pagkuwestiyon ng ilan

kung bakit kailangan pa ng Pilipinas na umangkat ng bigas kung sinasabi ng gobyerno

na sapat ang inaani ng mga lokal na magsasaka. – Jun Fabon

Pinagkunan: Online Balita. (2013). Pinas, obligadong umangkat ng bigas. Retrieved from http://www.balita.net.ph/2013/03/25/pinasobligadong-umangkat-ng-bigas/

on November 7, 2014

Gawain 11: BALITA-NALYSIS

Sagutin ang mga pamprosesong tanong na nasa ibaba batay sa iyong

pagsusuri sa binasa mong balita.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang balita?

2. Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit?

3. Maglista ng mga pahayag mula sa balita na siyang nagpapahayag ng

pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

473

Gawain 12: BRAND B—ANYAGA o BRAND L-OKAL: SURVEY

Sa tulong ng iyong mga kagrupo magsagawa ng isang sarbey sa 10 katao gamit

ang isang tseklis na sasagutan ng iyong mga respondents (kapwa mag-aaral, kamaganak,

kaibigan, o kapitbahay) na naglalayong malaman at masukat ang kanilang

mga preference o pagpili ng tao sa ilalim ng kanilang pagkonsumo ng kanilang mga

nais bilhin o ikonsumong mga produkto o serbisyo. Gawing gabay ang halimbawang

checklist form na nasa ibaba at pagkatapos ng gawain ay inyong sagutin ang mga

pamprosesong tanong.

Sa Kinauukulan:

Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang inyong preference bilang isang mamimili

pagdating sa pagpili ng mga produkto o serbisyo. Ipagpalagay na ikaw ay mamimili ng iyong gamit.

Alin sa mga sumusunod ang iyong pipiliin?

Mangyari po lamang na pakipunan at pakisagutan ng mahahalagang impormasyon ang mga

sumusunod na aytem. Anomang impormasyon o datos ay mananatilng confidential.

BATAYANG IMPORMASYON

Pangalan: ____________________________________Kasarian: __________ Edad: __________

Tirahan: _______________________Hanapbuhay: ______Meron (Anong uri) ______________

Pinag-aralan: _____________________________ _______Wala

PANUTO: Pakilagyan ng tsek ang mga aytem o brand na gusto mong bilhin. Maaari kang

DEPED

pumili ng higit sa isa.

COPY

‣ BRAND NG DAMIT

_________Bench

_________Dickies

________Giordano

________Polo Sport

‣ BRAND NG SAPATOS

__________Nike _________gawang Marikina ________Swatch

__________Reebok _________gawang Liliw, Laguna ________Accel

‣ BRAND NG TSINELAS/SANDALS

__________Bantex _________Havianas ________Spartan

__________Adidas _________Happy Feet ________Crocs

‣ BRAND NG CHOCOLATE

__________Chocnut _________Hershey’s _________Cloud-9

__________Goya _________Toblerone _________Snickers

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng respondents?

2. Paano ka nagkaroon ng ideya kung anong mga produktong lokal o banyaga

ang iyong isasama sa tseklis?

3. Ano at alin sa mga aytem o brand name ang maraming pumili? Bakit kaya

maraming pumili nito?

4. Sa kabuuan ano ang produktong mas marami pumili gawang banyaga o

gawang lokal?

474

Gawain 13: EDITORIAL at CARTOON

Katulong ang iyong kagrupo, kayo ay magsasaliksik tungkol sa kalagayan

ng kalakalang panlabas ng Pilipinas. Batay sa mga datos o impormasyon na inyong

makukuha ay bubuo kayo ng mahahalagang impormasyon o detalye at gagawa kayo

ng sarili ninyong editorial at cartoon. Kinakailangang ang mabubuo ninyong balita ay

naglalaman ng maayos na panimula kung saan ipinaalam ninyo sa mambabasa ang

paksa, ang katawan ng balita na siyang nagpapaliwang ng paksa, at ang wakas kung

saan mababasa ang inyong mga tagubilin o mungkahi tungkol sa paksa. Ang inyong

output ay mamarkahan gamit ang sumusunod na rubrik.

RUBRIK PARA SA EDITORIAL

Pamantayan Pananda Puntos

Kalinawan

Ang pagkakasulat ng balita ay

nagpapahayag ng malinaw na kaisipan

at impormasyon tungkol sa kalagayan ng

kalakalang panlabas ng Pilipinas.

Natamong

Puntos

DEPED

Katiyakan

COPY

Estilo

Ang mga datos at impormasyong

nakapaloob tungkol sa kalagayan ng

kalakalang panlabas ng Pilipinas ay tama,

may basehan, at angkop sa paksa.

Maayos at mahusay sa pagpapaliwanag

ang kabuuang balita at nagpamalas ito ng

angking pagkamalikhain ng grupo.

20

20

10

RUBRIK PARA SA EDITORIAL CARTOON

Pamantayan Pananda Puntos

Nilalaman

Pagkamalikhain

at pagkamasining

ng

editorial cartoon

Kabuuang

presentasyon at

kahusayan ng

editorial cartoon

Naipakita at naipaliwanag nang

mahusay ang kaangkupan editorial

cartoon batay sa inilahad na balita

tungkol sa kalagayan ng kalakalang

panlabas ng Pilipinas.

Maliwanag at angkop ang mensahe

sa paglalarawan ng konsepto kung

kailan at bakit nakikialam ang

pamahalaan sa pamilihan.

Malinis, maayos, at mahusay sa

pagpapaliwanag ang kabuuang

larawan.

20

20

10

Natamong

Puntos

475

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga sanggunian ang inyong ginamit upang makakuha ng

impormasyon tungkol sa kalakalang panlabas ng Pilipinas?

2. Ano ang pangunahing mensahe ng nagawa ninyong balita?

3. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng nabuong ninyong editorial cartoon?

4. Paano kayo nakabuo ng ideya o konsepto para makabuo ng editorial

cartoon?

5. Mula sa gawain, ano ang iyong naging pangkalahatang impresyon tungkol

sa kalagayan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas?

Gawain 14 : TOWER OF KNOWLEDGE

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaran sa pagkatuto.

Sa aspektong ito ay bubuuin mo na ang tower sa pamamagitan ng pagsagot

sa WAKAS na bahagi batay sa kabuuang kaalaman at kasanayan na natutuhan mo

sa araling ito.

DEPED COPY

S

I

M

U

L

A

G

I

T

N

A

W

A

K

A

S

Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa

larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan nito sa ekonomiya ng

bansa?

MAHUSAY! Napagtagumpayan mo nang isagawa ang mga iniatang na gawain.

476

ISABUHAY

Ngayong lubos na ang iyong kaalaman ukol sa kalakalang panlabas

ng Pilipinas, sa bahaging ito ng aralin ay ilalapat mo ang iyong mga natutuhan

sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga

paksang iyong pinag-aralan sa iyong buhay bilang isang matalinong mamimili

o kaya ay mapanagutang negosyante sa hinaharap? Upang mabigyan mo

ito ng kasagutan, gagampanan mo ang isang gawain upang maging kapakipakinabang

ang mga aral na iyong natutuhan.

Gawain 15: PANATA NG MABUTING MAMAMAYAN

Ang inyong pangkat ay aatasang bumuo ng isang “panata” na naglalaman ng

kung papaano kayo magiging mabuting kabahagi upang mapaunlad ang ekonomiya ng

ating bansa Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P.

Makagawa ng isang panata na naglalaman ng inyong commitment

o pangako kung paano magiging mabuting kabahagi para sa

kaunlaran ng ekonomiya ng ating bansa.

Goal

DEPED COPY

Role

Audience

Situation

Product/

Performance

Bahagi ka ng isang pangkat na nagpapahayag ng panata o

pangako upang maging mabuting mamamayan na magiging

kabahagi para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Mga kapwa mag-aaral at guro

Sa isang klase na kung saan kayo ay gagawa ng pangkatang

panata at bibigkasin ito sa harap ng inyong mga kamag-aral.

Isang mapanagutang Panata para sa Kaunlaran ng Ekonomiya.

Bigyang-tuon ang sumusunod sa paggawa ng Panata ng Mabuting Mamamayan.

a. Komprehensibong nagpapahayag ng mga pamamaraan kung paano

magiging kabahagi sa kaunlaran ng bansa;

b. Napapangatwiranan kung bakit kailangan tayong maging kabahagi

upang isulong ang kaunlaran ng ating bansa.

c. Kahalagahan sa pagtataguyod at paghihimok sa pagiging matalinong

mamimili at mapanagutang negosyante.

Binabati kita! Napagtagumpayan mong isagawa ang lahat ng gawain

sa bahagi ng modyul na ito ukol sa demand, supply, at ang interaksiyon nito

sa pamilihan at ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Nawa’y ang iyong mga

natamong kaalaman at kasanayan ay magamit mo upang maging mapanagutang

mamamayan kasabay ng iyong pagtugon sa iyong mga pangangailangan.

Ngayon ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangwakas na pagtataya.

477

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel

(K)

(U)

1. Maraming mga salik ang maaaring makatulong sa isang bansa upang

umangat ang ekonomiya nito, MALIBAN sa:

A. teknolohiya

B. kalakalan

C. yamang-tao

D. likas na yaman

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?

A. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad

ng bansa.

B. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.

C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng

pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

D. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat

gaya ng GDP.

3. Isa ang korapsyon sa itinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa. Paano

DEPED

kumikilos ang mga Pilipino upang labanan

COPY

ang hamong dulot nito?

A. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon kaya’t

ipinaglalaban nila kung ano ang tama at nararapat

(U)

B. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang

mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

C. Idinadaan nila sa samu’t-saring rally at protesta ang kanilang mga

saloobin ukol sa talamak na korapsyon sa bansa.

D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga

maling nagaganap sa ating bansa.

(U)

(K)

4. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon rin tayong dapat gawin

upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano

ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?

A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.

B. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.

C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa

paaralan at sa komunidad.

D. Wala sa nabanggit

5. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?

A. pangingisda

B. paggugubat

C. paghahayupan

D. pagmimina

478

(P)

(U)

6. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agriultural ang isa sa mga

pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Ano ang

dahilan nito?

A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.

B. Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan

C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market

road)

7. Bakit mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga

magsasaka?

A. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng

maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura,

redistribusyon ng lupa, at iba pa.

B. Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka.

C. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor

ng agrikultura.

D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito.

DEPED COPY

Talahanayan 2

Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya

2005 – 2010 (In-Million Pesos)

SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010

Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374

Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497

Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166

Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011

(P)

8. Lubhang napakayaman ng bansa kung likas na yaman lamang ang

pagbabatayan. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang

sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng

bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Kulang ang mga programa at proyektong tutulong sa sektor ng

agrikultura.

B. Mas binibigyang-pansin ng pamahalaan ang sektor ng industriya at

serbisyo.

C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga magsasakang Pilipino.

D. Lahat ng nabanggit

479

(K)

9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga

hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?

A. paglilingkod

B. impormal na sektor

C. agrikultura

D. industriya

(P)

10. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ektor ng agrikultura at

industriya sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na

pangungusap ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng dalawang

sektor?

A. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura

ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing

panibagong uri ng produkto.

B. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura

samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.

C. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang

ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.

D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang

agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka.

DEPED COPY

11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng limitasyon ng

industriyalisasyon?

(P)

A. Ang malawakang paggamit ng inobasyon katulad ng mga makinarya

ay nakaaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga

manggagawa.

B. Ang mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa paggawa ng

mas maraming produkto at serbisyo.

C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na

rin ng mataas na pambansang kita.

D. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong

mabilis na industriyalisasyon.

(K)

12. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod maliban sa:

A. kalakalang pakyawan at pagtitingi

B. serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal

C. sektor sa pananalapi

D. pagmimina

480

(U)

(U)

13. Alin sa sumusunod na pangungusap ang dahilan kung bakit patuloy pa rin

problema ng kontraktuwalisasyon sa bansa?

A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa

ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at

PhilHealth.

B. Maliit lamang ang gastusin ng mga kompanya sa mga manggagawang

kontraktuwal.

C. Hindi maaaring tumanggi ang mga manggagawang kontraktuwal sa

mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season.

D. Lahat ng nabanggit

14. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?

A. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.

B. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at

serbisyo.

C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng opurtunidad sa pagkakaroon ng

trabaho sa isang bansa.

D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

15. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na

DEPED

balangkas na inilatag ng pamahalaan

COPY

para sa pagnenegosyo?

A. agrikultura

B. impormal na sector

(K)

C. industriya

D. paglilingkod

(P)

(P)

16. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng

paglaganap ng impormal na sektor?

A. Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang

tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.

B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.

C. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.

D. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.

17. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng pamimirata

sa bansa maliban sa:

A. kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa

masasamang bunga nito

B. kakulangan ng trabaho sa bansa

C. kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa

pamimirata

D. pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal

na pamamaraan

481

(K)

(U)

18. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng

comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?

A. kasunduang multilateral

B. trade embargo at quota

C. espesyalisasyon at kalakalan

D. sabwatan at kartel

19. Alin sa sumusunod ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng

mga bansa sa daigdig?

A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.

B. upang dumami ang mga produktong imported na maaaring gayahin o

kopyahin

C. Madaragdagan ang pantugon ng mga panustos para sa

pangangailangan ng lokal na ekonomiya.

D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang

lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?

A. ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan

B. ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal

DEPED

C. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan

COPY

at kalakal sa mga bansa

D. ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan

(P)

482

GLOSARI

Agrikultura – Ito ay binubuo ng espesyalisasyon at gawaing pamproduksiyon

na nababatay sa heograpiya ng isang lugar.

Alokasyon – mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman.

Anunsyo – isang paraan ng panghihikayat ng mga prodyuser sa pamamagitan

ng iba’t ibang media upang dumami ang tumangkilik sa produkto.

Appropriate Technologies – tumutukoy sa mga kagamitang naisasaalangalang

ang kaligtasan.

Bahay - Kalakal- sektor na responsable sa pagsasama-sama ng mga salik sa

produksyon upang mabuo ang produkto o serbisyo.

Batas ng Demand– ito ay batas na nagsasaad na may salungat na relasyon

o ugnayan ang presyo ng produkto at ang dami na kayang bilhin ng

konsyumer o mamimili.

DEPED

Batas ng Supply – ito ay batas na nagsasaad

COPY

na mayroong direktang relasyon

o ugnayan ang presyo sa quantity supplied.

Bayaring Nalilipat – bayarin ng pamahalaan sa sambahayan tulad ng pensiyon

ng mga nagretiro, benepisyo para sa kalusugan, at pangkalahatang

kapakanan para sa mga mahihirap na pamilya.

Brain drain – pagkaubos na mga propesyunal na may angking kasanayan

o talento dulot ng kanilang pangingibang-bayan upang maghanap ng

mas magandang oportunidad sa paghahanapbuhay.

Business Process Outsourcing (BPO) - ang sistema ng pagkuha ng

serbisyo ng pribadong kompanya upang gampanan ang ilang aspekto

ng operasyon ng isang kliyenteng kompanya.

Ceteris paribus – other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago

maliban sa salik na pinag-aaralan.

Command economy – ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong

kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

Consumer Act of the Philippines – kinapapalooban ng lahat ng karapatan

at benepisyo na dapat makamit ng isang mamimili sa pagkonsumo ng

mga produkto o serbisyo.

483

Corporation o Korporasyon – ang pinakamasalimuot na organisasyon ng

negosyo, pag-aari ng maraming indibidwal o shareholders.

Demand – tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng

isang produkto at serbisyo.

Demand Curve – grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat

na relasyon sa pagitan ng presyo ng produkto at quantity demanded.

Demand Function – matematikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at

quantity demanded.

Demand Schedule – talaan na nagpapakita ng dami ng demand sa iba’t ibang

presyo.

Demonstration Effect – paggaya ng mga tao sa kanilang naririnig, nakikita, at

napapanood sa iba’t ibang uri ng media.

Dibidendo – bahagi ng kita ng korporasyon na ibinabayad sa mga may-ari ng

saping puhunan.

DEPED COPY

Discounting – proseso ng pagpapautang ng bangko sentral.

Easy money policy – layuning mahikayat ang mga negosyante na magbukas

ng mga negosyo upang magkaroon ng empleyo at kita.

Ekonomiks – nagmula sa salitang Greek na oikonomia. Ang oikos na

nangangahulugang bahay at ang nomos na ang ibig sabihin ay

pamamahala. Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral

kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at

kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman

Ekwilibriyo – isang sitwasyon kung saan ang mga mamimili (sa panig ng

demand) at nagbibili (sa panig ng supply) ay nagkakasundo.

Ekwilibriyong Dami – ang pinagkasunduang dami ng mamimili at nagbibili.

Ekwilibriyong Presyo – ang pinagkasunduang presyo ng mamimili at nagbibili.

Entrepreneurship – Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang

tao na magsimula ng isang negosyo.

Excess Reserves – tumitiyak na matutugunan ng bangko ang demand ng

kanilang kliyente.

484

Gross Domestic Product – sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga

ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa isang takdang

panahon sa loob ng isang bansa.

Gross Domestic Product (GDP) – kabuuang produksiyon mula sa mga

nilikhang produkto o serbisyo ng mga mamamayan, lokal man o

dayuhan, na isinagawa sa loob ng nasasakupan ng isang bansa.

Gross National Product (Gross National Income) – kabuuang pampamilihang

halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan

ng isang bansa.

Hoarding – ang tawag sa pagtatago ng mga produkto o supply ng mga

negosyante.

Human Development Index (HDI) – tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng

kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspeto

ng kaunlarang pang- tao (human development): mahaba at malusog

na pamumuhay, pagiging maalam at pagkakaroon ng disenteng

pamantayan ng pamumuhay.

DEPED COPY

Human Development Report – ulat na inilalabas ng United Nations

Development Programme (UNDP) tungkol sa estado ng kaunlarang

pang-tao sa mga kasaping bansa nito.

Impormal na Sektor (Underground Economy) – sektor na nagtataglay ng

malawak na katangian na binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng

pagbuo ng produkto at serbisyo na ang pangunahing mithiin ay makalikha

ng empleyo at kita ang mga taong lumalahok dito. Ang mga gawain ng

nabanggit na yunit ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng mababang

antas ng organisasyon na walang pagsunod sa itinatadhanang kapital,

pamantayan, at paraan ng pagsasagawa nito sa napakaliit na antas

ng produksiyon. Ang mga katuwang sa pagsasagawa ng gawain ay

kadalasang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan na walang

pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.

Income Per Capita – sinusukat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga

mamamayan ng isang bansa. Makukuha ito kung hahatiin ang Gross

Domestic Product sa kabuuang populasyon ng bansa.

Incorporation – ang proseso ng pagiging isang korporasyon.

Industriyalisasyon – paggamit ng mga makinarya at makabagong teknolohiya

sa paglinang ng mga industriya at pinagkukunang-yaman.

485

Input – mga salik na gamit sa pagbuo ng produkto..

Interes – kabayaran sa paghiram ng salapi bilang kapital

Kagustuhan – mga produkto o serbisyo na hinahangad ng tao na mas mataas

sa kanyang mga batayang pangangailangan.

Kakapusan o Scarcity – hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang

matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan

ng tao.

Kakulangan o Shortage – nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang

sa supply ng isang produkto.

Kapital – kagamitan na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng panibagong

kalakal.

Kartel – tumutukoy sa samahan ng oligopolista na sama-samang kumikilos

upang itaas ang presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamilihan.

DEPED

Kita – kitang tinatanggap ng mga manggagawa

COPY

kapalit ng pagtatrabaho o

kinita mula sa hindi produktibong gawain sa isang takdang panahon.

Komplementaryo – mga produktong magkasabay o magkasamang

kinukonsumo.

Konsyumer – ang tawag sa taong bumibili ng tapos ng produkto. Siya ang

gumawa ng plano hinggil sa dami at uri ng produkto na kanyang bibilhin

na inilalarawan ng kanyang demand.

Kontraktwalisasyon – isang patakaran kung saan ang isang manggagawa

ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng 5 buwan

lamang.

Kooperatiba – binubuo ng mga kasapi na kabahagi sa puhunan at tubo.

Labor-Intensive Economy – uri ng ekonomiya na nagbibigay halaga sa

yamang-tao bilang lakas-paggawa sa paglinang ng likas na yaman.

Lakas-Paggawa – tumutukoy sa kakayahan ng tao na ginagamit sa

produksiyon ng kalakal o serbisyo.

Likas-Kayang Paggamit – paggamit ng renewable na yamang-likas sa

paraang hindi ito manganganib na maubos

486

Lupa – lahat ng yamang-likas sa ibabaw at ilalim nito, kabilang na ang mga

yamang-tubig, yamang mineral at yamang-gubat.

Makroekonomikong Ekilibriyo – kung ang kita sa panig ng sambahayan ay

katumbas ng pagkonsumo o kaya sa panig ng bahay-kalakal, ang kita

sa produksiyon ay katumbas ng pagkonsumo.

Makroekonomiks – dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng

kabuuang ekonomiya.

Marginal Thinking – pagsusuri ng karagdagang halaga, maging ito man ay

gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.

Market Economy – ang produksyon at distribusyon ng mga produkto at

serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na

ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga.

Mixed Economy – isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market

at command economy.

DEPED

Monopolistikong Kompetisyon – uri ng

COPY

pamilihan na maraming konsyumer

at prodyuser subalit may kaunting kapangyarihan dahil sa ibinebentang

produkto na similar but not exactly identical.

Monopolyo – istruktura ng pamilihan kung saan may iisa lamang na prodyuser

na gumagawa ng produkto na walang malapit na kahalili.

Monopsonyo – Istruktura ng pamilihan na kung saan maraming nais

magkaloob ng produkto at serbisyo subalit iisa lamang ang konsyumer.

Ito ay may lubos na kapangyarihan na kontrolin ang presyo.

Moral Suasion – paghihikayat ng bangko sentral sa mga bangko na ayusin

ang paggamit ng reserves.

Negosyo – tumutukoy sa anumang gawain na pang-ekonomiya na may

layuning kumita o tumubo.

Net Factor Income from Abroad (Net Primary Income) – Makukuha ito

kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa

sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

Oligopolyo – istruktura ng pamilihan kung saan may maliit na bilang ng

prodyuser na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na

produkto.

487

Open market – tumutukoy sa pamilihan ng securities na bukas sa public

auction.

Opportunity Cost – ang halaga ng bagay o nang best alternative na

isinakripisyo o ipinalit sa bawat paggawa ng desisyon.

Output – tumutukoy sa mga produkto at serbisyong nabuo.

Pag-unlad – isang multidimensyunal na proseso na kinapapalooban ng

malaking pagbabago.Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din

sa salitang pagsulong.

Pag-iimpok – bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay inilalagak sa

bangko para sa pangangailangan sa hinaharap.

Pagkonsumo – ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay

ng kapakinabangan sa tao.

Pagsulong – sinusukat ang halaga ng mga yaring produkto at serbisyo na

nalikha sa loob ng isang panahon.

DEPED COPY

Paikot na Daloy – dayagram na nagpapakita ng kitang tinatanggap at bayaring

ginagawa ng bawat sektor sa ekonomiya.

Pamahalaang Bono – instrumentong pampinansiyal na ginagamit ng

pamahalaan upang makahiram ng salapi.

Pamilihan – ang lugar/mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay

nagkakaroon ng transaksiyon upang magkaroon ng bentahan.

Pamumuhunan – ari-arian o kapital na ginagamit ng mga bahay-kalakal upang

makalikha ng kita sa hinaharap.

Pangangailangan (needs) – mga bagay na dapat mayroon ang tao upang

mabuhay.

Panic Buying – maramihang pamimili ng produkto dahil sa takot na maubusan

ng supply.

Partnership – ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang

indibidwal na sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi

ng isang negosyo.

488

Patakaran sa Pananalapi – sistemang pinaiiral na may kinalaman sa

pagkontrol ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa dami ng salapi sa

sirkulasyon.

Pisyolohikal – bayohikal na pangangailangang ng katawan upang mabuhay

tulad pagkain, hangin, kasuotan, tirahan.

Preference – batayan ng pagpili ng tao sakanyang pangangailangan o

kagustuhan na masusukat sa pamamagitan ng utility.

Presyo – ang nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod. Ito ang

nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan sa

pagitan ng konsyumer at prodyuser.

Price Elasticity of Demand – sumusukat kung gaano kasensitibo ang quantity

demand sa pagbabago ng presyo.

Price Elasticity of Supply – sumusukat kung gaano kasensitibo ang quantity

supplied sa pagbabago ng presyo.

DEPED

Price Index – sumusukat sa average

COPY

na pagbabago sa presyo ng mga

produkto at serbisyo.

Production Possibility Frontier o PPF – modelo na kumakatawan sa

limitasyon ng mga output na maaaring malikha mula sa mga posibleng

kombinasyon ng mga input.

Produksyon – proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo

ng produkto.

Prodyuser – ang nagbebenta o gumagawa ng mga produkto at serbisyo sa

pamilihan.

Quantity Demanded – dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin

ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Quantity Supplied – tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at

kayang ipagbili ng mga bahay- kalakal sa iba’t ibang presyo.

Renta o Upa – kabayaran sa paggamit ng lupa.

Sahod o Suweldo – kabayaran sa paggamit ng lakas-paggawa.

Salapi – ginagamit na tagapamagitan sa transaksyon ng sambahayan.

489

SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth) – Ito ay

deklarasyon ng lahat ng pag-aari (assets), pagkakautang (liabilities),

negosyo, at iba pang financial interest ng isang empleyado ng

gobyerno, kasama ang kaniyang asawa at mga anak na wala pang 18

taong gulang.

Sambahayan – sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan

ang kanilang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan.

Sektor ng Industriya – tumutukoy sa iba’t ibang uri ng gawaing pangkabuhayan

Sektor ng Paggawa – sektor na kinabibilangan ng mga manggagawa na

nagbibigay ng serbisyo sa transportasyon, pananalapi, komunikasyon,

media at serbisyo mula sa pamahalaan.

Serbisyo – mga binabayarang paglilingkod na ipinagkakaloob ng tao o

kompanya.

Shortage – isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami na demanded

kaysa sa dami ng produkto na nais i-supply.

DEPED COPY

Sistemang Pang-ekonomiya – sistema ng pagsasaayos ng mga yunit ng

ekonomiya upang makatugon sa mga suliraning pangkabuhayan ng

bawat lipunan.

Sole Proprietorship – negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao.

Statistical Discrepancy – ang anomang kakulangan o kalabisan sa

pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap

sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng

datos o impormasyon.

Substitute Goods – mga produktong maaaring ipamalit o panghalili sa isang

produkto.

Supply – Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang bahaykalakal

o prodyuser na magbenta ng produkto at serbisyo.

Supply Curve – kurba na nagpapakita ng direktang relasyon sa pagitan ng

presyo at quantity supplied.

Supply Function – matematikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at

quantity supplied.

490

Supply Schedule – talaan na nagpapakita ng dami ng supply sa iba’t ibang

presyo.

Surplus – isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na

isinusuplay kaysa sa dami ng demand.

Tight Money Policy – layuning maiwasan ang pagpasok ng karagdagang

salapi sa sirkulasyon upang maiwasan ang implasyon.

Trade-off – ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay na maaaring sanang

makamit.

Tradisyunal na Ekonomiya – sistemang nakabatay sa tradisyon, kultura, at

paniniwala ng tao.

Tubo – kita na natatanggap ng isang entrepreneur.

Utilities – tumutukoy sa kuryente, gas at tubig.

Utility – pakinabang na makukuha mula sa mga produkto o serbisyong

DEPED

pinagpipilian.

COPY

491

MGA SANGGUNIAN

Books

Balitao, B., Cruz, N., Rillo, J. (2004). Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad

Makabayan Serye. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J.

(2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines:

Vibal Publishing House, Inc.

Case, K. E., Fair, R. C., Oster, S. M. (2012).Principles of Economics.10 th

Edition. Boston, MA: Prentice Hall

Fajardo F. (1994). Economic Development. 3rd Edition. Manila: Navotas

Press.

Farmer, R. (2002). Macroeconomics. 2 nd Edition. South-Western:

Imperial, C. M. (2004). Pana-panahon, Worktext para sa Araling Panlipunan

Ikaapat na Taon: Ekonomiks. Sampaloc, Manila: Rex Book Store

Mankiw, N. (1997). Principles of Economics. 3 RD Edition. New York, USA: The

DEPED

Dryden Press

COPY

McConnell, C. R., Brue, S. L., & Barbiero, T. P. (2001). Microeconomics.(9 th

edition. New York: McGraw- Hill.

Meek, S., Morton, J., & Schug, M. C. (2008).Economics Concepts and

Choices. Canada: McDougal Mifflin Company.

Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or

Perpetuating Poverty?. London: Profile Books Ltd.

Todaro, M. P. & Smith S. C. (2012).Economic Development.11 th Edition. USA:

Pearson.

Viloria, E., Cruz, N., Rillo, J. & Lim, A. (2000). Ekonomiks: Batayang Aklat

para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD Publication.

Websites

2013. Retrieved from http://www.ft.com/cms/s/0/1497f650-c8d8-11e2-acc6-

00144feab7de.html#axzz39ucypQ5L on August 16 2014

Abante-tonite online. (2013). Retrieved from http://m.abante-tonite.com/issue/

dec2013/pictures/t-27-08-2.jpg on November 7, 2014

Albert, J. R. (2013). How Important is Agriculture in the Economy, retrieved

from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri.

asp

492

Arao, D. (2011). Presyo ng langis, parang spaghetti ba na tataas o bababa?.

Retrieved from http://pinoyweekly.org/new/2011/02/presyo-ng-langisbilang-epekto-ng-deregulasyon-2/

on November 7, 2014

Asian Development Bank. 2012. Expanding Industrial Sector

Key to Philippines’ Growth, Job Creation. Retrieved from http://www.

adb.org/news/philippines/expanding-industrial-sector-key-philippinesgrowth-job-creation

on August 15, 2014

Australian Bureau of Statistics. (2012). Manufacturing Statistics Using

Manufacturing Statistics Frequently Asked Questions What is

Manufacturing?. Retrieved from http://www.abs.gov.au/websitedbs/

c311215.NSF/88e17471717cdbc5ca25778a001d9500/616cc124f6101

381ca2570a400119093!OpenDocument on August 21, 2014

Balita Online. 2013. Retrieved from http://www.balita.net.ph/2013/03/15/

hataw-sa-rice-production-pararangalan/. on November 7, 2014.

Batungbacal, R. (2011). The strategic importance of the Philippine

manufacturing sector. Retrieved from http://fpi.ph/fpi.cms/News/The_

Strategic_Importance_of_the_Philippine_Manufacturing_Sector_By_

Roberto_F._Batungbacal.pdf, on November 7, 2014

DEPED COPY

Briones, Roehlano M. 2013. Philippine Agriculture to 2020: Threats and

Opportunities from Global Trade. Retrieved from www.pids.gov.ph/

dp.php?id=5145&pubyear=2013 on August 14, 2014

Bureau of Agriculture. (2012). Retrieved from countrystat.bas.gov.ph. on

September 14, 2014

Chamber of Real Estate and Builders’ Associations, Inc. (2014). Large

potential for bpo sector remains in Philippines. Retrieved from

http://www.businessmirror.com.ph/index.php/en/business/

companies/28894-large-potential-for-bpo-sector-remains-in-phl on

November 7, 2014

Economy Watch Content. 2010. Philippine industry sectors. Retrieved from

http://www.economywatch.com/world_economy/philippines/industrysector-industries.html

on August 6, 2014

Elchico, A. (2014). Presyo ng Iba pang Pangunahing Bilihin, Tumaas Na Rin.

ABS-CBN:Philippines http://dzmm.abs- cbnnews.com/news/National/

Presyo_ ng_iba_pang_pangunahing_bilihin,_tumaas_na_rin.html

retrieved on July 15, 2014

Federman, M. and Levine, D. 2005. The effects of industrialization on

education and youth labor in Indonesia. Retrieved from http://

faculty.haas.berkeley.edu/levine/papers/The%20Effects%20of%20

493

Industrialization%20on%20School%20Enrollment%20and%20

Youth%20Employment%20in%20Indonesia.pdf on November 7, 2014

Habito C. And Briones, R. (2005). Philippine Agriculture over the Years:

Performance, Policies and Pitfalls, Retrieved from https://www.google.

com.ph/ search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Ye ars%3A+Perf

ormance%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+C.+A nd+Briones%

2C+R&oq=Philippine+Agriculture+over+the+Years%3A+ Performance

%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+C.+And+Brion es%2C+R&a

qs=chrome..69i57.2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93&ie=UTF-8

on August 11, 2014

http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-dibiro.html.

Retrieved on January 13, 2015

http://sasaliwngawit.wordpress.com/2012/10/12/doon-po-sa-amin-baliktanaw-usapang-pag-unlad-2/

Retrieved on October 15, 2014

Intal, S J and See, E. (n.d.). Whither the Philippine manufacturing sector:

Looking back, way forward. Retrieved from http://www.dlsu.edu.ph/

research/centers/aki/_pdf/_concludedProjects/_volumeI/IntalSee.pd

on November 7, 2014

DEPED COPY

International Monetary Fund. (2013). (http://www.imf.org/external/pubs/ft/

survey/so/2013/car052113a.htm). Retrieved on July 2014

Labour Force Survey, National Statistics Office.(n.d.).www.census.gov.ph

retrieved on August 16, 2014

National Statistics Office. (2014). Retrieved from http://www.census.gov.

ph/content/commodity groups-exports-performance-june-2014 on

November 7, 2014

National Statistics Authority. (2012). Philippine business and industry

construction sector establishments. Retrieved from http://www.

census.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industryconstruction-sector-establishments-total

on November 7, 2014

National Development Authority. (2011). Philippine development plan 2011-

2016 – Results matrices. Retrieved from http://devplan.neda.gov.ph/

chapter3.php, on November 7, 2014

National Statistics Office. (2014). Retrieved from http://www.census.gov.ph/

content/merchandise-exports-performance-june-2014 on November 7,

2014

National Statistics Office. (2012). Labour Force Survey. Retrieved www.nscb.

gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri.asp on October

12, 2014

494

National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from http://

www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.asp on September 12, 2014

National Statistics Coordination Board. (n.d.). Retrieved from www.nscb.gov.

ph/secstat/d_agri.asp on August 12 2014

National Statistics Coordination Board. (2013). Retrieved from http://www.

nscb.gov.ph/sna/2013/3rd2013/highlights.asp#sthash.xsCOJ7DL.dpuf

on July 16,2014

Online Balita. (2013). Pinas, obligadong umangkat ng bigas. Retrieved from

http://www.balita.net.ph/2013/03/25/pinas-obligadong-umangkat-ngbigas/

on November 7, 2014

Oxford Business Group. 2013. Retrieved from www.oxfordbusinessgroup.

com/economic_updates/philippines-targets-sustainable-growthagriculture

on August 13, 2014

Pilipino Star Ngayon. 2014. Retrieved from http://www.philstar.com/psnopinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiyadumami-ang-jobless

on November 15, 2014

DEPED COPY

Pilipino star Ngayon. 2012. Aangkat pa pala ng bigas Retrieved from http://

www.philstar.com/opinyon/811177/editoryal-aangkat-pa-pala-ng-bigas.

November 5, 2014

Pilipino Star Ngayon online. (2014). Retrieved from http://media.philstar.com/

images/pilipino-star-ngayon/bansa/20140917/pork-separate-from-nonpork-products-3.jpg

on November 7, 2014

Philippine Institute for Development Studies. (n.d.), Phl needs to strengthen

manufacturing sector. Retrieved from http://www.pids.gov.ph/index2.

php?pr=129, on November 7, 2014

Philippine Deposit Insurance Corporation. (n.d.) Retrieved from http://www.

pdic.gov.ph/index.php?saver=1. on November 17, 2014

Philippine Rural Reconstruction Movement. (n.d.). Mining Potential in the

Philippines. Retrieved from http://www.prrm.org/publications/gmo2/

mpotential.htm on November 7, 2014

Philippine Star. 2014. Retrieved from http://www.philstar.com/psnopinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiyadumami-ang-jobless

on January 5, 2014

Pulse. 2013. Retrieved from http://pulse101.hubpages.com/hub/The-

Importance-of-Agriculture-to-the-Philippine-Economy on August

12,2001.

495

UNCTAD. (2013). Global FDI inflows, developed, developing and transition

economies, 2000- 2012. Retrieved from http://unctad.org/en/

PublicationsLibrary/webdiaeia2013d1_en.pdf

www.nscb.gov.ph on October 20, 2013

United Nations Development Programme. Human Development Reports.

Retrieved from http://hdr.undp.org/en/content/human-developmentindex-hdi

on July 28, 2014

United Nations Development Programme. Human Development Reports.

Retrieved from http://hdr.undp.org/en/humandev on July 31, 2014

www.academia.edu/3596310/Rostows_theory_of_modernization_

development Retrieved on November 7, 2014

www.bwc.dole.gov.ph/userfiles/file/Handbook-Tagalog.pdf Retrieved on

November 7, 2014

watwatworldcom.c.presscdn.com/wp-content/uploads/undergroundeconomy.jpg

Retrieved on November 7, 2014

DEPED COPY

Leaflet

Modules

www.crvp.org/book/series03/iii-7/chapter_iv.htm Retrieved on November 7,

2014

www.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

Retrieved on November 7, 2014

www.nscb.gov.ph retrieved on January 5, 2015

www.nscb.gov.ph retrieved on 30 January 2014

www.nscb.gov. Retrieved on July 16, 2014

www.worldatlas.com/aatlas/world.htm Retrieved on November 7, 2014

Leaflet ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and

Industry) at Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection

Balitao, B., Garcia, E., at Marcos L. 2006. Gabay ng Guro sa Pagtuturo

ng Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). Pilipinas. Department of

Education (DepED)-Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE

Module. Pasig City: DECS.

496

Images

2.bp.blogspot.com/-S-wo-MsJijQ/T8kX87eYv3I/AAAAAAAAACo/Yv_hI-kHjeg/

s1600/LunaJ_caltex.jpg Retrived on November 7, 2014

3.bp.blogspot.com/-sKmZsEUVBLI/UoLK7dyZI3I/AAAAAAAAJ88/

FxkWDVS2f_8/s1600/telcoph+logo.png Retrieved on: November 7,

2014

4.bp.blogspot.com/-xEQmgJXTrRw/Uml0-KcEoII/AAAAAAAAAAw/

pxoQqzcIxUs/s1600/Shell-Logo.jpg Retrived on November 7, 2014

4.bp.blogspot.com/_69u2CK25Cas/SSb5euqlXxI/AAAAAAAACuU/

l4wVNpyqyWM/s1600/APEC%2Bmap.jpg Retrieved on November 7,

2014

bigbasket.com/media/uploads/p/l/161754_1-tide-plus-detergent-powder.jpg

Retrieved on November 7, 2014

blogs.worldwatch.org/nourishingtheplanet/wp-content/uploads/2012/04/Coops.jpg.

Retrieved on July 17, 2014

DEPED COPY

clearit.ca/wp-content/uploads//2013/10/apec.jpg Retrieved on November 7,

2014

en.wikipedia.org/wiki/Association_of_Southeast_Asian_Nations#mediaviewer/

File:Seal_of_ASEAN.svg Retrieved on November 7, 2014

https://www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=is

ch&tbo=u&source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5DKGonl8AWPj4KgAQ&v

ed=0CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY

1QL6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252

F%252Fwww.clipartbest.com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%

252FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.

com%252Fclipart-ecM5dbpcn%3B600%3B600, Retrieved on October

2013

i1.ytimg.com/vi/GQXyH2XOcD8/hqdefault.jpg Retrieved on: November 7,

2014

1.ytimg.com/vi/KhKdagSq1dc/hqdefault.jpg Retrieved on: November 7, 2014

pinoytransplantiniowa.files.wordpress.com/2011/02/micro-entrepreneur.jpg.

Retrieved on July 16, 2014

www.brettonwoods.org/sites/default/files/photos/WTO-logo-1.png Retrieved

on November 7, 2014

497

www.google.com.ph/search?q=cell+phone&biw=1024&bih=499&sourc

e=lnms&tbm=isch&sa=X&ei=BQJqVPTYN4StmgXj94Iw&sqi=2

&ved=0CAYQ_AUoAQ#facrc=_&imgdii=_&imgrc=0eFP9LFHn

GWyNM%253A%3Bq0ofBtC7yOKtFM%3Bhttp%253A%252F%

252Fs.tmocache.com%252Fcontent%252Fdam%252Ftmo%2

52Fen-p%252Fcell-phones%252Fapple-iphone-5s%252Fsilver

%252Fstills%252Fcarousel-apple-iphone-5s-silver-380x380-1.

jpg%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.t-mobile.com%252Fcell-phonedeals.html%3B380%3B380

Retrieved on July 2, 2014

www.google.com.ph/search?q=clip+art+arrow+man&espv=2&tbm=isch&tb

o=u&source=univ&sa=X&ei=6Vv5U5DKGonl8AWPj4KgAQ&ved=0

CGYQsAQ&biw=1024&bih=610#facrc=_&imgdii=_&imgrc=ZY1QL

6cw3xlMiM%253A%3BHntzdV7QpryUYM%3Bhttp%253A%252F%

252Fwww.clipartbest.com%252Fcliparts%252FecM%252F5db%2

52FecM5dbpcn.png%3Bhttp%253A%252F%252Fwww.clipartbest.

com%252Fclipart-ecM5dbpcn%3B600%3B600. Retrieved on

November 8, 2014

www.nacentralohio.com/wp-content/uploads/2013/03/Virtue-Vegan-Salonlogo.jpg.

Retrieved on July 16, 2014

DEPED COPY

www.qualitychairsforyou.com/rocking-chair/rocking-chair-3/. Retrieved on

November 7, 2014

www.tummydiary.com/random-posts/happy-national-breakfast-day-heres-ourfave-pinoy-breakfast/.

Retrieved on July 2, 2014

www.vegetarian-shoes.co.uk/Portals/42/product/images/prd0683d04d-faaf-

4826-a692-45d2e5cfbe3b.jpg. Retrieved on November 7, 2014

www.visitinclinevillage.com/wp-content/uploads/2011/11/business-crystal-bayincline-village-llc-corporation.jpg.

Retrieved on July 16, 2014

www.womansday.com/cm/womansday/images/6G/05-loaf-of-bread-lgn.jpg

Retrieved on November 7, 2014

498

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!