Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City
Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City
Ang Tungkulin ng Nervous System 4 ARALIN 1 Maihahalintulad natin sa isang makina ang katawan ng tao. Binubuo ito ng mga parte na sama-samang nagtatrabaho sa isang maayos na paraan upang gampanan ang isang tungkulin. Ang grupo ng mga organ ng katawan na nagtatrabaho nang sama-sama upang mapagana ang katawan ay tinatawag na organ system. Isang halimbawa nito ang nervous system. Mayroon itong grupo ng mga estruktura na tumutulong sa atin upang tayo ay makapag-isip, makaalala, makagalaw, at matuto ng mga bagay-bagay. Sa araling ito, mapag-aaralan mo ang mga tungkulin ng nervous system. Importanteng malaman mo kung anu-ano ang tungkulin nito upang maintindihan mong mabuti ang nervous system. Pag-aralan at Suriin Natin Ito Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Ano ang ipinapakita nito? Nakikita mo ba kung gaano kahusay ang koordinasyon ng kanyang mga laman (muscles)? Sa iyong palagay ano ang nasa isip ng batang babae habang ginagawa niya ang mga mahihirap na galaw?
Pag-isipan Natin Ito Ano sa tingin mo ang parteng ginagampanan ng nervous system sa pagbibigay kakayahan sa batang babae na nasa larawan upang makagalaw? Alamin Natin Ang nervous system ang pangunahing tagapamahala at pinanggagalingan ng mensahe ng ating katawan. Binubuo ito ng mga parte na may kakayahang magpadala ng mga impulse. Itinuturing na electrical signals ang mga impulse na ito na naglalakbay sa buong katawan. Ang mga electrical signal ay nagdadala ng impormasyon at mga utos na nagpapanatili ng kalusugan at kaayusan ng iyong katawan. Isipin mong may organ system ka na nagpapatakbo sa lahat ng parte ng iyong katawan! May apat na mahahalagang tungkulin ang nervous system: 1. Ang nervous system ang nagpapagalaw sa iyong katawan. Ang mga electrical impulse na nagmumula sa nervous system ang nagpapakontrak sa mga laman. Tinatawag itong somatic o voluntary motor function ng nervous system. Kapag ikaw ay tumatakbo, ang iyong nervous system ay nag-uutos sa iyong laman sa hita na magkontrak at gumalaw. 5 Ang iyong nervous system ay tumutulong din sa pagpili ng bilis ng pagtakbo. Nagpapadala ito ng mga impulse sa laman para mapili ang iyong bilis. _ _ _
- Page 1 and 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sa
- Page 3: 5. Magbigay ng tatlong paraan upang
- Page 7 and 8: Subukan Natin Ito Isipin mo kung pa
- Page 9 and 10: Sa pagpikit mo ng iyong mga mata pi
- Page 11 and 12: Hindi nalalayo sa isa’t-isa ang a
- Page 13 and 14: Ang mga Bahagi ng Nervous System 13
- Page 15 and 16: Binubuo ang central nervous system
- Page 17 and 18: Nakakagawa ng maraming bagay ang at
- Page 19 and 20: Cerebellum din ang nag-uutos at nag
- Page 21 and 22: Magbalik-aral Tayo Punuan ang mga p
- Page 23 and 24: Alamin Natin Peripheral Nervous Sys
- Page 25 and 26: Sa pamamagitan ng peripheral nervou
- Page 27 and 28: Nagaganap ang pagpasa ng electrical
- Page 29 and 30: Tandaan Natin ♦ May dalawang pang
- Page 31 and 32: Kaagad na dinala si Carlo sa ospita
- Page 33 and 34: Paraplegia Quadriplegia Subukan Nat
- Page 35 and 36: 1. Stroke Alamin Natin Ang mga Kara
- Page 37 and 38: 7. Mental Retardation Nang ipinanga
- Page 39 and 40: Nagbibigay din ng pag-asa sa mga pa
- Page 41 and 42: Pangangalaga sa Nervous System 41 A
- Page 43 and 44: Mag-ingat kapag nasa daan. Kung nak
- Page 45 and 46: Subukan Natin Ito Araw-araw maramin
- Page 47 and 48: ♦ Nararapat lamang na lagi nating
- Page 49 and 50: Batayan sa Pagwawasto A. Anu-ano na
- Page 51 and 52: Pag-isipan Natin Ito (pahina 14) 1.
- Page 53 and 54: Alamin Natin ang Iyong mga Natutuha
Pag-isipan Natin Ito

Ano sa tingin mo ang parteng ginagampanan ng nervous system sa pagbibigay

kakayahan sa batang babae na nasa larawan upang makagalaw?

Alamin Natin

Ang nervous system ang pangunahing tagapamahala at pinanggagalingan ng

mensahe ng ating katawan. Binubuo ito ng mga parte na may kakayahang magpadala ng

mga impulse. Itinuturing na electrical signals ang mga impulse na ito na naglalakbay

sa buong katawan. Ang mga electrical signal ay nagdadala ng impormasyon at mga

utos na nagpapanatili ng kalusugan at kaayusan ng iyong katawan. Isipin mong may

organ system ka na nagpapatakbo sa lahat ng parte ng iyong katawan!

May apat na mahahalagang tungkulin ang nervous system:

1. Ang nervous system ang nagpapagalaw sa iyong katawan. Ang mga electrical

impulse na nagmumula sa nervous system ang nagpapakontrak sa mga laman.

Tinatawag itong somatic o voluntary motor function ng nervous system.

Kapag ikaw ay tumatakbo,

ang iyong nervous system ay

nag-uutos sa iyong laman sa hita

na magkontrak at gumalaw.

5

Ang iyong nervous system

ay tumutulong din sa pagpili ng

bilis ng pagtakbo. Nagpapadala ito

ng mga impulse sa laman para

mapili ang iyong bilis.