Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City
Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City Ang Nervous System.pdf - eSkwela Naga City
Pag-isipan Natin Ito Sagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang sanhi ng mga aksidente nina Carlo at Ana? _________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________ 2. Bakit mahalagang protektahan ang buto sa likod (vertebrae) at ang bungo? _________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________ Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 53. Alamin Natin Sa dalawang sitwasyon na ibinigay, sina Carlo at Ana ay parehong nakaranas ng sakit mula sa bali sa buto. Nangyayari ang bali kapag nabasag ang buto. Sa kasamaang palad, ang kanilang mga butong may bali ay nagsisilbing proteksiyon sa kanilang central nervous system. Ang buto sa likod ang prumoprotekta sa spinal cord at ang bungo naman sa utak. Kung malaki ang bali, maaaring maapektuhan din ang bahagi ng katawan na pinoprotektahan nito. Ito ang nangyari sa kaso ni Ana. Matagal siyang nanatiling walang malay dahil naapektuhan ang kanyang utak ng lamat sa kanyang bungo. Napakaselan ang mga bahagi ng nervous system. Alin man sa mga ito ang makaranas ng pinsala, kadalasang maaapektuhan din ang buong katawan. Maraming aktibidad, lalo na sa isports, maaaring makapinsala sa nervous system lalo na kung hindi nag-iingat. Maaaring magdulot ng pinsala sa spinal cord ang mga peligrosong aktibidad katulad ng pagsisid sa mababaw na tubig, pagtalon mula sa mataas na puno at ang mabilis na pangangarera. Ang mga pinsala sa spinal cord ay maaaring magresulta sa paraplegia, o pagkaparalisa ng ibabang bahagi ng katawan, o quadriplegia, o ang pagkaparalisa ng mga kamay at mga paa. 32
Paraplegia Quadriplegia Subukan Natin Ito Upang maintindihan kung ano ang pakiramdam ng isang paraplegic, ibalot ng isang pirasong tela ang iyong mga binti. Siguruhing ang tela ay naka-ikot nang mahigpit upang hindi makagalaw ang iyong mga paa pero huwag masyadong mahigpit na maaari kang masaktan. Subuking gumawa ng mga bagay na kadalasang ginagawa mo sa loob ng bahay katulad ng pagkain, panonood ng telebisyon at ang pagpunta sa banyo. Ano ang natutuhan mo sa aktibidad na ito? 33
- Page 1 and 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Sa
- Page 3 and 4: 5. Magbigay ng tatlong paraan upang
- Page 5 and 6: Pag-isipan Natin Ito Ano sa tingin
- Page 7 and 8: Subukan Natin Ito Isipin mo kung pa
- Page 9 and 10: Sa pagpikit mo ng iyong mga mata pi
- Page 11 and 12: Hindi nalalayo sa isa’t-isa ang a
- Page 13 and 14: Ang mga Bahagi ng Nervous System 13
- Page 15 and 16: Binubuo ang central nervous system
- Page 17 and 18: Nakakagawa ng maraming bagay ang at
- Page 19 and 20: Cerebellum din ang nag-uutos at nag
- Page 21 and 22: Magbalik-aral Tayo Punuan ang mga p
- Page 23 and 24: Alamin Natin Peripheral Nervous Sys
- Page 25 and 26: Sa pamamagitan ng peripheral nervou
- Page 27 and 28: Nagaganap ang pagpasa ng electrical
- Page 29 and 30: Tandaan Natin ♦ May dalawang pang
- Page 31: Kaagad na dinala si Carlo sa ospita
- Page 35 and 36: 1. Stroke Alamin Natin Ang mga Kara
- Page 37 and 38: 7. Mental Retardation Nang ipinanga
- Page 39 and 40: Nagbibigay din ng pag-asa sa mga pa
- Page 41 and 42: Pangangalaga sa Nervous System 41 A
- Page 43 and 44: Mag-ingat kapag nasa daan. Kung nak
- Page 45 and 46: Subukan Natin Ito Araw-araw maramin
- Page 47 and 48: ♦ Nararapat lamang na lagi nating
- Page 49 and 50: Batayan sa Pagwawasto A. Anu-ano na
- Page 51 and 52: Pag-isipan Natin Ito (pahina 14) 1.
- Page 53 and 54: Alamin Natin ang Iyong mga Natutuha
- Page 55 and 56: E. Aralin 4 Subukan Natin Ito (pahi
- Page 57 and 58: Myelinated Isang uri ng neuron na m
Pag-isipan Natin Ito

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sanhi ng mga aksidente nina Carlo at Ana?

2. Bakit mahalagang protektahan ang buto sa likod (vertebrae) at ang bungo?

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 53.

Alamin Natin

Sa dalawang sitwasyon na ibinigay, sina Carlo at Ana ay parehong nakaranas ng

sakit mula sa bali sa buto. Nangyayari ang bali kapag nabasag ang buto. Sa kasamaang

palad, ang kanilang mga butong may bali ay nagsisilbing proteksiyon sa kanilang

central nervous system. Ang buto sa likod ang prumoprotekta sa spinal cord at ang

bungo naman sa utak.

Kung malaki ang bali, maaaring maapektuhan din ang bahagi ng katawan na

pinoprotektahan nito. Ito ang nangyari sa kaso ni Ana. Matagal siyang nanatiling walang

malay dahil naapektuhan ang kanyang utak ng lamat sa kanyang bungo.

Napakaselan ang mga bahagi ng nervous system. Alin man sa mga ito ang

makaranas ng pinsala, kadalasang maaapektuhan din ang buong katawan. Maraming

aktibidad, lalo na sa isports, maaaring makapinsala sa nervous system lalo na kung

hindi nag-iingat.

Maaaring magdulot ng pinsala sa spinal cord ang mga peligrosong aktibidad

katulad ng pagsisid sa mababaw na tubig, pagtalon mula sa mataas na puno at ang

mabilis na pangangarera. Ang mga pinsala sa spinal cord ay maaaring magresulta sa

paraplegia, o pagkaparalisa ng ibabang bahagi ng katawan, o quadriplegia, o ang

pagkaparalisa ng mga kamay at mga paa.

32