Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

07.12.2012 Views

ANG AKLAT NI HABACUC Pambungad Habacuc 1–3 Karamihan sa alam natin tungkol kay Habacuc ay makukuha sa kanyang mga isinulat. Si Habacuc ay kasabayan nina Jeremias at Lehi at malamang ay nanirahan siya sa Jerusalem (tingnan sa “Ang mga Hari at Propeta ng Israel at Juda,” p. 259). Nagpropesiya siya bago ang unang pagpapatapon sa mga Judio sa Babilonia noong mga 597 b.c. (tingnan sa Habacuc 1:6; tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Habacuc,” p. 70). Ang aklat ni Habacuc ay kakaiba. Karamihan sa mga aklat ng propeta ay naglalaman ng babala ng Panginoon sa kanyang mga anak, ngunit ang aklat na ito ay talaan ng sariling pakikipag-usap ni Habacuc sa Panginoon. Habang pinag-aaralan ninyo ang talaang ito, hanapin ang dalawang ikinaliligalig ni Habacuc (tingnan sa Habacuc 1:2–4 at 1:12–2:1) at ang mga kasagutang tinanggap niya (tingnan sa Habacuc 1:5–11 at 2:2–20). Pansinin din ang magandang awit ng papuri na ipinangwakas ni Habacuc sa kanyang aklat (tingnan sa Habacuc 3). Ilang Mahahalagang Alituntunin ng Ebanghelyo na Hahanapin • Bagama’t kahit ang matatapat ay sinisikap maunawaan ang lahat ng kanyang pamamaraan, nangako ang Panginoon na ipaaalam niya ang kanyang mga misteryo sa mga masigasig na naghahanap sa kanya (tingnan sa Habacuc 1–3; tingnan din sa Isaias 55:8–9; 1 Nephi 10:17–19; D at T 76:1–10). • Parurusahan ng Panginoon ang masasama sa sarili niyang panahon at sa sarili niyang pamamaraan (tingnan sa Habacuc 1:1–11). • Kung minsan ay tinutulutan ng Panginoon ang masasama na parusahan o lipulin ang isa’t isa (tingnan sa Habacuc 1:5–11; tingnan din sa Mormon 4:5). • Inaasahan ng Panginoon na mamumuhay ang kanyang pinagtipanang mga tao ayon sa liwanag na natanggap nila (tingnan sa Habacuc 1:12–2:20). Mga Mungkahi sa Pagtuturo Habacuc 1–3. Bagama’t sinisikap nating maunawaan ang lahat ng kanyang pamamaraan, nangako ang Panginoon na ipaaalam niya ang kanyang mga misteryo sa mga masigasig na naghahanap sa kanya. (25–35 minuto) 245 Itanong sa mga estudyante: • Saan kayo hihingi ng tulong kung hindi ninyo alam ang ibig sabihin ng isang salita? • Saan kayo pupunta kung kayo ay maysakit? • Saan kayo pupunta para maunawaan kung bakit umuunlad ang masasama kung minsan samantalang nagdurusa ang mabubuti? • Angkop bang magtanong sa Panginoon? Ipabasa sa mga estudyante ang Genesis 25:22; Exodo 3:11; Job 3:11; at Doktrina at mga Tipan 121:1–3 at ipahanap kung ano ang karaniwan sa mga banal na kasulatang ito. Talakayin kung ano ang ginawa ng mga propeta at iba pa nang maharap sila sa matitinding pagsubok at mangailangan ng tulong at pag-unawa mula sa Panginoon. Basahin at talakayin ang Santiago 1:5. Sabihin sa mga estudyante na nabuhay si Habacuc noong ang karamihan sa mga tao ng Juda ay masasama. Ipabasa sa kanila ang Habacuc 1:1–4. Itanong: • Ano ang itinanong ni Habacuc sa Panginoon? • Bakit kung minsan ay tila hindi napaparusahan at umuunlad pa ang masasama samantalang pinahihirap nila ang buhay ng mga yaong nagsisikap na magpakabuti? Basahin ang Habacuc 1:5–11 sa inyong mga estudyante at talakayin ang sagot ng Panginoon sa tanong ni Habacuc (tingnan sa komentaryo para sa Habakkuk 1:2–4 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 227). Itanong: • Makakatakas ba sa parusa ang sinumang masama? (tingnan din sa 3 Nephi 27:11; D at T 121:7–22). • Paano kaya matutulungan ng sagot ng Panginoon ang mga tao ngayon na gayon din ang tanong? Ang sagot ng Panginoon ay nagpasok ng isa pang katanungan sa isipan ni Habacuc. Ipabasa sa mga estudyante ang Habacuc 1:12–17 at ipahanap ang pangalawang tanong ni Habacuc. Gamitin ang mga komentaryo para sa Habakkuk 1:5–17 at 2 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, mga pahina 227–28). para matulungan kayong talakayin ang sumusunod na mga tanong sa inyong mga estudyante: • Bakit kung minsan ay tinutulutan ng Panginoon ang masasama na pasakitan ang mabubuti? (tingnan din sa D at T 122). • Bakit higit niyang inaasahan ang kanyang mga tao na sundin ang kanyang mga utos at tipan kaysa mga taong hindi nakatanggap ng gayon karaming katotohanan? (tingnan din sa Lucas 12:47–48; D at T 82:3). Itanong sa mga estudyante kung ano ang pakiramdam nila batid na sinagot ng Panginoon ang mga tanong ni Habacuc. Hikayatin silang bumaling sa Panginoon at sa mga salita ng mga buhay na propeta habang hinahanap nila ang mga sagot sa sarili nilang mga tanong.

Habacuc 1–3 Kapag tumatanggap tayo ng mga sagot o pagpapala mula sa Panginoon dapat natin siyang pasalamatan. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 59:7, 21 at itanong sa mga estudyante kung ano ang hangad ng Panginoon sa mga pinagpapala niya. Basahin ang Habacuc 3:17–19 at itanong kung paano 246 naging pasasalamat ang mga talatang iyon. Hikayatin ang mga estudyante na pasalamatan ang Diyos kapag pinagpapala niya sila o binibigyan sila ng pang-unawa. Tiyakin sa kanila na siya ang namamahala sa kanyang mga nilikha, kahit hindi natin nauunawaan ang lahat ng kanyang pamamaraan.

Habacuc 1–3

Kapag tumatanggap tayo ng mga sagot o pagpapala mula sa

Panginoon dapat natin siyang pasalamatan. Basahin ang

Doktrina at mga Tipan 59:7, 21 at itanong sa mga estudyante

kung ano ang hangad ng Panginoon sa mga pinagpapala

niya. Basahin ang Habacuc 3:17–19 at itanong kung paano

246

naging pasasalamat ang mga talatang iyon. Hikayatin ang

mga estudyante na pasalamatan ang Diyos kapag pinagpapala

niya sila o binibigyan sila ng pang-unawa. Tiyakin sa kanila

na siya ang namamahala sa kanyang mga nilikha, kahit

hindi natin nauunawaan ang lahat ng kanyang pamamaraan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!