Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

07.12.2012 Views

ANG AKLAT NI JOEL Pambungad Joel 1–3 Malamang ay nabuhay ang propetang si Joel sa pagitan ng 850 at 740 b.c., ngunit hindi tiyak ang mga petsang ito (tingnan sa “Ang mga Hari at Propeta ng Israel at Juda,” p. 257). Ang alam natin ay ipinadala si Joel sa katimugang kaharian ng Juda na may mensahe para sa kanila na magsisi o malipol (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Joel,” p. 96). Inilarawan din ni Joel ang mga tagpo mula sa ating panahon, at angkop din sa atin ang mensaheng hatid niya sa sinaunang mga Judio (tingnan sa pambungad sa Joel sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 83). Sa pag-aaral ninyo ng aklat ni Joel, hanapin ang mga turong makakatulong sa paghahanda ninyo para sa mga dakilang kaganapan sa mga huling araw. Ilang Mahahalagang Alituntunin ng Ebanghelyo na Hahanapin • Ang kahindik-hindik na mga digmaan, kapanglawan, at kalamidad ay lilipol sa mga yaong hinog na sa kasamaan bago ang at pagsapit ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo (tingnan sa Joel 1; 2:1–11, 28–32; 3:1–16). • Dapat tayong bumaling sa Panginoon para mapaghandaan ang kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Joel 1:13–15, 19; 2:12–18, 32; tingnan din sa D at T 133:10–19). • Darating sa mabubuti ang malalaking pagpapalang espirituwal at pisikal pagsapit at pagkatapos ng mga pagkalipol na kaakibat ng Ikalawang Pagparito (tingnan sa Joel 2:28–32; 3:15–21). 235 Mga Mungkahi sa Pagtuturo Ang Video ng Lumang Tipan pagtatanghal 21, “Ang Ikalawang Pagparito,” ay gumagamit ng dalawang analohiyang nagpapakita ng kahalagahan ng paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo (tingnan sa Gabay sa Video ng Lumang Tipan para sa mga mungkahi sa pagtuturo). Joel 1–3. Nakita ni Joel ang mga araw bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at nagpayo siya kung paano maghanda para dito. (20–25 minuto) Sabihin sa mga estudyante na nang magpakita si Moroni kay Propetang Joseph Smith, binanggit niya ang Joel 2:28–32 at sinabing “hindi pa ito natutupad, ngunit malapit na” (Joseph Smith—Kasaysayan 1:41). Ipabasa sa kanila ang Joel 2:28–32 at itanong sa kanila kung ano ang pakiramdam nila tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at sa mga mangyayari bago ito dumating. Basahin ang Joel 2:11. Ipahiwatig sa mga estudyante na ang salitang dakila ay malamang na tumutukoy sa matinding kaluwalhatian ng Ikalawang Pagparito, ngunit ang kaganapang ito ay maaaring kapwa masaya at kakila-kilabot. Ipasaliksik sa mga estudyante ang Joel 2–3 at ipatukoy kung ano ang makabuluhan o makakatulong sa paghahanda para sa mga dakilang kaganapan sa mga huling araw (halimbawa, tingnan sa Joel 2:12–13; 3:16–21). Basahin ang Doktrina at mga Tipan 38:30 sa inyong mga estudyante at talakayin ang kaibhang magagawa ng pagiging handa sa Ikalawang Pagparito. Kung may oras pa, maaari ninyong isipin na ihambing ang Joel 2–3 sa Doktrina at mga Tipan 43:17–30 at 45:39–59. Para maipaunawa sa mga estudyante na kailangang ipamuhay kaagad ang mga turo ni Joel, isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong: • Anong bahagi ng huling labanang iyon ng mabuti at masama ang pinaglalabanan na ngayon? (tingnan sa D at T 76:25–30). • Paano naging katulad ng Armagedon ang labanang iyon? • Sino ang mga bayani ng labanang ito? • Sino ang mga nasawi? • Dapat ba tayong sumalakay o magtanggol sa labanang ito? (tingnan sa Mga Taga Efeso 6:10–18). • Paano tayo natutulungan ng payo ni Joel na makapaghanda para sa labanang ito?

ANG AKLAT NI AMOS Pambungad Amos 1–9 Tinawag na maging propeta si Amos noong medyo maunlad ang Israel at Juda at kinailangan niyang ihatid ang mensahe ng pagkawasak na di magtatagal ay darating sa mga suwail at sumasamba sa mga diyus-diyusan. Ang aklat ni Amos ay isang napakaayos at maliwanag na tipon ng mga turo ng propeta. Ang kanyang mensahe ay patungkol sa hilagang kaharian ng Israel (tingnan sa Amos 2:6–9:15), ngunit nagpropesiya rin siya laban sa Juda at sa mga bansang sumasamba sa mga diyus-diyusan sa paligid nila (tingnan sa Amos 1:3–2:5). Para sa iba pang impormasyon, tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Amos” (mga pahina 8–9) at sa pambungad sa Amos sa Old Testament: 1 Kings–Malachi (p. 89). Ilang Mahahalagang Alituntunin ng Ebanghelyo na Hahanapin • Sasapit sa masasama ang mga kahatulan ng Diyos (tingnan sa Amos 1–2). • Laging kumikilos ang Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta upang ihayag ang kanyang kalooban at balaan ang kanyang mga tao (tingnan sa Amos 3:7; 7:1–9, 14–17). • Ang Panginoon kung minsan ay gumagamit ng digmaan, taggutom, salot, o iba pang mga kapinsalaan upang hikayatin ang kanyang mga anak na magsisi at magbalik sa kanya (tingnan sa Amos 3:9–15; 4; 6; 8; 9:1–10). Mga Mungkahi sa Pagtuturo Amos 1–3. Ibinuhos ng Panginoon ang kanyang mga kahatulan sa sinaunang Juda at Israel para din sa mga dahilan kaya siya nagbabala tungkol sa mga parusa sa mga huling araw na ito. (20–25 minuto) Bago magklase, gumupit ng walong piraso ng papel na mga apat na pulgada o sampung sentimetro kuwadrado ang sukat. Lagyan ng pangalan ang pito sa mga ito ayon sa sumusunod: Siria (Damasco), Filisteo (Gaza), Phoenicia (Tiro), Edom, Ammon, Moab, at Juda. Maingat na sunugin ang mga gilid ng bawat papel. Ganap na sunugin ang ikawalong papel, ilagay ang mga abo nito sa isang maliit at malinaw na bote, at lagyan ito ng pangalang “Israel.” Ipakita sa mga estudyante ang mga piraso ng papel na sunog ang mga gilid at itanong: Kung ipakita sa inyo ng isang propeta 236 ang mga papel na ito, ano kaya ang kahulugan nito? Ipakita ang boteng may pangalang “Israel” at itanong kung ano kaya ang kahulugan nito kung ihahambing sa iba pang mga papel. Ipasaliksik sa mga estudyante ang Amos 1:3–2:5 at ipahanap kung ano ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Amos na nagpapaliwanag sa mga sunog na papel. Tulungan silang hanapin ang mga bansang iyon sa mapa 3 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Itanong sa kanila kung paano nagkaiba ang mga dahilan kaya pinarusahan ang Juda at ang mga dahilan kaya pinarusahan ang mga bansang gentil. (Para sa karagdagang tulong, tingnan sa mga komentaryo para sa Amos 1–2 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, mga pahina 89–91). Sabihin sa mga estudyante na ang natitirang mga pahina ng aklat ni Amos ay naglalaman ng isang propesiya tungkol sa hinaharap ng Israel. (Ipakita ang bote.) Basahin ang Amos 2:6–16 at 3:1–2, 9–15 sa inyong mga estudyante at ipahanap sa kanila ang ilan sa mga dahilan kaya nagpataw ng mga parusa ang Panginoon sa Israel (tingnan sa komentaryo para sa Amos 2:4–16 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 91). Itanong: • Bakit magandang simbolo ng ipinropesiya para sa Israel ang bote ng mga abo? • Paano tayo tumatanggap ng tamang kaalaman? • Kailan tayo nakikipagtipan sa Ama sa Langit ngayon? Ipabasa sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:3, 10 at ipatalakay kung paano nakatulad ng sinabi ng Panginoon sa sinaunang Israel ang sinabi niya sa mga talatang iyon. Amos 3:3–8 (Scripture Mastery, Amos 3:7). Inihahayag ng Panginoon ang kanyang kalooban sa kanyang mga propeta, na siyang nagpapahayag nito sa mga tao. (10–15 minuto) Sabihin sa mga estudyante na bibigyan ninyo sila ng maikling pagsusulit. Bigyan sila ng lima o anim na tanong na ang sagot ay malinaw na“hindi.” Halimbawa: Sinasagot ba ninyo ang telepono kapag hindi ito tumutunog? o Bibili ba kayo ng pagkain ng pusa kapag wala kayong pusa? Iangkop ang mga tanong sa inyong lugar. Itanong sa mga estudyante kung ano ang karaniwan sa mga tanong. (Lahat ng sagot sa mga ito ay “hindi.”) Sabihin sa kanila na ganito rin ang mga tanong ni Amos sa kanyang mga tao. Basahin ang Amos 3:3–6 at ipaliwanag na pito ang malalabong tanong ni Amos na may malilinaw na sagot. Pansinin na ang ibig sabihin ng huling tanong sa talata 5 ay “Magsasara ba ang isang bitag kung walang huli?” at na binago ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia ang huling linya ng talata nang ganito, “magkakaroon ba ng kasamaan sa isang lungsod, at hindi ito malaman ng Panginoon?”

ANG AKLAT NI JOEL

Pambungad

Joel 1–3

Malamang ay nabuhay ang propetang si Joel sa pagitan ng

850 at 740 b.c., ngunit hindi tiyak ang mga petsang ito (tingnan

sa “Ang mga Hari at Propeta ng Israel at Juda,” p. 257).

Ang alam natin ay ipinadala si Joel sa katimugang kaharian

ng Juda na may mensahe para sa kanila na magsisi o malipol

(tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Joel,” p. 96). Inilarawan

din ni Joel ang mga tagpo mula sa ating panahon, at

angkop din sa atin ang mensaheng hatid niya sa sinaunang

mga Judio (tingnan sa pambungad sa Joel sa Old Testament:

1 Kings–Malachi, p. 83).

Sa pag-aaral ninyo ng aklat ni Joel, hanapin ang mga turong

makakatulong sa paghahanda ninyo para sa mga dakilang

kaganapan sa mga huling araw.

Ilang Mahahalagang Alituntunin ng

Ebanghelyo na Hahanapin

• Ang kahindik-hindik na mga digmaan, kapanglawan, at

kalamidad ay lilipol sa mga yaong hinog na sa kasamaan

bago ang at pagsapit ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

(tingnan sa Joel 1; 2:1–11, 28–32; 3:1–16).

• Dapat tayong bumaling sa Panginoon para mapaghandaan

ang kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Joel 1:13–15,

19; 2:12–18, 32; tingnan din sa D at T 133:10–19).

• Darating sa mabubuti ang malalaking pagpapalang espirituwal

at pisikal pagsapit at pagkatapos ng mga pagkalipol

na kaakibat ng Ikalawang Pagparito (tingnan sa Joel

2:28–32; 3:15–21).

235

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Video ng Lumang Tipan pagtatanghal 21, “Ang Ikalawang

Pagparito,” ay gumagamit ng dalawang analohiyang

nagpapakita ng kahalagahan ng paghahanda para sa

Ikalawang Pagparito ni Cristo (tingnan sa Gabay sa Video ng

Lumang Tipan para sa mga mungkahi sa pagtuturo).

Joel 1–3. Nakita ni Joel ang mga araw bago ang Ikalawang

Pagparito ni Jesucristo at nagpayo siya kung paano

maghanda para dito. (20–25 minuto)

Sabihin sa mga estudyante na nang magpakita si Moroni kay

Propetang Joseph Smith, binanggit niya ang Joel 2:28–32 at sinabing

“hindi pa ito natutupad, ngunit malapit na” (Joseph

Smith—Kasaysayan 1:41). Ipabasa sa kanila ang Joel 2:28–32 at

itanong sa kanila kung ano ang pakiramdam nila tungkol sa

Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at sa mga mangyayari bago

ito dumating. Basahin ang Joel 2:11. Ipahiwatig sa mga estudyante

na ang salitang dakila ay malamang na tumutukoy sa

matinding kaluwalhatian ng Ikalawang Pagparito, ngunit ang

kaganapang ito ay maaaring kapwa masaya at kakila-kilabot.

Ipasaliksik sa mga estudyante ang Joel 2–3 at ipatukoy kung

ano ang makabuluhan o makakatulong sa paghahanda para

sa mga dakilang kaganapan sa mga huling araw (halimbawa,

tingnan sa Joel 2:12–13; 3:16–21). Basahin ang Doktrina at mga

Tipan 38:30 sa inyong mga estudyante at talakayin ang kaibhang

magagawa ng pagiging handa sa Ikalawang Pagparito.

Kung may oras pa, maaari ninyong isipin na ihambing ang

Joel 2–3 sa Doktrina at mga Tipan 43:17–30 at 45:39–59.

Para maipaunawa sa mga estudyante na kailangang ipamuhay

kaagad ang mga turo ni Joel, isaalang-alang ang sumusunod

na mga tanong:

• Anong bahagi ng huling labanang iyon ng mabuti at masama

ang pinaglalabanan na ngayon? (tingnan sa D at T

76:25–30).

• Paano naging katulad ng Armagedon ang labanang iyon?

• Sino ang mga bayani ng labanang ito?

• Sino ang mga nasawi?

• Dapat ba tayong sumalakay o magtanggol sa labanang ito?

(tingnan sa Mga Taga Efeso 6:10–18).

• Paano tayo natutulungan ng payo ni Joel na makapaghanda

para sa labanang ito?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!