Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

07.12.2012 Views

ANG MGA PANAGHOY NI JEREMIAS Pambungad Mga Panaghoy 1–5 Karaniwan noon sa sinaunang Juda ang kumatha at kumanta ng mga panaghoy tungkol sa pumanaw na mga kaibigan o kamag-anak. Ginawa rin ito ni Jeremias para sa pinakamamahal niyang Jerusalem. Inihayag sa aklat ng Mga Panaghoy ang kanyang kalumbayan sa pagkawasak ng Banal na Lungsod. Ang pamagat ng aklat sa Hebreo ay ‘eikhah, o “Ano’t … !” mula sa unang talata ng aklat, “Ano’t nakaupong magisa ang bayan …” (Mga Panaghoy 1:1; tingnan din sa 2:1; 4:1). Ang pamagat ay nagpapahayag ng magkahalong pagkabigla at kawalang-pag-asa sa sinapit ng Jerusalem. Halos lahat ng aklat ng mga propeta sa Lumang Tipan ay naglalaman ng mga panaghoy, ngunit Mga Panaghoy ang tanging aklat na lubos na naglalaman ng ganitong estilo ng pagsulat. Ang mga tula ay ginagamit sa maraming kultura para magpahayag ng masidhing damdamin, at ang buong aklat ng Mga Panaghoy ay maingat na isinulat nang patula. Mga kabanata 1–2 at 4 ang bumubuo ng acrostics. Bawat isa ay may dalawampu’t dalawang taludtod, bawat simula ay may isa sa dalawampu’t dalawang titik ng alpabetong Hebreo, na nakaayos ayon sa alpabeto. Isinulat ni Ellis T. Rasmussen na “bahagi ng epekto ng naka-alpabetong mga tulang acrostic ang magpahayag ng ideya na saklaw ng tula ang iba’t ibang damdaming ipinararating nito” (A Latter-day Saint Commentary on the Old Testament [1993], 577–78). Ang kabanata 3 ay may animnapu’t anim na taludtod (tatlong ulit na dalawampu’t dalawa) at acrostic din. Sa kabanatang iyan ang unang tatlong taludtod ay nagsisimula sa unang titik ng alpabetong Hebreo, ang susunod na tatlo sa ikalawang titik, at kung anu-ano pa. Ang kabanata 5 ay may dalawampu’t dalawang taludtod ngunit hindi acrostic (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Panaghoy, Aklat ng mga,” p. 202). Ilang Mahahalagang Alituntunin ng Ebanghelyo na Hahanapin • Hindi tayo maliligtas sa pagiging miyembro lamang ng Simbahan; kailangan tayong maging tapat at magiting (tingnan sa Mga Panaghoy 1:1–8, 16–22; 2:1–7). • Naaawa at nahahabag ang Panginoon at kanyang mga propeta sa mga makasalanan at handa silang tulungang magsisi ang mga ito (tingnan sa Mga Panaghoy 3:22–26, 31–32, 40, 58; 5:21; tingnan din sa II Ni Pedro 3:9; Alma 34:15–18). 217 Mga Mungkahi sa Pagtuturo Mga Panaghoy 1–2. Hindi tayo maliligtas sa pagiging miyembro lamang ng Simbahan; kailangan tayong maging tapat at magiting. (20–30 minuto) Isulat sa pisara ang salitang mga panaghoy at itanong sa mga estudyante kung alam nila ang kahulugan nito. Ibahagi ang impormasyon sa naunang pambungad sa Mga Panaghoy ni Jeremias at ipaunawa sa kanila kung bakit iyon ang pamagat ng aklat. Ipasaliksik sa mga estudyante ang Mga Panaghoy 1:1–8, 12–20 at ipatukoy ang mga dahilan ng pagkawasak ng Jerusalem. Ilista sa pisara ang mga dahilang iyon. Ipaalala sa mga estudyante na inakala ng maraming Judio na dahil mayroon silang templo at batas ni Moises, hinding-hindi tutulutan ng Panginoon na masakop ang Jerusalem. Nagpropesiya pa ang mga bulaang propeta na ligtas ang Jerusalem (tingnan sa Jeremias 28:1–4, 15–17). Basahin ang Mga Panaghoy 2:1–7 at talakayin ang nangyari sa templo, gamit ang mga tanong na tulad ng sumusunod: • Gaanong proteksyon ang ibinigay ng pagkakaroon ng templo sa Jerusalem at mga Judio? • Ano ang damdamin ng Panginoon tungkol sa templo noong napakasama ng mga tao? (tingnan sa mga komentaryo para sa Lamentations 1:12–22 at 2:1–10 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 250). • Anong mga sagradong gusali at ordenansa ang naibigay sa atin ng Panginoon ngayon? • Kung hindi tayo karapat-dapat na pumasok doon, sa palagay ba ninyo poprotektahan tayo ng pagkakaroon ng mga templo? • Ano ang mas mahalaga sa Panginoon kaysa mga gusali at seremonya, kahit yaong mga sagrado? (tingnan sa I Samuel 15:22–23). • Anong proteksyon ang ipinangako sa atin ng Panginoon kung tayo ay matwid sa gitna ng kadiliman? (tingnan sa D at T 45:66–71). Magpatotoo sa inyong mga estudyante kung paano tayo mapoprotektahan at masusuportahan ng pagiging mabuting miyembro ng Simbahan sa mahihirap na panahon. Kailangan tayong magkaroon ng matitibay na patotoo at maging magiting upang matanggap ang lahat ng ipinangako ng Panginoon. Mga Panaghoy 1–5. Naaawa at nahahabag ang Panginoon at kanyang mga propeta sa mga makasalanan at handa silang tulungang magsisi ang mga ito. (20–25 minuto) Magpaisip sa mga estudyante ng isang panahon kung kailan nalungkot sila nang husto. Maglista ng ilang dahilan kung bakit tayo nakadarama ng gayong kalungkutan. Sama-samang basahin ang Mateo 23:37–39; Jacob 5:40–42; Doktrina at mga

Ang Mga Panaghoy ni Jeremias Tipan 76:25–27; at Moises 7:28–29, 32–33 at ilista kung bakit malungkot ang Panginoon kung minsan. Mapagmahal din ang mga propeta. Ipabasa sa mga estudyante ang Jacob 1:19–2:3; Mormon 6:16–22; 1 Nephi 8:37; at Moises 7:41 at ipatalakay kung ano ang nadama ng mga propetang iyon at bakit. Itanong: • Sa palagay ninyo, bakit sila nalungkot sa halip na magalit, lalo na’t kung minsan ay tinatanggihan at tinatangka silang lipulin ng mga tao? • Ano ang hangad ng ating propeta para sa atin ngayon? 218 Ipaalala sa mga estudyante na nangaral ng pagsisisi si Jeremias ngunit hindi nagsisi ang mga tao, kaya winasak ang Jerusalem. Pagkaraan ng malungkot na pangyayaring iyon isinulat niya ang Mga Panaghoy. Itanong kung ano kaya ang nadarama ni Jeremias habang isinusulat ang Mga Panaghoy (tingnan sa pambungad sa “The Babylonian Captivity” sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 245). Papiliin at pabasahin ng isang kabanata ng Mga Panaghoy ang bawat estudyante at papiliin ng isa o mahigit pang talata na maaaring pinakamainam na naglalarawan ng kalungkutan ni Jeremias at kung bakit siya nalungkot. Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mga natuklasan. Basahin ang Mateo 23:33–38 at talakayin kung paano naging katulad ng mga ipinahayag ng Tagapagligtas ang damdamin ni Jeremias.

Ang Mga Panaghoy ni Jeremias

Tipan 76:25–27; at Moises 7:28–29, 32–33 at ilista kung bakit

malungkot ang Panginoon kung minsan.

Mapagmahal din ang mga propeta. Ipabasa sa mga estudyante

ang Jacob 1:19–2:3; Mormon 6:16–22; 1 Nephi 8:37; at

Moises 7:41 at ipatalakay kung ano ang nadama ng mga propetang

iyon at bakit. Itanong:

• Sa palagay ninyo, bakit sila nalungkot sa halip na magalit,

lalo na’t kung minsan ay tinatanggihan at tinatangka silang

lipulin ng mga tao?

• Ano ang hangad ng ating propeta para sa atin ngayon?

218

Ipaalala sa mga estudyante na nangaral ng pagsisisi si Jeremias

ngunit hindi nagsisi ang mga tao, kaya winasak ang Jerusalem.

Pagkaraan ng malungkot na pangyayaring iyon isinulat niya

ang Mga Panaghoy. Itanong kung ano kaya ang nadarama ni

Jeremias habang isinusulat ang Mga Panaghoy (tingnan sa

pambungad sa “The Babylonian Captivity” sa Old Testament:

1 Kings–Malachi, p. 245). Papiliin at pabasahin ng isang kabanata

ng Mga Panaghoy ang bawat estudyante at papiliin ng isa o

mahigit pang talata na maaaring pinakamainam na naglalarawan

ng kalungkutan ni Jeremias at kung bakit siya nalungkot.

Ipabahagi sa ilang estudyante ang kanilang mga natuklasan.

Basahin ang Mateo 23:33–38 at talakayin kung paano naging

katulad ng mga ipinahayag ng Tagapagligtas ang damdamin ni

Jeremias.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!