Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan

07.12.2012 Views

• Anong simbolo ang ginamit sa mga talatang iyon para patibayin ang tolda ng Sion? (Mga tulos [stake].) Kopyahin ang sumusunod na larawan o idrowing ito sa pisara upang mailarawan ang Isaias 54:2–3. Itanong sa mga estudyante ang sumusunod, at ilista sa pisara ang kanilang mga sagot: Paano isinisimbolo ng pagtitipon ng Israel ang tolda? Ano ang magagawa natin ngayon na makakatulong sa pagtitipong iyan? (Halimbawa, ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo, magpakita ng magagandang halimbawa, ibahagi ang mensahe ng ebanghelyo sa mga kaibigan ninyong hindi miyembro, at maghandang maglingkod sa mga misyon.) Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Napakaraming kabataang walang direksyon ang buhay at nalululong sa droga, barkada, imoralidad, at ng lahat ng problemang dulot ng mga bagay na ito. May mga balo na sabik marinig ang tinig ng mga kaibigan sa diwa ng pag-aalalang nagpapakita ng pagmamahal. May mga taong dati-rati ay aktibo sa Simbahan, ngunit nanghina ang pananampalataya. Marami sa kanila ang nais bumalik ngunit hindi alam kung paano. Kailangan nila ng mga kaibigang tutulong sa kanila. Sa kaunting pagsisikap, marami sa kanila ang maibabalik upang muling magpakabusog sa hapag ng Panginoon. “Mga kapatid, aasahan ko, idadalangin ko na bawat isa sa atin … ay magpapasiyang hanapin yaong mga nangangailangan ng tulong, na malungkot at mahirap ang mga kalagayan, at pasiglahin sila sa diwa ng pagmamahal tungo sa pangangalaga ng Simbahan, kung saan sila pasisiglahin, aaliwin, susuportahan, at aakayin ng malalakas na kamay at mapagmahal na mga puso sa landas ng maligaya at makabuluhang buhay” (sa Conference Report, Okt. 1996, 118; o Ensign, Nob. 1996, 86). 203 Isaias 53 (Scripture Mastery, Isaias 53:3–5). Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Tagapamagitan sa Ama. Sa pagsasakatuparan ng Pagbabayad-sala, pinagdusahan niya ang mga pasakit at kasalanan ng buong sangkatauhan at nadaig ang kamatayan sa pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli. Ang Pagbabayad-sala ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng plano ng kaligtasan. (30–40 minuto) S M T W TH F S Ipawari sa mga estudyante na nabihag sila ng malulupit at masasamang tao at pinatawan ng parusang kamatayan. Itanong: • Ano ang inyong magiging huling habilin? • Ano ang karaniwang pinaniniwalaan tungkol sa huling habilin ng isang tao? (Inihahayag nito kung ano ang mahalaga sa taong iyon.) Ipaliwanag sa mga estudyante na bago pinatay ng masamang si Haring Noe at ng kanyang mga saserdote ang propeta ng Aklat ni Mormon na si Abinadi, bilang bahagi ng kanyang huling habilin, sinipi niya ang buong Isaias 53 (tingnan sa Mosias 14). Ipagawa sa mga estudyante ang aktibidad A para sa Isaias 53 sa kanilang gabay ng estudyante sa pag-aaral. Ipabahagi sa kanila kung ano ang lubos nilang hinangaan tungkol sa Tagapagligtas habang ginagawa nila ang aktibidad na iyan. Maaari din ninyong ibahagi sa kanila ang ilan sa impormasyong matatagpuan sa mga komentaryo para sa Isaiah 53 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi (mga pahina 197–99). • Basahin ang Isaias 53:11–12; Mga Taga Roma 8:16–17; at Doktrina at mga Tipan 76:92–95. Itanong sa mga estudyante: • Ano ang tinanggap ni Jesus matapos pinagdusahan ang lahat sa mortalidad? Sino ang handa niyang bahaginan nito? Isaias 48–66 Maaaring kantahin o basahin ng klase ang mga titik ng isa o mahigit pang mga himno na mababanaagan ng diwa, himig, at mensahe ng Isaias 53, tulad ng “Ako ay Namangha” (Mga Himno, blg. 115), “Dakilang Karunungan at Pag-ibig” (Mga Himno, blg. 116), o “Jesus, Hamak nang Isilang,” (Mga Himno, blg. 118). Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Neal A. Maxwell: “Ang kahanga-hanga at maluwalhating Pagbabayadsala ang pinakamahalagang kaganapan sa buong kasaysayan ng tao. Dito nakasalalay ang lahat ng bagay na walang hanggan ang kahalagahan” (sa Conference Report, Abr. 1985, 93; o Ensign, Mayo 1985, 73). Ibahagi ang inyong damdamin para sa Tagapagligtas at sa kanyang sakripisyo. Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyanteng gusto ring magbahagi ng kanilang damdamin.

Ang Aklat ni Isaias Isaias 55:1–7. Lahat ng lumalapit kay Cristo ay tumatanggap ng kapatawaran, kaligayahan, at kapayapaan. (15–20 minuto) Magpakita ng isang basong tubig at isang tinapay. Ipabasa sa mga estudyante ang Isaias 55:1–3 at ipahanap kung paano tinukoy rito ang tubig at tinapay. (Ipaliwanag na ang salitang oh, sa talata 1, ay maaari ding isalin bilang “halina.”) Ipabasa sa kanila ang Juan 4:13–14 at 6:47–51 at ipatukoy kung sino ang kinakatawan ng tubig at tinapay. Itanong: Bakit magagandang simbolo ng Tagapagligtas ang tinapay at tubig? Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:14. Itanong sa mga estudyante: • Ayon sa banal na kasulatang ito, ano ang “tungkod ng buhay”? • Saan gawa ang tinapay? • Kung mahalaga ang tinapay at tubig para mabuhay, ano, kung gayon, ang itinuturo ng mga ito, bilang mga simbolo ni Cristo, tungkol sa pinagmumulan ng espirituwal na buhay? Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson sa pagtatapos ng isang pangkalahatang kumperensya: “Nawa’y umuwi tayong lahat na muling nangangakong maging tapat sa sagradong misyon ng Simbahan tulad ng ipinaliwanag na mabuti sa mga sesyon ng kumperensyang ito—na ‘mag-anyaya sa lahat na lumapit kay Cristo’ (D at T 20:59)” (sa Conference Report, Abr. 1988, 97; o Ensign, Mayo 1988, 84). Ipasaliksik sa mga estudyante ang Isaias 55:3–7 at magpagawa ng dalawang listahan—ang isa ay kung paano lalapit sa Panginoon at ang isa naman ay ang mga pagpapalang natatanggap natin sa paglapit sa kanya. Bigyan sila ng oras na maibahagi ang natagpuan nila. Ipabasa sa kanila ang Mateo 11:28–30; Mosias 26:30; at Moroni 10:32–33 at ipatukoy ang mga karagdagang pagpapalang ibinibigay sa mga yaong lumalapit kay Cristo. Isaias 55:8–9 (Scripture Mastery). Hindi natin ganap na mauunawaan ang mga kaisipan at layunin ng Maykapal. Kung gayon, dapat tayong sumampalataya at magtiwala sa karunungan at payo ng Panginoon. (15–20 minuto) Bago magklase, gumawa ng isang obstacle course sa buong silid-aralan ninyo na pasikut-sikot sa mga hanay at silya. Maglagay ng mga aklat o iba pang mga balakid sa landas. Piringan ang isang estudyante ninyo at mag-atas ng ibang estudyanteng magbibigay ng direksyon sa estudyanteng nakapiring para malusutan ang obstacle course. Ipabasa sa mga estudyante ang Isaias 55:8–9 at ipahanap kung paano nauugnay ang obstacle course sa mga talatang iyon. Itanong: • Bakit alam ng estudyanteng nakakakita kung aling daan 204 ang pinakamainam para sa estudyanteng nakapiring? • Paano iyan naging katulad ng paningin ng Diyos kung ihahambing sa atin? • Lagi bang alam ng estudyanteng nakapiring kung bakit doon siya pinadaan ng taong umaakay sa kanya o kung anong mga panganib ang nalagpasan niya? • Bakit sinunod ng estudyanteng nakapiring ang mga tagubilin ng estudyanteng nakakakita? • Paano naaangkop ang mga tanong na ito sa ating kaugnayan sa Panginoon? Ipabasang muli sa mga estudyante ang Isaias 55:8–9 at pamarkahan ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Para maipakita ang pagkakaiba ng mga pamamaraan ng Diyos at mga pamamaraan ng tao, gawin sa pisara ang sumusunod na tsart: Kaligayahan Tagumpay Pagsamba Pamamaraan ng Diyos Pamamaraan ng Tao Magpatulong sa mga estudyante na punan ang tsart ng payo ng Diyos at ng sangkatauhan para sa kaligayahan, tagumpay, at pagsamba. Pagkatapos ninyo, itanong: • Ano ang mangyayari kung ang taong nakapiring ay tinatagubilinan ng isa pang taong nakapiring sa paglapas sa obstacle course? • Paano kaya ito nauugnay sa mga bunga ng pagsunod sa payo ng taong hindi binigyang-inspirasyon? • Ano ang mga bunga ng pagsunod sa payo ng Diyos? • Ano ang pakiramdam ninyo batid na sumusunod tayo sa isang Diyos na nakikita at nalalaman ang lahat ng bagay? Magpabahagi sa mga estudyante ng isang karanasan na ayaw nilang sundin ang payo ng isang magulang o lider ng Simbahan ngunit kalaunan ay natuklasan nila na pinakamainam para sa kanila ang payong iyon. Isaias 58:3–14. Ang pagsunod sa batas ng ayuno ay nagbibigay-lakas sa atin na paglabanan ang kasalanan at tumanggap ng paghahayag at makatulong para sa pangangalaga sa mga maralita. Ang pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath ay nagdudulot sa atin ng kaligayahan at pag-unlad. (20–25 minuto) Kung maaari, papuntahin sa klase ang isa sa mga lider ng priesthood ng inyong mga estudyante upang sagutin ang mga tanong tungkol sa pag-aayuno at pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath. Bigyan siya ng listahan ng mga tanong sa ibaba at sabihin sa kanya na maaaring may iba pa ring mga tanong ang mga estudyante. Ipabahagi ang kanyang patotoo

• Anong simbolo ang ginamit sa mga talatang iyon para patibayin

ang tolda ng Sion? (Mga tulos [stake].)

Kopyahin ang sumusunod na larawan o idrowing ito sa pisara

upang mailarawan ang Isaias 54:2–3.

Itanong sa mga estudyante ang sumusunod, at ilista sa pisara

ang kanilang mga sagot:

Paano isinisimbolo ng pagtitipon ng Israel ang tolda?

Ano ang magagawa natin ngayon na makakatulong sa pagtitipong

iyan? (Halimbawa, ipamuhay ang mga alituntunin ng

ebanghelyo, magpakita ng magagandang halimbawa, ibahagi

ang mensahe ng ebanghelyo sa mga kaibigan ninyong hindi

miyembro, at maghandang maglingkod sa mga misyon.)

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B.

Hinckley:

“Napakaraming kabataang walang direksyon ang buhay

at nalululong sa droga, barkada, imoralidad, at ng

lahat ng problemang dulot ng mga bagay na ito. May

mga balo na sabik marinig ang tinig ng mga kaibigan

sa diwa ng pag-aalalang nagpapakita ng pagmamahal.

May mga taong dati-rati ay aktibo sa Simbahan, ngunit

nanghina ang pananampalataya. Marami sa kanila ang

nais bumalik ngunit hindi alam kung paano. Kailangan

nila ng mga kaibigang tutulong sa kanila. Sa kaunting

pagsisikap, marami sa kanila ang maibabalik

upang muling magpakabusog sa hapag ng Panginoon.

“Mga kapatid, aasahan ko, idadalangin ko na bawat isa

sa atin … ay magpapasiyang hanapin yaong mga nangangailangan

ng tulong, na malungkot at mahirap ang

mga kalagayan, at pasiglahin sila sa diwa ng pagmamahal

tungo sa pangangalaga ng Simbahan, kung saan sila

pasisiglahin, aaliwin, susuportahan, at aakayin ng malalakas

na kamay at mapagmahal na mga puso sa landas

ng maligaya at makabuluhang buhay” (sa Conference

Report, Okt. 1996, 118; o Ensign, Nob. 1996, 86).

203

Isaias 53 (Scripture Mastery, Isaias 53:3–5).

Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas at Tagapamagitan

sa Ama. Sa pagsasakatuparan ng Pagbabayad-sala,

pinagdusahan niya ang mga pasakit at kasalanan

ng buong sangkatauhan at nadaig ang kamatayan sa

pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli. Ang Pagbabayad-sala

ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong magtamo

ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng plano

ng kaligtasan. (30–40 minuto)

S M T W TH F S

Ipawari sa mga estudyante na nabihag sila ng malulupit at masasamang

tao at pinatawan ng parusang kamatayan. Itanong:

• Ano ang inyong magiging huling habilin?

• Ano ang karaniwang pinaniniwalaan tungkol sa huling habilin

ng isang tao? (Inihahayag nito kung ano ang mahalaga

sa taong iyon.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na bago pinatay ng masamang

si Haring Noe at ng kanyang mga saserdote ang propeta ng

Aklat ni Mormon na si Abinadi, bilang bahagi ng kanyang

huling habilin, sinipi niya ang buong Isaias 53 (tingnan sa

Mosias 14).

Ipagawa sa mga estudyante ang aktibidad A para sa Isaias 53

sa kanilang gabay ng estudyante sa pag-aaral. Ipabahagi sa

kanila kung ano ang lubos nilang hinangaan tungkol sa Tagapagligtas

habang ginagawa nila ang aktibidad na iyan. Maaari

din ninyong ibahagi sa kanila ang ilan sa impormasyong

matatagpuan sa mga komentaryo para sa Isaiah 53 sa Old Testament:

1 Kings–Malachi (mga pahina 197–99).

• Basahin ang Isaias 53:11–12; Mga Taga Roma 8:16–17; at

Doktrina at mga Tipan 76:92–95. Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang tinanggap ni Jesus matapos pinagdusahan ang lahat

sa mortalidad?

Sino ang handa niyang bahaginan nito?

Isaias 48–66

Maaaring kantahin o basahin ng klase ang mga titik ng isa o

mahigit pang mga himno na mababanaagan ng diwa, himig,

at mensahe ng Isaias 53, tulad ng “Ako ay Namangha” (Mga

Himno, blg. 115), “Dakilang Karunungan at Pag-ibig” (Mga

Himno, blg. 116), o “Jesus, Hamak nang Isilang,” (Mga Himno,

blg. 118). Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Neal

A. Maxwell:

“Ang kahanga-hanga at maluwalhating Pagbabayadsala

ang pinakamahalagang kaganapan sa buong kasaysayan

ng tao. Dito nakasalalay ang lahat ng bagay

na walang hanggan ang kahalagahan” (sa Conference

Report, Abr. 1985, 93; o Ensign, Mayo 1985, 73).

Ibahagi ang inyong damdamin para sa Tagapagligtas at sa

kanyang sakripisyo. Bigyan ng ilang minuto ang mga estudyanteng

gusto ring magbahagi ng kanilang damdamin.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!