Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan
Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan Sangguniang Manwal ng Guro para sa Lumang Tipan
Pinabuti ni Eliseo ang mga tubig ng Jerico para hindi na ito maging sanhi ng kamatayan o pagkalagas ng bunga (II Mga Hari 2:19–22). Pinarami ni Eliseo ang langis para tubusin ang tapat na balo at mga anak nito, na lubog na sa utang (tingnan sa II Mga Hari 4:1–7). Pinawi ni Eliseo ang lason sa pagkain at pinarami ang tinapay para sa sandaang matatapat na tao (tingnan sa II Mga Hari 4:38–44). Nagpunta si Naaman, isang taga- Siria, kay Eliseo, ang lingkod ng Diyos ng Israel, at gumaling ang kanyang ketong sa pamamagitan ng paghuhugas sa Ilog Jordan (II Mga Hari 5:1–14). Binulag ni Eliseo ang mga mata ng masasama at iminulat ang mga mata ng matatapat (tingnan sa II Mga Hari 6:15–18). Sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, ang mundong ito ay babalik sa malaparaisong kaluwalhatian nito, magwawakas ang kalagayan nitong telestiyal (tingnan sa Isaias 11:6–9; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10). Sa Getsemani, na ibig sabihin ay “pigaan ng langis,” at sa krus, binayaran ni Jesucristo ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan upang tubusin ang matatapat dahil lahat tayo ay lubog sa espirituwal na pagkakautang (tingnan sa Mateo 20:28; Mosias 16:4–5). Ipinanumbalik ni Jesucristo ang kanyang Simbahan sa lupa. Bahagi ng misyon ng ipinanumbalik na Simbahan na dalhin ang ebanghelyo ni Jesucristo, ang Tinapay ng Kabuhayan, sa buong mundo (tingnan sa Juan 6:33–35; D at T 84:62). Lahat ng tao ay tumatanggap ng nakapagliligtas na mga ordenansa ng ebanghelyo mula sa mga lingkod ng Diyos sa makabagong Israel (tingnan sa D at T 22; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5). Ang masasama ay bulag sa espirituwal, ngunit ang mabubuti ay nakakakita at nakauunawa at naliligtas (tingnan sa Mateo 13:10–17). Kapag natuklasan ng mga estudyante ang simbolismo sa buhay nina Elias at Eliseo, itanong sa kanila kung paano nito pinatototohanan na ang “balabal” ng awtoridad ay naipasa na at naipagkaloob sa piling mga lingkod ng Panginoon sa mga huling araw na ito. II Mga Hari 2:11. Si Elias ay nagbagong-kalagayan at dinala sa langit para makabalik siya kalaunan at maipanumbalik ang mga susi ng kapangyarihang magbuklod ng priesthood na kanyang taglay. Ang mga nilalang na nagbagong-kalagayan ay binabago sa mortalidad upang pansamantalang hindi dumanas ng pisikal na sakit at kamatayan, ngunit ang pagbabagong iyon ay hindi katulad ng pagbabago sa imortalidad na nangyayari sa pagkabuhay na mag-uli. (15–20 minuto) Basahin ang 3 Nephi 28:7–9, 36–40 at ipatukoy sa mga estudyante ang ilan sa mga katangian ng mga nilalang na nagbagong-kalagayan. Ilista sa pisara ang mga ito. Basahin ang II Mga Hari 2:11 at hanapin kung sino ang binanggit sa talata 161 na nagbagong-kalagayan. Itanong sa mga estudyante kung bakit sa palagay nila nagbagong-kalagayan si Elias (tingnan sa komentaryo para sa 2 Kings 2:11 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 64). Basahin ang Malakias 4:5–6; Mateo 17:3; at Doktrina at mga Tipan 110:11–16 at ipasulat ang mga ito sa mga estudyante bilang mga cross-reference para sa II Mga Hari 2:11. Talakayin kung paano tinupad ni Elias ang propesiya sa Malakias 4:5–6. S M T W TH F S II Mga Hari 5. Malalaking pagpapala ang dumarating sa mga yaong sumusunod sa inspiradong payo. (35–45 minuto) Itanong sa mga estudyante: II Mga Hari 1–13 • Kailan lubos na kailangan na sunding mabuti ang mga tagubilin? (Halimbawa, pagkukumpuni ng makina, pagsunod sa mapa, o pagtugtog ng isang mahirap na piyesa ng musika.) • Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi tayo sumusunod sa mga tagubilin? • Kung kayo ay nasa bingit ng kamatayan at pinagbilinan kayo ng isang propeta kung paano gumaling, susundin ba ninyo ang kanyang mga tagubilin? • Paano kung itinuring ninyong hindi pangkaraniwan o kakatwa ang kanyang mga tagubilin? Ipaliwanag na may isang tao sa Lumang Tipan na nagkaroon ng karanasang gaya niyon sa mga tagubilin ng isang propeta. Basahin ang II Mga Hari 5:1–14 sa inyong mga estudyante at talakayin ang sumusunod na mga tanong: • Ano ang naging bahagi ng kapalaluan sa unang pagtanggi ni Naaman na maligo sa Ilog Jordan? (tingnan sa mga talata 11–12). • Paano nakumbinsi ng kanyang lingkod si Naaman na sundin ang tagubilin ni Eliseo? • Ano ang nangyari nang gawin niya ang sinabi ng propeta? Ipabasa sa mga estudyante ang Mosias 3:19 at ipatalakay kung paano ito nauukol kay Naaman. Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Victor L. Brown, na noon ay miyembro ng Pitumpu: “Si Naaman bilang isang taong mataas ang katayuan ay nainsulto nang magpadala ng sugo si Eliseo at hindi nagpunta bilang paggalang sa kanya. Bukod pa rito, nagalit siya sa kasimplihan ng mensahe…. “Kinailangang magkaroon ng pananampalataya ng isang bata si Naaman upang maging masunuring tulad ng isang bata bago naging malinis ang kanyang balat na parang sa batang musmos” (sa Conference Report, Abr. 1985, 19; o Ensign, Mayo 1985, 16).
Ang Ikalawang Aklat ng mga Hari Itanong sa mga estudyante: • Paano nangangatwiranan sa payo ang mga tao ngayon kung minsan? • Paano iyan naging katulad ni Naaman? • Ano ang itinuturo sa atin ng kuwento tungkol kay Naaman at sa kanyang lingkod tungkol sa payo ng mga propeta? Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni Elder Gordon B. Hinckley, na noon ay miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Huwag hayaang makahadlang sa inyo ang kapalaluan. Simple lang ang landas ng ebanghelyo. Ang ilan sa mga gagawin ay maaaring simple at hindi kailangan sa tingin ninyo. Huwag ninyong hamakin ang mga ito. Magpakumbaba at maging masunurin. Ipinapangako ko na ang mga ibubunga ay magiging kagila-gilalas masdan at nakasisiyang maranasan” (sa Conference Report, Okt. 1976, 143; o Ensign, Nob. 1976, 96). Isulat sa pisara ang Pagsunod ang unang batas ng langit at ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie: “Pagsunod ang unang batas ng langit. Lahat ng pagunlad, lahat ng kasakdalan, lahat ng kaligtasan, lahat ng kabanalan, lahat ng tama at makatarungan at totoo, lahat ng mabuting bagay ay dumarating sa mga yaong namumuhay ayon sa mga batas Niya na kung sino ay Walang Hanggan. Walang anumang mas mahalaga sa buong kawalang-hanggan kaysa sundin ang mga utos ng Diyos” (The Promised Messiah, 126). Talakayin ang kahalagahan ng pagsunod kahit hindi natin maunawaan ang lahat ng dahilan kung bakit hinihiling ng Diyos na maging masunurin tayo. Ipaalala sa mga estudyante kung paano inutusan si Abraham na ialay ang anak niyang si Isaac at ang mga Israelita na maglagay ng dugo ng kordero sa paligid ng kanilang pintuan sa Egipto. Itanong: • Anong mga pagpapala ang dumating sa mga taong iyon dahil sa kanilang pagsunod? • Ano ang ipinagagawa sa atin ng mga propeta sa ating panahon na maaaring isipin ng ilan na hindi kailangan o walang kabuluhan? • Anong mga pagpapala ang dumarating sa mga taong sumusunod sa mga utos na iyon? Ipabasa sa mga estudyante ang II Mga Hari 5:15–27 at ipahanap kung ano ang ginawa ng lingkod ni Eliseo na si Giezi (tingnan sa komentaryo para sa 2 Kings 5:15–16, 20–26 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, mga pahina 75–76). Itanong: • Bakit pinarusahan si Giezi sa ginawa niya? 162 • Ano ang itinuturo sa atin ng kuwentong ito kung bakit ginagawa ng tunay na mga lingkod ng Panginoon ang kanyang gawain? (tingnan sa 2 Nephi 26:29–31). II Mga Hari 6:1–23. Inaalala ng Panginoon ang mga inaasam at pangamba ng lahat ng kanyang anak, at magpapadala siya ng kailangang tulong para maisakatuparan ang kanyang kalooban. (15–30 minuto) Ipagawa sa mga estudyante ang aktibidad A para sa II Mga Hari 6–7 sa kanilang gabay ng estudyante sa pag-aaral at talakayin ang kanilang mga sagot. Habang tinatalakay ninyo ang II Mga Hari 6:1–7, isiping itanong ang mga sumusunod: • Bakit mahalaga ang talim ng palakol sa lalaking nakawala nito? • Sa palagay ninyo, bakit ginamit ni Eliseo ang kapangyarihan ng Diyos para makuhang muli ang talim ng palakol? (tingnan sa komentaryo para sa 2 Kings 6:1–7 sa Old Testament: 1 Kings–Malachi, p. 76). Isiping magbahagi ng mga karanasan na tinulungan kayo ng Panginoon sa mga problemang di gaanong mahalaga sa iba pero napakahalaga sa inyo. (Tandaan na ang mga sagradong karanasan ay dapat lamang ibahagi kapag ang klase ninyo ay espirituwal na handang tanggapin ang mga ito.) Magpabahagi sa mga estudyante ng mga karanasan nila na katulad nito. Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong George Q. Cannon, dating Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Tayong mga abang tao, tayo na kung minsan ay nakadarama sa sarili na wala tayong halaga, walang silbi, hindi tayo walang halaga na tulad ng inaakala natin. Walang sinuman sa atin na hindi minahal ng Diyos. Walang sinuman sa atin na hindi Niya pinangalagaan at hinaplos. Walang sinuman sa atin na hindi Niya hinangad iligtas at hindi Niya ginawan ng paraan na maligtas. Walang sinuman sa atin na hindi Niya pinabantayan sa Kanyang mga anghel. Maaaring wala tayong kabuluhan at hamak sa sarili nating mga mata at sa mga mata ng iba ngunit nananatili ang katotohanan na tayo ay mga anak ng Diyos at talagang isinusugo Niya ang Kanyang mga anghel—mga nilalang na hindi nakikita na may kapangyarihan at lakas—at binabantayan nila tayo at sinusubaybayan” (Gospel Truth: Discourses and Writings of President George Q. Cannon, pinili ni Jerreld L. Newquist, 2 tomo [1974], 1:2). Habang tinatalakay ninyo ang II Mga Hari 6–23, itanong sa mga estudyante kung paano natin maiaangkop sa ating panahon ang mga katagang “ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila” (t. 16). Basahin ang Doktrina at mga Tipan 38:7 at 84:88 at ibahagi ang sumusunod na patotoo ni Elder Neal A. Maxwell:
- Page 115 and 116: Ang Aklat ng Mga Bilang Mga Mungkah
- Page 117 and 118: Ang Aklat ng Mga Bilang Kung mayroo
- Page 119 and 120: Ang Aklat ng Mga Bilang • Bakit n
- Page 121 and 122: ANG AKLAT NG DEUTERONOMIO Pambungad
- Page 123 and 124: Ang Aklat ng Deuteronomio “huwag
- Page 125 and 126: Ang Aklat ng Deuteronomio problema
- Page 127 and 128: ANG AKLAT NI JOSUE Pambungad Josue
- Page 129 and 130: Ang Aklat ni Josue Paunawa: May isa
- Page 131 and 132: Ang Aklat ni Josue Ipabasa sa mga e
- Page 133 and 134: ANG AKLAT NG MGA HUKOM Pambungad An
- Page 135 and 136: Ang Aklat ng Mga Hukom Ang Pagsuway
- Page 137 and 138: Ang Aklat ng Mga Hukom sa isang est
- Page 139 and 140: ANG AKLAT NI RUTH Pambungad Ang kuw
- Page 141 and 142: Ang Aklat ni Ruth Ruth 1-4. Ang sal
- Page 143 and 144: Ang Unang Aklat ni Samuel Itanong s
- Page 145 and 146: Ang Unang Aklat ni Samuel may kaunt
- Page 147 and 148: Ang Unang Aklat ni Samuel Isiping i
- Page 149 and 150: Ang Unang Aklat ni Samuel • May m
- Page 151 and 152: Ang Unang Aklat ni Samuel Itanong s
- Page 153 and 154: Ang Ikalawang Aklat ni Samuel at it
- Page 155 and 156: Ang Ikalawang Aklat ni Samuel • A
- Page 157 and 158: Ang Ikalawang Aklat ni Samuel • I
- Page 159 and 160: Ang Unang Aklat ng mga Hari • Ano
- Page 161 and 162: Ang Unang Aklat ng mga Hari paano l
- Page 163 and 164: Ang Unang Aklat ng mga Hari • Pal
- Page 165: Ang Ikalawang Aklat ng mga Hari Ita
- Page 169 and 170: Ang Ikalawang Aklat ng mga Hari Ila
- Page 171 and 172: Ang Ikalawang Aklat ng mga Hari Ipa
- Page 173 and 174: Ang Unang Aklat ng mga Cronica I Mg
- Page 175 and 176: ANG IKALAWANG AKLAT NG MGA CRONICA
- Page 177 and 178: ANG AKLAT NI EZRA Pambungad Ezra 1-
- Page 179 and 180: Ang Aklat ni Ezra iyon? Basahin ang
- Page 181 and 182: Ang Aklat ni Nehemias Ipaunawa sa m
- Page 183 and 184: Ang Aklat ni Esther Ipabasa sa mga
- Page 185 and 186: Ang Aklat ni Job Itanong sa mga est
- Page 187 and 188: Ang Aklat ni Job • Job 27:4-6 (an
- Page 189 and 190: Ang Aklat ng Mga Awit Mga Mungkahi
- Page 191 and 192: Ang Aklat ng Mga Awit Paano lubos n
- Page 193 and 194: Ang Mga Kawikaan Magpaisip sa mga e
- Page 195 and 196: ECLESIASTES O, ANG MANGANGARAL Pamb
- Page 197 and 198: ANG AKLAT NI ISAIAS Si Isaias ay an
- Page 199 and 200: Ang Aklat ni Isaias Isaias 1-66. Ip
- Page 201 and 202: Ang Aklat ni Isaias “Inaanyayahan
- Page 203 and 204: Ang Aklat ni Isaias “Ang mundo ay
- Page 205 and 206: Ang Aklat ni Isaias Basahin sa klas
- Page 207 and 208: Ang Aklat ni Isaias marami sa kanil
- Page 209 and 210: Ang Aklat ni Isaias Isaias 55:1-7.
- Page 211 and 212: Ang Aklat ni Isaias Ipaulat sa bawa
- Page 213 and 214: Ang Aklat ni Jeremias • Sino ang
- Page 215 and 216: Ang Aklat ni Jeremias isang taong h
Pinabuti ni Eliseo ang mga tubig

ng Jerico para hindi na ito maging

sanhi ng kamatayan o pagkalagas

ng bunga (II Mga Hari 2:19–22).

Pinarami ni Eliseo ang langis para

tubusin ang tapat na balo at mga

anak nito, na lubog na sa utang

(tingnan sa II Mga Hari 4:1–7).

Pinawi ni Eliseo ang lason sa

pagkain at pinarami ang tinapay

para sa sandaang matatapat na

tao (tingnan sa II Mga Hari

4:38–44).

Nagpunta si Naaman, isang taga-

Siria, kay Eliseo, ang lingkod ng

Diyos ng Israel, at gumaling ang

kanyang ketong sa pamamagitan

ng paghuhugas sa Ilog Jordan

(II Mga Hari 5:1–14).

Binulag ni Eliseo ang mga mata

ng masasama at iminulat ang

mga mata ng matatapat (tingnan

sa II Mga Hari 6:15–18).

Sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas,

ang mundong ito ay

babalik sa malaparaisong kaluwalhatian

nito, magwawakas ang

kalagayan nitong telestiyal (tingnan

sa Isaias 11:6–9; Mga Saligan

ng Pananampalataya 1:10).

Sa Getsemani, na ibig sabihin ay

“pigaan ng langis,” at sa krus, binayaran

ni Jesucristo ang mga

kasalanan ng buong sangkatauhan

upang tubusin ang matatapat

dahil lahat tayo ay lubog sa espirituwal

na pagkakautang (tingnan

sa Mateo 20:28; Mosias 16:4–5).

Ipinanumbalik ni Jesucristo ang

kanyang Simbahan sa lupa. Bahagi

ng misyon ng ipinanumbalik na

Simbahan na dalhin ang ebanghelyo

ni Jesucristo, ang Tinapay

ng Kabuhayan, sa buong mundo

(tingnan sa Juan 6:33–35; D at T

84:62).

Lahat ng tao ay tumatanggap ng

nakapagliligtas na mga ordenansa

ng ebanghelyo mula sa mga lingkod

ng Diyos sa makabagong Israel

(tingnan sa D at T 22; Mga

Saligan ng Pananampalataya 1:5).

Ang masasama ay bulag sa espirituwal,

ngunit ang mabubuti ay

nakakakita at nakauunawa at naliligtas

(tingnan sa Mateo

13:10–17).

Kapag natuklasan ng mga estudyante ang simbolismo sa buhay

nina Elias at Eliseo, itanong sa kanila kung paano nito pinatototohanan

na ang “balabal” ng awtoridad ay naipasa na

at naipagkaloob sa piling mga lingkod ng Panginoon sa mga

huling araw na ito.

II Mga Hari 2:11. Si Elias ay nagbagong-kalagayan at dinala

sa langit para makabalik siya kalaunan at maipanumbalik

ang mga susi ng kapangyarihang magbuklod ng

priesthood na kanyang taglay. Ang mga nilalang na nagbagong-kalagayan

ay binabago sa mortalidad upang pansamantalang

hindi dumanas ng pisikal na sakit at kamatayan,

ngunit ang pagbabagong iyon ay hindi katulad ng

pagbabago sa imortalidad na nangyayari sa pagkabuhay

na mag-uli. (15–20 minuto)

Basahin ang 3 Nephi 28:7–9, 36–40 at ipatukoy sa mga estudyante

ang ilan sa mga katangian ng mga nilalang na nagbagong-kalagayan.

Ilista sa pisara ang mga ito. Basahin ang

II Mga Hari 2:11 at hanapin kung sino ang binanggit sa talata

161

na nagbagong-kalagayan. Itanong sa mga estudyante kung

bakit sa palagay nila nagbagong-kalagayan si Elias (tingnan

sa komentaryo para sa 2 Kings 2:11 sa Old Testament:

1 Kings–Malachi, p. 64). Basahin ang Malakias 4:5–6; Mateo

17:3; at Doktrina at mga Tipan 110:11–16 at ipasulat ang mga

ito sa mga estudyante bilang mga cross-reference para sa

II Mga Hari 2:11. Talakayin kung paano tinupad ni Elias ang

propesiya sa Malakias 4:5–6.

S M T W TH F S

II Mga Hari 5. Malalaking pagpapala ang dumarating

sa mga yaong sumusunod sa inspiradong payo.

(35–45 minuto)

Itanong sa mga estudyante:

II Mga Hari 1–13

• Kailan lubos na kailangan na sunding mabuti ang mga

tagubilin? (Halimbawa, pagkukumpuni ng makina, pagsunod

sa mapa, o pagtugtog ng isang mahirap na piyesa

ng musika.)

• Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi tayo sumusunod

sa mga tagubilin?

• Kung kayo ay nasa bingit ng kamatayan at pinagbilinan

kayo ng isang propeta kung paano gumaling, susundin ba

ninyo ang kanyang mga tagubilin?

• Paano kung itinuring ninyong hindi pangkaraniwan o kakatwa

ang kanyang mga tagubilin?

Ipaliwanag na may isang tao sa Lumang Tipan na nagkaroon

ng karanasang gaya niyon sa mga tagubilin ng isang propeta.

Basahin ang II Mga Hari 5:1–14 sa inyong mga estudyante at

talakayin ang sumusunod na mga tanong:

• Ano ang naging bahagi ng kapalaluan sa unang pagtanggi

ni Naaman na maligo sa Ilog Jordan? (tingnan sa mga talata

11–12).

• Paano nakumbinsi ng kanyang lingkod si Naaman na sundin

ang tagubilin ni Eliseo?

• Ano ang nangyari nang gawin niya ang sinabi ng propeta?

Ipabasa sa mga estudyante ang Mosias 3:19 at ipatalakay

kung paano ito nauukol kay Naaman. Ibahagi ang sumusunod

na pahayag ni Elder Victor L. Brown, na noon ay miyembro

ng Pitumpu:

“Si Naaman bilang isang taong mataas ang katayuan

ay nainsulto nang magpadala ng sugo si Eliseo at hindi

nagpunta bilang paggalang sa kanya. Bukod pa rito,

nagalit siya sa kasimplihan ng mensahe….

“Kinailangang magkaroon ng pananampalataya ng

isang bata si Naaman upang maging masunuring tulad

ng isang bata bago naging malinis ang kanyang balat

na parang sa batang musmos” (sa Conference

Report, Abr. 1985, 19; o Ensign, Mayo 1985, 16).