13.07.2015 Views

OSH - Asia Monitor Resource Center

OSH - Asia Monitor Resource Center

OSH - Asia Monitor Resource Center

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Manwal para saTagapagsanayngOccupationalHealth and Safety(OSH)Inihanda ngInstitute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD)atAsia Monitor Resource Center (AMRC)

Manwal para sa Tagapagsanayng Occupational Health and Safety (OSH)Nilalaman:1. Kalagayan ng OHS sa Asya2. Kemikal3. Ingay4. Heat Stress5. Pagkontrol sa Panganib6. Gender at pang-aabusong sekswal7. Ano ang gagawin matapos ang isang aksidente8. Tungkulin ng unyon sa OHS9. Balangkas ng negosasyon

Kalagayan ng Occupational Health and Safety (OHS) sa AsyaMga lugar ng paggawa o bitag ng kamatayan? Pandaigdigang sitwasyon ng OHSMilyun-milyong manggagawa ang pinagkakaitan ng karapatan sa buhay. Sa ika-21 na siglo,nanatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ang mga aksidente at karamdamangmay kinalaman sa trabaho. Batay sa pagtataya ng International Labor Organization (ILO) parasa taong 2000, nasa 2 milyong manggagawa ang namamatay kada taon dahil sa kanilangtrabaho (nasa 3 milyon ang taunang death toll sa AIDS). Ibig sabihin, isang manggagawaang namamatay kada 15 segundo sa kung saan mang panig ng mundo dahil sa kanyangtrabaho.Hindi lamang ang bilang ng namamatay ang nakakabahala. Maging ang bilang ng mgamanggagawang naaksidente at nagkasakit sa trabaho, na nabubuhay na may pinsala sakatawan o karamdaman, ay napakataas din. Sa parehong ulat ng ILO, nasa 270 milyon angmga manggagawang nadisgrasya sa trabaho at nasa 184 hanggang 208 milyon naman angdumaranas ng karamdamang kaugnay ng trabaho.Occupational Health para sa lahat – Higit sa mga pahayag‘Kalusugan para sa lahat sa taong 2000’ ang deklarasyon sa isang pagpupulong na in-organisang World Health Organization (WHO) at ng ahensya ng United Nations na responsible saedukasyon at kalusugan ng mga bata at ina sa mahihirap na bansa (UNICEF), at dinaluhan ngmga kinatawan mula 134 bansa sa Alma-Ata (dating bahagi ng Unyong Sobyet) noong 1978.Dumating ang 2004 subalit milyun-milyon pa rin sa buong mundo ang walang batayangatensyong medikal. Sa isa pang pagpupulong na in-organisa ng WHO sa Beijing noong 1994,parehong pahayag ang inanunsyo, isang panawagan sa mga istratehiya para tiyakin angoccupational health sa lahat sa taong 2000 1 . Naging tampok ang pagpupulong na ito sapagkilala sa occupational health bilang mayor na usaping pangkalusugan. Sa kabila nito,masyadong maliit ang naabot mula nang ipahayag ang deklarasyon. Sa kabalintunaan, angTsina, kung saan inianunsyo ang deklarasyon, ang may pinakamataas na bilang ngmanggagawang namatay kaugnay ng trabaho sa buong mundo. Maaring idahilan na napakalaking populasyon nito, subalit ang Tsina rin ang may napakataas na fatality rate lalu na sa mgaminahan kung saan libu-libong manggagawa ang namamatay kada taon.Sakit sanhi ng trabaho: Isangpangunahing mamamatay-taoKung susuriin ang datos hinggil sa bilang ngmanggagawang namamatay sanhi ngtrabaho, makikita na karamihan sa kanila aynamatay dahil sa kanser at ibang sakitkaugnay ng trabaho (tingnan ang graph).Taliwas ito sa karaniwang paniniwala nakaramihan sa kaso ng pagkamatay kaugnayng trabaho ay dulot ng aksidente. Sakatunayan, pag-iwas sa aksidente angpagpapakahulugan sa occupational healthand safety sa maraming lugar ng paggawa at

hindi nagdidiin sa occupational disease. Sa ganitong pakahulugan, ang lugar ng paggawa nawalang aksidente ay nangangahulugan ding ligtas.Ang mga occupational disease, tulad ng kanser na dulot ng maraming salik sa lugar ngpaggawa tulad ng asbestos, carcinogenic (nagdudulot ng kanser) na kemikal, radiation, pagod,at palit-trabaho, ay karaniwang matagal bago maging ganap na sakit (mula sa ilang buwanhanggang sa mahigit 10 taon). Dahil sa pabagu-bagong gawain, pinagtratrabaho ng karamihansa mga industriya ang mga manggagawa sa maikliking kontrata at sa panahong naging ganapna ang sakit, halos imposible nang maiugnay ang karamdaman sa trabaho. Nagdudulot ng masmaraming kaso ng pagkamatay ang di-nakakahawang sakit kaysa sa nakakahawang sakit,maliban sa Aprika. Sa kabuuan, mas malaki ang tsansa na mamatay ang isang tao dahil sasakit na kaugnay ng trabaho kaysa sa sakit na likas sa pagkabata o sa nakakahawang sakit.Sitwasyon sa AsyaTaglay ng Asya ang pinakamalaking populasyon ng manggagawa sa daigdig. Mahigit kalahating kabuuang lakas-paggawa ay naninirahan at nagtratrabaho rito, dagdag pa rito, kalahati ngbilang ng namamatay sanhi ng di-ligtas na lugar sa paggawa na naitala din sa Asya. Ang Tsinaat India ang dalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo at sila rin ang maypinakamataas na mortality figure (460,260 kaso ng pagkamatay sa Tsina at 310,067 sa India). 2Mataas ang proporsyon ng pagkamatay ng mga manggagawa sa Asya hindi lamang samalaking populasyon kundi dahil na rin sa mga di-ligtas na kalagayan sa paggawa. Masasabingnakakaalarma ang mga datos na ito, subalit maliit na bahagi lamang ito ng kabuuangkalagayan. Walang ni isang bansa, kahit ang mga pinakamauunlad na bansa, ang nagrerekordat gumagastos sa mga aksidente at sakit kaugnay ng trabaho. Sa madaling salita, walangnakakaalam kung ilang manggagawa ang namamatay, nagkakasakit o nasusugatan. Maramingbansa sa Asya ang walang wastong mekanismo ng pag-uulat. Maaring maiulat ang ilangaksidente pero karamihan ng kaso ay hindi naiuulat. Binubuo ang istatistika ng gobyerno ngmga naiulat na aksidente at sakit sa trabaho at sa katotohanan, marami sa mga ito ay hindinaiuulat.Tinitiyak dapat ang isang mas ligtas na lugar sa paggawa ng mga pangontra-sakunang batasna may mabuting sistema ng korte, mabuting regulasyon ng otoridad, wastong pagsasaliksikmedikalhinggil sa mga bagong occupational disease at sitwasyon, sinanay na mga doktor, athigit sa lahat ang paglahok ng mga manggagawa at unyon. Pinakamahalagang salik para sapagpapaunlad ng kalusugan at kaligtasan sa lugar ng pagtatayo ng isang malakas na unyon.Subalit sa realidad, ibang-iba ang mga sitwasyon.Mga RealidadHindi mahigpit na implementasyon: Karamihan sa mga bansa sa Asya (maliban sailang bansa tulad ng Cambodia) ay may mga batas na naglalayong protektahan angmga manggagawa mula sa panganib sa lugar ng paggawa at magbigay sa kanila o sakanilang pamilya ng seguridad-sosyal o tulong sa kaso ng pagkamatay, aksidente opagkakasakit. Subalit nasa pagpapatupad ng mga batas na ito ang problema. Mahina atwalang lubos na kakayanan ang otoridad sa regulasyon sa maraming bansa. Sa alinmang bansa, masasabing ang bilang ng mga inspektor sa pagawaan ay napakaliitkumpara sa bilang ng empresa, kaya naman halos imposibleng mabisita ang lahat ng

pagawaan. Halimbawasa Cambodia, mas mababa ang sahod ng inspektor sa pagawaankumpara sa opisyal na minimum na sahod sa pagawaan ng garments.Doktor at diagnosis: Bihira ang mga handang doktor na wastong makapagsusuri sasakit sanhi ng trabaho. Marami sa partikular na sakit tulad ng Byssinois (sakit ngmanggagawa sa textile) at silicosis (sakit ng construction worker) ay kalimitangnapagkakamalan na tuberculosis. Sa isang komunidad kung saan pribilehiyo angmatingnan ng doktor, hindi maikakailang may pangangailangan sa mga espesyalista saOSH.Nakalimutan at isinantabi: Kahit sa mauunlad na bansa, madaling nakakalimutan angmga namatay na manggagawa at ang kanilang pamilya, na pasanin ang industriyal napaglago. Bihirang nasasakdal o kaya nama’y nakakapagpiyansa ang responsablengmanedsment sa pagkamatay ng mga manggagawa. Isang halimbawa ang sunog saKader, isa sa mga pinakagrabeng sakuna sa pagawaan sa Asya na kumitil ng 188manggagawa. Sa paghahanap ng katarungan ng mga manggagawa, bumilang ang 10taon bago magdesisyon ang korteng Thai na ang ‘kapabayaan ng isang manggagawa’ang sanhi ng apoy at napatawan lamang ang kumpanya ng 520,000 Baht sa paglabagng building code. Ipinagmamalaki ng Hongkong na mayroon itong pinaka-abantengpaliparan sa mundo subalit hindi naman napapag-usapan ang 49 manggagawangnamatay sa konstruksyon ng paliparan. Kahit ang gobyerno mismo ng Hongkong ayhindi pumayag na magtayo ng monumento sa loob ng paliparan bilang pag-alala sa mganamatay.Dagdag pa rito, isinasantabi rin ang mga napinsalaan o nagkasakit na manggagawa.Kahit sa mauunlad na bansa tulad ng Australia, maliit na bahagi lamang ng kanilangsahod ang natatanggap ng mga manggagawa kung sila ay magkasakit. Pinagmumultapa nga ang manggagawa kapag nagkasakit o naaksidente. Sa mga hindi mauunlad,kaakibat ng pagkuha ng kabayaran para sa pinsala sa katawang dulot ng aksidente angnapakahirap na proseso at mga bayarin. Kaya naman marami ang hindi na lamangkumukuha nito. May kakayahan din ang kumpanya na arkilahin ang magagaling naabogado para talunin sa korte ang kaso ng mga manggagawa.Murang Lakas-Paggawa – Buhay na nasa Peligro: Ang mga neoliberal na patakaran,na ipinatutupad sa mga di mauunlad na bansa sa dikta ng International Monetary Fundat World Bank at sa di tuwirang pagtitiyak ng mga dayuhang kumpanya, aynakapagdulot ng paglabnaw ng mga batas para sa manggagawa. Mula sa pagigingimport subsitution na ekonomiya, nagbago ang maraming bansa Asya tungo sa pagigingekonomiyang nakabatay sa eksport. Kinakailangang maging mabili ang mga produkto sapandaigdigang pamilihan, at ginagawa ito sa pagpapababa ng gastusin sa produksyonsa pamamagitan ng pagtapyas sa sahod at paggastos ng kakarampot sa kaligtasan sapagawaan. Nagiging madali sa kumpanya na palitan ang maysakit o naaksidentengmanggagawa dahil sa pagkakaroon ng maraming suplay ng murang lakas-paggawa,imbes na gastusan ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Dahil dito,napipilitang magtrabaho ang obrero sa mapanganib na kondisyon para lamangmakapanatili sa trabaho at maitawid ang gutom ng pamilya.Malakas na unyon: Masasabing pinakamahalagang salik ng pagtitiyak ng kaligtasan sapagawaan ang pagkakaroon ng malakas na unyon. Sa kasalukuyang panahon, matindiang atakeng neoliberal na naglalayong paliitin ang kasapian ng unyon at pagpapalit ngrelasyon sa empleyo (sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kontraktwalisasyon). Hindi

madaling pag-usapan sa ngayon ang OSH lalo’t madalas na nagbabanta angmanedsment na ilipat ang produksyon imbes na maglaan para sa kaligtasan ngmanggagawa. Napakaliit na bilang ng collective bargaining agreement ang mayprobisyon hinggil sa kaligtasan, at kung meron man, ang panawagan ay limitado sapersonal protective equipments (o PPE tulad ng masks, safety shoes, atbp) imbes napagtuunan ang pag-aalis ng mga panganib mismo.Kontrol sa Impormasyon: Karamihan sa mga impormasyong kaugnay ng OSH aynapakakomplikado at tinitingnan na tanging ang mga eksperto lamang ay maykakayahang tumalakay dito.Pang-gising sa RealidadNapapanahon na mapagtanto ang bigat ng sitwasyon at kinakailangang pigilan ang nabanggitna porma ng pagpatay sa pagawaan. Hindi nararapat na gamitin lamang ang mga manggagawabilang alipin para sa paglagong industriyal. Hindi rin dapat na makamit ang kaunlaran sapamamagitan ng pagpatay o pagpinsala sa manggagawa. May mahigit 68 kumbensyon atrekomendasyon 3 ang ILO kaugnay sa kaligtasan sa pagawaan subalit wala ni isa angnakasama sa walong core convention nito. Kaya naman napapanahon na isama ang OSH salistahan nito ng prayoridad. Makakamit lamang ang mabuting ligtas na kondisyon sa lugar ngtrabaho sa pamamagitan ng kampanya at pagkilos. Sa kasaysayan, ang pinakaunang batas (saInglatera) para sa proteksyon ng manggagawa kasama ang mga bata ay naipasa bunga ngmalawak na kampanya laban sa nakamamatay na kalagayan sa pagawaan at dahil na rin satakot ng mga kapitalista na magdudulot ng kakulangan sa lakas-paggawa ang sunud-sunod napagkamatay ng mga manggagawa.Iba ang sitwasyon sa Asya, kung saan sagana at madaling palitan ang mga manggagawa.Walang nakaukol na pansin ang industriya at gobyerno sa kaligtasan sa pagawaan. Saanmansa mundo, kinakailangang ipaglaban ng mga manggagawa, unyon at iba pang makamanggagawanggrupo ang kaligtasan sa pagawaan. Maraming bansa tulad ng Sweden,Denmark, Netherlands, atbp.), mga bansang relatibong mas ligtas ang pagawaan, ay nakamitang paborableng kondisyon matapos ang taon ng pakikibaka ng mga manggagawa at kanilangmga unyon. Kaya naman sa Asya, taglay ng unyonismo ang solusyon, bagama’t may mgapanimulang hakbangin na para patatagin ang mga unyon. Kailangang tiyakin ng mga unyon naang kaligtasan sa pagawaan ang prayoridad at hindi lang opsyonal at hiwalay na isyu sa sahod.Kailangang lamanin ng CBA ang mga probisyon hinggil sa mas mabuting kondisyon sapagawaan, at hindi lamang ito simpleng panawagan sa mga kagamitang pang-kaligtasan. Angpagtanggal sa mga mapanganib na elemento sa pinagtratrabuhan ang nararapat napanawagan.Maraming hamong bitbit ang mga neoliberal na pwersa sa paggawa sa kasalukuyan. Hindimadaling igiit ang usapin ng kaligtasan at kalusugan sa pagawaan. Sa kabilang banda,lumilikha ito ng mga paborableng kondisyon sa pag-oorganisa. Sa yugto kung saannaghahanap tayo ng mga bagong pamamaraan ng pag-oorganisa, maaring taglay ng usapingpangkalusugan at kaligtasan ang sagot.

ANNEXUREMga Kumbensyon ng ILO Hinggil sa OSHSa mga kumbensyon ng ILO, ang Convention 155 at 161 ang mga prinsipal kumbensyon namay diin sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan (OSH). Ang mga kumbensyong ito at angkatuwang na mga rekomendasyon ay sumasaklaw sa OSH sa pambansa at pang-kumpanyangantas. Bukod dito, may 68 pang kumbensyon at rekomendasyon, kabilang ang ilangdokumento, na tumatalakay sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa na may pokus sasangay ng pang-ekonomiyang gawain (hal. konstruksyon), mga panganib (hal. asbestos) atmga hakbangin para sa proteksyon (hal. medical surveillance).Nakalista sa ibaba ang mga mayor na kumbensyon ng ILO:Hinggil sa general safety, health and conditions of work Protocol of 1995 to the Labour Inspection Convention, 1947 International labour standards concerned with labour inspection: Main provisions [1991] Convention concerning occupational safety and health and the working environment[1990] ILO Conventions and Recommendations concerning occupational safety and health[1990] Summaries of International labour standards – Occupational Health and Safety [1988] Convention 155 and Recommendation 164 concerning occupational safety and healthand the working environment [1981] Convention and Recommendation concerning the protection of workers againstoccupational hazards in the working environment due to air pollution, noise and vibration[1977] Convention 121 and Recommendation 121 concerning benefits in the case ofemployment injury [1964] Convention No. 81 concerning Labour Inspection in Industry and Commerce;Recommendation No. 81 concerning Labour inspection [1947]Hinggil sa occupational medicine, epidemiology Convention 161 and Recommendation 171 concerning occupational health services[1985] Convention 175 and Recommentaion 182 concerning part-time work [1994] Maritime Labour Conventions and Recommendations [1994] Convention 167 and Recommendation 175 concerning safety and health in construction[1988] Convention 152 and Recommendation 160, concerning occupational safety and healthin dock work [1979] Convention 153 and Recommendation 161, concerning hours of work and rest periods inroad transport [1979] Convention and Recommendation concerning employment and conditions of work andlife of nursing personnel [1977] Convention 134 and Recommendation 142 concerning the prevention of occupationalaccidents to seafarers [1970]

Convention 129 and Recommendation 133 concerning labour inspection in agriculture[1969]Convention 124 concerning medical examination of young persons for fitness foremployment underground in mines [1965]Convention 120 and Recommendation 120 concerning hygiene in commerce and offices[1964]Convention 110 and Recommendation 110 concerning conditions of employment ofplantation workers [1958]Hinggil sa chemical safety Convention 170 and Recommendation 177 concerning safety in the use of chemicals atwork [1990] Convention 162 and Recommendation 172 concerning safety in the use of asbestos[1986] Convention and Recommendation concerning prevention and control of occupationalhazards caused by carcinogenic substances and agents [1974] Convention 136 and Recommendation 144 concerning protection against hazards ofpoisoning arising from benzene [1971] Convention 13 concerning the use of white lead in painting [1921]Hinggil sa sunog, pagsabog at mayor na panganib Convention 174 and Recommendation 181 concerning the prevention of major industrialaccidents [1993]Hinggil sa pisikal na panganib Convention 115 and Recommendatio 114 concerning the protection of workers againstionising radiations [1960]Hinggil sa mechanical hazards, transport Convention 119 and Recommendation 118 concerning the guarding of machinery [1963] Convention 27 concerning the marking of the weight on heavy packages transported byvessels [1929]Hinggil sa physiology, ergonomics Convention 171 and Recommendation 178 concerning night work [1990] Convention 127 and Recommendation 128 concerning the maximum permissible weightto be carried by one worker [1967]

Mga Panganib Mula sa KemikalBahagi na ng pang-araw-araw na buhay ang mga kemikal. Sa bahay, maaring may kemikal angmga manggagawa tulad ng kerosene, panlason sa daga at insekto, gamit-panlinis at pintura.Kalimitang ginagamit ng mga manggagawa sa trabaho ang kemikal na hindi nila gagamitin sabahay. Ang ibang kemikal ay nagdudulot ng di malalang problemang pangkalusugan subalitmay seryoso namang epekto ang iba.Mga Porma ng KemikalMay iba’t ibang porma ang mga kemikal batay sa kung paano ito makakapasok sa katawan atkung anong panganib ang maari nitong idulot. Maaring magbago ng porma ang kemikal saproseso ng pagtratrabaho. Dalawang tanong ang dapat isaisip sa pagkalap ng impormasyontungkol sa kemikal sa erya na pinagtratrabahuhan:1. Anu-ano ang mga porma ng kemikal na meron?2. Papano makakapasok ang kemikal sa katawan?Anu-ano ang mga porma ng kemikal na meron?Ang mga porma ng kemikal na nakalalason ay:Bulk solids: Mga materyal na nasa anyong tipak o solidAlikabok:Fumes:Likido:Mists:Vapors:Gases:Maliliit na piraso ng solidMas maliliit na piraso ng alikabok na mistulang singaw o usokWalang depinidong hugis di tulad ng solidNapakaliliit na mga patak ng likido na nasa hanginIndibidwal na patak na nasa hanginBumubuo sa hanginHindi madaling tukuyin ang porma ng kemikal. Madaling pag-ibahin ang bulk solids at likido,pero ang alikabok at mists ay maaring hindi makita depende sa laki at konsentrasyon.Samantala, ang fumes, vapors at gases ay hindi talaga nakikita. Para matukoy ang lahat ngporma ng kemikal sa isang lugar, makakatulong ang isang komprehensibong sampling andmonitoring program.

Ang mga Kemikal sa Pagawaan at ang KalusuganHindi laging madaling matukoy kung ang mga isyung pangkalusugan ay kaugnay sa trabaho.Gayunpaman, mainam na huwag isawalang-bahala ang sakit sa ulo, madalas na ubo’t sipon,pagkahilo, sakit sa balat at ibang problemang pangkalusugan na sa tingin mo ay kaugnay satrabaho.Paano malalaman kung bulnerable sa kemikal na panganib sa pagawaan?Para alamin ang mga kemikal na panganib sa lugar ng trabaho, makakatulong ang mga tanongna ito:1. Anu-ano ang mga kemikal na gamit sa trabaho?Ang ibang kemikal ay maaring mas nakalalason kaysa sa iba. Laging i-check ang label ng mgakemikal na ginagamit sa trabaho.2. Paano ginagamit ang mga kemikal?Ang paraan ng paggamit sa isang kemikal ay nakakaapekto sa tsansa ng pagpasok nito sakatawan. Mas mapanganib ang ilang proseso sa trabaho kaysa sa iba. Halimbawa, kung angkemikal ay pinaiinitan o dinudurog, mas malaki ang tsansa na malanghap mo ang kemikal.Hindi makakasama ang kemikal maliban na lamang kung makapasok ito sa katawan. Magigingmapanganib ang mga kemikal kung ito ay malalanghap, aksidenteng malunok, o mapahid sabalat.

3. Gaano katindi ang lason ng isang kemikal, at gaano karami nito ang nakakapasoksa katawan?Mas nakalalason ang ilang kemikal kaysa sa iba. Kung ma-eexpose sa maliit na bahagi ngkemikal, hindi ito magiging mapanganib. Pero may ilang kemikal na kahit nasa maliliit lamangna bahagi ay mapanganib.Paano Nakakapasok sa Kemikal ang mga Katawan?Makakapagdulot lamang ng problemang pangkalusugan ang mga kemikal kung makakapasokito sa katawan. May tatlong ruta ang mga kemikal sa katawan:1. ILONG:Paglanghap sa chemical gases, mists oalikabok na nasa hangin2. BALAT:Pag-absorb sa kemikal ng balat, kabilang angpagpasok nito sa mata3. BIBIG:Paglanghap o paglunok ng mga kemikal nanatapon o nakonsentra sa pagkain, inumin,sigarilyo, balbas o kamayMatapos na makapasok ang kemikal sakatawan, dadaloy ito sa dugo at makakaratingsa internal “target” organs, tulad ng atay, bato onervous system.Target Organ: Ang ibang kemikal ay maaring hindi makaapekto agad. Gayunpaman,makakaapekto ito sa ilang target organs, tulad ng atay, bato o nervous system matapos angtakdang panahon.Kagyat at Pangmatagalang EpektoAng epekto ng nakalalasong kemikal ay maaring kagyat o matagalan.Ang mga kagyat na epekto ay lumilitaw agad matapos ma-expose sa kemikal. Maaring hindisiya malala, tulad ng iritasyon sa ilong o lalamunan. Maarin rin itong maging seryoso tulad ngpagkapinsala sa mata o pagkahimatay dahil sa chemical fumes. Tampok sa mga epekto nitoang pagiging kagyat ng manipestasyon nito.Ang mga matagalang epekto naman ay maaring abutin ng taon bago lumitaw. Karaniwangsanhi nito ang regular na exposure sa isang mapanganib na materyal sa matagal na panahon.Permanente ang mga epektong ito.Nagdudulot ng parehong kagyat at matagalang epekto ang ilang kemikal. Halimbawa, angpaglanghap ng solvent vapours ay maaring magdulot agad ng pagkahilo. Subalit ang

paglanghap sa parehong kemikal sa loob ng maraming taon ay maaring magdulot ng pinsala saatay (isang matagalang epekto).

Paano Nakakaapekto ang mga Kemikal sa KatawanSintomasUloPagkahilo, sakit ng uloMataMapula, maluha-luha, may iritasyonIlong at LalamunanPagbahin, pag-uubo, pagang lalamunanDibdib at BagaPag-uubo, kakapusan ng hininga, lung cancerBalatPamumula, pagkatuyot, pantal, pangangati,skin cancerNervous SystemPagka-nerbyos, pagiging iritable, pagkabalisasa pagtulog, tremorsReproductive SystemLalaki: Mababang sperm count, pinsala saspermBabae: Pagiging iregular ng regla, dimagandang pagbubuntis, pinsala sa egg o sasanggolKaraniwang SanhiSolvents, pintura, ozone, usok (kasama naang usok mula sa tabako)Usok, gases at vapors, singaw, alikabok,ultraviolet radiation, pintura, panlinisUsok, gases at vapors, alikabok, pintura,panglinisSingaw mula sa metal, alikabok, usok,solvents, pintura, panlinisSolvents, radiation, chromium, nikel, sabongpanlaba at panlinis, pinturaMatagal na exposure sa solvents o sa leadLead, toluene at iba pang solvents, radiation,ethylene oxideAno ang nakakaapekto sa Panganib?Mga Salik na Nakaka-impluwensiya kung angManggagawang na-expose sa Kemikal ayMagkakasakitHalimabawa1. Kung gaano nakakalason ang kemikal Mas nakalalason, mas malaki ang tsansa namagiging sanhi ang kemikal ng problema sakalusugan kahit nasa maliit na bahagi lang ito.2. Bolyum o dami ng kemikal kung saan naexposeang manggagawa (mula sa hangin omula sa kontak sa balat o bibig)3. Tagal ng exposure ng manggagawa sakemikalAng acetone ay isang industrial solvent namatatagpuan din sa nail polish remover. Masmapanganib ito sa manggagawa nagumagamit ng malaking bolyum nito kaysa satao na gumagamit ng maliit na bolyum nito saanyo ng nail polish remover.Maaring magtrabaho ang isang manggagawagamit ang kemikal sa loob ng kalahating oraskada araw, samantalang walong oras naman

sa iba. Gayundin, maaring ma-expose angisang manggagawa ng isang buwan, habangang iba ay may 20 taon ng exposure.4. Paraan at ruta ng pagpasok ng kemikal sakatawan5. Indibiwal na salik (hal. lahi, laki ng katawan,edad, kung naninigarilyo/umiinom o hindi,allergies, exposure sa iba pang kemikal)Ang ibang kemikal tulad ng pestisidyo, aysobrang nakalalason – mapapahid man sabalat, makain o malanghap man. Sa kabilangbanda, mapanganib lang ang asbestos kapagnalanghap. Halimbawa, maaring mayasbestos insulation ang isang bahay. Perohangga’t hindi nagagalaw ang asbestos athindi nagiging mala-alikabok, hindi itomalalanghap, kaya hindi ito mapanganib.Mas mapanganib ang lead sa mga bata kaysasa mga matatanda dahil sa nakakaapekto itosa development ng kanilang utak at centralnervous system. Kung ang dalawang tao aynagtratrabaho sa may asbestos at isa sakanila ay naninigarilyo, ang isa na nagyoyosiay may mas malaking tsansa ng pagkakaroonng lung cancer kaugnay ng asbestos.Kemikal sa TelaSa paghawak ng tela sa pagawaan, ang mga kemikal mula dito ay maaring mapunta sa balat atmaaring malanghap din ang chemical vapours. Sa bodega kung saan nakaimbak ang maramingtela, maaring mas maraming vapours o sa hangin dito kaysa sa ibang lugar sa pagawaan.Karamihan sa mga vapours ay sumisingaw kapag unang beses na binulatlat ang tela o kungmainit ang panahon. Ang mga cutter, presser at trabahador sa bodega ay maaringmakalanghap ng mas maraming formaldehyde o iba pang kemikal kaysa sa ibang manggagawasa pabrika ng garments. Ang iba naman ay nagkaka-allergies sa mga tela na may kemikal tuladng formaldehyde o pangkulay at nagkakaroon ng pamumula ng balat kapag hinawakan na angtela.FormaldehydeSa pabrika ng garments, ang pinakakaraniwan at mapanganib na kemikal ay formaldehyde.Ginagamit ang kemikal na ito para hindi agad mangupas o magusot ang tela. Kung ang tela aymay markang ‘wrinkle free’ o ‘permanent press’ malamang na meron itong formaldehyde.Nagdudulot ang formaldehyde ng iritasyon sa mata. Ilong, lalamunan o baga. Maari rin itongmagdulot ng hika, pamamantal at iba pang sakit sa balat. Ang pagbababad ng tela na mayformaldehyde sa acid wash ay lilikha ng singaw ng napakamapanganib na kemikal (BCME –bis-chloromethylether) na sanhi ng cancer kapag nalanghap.Pangkulay

Ang telang itim at iba pang maiitim na kulay ay karaniwang may pangkulay na mas nakaka-iritakaysa sa ibang kulay. Ang mga pangkulay na ito ay nagdudulot ng pamamantal, allergies oproblema sa paghinga.Pampaputi ng damit at asidoNilalagyan ng pampaputi o asido ang ibang damit matapos gawin, halimbawa ay ang ‘stonewashed’ at ‘acid washed jeans.’ Ang mga kemikal na ito ay maaring mairita ang balat atmapinsala ang mata kapag isinaboy.Proteksyon mula sa kemikal sa telaKapag namantal ang iyong balat sapaghawak sa tela, mahalagang itigil agad angpaghawak sa tela sa pinakamadalingpanahon upang hindi magkaroon ng allergy.Makipagtulungan sa kapwa-manggagawa sapagpapaabot sa employer ng mga epekto sakalusugan ng ginagamit na tela. Kailanganghikayatin ng employer ang mga tagamanupakturana gumamit ng tela na walangformaldehyde o iba pang mapanganib nakemikal. Kung gagamit ka ng mga tela namay ganitong mga kemikal:Magsuot ng rubber gloves paraprotektahan ang balat mula sa mgakemikal.Sanhi ng allergy ang latex rubber gloves saibang tao, pero ang ibang klase ng rubber ayhindi naman. Makakatulong din angpagsusuot ng leather gloves at long sleeves.Maghugas ng kamay bago kumain,uminom o magsigarilyo.Maaring may maliit na bahagi ng kemikal nanaiwan sa iyong kamay na maaringmakapasok sa katawan kapag humawak kang pagkain.Lumikha ng mainam na bentilasyon.Dapat na dumaloy ang sariwang hangin salahat ng erya ng pagawaan, lalo na sa cuttingat pressing na erya. Buksan ang mga bintanaat pinto at gumamit ng bentilador parapagalawin ang hangin sa loob.Nagpapasok ng sariwang hangin at nagpapalabas ng singaw ang exhaust fan sa pader. Angtipo ng bentilador na ito ay hindi sing-epektibo ng paggamit ng kaunting kemikal o paggamit ng

lokal na exhaust vents. Ang lokal na exhaust vent kasi ay humihigop palabas ng singaw mulamismo sa lugar kung saan ginagamit ang kemikal.Hindi makakatulong ang mask.Maaring itaboy ng dust mask ang mga alikabok mula sa iyong ilong at lalamunan, pero hindinito kayang protektahan ang katawan mo mula sa formaldehyde at ibang singaw na kemikal.Mas pag-alam tungkol sa TelaImportanteng isyu sa mga manggagawa at komunidad ang karapatan na malaman ang mgapanganib mula sa kemikal. Sa maraming bansa, napagtagumpayan ng mga manggagawa atunyon ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa mga kemikal. Nakasaad sa batassa ibang bansa na dapat bigyan ng mga suplayer ng kemikal ang kanilang mga customer ngMaterial Safety Data Sheets (MSDSs) ng kanilang produkto. Ang ibang kumpanya naman aynagbibigay ng Chemical Safety Data Sheets (CSDSs) para magbigay ng batayangimpormasyon tungkol sa mga kemikal.Para sa mga manggagawa, superbisor at miyembro ng komunidad, may apat na simplengparaan para makakuha ng impormasyon hinggil sa kemikal sa pagawaan:Etiketa sa produktoMaterial Safety Data Sheets (MSDS)Chemical Safety Data Sheets (CSDS)PagsasanayAng Material Safety Data Sheets (MSDS) ay talaan ng datos tungkol sa katangiangpangkalusugan at pangkaligtasan ng mga kemikal sa pagawaan. Karaniwang isinusulat ito ngmga suplayer o taga-manupaktura ng mga kemikal. Ang mga organisasyon tulad ng ILO aymayroon ding inilalabas na MSDS o listahan ng mga kemikal na ginagamit sa pagawaan.Limitasyon ng MSDSAng ilang MSDS ay nagsasaad ng mga panganib na maaring idulot ng kemikal. Maaring itolamang ang pagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga kemikal sa pagawaan.Pero marami sa MSDS ay kulang sa mahahalagang impormasyon. Kalimitang ginagamit angmga teknikal na salita na mahirap intindihin. Ang iba naman ay sala sa petsa o malingimpormasyon ang inilalahad.Dapat tandaan na hindi pantay-pantay ang pagkakalikha sa MSDS. Hindi dapat umasa lamangsa MSDS. Subukang gamitin ang ibang pagmumulan ng impormasyon.

Lokal na pabrika o labor inspectorLokal na aklatanLokal na himpilan ngbumberoEmployerITsILOUnyonTagamanupaktura ngIngaykemikalMga guro sa lokal napamantasan/unibersidadAno ang ingay?Maituturing ba na ingay ang pakikipag-usap sa kaibigan at kapamilya?Ang musika ba ay ingay?Ang mabilis na pagtakbo ng makina ba ay ingay?Ang tanging kaibahan ng musika sa mga tunog sa loob ng pabrika ay sa pagiging kaaya-aya sapandinig ng tunog – sa maraming pagkakataon, ang musika ay kaaya-aya sa pandinig habangang ingay sa pabrika ay hindi kaaya-ayang tunog. Ingay ang tawag sa di kaaya-ayang tunog.Pero kahit na ang pinaka-nagugustuhang musika ay maaring makapinsala sa tenga bilangpinakamalalang ingay sa pabrika. Naka-depende ang epekto sa kalusugan ng ingay batay salakas o hina ng tunog, hindi sa kung gusto o hindi.

Gaano ka-ingay ang sobrang ingay?Kabilang sa mga simpleng pamamaraan sa pag-alam kung ang antas ng tunog ay napakataas:kung kinakailangan nang sumigaw o magsalita ng malakas para maintindihan kahitkalahating dipa lamang ang layo sa kausapkapag may humuhuni sa tenga matapos lisanin ang isang lugarkapag hirap mapakinggan ang isang normal na pag-uusap pagkatapos ng trabahokapag sumasakit ang ulo o nahihilo dahil sa ingaykapag maalin sa kapwa-manggagawa ay natuklasan may mga ganitong problema sapandinigEpekto ng ingay sa kalusuganAng mataas na antas ng ingay ay may kagyat at pangmatagalan na epekto sa pandinig. Maariitong magdulot ng:pagkabingi (panandalian at permanente)sakit sa ulopagkahilomataas na presyonpagka-nerbyos at pagod, na humahantong sa ulcer, problema sa pagtulog, sakit sa pusopagkawala ng konsentrasyonaksidente kung ang mga sigaw o senyales na pambabala ay hindi naririnigMaaring malaman ang antas ng pinsala sa pandinig sa isang hearing test na tinatawag na“audiograms.” Ang pagkawala ng pandinig sa antas ng tunog ng pagsasalita ay maypanandalian at permanenteng epekto.

Anatomiya ng TengaAng tenga ay binubuo ng outer ear, middle ear at inner ear.May hugis-nakapilipit na buto sa inner ear na tinatawag na cochlea, kung saan matatagpuanang mga napakaliliit na buhok. Dumadaloy ang tunog o “sound waves” sa outer ear,middle earhanggang sa inner ear. Sa inner ear, ang sound waves ang lumilikha ng paggalaw ng mganapakaliit na buhok sa cochlea, na siya namang nagpapadala ng mensahe sa utak tungkol satunog na narinig.Pipinsalain ng mataas na antas ng ingay ang mga maliliit na buhok sa inner ear at pahihinainang kakayanan ng tenga na “makadinig” ng tunog at makapagpadala ng mensahe sa utaktungkol sa tunog. Kapag napinsala ang mga maliliit na buhok sa inner ear, wala ng paraan paramasolusyonan ang pinsala – nagiging permanente ang pagkabingi!Pagsukat sa antas ng ingay: Ano ang decibels?DecibelsAng ingay ay sinusukat batay sa antas ng “decibels”, na isang sukat ng diin o pressure nanililikha ng isang tunog. Ang hanay ng pagsukat sa decibels ay mula 0 hanggang 140, o mulasa pinakamahinang tunog na maririnig ng tenga ng tao hanggang sa antas ng tunog namakakapinsala sa tenga. Ang “dB" ang pinaikling tawag sa decibels, habang ang A,B at Cnaman ang tatlong iskala o scales nito – pero ang pinakamalapit sa pandinig ng tao ay ang “A”o “dBA.”Ang decibel ay sinusukat sa isang ispesyal na iskala – sa isang logarithmic scale kung saanang bawat pagtaas ng 3 decibels ay nangangahulugan ng pagdoble ng lakas ng tunog. Ibigsabihin, ang pagtaas mula 90 decibels tungong 93 decibels ay pagdoble ng lakas ng tunog.Samantala, ang pagtaas mula 90 decidels tungong 96 decibels ay paglakas ng tunog ng apatna beses.

Mahalagang tandaan na ang maliit na pagtaas sa decibel ay nangangahulugan ng malakingpagtaas sa lakas ng tunog na makakapinsala sa pandinig.Pagkontrol sa Antas ng IngayAng engineering controls sa pinanggagalingan ng ingay ang pinaka-epektibong paraan ngpagkontrol sa ingay. Ang mga mekanismong ito ay dapat lagi munang kontrolin angpinakamalakas na pinagmumulan ng ingay bago ang iba. Kabilang sa engineering controls ang:i-redesign ang mga kagamitan para mabawasan ang bilis o impact ng gumagalaw nabahagi ng tunog; paglalagay ng mufflers sa intakes o lagusan ng hangin; palitan angmga lumang kagamitan ng mas bago at mas magandang kagamitan;

i-mantini ang mga kagamitan para mapalitan ang mga laspag na parte at para malubricateang lahat ng gumagalaw na bahagiihiwalay ang mga kagamitan sa pamamagitan ng distansya, enclosure, o harang;pag-papahina sa pinanggagalingan ng tunog sa pamamagitan ng paggamit ng rubberpads para mabawasan ang vibration at ingay mula sa metal na bahagi; sa pamamagitanng pagbawas sa taas ng pinagbabagsakan ng mga bagay sa bins o sa belts;paglalagay ng absorptive baffles sa pagawaan para ma-absorb ang mga tunog nanalilikha

Kabilang sa administrative controls para sa pagbabawas ng ingay ang rotation ng mgamanggagawa sa isang erya na may malakas na ingay at ang pagsasanay sa kanila tungkol sapanganib na dulot ng ingay at mga pamamaraan para bawasan ang ingay at protektahan angpandinig.Kabilang naman sa personal protective equipment (PPE) para sa pagbabawas ng ingay angear plugs at ear muffs. Tulad ng PPE, ang kontrol na ito ay nakadepende sa pagpili ng tamangkagamitan para sa partikular na antas ng ingay, at tamang paggamit at pangangalaga ng mgakagamitan. Mahalagang tandaan na sa paggamit ng PPE, hindi nawawala ang ingay.Binabawasan lamang ng PPE ang lakas ng ingay na pumapasok sa tenga.Sa ilang pagkakataon, ang paggamit ng PPE ay nagresulta sa seryosong impeksyon ng tengana nakaapekto sa pandinig. Dapat maiulat agad ng mga manggagawa ang anumangproblemang pangkalusugan mula sa paggamit ng PPE.

Heat StressPaano nakakaapekto ang mainit na temperatura sa katawan?May apat na salik sa kapaligiran na nakakaapekto sa pagkakaroon ng heat stress na maaringmaranasan ng manggagawa sa pagawaan:1) temperatura2) halumigmig3) radiant heat (tulad ng init mula sa araw o pugon sa pagawaan)4) bilis ng pag-ihip ng hanginMay mga personal na salik na nakakaapekto rin sa pagkakaroon ng heat stress ngmanggagagawa, tulad ng edad, timbang, kalakasan ng katawan, medikal na kondisyon at angpag-angkop ng indibidwal sa init.Natural na reaksyon ng katawan sa matinding init ang pagpapadaloy ng dugo sa balat, nanagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa balat at nakakapagpasingaw ng sobrang init sa balat.Subalit kung ang kalamnan ay ginagamit sa pisikal na paggawa, mas kaunti ang dugo namaaring mapadaloy sa balat. Ibig sabihin, mas kaunting init ang maaring mapasingaw.Ang pagpapawis ay isa pang paraan ng katawan para mapasingaw ang sobrang init atmapanatiling mas malamig ang loob ng katawan. Subalit epektibo lamang ang pagpapawiskung mababa ang antas ng halumigmig na makapagpapasingaw sapawis, at kung ang tubig at mineral sa katawan na nawala sa pagpapawis ay mapapalitan.Kung ang katawan ay hindi makapagpasingaw ng sobrang init, iniimbak nito ang init. Kapagnangyari ito, tataas ang temperatura ng loob ng katawan at bibilis ang tibok ng puso. Habangpatuloy na itinatabi ng katawan ang init, mawawalan ng konsentrasyon ang indibidwal, maaringmaging iritable o magkasakit, o kaya’y mawalan ng kagustuhang uminom ng tubig. Ang unang

yugto ng heat disorder ay kalimitang kawalan ng malay, na maaring dumulo sa pagkamatay sakaso ng di-nabigyang atensyon na heat stroke.Nagiging isyu ng kaligtasan ang papalalang heat stress kapag ang manggagawa ay nawawalanng pagka-alerto, nahihirapang makapagpokus sa gawain, nagkakamali o naaksidente.Ilan sa mga sanhi ng heat stress ay ang mga sumusunod:mataas na temperatura sa labas ng gusali o bahay at sobrang halumigmiginit at halumigmig na sanhi ng operasyon ng pagawaanDi sapat o iregular na bentilasyonmabigat o paulit-ulit na pisikal na gawainkakulangan ng maiinom na tubig o kakulangan ng oportunidad na makainom ng tubigdi sapat na panahon ng pahingabago o bagong balik na manggagawa na walang sapat na panahon para makaangkopsa mainit na kalagayan sa pagawaanAnu-ano ang mga tipo ng mga karamdamang kaugnay ng init?Mga sintomas ng Heat StressHeat crampsSintomas:Sanhi:Paglunas:masakit na silakbo ng kalamnan, kalimitan tuwing pagkatapos ng trabahosobra-sobrang pagpapawis at pag-inom ng maraming tubig, ngunit hindi namannapapalitan ang nawalang mineral sa katawanUminom ng likidong may electrolytes (calcium, sodium at potassium salts)Heat exhaustionSintomas:Sanhi:Paglunas:Sobrang panghihina o pagkahapo, pagkahilo; maputla, malamig, at mabasabasangbalat; matinding pagpapawis; sakit sa ulo; kawalan ng malayMas konting dugo na bunga ng dehydration dahil sa sobra-sobrang pagpapawisat di-sapat na pagpalit sa nawalang tubig at mineral sa katawanKung may malay, pagpahingahin ang manggagawa sa malamig na lugar; palitanang tubig at mineral na nawala sa pagpapawis; Kung walang malay, agarangtumawag ng tulong medikal. HUWAG painumin ng likido kapag walang malayang manggagawaHeat strokeSintomas:Sanhi:Paglunas:Sobrang tuyot at mainit na balat na may mapulang batik-batik o kaya’s malaasul;pagkalito; kombulsyon; kawalan ng malay; sobrang bilis na pagtaas ngtemperatura sa 41 degrees centigrade at pataasNag-iinit ng sobra ang katawan dahil ang manggagawa ay hindi na nagpapawisTumawag ng agarang tulong medikal; dalhin ang manggagawa sa malamig nalugar; alisin ang mga personal protective equipment (PPE); gumamit ng basangtuwalya o tubig at bentilador para magpalamig habang hinihintay ang tulong

Ang heat stroke ay isang nakamamatay na sitwasyon.Kinakailangan ang agarang tulong medikal.Paano maiiwasan ang heat stress?Maaring maiwasan ang heat stress sa pamamagitan ng mga sumusunod:1. Engineering ControlsAng mga engineering control tulad ng epektibong bentilasyon, spot cooling, bentilador, at heatshields para sa maliwanag na pinagmumulan ng init, ay nagbabawas ng heat stress onaglalayo sa manggagawa mula rito. Ang pagbabago sa equipment at paggamit ng power toolspara mabawasan ang pisikal na trabaho ay naglalayo rin sa katawan sa init.2. Kasuotang pamprotektaAng mga ispesyal na reflective clothing o pampalamig na kasuotan ay maaring kinakailangankung matindi ang heat stress.3. Scheduling at Oras ng PahingaMaaring ireskedyul ang mabibigat na trabaho sa mas malamig na oras ng araw. Maaringireorganisa ang regular na trabaho para mapaglaan ng oras ng pahinga sa malamig na erya nasiyang magbibigay kondisyon sa katawan para mapaglabas ng sobrang init.4. TubigDahil sa ang mekanismo ng uhaw ay maaring hindi gumana bunga ng pagkawala ng tubig saporma ng pawis, mahalagang tiyakin na laging may suplay ng malamig na tubig at nakakainomng 250 hanggang 500 mililitro kada kalahating oras.5. EdukasyonKinakailangang matutunan ng mga manggagawa at superbisor na sipatin ang sintomas ng heatillnesses and ang tamang first aid na hakbangin. Kinakailangan din nilang pag-aralan kung bakitnararanasan ang heat illness at kung ano ang dapat gawin para maiwasan ito.

Pagkontrol sa PanganibAng pagtukoy at pagtatasa sa panganib ang pangunahing hakbangin sa pagkontrol sapanganib. Pagkatapos nito, ang iba’t ibang paraan ng pagprotekta sa manggagawa natinatawag na “controls” ay maaring gawin. May tatlong tipo ng controls:Ang tatlong tipo ng control na ito ay maaring gamitin nang sabayan, subalit dapat bigyangprayoridad ang engineering controls bago ang iba pa. Hindi maaring gamitin ang administrativecontrol at personal protective equipment (PPE) hangga’t hindi sinusubukan ang engineeringcontrols, maliban na lamang kung imposible ang engineering controls.Ang pinaka-epektibong pagtinging o lapit hinggil sa proteksyon ng manggagawa:Engineering controlsKontrolin ang panganib, hindi ang manggagawa.Itinuturing ang engineering controls bilang pinakamainam na tipo ng controls dahil sa inaalis nitoang panganib o kaya nama’y inilalayo nito ang manggagawa sa panganib. Direktangtinutugunan nito ang panganib at hindi ito nakadepende sa aksyon ng manggagawa paramaging epektibo.Kasama sa iba’t ibang tipo ng enginneering controls ang mga sumusunod:Pagdidisensyo muli ng proseso, tulad ng paggamit ng basang pamamaraan para mabawasanang dami ng alikabokPaggamit ng mas ligtas na mga produkto: paggamit ng kemikal na mas hindi nakalalason, mas hindi maalikabok at mas hindisumisingaw pagpapalit ng mga lumang kagamitan ng bagong kagamitan na may built-in guardsIlayo ang proseso o ilayo ang manggagawa sa proseso: paglalagay ng enclosures sa maiingay na kagamitan pagtatayo ng isang control room kung saan maproprotektahan ang mga manggagawamula sa init, ingay o nakalalasong materyalPagkakabit ng “local exhaustion ventilation” (LEV): sistemang bentilasyon na direktang nakalagay sa tanke ng kemikal Welding tables at work stations para mailayo ang airborne hazards mula sapinanggagalingan nitoBentahe ng paggamit ng engineering controls ang pag-aalis mismo sa panganib, o paglalayo samanggagawa mula sa panganib. Subalit may mga problema o balakid din dito. Kabilang dito ayang mga sumusunod: Napakamahal ng engineering controls at maaring mahihirapang ilagay ito ng maliliit nanegosyante Ang enclosure o ang paglalayo sa panganib ay hindi nag-aalis sa panganib, kayabulnerable pa rin ang manggagawa kung sakaling magkaroon ng aksidente o tagas Maaring kaakibat ng pagpapalit ng kemikal o makina ang bagong panganib Kinakailangang i-mantini at i-testing ng regular ang mga bentilasyon para panatilingepektibo Kailangang i-mantini o ipagawa ang engineering controls tulad ng bentilasyon omekanisasyon

Administrative controlsHindi inaalis ng administrative controls ang mga panganib, pero nililimitahan nito ang exposureng manggagawa sa panganib. Naka-depende sa kilos ng tao ang pagiging epektibo nito.Kabilang sa maraming uri ng administrative controls ay ang mga sumusunod:

pagpapalitan ng mga manggagawa sa mapanganib at di-mapanganib na gawain paramabawasan ang exposure the panganibparamihin ang bilang ng pahinga o break para mabawasan ang panahon ngpagkabulnerable sa panganibbaguhin ang iskedyul ng trabaho kung maari, tulad ng pag-iiskedyul ng mga gawaingmay dulot na panganib ng heat stress sa gabi kung saan mas malamig angtemperatura.panatilihing maayos at walang kalat ang lugar para mabawasan ang posibilidad ngsunog at aksidente at para maiwasan ang akumulasyon ng nakalalasong materyalpahusayin ang mga pasilidad at asal na pang-hygiene para masanay sa paghuhugasang mga manggagawa ng kamay bago at pagkatapos kumain; ipagbawal ang pagkainsa lugar na pinagtratrabahuhan; pahintulutang makaligo ang mga manggagawapagkatapos ng shift at tiyaking iniiwanan ang mga kontaminadong damit sa pagawaanpahusayin ang training ng mga manggagawa para paunlarin ang kakayahan ng mgamanggagawang makatukoy ng panganibmaglaan ng regular na oras ng pahingaMayroong pa ring problema sa administrative controls. Bagama’t nababawasan ang oras ngexposure sa panganib, nanatiling pa ring nakalagak ang mga panganib. Binabawasanhalimbawa ng job rotation ang oras ng exposure ng isang manggagawa, subalit pinaparami nitoang bilang ng mga manggagawang may exposure sa panganib. Tulad ng ibang proseso nagawa ng tao, laging may puwang sa pagkakamali na maaring magresulta sa mapanganib naexposure.Personal Protective Equipment (PPE)Itinuturing na pinakamahinang porma ng kontrol ang paggamit ng personal protectiveequipment (PPE). Ginagamit lamang ito bilang prinsipal na porma ng kontrol kapag hindiposible ang engineering at administrative controls, o sa kaso ng kagipitan.Hindi inaalis ng PPE ang panganib; hindi rin nito binabawasan ang panahon ng pagkabulnerablesa panganib. Binabawasan lamang nito ang bigat ng panganib na maaring harapinsa pamamagitan ng paglalagay ng harang sa pagitan ng panganib at ng manggagawa.Maraming salik ang nakapagpapahina ng proteksyon mula sa PPE. Nakadepende ito sapaggamit ng tao para maging epektibo.Kabilang sa iba’t ibang tipo ng PPE ay ang mga gamit pamprotekta sa ulo, tenga, mata, baga(sa pamamagitan ng ilong at bibig), kamay, katawan at paa.Mga halimbawa ng PPE:

Ang mga disbentahe ng PPE ay ang sumusunod:Karamihan sa PPE ay naka-disenyo para sa mga manggagawa ng Canada, Europa atEstados Unidos, kaya maaring hindi ito angkop sa mga manggagawa sa ibang parte ngmundoKailangang partikular ang PPE na gamit para sa partikular na panganibKailangang gamitin sa tamang paraan at i-mantini ang PPEAng ibang PPE, tulad ng respirator filters at gloves, ay kinakailangang palitan nangmadalas para epektibong maprotektahan ang sariliAng ilang PPE ay lumilikha ng bagong aksidente at panganib sa kalusugan, tulad ngheat stress, mas malabong paningin at mas mahinang pandinig, mas mahinangpagkakahawak, potensyal ng impeksyon sa tenga, at pinalalang pagkabalisa dahil samabibigat na gamit pamprotekta.Ang paggamit ng PPE ay hindi magiging epektibong kontrol ng mga panganib sa pagawaankung walang tamang kagamitan at pagsasanay sa paggamit at pangangalaga nito.

Pisikal, Verbal at Sekswal na Pang-aabuso at Pamantayan sa Pagpigil saPang-aabusoAng lahat ng empleyado at manggagawa ay may karapatan na tratuhin ng may paggalang atdignidad. Kinakailangang magkaroon ang bawat pagawaan ng malinaw na depinisyon kung anoang hindi katanggap-tanggap na asal at ng nakasulat na patakaran na nagbabawal sa mgaganung asal.Ano ang pang-aabuso?PisikalPaggamit o pagbabanta ng pisikal na pagdisiplinaVerbalPaggamit ng mga salita o aksyon na nagtatangkang sirain ang pagpapahalaga sa sariling empleyadoSekswal Pag-aalok ng mas madali o gustong gawain o iba pang paborableng pagtrato kapalit ngsekswal na relasyon Di magandang pagtrato sa empleyado bilang parusa sa pagtanggi sa sekswal na pabor Di magandang komentong sekswal, obserbasyon o inisyatiba, o kaya pisikal na pagtratona may sekswal na katangian Mga gawing panseguridad nahindi sensitibo sa kasarianIba pang tipo Pagkakait ng makatwirangpahinga, pag-inom ng tubig,paggamit ng palikuran,pangangalagang pangkalusugan,at iba pang batayangpangangailangan Di makatwirang paglimita sagalaw ng empleyado tuwing orasng pahinga

Bakit mahirap tumanggi?Maraming dahilan kung bakit mahirap sa isang babae na tanggihan ang pisikal, verbal osekswal na pang-aabuso: Maaring takot ang empleyado na mawalan ng trabaho, na kailangan niya parasuportahan ang kanyang pamilya at sarili Maaring pinalaki at tinuruan siyang sundin at irespeto ang mga gusto ng mas matandaat nasa kapangyarihan na lalaki Maaring ang lalaki ay isang kamag-anak, at maaring takot ang isang empleyado napagmukhaing masama kapag tumanggiSubalit kahit nasa ano mang sitwasyon ang isang babae, laging mali ang sekswal at iba pangporma ng pang-aabuso. Kontra rin ito sa batas sa maraming bansa. Kung nakaranas na ngpang-aabuso, subukang maghanap ng makikinig at magbibigay ng suporta. Maari ring ibahagiang karanasan sa iba pang kababaihan. Bagamat hindi nito matutuldukan ang pang-aabuso,makakatulong naman ito para maiwasan ang pang-aabuso sa iba pa.Epekto ng Sekswal na Harasment1. Maaring magdulot ng makapaminsalang epekto sa pagawaan ang sekswal na pangaabuso Ito ay usapin hinggil sa trabaho at hindi lamang personal na problema ng isang tao. Angsekswal na pang-aabuso ay maaring ituring na pinakaseryoso at malaganap subalithindi litaw na panganib na kinakaharap ng manggagawang kababaihan2. Ang sekswal na pang-aabuso ay maraming epekto sa trabaho: Maaring malipat o mawalan ng tsansa na ma-promote ang isang manggagawa dahil sapagtanggi dito Maari ring makatanggap ang isang manggagawa ng mas mababang sahod atbenepisyo, o kaya’y mawalan ng trabaho, dahil sa pagtanggi sa hinihinging sekswal napabor ng kanyang superior3. Maraming sikolohikal na epekto na kaugnay ng sekswal na pang-aabuso, katulad ng: Pagdududa sa sarili, denial at pagsisi sa sarili Pagkamahiyain Kawalan ng interes sa trabaho Kawalan ng pagtitiwala Pagkagalit Depresyon4. Batay sa ilang pag-aaral, ang mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ay maaringmakaranas ng reaksyong kapareho ng mga biktima ng trauma tulad ng rape o pagatakengpisikal.Napag-alaman sa isang pag-aaral na lumala ang problema hinggil sa seguridad sa mga kasokung saan nakaranas ang isang babae ng pang-aabuso habang nasa trabaho.

5. May negatibong epekto rin ang sekswal na pang-aabuso sa negosyo.Mabigat ang halaga ng pagsasawalang-bahala sa pang-aabuso dahil sa: pagliban ngmanggagawa, gastos sa pagrekrut at pagsasanay ng kapalit, mababang moral, mataas natantos ng paglipat ng manggagawa, mababang katapatan, at syempre, mas mataas na gastossa legal fees.Pagtugon sa Pang-aabuso sa PagawaanHuwag isawalang-bahala! Sikaping iwasan ang (mga) indibidwal na nang-abuso sa kapwa-empleyado Huwag basta-basta lalakad kung saan na kasama lamang ang lalaking employer Alamin kung may mga batas o patakaran na magbibgay proteksyon sa iyo mula sapang-aabusoIsipin lagi na hindi ka nag-iisa. Ang pang-aabuso ay hindi lamang indibidwal na problema sa pagitan ng dalawang tao.Ito ay isang panganib sa lahat ng manggagawa, lalo na sa kababaihanSuriin ang iyong sitwasyon. May iba pa bang manggagawa na nakararanas ng ganitong panganib? Posible bangmakausap mo sila tungkol sa bagay na ito na hindi isinasakripisyo ang iyong trabaho? May posibilidad ba na magsama-sama kayo para gumawa ng aksyon? Maari kayang maging simulain ito ng pagbubuo ng grupo, na siyang haharap saganitong mga usapin sa pagawaan? Paano mo maiuulat ang pang-aabuso sa iyong employer na hindi natatakot namaparusahan?

Pagpigil sa Pang-aabuso sa PagawaanMay karapatan ang bawat manggagawa na makapagtrabaho sa isang kondisyon na malaya sapisikal, verbal at/o sekswal na harasment at pang-aabuso. Responsibilidad ng manedsment napagtibayin ang ilang gawi na magbabawas ng potensyal para sa mga porma ng abuso tulad ng:Pagpapatupad ng malinaw na pamantayan hinggil sa pag-uulat ng mga kaso ngharasment at pang-aabusoPagpapataw ng mga multa para pigilan ang mga nasabing gawi sa bahagi ng manager osupervisorPagbibigay ng malinaw at komprehensibong pagsasanay sa lahat ng empleyadoMga Susing Salik ng isang Programa Kontra-Harasment at Pang-aabuso1. Pagbubuo ng isang nakasulat na patakaranKinakailangang magkaroon ang mga employer ng isang nakasulat na patakaran hinggil saharasment at pang-aabuso na in-endorso ng pinakamatandang manager sa pagawaan.Kailangang i-partikularisa ng nakasulat na patakaran na ito kung ano ang mga gawi naipinagbabawal, mga responsableng indibidwal na magpapatupad ng patakaran,kompidensyal na sistema ng pagdudulog ng reklamo, at paraan ng pag-disiplina. Dapatsaklaw ng patakarang ito ang mga manininda, customer o kung sino man na pumupunta sapagawaan.2. Pagbubuo ng isang kompidensyal na sistema ng pagdudulog ng mga kasoKailangang magtakda ang isang employer ng kompidensyal na pamamaraan ngpagdudulog ng hinaing na nakakahikayat sa mga empleyado na iulat ang anumang uri ngpang-aabuso. Ang karaniwang pamamaraan ng pagrereklamo, tulad ng pagbubukas ngmga isyu sa superbisor, ay hindi angkop sa pag-uulat ng pang-aabuso. Kasama sa isangepektibong sistema ng pagdudulog ang mga sumusunod:Ligtas na lagayan para sa mga kompidensyal na reklamo na nakalagay sa pribadongerya tulad ng paliguan at dormitoryo na pinupuntahan ng manedsment lamang.Walang kinikilingang kontak tulad ng guidance counselor, kinatawan ng unyon at ibapaNumero ng telepono o lagayan para sa mga liham kung saan maaring iulat ng mgaempleyado ang kanilang mga hinaing3. Magbigay ng pagsasanay sa lahat ng manggagawa at tagapangasiwa hinggil sapatakaran sa pagpigil sa harasment at pang-aabusoAng lahat ng empleyado ay dapat makatanggap ng pagsasanay sa ganitong paksa tuwingoryentasyon ng mga bagong tanggap sa trabaho. Nilalaman dapat ng pagsasanay ang buongpaliwanag hinggil sa patakaran sa pagawaan, paano iniuulat ang harasment, at kung paanoiniimbestigahan ang mga reklamo.

Ang mga superbisor at tagapamahala sa pagawaan ay dapat na kumuha ngpagsasanay hinggil sa patakaran isa o mahigit pang beses sa loob ng isang taon.Mainam na isama sa pagsasanay ang impormasyon hinggil sa nakasulat na aksyongpang-disiplina.4. Imbestigahan at i-dokumento ang lahat ng reklamoAng lahat ng kaso ay dapat maimbestigahan agad. Dapat i-dokumento ng bawat ulat,imbestigasyon at disiplina ang eksaktong katangian ng reklamo, petsa ng kaganapan at paguulat,mga pamamaraan na ginamit sa imbestigasyon, mga panig na sangkot, resulta ngimbestigasyon, katangian ng disiplina mula sa insidente, at epekto sa kasalukuyang patakaran.Ang sinumang empleyado na nagsampa ng reklamo ay dapat na mapaabutan ng nagingresulta ng imbestigasyon at ng mga desisyon na ginawa.5. Mga Nakasulat na Pamamaraang Pang-disiplinaDapat disiplinahin ng manedsment ng kumpanya ang sinumang gumagawa ng pisikal, sekswalo verbal na harasment o pang-aabuso. Kailangang nakasulat ang pamamaraang pang-disiplina,at dapat ito ay mababasa ng lahat ng empleyado at tagapamahala. Ang isang nakasulat napatakarang pang-disiplina ay dapat na talakayin ang:Antas ng disiplina kasama ang pasalitang babala, nakasulat na babala, suspensyon,pagpapababa ng posisyon, o pagpapatalsik, depende sa bigat ng insidente.Pagbibigay-payo at pagsasanay para sa gumawa ng kaso, kabilang ang pagsasanay nacross-cultural at/o pagsasanay sa pagresolba sa tunggalianPatakaran hinggil sa paglilipat para sa empleyado at/o tagapamahala para tiyakin nahindi na mauulit ang pagbabantaPatakaran para sa kapatawaran o iba pang paraan para sa bayad-pinsala sa inabusongempleyadoPatakaran hinggil sa pag-uulat at pagpasa sa lumabag sa mga patakaran sa lokal naotoridad

Ano ang Gagawin Matapos ang isang Aksidente1. Mismong pagkatapos:Puntahan ang pinangyarihan ng aksidente;• tiyakin kung ang naaksidenteng kasama ay inaalagaan• panatilihin ang dinatnang ayos ng mga bagay2. Imbestigasyon• kumuha ng litrato, sketches at sukat• kausapin ang mga testigo at isulat ang mga pahayag• magsagawa ng masusing inspeksyon3. Follow up:• makipag-ugnayan sa inspektor na nakatutok sa aksidente• suriin ang rekord ng employer hinggil sa aksidente• magmungkahi ng paraan ng pagpapahusay o agarang pag-iingat• payuhan ang nasaktang kasamahan sa trabahoSTEP 1: MISMONG PAGKATAPOSPuntahan agad ang pinangyarihan ng aksidente. Mas mainam kung makakapunta agad angUnion Safety Representatives sa lugar ng aksidente. Kung nangyari ang aksidente sa erya napinagtratrabahuhan mo mismo, madaling malalaman ang aksidente. Pero kung kalat angmiyembro sa malawak na erya, tiyakin na madali nilang makokontak ang Union SafetyRepresentatives o makinegosasyon sa manedsment para mapaabutan ang Union SafetyRepresentatives hinggil sa aksidente nang walang pagkakaantala.Sa ilalim ng Collective agreement, ang Union Safety Reps ay may karapatan na magsagawa nginspeksyon sa aksidente kung ito ay ‘rasonableng maisasagawa.’ Ang karapatang ito ayinilalapat sa lahat ng aksidente, karamdaman at mapanganib na pangyayari na naiuulat o hindi.Maaring lumabas na ang isang pangyayari ay pwedeng gawan ng ulat bilang resulta nginspeksyon, at hindi palaging posible na sabihin sa pauna kung ang pinsalang dulot ngaksidente ay magiging sanhi ng pagliban ng manggagawa ng matagal para masabing kaulatulatang aksidente. Mahalaga para sa Union Safety Reps ang karapatan para suriin ang sanhing aksidente at imbestigahan ang mga potensyal na panganib.Tiyakin ang first aid. Mahalaga na tiyakin na lahat ng nasaktang manggagawa aymakakatanggap ng tamang funang lunas o atensyong medikal at hindi pinapabalik nang agaransa trabaho o pinapagawa ng pahayag. Ang anumang kakulangan sa bilis ng pagbibigay nglunas ay dapat sagutin ng manedsment.Tiyakin na hindi magagalaw ang dinatnang ayos ng mga bagay. Mahalaga na mabantayanat mapigil ang pagkagambala ng lugar ng aksidente bago ang imbestigasyon dahil madali parasa employer na baguhin ang ayos ng mga bagay sa lugar ng aksidente. Tanging ang pagsagipat pagtitiyak laban sa dagdag na panganib ang katanggap-tanggap na dahilan sa paggalaw samga bagay. Ang isang probisyon sa collective agreement ay maaring magsabi na: “Maaringkinakailangan, matapos ang isang aksidente o mapanganib na pangyayari, ng employer nagumawa ng agarang hakbang laban sa dagdag na panganib. Kung ito ay gagawin, dapatmapaabutan ang Union Safety Reps ng ginawang aksyon na kinumpirma sa sulatin. Subalit ang

eksaminasyon ay hindi dapat makasagabal sa kahit anong ebidensya o sa testing ng anumangmakina, plant equipment o bagay na maaring mabago o mawasak bago pa man makapagimbestigaang inspektor mula sa tamang otoridad dahil sa mahalaga ito sa pagtukoy samismong kaganapan.”Kung ang mga bagay ay nagalaw na bago pa makarating ang Union Safety Reps sa lugar napinangyarihan, kinakailangang ilista ang mga pagbabago at pahayag tungkol sa mgapagbabago. Sa ideyal na sitwasyon, dapat na markado na hindi pwedeng basta pasukin odaanan ang lugar ng aksidente. Dapat na may nagtitiyak din na walang nagalaw na bagay.STEP 2: IMBESTIGASYONAng mga litrato, drowing at sukat: Matapos ang aksidente, ang mga detalye mula sa litrato,drowing, at sukat ay may mahalagang papel sa pagkuha ng katunayan. Sa ilalim ng collectiveagreement, ang Union Safety Reps ay may karapatang magsagawa ng pana-panahonginspeksyon at imbestigasyon ng mga tampok na aksidente at mapanganib na pangyayari. Angpagkuha ng mga sukat, paghahanda ng sketches at pagkuha ng litrato ay mahalagang bahaging mga inspeksyon at imbestigasyon na ito.Mga testigo at pahayag: Kinakailangang makausap agad ng Union Safter Reps ang mga testigosa aksidente sa pinakamadaling panahon matapos ang aksidente. Ang karapatang ito aynararapat na suportado ng collective agreement. Ang mga testigo ay hindi obligado namagbigay ng pahayag sa kahit sino maliban sa kinatawan ng unyon. Mainam na maibahagi angpahayag o testimonya sa pinakamadaling panahon habang sariwa pa ito sa isip ng testigo.Huwag pangungunahan ang testigo – maaring hindi niya masuportahan ang kanyang mgapahayag kalaunan. Dapat na pagsalaysayin ang testigo sa kanyang pananalita sa marahan naparaan para maisulat ang pahayag. Kung may mga punto na hindi gaanong mahalaga, maaringsabihin na laktawan na lang ang pagsasalaysay tungkol dito.Kung ipinatawag ang miyembro ng manedsment para magbigay ng pahayag o salaysay hinggilsa aksidente, mahalagang mabigyan ng panahon para ma-rebyu niya ang kanyang naunangsalaysay para maging malinaw ang pagbabahagi.Kung ipinatawag ang miyembro ng manedsment para magbigay ng pahayag o salaysay hinggilsa aksidente, dapat na tanggihan ito o kaya’y hingin ang payo ng Union Safety Reps. Hindiimposible na sa panahon ng mga interbyu o paglalahad ay naroroon ang abogado ngkumpanya o representante mula sa kumpanya ng insurance.Pagsasagawa ng isang detalyadong inspeksyon. Ang checklist sa ibaba ay makakatulongsa pagsasagawa ng isang detalyadong inspeksyon ng aksidente. Makakatulong ang resulta sapagtukoy sa batayang sanhi ng aksidente at makakatulong din sa nasaktang manggagawa sapaghahabol sa bayad-pinsala.STEP 3: FOLLOW-UPMakipag-ugnayan sa inspektor. Dapat alamin agad ng Union Safety Reps kung napaabutanang Minstro o angkop na ahensya ng gobyerno hinggil sa aksidente. Kung kinakailangan,kontakin nila mismo ang inspektor. Kailangan din nilang tiyakin na alam ng inspektor kung mayimbestigasyon nang isinagawa at bigyan ng mahahalagang kopya ng ulat. Samantala, dapat namapaabisuhan lagi ang Union Safety Reps kung may aksyon o payo mula sa inspektor atmabigyan ng pagkakataon na matalakay ang bunga ng aksidente.

Siyasatin ang rekord ng manedsment para sa mga sumusunod:• accident logbook;• ang register o logbook, kung saan ang mga kaulat-ulat na aksidente o mapanganib napangyayari ay nakatala;• ang kopya ng employer ng kahit anong papeles kung saan nakaulat ang nangyaringaksidente;• ang mismong record keeping system ng employer. Mahalaga na tiyakin na lahat ngdetalye ay nakatala.Magmungkahi ng pagpapahusay: Ang imbestigasyon matapos ang aksidente ay maaringmagbunyag sa mga partikular na problema sa pagawaan, tulad ng hindi magandang pailaw,kakulangan sa pagsasanay o depektibong mga gwardiya. Nangangahulugan ito ng paglalatagng partikular na mungkahi sa mandesment hinggil sa mga problemang ito. Nararapat nanakasulat ang iminumungkahing mga paraan ng pagresolba sa problema at dapat nanapaabutan ang mga miyembro ng aksyong ginawa tungkol dito. Maging ang inspektor aydapat na mapaabutan tungkol dito.Data SheetsAng mga material safety data sheet (MSDS) o talaan para sa datos tungkol sa mga kemikal omateryal ay dapat na ibinibigay ng suppliers. Ang mga ito ay mahalagang pinagmumulan ngdatos na madali at makabuluhang makukuha, subalit maari ring maging hindi kumpleto at hinditumpak. Kinakailangang isaisip ang mga sumusunod sa paggawa ng isang MSDS:1. Pangalan ng produkto2. Nakatakdang gamit3. Komposisyon4. Pisikal at kemikal na katangian5. Panganib sa kalusugan6. Panganib kaugnay ng sunog7. Babala sa pagtatabi8. Babala sa paglilipat9. Babala sa pagbitbit o paghawak (kasama ang payo hinggil sa personal protectiveequipment)10. Pang-emergency na aksyon (sunog, pagtagas, unang lunas)11. Dagdag na impormasyon sapanganib na dala sa kalikasanpagbabasurakaugnay na regulasyonreferences12. Pangalan, tirahan at telepono ng supplier13. Reference number, date of issue

Mga tungkulin ng unyon sa occupational safety and health (OSH)1. Ipaalam sa mga miyembro ang: patakaran ng unyonmga isyu na may ispesyal na diintungkulin at gawain ng isang kinatawan2. Panatiling may alam ang unyon sa: pag-usad sa pagpapatupad ng patakaranng unyonbagong kaganapankung ano ang gawain ng isang kinatawan3. Makilahok sa pakikipagnegosasyon para sa isang pangkalusugan at pangkaligtasan nakasunduan na ginagamit ang batas sa minimum para makamit ito. Nakasaad dapat sakasunduan ang mga proseso ng pagtuloy at pagresolba sa mga isyu hinggil sa OSH atindibidwal na hinaing. Maari ring isaad dito ang pagtatatag ng isang OSH committee, ang mgalayunin nito at paraan ng paggana.4. Unawain at tiyakin na ang batas hinggil sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan aynaipapatupad; tiyakin na ang kasunduan ay sinusunod; alamin ang papel ng gobyerno;magtakda ng regular na inspeksyon; tiyakin na angkop at magagamit ang lahat ng kagamitan5. I-rebyu ang kalagayan sa pagawaan at magsagawa ng OSH audits (kung saan tinutukoy angmga panganib at pinagkakasunduan ang estratehiya sa pagkontrol) ng regular. Kasama na rindito ang paglinang ng akmang koleksyon at rebyu ng impormasyon hinggil sa aksidente atkaramdaman; tiyakin na may regular na rebyu ng umiiral na gawi sa trabaho; gumawa ngprograma na lilinang sa sa mga ergonomic na proseso; tiyakin kung may epektibong estratehiyasa pagsasanay sa OSH at ang gamit at pangangalaga sa personal protective equipment.6. Tiyakin na may probisyon hinggil sa angkop na tulong-medikal kabilang ang first aid atpagsasanay sa ilang miyembro sa lahat ng seksyon ng pagawaan bilang first aiders; hikayatinang mga miyembro na makilahok sa regular na medical checks na may kompidensyal ang mgaresulta at tamang pagsusuri sa resulta.7. Magsagawa ng mga kampanya na ini-engganyo ang mga miyembro na tanggalin o kontrolinang mga panganib sa kaligtasan at kalusugan. Dinggin ang mga hinaing ng mga indibidwal ogrupo sa mga miyembro hinggil sa OSH.Ang mga kinatawan ng unyon na responsable sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaan aydapat na:• alamin ang batayan ng pagpapaunlad sa OSH – umiiral na batas, regulasyon,inspectorate at occupational health and safety agreement.• alamin at unawain ang mga karapatang pang-manggagawa, ang papel nito at ang papelng unyon• tuklasin ang proseso para sa pagkontrol sa panganib, ang mga tampok na panganib saindustriya, at ang epekto nito sa mga manggagawa

• magbigay-alam sa mga miyembro ng unyon hinggil sa: patakaran at aktibidad ng unyonhinggil sa OSH; mga partikular na panganib sa pagawaan, at mga pamamaraan paramaalis ang mga ito; pagpapakilos sa mga miyembro para suportahan ang aktibidad ngunyon; kaharapin ang mga hinaing ng indibidwal o grupo• tiyaking alam ng opisina ng unyon ang mga aktibidad at suporta sa mga patakaran ngunyon• may kakahayang makipagnegosasyon at ipatupad ang kasunduan sa OSH• may kakahayang makipagnegosasyon para sa pagpapaunlad ng OSH at gumampan saisang konsultatibong komite• may kakahayang mag-analisa ng istatistika at teknikal na pagtatasa ng mga panganib• may kakahayang magsagawa ng angkop na sarbey ng mga miyembro at makapagbuong epektibong komunikasyon sa kanilaHealth and Safety CommitteeAno ang Health and Safety Committee?Ang pinagsamahang health and safety committee ng mga manggagawa at manedsment ayisang grupo ng mga kinatawan ng mga manggagawa at mga tagapamahala na nagpupulongnang magkasama at hiwalay para talakayin at resolbahin ang mga isyung pangkalusugan atpangkaligtasan sa lugar ng trabaho. Walang unibersal na batas na naglalarawan kung paanogumagana ang komiteng ito pero ang listahan sa ibaba ay nagbibigay ng isang modelo:1) tumutugon sa mga isyu at hinaing ng mga manggagawa2) gumagawa ng aksyon sa mga panganib na natutukoy nito3) pinauunlad ang kaalaman ng mga manggagawa hinggil sa health and safety4) nakikipagtulungan sa mga kinatawan ng manggagawang may isyung pangkalusugan atpangkaligtasanHalimbawa: Gumagana ang health and safety committee na may layunin at tungkulin1) Komitment ng manedsment sa kaligtasan at kalusugan sa pagawaanLayunin at tungkulin:Magbuo ng mga hakbangin para ma-rebyu at makatugon sa minutesMagpasa ng rekomendasyon para sa pagbabago o pagpapaunlad para sa healthand safetyTasahin ang patakaran at pamamaraan ng employer hinggil sa health and safetyPagtugon sa rekomendasyon ng komitePagrebyu sa aksyong pagwawasto ng manedsment2) Partisipasyon ng Komite at mga empleyado/manggagawa

Layunin at tungkulin:Magbuo ng sistema para makakalap ng mga mungkahi at ulat kaugnay sa healthand safetyIsama ang input ng mga empleyado sa agenda ng pulong ng health and safetycommitteeMaglunsad ng regular na pulong (buwanan o kada tatlong buwan)3) Imbestigasyon ng aksidente/insidenteLayunin at tungkulin:Magbuo ng sistema sa pagrerebyu ng ulat ng lahat ng insidente, kabilang anginjury accidents, pagkakasakit at pa gkamatay, nang sa gayo’y makabuo ngangkop na rekomendasyon para maiwasan ang mga naganap na insidente4) Pagsasanay hinggil sa health and safetyLayunin at tungkulin:Talakayin kasama ang lahat ng miyembro ng komite ang layunin at operasyon ngkomite at ang paraan ng paglulunsad ng pulong ng komiteMagkaroon ng accessible na health and safety standards na akma sa partikularna industriyaMaglahad ng patnubay sa paggamit ng health and safety standardMakapagbigay ng pagsasanay na angkop sa uri ng negosyo. Ang mga minimuna kailangan ay ang pagtukoy sa mga panganib sa pagawaan at prinsipyotungkol sa epektibong imbesti gasyon ng aksidentePatnubay sa paglulunsad ng pulongAng mga patnubay na ito ay paglalahad lang ng impormasyon. Nakadepende pa rin angpamamaraan sa pangangailangan ng kumpanyaFormat ng PulongHudyat ng pagsisimula mula sa tagapanguloRoll call ng mga miyembroPambungad na pananalita ng mga bisita (kung meron)Pagbabasa ng tala ng nakaraang pulongPag-apruba sa tala ng nakaraang pulongPagtalakay sa di natapos na adyenda:o Mga ulat na hindi natalakay sa nakaraang pulongo Rekomendasyon hinggil sa pagwawastoo Suhestyong pangkaligtasan

o Iba pang ulatPagtalakas sa bagong adyendao Ulat hinggil na naaksidente o maysakit na manggagawao Imbestigasyon hinggil sa aksidente o sakit na nakuha sa trabaho• Ano ang aksidente?• Ano ang sakit na tinutukoy?• Ano ang mga kondisyon na nagbunga ng aksidente/sakit?• Bakit nanatili ang mga nasabing kondisyon?• Ano ang nagawa o maaring magawa para maiwasan ang pagkakasakit oaksidente? Ulat hinggil sa insidenteng pangkaligtasano Karadagang aksyon na ginawa ng manedsment o komite Imbestigasyon sa insidente:o Ano ang insidente?o Saan naganap ito?o Gaano kadalas naganap? (kada oras, araw-araw. Linggu-linggo?)o Anong erya, department, seksyon o pagawaan ang apektado?o Anong grupo, crew o sinong indibidwal ang apektado?o Ipinaalam o binalaan ba ang mga empleyado hinggil sa insidenteo Ano ang mga kondisyon na nagbunga sa insidente?o Bakit nananatili ang ganoong kondisyon?o Ano ang nagawa o maaring magawa para maiwasan ang insidente?Pagpaplano ng AksyonMatapos makapagdesisyon na umaksyon sa isang isyung pangkaligtasan at pangkalusugan,kinakailangan mong gumawa ng plano. Irebyu ang mga punto sa ibaba para makabuo ng isangplan of action. Maaring ikonsidera ang higit sa isang punto nang sabay-sabay. Suriin ang problemaAno ang mga problemang pangkaligtasan at pangkalusugan na gusto mong talakayin?Tasahin ang mga proseso sa trabaho at tipo ng trabaho na ginagawa ng mga tao:• Gaano karami ang gumagawa ng ganitong partikular na trabaho?• Tuwing kelan sila nagtratrabaho?• Gaano sila kadalas exposed sa panganib?• Nagkakaproblema ba sa kalusugan ang mga manggagawa?Ano ang iba’t ibang paraan para makakuha ng impormasyon hinggil sa mga isyung ito?Pwede bang lapitan ng mga manggagawa o miyembro ng komunidad na apektado angmanedsmnet para kumuha ng impormasyon o makipag-usap hinggil sa health and safety?Tasahin kung bakit oo o hindi.Anu-anong mga hakbang, kung sakali, ang ginawa na ng mga tao para resolbahin angproblema?• Nakipag-usap sa employer tungkol sa isyu?• Nakipag-usap sa isang grupo sa komunidad?

• Nakapagsampa ng reklamo sa pamamagitan ng unyon?• Kumontak sa ibang resource agencies?• Nakapagsarbey sa mga residenteng apektado?• Iba pa bukod sa nabanggit? Tukuyin ang Engganyuhin ang Target na Grupo/IndibidwalSino ang apektado ng mga isyu na ito? (manggagawa, komunidad, lokal na grupo, ibangbansa, kalikasan, ekonomiya, atbp.)Sino ang mga posibleng maalyado sa mga isyung ito?May lokal bang NGO na nagtratrabaho na kasama ang target na grupo/indibidwal na pwedemong engganyuhin?May mga unyon ba o independenteng grupo na pwedeng makatuwang?Anong klase ng aktibidad na pangkomunidad ang makakatulong sa pagtukoy ng target nagrupo o indibidwal? (community health fair, demonstrasyon, press conference, pamamahaging leaflets, house meetings, iba pang aksyon)Action PlanTagubilin: Tungkulin mong makabuo ng isang realistikong plano. Kasama sa plano na dapatbuuin ang:o Mga pamamaraan para ma-engganyo ang kapwa-manggagawao Estratehiya sa paglapit sa employero Mga rekurso na mayroon (para sa impormasyon, ligal na tulong)o Contingency plan kung sakaling di inaasahan ang pihit ng sitwasyonAng layunin ng planong ito ay: (isulat ang hakbangin na gusto mong maabot paramasolusyonan ang problemang pangkalusugan na iyong napili)____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mga hakbang para maabot ang layunin:Step 1:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Step 2:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Step 3:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Ilista sa ibaba ang mga suliranin na maaring harapin sa pag-abot mo sa layunin, kasama naang mga estratehiyang maaring gamitin para sa mga ito.

Bilang Tanong Oo Hindi1. Ang lahat ba ng ulat, ebalwasyon at rekomendasyon ng safetycommittee ay nasa minutes ng safety committee?2. May limit bang itinakda sa pagtugon ng manedsment sa mgamungkahi ng safety committee3. Nakapagbuo ba ang komite ng sistema ng pangangalap ngmungkahi, ulat o iba pang impormasyon na may kaugnayan sakaligtasan sa pagawan?4. Natatalakay ba ang mga nabanggit na impormasyon sa pulong?5. Tinutungalan ba ng komite ang employer na tasahin angaccident and illness prevention program ng kumpanya?6. Gumagawa ba ang komite ng rekomendasyon para mapahusayang safety and health program?7. Nakapagbuo ba ang komite ng mga pamamaraan na magagamitng safety committee inspection team para tukuyin ang mgapanganib sa kaligtasan at kalusugan?8. Nagsasagawa ba ang komite ng inspeksyon sa pagawaan kadatatlong buwan sa minimum?9. Nagpapasa ba ang komite ng rekomendasyon para maalis ngemployer ang mga panganib sa pagawaan?10. Kasama ba sa safety committee inspection team ang mgakinatawan ng employer at mga empleyado?11. Itinatala ba ng komite ang erya at katangian ng mga panganib?12. Isinasagawa ba ng komite ang quaterly na inspeksyon ng mgakalapit na erya o lugar?13. Nakapagbuo ba ang komite ng sistema ng pagrerebyu sa lahatng ulat mula sa inspeksyon?14. Batay sa resulta ng rebyu, gumagawa ba ang komite ngrekomendasyon para mapahusay ng manedsment ang safetyand health program?Tungkulin ng Joint CommitteeNagbabago ang kapangyahiran at tungkulin ng isang legislated joint committee batay sa lugar.Gayunpaman, ang mga probisyon na nakasaad sa batas ay maaring magamit bilang panimulasa collective bargaining.Kailangang magpaabot ng mga ulat ang komite sa mga manggagawa na may hinaingKailangang magsagawa ng di inanunsyong inspeksyon sa lugar ng trabaho

Mga mayor na tungkulin ng isang joint committeeMakikita sa ibaba ang ilan sa mga mungkahing tungkulin ng isang joint committee. Sapagtatakda ng mga responsibilidad ng komite, maaring gumawa ng listahan mula dito at ipaskilsa lugar na makikita ng lahat ng miyembro nang sa gayo’y malaman nila ang mga tungkulin ngkomite. May kopya din dapat ang bawat miyembro. Ang ilan sa mga tungkulin ay aprubado ngmanedsment samantalang ang iba ay kailangan pang igiit.Dapat itaguyod ng mga miyembro ng health and safety committee ang kalusugan at kaligtasansa pagawaan sa lahat ng pagkakataonImportanteng tungkulin ng health and safety committee ang regular na pagmonitor sapagawaan sa mga posibleng panganib. Makakatulong ito para maiwasan ang mga sakit oaksidenteng kaugnay ng trabaho. Bago magpulong, kinakailangang magsagawa ng komite nginspeksyon sa mga eryang naiulat na may problema upang matalakay ito sa pulong.Dapat magsagawa ng regular na inspeksyon sa buong pagawaan. Sa ibang pagawaan,isinasagawa ang inspeksyon kada buwan.Kailangang lumahok ang mga miyembro ng komite sa monitoring ng pagawaan, inspeksyon saplanta (kabilang ang inspeksyon ng gobyerno), imbestigasyon ng mga aksidente at sa kunganumang medical surveillance program.Kailangang itaguyod at maglunsad ang komite ng mga pagsasanay sa health and safety parasa mga manggagawa.

Makapagbuo ng kasunduan hinggil sa patakaran para sa health and safety at ang paraan ngpagpapatupad nito.Responsibilidad ng komite na ipaabot sa manedsment ang mga mapanganib na sitwasyon sapagawaan.Responsibilidad ng komite na tumugon at iresolba ang mga hinaing ng mga manggagawahinggil sa health and safety sa pinakamadaling panahon. Kasama rito ang pakikipagtulungan samanedsment sa pagresolba ng problema.Tandaan: Ihanay ang mga problema batay sa prayoridad at isapubliko ang mgaresolusyon. Ito ang dalwang mahalagang estratehiya para sa paggana ng epektibonghealth and safety committee.Kailangang mapaabutan agad ang komite hinggil sa aksidente, daplis na aksidente, okaramdamang may kaugnayan sa trabaho para makapagsagawa agad ito ng imbestigasyonMay pamamaraan dapat ng pagmonitor sa pagiging epektibo ng komite sa pagharap sa mgaisyung inihain ng unyonMay access dapat ang komite sa mahahalagang impormasyon ng employer hinggil sa healthand safety (resulta ng monitoring, mapanganib na materyal, etc.)

Balangkas sa PakikipagnegosasyonAng collective agreement ay ang dokumento na tumatalakay hinggil sa relasyon ngmanedsment at manggagawa. Kinakailangan ito sa parehong pribado at pampublikong sector.Malaki rin ang kaugnayan nito sa pag-uunyon.Nakabatay sa maraming salik ang tagumpay ng pakikipagnegosasyon para sa collectiveagreement. Kabilang dito ang antas ng pagka-organisado ng mga manggagawa sa empresa,karanasan ng mga negosyador, kalagayan ng ekonomiya at ng kumpanya. Kailangang maingatna tingnan ng unyon ang mga ganitong konsiderasyon sa pagdedesisyon.Tulad ng pagharap sa mga hinaing ng miyembro, mahalaga na maging sistematiko at masinsinang negosyador sa paghahanda at sa kolektibong pakikipagtawaran.Ang 4 na PTumutukoy ang 4 na P sa pangangailangan sa pagtitiyak na ang claim ay saklaw ng Patakaranng unyon (pagbabatay sa model industry claim); kinakailangan din ang masusing Preparasyon(kasama ang pag-engganyo sa mga miyembro at sa komite ng manggagawa); ang Paghula satugon ng manedsment sa claim, at ang maingat na konsiderasyon sa Presentasyon nito ngunyon.Ang 2 na KSa kolektibong pakikipagtawaran may ilang mga tao na nakagrupo sa unyon. Mahalaga namayroong tungkulin ang bawat isa at nauunawaan ang tungkulin na nakaatas sa kanya.Kinakailangan dito ang Koordinasyon ng mga aktibidad ng grupo nang sa gayo’y magingmalakas at malinaw ang kaso. Kinakailangan din ang Kontrol sa delegasyon at pagproseso ngnegosasyon. Mahalaga na sumandig ang mga negosyador sa mga isyu lamang sa claim athuwag nang magpaliguy-ligoy.Ang 2 na MKinakailangan na makapagbuo ang unyon ng malakas na kaso para sa claim at magbigyangbatayankung ano ang mga argument batay sa Merit ng claim.Kinakailangan din na matukoy at maunwaan ang Muscle o lakas na meron sa paggigiit ngclaim. Ang lakas ay nakabatay sa pagkakaroon ng maraming miyembro, pagiging organisado,at pagiging kumbinsido ng kasapian na makatarungan ang claim. Mababalewala ang paggamitng lakas kung ang kumpanya ay gipit sa pinansya at kung walang kaisahan ang mgamanggagawa.Ang 2 na BDapat na malaman din ng mga negosyador na may papel ang psychology sa negosasyon. Angpaggamit dito ay karaniwang nasa minimum, pero mainam din na maging matalas sa mgataktikang maaring gamitin para maiwasan ang mga negatibong epekto.May sinusunod na ibang estratehiya ang ibang negosyador. May ilan na nagmamatigas sapagtanggi sa mga argumento laban sa claim. Samantala, ang iba ay pahamig ang taktika,pumapayag nang kaunti matapos mailatag ang malakas na kaso. Ang teknik na ito ay “Butterand Batter.” Ang nagmamatigas na negosyador ang bumabanat sa unyon, habang ang isa aynagbibigay ng konsesyon.

Nakabatay ang psychology o sikolihiya sa pakikipagnegosasyon sa pamilyar na teritoryo, o angpagdadala sa mga tao sa pamilyar na kapaligiran para sa negosasyon. Dapat na suriin ng mganegosyador ng unyon ang negosasyon para maiwasan ang tangka ng manedsment na gamitinang sikolohiya kontra sa claim ng mga miyembro.L at ASa pakikipagnegosasyon, ang mga negosyador ay kailangang makinig (Listen) at handangipagpaliban (Adjourn) ang negosasyon kung kinakailangan. Mahirap na makipagtawaran atsundin nang buong-buo ang mga sinabi ng oposisyon. Dapat na makinig ang isa sa union teamna nakikinig sa mga senyales ng paggalaw ng negosasyon. Kinakailangang maklaro atmakonsidera ito. Sa oras mismo ng negosasyon, may sapat na panahon para marebyu ngnegotiating team ang anumang senyales at kung paano tutugon dito. Kung ang pagbasa sasitwasyon ay kritikal sa kaso na iginigiit ng unyon, kinakailangang ipagpaliban ang negosasyon.Limang yugto sa pakikipagnegosasyonSa pagtalakay sa pagharap sa mga hinaing ng mga miyembro, nalaman natin na makakatulongang paglikha ng bilang ng yugto kung saan dadaloy ang pagharap at pagresolba sa hinaing. Sapaggamit ng parehong estratehiya sa collective bargaining, kailangang tukuyin ng negosyadorang limang yugto:1. Pag-engganyo sa mga miyembro2. Paghahanda sa kaso3. Pakikipagnegosasyon4. Pag-uulat pabalik5. PagpapatupadStage 1: Pag-engganyo sa mga miyembroMatapos na mapagdesisyunan na makipagnegosasyon para sa collective agreement o sapagpapaunlad ng existing collective agreement, kinakailangang magpatawag ng pulong ngworkers’ committee. Ngunit bago ang pulong, kailangang ma-sarbey ang mga miyembro,makakuha ng mga ideya hinggil sa interes nila, mabigyang-payo sila hinggil sa mga kampanyaat polisiya ng unyon at mahusgahan ang kanilang suporta sa isang kampanya.Kapag malapit nang mag-expire ang CBA, kailangang i-rebyu ng workers’ committee angkaranasan sa umiiral na collective agreement para matukoy ang mga isyu at maiugnay angmga ito sa kampanya sa industriya.Kapag naitala na ang mga isyu maari nang simulan ang mga pananaliksik (research). Ang ilansa pananaliksik ay maaring internal – mula sa kinalap na impormasyon mula sa kumpanya, samidya at sa pamamagitan ng obserbasyon habang nagtratrabaho.Samantala, kabilang sa mga eksternal na pagkukunan ng pananaliksik ang stock exchange,company registry (SEC),ulat hinggil sa industriya at pangkalahatang datos hinggil saekonomiya. Ang mga impormasyong ito ay magbibigay ng ideya sa mga negosyador saposibleng lakas ng pagtanggi sa claim, at ang mga posibleng palusot sa pagtanggi sa claim.

Kinakailangang i-draft ng workers’ committee ang claim. Pagsisimulan ng claim ang modelindustry collective agreement ng unyon na inangkop batay sa mga konsiderasyon ng mgamiyembro at sa karanasan sa nakaraang collective agreement. Kailangang umaayon ito sapatakaran ng unyon.Sa pagdedesisyon kung ano ang dapat isama sa claim, importante na hilingin ang higit pa sainaasahang makakamit. Mayroon dapat tinatanaw na maksimum ang claim sa pakikipagtawaransubalit maging malinaw dapat sa miyembro na hindi todo-todo ang paggigiit sa claim.Matapos ang paghahanda sa claim dapat na pulungin ang mga miyembro para i-endorso angclaim, time plan, at ang saklaw ng posibleng aksyon ng kasapian.Makakatulong sa negotiating committee na mabigyan ng otoridad na ipakita ang suporta ngkasapian kung pagdudahan ito ng manedsment. Dapat na dumalo ang pinakamaramingmiyembro sa pulong. Kinakailangan din na na-anunsyo nang maayos ang pulong, at itinakda itosa panahon na makakadalo ang lahat ng miyembro. Kapag maganda ang attendance,malalaman ng manedsment na dapat niyang seryosohin ang unyon.Maari ring magbigay ng time plan ang workers’ committee para maiwasang masayang angpanahon. Nakasaad din dapat sa time plan kung paano mapapaabutan ng impormasyon angmga miyembro at ang paraan kung paano ito gagawin. Dapat na iwasan ng plano na magtakdang aksyon sa mga panahong hindi paborable sa kampanya ng unyon.Stage 2: Paghahanda sa kasoMatapos maendorso ang claim, sisimulan ng negotiating committee na buuin ang kaso. I-rerebyu nila ang datos mula sa pananaliksik at ang industry claim para malaman kung paanomakakatulong ang nakalap na impormasyon sa paggigiit ng union claim.Ang unang hakbang ay ang pagtukoy sa mga layunin para makapgdesisyon kung ano angdapat na makamit: minimum na panukala. Pagpasyahan kung ano ang mga konsesyon namaaring ibigay at kung ano ang dapat na hilingin ng unyon bilang kapalit.Kailangang matama at tumpak ang pagkalkula sa costs at benefits ng claim sa employer.Sa pagbibigay-kahulugan sa aspeto ng collective agreement, asahan na laging may dipagkakaunawan. Dahil dito, dapat na isama sa collective agreement ang pinagkasunduangmekanismo sa pagresolba sa di pagkakaunawaan.Matapos gawin ito, maaring may konting pagbabago sa claim. Kung ang mga pagbabago aymayor, dapat na i-endorso muli ng mga miyembro ang claim.Dapat na matantsa ng pagbibigay-katwiran sa claim ang tugon ng manedsment. Kapaagnagawa ito ang pagbibigay-katwiran ay dapat na paunlarin pa. Ang mga pagtanggi ng employermay maaring pangunahan sa inisyal na paliwanag sa claim para mabawasan ang lakas ngoposisyon.Ang negotiating team ay dapat na magpasya sa hanay ng mga aksyon na makakagambala saproduksyon o operasyon ng pagawaan para i-pressure ang manedsment na pumayag sa claim.

Hindi sapat na matukoy ang merit ng kaso. Kailangang ipakita sa manedsment na may sapat nasuporta dito.Kung mabagal ang pag-usad ng negosasyon, maaring ipatawag ng negotiating committee angwork stoppage sa maikling panahon ng isang maliit na grupo ng estratehikong manggagawa.Ang todong welga ay taktika lamang na kailangan kapag nasubukan na ang lahat ng iba pangtaktika. Hindi dapat ito ang maging unang taktika.Hindi mainam na iatas lamang sa isang grupo ng estratehikong manggagawa ang lahat ngaskyon. Bawat isa ay dapat na ma-engganyo sa maliliit na aksyon na sa maraming seksyon saisang takdang panahon. Sa taktikang ito, mararamdaman ng lahat na nakakapag-ambag sila sapagkamit ng positibong resulta.Tukuyin kung aling isyu ang may pinaka-importanteng prayoridad at lumikha ng estratehiya sapakikipagnegosasyon.Gumawa ng outline ng mga pamamaraan na gagawin. I-pinal kung sino ang nasanegotiating team (ang lahat ng seksyon at interes ay dapat may kinatawan). Pagpasyahan kungsino ang magsasalita sa partikular na mga paksa. Pagpasyahan din kung sino ang sasagot samga argumento ng manedsment, kung sino ang magtatala, at kung sino ang makikinig atmagtitiyak na nakikinig ang iba.Tukuyin ang mga yugto na pagdadaanan ng negosasyon. Tiyak na magkakaroon ng pulongkung saan iprepresenta at mabilis na ipapaliwanag ang kopya ng claim sa kinatawan ngmanedsment.Makipag-set sa management ng pulong.Stage 3: PakikipagnegosasyonMaaring bigyan ang employer ng isang lingo para pag-aralan ang claim at makapagbuo ng mgatanong at inisyal na tugon. Kailangang pagkasunduan ang oras at lugar ng ikalawang pulong.Sa ikalawang pulong ang mga tanong ay sasagutin at ang aktitud ng manedsment ay maaringtantsahin. Maari nang simulan o ipagpaliban sa maikling panahon ang negosasyon.Matapos na masimulan ang negosasyon, dapat na makonsidera ang mga elemento ng claim atmaklaro ang mga erya ng di pagkakasundo. Kailangan ding tasahin ang attitude ngmanedsment sa mga tinalakay na punto bago harapin ang isyu ng di pagkakasundo.Kapag ang employer ay tumanggi, dapat engganyuhin ang mga miyembro sa pamamagitan ngpag-uulat o aksyon. Kapag nakamit ang pinal na kasunduan, kailangang ipresente ito sa mgamiyembro para sa kanilang pagsang-ayon.Sa unang pulong: Ipresenta ang nakasulat na claim at mabilis na ipaliwanag ito. Sagutin angmga inisyal na tanong at bigyan ang employer ng isang linggo para pag-aralan ang claim. I-setang oras at lugar ng pulong. I-presente ang claim nang malinaw at mahinahon.Sa ikalawang pulong: Sagutin ang mga tanong ng employer, hingin ang kanilang attitude, atmagtakda ng timetable para sa negosasyon.

PagsisimulaSa unang negotiation meeting: Ihapag ang buong claim, na may diin sa pagkakaugnay ng bawat punto Bigyang-diin ang pagiging rasonable ng claim at ang benepisyong makukuha ngemployer Pilitin ang employer na mga prayoridad na isyu Pansinin ang mga erya ng pagkakasundo Linawin ang mga erya ng di pagkakasundo. Tiyakin na ang bawat di pagkakasundo aymalinaw na naunawaan Kapag naantala ang negosasyon, ipahayag sa employer na ninanais ng mga miyembroang pag-usad ng negosasyon kung ayaw nitong magkaroon ng pagkilos ang mgamiyembro Bigyang-diin ang time table na napag-usapanKung may pangangailangan para ipagpaliban ang usapan, gawin ito. Mas mabuti ito kaysa samagpilit para magbigay ng puwang ang re-grouping o pag-iisip muli para mapalakas ang kasong unyon. Sa panahon ng pagpapaliban, i-rebyu ang mga pangyayaring nakatala kasama angworkers’ committee.Tiyakin na lahat ay resolbado sa naganap at kung bakit ito naganap. Italaang mga isyu para sa mas malalim na pagtalakay.Tukuyin kung ilan sa mga prayoridad ang nakamit. Pahusayin ang mga argumento nasusuporta sa mga isyung di mapagkasunduanTalakayin kung may sapat na pag-usad para sa pagpupulong ng miyembro o kungkailangang maglunsad ng pagkilosMagkasundo sa mga susunod na hakbangIpagpatuloy ang naantalang negosasyon (maaring ito ay makaraan ng ilang minuto o araw)at ipaliwanag sa employer kung ano ang nangyari at bakit. Magpokus sa pag-usad sa mgaisyung di napagkasunduan. Kapag di pa rin magbunga ng positibong resulta ang dagdag pangnegosasyon o aksyon sa panig ng kumpanya, i-pinal ang mga detalye at ipaabot sa employerna kailangang sumang-ayon ang mga miyembro sa naabot ng negosasyon. Kapag tanggap ngworkers’ committee ang resulta, maaring irekomenda sa mga miyembro ang pagpahayag sadraft agreement.Kapag pumayag ang mga miyembro, i-pinal at pirmahan ang hindi bababa sa apat na kopya ngagreement. Tiyakin na napirmahan ang agreement ng tamang tao na kumakatawan sa unyon,at ng tagapangulo ng workers’ committee.‣ Walong yugto ng pakikipagtawaranMaghanda mangalap ng mga mahahalagang datos tukuyin ang mga isyu (suriin ang mga patakaran) tukuyin ang mga prayoridad alamin ang sistema at ang papel ng mga kalahok pag-aralan ang mga argumento

magbuo ng mga counter argumentalamin kung alin ang pwede at hindi pwedeng igiit sa negosasyonTalakayin Magpalitan ng impormasyon Subukan ang mga palagay Siyasatin ang mga interes at pag-aalinlangan Iwasan ang tunggalian ng mga ugali o di pagkakasundo Lubusang talakayin ang mga isyu ng naka sunod-sunod ayon sa prayoridad Gumawa ng mga ugnay sa pagitan ng kahilingan, na may indikasyon ng interes atpananaw ng employer Tukuyin ang mga hindi naman pinagtutunggalian Iwasan ang deadlock (tapusin, lumipat sa susunod na isyu, magtakda ng dedlayn,magbanta ng aksyon) Wag magpatalo Angkinin ang mga dokumento Lumikha ng positibong kondisyonSumensyas Makinig at pansinin ang mga senyales Kilalanin, kumpirmahin, palaguin at gantimpalaanMagmungkahi Magtanong: “Ano kaya…” Sabihin: “Maaari nating pag-aralan…” “Siguro…” Ang mga panukala ay nagtutulak sa negosasyon at napag sasama-sama ang mgapartido Wag mang-abala – magtanong, maglinaw, maglagom (inidkasyon ng pag-unawa), tapossumagot. Ang pinakamagandang pagsagot sa isang panukala ay maituturing na kontrapanukalaI-pakete Muling ilahad ang kahlingan upang tumbasan ang interes ng mga partidoMakipagtawaran Sabihin: KUNG (aayon ka sa ika-anim na sugnay)… SAKA (tayo magkakasundo saiyong panukala tungkol sa maternity leave). Ang pakikipag-tawaran ay pagbigay sakabilang partido ng gusto nila kapalit ng gusto mong makuha. Itakda ang mga kondisyonna inyong aayunan bago mag-alok. Pag-aralan ang mga bentahe at disbentahe ng pagayonsa kagustuhan ng employer.Pagsasara Sabihin: Kung gagawin mo ito may panukala kaming maaaring i-rekomenda sa mgamyembro para sang-ayunan. Ang pagrekomenda ng panukala ay maaaring maginghuling concession na i-tatawad para sa kasunduan. Kung palagay mo na makakapagtulakka pa ng mas maraming concession, o hindi masisiyahan ang mga miyembro,huwag pumayag na i-rekomenda ito.Pagsang-ayon Sumang-ayon sa napagsang-ayunan

Lagumin ito at isulat o italaPumayag sa mga pagsasaayos para sa pulong kasama ang mga myembro (subukangmakakuha ng bayad na pulong upang lahat ay makadalo)Sumang-ayon sa proseso upang i-implementa ang napagsang-ayunan kapag inendorsoAng magagandang kasunduan ay iyong kung saan ang parehong partido ay masayaStage 4: Pag-uulatTalakayin sa worker’s committee and resulta ng mga negosasyon at basehan ng pagsangayonpara sa pag-uulat kasama ang: Form para sa rekomendasyon (kung mapagkakasunduan) Kelan magpapatawag ng pulong Proseso ng kondukta ng pulong Oras na libre para sa iba’t ibang aktibidad habang nasa pulong Sino ang gagawa ng mga ulat Sino ang magpapanukala ng rekomendasyon Ano ang gagawin pag ang rekomendasyon ay natalo Susunod na hakbang upang maka-pirma, maka-rehistro, at masimulan angpagpapatupad ng agreementMagkasundo sa isang petsa at lugar para lagdaan ang agreement. Pumili ng lugar kung saanang worker’s committee ay makakadalo. Planuhin ang media publicity (gumawa ng mediastatement at siguraduhing ito’s matatanggap), kung kakayanin isang press conference kung itoay isang signipikanteng kasunduan. Tiyakin na lahat ng dapat pumirma ay makakadalo.Stage 5: PagpapatupadTiyakin na ang agreement ay ipapatupad. Tukuyin ang ibang erya na dapat pang paunlarin.Magbuo ng mga pamamaraan para harapin ang mga problemang maaring ibunga ngagreement. Tiyakin dapat ng workers’ committee na kalahok ang mga miyembro sa proseso ngpagpapatupad. Tiyakin ang pagkamit sa komitment.I-rebyu ang performance ng oposisyon at ng team para matuto sa mga pagkakamali atkalakasan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!