12.07.2015 Views

ANG MABUTING PAKIKITUNGO SA MGA MATATANDA

ANG MABUTING PAKIKITUNGO SA MGA MATATANDA

ANG MABUTING PAKIKITUNGO SA MGA MATATANDA

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG MABUTING PAKIKITUNGO SA MGA MATATANDASinabi ng Allah: [Siya, ang Siyang lumikha sa inyo [Adan] mula sa alabok,makaraan mula sa Nutfah [semilya ng mag-asawa], makaraan mula sa namumuongdugo, makaraan inilalabas kayo bilang isang sanggol, makaraan [ginagawa kayongmagsilaki] upang umabot sa gulang na may ganap na kalakasan, at pagkaraanmaging matanda [ang kalalakihan at kababaihan] –bagamat ang ilan sa gitna ninyoay namamatay bago [dumating ang katandaan], at diyan inyong marating angitinakdang panahon upang sa gayon ay inyong maunawaan ] Ghafir 67Sinabi ng Propeta Muhammad(saws): [ Walang sinumang muslim na nagkakaroonng uban-puting buhok sa paglilingkod sa Islam maliban na lamang na isusulat parasa kanya ang isang kabutihan at itataas ang kanyang antas o di kaya ay buburahinang isang pagkakasala] Abu Dawud 4202Katotohanang ang tao ay nagpapalipat-lipat sa mga biyaya ng Allah at nagbabagoang antas at katayuan ng kanyang pagkatao sa ibabaw ng mundo habanglumalawig ang kanyang buhay. Ang tao ay nagmumula sa pagiging sanggol atnagiging binata hanggang sa tumanda. Ang paglawig ng buhay ay nagbibigay ngpagkakataon sa tao upang lalo pang mapalapit sa Allah, sa pamamagitan ngpaggawa ng kabutihan at pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos. Sinabi ng sugong Allah(saws); [ Wala ng sinuman ang nakakahigit pa sa paningin ng Allah kaysasa isang mananampalataya na tumanda sa loob ng pananampalatayang Islam sanhing kanyang pagbibigay-puri, pagdakila at pagsasaksi sa kaisahan ng Allah] Ahmad1417.Ang pagpupugay ay mapasakanilang silang mga umabot sa katandaan habang nasaloob ng pananampalatayang Islam. Katotohanang mapapasakanila ang matayog naantas sa paningin ng Allah at napakalaking gantimpala. Iniulat ni AbuHurayrah(ra) na sinabi ng sugo ng Allah(saws): [ Nais nyo bang malaman kungsino ang pinakambuti sa inyo?] sila ay sumagot: Oo, O sugo ng Allah!, kanyangsinabi: [ Ang pinakamabuti sa inyo ay siyang may pinakamahaba ang edad atmayroong pinakamabuting mga gawain] Ahmad 9473.Katotohanang itinanim na ng Islam sa ating mga puso ang sibilisadong pakikitungoat pagkalinga sa mga may edad. Itinuro sa atin ng Islam ang mabuting pakikitungosa kanila gayundin ang pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kanilang mga nagawa.

Katotohanang ang nakaraan ay dapat nating ipagmalaki habang ang kasalukuyanna ating tinatamasa ay katotohanang bunga ng mga gawain ng silang mga nauna saatin. Kaya marapat lamang na gantihan natin ng kabutihan ang kabutihang bungang kanilang pagsisikap noong sila ay nasa kabataan pa. Katotohanang ipinag-utosng ating relihiyon ang pagbibigay-galang at habag sa mga matatanda, kaya't angmga namumuno-imam sa salah ay inuutusan ng batas-islamiko na pagaanin angpagsasagawa ng salah bilang habag para sa kanilang mga may edad na. Iniulat niAbu Hurayrah (ra) na sinabi ng Propeta(saws): [ Kapag namuno ang isa man sainyo sa pagsasagawa ng salah ay pagaanin-paikliin niya ito para sa mga tao,sapagkat mayroon sa kanila ang silang mahihina, may karamdaman at may edad]Al-bukhari 703Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga larawan ng kabutihan para sa mga mayedad. Katotothanang ang mga gawaing ito ay mas binibigyang-pansin pagdating sausapin ng karapatan ng mga magulang.Sinabi ng Allah: [At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kayong ibangsasambahin kundi Siya, at diyan kayo ay maging mabait sa inyong mga magulang.Kahit na ang isa man lang O’ silang dalawa ang sumapit sa katandaan, huwagmagsasalita sa kanila nang walang paggalang na salita, ni huwag silang sisigawan,ngunit magsalita sa kanila sa mga katawagan na may paggalang. At, mula sakaawaan, ibaba ninyo sa kanila ang inyong pakpak nang pagkamasunurin atkababaang loob, at sabihin: “Aking Panginoon! Ipagkaloob sa kanila ang InyongAwa katulad ng kanilang pagpapalaki sa akin noong ako ay bata pa] Al-isra 23-24Ang tunay na muslim ay siyang mabuti ang pakikitungo sa kanyang mga magulanglalung-lalo na sa kanilang katandaan, sapagkat ito ang panahon ng kanilangkahinaan at kawalang-kakayahan. Sa panahong ito ng kanilang kahinaan aynaaalala ng isang muslim kung paano siya inalagaan ng kanyang mga magulangnoong siya ay musmos pa lamang. Ipinagbabawal para sa isang muslim namagsalita sa kanila ng mga katagang di kaaya-aya, bagkus ay karapatan nila angmagpakumbaba ang anak at pakitaan sila ng kabutihan sa salita at gawain.Kailangan ring manalangin ang anak para sa ikabubuti ng mga magulang dito samundo at sa kabilang-buhay. Katotohanang kapag ito ay kanyang nagampanan aymapapasakanya ang napakalaking gantimpala mula sa Allah. Ang pagpupugay aymapasakanya na siyang biniyayaan ng Allah ng pagkakataong tumanda ang mgamagulang o isa man sa kanila habang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga atkanyang nagampanan ang mga obligasyon para sa kanila, ng nawa'y siya rin aymapakitunguhan ng mabuti ng sariling mga anak dito sa mundo. Sinabi ng sugo ngAllah(saws): [ Pakitunguhan ninyo ng mabuti ang inyong mga magulang, at kayo

ay pakikitunguhan ng mabuti ng inyong mga anak] At-tabarani fil-awsat 1/299.Nawa ay pagpapalain siya ng Allah sa kabilang-buhay at mabiyayaan ng matayogna antas sa paraiso.Katotohanang nakamtan ni Uwais bi Amir Al-qarni ang matayog na antas ngkarangalan sanhi ng kanyang mabuting pakikitungo at pangangalaga sa ina noongito ay inabutan ng katandaan. Sinabi ni Umar (ra) sa kanya ng ito ay kanyangmasalubong, na narinig niya ang sugo ng Allah(saws) na siya ay pinuri sanhi ngkanyang pagiging mabuting anak, at sinabi ng sugo na kung maaari ay hilingin niUmar mula kay Uwais na humiling ng kapatawaran mula sa Allah para sakanya(Umar). Kaya't hiniling nga ni Umar mula kay Uwais ihingi siya ngkapatawaran sa Allah, na malugod namang tinugon ni Uwais.Muslim 2542.Mga kapatid, kailangang maitanim natin sa puso at isipan ng ating mga anak angpagpapahalaga sa mga matatanda at ng kanilang mga gawain, at ang pagtitimpi saharap ng kanilang mga di kaaya-ayang mga gawain kapag nagagalit, at angpagpapakain sa kanila kapag nagugutom, at paglilingkod sa kanila para sa kanilangkapakanan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!