KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate

KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate

colgate.com.au
from colgate.com.au More from this publisher
26.02.2015 Views

ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NATIN SA KAPALIGIRAN Ang mas malinis, mas malusog na kalikasan ay importante sa Colgate hindi lamang dahil sa ito ang tamang gawin ngunit dahil na rin sa ito ay makabubuti sa negosyo. Ang ating alalahanin sa paggampan ng ating bahagi sa pagprotekta ng planeta ay nakatuon sa pagkilos sa paraan na ligtas para sa kalikasan, at nangangalaga sa mundo para sa mga susunod na henerasyon. Naninindigan tayo sa pananatili o pagtatagal (sustainability). Sa Colgate, ang sustainability ay mahalagang sangkap ng pang-matagalang panahong pagnenegosyo, na kritikal sa tagumpay ng Kumpanya. Ito ay nakaugat sa ating mga pinahahalagahan sa Colgate na may kaugnayan sa Pangangalaga, Tulong-tulong na Pagtatrabaho sa Pandaigdigang Antas (Global Teamwork) at Patuloy na Pagpapaunlad. Ang ating pinagtutuunan ng pansin ay ang Tao, Pagganap sa Trabaho (Performance) at ang Planeta. Dagdag pa dito, naninindigan tayo na makamit ang ating pandaigdigang layunin sa sustainability, na tiyakin na ang negosyo ng Colgate ay patuloy na lalago at patuloy na magiging responsable, at makikinabang ang ating mga pinaglilingkuran, kasama ang mga empleyado, ang ating mga shareholder at ang iba pang mga stakeholder sa buong mundo, habang isinusulong natin ang kagalingan ng mga susunod na henerasyon. Ang ating mga patakaran at programa sa sustainability ay nilagom para makita mo sa seksyon na “Pagsasabuhay ng Ating mga Pinahahalagahan” (Living Our Values) sa Colgate.com na website. Pinangangalagaan at pinoprotektahan natin ang kalikasan. Ang Kumpanya ay naninindigan sa pagprotekta ng kalikasan. Kung gayon, kailangang ang bawa’t isa sa atin ay mahigpit na tumutupad sa nakasulat sa ispiritu ng angkop na mga batas pangkalikasan, at sa mga regulasyon at patakarang pampubliko na kanilang kinakatawan. Walang indibidwal o tagapamahala ng Kumpanya ang may karapatan na kumilos nang hindi sumusunod sa patakarang ito, o bigyan ng awtorisasyon, utusan, payagan o kunsintihin ang ganitong mga asal ng sinumang tao. Isusulong natin ang bukas na komunikasyon sa publiko at hahanap ng aktibo at produktibong ugnayan o partnership sa mga komunidad kung saan tayo ay kumikilos. Ipagpapatuloy natin ang pamamahagi ng impormasyon sa mga gumagamit ng ating produkto tungkol sa ating patakaran at programa para sa kalikasan, at magtatrabaho na kasama ang mga lider ng komunidad at ang iba pa na nakikibahagi sa ating paninindigan na protektahan ang ating kalikasan, para sa mga susunod na henerasyon. Sa ating patuloy na nagbabagong daigdig, mataas na prayoridad ang inilalagay ng Colgate sa responsable at magalang na pamamaraan ng pagkilos. Ang mga pagsisikap na ito ay nagbunga ng pagtaas ng pambihirang kakayahan sa trabaho at bentaheng pinansyal para sa Kumpanya. Alam natin na marami pang dapat na abutin/ pagtagumpayan. Ang nagpapatuloy na istratehiya sa pagpapababa ng ating tatak sa kalikasan ay mananatiling integral na bahagi ng paggawa, pag-eempake, pamamahagi at pagbebenta ng ating mga produkto. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga batas pangkalikasan na angkop sa Kumpanya at sa mga kaugnay na patakaran at mga alituntunin ng Kumpanya, mangyaring sumangguni sa “Pahayag Patakaran ng ng Colgate-Palmolive ukol sa Kalikasan, Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho” (Colgate-Palmolive Environmental, Occupational Health & Safety Policy Statement), na matatagpuan sa Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Negosyo ng Kumpanya. 22 KODA NG PAG-AASAL

ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN NATIN SA MGA NAGMAMAY-ARI NG SOSYO (SHAREHOLDERS) Nagsisikap tayong mapaglingkuran ang pinakamataas na interes ng ating shareholder at tumulong sa pagpapalago ng halaga ng shareholder. Isunusulong natin ang mahusay na pamamahala sa korporasyon upang mapangalagaan ang halaga ng shareholder. Ang mga patakaran at mga programa ng Kumpanya sa pamamahala sa korporasyon kung saan itong Koda ng Pag-Aasal ay isang mahalagang bahagi, ay nagsisilbing mahalagang proteksyon ng shareholder. Sa mga nakaraang taon, maraming checks and balances o mga pagsusuri at pagbabalanse ang isinabatas ng Kongreso, ng SEC, ng New York Stock Exchange, at iba pang mga gumagawa ng mga regulasyon, at mga karapatan sa buong mundo upang isulong ang etikal na kilos ng mga korporasyon, na siyang batayan ng pagkilos sa Colgate sa maraming mga taon. Ang ating mga shareholder ay mahusay na napagsisilbihan ng isang malayang lupon o board, na binubuo ng malaking bahagi ng indipend’yenteng mga direktor, at mga indipend’yenteng komite na nagmamatyag sa pagsusuri, at sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagbabayad at pamamahala. Ang patuloy na pinauunlad na Karta ng komite at mga gabay sa pamamahala ay malinaw na nagtatakda ng mga gampanin at responsibilidad ng direktor, at ng mga prinsipyo sa pamamahala sa korporasyon ng Kumpanya. Para sa mas detalyadong paglalarawan ng programa sa pamamahala sa korporasyon ng Kumpanya, mangyaring tingnan ang “Gabay ng Colgate-Palmolive para sa Lupon ng Kumpanya ukol sa mga Mahahalagang Isyu sa Pamamahala ng Korporasyon” (Colgate-Palmolive Company Board Guidelines on Significant Corporate Governance Issues) at ang mga Karta ng Komite ng Pagsusuri ng Kumpanya, Komite ng Paghirang at Pamamahala ng Korporasyon (Nominating and Corporate Governance Committee), Komite para sa Kawani at Organisasyon (Personnel and Organization Committee) at Komiteng Pangpinansyal (Finance Committee), ang lahat ng mga ito ay matatagpuan sa website ng Kumpanya. Pinananatili natin ang isang malakas na programang pang-pagsusuri upang mapataas ang kump’yansa ng namumuhunan. Ang Kumpanya ay naninidigan sa kalidad, integridad at katapatan ng mga ulat pinansyal nito. Ang paninindigang ito ay sinasalamin sa patakaran at alituntunin ng Kumpanya sa mahabang panahon, kasama ang isang grupo ng internal na pagsusuri na nagmamatyag sa pagkokontrol sa pinansyal sa pandaigdigang antas, independenteng mga tagasuri na may malawak na mandato, at isang independenteng Komite ng Pagsusuri na siyang tumitingin sa mga gawaing ito. Upang lubos na mapakinabangan ang kahusayan ng mga resources o mga pinagkukunang ito, ang mga tao natin ay inaasahang sumali sa bukas at tapat na komunikasyon at sa isang malayang pagpapalitan ng mga impormasyon sa mga tagasuri na internal at panlabas, at sa Komite ng Pagsusuri. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga mahahalagang papel ng mga internal na tagasuri, indipend’yenteng tagasuri at Komite ng Pagsusuri ng Kumpanya, mangyaring tingnan ang “Karta ng Komite ng Pagsusuri ng Colgate-Palmolive” (Colgate-Palmolive Company Audit Committee Charter), na makikita sa website ng Kumpanya. Palagi nating pinasasabihan ang mga shareholder ng mga bagay-bagay o impormasyon tungkol sa progreso ng Kumpanya. Bawa’t taon, ang mga shareholder ay iniimbita na dumalo sa mga taunang pulong ng Kumpanya, kung saan ang progreso ng Kumpanya sa nagdaang taon ay binabalikan at dito, ang mga shareholder ay may pagkakataon na magtanong sa senior management ng Kumpanya. Sa mga pagitang buwan, ang mga shareholder ay maaaring bumisita sa website ng Kumpanya, www.colgate.com, para sa impormasyon tungkol sa mga kalalabas lamang na mga produkto sa tindahan, pinakahuling resulta ng katayuang pam-pinansyal at iba pang mga balita sa negosyo. Colgate-palmolive company 23

ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN

NATIN SA KAPALIGIRAN

Ang mas malinis, mas malusog na kalikasan ay importante sa Colgate hindi lamang dahil sa ito

ang tamang gawin ngunit dahil na rin sa ito ay makabubuti sa negosyo. Ang ating alalahanin

sa paggampan ng ating bahagi sa pagprotekta ng planeta ay nakatuon sa pagkilos sa paraan na

ligtas para sa kalikasan, at nangangalaga sa mundo para sa mga susunod na henerasyon.

Naninindigan tayo sa pananatili o pagtatagal (sustainability).

Sa Colgate, ang sustainability ay mahalagang sangkap ng pang-matagalang panahong pagnenegosyo, na kritikal

sa tagumpay ng Kumpanya. Ito ay nakaugat sa ating mga pinahahalagahan sa Colgate na may kaugnayan

sa Pangangalaga, Tulong-tulong na Pagtatrabaho sa Pandaigdigang Antas (Global Teamwork) at Patuloy

na Pagpapaunlad. Ang ating pinagtutuunan ng pansin ay ang Tao, Pagganap sa Trabaho (Performance) at

ang Planeta.

Dagdag pa dito, naninindigan tayo na makamit ang ating pandaigdigang layunin sa sustainability, na tiyakin na

ang negosyo ng Colgate ay patuloy na lalago at patuloy na magiging responsable, at makikinabang ang ating mga

pinaglilingkuran, kasama ang mga empleyado, ang ating mga shareholder at ang iba pang mga stakeholder sa

buong mundo, habang isinusulong natin ang kagalingan ng mga susunod na henerasyon.

Ang ating mga patakaran at programa sa sustainability ay nilagom para makita mo sa seksyon na “Pagsasabuhay

ng Ating mga Pinahahalagahan” (Living Our Values) sa Colgate.com na website.

Pinangangalagaan at pinoprotektahan natin ang kalikasan.

Ang Kumpanya ay naninindigan sa pagprotekta ng kalikasan. Kung gayon, kailangang ang bawa’t isa sa atin ay

mahigpit na tumutupad sa nakasulat sa ispiritu ng angkop na mga batas pangkalikasan, at sa mga regulasyon at

patakarang pampubliko na kanilang kinakatawan. Walang indibidwal o tagapamahala ng Kumpanya ang may

karapatan na kumilos nang hindi sumusunod sa patakarang ito, o bigyan ng awtorisasyon, utusan, payagan o

kunsintihin ang ganitong mga asal ng sinumang tao.

Isusulong natin ang bukas na komunikasyon sa publiko at hahanap ng aktibo at produktibong ugnayan

o partnership sa mga komunidad kung saan tayo ay kumikilos. Ipagpapatuloy natin ang pamamahagi ng

impormasyon sa mga gumagamit ng ating produkto tungkol sa ating patakaran at programa para sa kalikasan,

at magtatrabaho na kasama ang mga lider ng komunidad at ang iba pa na nakikibahagi sa ating paninindigan na

protektahan ang ating kalikasan, para sa mga susunod na henerasyon.

Sa ating patuloy na nagbabagong daigdig, mataas na prayoridad ang inilalagay ng Colgate sa responsable at

magalang na pamamaraan ng pagkilos. Ang mga pagsisikap na ito ay nagbunga ng pagtaas ng pambihirang

kakayahan sa trabaho at bentaheng pinansyal para sa Kumpanya. Alam natin na marami pang dapat na abutin/

pagtagumpayan. Ang nagpapatuloy na istratehiya sa pagpapababa ng ating tatak sa kalikasan ay mananatiling

integral na bahagi ng paggawa, pag-eempake, pamamahagi at pagbebenta ng ating mga produkto.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga batas pangkalikasan na angkop sa Kumpanya at sa mga

kaugnay na patakaran at mga alituntunin ng Kumpanya, mangyaring sumangguni sa “Pahayag Patakaran ng ng

Colgate-Palmolive ukol sa Kalikasan, Kalusugan at Kaligtasan sa Trabaho” (Colgate-Palmolive Environmental,

Occupational Health & Safety Policy Statement), na matatagpuan sa Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Negosyo

ng Kumpanya.

22 KODA NG PAG-AASAL

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!