KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate

KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate KOdA ng PAg-AAsAl - Colgate

colgate.com.au
from colgate.com.au More from this publisher
26.02.2015 Views

Etikal ang pakikipag-negosyo natin sa mga pamahalaan. Hindi ka dapat gumawa ng paraan upang impluwens’yahan ang paghuhusga o asal ng sinumang empleyado ng pamahalaan, sa pamamamagitan ng pangangako ng mga regalo o iba pang benepisyo, o ng anumang ilegal na panghihikayat. Kaya, importante na hindi ka magbigay ng anumang regalo, libangan, o ibang bagay na may makabuluhang halaga, sa isang employado ng pamahalaan, maliban na lamang kung nilinaw mo ito sa Legal. Dagdag pa rito, sa ilan sa mga tukoy na batas sa lobbying, maaaring kailangangin ng Kumpanya at/o ang mga tauhan nito na magpatala at mag-ulat bilang isang lobbyist, kung ang isang tauhan ng Colgate ay nakikipagusap sa isang empleyado ng pamahalaan para sa layuning maimpluwensyahan ang batas o ilang mga tukoy na opisyal na pagkilos. Kung ikaw ay sangkot sa ganitong mga gawain, kailangang ipagbigay-alam mo ito sa Legal. Ang paninindigan ng Colgate na makipag-negosyo ng legal at etikal sa mga pamahalaan ay sumasaklaw sa buong daigdig. Ang patakaran ng Kumpanya, ang U.S. Foreign Corrupt Practices Act, at ang mga katulad na mga batas laban sa panunuhol sa buong mundo, ay nagbabawal sa ating mga tauhan o kanilang mga ahente na magbigay o maghandog ng pera o anumang bagay na may halaga – maging pera man ito o hindi, o maging direkta o hindi direkta, sa pamamagitan ng paggamit ng ibang tao – sa sinumang banyagang opisyal (tulad ng empleyado ng banyagang pamahalaan, banyagang partidong politikal, o opisyal o kandidato ng partido para sa banyagang politikal na posisyon, upang hikayatin ang opisyal na ito na impluwensyahan ang anumang pagkilos o desisyon ng pamahalaan, o tulungan ang Kumpanya na makakuha o mapanatili ang negosyo. Upang matiyak na hindi mo nilalabag ang pamantayan na ito, patakaran ng Kumpanya na, maliban na lamang sa isinasaad sa batas na mga bayarin (halimbawa, kailangang bayarin sa permiso o lisensya), walang pagbabayad o pagbibigay ng mga regalo na may kinalaman sa mga gawaing pang-negosyo ng Kumpanya ang gagawin sa mga banyagang opisyal, direkta man o hindi, maliban na lamang kung inaprubahan ito nang mas maaga ng Legal at sinasabing ito ay legal sa ilalim ng batas ng Estados Unidos at iba pang angkop na batas. Laging maging direkta o tapat sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa mga empleyado ng pamahalaan. Anumang pananadyang maling mga pahayag sa mga empleyado ng pamahalaan (pasalita o nakasulat), at partikular sa anumang maling pahayag na sinumpaan, ay maaaring maglagay sa Kumpanya o sa mga tao nito sa pagbabayad ng malaking multa. Para sa mas detalyadong gabay sa mga patakaran ng Kumpanya sa bagay na ito, tingnan ang “Mga Gabay ng Colgate-Palmotive para sa Foreign Corrupt Practices Act ng Estados Unidos” (Colgate-Palmolive Guidelines on the U.S. Foreign Corrupt Practices Act) at ang “Mga Gabay ng Colgate-Palmolive sa Relasyong Pang-negosyo sa mga Entidad ng Pamahalaan” (Colgate-Palmolive Guidelines on Business Relationships with Government Entities), na makikita sa Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Negosyo ng Kumpanya. Itinatago natin ang mga talaan ayon sa batas. Sumusunod tayo sa lahat ng mga batas at regulasyon patungkol sa pagpapanatili ng mga talaan ng Kumpanya (kasama ang mga pisikal na dokumento at datos na elektroniko) Ang Programa sa Pagpapanatili ng Talaan ng Kumpanya ang nagtatakda ng mga patakaran at pamamaraan ng Kumpanya na may kinalaman sa mga pagtatago ng talaan na dapat sundin ng lahat. Ang kopya ng Programa sa Pagpapanatili ng Talaan ng Kumpanya ay maaaring makuha sa Global Legal Organization. Alamin sa Legal o sa departamento ng pinansyal, para sa mas detalyadong gabay sa pagpapanatili ng talaan na angkop sa iyong yunit ng negosyo. Kung may nalalaman ka, o iniulat sa iyo ang pagkakaroon ng subpoena, demanda o napipintong imbestigasyon ng pamahalaan, kaagad na kausapin ang Legal. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong panatilihin lahat ng mga talaan na mamaaring makasagot sa subpoena, o mahalaga sa demanda, o maaaring may kinalaman sa imbestigasyon, anuman ang mga rekisitos ng Programa sa Pagpapanatili ng Talaan. Hindi mo dapat sirain o baguhin ang mga ganitong talaan, sapagkat ang hindi tamang pagsira ng mga talaan ay may mabigat na bunga – kasama na rito ang bayaring sibil at/o kriminal – para sa Kumpanya at para sa iyo bilang tao. Kung mayroon kang tanong kung ang isang talaan ay magagamit sa isang imbestigasyon, demanda o subpoena, makipagugnayan sa Legal bago sirain ang talaan na ito. 18 KODA NG PAG-AASAL

Sumusunod tayo sa mga regulasyon ng pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa. Sa pagpapatupad ng kapuwa nito operasyong lokal at pang-ibang bansa, ganap ang pagtupad ng Kumpanya sa lahat ng angkop na mga batas – partikular sa mga batas ng Estados Unidos – na namamahala sa mga pag-aangkat, pagluluwas at sa pangangasiwa ng negosyo sa mga organisasyong hindi pang-Estados Unidos. Nilalaman ng mga batas na ito ang mga limitasyon o ang klase ng mga produkto na maaaring angkatin papuntang Estados Unidos, at ang pamamaraan ng pag-aangkat. Ipinagbabawal din ng mga ito ang pagluluwas ng produkto sa mga, at halos lahat ng iba pang transpagkilos sa, mga partikular na bansa gayon din ang kooperasyon o partisipasyon sa mga banyagang pag-boykot sa mga bansang hindi bino-boycot ng Estados Unidos. Kinakailangang magsagawa ng mga gawain ang mga tauhan ng Colgate upang ganap na makasunod sa mga batas ng mga bansa kung saan sila ay kumikilos, ngunit, maaaring mayroong mga pagkakataon na may tunggalian sa pagitan ng mga batas ng isang bansa, sa mga batas sa Estados Unidos o sa patakaran ng Kumpanya. Kapag napag-alaman mo ang ganitong klase ng tunggalian, kailangang ipagbigay-alam mo sa iyong tagapamahala at konsultahin ang Legal. Para sa mas detalyadong gabay ukol sa mga batas na ito at sa mga bansang tinutukoy nito, tingnan ang “Mga Gabay ng Colgate-Palmolive sa Mga Gawaing Pangnegosyo sa Antas na Pang-loob at Labas ng Bansa (Colgate- Palmolive International Business Activities Guidelines), na matatagpuan sa Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Negosyo ng Kumpanya. Colgate-palmolive company 19

Sumusunod tayo sa mga regulasyon ng pakikipagkalakalan sa loob at

labas ng bansa.

Sa pagpapatupad ng kapuwa nito operasyong lokal at pang-ibang bansa, ganap ang pagtupad ng Kumpanya

sa lahat ng angkop na mga batas – partikular sa mga batas ng Estados Unidos – na namamahala sa mga

pag-aangkat, pagluluwas at sa pangangasiwa ng negosyo sa mga organisasyong hindi pang-Estados Unidos.

Nilalaman ng mga batas na ito ang mga limitasyon o ang klase ng mga produkto na maaaring angkatin

papuntang Estados Unidos, at ang pamamaraan ng pag-aangkat. Ipinagbabawal din ng mga ito ang pagluluwas

ng produkto sa mga, at halos lahat ng iba pang transpagkilos sa, mga partikular na bansa gayon din ang

kooperasyon o partisipasyon sa mga banyagang pag-boykot sa mga bansang hindi bino-boycot ng Estados

Unidos. Kinakailangang magsagawa ng mga gawain ang mga tauhan ng Colgate upang ganap na makasunod

sa mga batas ng mga bansa kung saan sila ay kumikilos, ngunit, maaaring mayroong mga pagkakataon na

may tunggalian sa pagitan ng mga batas ng isang bansa, sa mga batas sa Estados Unidos o sa patakaran ng

Kumpanya. Kapag napag-alaman mo ang ganitong klase ng tunggalian, kailangang ipagbigay-alam mo sa iyong

tagapamahala at konsultahin ang Legal.

Para sa mas detalyadong gabay ukol sa mga batas na ito at sa mga bansang tinutukoy nito, tingnan ang “Mga

Gabay ng Colgate-Palmolive sa Mga Gawaing Pangnegosyo sa Antas na Pang-loob at Labas ng Bansa (Colgate-

Palmolive International Business Activities Guidelines), na matatagpuan sa Mga Gabay sa Pagsasagawa ng

Negosyo ng Kumpanya.

Colgate-palmolive company 19

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!