20.01.2015 Views

Ingles bilang Pangalawang Wika Ingles bilang Pangalawang Wika

Ingles bilang Pangalawang Wika Ingles bilang Pangalawang Wika

Ingles bilang Pangalawang Wika Ingles bilang Pangalawang Wika

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

SCHOOL DISTRICT No. 38

(RICHMOND)

SCHOOL DISTRICT No. 38

(RICHMOND)

VAN.SALADMASTER@

TELUS.NET

Ingles

bilang

Pangalawang

Wika

www.sd38.bc.ca

www.sd38.bc.ca revised February 2009

Ano ang ESL (Ingles bilang Pangalawang Wika)

ESL (English as a Second Language) o Ingles bilang Pangalawang Wika ay isang

serbisyo sa lahat ng paaralan ng Richmond upang matulungan ang mga

estudyanteng nag-aaral ng Ingles bilang pangalawa o karagdagang wika tungo sa

pag-unlad at mabisang pag-aaral sa loob ng klase.

Sa Richmond, karamihan ng mga bagong dating na estudyante ay

nangangailangan ng karagdagang tulong sa Ingles. Kadalasan ay tatlo hanggang

limang taon ng Imersiyon sa Ingles ang kailangan bago maging matatas ang mga

ito sa pagsasalita ng wikang Ingles. Ang pagiging matatas sa pagsasalita ng

kanilang unang wika ay nagbibigay ng malaking kaibhan at kahusayan sa

pag-aaral ng Ingles. Ang suporta ng ESL ay ipinagkakaloob ng mga espesyalista

sa ESL o mga guro na nakatalaga sa mga paaralan ng distrito batay sa

mga pangangailangan ng estudyante. Nagtatrabaho sila katulong ng

mga guro sa loob ng klase upang matulungan ang mga

batang nangangailangan ng suporta upang sila’y maging matatas

ang pagsasalita ng wikang Ingles, magkaroon ng kaalaman ng

kultura, at makabuo ng mga paraan sa pagtuklas ng

karunungan na makatutulong sa kanilang matagumpay na

pag-aaral ng regular na kurikulum sa paaralan.

Sa baytang ng Elementarya, ang mga estudyante ay

nakatala sa regular o karaniwang klase at tumatanggap ng

patuloy na suporta ayon sa pangangailangan ng bawa’t isa,

gayundin ang patuloy na tulong mula sa guro sa loob ng klase. Ang

magkasamang tulong mula sa espesyalista ng ESL at ng guro ng

estudyante sa loob ng klase ay mahalaga sa programang ito. Sa

baytang na Secondarya, ang mga estudyante ay itinatakda sa mga

nakatalagang klase ng ESL bilang bahagi ng kanilang programa. Ang

mga estudyante ng ESL ay maaaring kumuha ng mga kursong ibinibigay

ng paaralan, ayon sa kanilang kahusayan sa pagtupad ng

pangangailangan ng mga kursong ito.

Mga Baytang o Antas (Level) ng ESL

Ang mga estudyante ng ESL ay sinusubukan taun-taon ayon sa

karaniwang pamamaraan ng distrito upang malaman ang antas ng

kanilang kahusayan. Ang impormasyong ito ay mahalaga sa pagtantiya ng

aming mga programa at sapat na pagtatalaga ng mga kaparaanan

(resources).

Ang mga antas ng kahusayan ay:

Antas 1 - Baguhan

Antas 2 - Nangungunang Baguhan (Advanced Beginner)

Antas 3 - Bumubuti

Antas 4 - Lumalago

Antas 5 - Malapit nang maging Matatas o Mahusay

Mga Karagdagang Serbisyo sa Pagsuporta sa Estudyante

Ang mga estudyante sa sistema ng paaralan ay maaaring magkaroon ng

malawak na serbisyo ukol sa karunungan. Ang bawa’t isang paaralan ay

mayroong samahang nagsasaalang-alang ng anumang dagdag na suportang

kailangan lampas sa mga pagtulong na ibinibigay ng mga guro sa loob ng klase

at espesyalista ng ESL.

Mga Tuntunin ng Paaralan

Ang Pampaaralang Distrito ng Richmond ay mayroong mga nakatakdang tuntunin

kabilang ang kodigo ng pag-uugali at mga inaasahang pag-iwas sa masamang

pakikitungo sa kapuwa (anti-racism expectations) upang matiyak na ang mga

paaralan ay ligtas, maayos, at mapagkalingang mga lugar. Bawa’t isang paaralan

ay mayroong Kapulungan ng mga Tagapayong mga Magulang o “Parent Advisory

Council” (PAC). Lahat ng mga magulang o mga tagapag-alagang may mga anak

na nakarehistro sa paaralan ay hinihimok na sumapi at magkaroon ng

pagkakataong lumahok sa PAC.

Mga Mangagawa sa mga Paaralan ukol sa Paninirahan (Settlement

Workers In Schools)

Upang matulungan ang bagong dating na mga estudyante at ang kanilang

bagong dating na mga pamilya na maging maayos ang paninirahan sa

kanilang paaralan at komunidad, ang Pagkamamamayan at Imigrasyon ng

Canada (Citizenship and Immigration Canada) at ang Ministeryo ng

Edukasyon (Minister of Education) ay nagsagawa ng programang

nakatalaga sa mga paaralan na tinawag na “Settlement Workers in Schools”

(SWIS). Sa Richmond, bawa’t paaralan ay mayroong nakatalagang Swis na

makatutulong habang kayo’y bago pa lamang sa bansang ito.

http://public.sd38.bc.ca/SWIS/

Mga Tagapagsalin ng Kultura (Cultural Interpreters)

Ang mga Tagapagsalin ng Kultura ng Distrito ay nagkakaloob ng mga serbisyo sa

pagpapaliwanag at pagsasalin ng iba’t ibang wika na nagpapakilala ng

magkakaibang lahi sa Richmond.

ESL para sa mga May Sapat na Gulang (Adult)

Ang mga may sapat na gulang na naghahangad mag-aral ng Ingles bilang

pangalawang Wika ay dapat makipag-ugnayan sa Departamento ng Patuloy na

Pag-aaral (Continuing Education) ng Pampaaralang Distrito ng Richmond ukol

sa mga kursong ipinagkakaloob. Ang mga klase ng ELSA buhat sa “Continuing

Education” ay libre para sa mga dayuhang hindi sapat ang karunungan sa wikang

Ingles.

Mahalagang mga Numero ng Telepono

Richmond School Board Office 604-668-6000

Settlement Workers In Schools (SWIS) 604-668-6596

Enquiries regarding ESL services for children 604-718-4011

Continuing Education (including Adult ESL) 604-668-6111

Richmond Information & Volunteer Society 604-278-5244

Richmond Multicultural Concerns Society 604-278-6902

SUCCESS (Chinese Immigrant Services) 604-273-9878

Vancouver Coastal Health 604-233-3150

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!