11.02.2014 Views

to read or download Corona's speech - InterAksyon

to read or download Corona's speech - InterAksyon

to read or download Corona's speech - InterAksyon

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

AKO ANG UNANG TAGAPAGTANGGOL NG HUSTISYA

Isang mainit at mapagpalayang hapon po sa

ating lahat!

Tunay na hustisya, kadakilaan ng Kataastaasang

Hukuman, at kalayaan ng hudikatura,

tatlo pong prinsipyo na nagbibigay sa akin – sa

ating lahat – ng lakas at tapang na harapin ang

hamon at pagsubok na bunga ng masamang

pulitika.

HINDI PO TAYO PAPAYAG NA

LAPASTANGANIN AT ALIPUSTAHIN ANG

DEMOKRASYA, AT ANG KORTE SUPREMA!

1

Sa isang iglap, nasampahan po ako ng isang

impeachment complaint ng mababang

kapulungan na kontrolado ng Liberal Party ni

Ginoong Aquino at ng kanyang mga kaalyado.

Sa sobrang bilis, parang wala po yatang nakaintindi

o nakabasa man lang ng halos

animnapung pahinang reklamo o habla. Isang

daan, walumpu’t walong kinatawan ang basta

na lamang lumagda rito para isulong ang aking

impeachment. Kinikilala natin ang proseso ng

Saligang Batas para sa mga reklamo laban sa

mga miyembro ng Korte Suprema. Ngunit ang

hindi natin kinikilala ay ang pag-abuso ng

kapangyarihan at proseso para samantalahin

ang lahat ng paraan, makapagtalaga lamang sila

2

ng sarili nilang mga mahistrado sa Korte

Suprema.

Itong impeachment ay dala ng kasakiman

na magkaroon ng isang Korte Suprema na

kayang diktahan, na nakukuha sa tingin, at

magkakandarapang ipatupad ang kanilang

bawat hiling.

Tila yata’y napipikon at hindi sila

makapagtalaga ng kanilang punong mahistrado

kung susundin ang ating umiiral na Saligang

Batas. Kaya pati ang inyong lingkod, hadlang

daw sa kaunlaran ng bayan at pagpapatupad ng

mga ipinangako sa kampanya!

3

Pasadahan po natin ang mga walang

katuturang paratang ng ating mga magigiting na

mambabatas. Walo (8) po ang hinain na

paratang laban sa akin. Kaagad, makikitang

dalawang uri ang bintang na nilalaman nito: sa

isang banda, ‘yung mga reklamong tumutukoy

sa mga personal kong kilos, at sa kabilang

banda naman, ang mga reklamo na tumutukoy

sa mga opisyal na pagkilos o hatol ng Korte

Suprema.

Mariin kong itinatanggi ang mga bintang na

may katiwalian sa mga pansarili kong kilos.

Hindi po totoo ang sinasabing ayaw ko raw

ilabas ang aking Statement of Assets, Liabilities

4

and Net Worth. Ito’y isang dokumentong

sinusumite ko taun-taon ng walang patid.

Malaking kasinungalingan ang paratang na

ito.

Ako raw po ay isang midnight appointee.

Dapat raw po, hindi ko tinanggap ang paghirang

sa akin. Bakit po ba, para si Ginoong Aquino

ang makapagtalaga ng kaniyang sariling chief

justice na hawak niya sa leeg? Mapapa-iling ka

talaga. Ang pagtatalaga sa inyong lingkod ay

dumaan sa isang masusing proseso na ayon sa

ating Saligang Batas. Kasama po dito ang

proseso ng Judicial and Bar Council na noon ay

pinangungunahan ng dating Punong Mahistrado

5

Reynato Puno. Matagal na po itong

pinagpasyahan ng Korte Suprema.

Matagal

nang tapos ito. Kung may reklamo man sila sa

hatol ng Korte Suprema, sana ay noon pa,

ipinaglaban na nila.

Binubuhay ito para painitin ang damdamin

ng ating mga kababayan at mawalaan tayo ng

tiwala sa Korte Suprema at hudikatura. Di po

ba’t may kasabihan na “ang isang

kasinungalingan, kapag inulit ng inulit,

pagtagal, ay siyang tinatanggap bilang

katotohanan?” Paano po naman naging

kasalanan ang pagtanggap ng isang dakilang

karangalan tulad nito? Ito ay isa lamang pong

6

paninira ng aking katapatan sa katungkulan,

kasama na po ang puri at dangal ng Kataas

taasang Hukuman.

Nguni’t ang kasukdulan ng pambabastos, sa

aking pananaw, ay ang pagdawit ng aking maybahay

sa reklamong ito. Baka akala nila na sa

ganitong paraan ako po’y madaling susuko.

Mapalad po ako na mayroon akong isang mabait

at matatag na kasama sa buhay, na siya ring

pinagkukunan ko ng lakas at inspirasyon.

Mahal na mahal kita, Tina.

Walang katotohan ang kanilang mga

paratang – puro kasinungalingan. At

7

patutunayan namin na ito ay isang pagblackmail

lamang. Lingid po yata sa kanilang

kaalaman na si Ginang Corona ay una pang

naitalaga bago ako naging mahistrado. Bakit,

hindi po ba dito sa kasalukuyang

administrasyon, mayroong isang mag-asawa,

kasama ang kanilang mga anak, na may

matataas na puwesto?

Ang mga natitirang paratang ay ukol naman

sa mga pasiya at iba pang matagal nang

patakaran ng Korte Suprema. Alalahanin po

natin na ayon sa ating Saligang Batas, ang Korte

Suprema ay binubuo ng isang punong

mahistrado at labing-apat na katulong na

8

mahistrado. Mayroon po lamang kaming tigiisang

boto, at ito po ay pantay-pantay. Ang

aking boto ay kapareho lamang ng boto ng

pinakahuling naitalagang mahistrado. Ang

pwersa at bisa ng aking pananaw ay kapantay

lamang ng pwersa at bisa ng pananaw ng kahit

sino mang mahistrado. Pantay-pantay po

kaming lahat dito.

At sa mga isyu na sinasabi nilang kaugnay

sa dating pangulo, wala po kaming kinakatigan

dito sa hukumang ito. Ang aming pasiya ay

pasiya ng buong Korte Suprema at resulta ng

mga indibidwal na opinyon. Ang opinyon ng

isang mahistrado ay hindi desisyon ng Korte

9

Suprema. Kahit sinumang abogado ay

magsasabi sa inyo na hindi po pwedeng yapakyapakan

ang karapatan ng sinuman sa ilalim ng

Saligang Batas, habang hindi mo pa

napapatunayan na siya ay nagkasala. May

mandato ang korte na ipagtanggol higit sa lahat

ang karapatang pang-tao ng indibidwal kontra

sa labis-labis na kapangyarihan ng pamahalaan,

lalong-lalo pa kung wala pang naisasampang

kaso. Matagal na itong prinsipio at hindi na

kailangang idebate. Ito ang tinatawag na

PRESUMPTION OF INNOCENCE and RESPECT

FOR HUMAN RIGHTS.

10

Isampa ang tamang kaso sa loob ng wastong

oras, na may tamang ebidensya, para walang

magawa ang korte kung di hatulan at ipakulong

ang nagkasala sa lipunan. Panagutin natin ang

dapat managot, pero idaan natin sa wasto at

tamang proseso sa ilalim ng Saligang Batas. Ano

po ba ang napakahirap intindihin sa bagay na

ito?

Ibang-iba po ang palakad sa gabinete,

sapagkat doon, lahat ng miyembro ay mga

alalay, alagad at utusan ng pangulo. Sa loob ng

gabinete, ang utos ng hari, hindi nababali. Dito

po sa Korte Suprema, ang pananaw ng punong

mahistrado ay isa lamang. Gaya nga ng sinabi

11

ko, kami ay patas at pare-pareho lamang na

nagbibigay halaga at respeto sa opinyon ng

bawat isa. Wala po kaming tungkulin at balak

na maging sunod-sunuran sa isa’t-isa.

Ngayon, ipagpalagay na natin na malimit

kasama ko ang mayorya sa botohan, maari ba

namang magmistulang pagkampi ito,

samantalang nakararami kaming sumasangayon

sa isang pananaw? Kasalanan po ba na

ako’y kasapi ng mayorya ng Korte sa iilang mga

kaso? Marami din naman pong kaso na nasa

menorya ako sapagka’t natalo sa botohan ang

aming pananaw. Ito ang magpapatunay na

12

walang nagdidikta ng boto dito sa Korte

Suprema.

Kaya nga po dito natin makikita ang likas

na talino at sadyang makatarungan na sistema

ng hustisya sa ating saligang batas: labing-lima

po kami sa Korte Suprema, upang masiguro na

mangibabaw ang pananaw ng mas nakakarami.

Hindi maaring magtagumpay ang pananaw ng

nag-iisang mahistrado.

Samakatuwid, itong mga paratang ng

pagkiling laban sa akin ay bunga lamang ng

malisya at kathang-isip. Malamang, umaasa

ang mga kalaban ng Korte, na ako at ang ibang

13

miyembro na di nila kayang diktahan, ay magbibitiw

sa tungkulin.

At kung sakaling magtagumpay ang

impeachment na ito laban sa akin, ano sa

palagay ninyo ang mangyayari? Simple lang po

mga mahal kong mga kababayan --- kay

Ginoong Aquino na ang gabinete, kontrolado na

niya ang kongreso, at hawak na niya ang Korte

Suprema.

Paulit-ulit nalang nilang isinisigaw

ang checks and balances ng three co-equal

branches of government, ngunit ang kanilang

mga pagkilos ay patungo sa pagsakop sa buong

sistema at kapangyarihan ng pamahalaan. Itong

mga itinatanim niyang gawain ay siguradong

14

mamumunga lamang ng isang diktadura; isang

diktadura na nagmula sa paglilinlang at

paglalason sa pag-iisip ng ating mga kababayan.

At ngayon, sasabihin ko po sa kanilang

lahat: ako’y tumututol sa walang-tigil na pangaalipusta,

pangduduro at pananakot.

Ako’y

tumututol sa dahan-dahang binubuong

diktadura ni Pangulong Benigno Simeon Aquino

III.

Kahapon lamang, iginigiit ng palasyo na

hindi raw ang Korte Suprema o hudikatura, at

ako lang daw, ang tinitira dito sa impeachment.

Ito po’y malaking kasinungalingan, dahil hindi

15

ako naniniwala na si Renato Corona lang ang

tumututol sa diktadura. Walang katotohanan na

si Renato Corona lamang ang gusto nilang

tanggalin sa Korte Suprema. Naniniwala po ako

na tayong lahat ang kinakalaban, pati na ang

mga walang-malay nilang tagahanga. Sapagkat

ang tunay na layunin ay wasakin ang

hudikatura, wasakin ang ating demokrasya, at

pairalin ang utos ng mahal na hari. Ito ang

patutunguhan ng baluktot na “Daang Matuwid.”

Matagal na po akong nagtitimpi. Hindi ko

po maintindihan kung bakit nanggigigil ng husto

sa akin ang mahal nating pangulo, magmula pa

po sa kanyang pagkaluklok sa pwesto.

16

Tuwing kami’y nagkikita, lubos kong

pinararamdam na kami’y dapat mag-ugnayan,

magsama at magtulungan para sa bayan.

Marami po tayong problema. Nandiyan po ang

mabagal na takbo ng ekonomiya, kawalan ng

trabaho, kahirapan at kagutuman. Mukhang

hindi po niya naintindihan.

Kamakailan lamang, tinuya na naman po

tayo ng harap-harapan. Tulad ng tunay na

Kristianong Batangueño, tayo po ay nagpigil, at

ito po ay ating pinalampas.

17

WALA PO AKONG KASALANAN SA INYO,

GINOONG PANGULO. WALA PO AKONG

KASALANAN SA TAONG-BAYAN.

Sabi nila, sarili ko lang daw po ang

nakataya dito. Ang pinaglalaban po natin dito

ay ang kalayaan ng Korte Suprema, kalayaan ng

hudikatura, at ang pagtanggol ng demokrasya

sa ilalim ng Saligang Batas.

Hindi po ako

papayag na sumuko sa matinding pagtatangka

na mapasailalim ng ibang sangay ng

pamahalaan ang Korte Suprema. Una akong

tututol. Una akong lalaban.

18

Ginoong Pangulo, ako po ang primus inter

pares dito sa Korte Suprema. Ang ibig sabihin

po nito, kung kailangan ipaglaban ang Korte

Suprema, ako ang uuna.

Huwag na po nating isubo ang Korte

Suprema sa ano pang pagsubok o batikos ng

mga mapagsamantala. Yaman din lang na ang

ipinaglalaban dito ay ang Korte Suprema at ang

demokrasya, karangalan at katungkulan ko po

na labanan itong impeachment para sa ating

lahat. Haharapin ko nang buong tapang at

talino ang mga walang basehang paratang na

ito, punto por punto, sa Senado. Handanghanda

akong humarap sa paglilitis.

19

Mga kasama, matapat kong sinasabi sa

inyo, mahimbing ang tulog ko at tahimik ang

aking konsyensya dahil sa pagpapatupad ng

lahat ng aking mga tungkulin. Ako’y nanatiling

matapat sa Panginoon, sa aking sarili, sa batas,

at sa sinumang tao.

Para sa mga ngayon pa lang nakakarinig ng

aking panawagan, inaanyayahan ko kayong

makiisa sa amin. Ngayon pa lamang ay taospuso

na ang aking pasasalamat sa inyo sa

inyong pagtaguyod, pakikiisa at pagpapalakas

ng aming loob.

20

Mga minamahal kong kababayan, sa aking

pagharap sa isang mapanganib na katunggali,

ang aking tanging sandigan ay ang inyong

pakiki-akibat, at ang paninindigan para sa

Lumikha at sa ating bayan. Buong

pagkukumbaba kong hinihiling ang inyong

pang-unawa, subalit higit sa lahat, hinihiling

kong samahan ninyo ako sa aking laban at

mission.

Muli, isang maganda at maalab na hapon po

sa inyong lahat. Sana’y pagpalain po tayong

lahat ng Maykapal.

21

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!