06.05.2013 Views

Gabay sa Pagtuturo

Gabay sa Pagtuturo

Gabay sa Pagtuturo

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ikalawang Baitang

Unang Artikulo: Pasko Ba sa Inyo?

I. Mga Layunin

Matapos ang mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. masabi ang pagkakaiba ng ugali ni Rommel at Rene;

B. masagot ang mga tanong tungkol sa kwentong binasa; at

C. matutuhan ang kahalagahan ng pagbibigay kaysa sa pagtanggap.

2

Gabay sa Pagtuturo

Tomo 11 Blg. 3 SY 2007-2008

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Pasko Ba sa Inyo?

B. Konsepto: Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing marangal.

C. Sanggunian: Kaluskos, Ikalawang Baitang, Tomo 11 Blg. 3, SY 2007-2008

D. Kagamitan: bola, malaking lata ng gatas na walang laman, iba’t ibang larawan, gunting, pandikit, at awit

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

1. Ipagawa ang isang larong relay. Ipaawit ang isang awiting pamasko habang ipinapasa sa mga mag-aaral ang isang

bola. Kapag itinaas ng guro ang kanang kamay niya, hihinto ang pag-awit at ang pagpasa ng bola. Ang batang

may hawak ng bola sa paghinto ng awit ay magbibigay ng katangian ng dalawang bata sa kwento. Halimbawa:

Si Rommel ay matulungin. Si Rene ay maunawain.

2. Maghanda ng limang tanong tungkol sa kwentong “Pasko Ba sa Inyo?” Ibilot ito sa papel at idikit sa ilalim ng

upuan ng limang mag-aaral na mapipili ng guro. Gawin ito bago magsimula ang klase. Sasabihin ng guro na

mayroon siyang inihandang limang tanong na idinikit niya sa ilalim ng kanilang mga upuan. Bibilang ang guro

ng isa hanggang lima. Sa bilang na lima, doon pa lamang sisilip ang mga bata sa ilalim ng kanilang mga upuan.

Ipabasa ang tanong at ipasagot ito.

3. Ihanda ang larawang puzzle. Ipabuo ito sa mga mag-aaral. Bigyan sila ng dalawang minuto lamang upang buuin

ito. Sabihin na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang mapabilis ang pagbuo ng puzzle.

B. Panlinang na Gawain

1. Anu-ano ang pagkakaiba ng ugali nina Rommel at Rene?

2. Ano ang iyong nadama sa tulong na naibigay mo sa pagbubuo ng puzzle?

3. Bakit saya ang nadarama kapag nakatutulong sa kapwa?

IV. Pagpapahalaga

Ipalabas ang malaking latang walang laman, pandikit, mga larawan, at gunting sa mga mag-aaral. Sabihing gagawa

sila ng isang alkansya. Babalutan nila ng mga ginupit na tanawin ang palibot ng lata. Lagyan ang alkansya ng butas na

tamang-tama upang kumasya ang sampung pisong barya. Sabihing mag-uumpisa silang mag-ipon upang may maibigay

sa mga batang kapus-palad sa susunod na Pasko.

V. Pagsusulit

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.

1. Bakit nakasimangot si Rene habang papasok sa paaralan?

A. Dahil wala siyang baon.

B. Ayaw niyang maglakad papasok sa paaralan.

C. Dahil hindi pa ibinibigay ng mommy niya ang play station.

1 Tomo 11 Blg. 3 SY 2007-2008

D. Dahil wala siyang matatanggap na regalo sa Pasko mula sa mga magulang.

2. Tungkol saan ang ipinakitang larawan ni Ginang Fajardo sa mga mag-aaral?

A. Tungkol sa mag-inang mahirap na ay may sakit pa.

B. Mga pulubing namamalimos sa lansangan.

C. Mga batang namumulot ng basura.

D. Mag-inang walang makain.

3. Bakit nagbago ang isip ni Rene tungkol sa laruang play station?

A. Hindi ito kayang bilihin ng kanyang ina.

B. Ibang laruan na lang ang ipabibili niya.

C. Naawa siya sa kalagayan ng mag-ina sa larawan.

D. Mas mamahaling laruan ang ibig niya.

4. Ano ang ibig sabihin ng mga mag-aaral sa sinabi nilang “Mas maganda ang Pasko kung nakatutulong.”?

A. Masaya sila dahil lahat ng mag-aaral ay may regalo.

B. Pagpapakita ng pagmamahalan sa isa’t isa.

C. Ang pagbibigay sa kapwa ay nagdudulot sa kanila ng kaligayahan.

D. Tatanggap sila ng mataas na marka dahil nagbigay ng regalo.

5. Sa kwentong inyong binasa, ano ang kahulugan ng Pasko na itinuro ni Ginang Fajardo sa kanyang mag-aaral?

A. Pagbibigay ng tulong sa kapwa.

B. Pagkakaisa at pagmamahalan.

C. Kapag ikaw ay nagbigay, ikaw ay tatanggap.

D. Mahalaga ang pagtupad ng pangako.

VI. Takdang-aralin

Magdala ng mga kagamitan sa paggawa ng Christmas card. Ihanda ang lista ng mga pangalan na nais ninyong bigyan

nito.

Ikalawang Artikulo: Ang Kaibigan Ko!

I. Mga Layunin

Matapos ang mga aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. mailarawan ang katangian ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan;

B. mapagsunud-sunod ang mga pangyayari sa napakinggang kwento; at

C. matutuhan na hindi lang materyal na bagay ang nakapagpapasaya sa tao.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Ang Kaibigan Ko!

B. Konsepto: Ang kaligayahan ay hindi lamang sa materyal na bagay nakukuha kundi sa mga kaibigang handang

dumamay sa lungkot man o saya.

C. Sanggunian: Kaluskos, Ikalawang Baitang, Tomo 11 Blg. 3, SY 2007-2008

D. Kagamitan: mga gamit sa pagguhit

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Ibigay ang isang gawain na inihanda sa bawat pangkat.

Pangkat 1

Ipagawa ang “Spotlight on You”. Pumili ng isang bahagi sa kwento na naibigan mo. Iguhit ang iyong sarili sa

bahaging ito ng kwento. Sabihin kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ang tauhan sa kwento.

Pangkat 2

Pagsunud-sunurin ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ihanda ng guro

ang mga larawan na pagsusunud-sunurin ng mga bata bago magsimula ang klase.

2

2 Tomo 11 Blg. 3 SY 2007-2008

Pangkat 3

Mag-isip ng paraan kung paano ninyo mapasasaya ang inyong kapangkat ng walang materyal na bagay na ibibigay.

Isulat ito sa papel at ibigay sa inyong kapangkat na nais ninyong pagbigyan. Pagkatapos, tanungin ang pinagbigyan

kung ano ang kanyang naramdaman pagkatapos mabasa ang inyong ibinigay.

B. Panimulang Gawain

1. Ano ang masasabi sa gawain ng Pangkat 1?

2. Wasto ba ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan ng Pangkat 2?

3. Ano ang inyong naramdaman sa nais gawin sa inyo ng inyong mga kapangkat sa Pangkat 3?

4. Nalaman ba ninyong maaari tayong makapagpasaya ng kapwa nang walang materyal na bagay? Ipaliwanag.

IV. Pagpapahalaga

Magpagawa ng talaarawan sa mga bata tungkol sa mga nagawa nila sa kanilang, kamag-aral, kapatid, magulang, guro,

o kapwa bata. Ipabasa sa unahan ng klase ang kanilang ginawa.

V. Pagsusulit

Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang mga regalong binalot nina Julia at Pauline ay para sa mga ______________.

2. Ang batang hindi nakipagsaya sa mga kapwa bata ay si ___________.

3. Malungkot si Eden sapagkat ____________.

4. Ang dalawang bagong kaibigan ni Eden ay sina _________ at _________.

5. Mas pinahahalagahan ng bata sa ampunan ang kaibigan kaysa sa ___________.

Sagot:

1. bata sa ampunan

2. Eden

3. hinihintay niya ang kaibigan

4. Julia at Pauline

5. regalo

VI. Takdang-aralin

Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa iyong kaibigan.

Ikatlong Artikulo: Bagong Taon, Bagong Kaibigan

I. Mga Layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. maikwentong muli ang binasang kwento;

B. maunawaan na may mga pagkakataon na nagkakahiwalay ang magkakaibigan; at

C. mapahalagahan ang pagdating ng bagong kaibigan.

II. Paksang-aralin

A. Paksa: Bagong Taon, Bagong Kaibigan

B. Konsepto: Kapag may kaibigang umaalis ay may bagong kaibigang dumarating,

C. Sanggunian: Kaluskos, Ikalawang Baitang, Tomo 11 Blg. 3, SY 2007-2008

D. Kagamitan: larawan, lapis na pangguhit, pangkulay, cartolina

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

1. Ipagawa ang larong “Sino Ako?”. Patayuin ang mga bata nang pabilog na magkahawak-kamay. Pumili ng isang

bata. Lagyan ng piring ang kanyang mga mata at patayuin sa gitna ng bilog. Sabihing huhuli siya ng kamag-aral

at huhulaan nito kung sino ang batang kanyang nahuli. Kapag nahulaan ang pangalan ng kamag-aral, siya naman

ang pipiringan. Kung hindi mahuhulaan ay huhuli muli hanggang sa mahulaan ang pangalan ng kamag-aral.

2

3 Tomo 11 Blg. 3 SY 2007-2008

2. Pumili ng apat na bata na gaganap sa katauhan ni Tony, Glen, Melrose, at Harvy.

B. Panlinang na Gawain

1. Naibigan ba ninyo ang larong “Sino Ako?” Bakit madaling nahulaan ng kamag-aral ninyong nakapiring ang

nahuli niyang kamag-aral?

2. Ilarawan ang inyong pagsasamahan dito sa ating klase. Paano ninyo pinahahalagahan ang isa’t isa?

3. Ano ang masasabi ninyo sa pagganap ng mga tauhan sa ipinakita nilang dula?

4. Sa inyong palagay tama ba ang naging damdamin ni Tony sa kanyang bagong kapitbahay? Bakit?

IV. Pagpapahalaga

Kung kayo ang nasa kalagayan ni Tony, paano kayo makikipagkilala sa bago ninyong kapitbahay. Isulat sa isang

papel ang naisip ninyong mga gagawin.

V. Pagsusulit

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.

1. Bakit kailangang lumipat ng tirahan sa Cebu si Glenn?

A. Doon nagtatrabaho ang kanyang ama.

B. Mas maganda ang paaralan na papasukan niya sa Cebu.

C. Naisipan lamang nila na sa Cebu na manirahan.

D. Walang tamang sagot.

2. Saan ginanap ang munting salu-salo bago umalis si Glenn?

A. sa restawran C. sa bahay ni Tony

B. sa bahay ni Glenn D. sa tabing dagat

3. Sino ang labis na nalungkot sa pag-alis ni Glenn?

A. Harvy C. Tony

B. Melrose D. Roma

4. Ano ang inisip ni Tony sa narinig na kaluskos sa bahay na dating tinitirhan ni Glenn?

A. Guni-guni lamang ni Tony ang kaluskos na iyon.

B. Hindi ito natuloy sa Cebu o kaya ay bumalik ito.

C. Ingay lamang ito ng mga ligaw na hayop.

D. Walang tamang sagot.

5. Sa iyong palagay, magiging magkaibigan din kaya si Tony at ang bago nilang kapitbahay?

A. Oo, dahil mukhang mabait din ang bagong lipat.

B. Hindi, dahil si Glenn lamang ang kaibigan para sa kanya.

C. Hindi, dahil mayroon pa siyang natirang mga kaibigan.

D. Walang tamang sagot.

VI. Takdang-aralin

Iguhit si Tony at ang bago niyang kaibigan. Lagyan ito ng kulay.

Sagot sa Karambola

Sino Ako?

J Ako ang ika-10 titik sa alpabetong Filipino.

O Isa ako sa mga patinig at bilog ang anyo ko.

S Ikawalong titik ako mula sa titik Z.

E Ikalima ako sa alpabetong Filipino.

R Sumusunod ako sa titik Q.

I Ikatlo ako kapag binigkas ang mga patinig.

Z Ako ang huling titik sa alpabetong Filipino.

A Ako ang unang titik sa alpabetong Filipino.

L Nasa pagitan ako ng titik K at M. sagot: JOSE RIZAL

2

4 Tomo 11 Blg. 3 SY 2007-2008

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!