1YEr43rxW
1YEr43rxW
1YEr43rxW
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
“Ang Supremo Andres Bonifacio

at ang Himagsikan ng mga

Anak ng Bayan”

PAMBANSANG

SAMPAKSAAN UKOL KAY

Gat Andres Bonifacio

M E N S A H E

Tagapangulo, Departmento ng Agham Panlipunan

Nagagalak ako na inilunsad ng mga mag-aaral ng H-104 ang

Sampaksaang ito tungkol kay Andres Bonifacio bilang parangal sa

kanyang ika-150ng taong kaarawan. Totoo nga siyang bayani ng mga

Anak ng Bayan, ang mga mamamayang Pilipino. Taglay niya ang mga

mga katangian ng isang bayani – may malinaw na pananaw, tapang, at

kakayahang himukin ang mga likas na lakas ng mamamayan upang

isulong ang Himagsikan laban sa mga Kastila. Umaasa ako na ang mga

kapwa kabataan ng ating kasalukuyang henerasyon ay tumulad kay Ka

Andres sa pagtahak ng malaya at mariwasang kinabukasan para sa ating

bansa.

Mabuhay si Andres Bonifactio! Mabuhay kayong lahat!

VICTORIA NARCISO-APUAN PH.D.
M E N S A H E

Pamunuan ng BAKAS, Inc.

Ikinagagalak namin kayong batiin sa inyong pagdalo sa

Pambansang Sampaksaan: “Ang Supremo Andres Bonifacio at ang

Himagsikan ng mga Anak ng Bayan.” Inihahandog ito sa inyo ng BAKAS,

Inc. sa mahigpit na pakikipag-ugnay/tulungan sa Departamento ng

Agham Panlipunan ng Dalubhasaan ng Sining at Agham, Kolehiyo ng

Miriam. Isa lamang ito sa maraming gawaing pang-akademiko ng

Samahan na naglalayong magpalalim ng kasalukuyang historiograpiya,

kaakibat ng pagbibigay katuturan sa iba’t ibang aspeto ng ating

kasaysayan at kultura.

Sa pagkakataong ito, nakikiisa tayo sa pambansang paggunita at

pagbibigay-pugay sa ika-150ng taong anibersaryo ng pagsilang ng isa sa,

kung hindi man ang pinakaimportanteng personahe sa kasaysayan ng

ating pagkabansa at pagkaPilipino, si Gat Andres Bonifacio. Layunin

natin na 1) magbigay-linaw sa kinalabasan ng mga pinakabagong pagaaral

pang-akademiko ukol sa kanyang buhay at mga gawa; at 2) tipunin

ang mga guro, pantas, mananaliksik at mag-aaral tungo sa pagbuo ng

malalim, wasto at samakatuwid, makabuluhang pangkasaysayang

batayan sa pag-unawa ng papel na ginampanan ng Supremo sa

Himagsikan ng mga Anak ng Bayan 1896 at lampas pa rito sa pagbubuo

ng pambansang kamalayan at identidad na Pilipino. Umaasa kaming

katulad ng lahat ng ating mga pagsusumikap ay magiging tunay na

matagumpay ang Sampaksaan sa araw na ito.

Kasama at kaisa ninyo ang BAKAS, Inc. sa pagsulong ng

pantayong pananaw at ng bagong kasaysayan. Gayundin sa

pagpupunyagi tungo sa patuloy na pagtaas ng antas ng kaalaman at

kamalayang pangkasaysayan ng ating mga guro at sa pamamagitan nila,

ng bawat Pilipino.

Mabuhay kayong lahat! Mabuhay si Gat Andres Bonifacio at ang

diwa ng tunay na pagkamakabayan!

BAGONG KASAYSAYAN, INC.

M E N S A H E

at Pagpapaliwanag sa Tema

Dati ko nang binanggit sa isang

pambansang kumperensya ng BAKAS, Inc. na

pinasimulan namin ni Prop. Sharon Maminta

ang serye ng mga BAKAS Sampaksaan ukol kay

Rizal noong 2006 dahil nais naming dagdagan

pa ang oras na inilalaan sa pag-aaral kay Rizal,

kaakibat ng totoong pagpapalalim ng talakayan

sa klase hinggil sa kanyang kontekstong

panlipunan at pook pangkasaysayan. Bilang

mga guro ng kasaysayan, malinaw sa amin na hindi makatuwirang

pinagkakasya sa loob ng isang semestre lamang ang pagtalakay sa

buong kasaysayan ng Pilipinas simula h-k. 500,000/250,000 B.K.

hanggang sa mga Republika ng kontemporaryong panahon. Dulot ng

ganitong pagsisiksik ng paksa sa maikling panahon, ang limitado’t

pahapyaw na kaalaman ng mga mag-aaral sa kontekstong

pangkasaysayan ng ika-19 na dantaon na pundasyon ng mga talakayan

tungkol kay Rizal.
Sa pagbabalik-tanaw, kapansin-pansin na sa anim na BAKAS

Sampaksaan ukol kay Rizal, dalawa ang tuwirang nagtatampok kay

Supremo Andres Bonifacio bilang matingkad na halimbawa ng kung ano

ang hindi mahahagilap kay Rizal, subalit kumakatawan sa bugso ng

damdaming makabayan noong katapusan ng ika-19 na dantaon. Ang

mga sampaksaang ito ay “RIZAL AT BONIFACIO: Sangandaang Ideolohikal

sa Pagbubuo ng Bansa” (2009); at ang “RIZAL AT BONIFACIO: Dalawang

Mukha ng Himagsikang Pilipino” (2011). Bagamat hindi talaga

nababanggit sa tema, natalakay din nang may kalaliman ang papel ni Gat

Bonifacio sa “PAGSASAKASAYSAYAN NG SINAUNANG PAMAYANAN: Mula

kay Rizal hanggang Bagong Historiograpiyang Pilipino” (2010). Maging sa

Pambansang Kumperensya ng BAKAS, Inc. at ng Departamento ng

Agham Panlipunan pa rin ng Dalubhasaan ng Sining at Agham, Kolehiyo

ng Miriam noong 2011 pinaksa ang temang “Sina Jose, Paciano, Josefa,

Trinidad, atbp.: Ang Angkan Rizal Mercado sa Harap ng Krisis ng Lipunang

Pilipino noong Ika-19 na Dantaon” (2011). Dito sa huli, itinampok natin ang

Angkang Rizal Mercado sa pagkapaloob nito sa direksyong ideolohikal ni

Andres Bonifacio at ng Katipunan. Sa ganitong direksyon din ng

talastasan maipapaloob ang iba pang mga sampaksaan at kumperensya

ng BAKAS, Inc. na inorganisa sa pakikipag-ugnay/tulungan sa mga

samahang pangkasaysayan kagaya ng Kalikas, NTC ukol sa “bayani” at

“heroe.”

Sa Bagong Kasaysayan samakatuwid, malinaw na hindi maaring

malalimang mauunawaan ang kontekstong pangkasaysayan ng ika-19 na

dantaon nang hindi tinatalakay kapwa si Rizal at si Bonifacio at ang

magkasalungat nilang pagkakapook sa wika-at-kalinangan, na pagdating

ng oras ay hahantong sa kanilang magkasalungat na direksyong pulitikal.

Sa kasawiang palad gayunpaman, ang pinasimulan ng Estados Unidos

alinsunod sa hangaring imperyalista ng bansang ito noong maagang

panahon ng ika-20ng dantaon ay nagpapatuloy sa mistulang hanggang

kasalukuyan ay matataguriang “Rizal worship.” Dulot ng ganitong

trahedya ang patuloy na pagsasantabi sa buhay at mga gawa ni Bonifacio

bilang importanteng repositoryo ng kaalaman ukol sa bayan, na salamin

ng pilosopiyang pinapanday sa pagkakapook sa sariling lakas at

kakanyahang Pilipino.

Sa pagsulong ng huli at sa pagpapatuloy ng ating matagal nang

pagpupunyagi tungo sa makabuluhang historiograpiya, papaksain natin

sa Sampaksaan ang mga sumusunod: 1) “Ang Kartilya ng Katipunan:

Isang Batayang Ideolohikal ng Himagsikan;” 2) “Katipunan at Haring

Bayang Katagalugan: Si Andres Bonifacio bilang Unang Pangulo ng

Bansa;” 3) “Ang Pagsalakay sa Maynila: Si Andres Bonifacio bilang

Istratehikong Utak Militar;” 4) “KUNG ANO ANG NAWALA. Paglaho ng

Himagsikan, Pagpaimbulog ng Revolución: Ang Kudeta ng Tejeros at ang

Dustang Kamatayan ng Supremo (Marso 22-Mayo 10, 1897);” 5)

“Katotohanan at Imahinasyon: Si Andres Bonifacio sa Pinilakang

Tabing;” at 6) “Ang Himagsikang 1896 at ang Masukal na Landas tungo

sa Kasarinlan.” Matatagpuan ang abstrak ng mga papel sa programang

ito mismo.

Nawa’y ang Sampaksaang ito ang maging daan upang maitanghal

natin si Supremo Andres Bonifacio sa kanyang tamang kalalagyan,

kahimat sa ating mga klase man lamang. Isang tunay na Pinunong Bayan.

Unang Pangulo ng Bansa. Pangunahing tagapagsulong ng

kapangyarihan ng Sambayanan noong ika-19 na dantaon at kinatawan ng

lahat ng mga busilak na hangaring ipaglaban ang kalayaan at

kaginhawahan ng ating Inang Bayan sa pagkakapook sa sariling

kakanyahan ng wika-at-kalinangan.

Sa ikasusulong ng tunay na kapantasang Pilipino!

PROP. MA. CARMEN V. PEÑALOSA
M E N S A H E

Pinuno ng mga Kinatawan ng

H104 (Seks. 1-5) at SO101 (Sek. 11)

Magandang araw po sa inyong lahat!

Bilang kinatawan ng lahat ng klase ng

Rizal (H-104) sa ilalim ng paggabay ni

Propesor Ma. Carmen Peñalosa, malugod ko

po kayong tinatanggap sa Pambansang

Sampaksaang ito ukol sa “Ang Supremo

Andres Bonifacio at ang Himagsikan ng mga

Anak ng Bayan.”

Ano nga po ba ang saysay ng

pagtitipong ito para sa bawat isa sa atin?

Paano natin binibigyang kahulugan at kabuluhan ang Sampaksaan

ngayong araw na naglalayong magbigay-linaw sa buhay ng Ama ng

Sambayanang Pilipino sa isa sa pinakadakila subalit totoong mapait na

nakaraan ng bansa? Sa ganang amin, nakikibahagi kami sa paggunita at

pagdiriwang ng ika-150 ng taong anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres

Bonifacio. Nagbabalik-tanaw kami sa lahat ng pagpupunyagi ng ating

Supremo para sa Bayan, mga punlang sa kabila ng lahat ay hindi

maipagkakailang nagbigay-daan sa mga nagpapatuloy na hamon sa

estadong nasyonal ng kaelitan. Upang maisakatuparan ang ganitong

gawain, inanyayahan po namin ang ilang mga dalubhasa sa kasaysayan

at pelikula upang tulungan tayong sama-samang magpalalim ng

kaalaman sa tunay na kabuluhan ng Supremo sa ating kasaysayan at

pagkabansa.

Sa totoo lang, nagsimula ang mga plano ng Sampaksaan bilang

isang gawaing pagsasakasaysayan ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng

Miriam, na ekslusibo lamang para sa amin at tumutugon sa isang

pangunahing pangangailangan sa klase ng Rizal sa ilalim ni Prop.

Peñalosa. Gaya ng aming natutunan, hindi maaring maintindihan nang

lubusan ang ika-19 na dantaon kung hindi kinikilala at inuunawa ang

dalawang pangunahing magkasalungat na direksyong ideolohikal sa

pagbubuo ng bansa na kinakatawan nina Gat Jose Rizal at Supremo

Andres Bonifacio. Dahil ang mga talakayan sa klase sa H104 ay sadyang

nagtatampok na kay Rizal, ay kinailangang isulong ang ganitong gawain,

kahimat hindi talaga sapat, upang mabigyan naman ng halaga at

katuturan si Gat Andres Bonifacio.

Kaakibat ng ganitong pagpapahalaga kay Gat Bonifacio ang

matagal nang tradisyon ng paglilingkod ng aming mahal na Kolehiyo sa

publiko, at ang oryentasyon ng BAKAS, Inc. na maglingkod sa ating mga

guro at sa buong sambayanan. Ito ang pangunahing nag-udyok sa amin

na buksan ang Sampaksaan nang libre sa lahat ng mga guro at

mananaliksik na may interes sa paksa. Ito ay sa kabila ng aming mga

kakulangan sa venue, sa panahon, sa resources at iba pa.

Bago po natin tuluyang buksan ang Sampaksaan, nais ko munang

pasalamatan ang lahat ng mga tumulong at naghirap upang

maisakatuparan ito, gaya ng mga kapwa ko piling mag-aaral ng H104 sa

pangunguna ng kani-kanilang mga kinatawan sa klase na sina Bb. Clarisse

Villarosa, Bb. Pfiona Canapi, Bb. Christine Bunyi, Bb. Carmela Villalon at

Bb. Jayms Candelaria. Nais ko rin pong magpasalamat sa Departmento

ng Agham Panlipunan ng Kolehiyo ng Miriam at kay Dr. Victoria Apuan

na tagapangulo nito; sa Bakas, Inc. at kay Dr. Zeus Salazar; at kay Prop.

Ma. Carmen Peñalosa. Pinasasalamatan din namin ang lahat ng mga

tagapagsalita sa kanilang bukas loob na pagpapaunlak sa aming

imbitasyon. Gayundin, ang lahat ng mga tagapagtaguyod ng

Sampaksaan gaya ng NHCP, NCCA, DOT at iba pa (kasama ng Ched at

DepEd), sa anumang anyo o kapasidad. Pinapahalagahan po namin ang

inyong tulong, gabay at tiwala na aming kakayanin ang ganito

kaimportanteng gawain. Napakaliit na bagay kung tutuusin sa harap ng

kadakilaang ninanais naming malirip, maunawaan at mapahalagahan.

Nawa’y kapulutan ng bawat isa sa atin ng mahahalagang aral ang

Sampaksaan at maging inspirasyon ito upang palagi nating ipagmalaki at

ipagpatuloy ang nasimulan ng ating natatanging bayani na nagbigay at

patuloy na nagpapaningning sa karangalan ng ating bansa.

Mabuhay po tayong lahat!

BB. KRISTINE MATIBAG
Umaga:

PROGRAMA

(Lunes, Pebrero 18, 2013)

8-8:30 Pagpapatala

8:30-9:00 Pagbubukas ng Programa

Pambansang Awit at Panalangin

– Bb. Ysa Gaspar, Bb. Kim Landicho & Bb. Aila Quesada

Mga Mag-aaral ng SO101 (Sek. 11)

– Bb. Maria Josefina Carmela Villalon

Kinatawan ng H104 (Sek. 5)

Panimulang Pagbati

– Dr. Victoria N. Apuan

Tagapangulo, Departmento ng Agham Panlipunan

Dalubhasaan ng Sining at Agham, Kolehiyo ng Miriam

Mga Mensahe ng Pagbati

– Pamunuan ng BAKAS, Inc.

– Bb. Kristine Bernadette Matibag

Pinuno ng mga Kinatawan ng

H104 (Seks. 1-5) at SO-101 (Sek. 11)

Mensahe at Pagpapaliwanag ng Tema

– Prop. Ma. Carmen Peñalosa

Punong Abala

Pagkilala sa mga Delegado

– Bb. Carmela Villalon

Pinuno ng Lupong Abala sa Pagpapatala

Mga Mahahalagang Pabatid kaugnay ng Sampaksaan

– Bb. Clarisse Mae Villarosa

Kinatawan ng H104 (Sek. 2)

9:00 –10:00 Pagpapakilala sa Tagapagsalita – Bb. Kristine Cinco

“Ang Kartilya ng Katipunan:

Isang Batayang Ideolohikal ng Himagsikan”

Dr. Zeus A. Salazar

(Retiradong Propesor, UP Diliman at DLSU, Maynila)

10:00-10:15 Merienda

10:15-11:15 Pagpapakilala sa Tagapagsalita – Bb. Genesis Mae Nualda

“Katipunan at Haring Bayang Katagalugan”

Dr. Milagros C. Guerrero

(Retiradong Propesor, UP Diliman)

11:15 –12:00 Malayang talakayan & mga pa-raffle

Hapon:

1-1:45 Pagpapakilala sa Tagapagsalita – Bb. Danica Pedracio

“Ang Pagsalakay sa Maynila:

Si Andres Bonifacio bilang Istratehikong Utak Militar”

Dr. Zeus A. Salazar

(Retiradong Propesor, UP Diliman at DLSU, Maynila)

1:45-2:30 Pagpapakilala sa Tagapagsalita – Bb. Honey Mallare

“KUNG ANO ANG NAWALA.

Paglaho ng Himagsikan, Pagpaimbulog ng Revolucíon:

Ang Kudeta ng Tejeros at ang Dustang Kamatayan

ng Supremo (Marso 22-Mayo 10, 1897).”

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

(Propesor, DLSU, Taft)

2:30-3:15 Pagpapakilala sa Tagapagsalita – Bb. Karla Yap

“Katotohanan at Imahinasyon:

Si Andres Bonifacio sa Pinilakang Tabing”

Prop. Nick de Ocampo

(Propesor, UP Diliman)

3:15-3:30 Merienda

3:30-4:15 Malayang talakayan at mga pa-raffle

4:15-4:30 Pagbubuod: “Ang Himagsikang 1896 at ang

Masukal na Landas tungo sa Kasarinlan” Prop. Peñalosa

4:30 Pagsasara; Paggawad ng mga Katibayan ng Pasasalamat

Mga guro ng palatuntunan

Bb. Maria Jamila Cristiana Berenguer & Bb. Clarisse Mae Villarosa
MGA ABSTRAK

“Ang Kartilya ng Katipunan:

Isang Batayang Ideolohikal ng Himagsikan”

Dr. Zeus A. Salazar

May nailathala akong maikling aklat (106 na pah.) tungkol sa "Kartilya

ng Katipunan" noong 1999. Sa katunayan, pagsusuri ito ng "Sa May Nasang

Makisanib sa Katipunang Ito" (na siyang nakagawiang tawaging "Kartilya ng

Katipinunan") at ng "Liwanag at Dilim", kapwa katha ni Emilio Jacinto.

Pagpapalalim ng una itong huli at, dulot nito, napalitaw sa aking libro ang

buong kaisipang nakabuod sa "Sa May Nasang Makisanib" na malinaw na

nasasalalay sa mga dalumat at kaisipang katutubo sa mga Tagalog at Filipino.

Datapuwat, tulad ng alam natin, may kakambal ang "Sa May Nasang

Makisanib" at ito ay ang "Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan" ni

Andres Bonifacio, ang bersyong iniurong ng Supremo bilang babasahin ng

mga sumasapi sa KKK nang natunghayan niya ang "Sa May Nasang

Makisanib" ni Jacinto. Gayumpaman, tulad ng implisito sa pamagat ng

"Katungkulang Gagawin", malamang na naipapasapasa rin ito bilang

dokumento at kaisipan sa kasapian ng KKK, bagamat ang "Sa May Nasang

Makisanib" ang siyang nailathala, marahil nang hinawakan na noong 1895 ni

Bonifacio bilang Supremo ang KKK at nagkaroon ito ng sariling imprenta na

donasyon ng dalawang Katipunerong OFWng Bisaya mulang Australia.

Tulad ng pagkakaugnay ng "Sa May Nasang Makisanib" at "Liwanag

at Dilim", magkakaugnay rin sa kaisipan ang "Katungkulang Gagawin" ni

Bonifacio at ang kanya ring "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" at

"Katapusang Hibik ng Pilipinas", laluna kung iuugnay ang kanilang buod na

damdamin sa "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa". Ni isa sa mga sulating ito nina

Bonifacio at Jacinto, higit sa lahat ang "Katungkulang Gagawin" at "Sa May

Nasang Makisanib", ay orihinal na nataguriang "Kartilya"; ang tanging

orihinal na may taglay ng ganitong katawagan ay ang Kartilyang Makbayan.

Tanong at Sagot ukol kay Andres Bonifacio at sa KKK na inilathala ni

Hermenegildo Cruz noong 1922. Magkagayunman, maaari rin talagang

tingnan ang mga sultin nina Bonifacio bilang mga kasulatang bumubuo,

kasama ng iba pa, ng isang Kartilya ng Katipunan kung saan mahihinuha ang

ideolohiya ng lihim na kapatiran.

Sa panayam na ito, nais kong bahagyang mapalitaw ito sa

pamamagitan ng masusing pagpapakahulugan sa mga dalumat at kaisipang

hayag at implisito kapwa ng "Sa May Nasang Makisanib" ni Jacinto at ng

"Katungkulang Gagawin" ni Bonifacio bilang mga sulating bumubuod sa

kaisipang ideolohikal ng KKK na mas detalyadong nakasulat sa kaugnay

nitong mga kasulatang nabanggit at sa implisitong alam na ng mga kasapi

mismo dulot ng kanilang pagiging bahagi ng Bayan.

“Ang Pagsalakay sa Maynila:

Si Andres Bonifacio bilang Istratehikong Utak Militar”

Dr. Zeus A. Salazar

Pagbabalik-tanaw ito sa aklat kong Agosto 29-30, 1896: Ang

Pagsalakay ni Bonifaqcio sa Maynila (1994) na batay sa papel na binasa

noong Nobyembre 1983 sa Ninth IAHA Conference sa Lungsod Quezon.

Napatunayan dito na naganap talaga ang pagsalakay sa Maynila na plinano ni

Bonifacio upang mapugutan ang ulo ng kolonyang Kastila sa pamamagitan

ng pagpasok at pag-okupa sa Intramuros. Napagpasiyahan na isagawa ang

atake noong Agosto 24 kung kailan hayag na binuo ni Bonifacio ang

pambansang pamahalaan kaalinsabay ng pagbuo ng hukbo ng Himagsikan

mula sa mga sangay ng Katipunan. Alinsunod sa napagkasunduang plano,

nahirang noon ding Agosto 24 bilang mga heneral sina Aguedo del Rosario,

Gregorio Coronel, Vicente Fernandez, at Ramon Bernardo. Itong huli ang

nakatakdang maghintay sa Rotonda (Sampalok) sa mga puwersa ng KKK

mulang San Mateo. Balara, Cubao at San Juan sa pamumuno ni Bonifacio

upang sama-samang katagpuin sa harap ng Intramuros ang mga puwersa

nina Hen. del Rosario (mulang Bilibid) at Hen. Coronel (mulang Tundo). Si

Hen. Fernandez ang siya namang magtitipon sa mga naghihimagsik na

katipunero mulang Pasig at Cavite upang pamunuan ang hukbong ito

patungong Intramuros sa pamamagitan ng San Marcelino. Ilang 500

sundalong Pilipino sa pamumuno ng dalawang mestisong opisyal ang

magrerebelde sa loob mismo ng Fuerza Santiago habang ang apat o lima

pang opisyales ay sasama sa mga umaatake mula sa labas ng Intramuros

(ayon sa consular dispatch ni Monsieur de Bérard, Konsul ng Pransya).

Noong Agosto 25 natuklasan ni Gobernador-Heneral Blanco ang

plano ng KKK, kung kaya't napilitan si Hen. Blanco na lisanin ang
Malakanyang upang bumalik sa Palasyo Santa Potenciana sa Intramuros at

doon inorganisa niya ang apat na linya ng depensa na nakasentro sa Marikina,

San Juan del Monte, San Pedro de Makati (para manmanan ang Ilog Pasig), at

ang Ermita-Malate kung saan itinayo ang himpilan ni Hen. Echaluce.

Nagpasiya rin si Blanco na ipatapon sa Marawi, Mindanaw noong araw mismo

ng Agosto 29 ang mga sundalong magrerebelde sana noong gabi ring iyon sa

Intramuros. Nagsitakbuhan na rin ang mga Europeong di-Kastila sa

Intramuros mula sa mga arrabales ng Maynila at sinarhan nila ang kanilang

mga tindahan sa Escolta.

Sa kabila ng lahat, inilunsad pa rin ni Bonifacio ang pagsalakay at

matindi ang naging labanan sa dalawang rehiyon -- sa Malabon-Balintawak-

Caloocan at sa Sta. Ana -Pandacan- Sampaloc. Nang bumalik ang nagkasakit

nang si Echaluce sa Espanya ibinulalas niya sa lahat ng gustong makinig na

"lahat ng Kastila ay napaslang sana noong gabi ng ika-30, kung ang mga

rebelde na nananalo na ay hindi naging gaanong kaduwag (sic), habang

hinangaan naman ni Konsul de Bérard ang kapusukan ng mga naghihimagsik

na sa kabila ng mga depensang Kastila nalusutan ang mga ito at "nakaabot sa

pinakamalayong distrito ng Maynila" kahimat hindi sapat ang armas; kanilang

"sinusunod ang mga pinuno nang may partikular na disiplina." Sa katunayan,

hiniling ng Konsul ng Imperyong Aleman sa Kaiser at nagpadala naman ang

Reichsmarine ng cruiser upang iligtas ang mga mamamayang Aleman

(Nobyembre 1896). Sa kabila ng lahat ng ito, hindi tuluyang nagtagumpay

ang sabay-sabay na pagsalakay ng mga bayan sa Intramuros. Isang dahilan ay

ang pagkapatapon ng mga sundalong Pilipino sa Fuerza Santiago patungong

Mindanaw, bagay na tila nalaman lamang ni Bonifacio at ng kanyang

kasamahan nang sa nakatakdang oras ay walang narinig na putukan sa loob

mismo ng Intramuros. Nagkaroon din ng epekto ang pagiging handa ng mga

puwersang Kastila; ngunit ang pinakamabigat na dahilan ay ang hindi

pagsipot ng mga taga-Cavite at ni Hen. Fernandez mismo na siya sanang

mamumuno sa magkasamang puwersa mulang Cavite at Pasig.

Kung may pagkadetalyado mang inilalahad dito ang pagsalakay, hindi

ito ang pinakapunto ng panayam kung hindi ang istratehikong diwang

militar ng Supremo na nakabuo at nakapag-organisa ng ng masalimuot na

pagsalakay na nakasandig sa ideya ng: 1) biglaang atake sa pinakaulo ng

imperyal na ulupong; at 2) sabay-sabay na pag-aalsa ng mga bayan patungo

sa sama-samang paglusob at pag-okupa sa Maynila. Bukod dito, nabuo rin ni

Bonifacio ang pakikibakang nasasalalay sa real, ang taktikang militar ng

ilihan ng sinaunang Pilipino; tuluy-tuloy na pag-atake ito mula sa mga kuta sa

kabundukan [ilihan] pababa sa mga bayang dominado pa ng Kastila ngunit

mapag-himagsik laban dito. Taktikang militar ito mula pa sa mga pag-aalsa

ng mga Pilipino ngunit mabibigyan ng KKK ng sentral na pagkakaugnay,

bagay na magiging pangunahin ding pamamaraan ng pakikibaka ng mga

insurhenteng Pilipino mula sa panahong Amerikano hanggang sa

kasalukuyan matapos magdaan sa gerilya laban sa Hapon. Hindi ito

natutunan ni Aguinaldo dahil hindi nakasandig ang kanyang diwa sa Bayan at

sa kaalaman nito. Noong Setyembre 1896 lamang matapos mapalayas siya

sa Cavite noong Marso at nakinabang sa mga ilihang inihanda nina Bonifacio

nakuha ni Aguinaldong magdeklara ng digmaang gerilya laban sa Kastila at

ito'y habang nakikipag-usap na siya kay Gobernador-Heneral Primo de Rivera

sa pamamagitan ng kaibigan nitong si Pedro Paterno tungo sa Kasunduan ng

Biyak-na-Bato. Ang gagap lamang niyang metodong militar ay depensibo:

ang pakikipaglaban sa trinsera (tulad ng naipakita niya sa "muog" ng Cavite)

at ang pagtakas cum rear guard action (cf. ang Tirad Pass) na siyang ginawa

niya mulang Cavite hanggang Biyak-na-Bato (1897) at, buhat noong 1899,

mulang Malolos hanggang Palanan.

DR. ZEUS A. SALAZAR. Docteur en Ethnologie, may pinakamataas na karangalan, sa

Sorbonne, Université de Paris. Nagtapos ng AB History, summa cum laude sa U.P.

Diliman. Nag-aral din sa Ecole Nationale des Langues Orientales Vivantes (Paris), Freie

Universität Berlin (Alemanya) at Universiteit te Leiden (Olanda). May Licence-ès-lettres

sa Prehistoric Archeology, General Linguistics, Ethnology at History of Religions. Diplômé sa

Wika at Kabihasnang Malayo (Langue et Civilisation Malaises), at Wika at Kabihasnang

Pranses (Langue et Civilisation Françaises). Nagsanay din sa Museology sa Museum of Man

(Paris, Pransya).

Retiradong Propesor sa U.P. Departamento ng Kasaysayan, Dalubhasaan ng

Agham Panlipunan at Pilosopiya, Diliman kung saan naging Tagapangulo siya ng

Departamento ng Kasaysayan (1989-1991) at Dekano ng Kolehiyo (1991-1994). Nagturo

rin sa Department of Psychology at Departamento ng Filipino, College of Liberal Arts,

Dela Salle University, Maynila. Naging panauhing propesor sa Universität Bremen at

Universität Köln (Alemanya), Ecole des Hautes Etudes en Sciences Sociales (Paris),

Dipartimento di Studi Asiatici, Instituto Universitario Orientale (Napoli), Inter-University

Center for Post Graduate Studies, Dubrovnik (Yugoslavia), at Department of Prehistory

and Anthropology, Australian National University (Canberra). Nagbigay din ng mga

panayam sa Instituto Italiano per Medio ed Estremo Oriente (Italya), sa Universität

Hamburg (Alemanya) at sa Budva, Montenegro. Tumanggap ng dekorasyong “Chevalier

des Palmes Académique” mula sa estadong Pranses (1978); gayundin ng “Gawad ng

Pagkilala mula sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon, Kultura

at Isports (1987); at “Gawad Lope K. Santos” mula sa Sentro ng Wikang Pilipino,
Sistemang U.P. (1999), “Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas” (2009), “Bayani ng

Wika” (2009), at “Most Outstanding Bikolano Artist for Literary Arts” (2009)

Kabilang sa marami niyang lathalain ang: The Ethnic Dimension: Papers on

Philippine Culture, History and Psychology (1983); Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at

Pilosopiya (1991); Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila (1995);

Talaarawan 1996: Handog sa Sentenaryo ng Himagsikang 1896 (1995); Talaarawan 1997:

Himagsikang Pilipino 1897, Digma ng mga Anak ng Bayan (1996); Pantayong Pananaw:

Ugat at Kabuluhan (1997); Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino (1997); Ang

‘Real’ ni Bonifacio bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng Pilipinas (1997); The Malayan

Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu (1998); Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang

Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan (1999); Wika ng Himagsikan Lengguwahe ng

Rebolusyon (1999); Ang Babaylan sa Kasaysayan ng Pilipinas (1999); Marx at Engels,

Manifesto ng Partido Komunista. Isinalin mula sa Orihinal na Aleman at Nilapatan ng

Anotasyon (2000); Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka: Salin at Katha (2001); Liktao at

Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur (2004); Sikolohiyang

Panlipunan-at-Kalinangan: Panimulang Pagbabalangkas ng Isang Larangan (2004);

Pangulong ERAP: Biograpiyang Sosyopulitikal at Pangkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada

(2004). Ang Pilipinong Banua/Banwa sa Mundong Melano-Polinesyano (2006). Kabilang sa

mga nakatakda namang lumabas ang: Tasaday Controversy: The Other Amidst Us; Ang

Kasaysayan ng Kapilipinuhan: Isang Bagong Balangkas; at ang koleksyon ng mga

sanaysay ukol kay Jose Rizal.

Pangunahing tagapagdalumat ng “Pantayong Pananaw.” Tagapagtatag ng

ADHIKA, Inc. at Bahay Saliksikan sa Kasaysayan at BAKAS, Inc. Kinikilala bilang

“Ama ng Bagong Historiograpiyang Pilipino.”

“Katipunan at Haring Bayang Katagalugan”

Dr. Milagros C. Guerrero

Noong Hulyo 1892, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan na siyang

naglunsad ng unang anti-kolonyal na himagsikan sa Asya noong Agosto 1896.

Binuo niya noon ang unang pambansang pamahalaan na siyang naging

batayan ng mga gobyernong itinatag ni Aguinaldo mula 1897 hanggang

1899.

Inilipat ni Bonifacio sa pamahalaang Katagalugan ang mga simbolo at

aral ng Katipunan, na tinanggap ng Bayan bilang mapanghimagsik na

awtoridad. Ang pamahalaang iyon ay demokratiko ang simulain, tunguhin at

anyo. Sa mismong simula nito, binuo ito ng mga kinatawan mula sa mga

lalawigan kung saan may kasapian mula sa Bayan. Ginawa nitong

pambansang watawat ang bandilang pula ng Katipunan na may puting araw

na sa gitna ay ang letrang "Ka" ng baybaying Tagalog, at inatangan si Julio

Nakpil na sulatin ang pambansang awit, "Marangal na Awit ng

Katagalugan".

Sa pamamagitan ng pagtakda ng "Tagalog" bilang katawagan sa lahat

ng mga Pilipino, at ng "Katagalugan" bilang pangalan ng Bayan sa halip ng

"Filipinas" na nakakabit sa pagiging kolonya ng Espanya, inihayag ni Bonifacio

at ng Katipunan ang pag-aangkin ng kakanyahang pambansa.

Nasa pamahalaang Katagalugan ang katapatan ng makabuluhang

bahagi ng kapilipinuhan. May teritoryo ito kung saan ipinamamayani nito ang

gawain ng isang estado. May hukbong sandatahan din na ipinaglalaban at

ipinagtatanggol ang kaniyang pag-iral. May sangkap pandiplomasya na

nagtangkang makamtan ang internasyunal na pagkilala sa bagong bansa.

Ang mga gobyernong humalili sa pamahalaang Katagalugan ni

Bonifacio na republikano ay maaari lamang umiral bilang pagpapatuloy nito.

Ang pamahalaang nabuo noong 24 Agosto 1896 ay tiyak na may mas

malawak na sakop na nakasandig sa Bayan kaysa entidad na nagsantabi sa

kaniya noong 24 Abril 1897. Ngunit, bilang resulta ng labanan sa

kapangyarihan sa Cavite, naagaw ni Aguinaldo, bagamat isa lamang siya sa

mga heneral, ang awtoridad ni Pangulong Bonifacio. Kinilala ni Aguinaldo ang

Republika ng Katagalugan ni Bonifacio at tinawag itong "Republica Filipina".

Ang unang pamahalaang pambansang Pilipino ay itinatag noong

Agosto 24, 1896. Dapat tandaan ng mga PIlipino ang petsang ito bilang

Pambansang Araw, kung talagang pahahalagaan talaga ang Himagsikang

1896 at ang Katipunan. Dapat itanghal ng mga Pilipino si Andres Bonifacio

hindi lamang bilang tagapagtatag ng Katipuinan at pinuno ng Himagsikang

1896 kundi gayundin bilang Pangulong Pilipino: ang Ama ng Bansa at

tagapagtatag ng ating demokrasya.

DR. MILAGROS C. GUERRERO. Retiradong Propesor ng Kasaysayan sa Unibersidad ng

Pilipinas, Diliman. Natapos niya ang kanyang Ph.D. sa Unibersidad ng Michigan, USA at

ang AB at MA History sa U.P. Diliman. Nakatuon ang kanyang mga pananaliksik sa mga

tema ng Himagsikang Pilipino, Digmaang Pilipino-Amerikano, Historiograpiyang Pilipino

at mga pangkasaysayang usapin hinggil sa kababaihan at pesanteng magbubukid.

Marami na siyang nailabas na artikulo sa iba’t ibang babasahin. Ilan sa kanyang mga

aklat at publikasyon ang: Japanese Trade and Investments in the Philippines, 1900-1941

(Q.C., University of the Philippines Press, 1966), History of the Filipino People (kasamang
may-akda si Teodoro A. Agoncillo, Quezon City, 1970), Society and the Writer: Essays on

Literature in Modern Asia (kasamang patnugot sina Wang Gung Wu at David Marr,

Canberra, Australian National University, 1981), International Commercial Rivalry in

Southeast Asia in the Interwar Period (kasamang patnugot si Shinya Sugiyama, New

Haven, Yale University Press, Southeast Asia Monograph Series, 1994), Reform and

Revolution, Tomo 5 ng Kasaysayan (kasamang may-akda si John N. Schumacher, S.J.,

Asia Publishing Co., Ltd, 1998) at Under Stars and Stripes, Tomo 6 ng Kasaysayan (Asia

Publishing Co., Ltd., 1998).

Bilang isang guro, nabigyan siya ng teaching fellowship sa Center for South and

Southeast Asian Studies nang siya ay nasa Unibersidad ng Michigan. Nakakuha rin siya

noon ng suporta mula sa Levi Barbour Fellowhip, Susan Atkinson Fellowship mula sa

American Association of University Women, at Newberry Library Research Fellowship.

Habang nagtuturo sa UP, nagawaran siya ng Lorenzo Tañada Distinguished Professorial

Chair, dalawang beses na paggawad ng Rafael Palma Professorial Chair, Federico Alcuaz

Diamond Jubilee Professorial Chair at American Association of University Women

Professorial Chair.

Bilang isang lider sa larangan ng kasaysayan at historiograpiya, siya ay naging

Tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan sa U.P. Diliman noong 1989 hanggang

1991. Siya rin ay naging Kalihim-Heneral ng Philippine National Historical Society,

Pangulo ng Philippine Historical Association, Pangulo ng Philippine Studies Association at

isang founding member ng ADHIKA (Asosasyon ng mga Dalubhasa at may Hilig sa

Kasaysayan). Siya rin ang naging Tagapagtaguyod ng Fifth International Philippine

Studies Conference noong 1989 sa Maynila.

Bilang isang mananaliksik, siya ay naging research fellow ng Departamento ng

Kasaysayan ng Pasipiko at Timog-Silangang Asya sa Australian National University.

Nakatanggap siya ng mga tulong mula sa Rockefeller Foundation, Toyota Foundation at

Spanish Ministry of Education. Nabigyan din siya ng UNESCO fellowship para sa

pagsasanay sa Quantification in History sa Jawaharlal Nehru University sa New Delhi,

India. Isa rin siyang Fulbright Senior Research Fellow.

Ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award sa larangan ng Agham

Panlipunan noong Marso 2007 mula sa National Research Council of the Philippines ng

Departamento ng Agham at Teknolohiya.

“KUNG ANO ANG NAWALA.

Paglaho ng Himagsikan, Pagpaimbulog ng Revolucíon:

Ang Kudeta ng Tejeros at ang Dustang Kamatayan

ng Supremo (Marso 22-Mayo 10, 1897).”

Prop. Michael Charleston “Xiao” Chua

Asasinasyon ba o lehitimong parusang kamatayan ang ginawang

pagpatay kay Supremo Andres Bonifacio sa Hulog, Bundok Nagpatong,

Maragondon, Cavite. Gagawa ng tindig ang pagtalakay na kung titingnan

ang mga nangyari sa unang pangulong si Bonifacio sa Cavite mula sa

pagkaagaw ng kapangyarihan mula sa kanya sa Tejeros noong 22 Marso 1897

hanggang sa siya ay paslangin sa isang liblib na lugar na tagô sa maraming

tao, makikita na walang batayang legal ang kanyang dustang kamatayan.

Ngunit liban pa rito, titingnan din ang mas mahalagang usapin ng kung ano

ba ang nawala sa Kapilipinuhan sa krimen na ito. Oo nga't marahil patay na

isyu na ito sa iba, ngunit ang pagkamatay ni Bonifacio na nag-adhika ng

Haring Bayan at lipunang may kapatiran, kabutihang-loob, kaginhawahan at

kalayaan ang siyang nagsilang sa demokrasyang elit na naghahari pa rin sa

Bayan hanggang ngayon. Ang sistemang sana ay unti-unti nating mabago sa

pagpapasibol ng kabayanihan na nasa atin. Dahil kung wala tayong gagawin

ukol dito, patuloy nating sinasaksak at binabaril ang Supremo.

PROP. MICHAEL CHARLESTON “XIAO” CHUA. MA, tubong Tarlac, Tarlac. Masugid na

tagapagsulong ng Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan at kasapi ng Bahay

Saliksikan ng Kasaysayan. Dating Pangalawang Pangulo ng PHA at nagtuturo ng

Kasaysayan sa DLSU, Maynila. Nakapagturo sa Depto ng Kasaysayan, U.P. Dil. (2005-

2008), kung saan din siya nagtapos ng kanyang BA (2005) at MA (2010) sa

Kasaysayan. Kasalukuyang nag-aaral ng Ph.D. Antropolohiya sa U.P. Diliman.

Nakapagsalita na tungkol sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang dako. Naging docent (gurong

gabay sa mga lakbay-aral). Nakapanayam na rin ng ilang beses sa pambansang

telebisyon at radyo at naging TV commentator na sa mga makasaysayang paggunita

tulad ng Araw ng Kasarinlan, Araw ni Rizal, EDSA 25, Kasalang Real nina HRH Prinsipe

William at HRH Catherine, Duke at Dukesa ng Cambridge at Rizal @150. Kolumnista sa

Good Morning Philippines sa pitak na "Walking History." Dating mapapanood bilang

panelista sa reality political talk show sa telebisyong Pilipino, ang The Bottomline with Boy

Abunda sa ABS-CBN, kasalukuyan siyang lumalabas sa TV5 segment ng “Xiao
Time.” Noong 2011, pinarangalan bilang Natatanging Tarlaqueño para sa

Pamamahayag.

“Katotohanan at Imahinasyon:

Si Andres Bonifacio sa Pinilakang Tabing”

Prop. Nick de Ocampo

Sa mangilan-ngilang pelikula na ginawa tungkol kay Andres Bonifacio,

makikitaan sa mga ito ang isang dayalektikong pananaw na naglalahad ng

tunggalian sa pagitan ng Katotohanan at Imahinasyon, Kasaysayan at Sining.

Gusto mang ipalabas ng papel na ito na mayroong katotohanan sa mga

pelikulang hango sa kasaysayan may kahirapan na gawin ito dahil ang

tatampad sa atin ay ang mga di marisorisolbangk mga tunggaliang

sumasaklaw sa katauhan at kabayanihan ng tinaguriang Supremo ng

Katipunan at ang mga ito ay lumilitaw sa pagsasalarawan sa kanya sa

pelikula. Gustong alamin ng papel na ito kung saan nanggagaling ang di

malinaw na pagtutunghay sa kwento at kahalagahan ni Bonifacio sa larangan

ng pelikula. Nakakalungkot isipin na sa mga pelikulang ito (“Bayani” ni

Raymond Red, “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara at “El

Presidente” ni Mark Meily) nangingibabaw ang larawan ni Bonifacio bilang

biktima ng mga pangayayari at di bilang bayani na gusto nating makita sa

kasaysayan. Sa ilan dito, itinatanong pa nga ang kabayanihan ni Bonifacio. Ito

ba ay dahil sa hirap ng pag-ugnay ng pelikula sa batis ng kasaysayan? Ito ba

ay dahil sa mga puwang na di mapunuan sa mga totoong pangyayari sa buhay

ni Bonifacio? At dahil sa mga puwang na ito malaya na lang bang magbuo ang

gumagawa ng pelikula ng sariling mga pamamaraan para mapunan ng

imahinasyon ang mga totoo, ngunit piping, pangyayari? Ano ang kalalabasan

ng pag-aaral na ito at paano magagawan ng paraan na ang katotohanan sa

buhay at kabayanihan ni Bonifacio ay makamit sa pelikula?

PROP. NICK DE OCAMPO. Isang premyadong filmmaker, film historian, kasapi siya sa

kaguruan ng Pelikula sa College Mass Communications, U.P. Diliman. Ginawaran ng

Fulbright scholarship grant, nakuha niya ang kanyang Masterado sa Sining sa Cinema

Studies mula sa New York University. Bilang iskolar ng pamahalaang Pranses, nakuha

niya ang kanyang Certificate in Film sa Paris, Pransya. Si Prop. Nick de Ocampo ay may

A.B. sa Theater Arts at nagtapos ng cum laude mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

ANG BAKAS, INC.

Alam ba ninyo na ang

“BAKAS” ay may tatlong

kahulugan at kinakatawan? Ito ay ang:

1. Bagong Kasaysayan o Bagong Historiograpiyang Pilipino

2. Bahay Saliksikan sa Kasaysayan

3. Bagong Kasaysayan, Inc.

Ano ang BAGONG KASAYSAYAN o

BAGONG HISTORIOGRAPIYANG PILIPINO?

May mga dalawampung taon na ring lumalaganap sa Pilipinas ang

isang "bagong pagsusulat ng kasaysayan" na binansagang bagong

kasaysayan. Bagamat ito'y nag-angkin at nagpalawak ng ilang

metodolohikal at ideolohikal na elemento ng Pranses na "nouvelle

histoire," nasasalalay ang bagong kasaysayan sa isang praxis na

historiograpikal na naroroon na sa bayan mismo.... Mula sa isang

tatluhang reaktibong paninindigan o pangkaming pananaw (kami="kami

lamang, hindi kayo kasama") [laban sa pagsasakasaysayang "dalawahan"

ng mga Kastila] ang akademikong tradisyong ito ng historiograpiya na

nabuo simula noong 1910.

Panahon pa lamang ng Propaganda nang nayanig na sa bisa ng

paggamit ng mga labíng arkeolohikal ang pangkasaysayang tesis ng mga

Kastila ukol sa "panahong pre-hispaniko" bilang panahon ng

"barbarismo." Sa katotohana'y pinalakas nito at ng etnograpiya ang mga

argumento (ipinaglalaban) ng mga propagandista. Gayumpaman, sa

loob ng unang apat hanggang limang dekada ng dantaong kasalukuyan

ay natagpuan ang may karamihan ding datos etnograpikal at arkeolohikal

kung kaya nga't kinailangang pag-alinlanganan ang tatluhang pananaw
[mismo] ng pagsasakasaysayan. Sa ganitong konteksto nalikha ang

bagong kasaysayan, na ang mabilisang pag-unlad nitong nakaraang

sampung taon ay nagbabantang magpawalang-bisa sa tradisyonal na

pagsasakasaysayan. Sa pamamagitan lamang ng ganitong pagtatantiya

maaaring banggitin sa unang pagkakataon ang posibleng pagsisimula ng

isang tagisang intelektuwal sa pagitan ng mga Pilipinong historyador.

Z.A.Salazar, "Geschichtsschreibungskontroverse: ein philippini-scher Historikerstreit?"

panayam hinggil sa "Bagong Kasaysayan" na binigkas sa Institut für Indonesische

und Südsee-sprachen, Universität Hamburg noong ika-22 ng Mayo 1995, (cf. Salazar,

The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Lunsod Quezon:

Palimbagan ng Lahi, 1998, pah. xxx-xxxi). Salin ni Portia Liongson Reyes.

Ano ang BAHAY SALIKSIKAN SA KASAYSAYAN?

Isang aralang grupo na itinatag noong 1985 sa Alemanya.

Pangunahing tagapagtaguyod nito si Dr. Zeus A. Salazar (kasama sina Dr.

Agnes Urban-Mendoza, Dr. Nilo Ocampo, Dr. Jaime Veneracion at Dr.

Evelyn Miranda).

Nagtataguyod ng mga kumperensya, seminar at ilan pang gawaing

akademiko sa Pilipinas gaya ng mga palihan, libot-panayam, bukod sa

paglalathala ng mga aklat sa pagpapaibayo ng Pantayong Pananaw (PP).

Nagpasimuno sa pagtatatag ng Pambansang Samahang Pangkasaysayan

na ADHIKA, Inc.

Programa at Proyekto

Naging instrumental ang Aralang Grupo sa pagpapasinaya ng

dalawang malaking kumperensya na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas,

Diliman noong 1989: (1) ang Kolokyum Ukol sa Paggamit ng Wikang

Pilipino: Pag-aaral, Pagtuturo, Pananaliksik, at Pagsasanay, na ginanap sa

Teatro ng Bulwagang Malcolm, U.P. Diliman noong ika-19 ng Pebrero

1989, at inorganisa katuwang ang Departamento ng Kasaysayan at

Grupong Miyerkoles sa Kasaysayan at Pilosopiya; at (2) ang Unang

Pambansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino sa U.P. Faculty

Center noong ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril 1989, sa pakikipag-

ugnayan naman sa U.P. Lipunang Pangkasaysayan (U.P. LIKAS), at muli sa

Departamento ng Kasaysayan. Nilayon ng naunang kumperensya na

maipakita ang kasaysayan ng paggamit ng wikang pambansa sa iba’t

ibang disiplina sa akademya sa pamamagitan ng pagtitipon sa mga guro

at propesor na nagpupunyagi tungo sa pagtatatag, pagpapalawak,

pagpapalalim, at pagpapalaganap ng wikang pambansa “bilang batayan

ng isang diskursong siyentipiko at pang-edukasyon na nasasalalay at

naiuugnay sa karanasan ng marami.” Samantala, kinalap naman ng

pangalawang kumperensya ang mga historyador na Pilipino upang

magkaroon ng konsensus sa antas ng historyograpiya sa Pilipinas nang

panahong iyon. Nagbigay-daan ang huli sa pagkatatag ng Asosasyon ng

mga Dalubhasang may Hilig at Interes sa Kasaysayan (ADHIKA, Inc.).

Bukod sa pagdaraos ng mga seminar at kumperensya at ilan pang

gawaing akademiko sa Pilipinas, naglalathala rin ang samahan ng mga

aklat sa pagpapaibayo ng “Pantayong Pananaw.” Cf.

www.bagongkasaysayan.org/publikasyon/index.html. Tingnan din ang

www.bagongkasaysayan.multiply.com.

[Rebisadong bersyon ng tekstong direktang halaw sa: Pambansang Direktoryo ng mga

Alagad ng Wika, Lunsod Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, U.P. Diliman &

Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining, 2004, pah. 555-557]

Ano ang BAGONG KASAYSAYAN, INC.?

Maikling Kasaysayan

Ang Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc. ay pambansang samahan

ng mga guro ng agham panlipunan mula elementarya, sekondarya,

tersiyarya na inorganisa at pormal na itinatag noong 2002/2004 upang

isulong ang mga kaisipan at gawaing pang-akademiko ni Dr. Zeus Salazar.

Ang pagkatatag ng Samahan ay inokasyon ng tatlong pangunahing

kaganapan: ang 1) pagreretiro ni Dr. Salazar sa Unibersidad ng Pilipinas at

Dela Salle University, 2) ang nakabantang panganib sa disiplina ng at

pagtuturo ng Kasaysayan na dulot ng direksyong Makabayan ng DepEd at
3) ang hindi pagbaba at pag-abot sa instruksyong elementarya at

sekondarya ng diskursong Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan/

Bagong Historiograpiyang Pilipino” [Resolusyon ng BAKAS, Inc. 2011.1].

Layunin ng Samahan

Sa pangkalahatan, layunin ng Samahan ang:

1. Ipalaganap ang “Bagong Kasaysayan” o Bagong Historiograpiyang

Pilipino at ang “Pantayong Pananaw” o pananaw na Pilipino sa

pagbasa at pagsusulat ng kasaysayan ng Pilipinas, at sa lahat ng may

kinalaman sa Pilipino;

2. Tulungan ang mga guro/mananaliksik/mag-aaral na mabuo at mahasa

ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo, pananaliksik at

publikasyon; at

3. Magsagawa ng mga proyektong magpapalaganap ng tunay na

kapantasang Pilipino sa wikang Pilipino, na hindi nalilimitahan sa mga

libot-panayam, kumperensya, seminar-workshop, pananaliksik at

publikasyon.

[Mula sa: Bagong Kasaysayan (BAKAS), Inc. Articles of Incorporation, 2004]

Simula 2003, sa pakikipag-ugnay/pakikipagtulungan sa Bahay Saliksikan

sa Kasaysayan, inilunsad ng BAKAS, Inc. ang una sa serye ng mga

pambansang BAKAS seminar-workshop na nakatuon sa iba’t ibang usapin

sa Kasaysayan at sa Agham Panlipunan. Layunin ng taunang BAKAS

seminar-workshop na:

1. Maipaalam sa mga guro ng iba’t ibang antas pang-edukasyon ang mga

pinakabagong pagsulong sa akademya sa larangan ng agham

panlipunan, partikular sa mga usaping may kinalaman sa kasaysayan,

lipunan at kulturang Pilipino

2. Mabigyan ang mga guro ng may-pangkalahatang pag-unawa sa

agham panlipunan – i.e., ang pag-unawang napakahalaga sa

makabuluhang lapit sa integrasyon ng agham panlipunan sa iba’t ibang

subject area at vice versa; at

3. Maipaalam at matulungan ang ating mga guro na mapahalagahan ang

mga pinakabagong pagsulong pangcurriculum; gayundin ang mga

teknika at metodo ng pagtuturo, pananaliksik at publikasyon, kabilang

ang paggamit ng makabagong teknolohiyang pang-impormasyon at

multi-media sa klase.

UKOL SA PAGSAPI SA BAKAS, INC.

Ang kasapian ng BAKAS, Inc. ay binubuksan lamang minsan sa

loob ng isang taon. Ito ay sa mismong taunang Pambansang BAKAS

Seminar-Workshop. Ang mga indibidwal ay maaring magpamiyembro sa

samahan habang dumadalo bilang delegado sa naturang pagtitipon.

Sinu-sino ang maaring maging kasapi?

Bagamat sa pangkalahatan ang Samahan ay binubuo ng mga guro

ng agham panlipunan mula elementarya, sekondarya, tersiyarya, bukas

ang BAKAS, Inc. sa sinumang mananaliksik, mag-aaral, guro o pribadong

indibidwal na may interes sa kasaysayan at wika-at-kalinangang Pilipino,

gayundin sa higit na malawak na usapin ng agham panlipunang Pilipino.

Anu-ano ang mga uri ng kasapi?

May dalawang uri ng mga kasapi na bukas sa mga indibidwal: ang

1) taunan at ang 2) panghabambuhay. Sa kasalukuyan, ang pagpapatala

ay nagkakahalaga ng 300 Php para sa taunan at 1,000 Php naman para sa

panghabambuhay.

Anu-ano ang mga benepisyo ng kasapi?

Ang mga kasapi ng Samahan ay makatatanggap ng mga

sumusunod na benepisyo:

1) May diskuwento o libreng pagpapatala sa mga itinataguyod ng

BAKAS, Inc. na mga gawaing pang-akademiko kagaya ng mga

seminar-workshop, kumperensya, lakbay-aral, sampaksaan, libotpanayam,

mga publikasyon, at iba pa;

2) Aklat/monograf ng BAKAS, Inc. (o ng mga tagapagtaguyod nito) sa

tuwing dadalo (kung kasaping panghabambuhay) o dadalo at

magpaparenew ng kasapian (kung kasaping taunan) sa taunang

Pambansang BAKAS Seminar-Workshop;
3) Komplimentaryong kopya ng mga sulat-balitaan sa tuwing ang

Samahan ay makapaglalabas/makapaglalathala ng mga isyu; at

4) Pagkakataong makakuha/makapag-uwi ng mga aklat, kasangkapang

panturo kagaya ng mga mapa, cds, posters at iba pa sa tuwing dadalo

sa taunang Pambansang BAKAS Seminar-Workshop; at sa iba pang

mga gawaing pang-akademiko ng Samahan kagaya ng mga

kumperensya, libot-panayam, sampaksaan at iba pa.

5) Pagkakataong maitaguyod/matulungan ng Samahan sa mga

pagsusumikap ng mga kasapi (kasama o hindi ng kanilang

paaralan/kolehiyo/unibersidad/institusyong kinabibilangan) sa

larangan ng pagsasanay, pananaliksik at paglalathala sa direksyon ng

Pantayong Pananaw at Bagong Kasaysayan/Bagong Historiograpiyang

Pilipino;

6) Membership I.D. Kung panghabambuhay o permanenteng kasapi: PBC

at laminated I.D. na may kaukulang bayad. Kung taunang kasapi:

regular na BAKAS I.D. Walang bayad.

7) BAKAS membership pin kung kasaping panghambuhay.

ANG BAKAS, INC. LOGO

Kapwa ang Bahay Saliksikan sa

Kasaysayan at BAKAS, Inc. ay may logong

pinakatampok ang Banga ng Calatagan

(Batangas) sa isang dako, bilang sagisag ng

pagkakatipon/pagtitipon, sa loob ng isang kabuuan, ng mga datos,

kaganapan, kaisipan, pananaw at pagdadalumat, at sa kabilang dako,

bilang pagbibigay-saysay hinggil sa Kapilipinuhan sa agos ng pag-iral nito

sa daigdig ng kasaysayan. Orihinal sa aralang grupo ang logo. Sa

kasalukuyan, ipinag-iiba lamang ang BAKAS, Inc. sa aralang grupo sa

pagkakasulat ng pangalan at taon ng pagkatatag sa ilalim ng banga. Dulot

ito ang pagkakabigkis ng dalawang grupo ni Dr. Zeus A. Salazar at ng

adhikaing maipalaganap ang Pantayong Pananaw at Bagong

Historiograpiyang Pilipino.

Inaanyayahan po kayong dumalo sa:

ukol sa

“PAMAYANAN (h-k. 500,000-250,000 BK. - 1588 MK.):

Unang Yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan sa Pagdiriwang ng

Ika-400ng Anibersaryo ng Pagkalimbag ni Thomas Pinpin ng

Diksyunaryo ni San Buenaventura (1613) sa Pila, Laguna.”

Abril 3-6, 2013 / San Antonio de Padua College, Pila, Laguna
Mga Tagapag-organisa

BAKAS, Inc.-Bahay Saliksikan sa Kasaysayan kasama ng San Antonio de

Padua College, Pila, Laguna sa pakikipagtulungan sa Pila Historical Society

Foundation, Inc. at sa Sangguniang Bayan ng Pila, Laguna. Inorganisa rin sa

pakikipag-ugnay sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Komisyon sa

Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), Pambansang Komisyon para sa

Kultura at mga Sining (NCCA) at Pambansang Komisyong Pangkasaysayan

(NHCP).

Mga Layunin

1) Upang mabigyan ng ibayong laman at kahulugan, at mapalalim ang

yugtong “Pamayanan (h-k. 500,000-250,000 BK. - 1588 MK.)” ng

bagong pagtingin sa kasaysayan ng bansa, ang Kasaysayan ng

Kapilipinuhan: Bagong Balangkas, na ang pangkalahatang daloy ay

natalakay na sa Ika-10 ng BAKAS Seminar Workshop sa Don Bosco

Technical Institute, Makati (2012);

2) Upang maipaliwanag nang mas masinsinan ang aspetong ito ng

kasaysayan ng Pilipinas na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa alam

ng mga tradisyunal na historyador at samakatuwid ay nagbibigay-daan

sa malabong pagkilala sa ating totoong ugat pangkasaysayan at kaugnay

nito, pagtingin din sa ating identidad at tadhana bilang Bansa. Ang

Diksyunaryo ni San Buenaventura ang nagtutulay sa pagitan ng

nakaraan na matatalakay sa seminar-workshop at ng ating kasalukuyang

kaalaman ukol sa ating Pambansang Wika.

Ang aktwal na BAKAS Seminar-Workshop ay gaganapin sa Abril 3-5 at

susundan ng Lakbay-aral sa Abril 6, 2013 sa mga lugar pangkasaysayanarkeolohikal

at pangkalinangan sa paligid ng Lawa ng Laguna. Layunin ng

huli na mabigyan naman ang mga guro ng pangkaranasang pagkatuto

(experiential learning) na mahalaga sa mas malalimang pag-unawa sa

nakaraan sa pamamagitan ng pagtungo sa mga pook arkeolohikal at mga

maagang bayang kolonyal sa lugar.

Bayad sa Pagpapatala

1. Pambansang Seminar-Workshop kasama ang Lakbay-aral

(Abril 3-6, 2013):

3,300 Php (Kasapi ng BAKAS, Inc.)

3,600 Php (Hindi kasapi ng BAKAS)

Nakapaloob: seminar-workshop kit (papel & bolpen, programa, mga

abstrak ng papel & CD ng mga presentasyon); tanghalian at merienda

para sa apat (4) na araw; hapunan para sa dalawang (2) araw; at katibayan

ng pagdalo at pakikibahagi para sa apat (4) na araw.

2. Pambansang Seminar-Workshop hindi kasama ang Lakbay-aral

(Abril 3-5, 2013):

2,500 Php (Kasapi ng BAKAS, Inc.)

2,800 Php (Hindi kasapi ng BAKAS)

Nakapaloob: seminar-workshop kit (papel & bolpen, programa, mga

abstrak ng papel & CD ng mga presentasyon); tanghalian at merienda

para sa tatlong (3) araw; hapunan para sa dalawang (2) araw; at katibayan

ng pagdalo at pakikibahagi para sa tatlong (3) araw.

May limitado subalit libreng akomodasyon para sa mga Kasapi ng BAKAS,

Inc.-Bahay Saliksikan sa Kasaysayan at sa ilang mga delegado na

manggagaling sa probinsya. Gayunpaman, kinakailangang magdala ang

bawat isa ng sariling beddings at makipag-ugnay sa Lupong Abala

(secretariat) para sa maagang pagpapatala. Gaya ng nakasanayan na natin,

ang lahat delegado ay may pagkakataong makakuha ng mga aklat at iba pang

kasangkapang panturo gaya ng mga globo, mapa, posters at iba pa.

Maari nang idownload ang Ched memo at Deped advisory sa opisyal na

website ng mga naturang ahensya. Maari ring idownload ang mga ito, kasama

ng mga liham ng paanyaya sa www.bagongkasaysayan.multiply.com at

www.bagongkasaysayan.org. Maari rin pumunta sa mga Facebook account

ng Bagong Kasaysayan o di kaya ay kontakin ang mga sumusunod: sa

pamamagitan ng SMS sa 0927-6085831 (globe) at 0939-9204132 (smart) o

telefax 632-9272396.
Pinasasalamatan ang mga sumusunod

www.bagongkasaysayan.multiply.com

www.bagongkasaysayan.org