PILING LARANG MODULE 1
module
module
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Tayahin
Panuto: PAGPAPALIWANAG: A Sumulat ng isang paliwanag ukol sa katanungan. (10
puntos.) Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano ang
kabutihang dulot
nito.______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________
B. PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN Suriin ang mga halimbawa ng
akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at kaalaman ukol
sa pormat sa pagbuo .Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.
A. Panunuring Pampanitikan
B. Bibliyogarapiya
C. Tesis
D. Artikulo
E. Konseptong papel
F. Pamanahong papel
G. Disertasyon
H. Pagsasaling-wika
I. Aklat
J. Abstrak
____1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May
ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong
sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
____2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang
balangkas o framework.
____3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.
Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado.
____4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
____5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.
____6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag sa ibang
anyo ng wika.
____7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng karunungan
____8.(Maaaring pahayagan, magasin, at iba pa). ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang
impormasyon na may kinalaman sa iba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating
lipunan, kalusugan, isports, negosyo, at iba pa.
____9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o pablikasyon.
Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto, talumpati, katitikan
ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial essay, lakbay-sanaysay at abstrak.
____10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga report.
28