05.02.2022 Views

PILING LARANG MODULE 1

module

module

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

________5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa

pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan

ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.

Balikan

Panuto: PAGSULAT:Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili

ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.

.Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito ? Bakit nagustuhan mo ito

sulatin? Ano-anong kabutihang: dulot sa pagsusulat ? Ilahad mo ito sa kahon.

Tuklasin

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa

mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng

Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang

naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang

pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay

Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong

Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa

pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan

ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa

pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin ,

paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga

talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan

sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at

kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng

pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong

nakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga

sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing

tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon kay Mabilin (2012) ang

2

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!