You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Filipino sa Piling
Larangan -
Akademiks
Digital Book
By:
Jan Lloyd Dugo
Bionote
Si Jan Lloyd Dugo ay nagtapos ng Bachelor of Science in Civil
Engineering, suma cum laude sa Ateneo de Manila University noong
2026. Nakadalo na siya sa iba’t ibang kumprehinsiyang pangguro sa
Pilipinas pati na rin sa ibang bansa tulad ng Japan, America, at China.
Siya ay nagtrabaho bilang isang Junior Engineer ng tatlong taon sa isang
architectural firm na Aidea Philippines Inc. Nagtabaho din siya bilang
Head Engineer ng AECOM sa America. Siya rin ang kauna unahang
arkitektura na nakapagpatayo ng Eiffel Tower sa Pilipinas at siya rin ang
nagpatayo ng itinaguriang pinakamalawak na gusali sa Pilipinas, ang
Mall of Philippines.
Abstrak
Mga Epekto ng Gadyets sa Akademikong Pagganap ng mga Magaaral
sa Ika-labindalawang Baitang ng Camp General Emilio Aguinaldo High
School
Ang pag-aaral na ito ay naglalahad kung nakaaapekto ba talaga ang
paggamit ng gadget sa gawaing akademiko ng mga mag-aaral. Ito ay napapanahon
sapagkat sa pamamaraan ng pagtuturo ngayon, nakadepende sa gadget ang mga
estudyante upang makapag-aral ngunit hindi maikakaila na ito ay may mga hindi
magandang epekto tulad ng potensyal nito na makaabala sa pagkatuto. Layunin
nito na malaman kung gaano kalaki ang dulot ng paggamit ng gadget sa pagkatuto
sa paaralan. Sa pamamagitang ng paggamit ng Pearson’s correlation coefficient
test gamit ang academic performance rating indicators na nakuha sa pamamagitan
ng pagsagot ng questionnaire, napag-alaman sa pananaliksik na ito na mayroong
maliit na relasyon ang dalawang salik na ito. Ito ay nangangahulugan na hindi
malaki ang naitutulong sa atin ng gadgets sapagkat ito man ay nakakatulong, ito rin
ay nakahahadlang kung kaya’t nagtatabla lamang sila. Inilalahad rin nito na
mayroong mga mag-aaral na gumagamit ng gadget na mas mahaba sa 7 hanggang
8 oras sa isang araw na sadya namang nakababahala. Sa pagtatapos, layon nitong
pag-aaral na magtaguyod ng disiplinadong paggamit ng mga gadgets. Ang
pangkalahatang pagganap ng akademiko ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ay
mataas sa 82% sa average batay sa isang rubric na aming dinisenyo. Ang mga
natuklasan ay isiniwalat na mayroong maliit ngunit hindi makabuluhang epekto ng
paggamit ng mga gadget sa akademikong pagganap sa mga mag-aaral sa Baitang
12.
Buod At Sintesis
Inaasahang mga bakunang darating ngayong taon sa ating bansa
Buod:
Noong Linggo, Hunyo 6, isang bagong padala ng mga pagbabakuna sa Sinovac na ginawa sa
Tsina ang dumating sa Pilipinas. Ang mga dosis ay sapat upang ganap na mabakunahan ang kalahating
milyong tao. Dumating ang pagdating ilang araw lamang matapos ma-sertipikahan ang bakuna para sa
emerhensiyang paggamit ng World Health Organization (WHO). Inirekomenda ng WHO na ang mga
taong higit sa edad na 18 ay tumanggap ng pagbabakuna, na sinusundan ng pangalawang dosis 2-4 na
linggo mamaya. Ang Pilipinas ay naghahangad na makamit ang kawan ng kaligtasan sa sakit sa
pagtatapos ng 2021, ngunit ang mga mambabatas ay nagpahayag ng pag-aalala na ang kasalukuyang hindi
magandang rate ng pagbabakuna sa bansa ay maaaring hadlangan ang layuning ito.
Sintesis:
Ayon sa Rappler (2021), isang bagong padala ng mga pagbabakuna sa Sinovac na ginawa sa
Tsina ang dumating sa Pilipinas. Ang mga dosis ay sapat upang ganap na mabakunahan ang kalahating
milyong tao. Dumating ang pagdating ilang araw lamang matapos ma-sertipikahan ang bakuna para sa
emerhensiyang paggamit ng World Health Organization (WHO).
Ayon sa U.S Embassy in the Philippines, tinanggap ng Estados Unidos ang matagumpay na
pagdating sa Pilipinas ng 2,282,850 na dosis ng bakunangU.S Pfizer-BioNTechCOVID-19, ang
pinakamalaking padala hanggang ngayon. At sa mga linggo at buwan na hinaharap, patuloy na
dumaraming dami ng mga kinakailangang bakunang patuloy na darating. Ang paghahatid na ito ay
ibabahagi sa pagitan ng mga lungsod ng Cebu, Davao, at Maynila.
Ayon sa Republic of the Philippines News Agency, mas mapaparami ang darating na mga bakuna
sa ating bansa dahil sa pangako ng ibang mga bansa na magbibigay ng mga sobrang bakuna para sa
COVID-19. Sinabi rin na ang bansang United States ay mag bibigay ng limang milyong dosage sa buong
mundo. Inaasahan na makakatanggap ang Pilipinas ng mahigit 44 milyong doses ngayong taon.
References:
https://www.rappler.com/nation/philippines-covid-19-vaccine-doses-new-sinovac-delivery-june-6-
2021?fbclid=IwAR0H2_GtUCP8pxfybZUDu_bK79DeclFiIkvuO4YBcwrwlpd-3j7VgVTGZ2Q
https://ph.usembassy.gov/over-2-million-us-supported-pfizer-biontech-vaccines-arrive-in-cebu-davaoand-manila/
https://www.pna.gov.ph/articles/1143772?fbclid=IwAR2fdMZRmrP9ALRLmVTw41A1vq8T9EHfGGL
XGm3IqifAEeRX4hLdZ9aLzF4
Panukala ng Proyekto
Panukalang proyekto sa pagkakaroon ng e-library sa Camp General Emilio Aguinaldo
High School
Mula kay: Jan Lloyd Dugo
Easwood City
Barangay Bagumbayan
June 24, 2021
Haba ng panahong gugulin: Dalawang buwan
I. Pagpapahayag ng mga Suliranin:
Ang paraan ng pag-aaral ngayon ay online learning. Ang pagpapatupad ng E-library ay
para matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik at iba pang gawin sa paaral dahil
sa kadahilanang sarado ang mga library dahil sa COVID-19 pandemic.
II. Deskripsyon at layunin ng Proyekto:
Deskripsiyon – Pagpapatupad ng updated at maayos na e-library sa Camp General Emilio
Aguinaldo High School
Layunin ng Proyekto – mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga magaaral
ng Camp General Emilio Aguinaldo High School para sa kanilang aralin at
pananaliksik.
III. Plano Dapat Gawin:
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet. (2 linggo)
2. Pagsasagawa ng mga bidding mula sa mga web designer at app developer para sa
gagawing E-library. (2 linggo)
3. Pagpupulong ng mga Guro para sa pagpili ng app developer at web designer.
4. Paggawa ng E-library sa Camp General Emilio Aguinaldo High School. (1 buwan)
5. Pagpapalabas ng E-library. (1 araw)
IV. Badyet:
Mga Gagastusin
Halaga ng pagpapagawa ng E-library batay sa
inisumite ng napiling app developer at web
designer.
Halaga
Php 10,000
V. Pakinabang:
Ang mga mag aaral ng Camp General Emilio Aguinaldo High School ang makikinabang sa
proyektong ito upang sila ay may magagamit na sanggunian sa kanilang pag-aaral at
pananaliksik. Ito ay makakatulong sa kanila upang hindi na nila kailangang lumabas para
pumunta ng library.
Memorandum
Bagumbayan Barangay Hall
55 San Roque Street, Quezon City
Tel.no. 90875832
MEMORANDUM
Para sa: Mga kagawad sa Brgy. Bagumbayan
Mula kay: Jan Lloyd Dugo (Brgy. Captain)
Petsa: Abril 27, 2021
Paksa: Pagbibigay ng relief goods sa mga risidente ng Brgy. Bagumbayan
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, inatasan ng pangulo na maging MECQ
(Modified Enhanced Community Quarantine) ang ating lugar. Dahil dito ay marami ang nawawalan ng
trabaho, kaya naman inaasahan ko ang lahat ng mga kagawad ng Brgy. Bagumbayan na makiisa sa
pulong upang mapagusapan ang pamimigay ng relief gooods upang matulungan ang mga residente natin.
Mangyaring sundin ang ang skedyul para sa magaganap na pulong.
Agenda
Petsa: Abril 26, 2020
Oras: 9:00 – 10:00 n.h
Lugar: Bagumbayan Barangay Hall
Paksa/Layunin: Pagbigay ng Relief Goods sa mga residente ng Barangay Bagumbayan
Mga Dadalo:
1. Jan Lloyd Dugo (Brgy. Captain)
2. Miguel Flores (Brgy. Kagawad)
3. Patricia Kaye Murillo (Brgy. Kagawad)
4. Joshua Pactor (Brgy. Kagawad)
5. Mark Hendrix Reyes (Brgy. Kagawad)
6. Mae Mendezabal (Brgy. Kagawad)
7. Alfonso Ureta (Brgy. Kagawad)
Paksa/Adyenda: Taong Tatalakay Oras
1. Introduksyon Dugo 15 minuto
2. Pagpresenta at pagtalakay sa
adyenda
a. Ano ang laman ng relief
goods na ibibigay.
b. badyet na kakailanganin
Flores
20 minuto
3. Karagdagang impomasyon Murillo 15 minuto
4. Pangwakas na salita Dugo 10 minuto
Katitikan ng Pulong
Dilasag National High School
Barangay Masagana
Aurora Province
Pulong para sa pagdaraos ng buwan ng wika
Layuninn ng pulong: Paghahanda para sa darating na buwan ng wika
Petsa/Oras: Hulyo 26, 2019 sa ganap na ika – 4:00 ng hapon
Tagapanguna: Joel S. Amon (Principal)
Bilang ng mga Taong Dumalo:
Mga Dumalo: (15) Mark Bryan Rugayan, Ivy Tarayo, Shiela Tulod, Mark Jaster Taguines, Jan
Lloyd Dugo, Meldian Vilapando, Lovelyn Rodriguez, Alexandra Nicolas, Kenneth Sawit, Gerome
Briones, Princess Joy Donato, Ronnalyn Josue, Kenneth Manuel Bernabe, Jessica Santiago, Maricel
Rufino.
I. Call to order.
Mga Liban: (1) Florendo Josue
Sa ganap na 4:00 ng hapon ay pinasimulan ni G. Joel S. Amon ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag ng atensyon ng lahat.
II. Panalangin:
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Shiela Tulod
III.
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni G. Joel Amon bilang tagapanguna ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong:
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong hulyo 17, 2019 ay binasa ni Ivy Tarayo.
Iniulat niya ang magaganap sa buwan ng wika at mga dapat ihanda. Ang mosyon ng pagpapatibay ay
pinangunahan ni Bb. Shiela Tulod at sinang – ayunan ni G. Joel Amon.
V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:
Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
Paksa Talakayan Aksyon Taong magsasagawa
Badget para sa mga
dekorasyon sa
Tinalakay ni G. Joel
Amon ang halagang
Donasyon galling sa
magulang ng mga magaaral.
Bb. Shiela
Tulod
entablado kung saan gagamitin para sa
Ivy Tarayo
gaganapin ang buwan dekorasyon ng
Jan Lloyd
ng wika
entablado. Ayon sa
Dugo
kanya, ito ay aabot sa
dalawang libong piso.
Iskedyul sa
pagsasagawa ng
Tinalakay ni G. Joel
Amon ang mga
Pagsagawa ng listahan
ng maaring aktibidad
Lovelyn
Rodriguez
dekorasyon at
patimpalak na
patimpalak na
magaganap at tinalakay
na magaganap at
pagpili ng mga
Jessica
Santiago
magaganap.
naman ni Lovelyn dekorasyon sa
Mark Bryan
Rodriguez ang mga palengke.
Rugayan
disenyo ng entablado.
Alexandra
Nicolas
Pamimili ng Guest
speaker o kinatawan sa
gaganaping buwan ng
wika at mga gurong
mag babantay sa nga
patimpalak na
magaganap sa paaralan.
Tinalakay ni Bb. Shiela
Tulod ang magiging
kintawan sa Buwan ng
Wika na manggaling sa
Manila. Inatasan din
niya ang mga gurong
magbabantay sa bawat
aktibidad na gagawin sa
paaraln.
Ang mga guro sa P.E at
Filipino ay inatasan
upang organisa sa mga
akitibidad na gagawin
sa paaralan.
Bb. Shiela
V. Pagtatapos ng Pulong
Lahat ng paksa ay natalakay at napag-usapan ng maayos at wala nang dapat pang linawin. Ang
pulong ay winakasan ni G. Joel Amon sa ganap na ika 5:30 ng hapon.
Inihanda at Isinumite ni:
Jan Lloyd Dugo
Hulyo 26, 2019 sa ganap na ika 5:40 ng hapon
Talumpati
Kalagayan ng wika sa panahon ng pandemya
Magandang umaga sa inyong lahat na aking tagapakinig, naririto ako upang
itampok sa inyo ang kalagayan ng wikang Filipino ngayong panahon ng
pandemya. Wikang Filipino - isang wika na kahit saan man tayong lugar lumaki,
ano man ang kinagisnang wika, na kahit mapunta ka sa hindi gaanong pamilyar na
lugar ay magkakaintindiha kayo ng kapwa mo Pilipino dahil sa ating pambansang
wika – ang Filipino.
Marso taong 2020 noong magsimula ang pandemya at “quarantine” sa ating
bansa. Tayo ay nanatili sa ating bahay at bawal lumabas o mamasyal. Paano na ang
ating pambansang wika? Paano na ito magagamit kung gayong hindi na tayo
nakakalabas at may kanya-kanya tayong wikang ginagamit?
Facebook, YouTube, at iba pang social media mas lalo na ang tiktok na siya
namang napakasikat ngayong pandemya. Hindi naman nawala ang paggamit sa
ating wikang Filipino dahil marami ang mga paraan upang magamit ito. Maraming
social media influencers ang guamgamit sa kanilang platforms upang maituro ang
mga bagay-bagay patungkol sa ating wika, Halimbawa na lamang ay kung paano
ang paggamit sa “nang” at “ng” at iba pang mga aralin.
Napabalita rin na hinihikayat ng isang opisyal ng komisyon ng wikang
Filipinpo na gamitin ang ating wika uoang magbigay kaalaman sa mga tao tungkol
sa COVID-19. May mga nababasa na rin akong palatuntunin patungkol sa COVID-
19 na gamit ang wikang Filipino at hindi lamang ang wikang Ingles.
Ngayong tayo ay dumaranas ng hirap dahil sa pandemya, napagtanto ko na
hindi basta-basta mamatay ang ating wikang Filipino. Napag-aaralan pa rin ito at
patuloy na ginagamit ng mga Pilipino. Hindi ito basta-basta mawawala – bakit?
Dahil ito ang ating pambansang wika, Muli ako si Jan Lloyd Dugo at maraming
salamat sa inyong pakikinig.
Lakbay Sanaysay
Baguio Trip
Ang “Summer Capital” ng Pilipinas ay matatagpuan sa Baguio City. Ang lungsod ng
baguio ay karinawang may temperatura na 18 sentigrado. Ang malamig na klima ng siyudad ang
nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan ito ng mga dayuhan at bakasyonistang
Filipino lalo na sa panahon ng tag-init. Ang lungsod ng Baguio rin ay isang 1 st class highly
urbanized na lungsod sa hilagan Luzon sa Pilipinas. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5
kilometro kwadrado. Ang ayos naman ng lungsod ay naayon sa naunang plano ng tanyag na
arkitektong si Daniel Burnham. Ang kultura ng lungosd ng Baguio ay Ifugao, ito ay galing sa
salitang ipugo na ang ibig sabihin ay “mula sa mga burol.” Halo-halo ang mga salitang ginagamit
dito. Mayroong tagalog, kankana-ey, Ilocano at iba pa.
Kasama ang aking pamilya ay pumunta kami sa “Burnham park” na pabalik-balik kami
dito dahil ang sarap ng simoy ng hangin sa lugar na ito. Sa parkeng ito ay matatagpuan ang isang
Dancing Fountain at isang ilog na pwede kang mamamangka na nagkakahalaga ng 150 pesos. Isa
rin sa mga napuntahan namin tuwing gabi ang “Baguio Night Market” na makakabili ka ng kung
ano-ano katulad ng mga damit, accersories, masarap na pagkain, at iba pa na abot kaya lang.
Napuntahan din namin ang “The Mansion” na “Summer Palace of the Phillipine President”, dito
sa lugar na ito ay sobrang mahamog ang mga araw na iyon kaya hindi namin ito matanaw sa
labas ng Gate. Dito rin ako nakatikim ng taho na may halong Strawberry o Ube na sobrang sarap
dahil akala ko lang na pareho lang sa Manila pero may twist ang taho nila. Kami ay nanatili sa
Camp John Hay Forest Cabin. Dito, napakarami ng puno sa paligid kaya naman napakalamig
mas lalo na sa gabi. Kinabukasan ay pumunta kami sa Mines View Park, nagustuhan ko ang mga
tanawin lalo na sa kabundukan. Marami kang magugustuhan sa Mines View Park kapag
marunong kang humanga sa ating kalikasan. Pagkatapos naman ng Mines View Park ay pumunta
kami sa Wright Park at nag renta kami ng mga kasuotan ng mga Igorot. Hangang hanga ako sa
kanilang kasuotan dahil ito ay tribal at parte sa kanilang kultura dito sa Baguio. Bago kami
umuwi ay pinuntahan namin ang “SM Baguio”, na kung saan ay walang mga bintana ang mga
gusali dahil nga sa napakalamig sa temperatura sa lugar.
Para sa akin mahalaga ang pag oobserba sa kapaligiran lalong lalo na kapag pumunta ka
sa lugar na wala kang alam sa kanilang kultura o sa lugar mismo, dahil sa pamamagitan nito ay
marami kang malalaman tungkol sa kapaligiran mo. Sulitin natin ang ating panahon habang hindi
pa tayo matanda at mas marami tayong matutunan at malalaman tungkol sa kasaysayan at kultura
ng bawat lugar hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Replektibong Sanaysay
Ang Pamilyang Hindi Perpekto
Kahit saan mang aspekto ng buhay ng tao, pamilya ang isa sa mga dahilan
kung bakit tayo nagkakaroon ng motibasyon para mabuhay at mag-aral.
Napakalaking bahagi ng ating buhay ang pamilya. Sila ang humubog sa atin at
nagpamulat sa ating mga kakayahan, karanasan, at kaganapang pang-indibidwal.
Sa labing walong taon kong nanatili at pakikibaka sa mundong ibabaw masasabi
kong ako ay parang nasa isang tulay ng lubid na walang ibang hinangad kung hindi
ang makarating sa dulo, ito ay maraming pagsubok na mas lalong nagpapahirap
upang marating ko ang dulo. Hindi ma bago sa ating lipunan ang broken family. Sa
katunayan nga ay tanggap na natin ito ngunit mayroon paring ibang bumabatikos
dahil maraming kabataan ang nagpapariwara sa kadahilanang ang kanilang
pamilya ay hindi na buo.
Ang paghihiwalay ng aking ama at ina ay isang karanasang hindi mawawala
sa aking isipan at kalooban. Nahuhusgahan kami dahil sa ginawang kahihiyan ng
aking in ana siyang ugat ng hiwalayan nila ng aking ama. Ang aking mga kapatid
ay naiwan sa aking ina dahil bago pa naghiwalay ang aking magulang ay nakatira
na ako sa aking lola. Hindi rin nagtagal ay namaala ang aming ina dahil sa
aksidente. Dahil sa pangyayaring ito namulat kami ng aking mga kapatid na dapat
ay magkaisa kami dahil kami nalang ang natitira sa aming pamilya. Masasabi
nating hindi nakakabuti sa bawat isa ang broken family sapagkat hindi ito
magiging balanse sa ating lipunang ating ginagalawan. Dahil nga ang pamilya ang
sumasalamin sa kung ano tayo. Subalit higit na kailangan nila ng gabay, pagaaruga
at higit sa lahat ay ang pagtanggap.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang
sa aking pangarap na nais matamo. Anumang buhay mayroon tayo ngayon ay mula
sa poong maykapal. Lahat ng pagsubok ay may nakalaang solusyon. Kaya hindi
dapat ng dahil sa broken family ay matatapos na ang lahat, ngunit dapat ng dahil
dito ay magsisimula ang lahat. Ang pagtanggap, ang pagbuo ng pangarap at ang
pagtagumpay sa buhay. Isipin natin na walang perpektong pamilya at kung naging
masalimot o naging madilim man ang buhay natin sa ngayon ay laging bukas ang
ating pananaw na sa huli ay may nakalaang liwanag para sa atin.
Larawang Sanaysay
Buhay Ngayong Pandemya
Source: CNN Philippines
Ang unang kaso ng Novel Corona Virus ay natagpuan sa Wuhan, China noong
Desyembre 31, 2019.
Source: Inquirer.net
Ang unang kaso ng Novel Corona virus sa Pilipinas ay noong January 30, 2020. Eto ay
isang babaeng Chinese at na confine sa San Lazaro Hospital, Metro Manila.
SCMP.com
Dumami at kumalat ang naging positibo sa virus na COVID-19 kaya naman idineklara ng
pangulo na lockdown sa Metro Manila. Pinagbawalan ang mga tao na magkaroon face to face
contact kaya naman pati ang mga paaralan ay pinasara na rin.
Usnews.com
Weforum.org
Hindi parin maiiwasan ng mga tao na lumabas dahil kailangang nilang mamili ng
kanilang pangangailangan, kaya naman pinatupad ang social distancing sa mga Pilipino upang
maiwasan kasama narin ang paggamit ng face shield at facemask upang maiwasan ang pagkalat
ng COVID-19.
Seanhopps.com
Dahil hindi pwede and face-to-face napagisipan na lamang ng Department of Education
na gawing online ang mga klase. Ito ay ang paggamit ng mga application tulad ng zoom at
Google meet. Mayroon din ang gumagamit ng modular kung saan kukunin nila ito sa paaralan at
sasagutan ito sa kanilang tirahan.
Source: Announcement.ph
Ang iba ay natatakot ng lumabas kaya naman ay mas marami ang gumagamit ng grab o
food panda para sa pagkain at pwede rin ito sa mga grocery.
Source: Wired.com
Hindi na rin maiwasan ng mga tao na mainip sa kanilang tirahan dahil sa sobrang tagal ng
lockdown.
Source: Arabmews.com
pa.
Marami sa atin ang nawalan ng mga trabaho. Isa na rito ang mga fastfood at iba
Source: Gulfnews.com
Ngayon, umabot na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 dito sa pilipinas.
Posisyong Papel
Ang Pagpapatupad nang mas Matagal pang General Community Quarantine
para sa Buong Metro Manila
Ang pagpapaptupad nang mas matagal pang General Community Quarantine ay isang
paraan upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19. Ayon sa Word Health Organization.
Ang mga patak mula sa ubo o pagbahing naglalaman ng virus ay maaaring kumalat sa iba
pang mga ibabaw na nakaugnayan mo at maaaring mabuhay sa iba't ibang mga lugar
hanggang sa tatlong araw. Ang pamimili ng mga trolley, lalagyan ng pagkain at cash ay
maaaring maging pabahay sa virus. Ang mas maraming mga tao na makipag-ugnay sa iyo,
mas mataas ang iyong panganib na magkontrata ng coronavirus. Ayon naman sa balita galling
sa Zimbabwe Independent ay kahit na nabakunahan ka laban sa COVID-19 virus dapat kang
magpatuloy na magsuot ng maskara sa labas ng bahay at panatilihin ang isang pisikal na
distansya na hindi bababa sa isang metro ngunit mas mabuti na dalawang metro mula sa
sinumang nasa labas ng iyong sambahayan, iyon ang sinumang hindi nakatira ang parehong
bahay o patag tulad mo. Ang pagkakaroon ng nabakunahan ay nagbibigay-daan sa iyong
immune system na labanan laban sa virus kapag pumapasok ito sa iyong katawan upang hindi
ka nito mapalusog. Habang nakikipaglaban ito sa virus, maaari mo itong maipasa sa iba.
Ang pagpapahaba pa ng General Community Quarantine sa Manila ay nakaka apekto
sa maraming tao. Marami ang nawawalan ng trabho dahil dito, at nakakaranas ng mga sakit
tulad anxiety at depression. Naapektuhan din nito ang mga pag-aaral ng mga studyante. Ayon
sa GMA News, karamihan ng mga studyante sa public schools ay nakasalalay sa print
modules para sa distance learning. Mahirap ang pagaaral ng mga studyante dahil sap ag
babawal ng face-face dahil limitado ang mgakagamitan ng mga studyante. Ayon sa mga
pagaaral, ang pagpagpapatagal ng Quarantine ay nakakaapekto sa psychological health ng
mga tao. Eto ay dahil sa pagkabigo, pagkainip at pagkawala ng mga trabaho. Sinabi rin sa
Psychiatric Times na ang quarantine ay nakakadagdag sa kalungkutan ng mga tao.
Ang pagpapatupad ng mas matagal pang General Community Quarantine ay isang
magandang desisyon dahil pataas ng pataas ang kaso ng mga positibo sa COVID-19 virus. Ito
ay patuloy na tumataas dahil sa interaksyon ng mga tao kung saan sila ay nagkakahawaan ng
virus na to. Hindi man mawawala ang COVID-19 virus sa quarantine, ito naman ay
makakatulong sa paglimita ng mga nag popositibo dito. Kahit tayo ay nahihirapan kailangan
natin ito para tuluyan ng mawala ang sakit na ito.
Ano ang pinaka nagustuhan mong sulatin?
Sa aking mga ginawang akademikong sulatin, ang aking naibigan ay ang
pagsulat ng Bionote. Ito ang aking naibigan dahil para sakin ito ang pinaka
madaling isulat. Kapag aking binabasa ang akin bionote, nabibigyan ako nito ng
motibasyon na mag-aral ng mabuti upang magkatotoo ang mga sinulat ko rito.
Anong sulatin ang makakatulong sa iyong larangan na napili?
Sa maga akademikong sulatin na aking ginawa, ang makakatulong sa
larangang aking napili ay ang proyektong papel. Ang aking napiling larangan ay
ang larangan ng Civil Engineering kaya naman malaking tulong ang pagsulat ng
proyektong papel dahil akin itong magagamit kapag ako ay nag propose ng mga
proyekto sa aking larangan.