Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman
Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center. Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center.
Udi5nakikilala o natatandaan pang panday ng pamayanan ay sina JulioBuyayo, Gabriel Bungtition at Balajo Pingkihan. 6Mula sa mga inisyal na impormasyong ibinahagi ng mga kasalukuyangpanday ng Mungayang, napadako pa ang pananaliksiksa iba pang mga pandayan sa Balawis, Bissang, Tam-an, Bocos,Ibayong at Pugo na pawang bahagi ng bayan ng Banaue, sa bayanng Hingyon at maging sa Hapao na bahagi ng kasalukuyang bayanng Hungduan. 7 Sa pag-oobserba sa larangan, napunang nagpapatuloypa ang paggamit ng kaalaman bagamat may mga pagbabagonghindi maiiwasan gaya ng introduksiyon ng mga makabagong gamitat ang pagpabor sa produksiyon ng mga bagay na pinapandayna mas madaling ibenta. Mas madali ang produksiyon gamitang makabagong uri ng blower na pinatatakbo ng kuryente. Masmadali namang bumabalik ang puhunan ng mga panday kung angkanilang gagawin ay ang mga itak na madaling ikalakal sa labas ngkanilang pamayanan. Tunay nga na hindi maiiwasan ang ganitonguri ng pakikiangkop sa nagbabagong panahon, at dahil dito, higitna nagiging dinamiko ang paglinang ng taal na kaalaman.Sa kabila ng mga itinuturing ng mga panday na manipestasyonng modernisasyon, may mga nanatili pa ring nagpapahalaga sakaalaman ng pagpapanday sa mas matanda nitong pamamaraan.Karaniwang matatagpuan ang tradisyonal na pandayan sailalim ng bahay ng mga panday. May mga pagkakataon, gaya ngnaobserbahan ng mananaliksik na ito sa Mungayang, Kiangan,Ifugao, na hiwalay na tila bahay ang pandayan. May bubongang istruktura na gawa sa yero subalit walang sahig o dingding.Mayroon lamang piraso ng yero na ginagamit na panangga kungmalakas ang hangin. Ang ilang tradisyonal na pandayan na nakitasa mga bayan ng Banaue at Hungduan sa Ifugao ay gumagamitng dalawang troso na inuka ang gitna bilang bumbong ng bulusan(bellows). May pagkakataong tubo ng PVC ang ginagamit [Tingnanang Larawan 2]. Tatlo hanggang limang talampakan ang habang bumbong. Nakatayo ang dalawang bumbong habang sa dulongbahagi sa ibaba ay may nakadugtong na kawayang may butaspatungo sa panggatong na sinisindihan. Inilalagay sa gitna nguka ng kahoy o kawayan ang isang mahabang hawakan na angdulo ay may bungkos ng tuyong dahon at lumang tela. Kinakailangangakma sa laki ng butas ng bumbong ang bungkos ng dahon o tela.Inilulubog nang halinhinan ang mahabang hawakan upang makalikhaito ng hangin na tuloy-tuloy na magpapa-apoy sa panggatong.
6MUN-UDIIto ang tinatawag na lugalug o opop ng mga Ifugao. Tatlongkatao na magkakamag-anak o kabilang sa iisang sambahayanang kalimitang gumagawa sa tradisyonal na pandayang Ifugao.Isa ang halinhinang nagpapalubog ng panghangin sa bumbong.Isa ang nagpapainit ng bakal sa apoy at isa ang tagapukpok ngpinainitang bakal. Ang tumatayong pinakapanday ang tagapukpokng bakal na siya ring nagbibigay ng atas sa dalawang kasamakung ano ang sapat na ningas at kung ano ang angkop na init ngbakal. Ang panday din ang naglulubog sa tubig para sa tamangpagkakasubó (temper) ng bakal na kanyang pinapanday. Sa kanilangpagtutulungan nakakabuo ng mga mahuhusay na iba’t ibang uri ngitak, sibat at kagamitang pansaka.Sa pag-aaral na ito hinggil sa minanang kaalaman sapagpapanday ng mga Ifugao, inilalatag ang mga batayan at angkasaysayan ng kanilang kaalamang teknikal na isa sa mga bahaging mayamang etno-agham. Sa pamamagitan ng pagbalik sa mgasalaysay kaugnay ng pagpapanday—sa mga dokumento man o samismong ibinahaging karanasan ng mga panday—matutuntonkung paano pinahahalagahan ng lipunan ang panday, angkanyang kaalaman at kasanayan at ang kanyang mga nililikhangkagamitan. 8 Importante ang mga dimensiyong ito ng pananaliksiktungo sa pagbabalangkas ng lente ng pag-unawa sa mga aspekto ngepestimolohiya ng taal na kaalaman.Ang mga Ifugao bilang tagapag-ingat ng kaalamansa pagpapandayPopular na ipinaliliwanag ang pinanggalingan ng salitangIfugao (binabaybay ring Ifugaw at Ipugaw) sa ganitong paraan:ang salitang ugat ay “pugo” (lupa) na nilagyan ng unlaping “I”(taga) kaya’t nangangahulugan itong “tagalupa.” 9 Sa iba’t ibangpanahon, ang mga Ifugao ay ibinibilang sa mapanlahat na katawagangYgorot/Igorot, Ygolote at Ygorrote. 10 Sa kabila nito, sa mgaIfugao mismo ay may mga pagpapangkat-pangkat ayon sa talâng mga misyonerong Espanyol noong ika-19 na dantaon kayanga ipinakilala sila bilang Bungianes (taga-hilagang silangangIfugao), Mayoyao (taga-hilagang silangang Ifugao rin), Silipanes(naninirahan sa timog-silangang Ifugao) at Quianganes (ang mgamatatagpuang pamayanan sa timog-kanlurang Ifugao). 11 Noongika-19 na dantaon din, tinutukoy ang mga pamayanan kung saannaninirahan ang mga Ifugao gaya ng Kiangan, Mayaoyao, Burney,
- Page 1 and 2: MUN-UDIAng Panday na Ifugao bilangT
- Page 3 and 4: NILALAMANPaunang SalitaTalaan ng mg
- Page 5 and 6: 2MUN-UDIng mga Ifugao ay kumbinsido
- Page 7: 4MUN-UDIna sa Barangay Mungayang. A
- Page 11 and 12: 8MUN-UDIMaaaring tingnan sa iba’t
- Page 13 and 14: 10MUN-UDIgrupong etniko sa Cordille
- Page 15 and 16: 12MUN-UDIMaximo Meimban, Historical
- Page 17: 14MUN-UDIPhilippine Journal of Thir
6
MUN-UDI
Ito ang tinatawag na lugalug o opop ng mga Ifugao. Tatlong
katao na magkakamag-anak o kabilang sa iisang sambahayan
ang kalimitang gumagawa sa tradisyonal na pandayang Ifugao.
Isa ang halinhinang nagpapalubog ng panghangin sa bumbong.
Isa ang nagpapainit ng bakal sa apoy at isa ang tagapukpok ng
pinainitang bakal. Ang tumatayong pinakapanday ang tagapukpok
ng bakal na siya ring nagbibigay ng atas sa dalawang kasama
kung ano ang sapat na ningas at kung ano ang angkop na init ng
bakal. Ang panday din ang naglulubog sa tubig para sa tamang
pagkakasubó (temper) ng bakal na kanyang pinapanday. Sa kanilang
pagtutulungan nakakabuo ng mga mahuhusay na iba’t ibang uri ng
itak, sibat at kagamitang pansaka.
Sa pag-aaral na ito hinggil sa minanang kaalaman sa
pagpapanday ng mga Ifugao, inilalatag ang mga batayan at ang
kasaysayan ng kanilang kaalamang teknikal na isa sa mga bahagi
ng mayamang etno-agham. Sa pamamagitan ng pagbalik sa mga
salaysay kaugnay ng pagpapanday—sa mga dokumento man o sa
mismong ibinahaging karanasan ng mga panday—matutunton
kung paano pinahahalagahan ng lipunan ang panday, ang
kanyang kaalaman at kasanayan at ang kanyang mga nililikhang
kagamitan. 8 Importante ang mga dimensiyong ito ng pananaliksik
tungo sa pagbabalangkas ng lente ng pag-unawa sa mga aspekto ng
epestimolohiya ng taal na kaalaman.
Ang mga Ifugao bilang tagapag-ingat ng kaalaman
sa pagpapanday
Popular na ipinaliliwanag ang pinanggalingan ng salitang
Ifugao (binabaybay ring Ifugaw at Ipugaw) sa ganitong paraan:
ang salitang ugat ay “pugo” (lupa) na nilagyan ng unlaping “I”
(taga) kaya’t nangangahulugan itong “tagalupa.” 9 Sa iba’t ibang
panahon, ang mga Ifugao ay ibinibilang sa mapanlahat na katawagang
Ygorot/Igorot, Ygolote at Ygorrote. 10 Sa kabila nito, sa mga
Ifugao mismo ay may mga pagpapangkat-pangkat ayon sa talâ
ng mga misyonerong Espanyol noong ika-19 na dantaon kaya
nga ipinakilala sila bilang Bungianes (taga-hilagang silangang
Ifugao), Mayoyao (taga-hilagang silangang Ifugao rin), Silipanes
(naninirahan sa timog-silangang Ifugao) at Quianganes (ang mga
matatagpuang pamayanan sa timog-kanlurang Ifugao). 11 Noong
ika-19 na dantaon din, tinutukoy ang mga pamayanan kung saan
naninirahan ang mga Ifugao gaya ng Kiangan, Mayaoyao, Burney,