Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman

Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center. Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center.

cordillerastudiescenter3
from cordillerastudiescenter3 More from this publisher
08.10.2020 Views

Udi3tingnan lamang gamit ang lente ng “eksotisismo/pagtuturing nakakaiba.” Para sa pag-aaral na ito, ang pagbalik at pagtatampok sapagpapanday ng mga Ifugao ay pagkilala at muling pagpapakilala(lalo na sa mga hindi kabilang sa pamayanang kultural) ng isanglehitimong kaalaman, kasanayan, sining at bahagi ng pagkakakilanlan.Malaki ang papel na ginagampanan ng mga iskolar sa dokumentasyonng ganitong anyo ng kaalaman. Pagkakataon angpananaliksik na italâ ang mga hindi kalimitang pinapansingbahagi ng kultura. Sa malimit na pagkakataon, may mga bahaging kultura na isinasaisantabi o hindi pinag-uukulan ng pansindahil sa pagiging ordinaryo ng mga ito. Kung napagtutuunan manng pansin ng mga mananaliksik, nagiging mababaw lamang angpag-unawa sa halaga ng isang bahagi ng kultura dahil hindi itotinangkang tingnan mula sa pananaw ng mga mismong nagmamay-aring kalinangan. Bagamat may tendensiyang taglay laging mananaliksik ang kanyang pagkiling at ang paniniwalang“kakaiba” ang kulturang kanyang pinag-aaralan, marapat tingnanang positibong implikasyon ng pananaliksik bilang paghahawan nglandas na maaaring tahakin ng mga susunod pa. Responsibilidadna ng susunod na manananaliksik na itampok, hindi ang mganauna nang paggamit ng lenteng tumitingin sa kung ano ang eksotikoat naiiba, sa halip, ang pagiging likas ng kulturang kanyangpinag-aaralan. Isang direksiyon na dapat isulong ang pagtingin sapagpapanday bilang lehitimong produksiyon at anyo ng kaalamanna pinakikinabangan, pinagyayaman at pinahahalagahan ngnagmamay-ari ritong pamayanan.Ang Asosasyon ng mga Panday ng Mungayangbilang giya sa pananaliksikTuwing Sabado, “araw ng pamamalengke” (market day) sabayan ng Lagawe, ang kasalukuyang kabisera ng lalawigan ngIfugao, isa sa mga interesanteng mabibili ng mga tao ang mgapinanday na kagamitang gaya ng hinalung, pihlit, kutiwong, uwah,kumpay at hanggap. Marami ang tumatangkilik sa produkto ngmga panday gaya ng mga mamimili mula sa mga kalapit na mgabayan ng Bontoc at Sagada hanggang sa mga mangangalakal mulasa kapatagan ng Nueva Viscaya. Sa panimulang pagtatanong samga naglalakong panday, napag-alamang ang mga kalakal nilaay patuloy pa ring ginagawa sa kalapit bayan ng Kiangan, lalo

4MUN-UDIna sa Barangay Mungayang. Aktibo pa ang mga panday rito atsa katunayan ay bumuo pa ng sarili nilang organisasyon upangitaguyod ang kanilang “propesyon.” Mula sa panimulang kaalamangito, nahikayat akong balikan ang batayan at pinagmulanng isang mahabang tradisyon ng pagpapanday ng mga Ifugao nanagpapatuloy at umaayon sa nagbabagong panahon.Bunsod ng mga programang panturismo at sa paglulunsad ngmga ahensiya ng gobyerno ng mga programang may kaugnayan sapagpapaunlad ng industriya ng mga bayan at lungsod sa bansa,nakita ng mga panday na Ifugao ang pangangailangang gamitinang kanilang kinagisnang kaalaman upang mapakinabangan ito.Isa sa mga tinugunan ng mga panday na Ifugao ay ang programang Department of Trade and Industry (DTI) na One Town, OneProduct (OTOP). Ang mga panday ng barangay ay nag-organisanoong 2003 ng kanilang samahan na tinawag nilang Asosasyonng mga Panday ng Mungayang. Narehistro ito sa Securities andExchange Commission noong 2003 (SEC Registration No. CN200306008) at napabilang na mga miyembro sina Johny Dumangeg,Crespillo Baglan, Domingo Dumapi, Rogelio Dumapi, RogelioHabiatan, Peter Dulnuan, Bernardino Batoc, Sr., Paul Dulnuan,Jose Dulnuan, Jose Taguiling, Ruperto Pinkihan, DomingoPinkihan, Silverio Belingon, Eduardo Baglan, Jr., Pablo Batoc,Jr. at Domingo Habiatan. Layunin ng organisasyong paunlarinang industriya ng pagpapanday sa kanilang barangay upang higititong makilala kahit sa labas ng Ifugao lalo na sa pamamagitanng pagdidisplay sa kanilang mga produkto sa mga trade fair. Angorganisasyon din ang tatayong kinatawan upang makipag-ugnaysa pamahalaan sa mga pagkakataong kinakailangan nila ng suportangteknikal at pinansiyal na rin. Layunin din nitong magkaroonng pagtutulungan ang mga panday para sa pagbabahagi ng mgakaalaman at pasilidad nang sa gayo’y marami pa ang mahikayat napag-aralan ito at ipagpatuloy. 5Sa pamamagitan ng samahan ng mga panday, naipagpapatuloyang mahabang tradisyong ito na nakatutulong bilang isa sa mgapinagkukunan ng ikinabubuhay. Ang kaalaman sa pagpapanday saMungayang, batay sa nagugunita ng mga nakatatanda, ay maaaringnagsimula kay Ruperto Dulnuan, Sr. Nagsimulang maging aktibosa pagpapanday si Dulnuan noong panahon ng Hapon (1942-1945)at kalimitang gumagawa ng mga kagamitan sa pagsasaka atpag-aani. Naipasa ito sa kasunod na henerasyon at ilan sa mga

4

MUN-UDI

na sa Barangay Mungayang. Aktibo pa ang mga panday rito at

sa katunayan ay bumuo pa ng sarili nilang organisasyon upang

itaguyod ang kanilang “propesyon.” Mula sa panimulang kaalamang

ito, nahikayat akong balikan ang batayan at pinagmulan

ng isang mahabang tradisyon ng pagpapanday ng mga Ifugao na

nagpapatuloy at umaayon sa nagbabagong panahon.

Bunsod ng mga programang panturismo at sa paglulunsad ng

mga ahensiya ng gobyerno ng mga programang may kaugnayan sa

pagpapaunlad ng industriya ng mga bayan at lungsod sa bansa,

nakita ng mga panday na Ifugao ang pangangailangang gamitin

ang kanilang kinagisnang kaalaman upang mapakinabangan ito.

Isa sa mga tinugunan ng mga panday na Ifugao ay ang programa

ng Department of Trade and Industry (DTI) na One Town, One

Product (OTOP). Ang mga panday ng barangay ay nag-organisa

noong 2003 ng kanilang samahan na tinawag nilang Asosasyon

ng mga Panday ng Mungayang. Narehistro ito sa Securities and

Exchange Commission noong 2003 (SEC Registration No. CN

200306008) at napabilang na mga miyembro sina Johny Dumangeg,

Crespillo Baglan, Domingo Dumapi, Rogelio Dumapi, Rogelio

Habiatan, Peter Dulnuan, Bernardino Batoc, Sr., Paul Dulnuan,

Jose Dulnuan, Jose Taguiling, Ruperto Pinkihan, Domingo

Pinkihan, Silverio Belingon, Eduardo Baglan, Jr., Pablo Batoc,

Jr. at Domingo Habiatan. Layunin ng organisasyong paunlarin

ang industriya ng pagpapanday sa kanilang barangay upang higit

itong makilala kahit sa labas ng Ifugao lalo na sa pamamagitan

ng pagdidisplay sa kanilang mga produkto sa mga trade fair. Ang

organisasyon din ang tatayong kinatawan upang makipag-ugnay

sa pamahalaan sa mga pagkakataong kinakailangan nila ng suportang

teknikal at pinansiyal na rin. Layunin din nitong magkaroon

ng pagtutulungan ang mga panday para sa pagbabahagi ng mga

kaalaman at pasilidad nang sa gayo’y marami pa ang mahikayat na

pag-aralan ito at ipagpatuloy. 5

Sa pamamagitan ng samahan ng mga panday, naipagpapatuloy

ang mahabang tradisyong ito na nakatutulong bilang isa sa mga

pinagkukunan ng ikinabubuhay. Ang kaalaman sa pagpapanday sa

Mungayang, batay sa nagugunita ng mga nakatatanda, ay maaaring

nagsimula kay Ruperto Dulnuan, Sr. Nagsimulang maging aktibo

sa pagpapanday si Dulnuan noong panahon ng Hapon (1942-1945)

at kalimitang gumagawa ng mga kagamitan sa pagsasaka at

pag-aani. Naipasa ito sa kasunod na henerasyon at ilan sa mga

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!