Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman
Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center. Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center.
1Udi: Panimula sa Dokumentasyon ngPagpapanday ng mga IfugaoTumutukoy ang udi sa martilyong ginagamit sa pagpapandayng Ifugao. 1 Kaya, silang mga espesyalista sa paggamit ng udi,ang mga panday, ay tinatawag na mun-udi. Sa hindi nalalayongpanahon, ang udi ay matigas na batong kinukuha ng mga mun-udimula sa ilog upang gamitin sa kanilang pandayan. Nagsisilbi itongpanghugis ng pinaiinitang bakal na pinupukpok hanggang makalikhang iba’t ibang gamit gaya ng itak, sibat, kutsilyong pang-aning palay at iba pa. Maingat na pinipili ng mga panday ang kanilangudi upang pakinabangan ito nang pangmatagalan. Simbolo angudi sa direksiyon ng pag-aaral na ito na naglalayong idokumentoang kaalaman at kasanayan ng mga panday na Ifugao na patuloyna pinagyayaman at pinahahalagahan hanggang sa kasalukuyan.Mula sa perspektiba ng araling pangkasaysayan at pangkalinangan,idinukumento at sinuri ang halaga ng kaalamang teknikalsa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bakal, asero at iba pangmetal ng mga Ifugao, ang isa sa maituturing na may mayamang“taal na agham” sa Cordillera ng hilagang Pilipinas.Kinikilala ang pagpapanday bilang isang kasanayan nanagsisilbing palatandaan ng kanilang husay na umangkop sakapaligiran habang tinutugunan ang bawat pangangailangan parasa pagtatanim, pangangaso, pag-ukit, pakikipagkalakalan, pakikidigmaat maging sa pagpapabatid sa pamayanan ng katayuangpanlipunan ng isang pamilya o angkan. Katulad ng mababatid sakabuuan ng pag-aaral na ito, ang halaga ng panday sa pamumuhayng mga Ifugao ay sinusukat sa mga produktong kanilang ginagawa.Bagamat may mga pagkakataong hinuhusgahan ng ilang mgadayuhang naunang gumawa ng ulat na “hindi maaaring kilalaninbilang sopistikadong kaalaman” ang pagpapanday ng mga Ifugao,kakaiba naman at sa kalakhan ay hindi umaayon ang persepsiyonng mga Kristiyanisadong pamayanan sa patag ukol dito dahil higitnilang tinatangkilik ang mga produkto gaya ng itak na gawa ngmga “taga-kabundukan.” 2 Sa higit na malawak na pananaw, angmga mananaliksik at iskolar na napadako sa mga pamayanan
2MUN-UDIng mga Ifugao ay kumbinsidong kaugnay ng tradisyon sa TimogSilangang Asya ang pagpapanday ng mga Ifugao. Ito ay itinuturingna palatandaan ng mataas na antas ng kalinangang naabot ng mgataong naninirahan sa mga matatandang sentro ng populasyon sarehiyon. Gamit ang teknika ng “bulusang Malayo” (Malay bellows/forge), nakalilikha ng mga pang-araw-araw na gamit mula sa metalang mga panday at dahil dito’y napalagay sila sa impluwensiyal naposisyon sa lipunang kanilang kinabibilangan.Mula pa sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyanhindi iilang iskolar ang nagtuon ng pananaliksik sa pamumuhay,gawi at tradisyon ng mga Ifugao. Ang mga talâng pangkasaysayanat ulat sa anyong etnograpiko ay interesanteng dokumentasyonng pagpapanday bagamat ang dunong na ito ay pahapyaw lamangna nababanggit. 3 Sa katunayan, dahil dala-dala ang pananaw na“eksotiko” o “kakaiba” ang kultura ng mga “taga-bundok” kumparasa mga “taga-patag” o ng mga “Kristiyano” kumpara sa mga“pagano” o ng mga “mananakop” kumpara sa kanilang “sinasakop,”nagiging mapangmaliit ang ilang mga deskripsiyong banyaga satinawag nilang “katutubong kaalaman” ng mga Ifugao at ng mgaPilipino sa kabuuan. 4 Inihihiwalay ito ng mga dayuhan sa kanilangnalalamang “Kanluraning kaalaman.” Kaya nga, nagreresulta angganitong tapatan ng kategorya at label sa nagpapatuloy na pagsasaisantabisa kasanayan at sining ng pagpapanday. Gayunman, sapaglipas ng panahon, may mga pagtatangkang baguhin o ibalingsa ibang direksiyon ang pagkilala sa mga matatandang anyo ngdunong. At dahil marami na rin ang mga mismong Ifugao na iskolarat mananaliksik na naglimbag ng mga akda kaugnay ng kanilangkasaysayan at sistema ng pamumuhay, sa kabila ng pagiging maikling mga pagtalakay, higit ngayong nagiging malalim ang pag-unawasa papel ng panday at pagpapanday. Upang dagdagan ang mgakongkretong pag-aaral sa kasalukuyan gamit ang perspektiba ngmga agham panlipunan lalo na ng kasaysayan at araling pangkalinangan,kinakailangan ang dokumentasyon, pag-uugnay atanalisis sa magkakakawing na aspekto ng paniniwala, teknikal nakaalaman, aktuwal na produksiyon at pagpapahalaga ng lipunansa panday at pagpapanday.Ang dokumentasyon ng taal at minanang kaalaman gaya ngpagpapanday ng mga Ifugao ay kinikilalang isang pagtugon sapangangailangang tanggalin, burahin at iwasto ang dati nangnamamayaning pananaw na ito ay “primitibo/sinauna” at dapat
- Page 1 and 2: MUN-UDIAng Panday na Ifugao bilangT
- Page 3: NILALAMANPaunang SalitaTalaan ng mg
- Page 7 and 8: 4MUN-UDIna sa Barangay Mungayang. A
- Page 9 and 10: 6MUN-UDIIto ang tinatawag na lugalu
- Page 11 and 12: 8MUN-UDIMaaaring tingnan sa iba’t
- Page 13 and 14: 10MUN-UDIgrupong etniko sa Cordille
- Page 15 and 16: 12MUN-UDIMaximo Meimban, Historical
- Page 17: 14MUN-UDIPhilippine Journal of Thir
2
MUN-UDI
ng mga Ifugao ay kumbinsidong kaugnay ng tradisyon sa Timog
Silangang Asya ang pagpapanday ng mga Ifugao. Ito ay itinuturing
na palatandaan ng mataas na antas ng kalinangang naabot ng mga
taong naninirahan sa mga matatandang sentro ng populasyon sa
rehiyon. Gamit ang teknika ng “bulusang Malayo” (Malay bellows/
forge), nakalilikha ng mga pang-araw-araw na gamit mula sa metal
ang mga panday at dahil dito’y napalagay sila sa impluwensiyal na
posisyon sa lipunang kanilang kinabibilangan.
Mula pa sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa kasalukuyan
hindi iilang iskolar ang nagtuon ng pananaliksik sa pamumuhay,
gawi at tradisyon ng mga Ifugao. Ang mga talâng pangkasaysayan
at ulat sa anyong etnograpiko ay interesanteng dokumentasyon
ng pagpapanday bagamat ang dunong na ito ay pahapyaw lamang
na nababanggit. 3 Sa katunayan, dahil dala-dala ang pananaw na
“eksotiko” o “kakaiba” ang kultura ng mga “taga-bundok” kumpara
sa mga “taga-patag” o ng mga “Kristiyano” kumpara sa mga
“pagano” o ng mga “mananakop” kumpara sa kanilang “sinasakop,”
nagiging mapangmaliit ang ilang mga deskripsiyong banyaga sa
tinawag nilang “katutubong kaalaman” ng mga Ifugao at ng mga
Pilipino sa kabuuan. 4 Inihihiwalay ito ng mga dayuhan sa kanilang
nalalamang “Kanluraning kaalaman.” Kaya nga, nagreresulta ang
ganitong tapatan ng kategorya at label sa nagpapatuloy na pagsasaisantabi
sa kasanayan at sining ng pagpapanday. Gayunman, sa
paglipas ng panahon, may mga pagtatangkang baguhin o ibaling
sa ibang direksiyon ang pagkilala sa mga matatandang anyo ng
dunong. At dahil marami na rin ang mga mismong Ifugao na iskolar
at mananaliksik na naglimbag ng mga akda kaugnay ng kanilang
kasaysayan at sistema ng pamumuhay, sa kabila ng pagiging maikli
ng mga pagtalakay, higit ngayong nagiging malalim ang pag-unawa
sa papel ng panday at pagpapanday. Upang dagdagan ang mga
kongkretong pag-aaral sa kasalukuyan gamit ang perspektiba ng
mga agham panlipunan lalo na ng kasaysayan at araling pangkalinangan,
kinakailangan ang dokumentasyon, pag-uugnay at
analisis sa magkakakawing na aspekto ng paniniwala, teknikal na
kaalaman, aktuwal na produksiyon at pagpapahalaga ng lipunan
sa panday at pagpapanday.
Ang dokumentasyon ng taal at minanang kaalaman gaya ng
pagpapanday ng mga Ifugao ay kinikilalang isang pagtugon sa
pangangailangang tanggalin, burahin at iwasto ang dati nang
namamayaning pananaw na ito ay “primitibo/sinauna” at dapat