Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman
Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center. Ubaldo, Lars Raymund C. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na Kaalaman. Baguio: Cordillera Studies Center.
Udi9Mapa 1. Ang lalawigan ng Ifugao
10MUN-UDIgrupong etniko sa Cordillera kung paghahambing-hambinginang mga salaysay ng mga dayuhang nag-ulat ng kanilang mganasaksihan.Nakatuon naman sa mismong tradisyon ng pagpapanday ngmga Ifugao ang ikatlong bahagi. Ang pag-uugat ng tradisyon ngpagpapanday batay sa mga mitolohiyang panritwal at popular nakuwento/pasalitang tradisyon ay mahalagang batayang pagtalakaysa bahaging ito sapagkat laging sinasalungguhitan ng mga Ifugaona may kinalaman sa kanilang sinaunang pananampalataya atsistema ng kapaniwalaan ang anumang bagay na nalalaman nilangayon gaya ng pagpapanday. Kinikilala ng mga Ifugao na ipinagkaloobng mga anito o kaluluwa ng mga ninuno ang minanangkaalaman. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ritwal,ang mga kaalamang ito ay naililipat sa kasunod na henerasyon.Itinatampok din sa pagtalakay sa bahaging ito ang Sapao (Hapao)na may reputasyon bilang sentro ng “gawaing industriyal” dahilkilala sa pagpapanday sa buong Ifugao. At gaya ng binalikan sabuong Pilipinas at maging sa Cordillera, salig din ang kaalaman sapagpapanday ng mga Ifugao sa teknikang gumagamit ng bulusangMalayo. Sa bahaging ito, tinipon din ang mga katagang Ifugao namay kinalaman sa pagpapanday at sa kanilang mga likha mulasa mga diksiyunaryo at sa pakikipanayam sa mga panday. Hindimatatawaran ang halaga ng wika sa bahaging ito ng pag-aaralpara maunawaan ang teknikal na aspekto ng pagpapanday. At sapamamagitan din ng pagtitipon ng mga katagang may kinalamansa kaalaman, mabubuksan ang posibilidad na maiugnay din sa ibapang pangkating pangkalinangan sa Pilipinas ang pagpapanday ngmga Ifugao. Para higit na maging malalim ang kabatiran ukol sakasanayan at kaalaman sa pagpapanday ng mga Ifugao, inilaan angkarugtong na bahagi sa imbentaryo ng mga kagamitang pinandayng mga Ifugao kalakip ang mga ilustrasyon ng mga itak, kagamitangpansaka at pag-ukit at mga sibat.Ang ikaapat na bahagi ay ang mga tinipong salaysay mula samitolohiya at pasalitang tradisyon ng mga Ifugao na kakikitaanng pagkilala sa kaalaman ng mga panday sa pamamagitan ngpagpapahalaga sa kanilang likha. Ang silbi ng mga panday salipunan ay pinatitingkad ng paggamit sa kanilang produkto mulanoon hanggang ngayon, sa pakikidigma, sa pakikipagkalakalan, sapagtatanim, sa mga ritwal at maging sa pagpapamana ng pagkakakilanlan.Dahil dito, hindi nga nakapagtatakang nagpapatuloy
- Page 1 and 2: MUN-UDIAng Panday na Ifugao bilangT
- Page 3 and 4: NILALAMANPaunang SalitaTalaan ng mg
- Page 5 and 6: 2MUN-UDIng mga Ifugao ay kumbinsido
- Page 7 and 8: 4MUN-UDIna sa Barangay Mungayang. A
- Page 9 and 10: 6MUN-UDIIto ang tinatawag na lugalu
- Page 11: 8MUN-UDIMaaaring tingnan sa iba’t
- Page 15 and 16: 12MUN-UDIMaximo Meimban, Historical
- Page 17: 14MUN-UDIPhilippine Journal of Thir
10
MUN-UDI
grupong etniko sa Cordillera kung paghahambing-hambingin
ang mga salaysay ng mga dayuhang nag-ulat ng kanilang mga
nasaksihan.
Nakatuon naman sa mismong tradisyon ng pagpapanday ng
mga Ifugao ang ikatlong bahagi. Ang pag-uugat ng tradisyon ng
pagpapanday batay sa mga mitolohiyang panritwal at popular na
kuwento/pasalitang tradisyon ay mahalagang batayang pagtalakay
sa bahaging ito sapagkat laging sinasalungguhitan ng mga Ifugao
na may kinalaman sa kanilang sinaunang pananampalataya at
sistema ng kapaniwalaan ang anumang bagay na nalalaman nila
ngayon gaya ng pagpapanday. Kinikilala ng mga Ifugao na ipinagkaloob
ng mga anito o kaluluwa ng mga ninuno ang minanang
kaalaman. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ritwal,
ang mga kaalamang ito ay naililipat sa kasunod na henerasyon.
Itinatampok din sa pagtalakay sa bahaging ito ang Sapao (Hapao)
na may reputasyon bilang sentro ng “gawaing industriyal” dahil
kilala sa pagpapanday sa buong Ifugao. At gaya ng binalikan sa
buong Pilipinas at maging sa Cordillera, salig din ang kaalaman sa
pagpapanday ng mga Ifugao sa teknikang gumagamit ng bulusang
Malayo. Sa bahaging ito, tinipon din ang mga katagang Ifugao na
may kinalaman sa pagpapanday at sa kanilang mga likha mula
sa mga diksiyunaryo at sa pakikipanayam sa mga panday. Hindi
matatawaran ang halaga ng wika sa bahaging ito ng pag-aaral
para maunawaan ang teknikal na aspekto ng pagpapanday. At sa
pamamagitan din ng pagtitipon ng mga katagang may kinalaman
sa kaalaman, mabubuksan ang posibilidad na maiugnay din sa iba
pang pangkating pangkalinangan sa Pilipinas ang pagpapanday ng
mga Ifugao. Para higit na maging malalim ang kabatiran ukol sa
kasanayan at kaalaman sa pagpapanday ng mga Ifugao, inilaan ang
karugtong na bahagi sa imbentaryo ng mga kagamitang pinanday
ng mga Ifugao kalakip ang mga ilustrasyon ng mga itak, kagamitang
pansaka at pag-ukit at mga sibat.
Ang ikaapat na bahagi ay ang mga tinipong salaysay mula sa
mitolohiya at pasalitang tradisyon ng mga Ifugao na kakikitaan
ng pagkilala sa kaalaman ng mga panday sa pamamagitan ng
pagpapahalaga sa kanilang likha. Ang silbi ng mga panday sa
lipunan ay pinatitingkad ng paggamit sa kanilang produkto mula
noon hanggang ngayon, sa pakikidigma, sa pakikipagkalakalan, sa
pagtatanim, sa mga ritwal at maging sa pagpapamana ng pagkakakilanlan.
Dahil dito, hindi nga nakapagtatakang nagpapatuloy