Edisyong Pang-edukasyon
Vs430
Vs430
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Anim na susing pamamaraan para magawa ninyo

ang naiiba para sa inyong anak at paaralan

Ang mga pagbabago sa edukasyon katulad ng Local Control Funding Formula (LCFF) pati na rin ang bagong

patakaraan ng estado at mga pagsusuri ay nagbibigay ng bagong siglo kung saan ang magulang at pamilyang

kasali ay mas mahalaga kaysa noon. Kayo ay may pwesto sa mesa kapag may mga desisyon na dapat gawin

para sa paaralan ng inyong anal at ang distrito ng paaralan. Narito ang anim na pamamaraan* para kayo ay

makasali at makagawa ng magandang pagbabago para sa inyong anak at paaralan:

1

Pagpapakita

ng pagiging magulang sa

positibong pamamaraan at suporta sa pagaaral

sa loob ng tahanan.

Makagawa ng epektibong kasanayan bilang magulang at

hanapin ang mas mabuting paraan para maintindihan ang

pag-unlad ng bata at kabataan. Magtayo ng tahanang

susuporta sa pag-aaral katulad ng paglalagay ng tahimik na

lugar upang makagawa ng takdang-aralin, isang regular na

oras para mag-aral. Alamin ang patakaran ng guro

pagdating sa takdang-aralin at paano matitignan at

mapaguusapan ang mga gawaing pampaaralan sa tahanan.

Makipag-usap sa inyong anak tungkol sa kanilang

pagpasok sa kolehiyo at pagtratrabaho.

2

Alamin

pa ang tungkol sa paaralan ng

inyong anak at makipag-usap sa mga

tagapagturo.

Dumalo sa parent-teacher conferences at mga kaganapan

sa paaralan ng inyong anak. Alamin kung paano

makakakuha ng mga serbisyong magsasalin sa inyong

wika. Magbigay ng oras para magbasa ng mga newsletters,

mga abiso, at memo na galing sa paaralan. Magtanong sa

inyong paaralan kung inaalok ang PTA ng California State

School Smart Parenting Engagement Program at, kung

hindi, magtanong kung paano ito maaring dalhin sa

paaralan ng inyong komunidad.

4 PTA in California • 2015